Unexpectedly (One Shot)

By les_109

1K 27 7

More

Unexpectedly (One Shot)

1K 27 7
By les_109

As one of the famous quote says “EXPECT THE UNEXPECTED”, di natin malalaman kung ano ang naghihintay sa atin bukas, sa makawala o sa forever? Pero sabi naman sa atin ng mga magulang natin kailangan planuhin at paghandaan natin ang kinabukasan. Pero paano ka maghahanda if you don’t know what’s in store for us?

KIM’S POV

I’m currently sitting on my favorite milk tea house across my school. Nakadalawa na ata ako ng paborito kong salted wintermelon milk tea pero wala pa rin yun hinihintay ko.

“Ma’am mukhang late na naman si sir ah!” biro sa akin ng staff dito sa tinatambayan ko. 4th year student na ako ng Philippine School of Interior Design so medyo matagal tagal na rin ako tambay dito sa tindahan nila habang naghihintay ng sundo ko kaya malamang kilala na nila ako. Nginitian ko lang siya bilang sagot ayaw ko naman maging rude kahit na medyo bad trip na ako.

Binaling ko nalang ang attensyon ko sa malaking bintana sa harap ko, kulang nalang bilangin ko na ang mga sasakyan na dumadaan sa harap ko, at atleast speaking of the devil nakita ko na ang kanyang itim na Elantra na nagpapark. Inirapan ko naman siya ng kumaway siya sa akin pagbaba ng sasakyan.

Pagpasok niya umupo lang siya sa tabi ko, hindi nagsasalita, mukhang guilty ata ang mokong. Well dalawang oras lang naman siyang late sa usapan namen.

“Kim, sorry nagkaemergency meeting kasi ang man-com eh.  Nagtext naman ako diba?” malumanay niya naman pag-amo sa akin

Napailing nalang ako. “nagtext ka? Oo nga eto sabi sa text mo “Babe, may emergency meeting kami. Pero saglit lang malate lang ako ng konti hintayin mo ako” Xi, dalawang oras? Saglit lang ba yun?” medyo naiinis ko ng tanong sa kanya

“Di ko naman inexpect na tatagal ng ganun eh”sinabayan niya pa ng pagkakamot ng batok. Napatitig lang ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magiging busy. Ikaw ba naman ang maging supervisor ng Trust group ng isa sa mga pinakamalaking international bank sa Pilipinas. Three months pa lang siya napromote sa posisyon na yun. Masyado naman kasi magaling tong boyfriend ko, siya na ata isa sa pinakabatang supervisor ng isang trust group dito sa Pilipinas, and I’m very proud of him for that but on the other hand simula nahawakan niya yun posisyon nay un unti unti na kami nawawalan ng oras sa isa’t isa.

“di mo inexpect? Eh halos linggo linggo na nangyayari yun? Xi, ang lapit lang ng tinitirahan natin condo dito. Isang taxi ko lang makakauwi na ako. Ikaw naman mas lalong malapit ka na you don’t have to drive all the way here”  paliwanag ko naman sa kanya. It’s just a less than 15 mins ride from my school to our place, sadayang may pagka-overprotective lang talaga tong boyfriend ko.

“Kim, napagusapan na natin to diba?” bigla naman siya naging seryoso. “tara na uwi na tayo, gusto mo ba kumain sa labas?” pagiiba niya naman sa usapan

“hindi na, marami pa ako kailangan gawin na plates eh.” sagot ko naman agad, di na ako makikipagtalo dahil alam ko di naman ako mananalo pagdating sa usapan na yun.

Tinulungan niya naman ako bitbitin ang mga gamit ko. Bakit ko ba naisipan maging isang Interior Designer? Puyat ka na gabi gabi sa paghahabol mo sa plate idagdag ko pa ang napakarami kong gamit sa pagpasok at paguwi nakaka walang poise na, ang sagot nga sa akin ng nanay ko ginusto mo yan pangatawan mo yan.

Pagkapark niya sa sasakyan ay agad na rin naman kami umakyat. I stay on the 7th floor siya naman sa 10th floor. “una ka na sa unit mo, susunod na lang ako iwan ko lang mga gamit ko” nakangiti niya naman utos sa akin pero inirapan ko pa rin siya. Naiinis pa rin ako eh.

XIAN’S POV

Late na nanaman ako, hindi ko naman masisi si Kim kung magalit siya sa akin. Pero hindi ko naman talaga pwede iditch lang yun meeting na yun. Kailangan ko yun, kailangan namen yun. Ayaw ko rin naman na pinaghihintay si Kim ng matagal but after that one incident sa paguwi niya mag-isa na muntik na siyang mapahamak, NO I swear to myself never ko na siya papasakayin ng taxi mag-isa. Overprotective na kung overprotective pero mas mabuti na nag-iingat.

Pagdating ko sa loob ng unit ko inilapag ko lahat ng gamit ko sa sofa ko. Pumasok ako sa kwarto ko para magbihis ng mas komportableng damit. Nagorder na rin ako mula sa paborito namen restaurant para sa dinner namen. Nang nasigurado ko ng nalock ko na ang pinto ko dumeretso na ako sa unit ni Kim. Hindi ko na kailangan magdoorbell. Dahil I have a key to her unit and ofcourse she has mine. Bakit namen ginawa yun?

We have been together for 4 years now. First year college student palang siya nun at first year ko din yun sa bankong pinagtratrabahuhan ko ngayon. We met on a social bar in BGC, dun kasi nag frosh party ang block nila, then because of common friends nagkakilala kami and then we just clicked.  Parehas demanding ang pag-aaral niya at ang trabaho ko but we made sure we have time for each other. Just recently ng mapromote ako medyo nawalan ako ng control sa oras ko. Pero yun kasi muna ang kailangan, temporary lang naman to. Sana maintindihan niya.

Pagpasok ko sa unit niya ay nakita ko siya, sa sofa niya. Tulog na naman. Napabuntong hininga naman ako, siguradong puyat na naman to. Nilapitan ko siya dahan dahan para buhatin at ilipat sa kwarto, pero bubuhatin ko pa lang siya nagising ito bigla.

“sorry nakatulog pala ako” agad niya din naman bangon. I smiled on her at tinabihan ko siya sa sofa niya. Yumakap naman siya sa akin and snuggled closer to me

“ginawa mo na naman ako giant unan” biro ko sa kanya “kung inaantok ka pa, pumasok ka na muna sa kwarto tawagin nalang kita pag dumating na yun pagkain” sabi ko sa kanya while playing with her hair. Umiling naman siya bago nagsalita “dito lang ako namiss kita eh”

I kissed her temple. “namiss din kita” sagot ko sa kanya at hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Buong week kasi ako halos araw araw nagOOT sa office, siya naman nagOOT sa bahay ng mga plates niya. Sa cellphone lang kami nagkakausap minsan nga sa text na lang. Buti na lang weekend na.

Speaking of cellphone bigla nagring ang cellphone ko. Ng makita ko sa assistant supervisor ko ito galing ayaw ko na sana sagutin kung pwede lang nga sana.

“ha? Diba finanilize na natin yan kanina? Bakit may pagbabago na naman?”sagot ko sa kanya. My hands still not letting Kim go. “Pero Saturday bukas……..sige sige 10 am I want everyone around ok? Ikaw na makipagcoordinate sa kanila” frustrated kong sagot sa kanila at binaba ang tawag. Itinabi ko naman ang cellphone sa side table at napatingin kay Kim.

“sorry for that” kamot ulo kong paliwanag sa kanya. Kumawala siya sa pagyakap sa akin at kung di ako nagkakamali nalungkot siya. Usapan kasi namen tuwing Saturdays no work allowed. At pangatlong beses ko na ata maviviolate tong rule na to. Magpapaliwanag palang sana ako ng biglang nagdoorbell, pagkain na siguro namen to.

“ihanda mo na muna ang pagkain, may gagawin lang ako sa loob ng kwarto saglit” paalam niya naman sa akin at tumango lang ako. Sabi nga nila don’t add fuel to the fire.

KIM’S POV

Sa lahat lahat ng Sabado bakit bukas pa? Nakalimutan niya ba o sadyang napakaimportante lang nun gagawin nila? Birthday ni mama bukas tagal na namen pinlano na uuwi kami.  Sa inis ko tumawag ako kay kuya Dustin, ang family driver namen.

“Opo, Kuya Dustin mga 9am po sunduin niyo ako dito. Dadaanan ko yun cake tapos sabay na tayo umuwi ng Pampangga….may biglaan meeting po kasi si Xian eh di siya makakasama..sige po salamat po” sunod sunod ko naman paliwanag sa driver namen. Kita mo pati driver namen inexpect na pupunta siya.

Kumatok si Xian kaya lumabas na ako. Habang kumakain tahimik lang ako at napansin naman ni Xian yun dahil ilan beses niya ako tinanong kung ok lang ako. Dinahilan ko na lang na pagod ako at inaantok. Mukhang di niya naman kasi talaga naalala. Tapos na kami kumain di ko pa rin siya iniimik. Naghuhugas ako ng pinggan ng bigla siya yumakap mula sa likod.

“Babe, galit ka pa rin ba tungkol sa kanina?” malambing niyang tanong pero parang mas lalo lang ako nainis

“hindi” maikli kong sagot

“eh bakit ganyan ka?” tanong niya naman sa he nuzzled his head to my neck

“Xian, naghuhugas ako ng plato pwede wag ka makulit dyan” saway ko sa kanya nadidistract ako at wala ako sa mood makipaglambingan sa kanya.

Binitiwan niya naman ako at tinulungan na lang ako sa pagaayos ng mga pinagkainan. “pwede ba ako magstay dito ngayon?” paalam niya naman sa akin. Normal na sa amin yun minsan minsan pagovernight.

“maaga ako aalis bukas” sagot ko naman sa kanya. Sana naman maalala niya na

“ha? Bakit?” gulat niya pang tanong

Lalo ako nainis dahil nakalimutan niya nga talaga “ah kasi po birthday po ni mama bukas, kaya uuwi sana tayo ay mali ako na lang pala ng Pampangga. Pipickup-in ko pa yun cake ni mama then dederecho na ako dun.” Sarcastic ko naman sagot sa kanya. Nakakainis na talaga.  Sasagot palang sana siya ng inunahan ko na siya. “tinawagan ko na si Kuya Dustin nagpasundo na ako, kung ayaw mo maniwala eto number niya tawagan mo” inilapag ko ang isang maliit na papel sa harap niya at iniwan siya sa kusina.

I didn’t want to do that to him, yun ipamukha sa kanya na minsan OA na ang pagiging overprotective niya dahil alam ko naman dahilan bakit bigla siya nagkaganun, at higit sa lahat di naman yun ang issue ngayon. Naiinis lang talaga ako sa kanya. Pumasok ako sa kwarto ko at naglock. Maybe that answers his question kung pwede ba siya magstay ngayon.

Di na naman siya nangulit after that. Pag alam niya kasi siya ang mali di niya na ipipilit ganun siyang klaseng tao, isa yun sa mga nagustuhan ko sa kanya.  Wala na ako narinig sa kanya buong gabi hangga’t sa ng patulog na ako bigla siya nagtext.

“Babe, alam kong wala naman magagawa ang sorry ko kaya di ko na sasabihin yun, di na rin ako magkaila it really slipped out of my mind but believe me I didn’t do that on purpose. We just really can’t afford to lose this deal.. Susubukan kong humabol, ingat ka sa byahe mo at balitaan mo ako pagnakarating ka na. Good night! Love you….”

Itinabi ko ang cellphone ko, hindi ko dedeny medyo nabawasan ang inis ko sa kanya ng konti pagkabasa ko sa text niyang yun. Bakit? Hindi ko din alam.

 XIAN’S POV

Oo nga pala birthday ni tita Anne bukas. Shiizzz yari na naman ako nito. I tried calling my colleagues kung pwede magawan ng paraan pero di talaga kaya. Sa totoo lang this is a matter of life and death for the group, pag maapprove to malaking ginhawa ang madadala pero pag mareject to marami matatanggal sa pwesto. Kay asana matapos na to dahil pag maging successful to, I can promise Kim na mababalik na ang oras ko…

I pulled out some documents from my bag para inspecting to ang mga kailangan pang ayusin. I’ll try my best para makahabol…sana lang nga umabot..Nakatulog na ako sa pagaayos ng mga gamit ko, at napabalikwas ng gising ng nag-alarm ang phone ko. Maabutan ko pa si Kim. Agad agad din ako naghilamos, nagbihis at bumaba.

“Babe!” tawag ko sa kanya ng makita ko siya palabas ng kwarto.

Tinignan niya ako pero di niya ako pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad papunta sa elevator. “samahan na kita magpick-up ng cake?” alok ko naman sa kanya. Pero di niya pa rin ako pinansin.

Sinundan ko lang siya pababa at nakita ko nakapark na ang Honda Civic nila at si Kuya Dustin nagaabang na rin sa kanya. Nakipagkamay ako kay Kuya Dustin.

“Kuya tara alis na tayo” cold naman na utos ni Kim at sumakay sa sasakyan. “LQ na naman kayo?” tanong ni Kuya Dustin sa akin.

“hindi naman..medyo may di lang pagkakaintindihan” sagot ko naman sa kanya. Pero LQ nga din yun.

“nagpapasundo lang naman tong alagang ko to pag LQ kayo eh..tsss..ikaw ah napapadalas ata ang pag-aaway niyo. May lakad ka daw ngayon? Birthday ng mama niya ngayon ah” tila sermon naman ni Kuya Dustin sa akin

Hindi na ako nakasagot kasi binuksan ni Kim ang bintana at pinasakay si Kuya Dustin sa sasakyan. Nabuhayan naman ako ng loob ng tinawag niya ako agad agad din naman ako lumapit.

“wag ka na sumama, maghanda ka na lang sa meeting mo. Importante yun diba?” sabi niya sa akin. Bakit parang nanakot na hindi ko maintindihan ang tono niya. Pero nagulat ako sa ginawa niya bago niya sinara ang bintana. “papasok ka ang gulo gulo ng damit mo” sermon niya habang inayos ang kwelyo kong di ko pala naibaba. Nang maayos sinara niya ang bintana at umalis na sila.

Wala na rin ako nagawa bumaba na ako sa parking lot para kunin ang sasakyan ko at dumerecho na lang sa office.

KIM’S POV

“Happy Birthday Ma!!!” bati ko agad sa mommy ko pagbaba ko palang ng sasakyan. Niyakap ko agad siya at hinalikan niya naman ako.

“Kim!! Kamusta byahe di ka naman natraffic?” kamusta naman ni mommy sa akin na tila may sinisilip sa likod ko

“Ok naman, Ma wag mo na hanapin ang paborito mong anak wala siya di nakasama” sagot ko naman at alam kong si Xian ang hinahanap niya. Paborito niya yun eh paano mula dati pangarap niya magka-anak na lalaki

“bakit naman?”malungkot na tanong ni Mommy sa akin

“may emergency meeting eh” sagot ko naman ayaw ko ipahalata sa kanya na galit ako sa kanya

“pero sabado ngayon ah??” nagtatakang tanong ni Mommy

“I know Ma” dismayado ko naman sagot “hayaan na natin siya Ma, tara pasok na tayo sa loob” pagiiba ko naman sa usapan.

Nagsidatingan na ang mga bisita ni Mama. Si Papa naman nasa kusina naghahanda pa rin ng mga pagkain. Chef kasi si daddy at gusto niya siya ang personal na magluto para sa kanya. Ang sweet lang.

“Oh Anne! Wala ata ang gwapong manugang mo??” tanong ni Tita Andrea nakakarating lang at si Xian agad ang hinanap. Isa pa pala yun crowd favorite ang dakila kong boyfriend.

“ayyy may emergency meeting daw kasi…alam mo na big time na eh” proud naman na sabi ni Mommy at nagtsismisan na silang dalawa.

Halos patapos na ang party pero wala pa rin text man lang o tawag mula kay Xian. Akala ko ba hahabol siya? Speaking of the devil tumawag na ata kay Mama.

“Xian buti naman tumawag ka! Salamat salamat!...ano ka ba wag ka na magsorry alam ko naman importante din yan…so kamusta ang naging resulta?....mabuti naman kung ganun!” tuwang tuwa naman na pakikipagkwentuhan ni mama. Nakatingin lang ako sa kanya.

“nako anak wag ka na humabol dito. ok lang talaga. Pagod ka na wag ka na sumadya dito mahaba ang byahe…sige na anak ingat ka dyan lagi ah….love you too” tuloy naman nila na pagkwekwentuhan.

Natapos na ang party at nagliligpit na ang lahat. Nakaupo lang ako sa bench sa labas ng bahay namen. Nagmumuni-muni. Nilapitan naman ako ni mama.

“oh Kim! Kanina ko pa napapansin na tahimik ka? Dahil ba yan sa di nakapunta si Xian?”tanong ni Mommy sa akin. Alam na alam niya talaga pag may dinadamdam ako

Wala naman dahilan para magsinungaling ako kaya tumango lang ako. Natawa naman si mommy sa akin “Kim, wag mo nang isipin yun. Minsan may mga bagay lang talaga na kailangan bigyan importansya din”paliwanag niya sa akin

“pero Ma..”katwiran ko “hindi naman ito ang first time eh. Simula naging supervisor siya lagi nalang siyang late sa mga date namen. Tapos napapadalas na rin ang pagcancel o pagresched namen sa date namen. Tapos ngayon birthday mo, Ma hindi lang siya dahil may meeting kaya di nakapunta nakalimutan niya Ma!” tuloy tuloy ko naman na explain kay mama

“Kim, you have to face the truth that hindi lang sayo o sa atin umiikot ang buhay ng mga lalaki. Minsan may mga priorities din sila. Pag nalalate siya nagsasabi naman siya diba? Pagnagcacancel siya o nagreresched tinatanong ka nya kung ok lang diba? At yun meeting niya ngayon, inexplain niya sa akin. Maraming trabaho ng tao ang nakasalalay dun kaya di pwede basta basta bitawan at iwanan.” Explain din naman ni Mama sa akin “at isa pa, para sa kinabukasan niyo din naman kaya siya nagtratrabaho” nakangiti niya pang dagdag

“Pero Ma hindi siya dati ganyan, kahit gaano pa siya kabusy he always find ways. Tapos ngayon di ko lang siya pinansin kanina umaga wala na siya paramdam totally, buti nga ikaw tinawagan ka pa niya eh. ayaw ko man aminin pero feel ko nagbago na siya. Hindi kaya nagsawa na siya sa akin? Hindi kaya may ibang babae siya? Hindi kaya…” di ko napansin nagiging hysterical na ata ako hanggang pinigilan ako ni mommy

“Iha, may tiwala ka naman sa kanya diba?” Tumango ako “ikaw ba nagsasawa na sa kanya?” Umiling naman ako “pinaparamdam niya ba sayo na ayaw niya na sayo?” umiling ulit ako “hindi mo na ba nararamdaman na mahal ka niya?” umiling pa rin ako. “Mahal na mahal mo siya diba?” Tumango ako.

“Ma naman eh!” reklamo ko naman ng mapansin ko ang ginagawa ni mama at nginitian niya ako. “Relax lang kasi, minsan may mga dahilan lang talaga ang mga lalaki kung bakit bigla sila nagiging busy. Alam mo ba yan daddy mo bago kami ikasal niyan halos 6 na buwan niya ako inichapwera. Buti nga ikaw nakikita mo pa siya, nakakausap, hatid sundo ka pa! eh ako?  Now you see him now you don’t. Yan na yan din nararamdaman ko nun pero dahil may tiwala ako sa kanya kinaya ko. Alam mo bakit siya nag AWOL? Para sa restaurant natin. See may rason ang bawat bagay na ginagawa natin”

“salamat Ma!” yakap ko sa mommy ko kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Kinuha na ni Kuya Dustin ang sasakyan dahil kailangan ko na umuwi.

“sigurado ka na ayaw mo dito nalang magpalipas ng gabi?” tanong ni Mommy sa akin

“Ma gusto ko sana kaso marami pa ako plates na kailangan gawin. Alam mo na dalawang buwan nalang deadline na ng final requirement namen for the course.” Explain ko kay mommy. Thesis ko yun at two months na lang graduate na ako.

“oo nga pala malapit na pala kami magkaInterior Designer” tuwag tuwa naman na sabi ni Mommy “sige kung mapilit ka eh. magingat kayo dustin sa daan ah” utos niya kay Kuya Dustin. Pumasok ako saglit para magpaalam kay daddy paglabas ko nagulat naman ako kung sino ang dumating.

XIAN’S POV

“Xian! sabi ko naman sayo wag ka na humabol dito eh! Kumain ka na ba?” bati naman agad ni Tita Anne sa akin ng nakita niya ako bumaba mula sa sasakyan ko

“Ma, pwede ba naman hindi ako humabol sa birthday niyo? Kahit tapos na ang party kailangan personal ko pa rin na maiabot tong regalo ko” sabay abot sa regaling hinanda ko sa kanya.

Tsaka ko lang napansin na nakatayo pala si Kim sa pinto. Mukhang inis pa rin siya sa akin dahil nakasimangot pa rin to. “Kuya Dustin tara alis na tayo”

“Di na Kuya Dustin, ako na bahala kay Kim” pigil ko naman agad kay Kuya Dustin. Napatingin ako sa kanya. “pumunta lang naman ako dito para dalhin tong regalo ni Tita Anne at para sunduin ka.”

Parang may malalim siya iniisip akala ko magagalit lalo pero mukhang nagbago ata ang isip niya “Sige na Kuya Dustin ibalik mo na muna sasakyan sa garahe. Tapos pagkatapos paki-park na rin muna tong sasakyan na to sa loob” kinuha niya pa sa akin ang susi ko.

“akala ko ba anak kailangan mong umuwi dahil marami ka pa kailangan gawin?” tanong ni Tita Anne, teka ako lang ba ang nakakapansin na parang ang saya ni Tita Anne

“oo nga Kim, diba deadline niyo na?” tanong ko naman sa kanya. Alam ko deadline na ng thesis niya kaya nga halos di na siya matulog araw araw eh

“tara na pasok na tayo sa loob. Kanina ka pa kumain siguradong gutom ka na, oras na ng hapunan oh.” Di ko naman inexpect na yun ang sasabihin niya kaya nagulat ako at di nakagalaw agad. Napangiti naman ako ng naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok.

Pagkatapos kumain ay nakatambay lang kaming lahat sa sala. Si Tito Joel nanunuod ng PBA niya habang si Tita Anne naman nakikiagaw sa kanya ng tv. Kami naman ni Kim kumakain lang ng prutas. Ito na ata ang magandang timing.

“Tito Joel, Tita Anne pwede ko po ba kayo makausap?”bigla ko naman singit. Napalingon silang tatlo sa akin “saglit lang po to” dagdag ko agad. Inilabas ko ang isang maliit na envelope mula sa coat ko at ibingigay kay Tito Joel.

“Ano to iho?” tanong ni Tito Joel at binuksan niya ito. “Titolo ng bahay at lupa?”tanong niya pagkakita niya sa kung ano ang nasa loob. “at sa inyo pa ni Kim nakapangalan? Teka teka may hindi ba ako nalalaman??” gulat na tanong ni Tito Joel

Nakita ko naman nakangiti si Tita Anne at nginitian ko din siya pabalik. Matagal na namen to napagusapan shempre di naman ako gagawa ng desisyon nang basta basta. “Tito Joel, kung papayagan niyo sana ako. Gusto ko po diyan kami titira ni Kim pag kinasal na kami” pagsisimula ko. Napatingin naman si Kim sa akin. “Sa totoo lang po hindi pa ako sinasagot ni Kim pero gusto ko po sana makuha po muna ang blessing niyo bago ko siya tanungin”

Matagal tagal ko na pinagiipunan to. Kayang kaya ibigay sa akin ng magulang ko ang bahay at lupa na to pero ayaw ko na sa kanila manggaling gusto ko sa sarili kong sikap.

“Iho, simula ng iuwi ka dito ni Kim tanggap na kita bilang anak ko.” Nakangiting sagot ni Tito Joel sa akin. “pero pagdating sa bagay na yan kayo na ni Kim ang magusap, Ma tara iwan na natin ang mga batang to dito” dagdag niya pa sa huli. Ayaw ko sana na iwan nila ako pero pwede na rin para makapagusap kami ni Kim.

KIM’S POV

Teka teka kasal? Tama ba ang naririnig ko o nahihibang na ako? Tinignan ko siya mukha naman siyang seryoso pero parang agad agad naman ata to?

“Xian, ano nanaman to?” tanong ko sa kanya. Alam kong nagaway kami pero napakalaking peace offering naman ata nito pag nagkataon.

“Kim, next week ko pa sana to gagawin to, isabay ko sa 4th year anniversary natin. Pero di ko na kayang maghintay pa eh. Naalala mo nun tinanong kita ano ang dream house mo? I found the perfect place! Medyo natagalan lang nga pero nahanap ko na siya. So are you willing to move in with me?” tanong niya sa akin.

“Move-in? Maglilive-in tayo?” naguguluhan kong tanong sa kanya.

“of course not…teka nga…” taranta niya naman sagot sa akin. Di ata rehearsed tong mokong na to. May kinuha na naman siya mula sa bulsa ng pants niya at lumuhod sa harap ko. Alam ko na ata ang kasunod nito.

“Kim, will you marry me?” tanong niya sa akin. Tinignan ko siya ng derecho pero wala ako nakitang alinlangan o ibang motibo sa mga mata niya.

Ako naman ata ang nacaught off guard. “wait, ayos na ba yun bahay?” way to ruin the moment Kim.

Natawa naman si Xian at tumayo. “well the structure and exteriors are already ready. For the interior, I think its your job my girl” sbi niya naman sa akin. “is 6 months enough?” tanong niya

“ha? Anong 6 months ano akala mo diyan instant noodles? Tsaka gagraduate pa ako? Magboboard pa ako? Tapos..”he cut me off with his kiss.

“so how long do you need?” tanong niya sa akin he broke away from the kiss pero hinayaan niya lang nakapatong ang noo niya sa noo ko

“2 years?” alanganin kong sagot. Well that just the first thing that came out of my mind.

“hmmm masyado naman ata matagal ang 2 years. Di mo naman kailangan grumaduate para magawa yun eh, at hindi mo din kailangan magboard para dun” hirit niya sa akin. Inalis niya na ang ulo niya sa akin pero his hands transferred to my waist locking me in his embrace.

“1 year?”tawad ko naman sa kanya. Pero umiling siya. “8 months babe. Hindi na ako makapaghintay eh” nakangiti niyang sabi

“teka teka pumayag na ba ako magpakasal sayo?” bigla ko naman naisip. Hindi ko pa ata sinasagot yun tanong niya kanina ah.

“oo naman, yun lang naman ang magiging sagot mo eh.” sagot niya naman sa akin. Wala nga ba akong choice?  Nangiti naman ako oo nga naman wala naman talaga ako ibang isasagot.

“so is that a yes?” tanong niya naman ulit sa akin.

“akala ko ba wala naman ako ibang masasagot?” hirit ko naman sa kanya.

Ang laki ng ngiti ng mokong na to. Niyakap niya naman ako na mahigpit. “ang lakas din ng loob mo magpropose sa oras na magkaaway tayo noh??” biro ko sa kanya

“Ayaw ko na magsayang ng oras eh. Sayang ang time. The earlier I do this the earlier we can start preparing things.” Sagot niya naman sa akin

“may time ka pang nalalaman diyan. Pag ikaw malate lang ng isang beses sa mga pagplaplano natin sa kasal, o magabsent sa dress fitting ko, iiwan talaga kita sa altar” banta ko sa kanya

“hindi na mangyayari yun. After maapprove nitong inasikaso ko kaninang umaga. Sayong sayo na ulit ako” excited niya naman balita sa akin “sorry talaga for these past few weeks God knows kung gaano ko tiniis na mabawasan oras natin sa isa’t isa…ayaw ko sana gawin yun pero kailangan lang talaga iniisip ko lang  its all temporary..”

“sana you have given me the heads up man lang, alam mo ba kung ano ano na ang pinagiisip ko?” nakasimangot kong tanong sa kanya. Ang layo na dinating ng utak ko.

“edi wala ng sense of surprise dun “katwiran niya naman. May point nga namen pero muntik lang talaga..

“sorry kung medyo naging demanding ako ah…kala ko nga nagsawa ka na sa akin” pag-amin ko naman sa kanya

“ako magsasawa sayo? Never will that happen. Baka ikaw ang magsawa kasi sayong sayo lang ako” banat naman niya sa akin

“at sayong sayo na din ako after ko grumduate” ganti ko naman sa kanya at binigyan siya ng isang mabilis na halik

“kung ganun hindi pala tayo magsasawa sa isa’t isa magiging mag-asawa lang tayo” sabay kindat niya sa akin

“ang corny mo!!” mahina ko siyang hinampas corny nga pero tuwang tuwa naman ako.

“teka so 6 months ah? Matatapos mo na ang bahay natin” biglang balik niya sa naiwan namen usapan.

“hindi talaga kaya mga 8 months na pinakamabilis pero di ko talaga mapangako” seryoso ko naman sagot sa kanya

“so I guess we just have to settle to live in an unrenovated house” natatawa niyang sagot sa akin. Binigyan niya ulit ako ng isang halik, this time mas matagal na ito nakalimutan na ata namen nasa bahay pala kami ng magulang ko.

 A/N A post valentine one shot for everyone! :) Tried a different style of writing hehe...Read, comment and enjoy! :D

Continue Reading