Tatlong araw , yes tatlong araw na ang nakalipas mula ng pinagtulungan ako ng limang hindi ko kilalang babae , at talong araw nadin akong hindi pumapasok nilagnat kasi ako, at hindi padin nahahanap ang limang babae , mamayang konti darating nanaman ang mga kuya ko dadalaw sila , lagi naman eh :) buti nga wala na lagnat ko makakapasok nako bukas :)
Yung sugat ko? Wala na pasa nalang , at konti nalang :)
"Baby!" Sigaw ng kuya ko , nandyan na sila :)
May duplicate na sila ng susi ng bahay kasi nung past days kinakailangan ko pang bumangon para pagbuksan sila , wala kasi Kong kasama sa bahay nasa work parents ko nag iinsist si mama na mag leave muna para mabantayan ako , syempre ayoko naman non no ,lalo na kaya ko naman, kaya ayan binigyan na sila ng duplicate ni mama :)
Hinintay ko lang sila sa kwarto ko alam ko namang papanik din yang mga yan :)
"Baby :)" sabi sa inyo eh , eto si kuya Reid may malapad na ngiti
"Hi baby" kuya paul
"Baby i miss you" kuya Kelvin
"Yow"kuya Ez
"Baby :)" kuya Ivan
"-.-" kuya OJ :)
"Baby i misssssssss youuuuu" sino paba? Edi si Kuyang pogi
"How are you?" Tanong niya
"Okay nako mga kuya ko :) papasok na nga ako bukas eh " sabi ko
"Nako wag kana friday na bukas , sagadin mona ang pahinga , excuse kanaman eh" sabi ni Kuya Neil
"Ayoko kuya sayang ang mamimiss kong lesson " syempre no goodgirl ako
"Kaming bahala sa mamimiss mong lesson , para saan pa at anak si Neil ng may-ari ng school?" Sabi naman ni kuya Reid
"Ayyy bad yan kuya , abuse tawag don" sabi ko
Hindi porke close ako kay kuya Neil ah ganun na , ayoko ng tinatawag na palakasan
"Oo na ! Ikaw na mabait" sabi niya
Nagtawanan naman mga kuya ko kasi si kuya Reid nagmake face hahaha
"by the way wala ata kayong dalang pagkain?" Tanong ko gutom kasi ako eh, chaka lagi silang may dalang pagkain pagpinupuntahan nila ako eh , ngayon lang wala
"Wala , kasi kakain tayo sa labas" kuya Kelvin
"Saan naman?" Tanong ko syempre sila nyan napagusapan na saan kakain
"May bagong bukas na pizzahan dito try natin :)" sabi naman ni kuya Reid na mayngiting "i know what are you thinking smile"
"Pizza *.*" sabi ko na may ning ning sa mata i love pizza kasi
"Oh maligo kana dali " utos ni kuya Reid
*pakkk
"Aray ko naman Neil bat mo ko sinapok?" Sinapok kasi ni Kuya Neil si Kuya Reid eh
"Pinapaligo mo baby ko! Kakagaling nga lang sa lagnat , gusto mo mabinat baby ko?" Tanong ni Kuya Neil
*pakkk
"Para san yon Kelvin?" Si kuya Neil naman ang nasapok
"Baby mo? Sayo lang ganon? Tanong ni kuya Kelvin
"Oo nga naman ,lagi kang baby ko eh! Baby din namin" si kuya paul
Nakakatawa talaga ang mga kuya ko eh akala mo naman inaagawan ng candy ni Kuya neil haha
"Ok lang maliligo nako , pwede na naman daw sabi ni mama , maginit lang ako ng tubig para hindi ako mabigla " paliwanag ko sa kanila
"Wag na baby ,magpalit ka nalang ng damit mo para makaalis na tayo" sabi ni Kuya Neil with a smile
"Ayoko nga ang baho ko na eh" sabi ko
"Hhhhhhhhhhfffffffttttttttt hindi naman eh" siningot lang naman ako ni Kuya Neil -.-
"Ihhhhh gusto kong maligo " sabi ko
"Fine , teka lang mag-iinit ako ng tubig " sabi niya tapos bumaba na swerte ko talaga sa mga kuya ko
Si kuya Oj ayun busy sa cellphone may katext na ata siya ayyyiieh
Nagkwentuhan lang kami ng mga kuya ko, ayaw nilang pagusapan ang limang babae , para daw mabilis recovery ko , tho okay nako :)
Pero ang totoo natatakot ako pano kung balikan nila ako diba? Tho hindi ako natatakot na labanan sila ulit natatakot lang ako na pano this time , hindi lang physical na sakit ang ibigay nila , kung physical kaya ko wag lang emotionally
Pumanik sa kuya Neil dala ang tubig na mainit
Naligo nako at syempre dala ko na ang mga damit ko sa banyo alanga naman lumabas ako na naka twalya lang tapos pitong lalaki kasama ko diba? Kahit kuya ko sila may hiya padin naman ako no!
Nung tapos nako nakabihis na nagsuklay ako at nag polbo sinuot ko na yung salamin ko ayan ready nako
Umalis na kami at sumakay sa kanya kanyang sasakyan
Kay kuya Neil ako sumabay lagi naman eh :)
"You sure okay kana?" Tanong habang nagddrive
"Yep " sabi ko sa kanya
Hindi na ulit siya nag salita
15 minutes lang ang drive kaya andito na kami :)
"Libre niyo ko?" Tanong ko kapal ng mukha ko eh no haha
"Diba dapat ikaw ang taya?" Sabi ni kuya Paul
"Eh sa saturday pako ah?" Tanong ko
"Joke lang di kana mabiro ! Sagot ni OJ " sabi ni kuya Paul
"Yey , thank you kuya Oj" sabi ko naparang bata tapos kumapit ako sa braso niya
"-.-" ayan tinignan lang niya ako hayyyy naku kuya OJ why ? Your so sungit?
Pumasok na kami at umorder jusko isang napakalaking 36 inches na pizza ang order nila diko nga alam anong pizza to ang alam ko lang masarap siya :) drinks? SB haha , katabi lang kasi ng pizzahan nato ang SB kaya bumili sila kanina , Puro Frappe order namin eh , sakin coffee free :)
"Uyyyy nga pala anong balak niyo this saturday" tanong ko para alam ko naman magkano hihingin kong pera
"Overnight tayo kina Neil" sabi ni kuya Reid
"Weh????? Di nga????" Tanong ko kasi sa tagal na kasama ko sila lagi samin over night , never pakong nakapunta sa bahay ni kuya Neil or kahit kanino bahay
"Oo ayaw mo?" Tanong ni kuya neil sabay subo ng pizza
"Gusto ko no " sabi sabay sipsip sa frappe ko
"Handa mo na yung damit mo , aalis tayo bukas after ng class namin " sabi ni Kuya Reid
"Eh bakit bukas na agad ? Di pwedeng saturday nalang? Lapit lang naman ata bahay ni kuya Neil eh" sabi ko
"Hindi para matagal tayo don , chaka anong malapit sa Baguio punta natin" cool na sabi niya
Nakampante napamandin ako kasi akala ko hindi ako gagastos ng malaki eh bahay lang eh , ngayon pala bahay sa baguio :( ayan tuloy nasamid ako ng frappe ko
"Tsss" sabi ni Kuya OJ tapos binigyan niya ako ng water kuya OJ why so sweet?
"Thank you " sabi ko with a smile alam niyo ginawa inisnob lang naman ako ni kuya :(
After naming nag pizza umuwi nakami sakto nasa bahay na sila mama , umuwi din agad ang mga kuya ko tatapusin daw ang mga kailangan nilang tapusin para bukas daw eh ready to go na sila
Syempre sinabi ko na kay mama na , magbabaguio kami bukas at ako ang taya pumayag naman sila ni papa at binigyan ako ng 10k madalang lang naman daw akong manghingi at nakakahiya naman kung titipirin ko yung mga kuya ko
Nag-ayos nako ng mga gamit ko ng may nagtext sakin
From: Marion
Di ka ata pumapasok? Bakit?
Wahhhhhhhhhhhh kinikilig ako namiss niya ata ako
Nagreply ako
"Nilagnat kasi ako :)"
From: marion
Nilagnat ka pala di mo man lang sinabi , ayos kana ba?
Wahhhhhh nagtatalon ako sa kilig at naggulong gulong ako sa kama ko , ikaw kaya text ng crush mo ng ganto?!
"Ahh oo okay nako " yan lang ang nareply ko
From: Marion
Papasok kanaba bukas?
Sheet namiss niya na ba ko? Wahahahaha
"Dipa eh" reply ko
"Kala ko ba okay kana bat dika pa papasok?" Reply niya
"Miss mo ko?" Makapal na kung makapal joke lang naman eh haha
"Pasok kana bukas" reply niya wahhhhh hahahaha kinikilig talaga ako
"Sige :)" ayan nag reply ako
"Kita tayo bukas sa library , usap tayo?" Sabi niya wahhhhhhh *.*
"Ok :)" ayan excited naman daw ako haha sana bukas na :))
Dina siya nag reply -.-"
Dear diary
Shemay lang namiss ata ako ni crush at hindi naka tiis tinext ako haha , oo diary papasok nako bukas , im so excited , alam ko happy ka for me , hello improving kami ni crush , sabi niya best friend niya ako haha , naku bat kaya makikipagkita sakin bukas yon? Haha im so excited diary , sana bukas na :)
Xxkinabukasan
"Bakla" sigaw sakin ni Kyle pagpasok na pagpasok ko sa room
"Hi kyle" bati ko sa kanya
"Bat ngayon ka lang pumasok?" Tanong niya sakin
"Ah wala nilagnat lang ako" sabi ko
"Ganon? Bat di mo man lang sinabi sakin para saan pa at best of friends tayo?" Sabi niya sakin
Ayoko kasing may makaalam eh , kaya pinakiusapan ko ang mga kuya ko na patago ang paghahanap sa limang babae , ayokong lumaki yung gulo
"Hi Cj" bati sakin ni Kc at bineso ako
Ang weird ni Kc minsan close kami at minsan naman parang hindi niya ako kilala pero okay lang since siya naman ang una kong naging bestfriend dito eh :)
Nagstart na ang class at hindi padin maalis sa isip ko na sana labasan na gusto ko ng makita si Crush eh :))
Third subject nanamin woooh last 2 hours makikita ko na si Crush
Habang nagdidiscuss si ma'am may kumatok
"Excuse me ma'am " sabi niya familiar yung boses
"Mr. Martinez what can i do for you" hala sabi ko na eh -.-
"I just want to give miss austria's excuse letter at kung okay lang po ba na hihingi ako ng copy ng notes the past few lesson para makasunod siya" sabi ni awww kuya im so touch T.T
"Wow naman Mr. Martinez ,ang sweet mo naman kay Ms. Austria kaano ano mo ba siya?" Tanong ni ma'am
Sasagot palang sana ako ng sumagot siya
"Boyfriend niya po ako" sabi niya na nagpagulantang ng matahimik kung buhay lahat ng classmate ko nakatingin sakin na parang gusto nila ako patayin
"Talaga lang ah , totoo ba yon miss austria?" Tanong sakin ni ma'am na nakangiti
Bigla naman pumasok si kuya Neil kasi nasa labas siya kanina hindi ata niya alam na nandito ako kasi bakas sa mukha niyang pula na nagulat siyang makita ako dito
"Pu...pumasok ka?" Tanong niya sakin na gulat na gulat with matching turo pa talaga
Ah excuse me kuya ako dapat magulat sa sinabi mo
Tumango lang ako kasi walang salitang gustong lumabas sa bibig ko im still shock
"Ms. martinez ay este ms. austria ang sweet naman ng boyfriend mo at pinanghihingi kapa talaga ng notes ah" sabi ni Ma'am with a teasing smile
Umiling ako ng todo
"Nako ma'am hindi po , kuya ko lang po si kuya Neil , diba kuya?"
Pinandilatan ko nga
"Ah ... Eh sige po malalate pa po ako sa next class ko" sabi niya sabay labas ng room namin huhu kuya Neil bakit???
"ms. Austria kinahihiya mo ba si mr. Martinez as your boyfriend?" Tanong ni ma'am with taas ng kilay
"Naku ma'am hindi nga po kasi , kuya ko lang po yon , napagtripan nanaman ako " paliwanag ko pero ayaw namiwala ni ma'am
Last subject na at wala pading kumakausap sakin not even kyle and kc problema nila?
Finally makakapunta nako sa library ! Kakausapin ko mamaya si kuya Neil
"Kyle tara sa lib?" Narinig kong aya ni Kc kay kyle
"Pwede Pasabay?"tanong ko
Tinignan lang ako ni kc at inisnob at nilagpasan ako
Si kyle?
"Ayoko nga , akala ko best friend tayo bat inagaw mo sakin si papa neil ko?" Tanong niya tapos aalis
"Hindi nga kami kyle kuya ko ng lang" palinawag ko
"Ayan dyan ako galit , ok sana kung sinabi mo nalang na kyle sorry hindi ko agad nasabi sayo na kami na ni papa neil mo , pero ano? Dinedeny mo pa na boyfriend mo siya , awwwts on my part para kay papa Neil ko , ang gwapo tapos kinakahiya mo hmmmpp" tapos iniwan na nga ako hayyyy naku kuya Neil ginulo mo eh -.-"
Lagot ka sakin mamaya!
Pumunta akong mag-isa sa library
Diko alam pano nalaman ng halos lahat na kami na ni Kuya Neil kasi kanina pa nila ako binabalatan ng buhay! Kung alam lang nila na nagjojoke lang ang kuya ko !
"Sure ka gf yan? Ang panget naman" unknown
"Oo kinahihiya padaw si Papa Neil" unknown
"Ewwww so panget"
"Ginayuma ata"
"Feeler ang panget naman!"
Ayan ang mga bulong nila na konti nalang ipagsigawan dahil dinig na dinig ko naman pinabayaan ko lang at pumasok nako sa library
"Uy balita ko kayo na pala ni Neil?" Sabi ng crush ko huhu pati siya alam na
Bulungan kami kasi nasa loob na kami ng library wala pala siyang duty .
Nakaupo kami sa medyo tagong table , pero may tao padin naman
"Ayyy naku hindi , nagbibiro lang yung kuya ko eh" paliwanag ko naman sa kanya
"Defensive haha " sabi niya awwwwts crush bakit parang masaya kapa?
"Ah bakit nga pala gusto mokong makausap?" Tanong ko
"Ahhhh diba best friend tayo?" Sabi niya sakin
Tumango ako
"Hihingi sana ako ng favor" sabi niya go lang crush for you ... Anything hahahahaha
"Go ahead" sabi ko excited ako malay niyo yung favor ganto ... Pwede bang ibreak mo si Neil at tayo nalang? ....hahaha sige ilusyonada nako
"Can you help me court someone" baaaaam gumuho yung ngiti sa labi ko
"Si...sino naman?" Naglakas loob akong tanungin siya
"Si Kc bestfriend mo" sabi niya na nagpaguho ng mundo ko
"Sige nanaman oh , please?????please????please?" Sabi niya sakin
At dahil dakilang tanga ako umoo ako , kakayanin koba? Oo naman as long as malapit ako sa kanya no?!!!
"Talaga? Thank you " sabi niya sa sobrang tuwa niya nayakap niya ako ng wala sa oras may nakakita at ano ano ang iniisip buset!
"Ah sige , marion uuwi nako may gagawin pa kasi ako" sabi ko pero ang totoo uuwi nako kasi naiiyak ako ewan ko pero bakit ganon crush ko lang naman siya pero nasasaktan ako :(
Lumabas ako ng library na lutang , para akong walking dead walang pakialam sa dinadaan
"Sorry" sabi ko may nabungo kasi ako di nako nag abalang tignan pa siya kasi naluluha nako
Hinila lang niya yung braso ko
"Look at me" utos niya alam ko ng lalaki siya
"Sorry diko sinasadya eh" sabi ko pilit na hinihila ang braso ko
"I said look at me!" Sigaw niya oo sumigaw niya sa loob ng library
Sa sobrang takot ko tumingala nako para makita ko siya yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan tumulo na kasi matatakot ako , ikaw kaya sigawan sa loob ng library
"Ku...kuya OJ?" Sabi ko
"Who the hell makes you cry?!" Galit na tanong niya sakin
Nakita ko naman si Marion palabas na din ata siya o nakikiusyoso siya gaya ng iba dahil sa eksena ni kuya OJ
Sinundan naman niya yung tingin ko at ngumisi siya
"Siya pala" sabi niya parang susugudin ata si Marion jusko
"Kuya hindi siya , ikaw" awat ko nakakahiya na kami gumagawa kami ng gulo sa loob ng library
Parang nabigla ata si kuya OJ ng sinabi kong siya yung dahilan kasi para siyang naging bato ka kinatatayuan niya
Hindi ko na kinaya ang mga mapanghusgang tingin nila sakin at mga masasakit nilang bulong kaya tumakbo nako palabas ng library gusto ko ng umuwi :(
Pumunta ako sa baggage counter para kunin lang bag ko binigay ko na yung number ko narinig ko naman si kuya Oj
"Cj wait" sigaw niya naku di na nahiya sa library pa nagsisigaw
Pagbigay na pagbigay sa backpack ko sinuot ko agad at patakbong pumunta sa stairs wala pa ang elevator eh , nakailang steps palang ako ng hilahin yung backpack ko na para akong batang makulet tapos hinihila ng mommy niya sa bag
"Got yah" sabi kuya OJ
"Bitawan mo nga ako" sabi ko pinunasan ko na yung luha ko
"Sabihin mo nga sakin inano ba kita at umiyak ka?" Tanong niya sakin
"Ikaw kaya sigawan ko sa loob ng library gusto mo?" Sabi ko
"Pano pinapaharap ka ayaw mong makinig! " aba sinisigawan nanaman ako
"Ewan ko sayo bitawan mo nga ako" sabi ko sorry kuya Oj i lied i just want to go home and cry
"Ok" sabi niya at binitawan ako bigla bigla
At dahil nagpupumilit ako mahuhulog ako binitawan niya bigla bag ko eh mahuhulog ako sheet gugulong ako pababa ~.~ pinikit ko ng todo ang mga mata ko ready to feel the stairs pero hindi ganon katigas ang binabsakan ko at hindi ako gumulong gulong at higit na lahat mabangoko siya, yung ilong kong pango ata ang tumama sa kung anong bagay -.-"
Minulat ko ang mata ko na nandidilat ngayon
Kasi si kuya neil lang naman ang sumalo sakin at yung mukha namin sobrang lapit. Kasi yung ilong ko nasa ilong niya habang hawak niya yong dalawa kong braso pinipigilan ako sa paghilog ko yung paa ko nakadikit padin sa stair bali ganto ang posisyon mga 7 steps away si kuya Neil sakin ako na naka pa slant ang katawan kasi nga mahuhulog ako hawak niya balikat ko at malapit ang mukha namin...... Malapit MUKHA NAMIN !!!!
Wrong move ang ginawa ko at ..................
[sorry ngayon lang nakapag-update nag mimidterms kasi kami eh huhu]