That Gangster Trake Corpuz

By hwannyssik

196K 1.1K 28

Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong paaralan... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

5.3K 140 8
By hwannyssik


Chapter 3: Prey



Pristine Madrigal



Papunta ako sa locker room para maglagay ng ilang mga gamit at kuhanin yung mga libro kong iniwan. Umagang umaga pero nakakapagtaka dahil ni isang estudyante ay wala akong nakita ngayon, ang weird.



Sabagay wala naman akong paki kahit hindi sila pumasok, ako ba nagpapaaral sa kanila para mamroblema ako ng ganito? Mabuti nga yun at wala akong mga sasawayin at sisistahin sa paglabag sa mga school rules. Nakakasawa kayang ulit-ulitin sa kanila ang nakalagay sa hand book feeling ko nga saulo ko na ang bawat chapter nun.



Pagkasara ko ng locker ay nakita kong nagsilabasan ang mga estudyante pero hindi sila lumalapit kundi nakasilip lamang sila. Tinaasan ko sila ng kilay kung bakit ganun sila kumilos pero ni isa ay walang sumagot. Imbis ay nagbubulung-bulungan lang sila na para bang may isang tsismis na kumalat sa school.



"Nandiyan na sila" may isang babae ang sumigaw sa na para bang hingal na hingal dahilan para magsitahimikan ang lahat. Anu bang nangyayari? Sinung sila na paparating?



Nahawi sa gitna ang kumpulan, at mula sa gitna ay may isang grupo ng mga lalaki ang naglalakad at sa palagay ko'y sa dereksyon sila pupunta. Nakatingin saakin ang lalaking nangunguna siguro kung nakakamatay lang ang pagtitig ay kanina pa akong nakahiga dito sa sahig sa sobrang talim ng tingin niya. Mas lalong nakakapagpabadboy ang makapal niyang eyeliner sa mukha, kung sa iba yun baka mamatay ako sa kakatawa dahil baka magmukhang adik ang gagawa nun pero hindi dahil mas bumagay yun sa itim niyang mga mata.



Kung iba siguro ang nasa posisyon ko ay baka nahimatay na sa takot o di kaya ay lumuhod para magkaawa. Pero hindi ako yun, sa daming nagbanta saakin lahat sila nabigo and I'm used to this scenes pero palagay ko ay mas malala to.



Nakalapit na saakin ang grupo ni Gino Gomez at nasa harapan ko sila ngayon.



Napuno ng samut saring bulungan at kung anu-anung usapan ang buong locker room.



"Anung kailangan mo?" alam kong dadating ang araw na to, ang mga lalaki kasi ngayon mapahiya lang ng kaunti akala mo nasira na ang dignidad akala mo nasira ang buhay. Samantalang kapag sila ang nagpapahiya sa mga babae napakawalang puso kaya hindi ako magtataka na isang araw ay susugudin na lang nila ako na parang batang naagawan ng candy. Masyadong silang mapagtanim ng sama ng loob na kahit babae ay papatulan para lamang may mapatunayan.



"Hindi ka talaga natatakot anu? Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kagaya mo na palaban." Halata sa mukha niyang may halong pagkasarkastik yung sinabi niya. This short tempered devil, kung lalaki lang ako baka kanina pa tong nakaluhod sa lupa habang lumuluwa ng dugo. Tsk I can't stand his arrogance.



Hindi ako umimik o nagpakita ng kahit na anung reaksyon sa mga sinabi niya. Gustuhin ko mang sagutin siya pero ayaw ko ng mas galitin pa ang gangster na to na sing kitid ng eskinita ang utak. Ayokong mainvolve sa kanila kaya't hanggang maaari ay kailangan ko silang iwasan. Kung anu man yung nagawa ko ay hindi ko na palalakihin pa.



Huminga ako ng malalim atsaka doon sa gilid niya dumaan, pero mukhang hindi niya ata nagustuhan ang pagtalikod at hindi pagpansin sa kanya. Dahil hinila niya ang braso ko at sapilitan akong iniharap sa kanya. Nakitang kong pipigilan sana siya nung mga kasama niya pero hindi sila nangahas.



"Alam mo bang ayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako kapag nagsasalita ako? Are your really testing my patience." Hinigit ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya "Hindi ko alam kung anung pakay niyo saakin, pero gusto kong ipaalam sa inyo na hindi ako natatakot. Siguro naman sapat na yung mga sinabi ko para padaanin mo ako?" tumuwa siya na parang hindi makapaniwala na may isang babaeng pangahas ang sinagot-sagot siya sa harapan ng mga estudyanteng ito.



"Pagsisisihan mo ang ginawa mo Miss, tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo" matalim niya akong tinitigan bago itinapon ang kamay ko "Tara na" naiwan akong hindi makapaniwala. Napahilamos ako sa mukha ng marealize kung anung ginawa ko ngayon ngayon lang. Bakit kahit anung iwas ko sa gulo ay mas lalo lang akong napapasama? Anu ng gagawin ko? Mukha pa namang seryoso ang Gino na yun.




*




Natapos na ang klase at uwian na, hindi muna ako pumunta sa HQ dahil si Kyle na daw ang gagawa muna total ay ginawa ko naman ang kalahati ng mga gagawin.



Tuwing uwian ay hindi muna ako umuuwi kaagad, dumederetso ako sa isang lugar kung saan ako naglalabas ng sama ng loob. Pumasok ako sa isang sliding na clear door, walang masyadong tao kapag mga ganitong oras kaya nasosolo ko ang buong lugar.



Isinuot ko yung gloves na nakalagay doon sa lagayan pero bago yun ay nilagyan ko muna ng benda ang mga kamay ko. Nakasuot lang ako ng t-shirt na puti, nakapusod ang buhok ko at nakaskinny jeans ako para mas madali akong makakagalaw.



Nasa isa akong training facility, dito kasi nagtatrabaho ang tito ko palagi akong nandito noong bata pa ako hanggang sa sinubukan ko ng mag mix martial arts pero sa ngayon ay boxing ang gagawin ko. May pasok pa bukas hindi naman ako pwedeng magtagal dahil hahanapin na ako saamin.



Gusto ko lang magrelax yun lang at makapag-isip na din kung paano ko matatakasan ang ginawa ko.



Sa buong kwarto ay puro tunog lang ng pagsuntok ko sa punching bag ang maririnig, sobrang pawis na ako pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod. Ilang minuto pa akong sumuntok ng sumuntok hanggang sa magsawa na ako.



Kinuha ko yung tubig na nakalagay malapit sa bag ko, tinanggal ko na rin yung gloves sa kamay pati na rin yung benda ng kamay ko. Kailangan ko ng umuwi babalik na lang ako sa weekends.



Natigilan ako sa ginagawa ko ng may marinig akong nalaglag. Feeling ko may tao pa bukod saakin, nilapag ko yung gloves at yung benda, pinuntahan ko yung pinangalingan ng tunog at nakita kong nahulog yung mga stick ng arnis. Sinilip ko ang buong hallway para tingnan kung hindi pa nakakalayo yung may gawa nito.



Sinu naman kaya yun? Nakakapagtaka sa pagkakaalam ko kasi ako lang naman ang nagpupunta dito tuwing ganitong oras. Wala pa akong nakakasabay na kahit sinu. Bumalik na ako sa loob kung sinu man siya wala na akong pakialam feeling ko naman wala siyang kinuha na kahit anu. Baka napadaan lang.



Pagkalabas ko ng taining facility ay nakareceive kaagad ako ng text.



From: 09*********

Asan ka na bang bata? Umuwi ka na dito. Huwag mong hintaying sunduin ka namin diyan.



Napahinga akong malalim, grabe naman silang mag-alala hindi na kaya ako bata. Ibinulsa ko na yung cellphone ko atsaka nag-umpisa ng maglakad.



Malayo ang bahay namin mula dito kung lalakarin pero sanay na kasi akong nilalakad ito mula saamin. Tahimik ang paligid at papalubog na rin ang araw, masyado ata akong nalibang sa pagboboxing at hindi ko na napansin ang oras. Sigurado ako baka isang mahabang sermon nanaman ang matitikman ko nito mamaya pag-uwi.



Papaliko na ako sa kanto ng may bigla na lang nagtakip ng kung anu ilong ko. Pinigilan kong huwag huminga pero huli na dahil nasinghot ko na yung gamot. Bigla na lang nagdilim ang paningin ko pero nararamdam kong binuhat ako ng kung sinu.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 66.7K 68
Clash series I : Casanovas vs. Amazonas Mga simpleng bangayan na ang ending ay Love. Mga simpleng kulitan. Awayan na akala mo ay magpapatayan na. And...
574K 18.3K 64
Alyreme Gonzales will be living with her Auntie to study in Frankston University but she didn't expect that she will be living with a five guys who a...
1.5M 44.7K 68
(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may...
30.3K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...