Reforming the Villainess (Rei...

By loeyline

579K 30.2K 10.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to... More

Disclaimer
Characters Board
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Epilogue: North
Author's Note
Special Chapter: Austin
The Second Lead's Retribution
A little disclaimer
Group Page
ANNOUNCEMENT!!!
RTV Physical Book is here!
RTV Book is now on Shopee!
Playing With Trouble: Austin's Sequel

Chapter 18

16.1K 875 441
By loeyline

#RTVillainess18

"MR. CLAVERIA, SHE'S awake."

Tinignan ko si North na namumula ang mga mata habang tinitignan ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig niya at kitang-kita ang pamumutla niya.

"Bakit ka nanginginig?" Mahina akong tumawa dahil masyado siyang seryoso.

"Anong nararamdaman mo?" mahinang usal niya. Kahit boses niya, nanginginig din.

"Ayos lang," tugon ko. Umupo ako sa kama. Inalalayan niya ako at inabutan ng tubig.

Natigilan ako nang makita kung gaano karaming tao ang nasa loob dito at sobrang laki pa ng kwarto kung nasaan ako ngayon. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang mga aparato na nasa gilid ko. May IV fluid din na nakakabit sa akin.

"Why am I in the hospital?" tanong ko kay North.

"You fainted." Si Austin ang sumagot. Abala si North sa pagkausap sa bodyguard niya.

"Sir, we've secured the parameters. May mga nakabantay na sa labas at loob ng hospital. Nasabihan ko na rin po ang magbabantay dito sa labas ng kwarto."

"Wait, wait. Bakit kailangan pa ng ganyan, North?" kunot-noong tanong ko.

"I need to make sure you're safe," matipid na sagot niya.

"Nakita kasi ng lahat na buhat-buhat ka ni North habang tinatakbo ka sa ambulansya. Mabilis ang balita kapag tungkol kay North, at alam mo naman kung gaano ka-delikado ang buhay niya 'di ba? Gusto lang niya na ligtas ka," pagpapaliwanag ni Austin.

"Thank you, North, Austin."

"No worries," sagot ni Austin.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang pumasok ang doctor. I immediately knew what he is because of the white gown, and the stethoscope around his neck. May nakasunod din na dalawang nurse sa kanya.

"The results are out," aniya. "May I please have a moment with the patient?"

"Bakit kailangan pa po nila umalis?" kuryosong tanong ko. "Okay lang naman po na sabihin niyo kahit na nandito sila." I smiled.

"Mas mabuting ikaw na lang muna ang makaalam, Ms. Padua."

Sa tono pa lang niya at kaseryosohan ng mukha niya, nararamdaman ko nang hindi mabuting balita ang ibibigay niya sa akin. Binalingan ko si North at Austin na halatang nag-aalangan pang lumabas.

"Sige na. Saglit lang naman 'to siguro," sabi ko sa kanila. "Bilhan niyo na lang din ako ng food habang kausap ako ni Doc."

Tumango silang dalawa. Itinapat ni Austin ang kamao niya sa harap ko. Nakuha ko kung anong gusto niyang gawin. Marahan kong dinampi ang kamao ko rin sa kanya. "We'll be right back, Brielle."

I nodded with a smile on my face. Sunod kong binalingan ay si North. Para naman akong maiiyak sa tingin niya sa akin ngayon. Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata niya at tila ba ayaw niyang umalis. Nilapitan niya ako at napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.

Sunod kong naramdaman ay ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. "I'll buy you your favorite," bulong niya.

"Sige. Ingat kayo," pagpapaalam ko sa kanila at kinawayan sila habang papalabas sila ng kwarto.

"Do you do a regular check-up, Ms. Padua?" tanong ng doktora.

"Yes po." Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nakakaramdam na ako kung ano ang sasabihin niya pero kahit na ganoon, umaasa pa rin akong sana hindi na lang 'yon ang ibig niyang sabihin.

"Are the results great?"

I nodded my head. Pinanood ko siya na may binabasa sa hawak niyang papel. Palipat-lipat siya sa mga papel na hawak niya.

"I don't know what kind of tests are they doing that they didn't see the tumor in your brain."

Para akong nabingi sa sinabi niya. "P-Po?"

Alam ko naman na mangyayari 'to sa akin. Kaya lang, iba pa rin talaga ngayong narinig ko na mismo kung ano ang sakit ko.

"Kung nalaman 'to kaagad at naagapan, baka tumagal pa sana ang buhay mo. I could say that you could prolong your life," she stops for a bit before she looked at me. "Unfortunately, you don't have that much time left, Ms. Padua. I suggest you talk to your family now on what you should do."

Natulala na lang ako habang pinakikinggan ang mga bilin ng Doctor. Ang iba ay hindi ko na maintindihan. Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang sinabi niya at kung ano na ang mangyayari sa akin.

Maybe, this is really my fate. Not as Brielle Chantal Padua—the villainess—but as Niana Grace Fernandez.

I got killed in my real body. And now that I've reincarnated to Brielle's body, mamamatay pa rin ako.

Oras ko na talaga siguro. Kahit anong gawin ko, talagang mawawala na ako sa mundo.

I think He just gave me another chance to do anything that my heart desires and experience the things I never got to do in my real life.

"How was the talk?"

Natigil ako sa pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang malamyos na tinig ni North. Umupo siya sa gilid ko at marahang inabot ang kamay ko. He's drawing circles on the back of my hand using his thumb.

"Okay lang naman," nakangiting tugon ko.

"Are you sure? Bakit namumula ang mga mata mo?"

Natigilan ako sa itinanong niya. Sakto naman at pumasok na rin si Austin. Siya ang may bitbit ng mga inumin habang may kausap sa cellphone. Ibinulsa niya ang cellphone niya pagkalapag niya ng mga inumin sa mesa.

"Ang tagal kong natulog. Talagang mamumula ang mga mata ko," nailing kong sagot habang mahinang tumatawa.

"I'm glad. You made me so worried." Hinilot ni North ang sintido niya. Tinapik naman siya ni Austin sa balikat.

"Ako rin, Brielle. Pero mas nataranta ako sa boses ni North nung tinawagan niya ako." Nakangiwing bumaling si Austin kay North. "Akala ko siya 'yung nasaktan, eh."

Sabay kaming humalakhak. Sinamaan siya ng tingin ni North dahil doon.

"Pero sure ka, Brielle ha?"

"Oo naman!" sagot ko kay Austin.

—«–»—

Walang nakakaalam sa bahay kung ano ang nangyari kanina sa akin sa school pagdating ko.

I don't know if no one informed them or they just don't care about me.

It's already 10 o'clock in the evening when I got home. Hinatid ako ni North at Austin dito habang nakasunod ang mga convoy ni North sa amin.

Binati ako ng mga katulong at kinuha nila ang mga gamit na dala ko. Diretso naman ako sa pag-akyat sa opisina ni Don Tiago. Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang umiiyak na Jamila sa harap ng Don. Masama na agad ang tingin sa akin ni Don Tiago. Doon pa lang, alam ko na kaagad. Ako na naman ang may kasalanan.

"Magpahinga ka na muna, Jamila. Kakausapin ko lang muna si Brielle," nakangiting sambit sa kanya ni Don Tiago.

"Sige po," namamaos na sabi niya.

Pinanood ko si Jamila na lumabas sa opisina. Nakayuko siya pero nag-angat siya ng tingin nang magkatapat kami.

Malinaw na malinaw ang nakita ko. Napasinghap ako dahil doon.

Ngumisi si Jamila sa akin habang pinupunasan ang luha niya hanggang makalabas siya. Napaawang ang labi ko sa gulat.

Is that really Jamila? Is she . . . mocking me?

"Dahil ba mas pinapaboran ko si Jamila kaya inaaway mo siya?"

"Po?"

"Brielle, kailangan ba talagang awayin mo si Jamila dahil lang sa simpleng hindi ko pag-suporta sa'yo sa pageant na 'yon?" mariin na tanong ng Don.

"Hindi po kita maintindihan, Papa. Hindi naman po kami nag-away ni Jamila—"

"At nagsisinungaling lang si Jamila, ganoon ba?"

"Hindi rin naman po ako nagsisinungaling, ah!" Nagsimula nang manubig ang mata ko. "Hindi po kami nag-away! Hindi nga po kami nagkita sa school kanina, eh!"

"Quiet! 'Yan ba ang natututunan mo sa University mo ngayon?! Ang sumagot na sa akin?!"

"Papa . . ." nanghihinang wika ko. Nag-uunahan na ngayon ang paglandas ng luha ko pababa sa pisngi ko. "Alam mo man lang ba kung saan ako nanggaling at bakit ako ginabi ngayon?"

Namilog ang mga mata niya. "See! Ngayon bulakbol ka pa! Mali talaga ang desisyon ko na pag-aralin ka pa rito sa Pilipinas! I should've pushed you to study in London! Hindi ka pa sana naging sakit sa ulo ko ngayon!"

Pagak akong natawa sa sinabi niya. "Why is it so easy for you to believe someone else rather than to believe in your own daughter? You're always so quick to assume the worst of me," hikbi ko.

"It's because I know you!" singhal niya.

"Do you, Papa? Do you really know me?" I fired back. Nakita ko ang pagkatigil niya sa sinabi ko.

"Ano'ng gusto mong iparating sa akin? Na wala akong pakialam sa'yo? If I don't care about you then dapat dinala na lang kita sa bahay ampunan noong ipinanganak ka pa lang!"

"Hindi 'yun, Papa! Hindi ko sinasabing pinabayaan mo ako! What I'm trying to say is, you never had time to understand me kahit isang beses lang," hagulgol ko. "Palagi na lang nasa akin ang sisi. Lahat ng ginagawa ko palagi na lang kulang sa'yo kahit na buong buhay ko, wala akong ginawa kung hindi ang sundin ka dahil mahal kita at ayokong ma-disappoint ka sa akin!"

What makes this more painful is that I feel like I am talking to my real father right now. Lahat ng sinasabi ko ngayon ay hindi lamang para kay Don Tiago but also to Ricardo Fernandez, my father.

"Palagi mo na lang akong isinasantabi. Kailan ba na ako naman ang uunahin mo? Kailan ba na ako naman ang pipiliin mo? At kalian ba na ako naman ang paniniwalaan mo?"

Pareho kaming natahimik pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi gumagalaw sa pwesto niya. Pilit kong itinaas ang ulo ko at ngumiti sa kanya. Hindi ko na inalintana kung ano ang itsura ko ngayon habang dire-diretso ang agos ng luha ko.

"Alam kong hindi ka pa rin maniniwala sa akin pero sasabihin ko pa rin. I didn't have a fight with Jamila. She even asked me for a favor na kahit labag sa loob ko at mahirap para sa akin gawin, ginawa ko pa rin. And hindi ako nagbubulakbol, Pa. Galing ako sa hospital. Na-admit ako doon simula pa kaninang tanghali."

"W-Why are you in the hospital?" Parang tinakasan ng kulay ang mukha niya dahil doon.

"Papa, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Tuwing nagpapa-check up tayo?" Pumiyok pa ako sa dulo sa sobrang kaba ko sa magiging sagot niya.

Hindi ko yata kakayanin kapag nalaman kong hindi niya sinasabi sa akin na may sakit pala ako. Na hahayaan niyang mamatay ako ng gano'n-gano'n lang.

"All of your results are normal, Brielle."

"But what's happening to me is not normal, Papa," naiiyak kong tugon. "People have been telling me things na hindi naman nangyari pero sinasabi nila nangyari. Nagiging makakalimutin na ako. Hindi lang din basta makakalimutin na hindi ko alam kung saan ko naipatong ang mga gamit ko. I'm forgetful in a way that I sometimes I forget what happened in the morning, or while I'm in school. And I've my headaches are occurring more often now."

"M-Maybe you just need some more rest," mahinang usal niya. "Stop studying until midnight for a b-bit, Brielle."

"I wish it was that easy . . ."

"What are you trying to say . . ."

"Papa. I-I think I'll be meeting M-Mama soon," nauutal kong sambit.

Napakapit siya sa dulo ng mesa niya. Nakita ko ang dire-diretsong pagtulo ng luha mula sa mga mata niya.

"I have a brain tumor, Pa. Grade 3. And the doctor said, I don't have much time to live," nakangiting wika ko.

Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako ni Don Tiago ng mahigpit habang malakas ang pagpalahaw ng iyak.

"No, God! No! Please! Not my daughter!" pag-iyak niya. Hinahaplos niya ang buhok ko habang sinasabi niya 'yon.

At iyon na siguro ang hinihintay kong mangyari. Ang maramdaman ang yakap ulit ng isang ama. Ang maramdaman ang pag-aalala ng isang magulang.

"God, I'm sorry! I'm sorry!"

Hindi siya tumigil sa paghaplos sa buhok ko habang yakap-yakap niya ako. Hindi gaanong mahigpit ang yakap niya na tila bang natatakot siyang masaktan niya ako. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya.

"I'm sorry, Papa . . ."

"No. I should be the one saying sorry. I'm sorry if I made you feel that way. I'm sorry if you thought I don't care for you," pag-iling niya. "Iyon lang kasi ang alam kong paraan para lumaki kang malakas. Para lumaki kang hindi mo kakailanganin ang tulong ng iba, lalo na kapag naiwan na kita sa mundong 'to. I thought that raising you that way is the best method to hone your strength. Lalo na at wala na ang Mama mo. Ayokong mawala ka rin sa akin."

"Pero mawawala na rin ako, Papa," bulong ko. "I'm sorry. I'm sorry if I'm leaving you here alone . . ."

"You remind me so much of your Mama," panimula niya. "The way you talk, you move, and your intelligence. Especially, your name."

Chantal. Chantal Liana N. Padua is Brielle's mother's name. She died right after Brielle was born. Hindi niya kinaya 'yung panganganak dahil mahina na ang katawan niya noon.

It was Brielle's mother's final request. To name Brielle, after her. Para kahit wala na siya, maalala pa rin siya ni Brielle.

Liana has the purest heart everybody has ever known in San Ildefonso. Kilala siyang matulungin, tahimik at palagi lang nakangiti. Kaya nang mamatay ang ginang, halos lahat ng mga malalapit sa puso ng mga Padua ay parang nawalan na rin ng isang pamilya.

And because Brielle bears the lovely name of her mother, Don Tiago molded her as the same duplicate of her, not knowing that Brielle is something so much more than a replication of her mother.

"I'm so proud of what you have become. Because of my fear that I'll end up losing you, I sheltered you too much and keep you inside the four-corners of your room without noticing that you also need a father to guide you for everything. I'm sorry if I showed it by pressuring you. I was wrong."

"It's okay . . . Papa."

And before I knew it, my tears fell. I felt so pathetic.

Kasi dapat nararamdaman ko 'to sa totoo kong tatay, sa totoong magulang ko. Pero bakit nararamdaman ko 'to sa isang taong hindi naman totoo. Bakit sila nagagawa nilang mag-sorry sa akin? Sa mga ginawa nila?

Bakit si Daddy hindi niya magawa 'yon?

For six years, ni anino niya hindi ko nakita. Si Mama lang at si Tita ang nakasama ko. Kahit bisita o patagong pagpunta niya sa akin sa school, hindi niya ginawa. And all those years I never had an answer to why he chose them over us?

"I'm really, really sorry, anak," paulit-ulit na bulong niya.

Bakit sa ibang tao ko pa narinig 'to?

"I'm sorry for not seeing your efforts," he added. "You are doing so well without me. I can't believe that all this time I chose to ignore it. I'm proud of you. I wanted to see you achieve your dreams. I'll do everything to save you. I'll make it up to you. I promise."

—«–»—

Hilam pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko pagkabalik ko sa kwarto ko. Pansin ko ang patong-patong na mga packages sa gilid ng pinto ko. Binuhat ko ang mga 'yon at pinatong sa study table ko. Napansin ko rin ang nakahandang gatas doon para sa akin.

Tinignan ko 'yon isa-isa at nakitang walang nakalagay kung saan nanggaling ang mga 'yon pero lahat ay naka-address at nakapangalan sa akin. Kinuha ko ang gatas sa gilid habang sinusuri pa rin ang mga kahon.

Ang aga pinadala ni Manang pero nag-kibit balikat na lang ako at ininom 'yon. Kaya lang, konti pa lang ang naiinom ko pero halos isuka ko na 'yon.

"Why does this taste so funny?" bulong ko.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at naguguluhan man kung ano ang laman ng mga kahon ay kinuha ko ang cutter at binuksan ang unang kahon na nandoon.

"AHHH!" malakas kong tili. Mabilis kong nabitawan ang kahon nang makita kung ano ang laman no'n.

Para akong nahirapan huminga habang nakatitig sa kung ano ang laman ng kahon. Puro litrato ko 'yon pero ang mukha ko ay halatang binura gamit ang isang matalim na bagay. May mga batik ng kulay pula 'yon. Nakakalat din ang blade.

And before I knew it, my body started to itch again as I gasp for air. Tumakbo ako at pinagpipindot ang intercom. "Manang, help!"

Napaupo ako sa study table ko at pinilit na ayusin ang paghinga ko. Unti-unti ko na rin naramdaman ang pangangapal ng lalamunan ko.

Pero imbes na matuon ang atensyon ko doon, may nakaagaw ng pansin ko sa nakapatong sa taas ng mesa ko. Isang pirasong papel na may dugo-dugo pa.

Mabilis ko 'yon tinakpan nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang humahangos na si Manang.

"Brielle! Ito na 'yung gamot mo! Ano ka ba namang bata ka!" Nialapitan niya ako at pinainom ako ng dalawang tabletas ng cetirizine. "Hinga, anak. Hinga."

"Manang. Sorry, hindi ko lang alam na may hipon 'yung binili kong food. Huwag mo na lang po sabihin kay Papa," nanghihinang sabi ko.

Halata sa mukha niya ang pagtutol pero tumango rin. "Sige. Pero mag-ingat ka na ha? Dadalhan kita ng gatas—"

"Kahit soup na lang po," putol ko sa kanya. She nodded.

"Sige. Babalik ako."

Nang masigurado kong tuluyan na siyang makalabas, kahit nanlalata, kinuha ko ang papel at binasa ang nakalagay doon.

Nanginig ang buong sistema ko pagkatapos kong basahin 'yon.

'A simple gift, milady. There is no fairytale without a villain, Brielle. And since you gave up on being one, I'll do the job for you.'

------------------------------------------------------------------------------------------
Edit: March 23, 2023

I have seen comments here sa chapter na 'to ng RTV wherein the term used in identifying the level of Brielle's tumor was made fun of some readers.

I've posted about this a lot of times na, even sa writing account ko sa Facebook. I also uploaded na a specific part here to explain why I used that term.

I won't use a term po na alam kong mali. Like you, alam ko rin na ang tawag sa level ng cancer before was 'Stage'. But of course, with my purpose of providing a legit term for the readers of this story, I searched kung anong term for brain tumor. I was surprised din na 'Grade' pala ang pang-classify.

If you are one who made fun of the term, feel free to conduct your own research about it and reply here to correct me and I will gladly do so.

Kinda disappointing to see lang since ang purpose ko in using that is to educate some people rin about it.

Ayun lang. Have a nice day!

Continue Reading

You'll Also Like

385K 12.7K 44
Celestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of th...
342K 18.7K 32
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 2: COMPLETED] Craving to be known in the writing world, Third Lillee Valdez followed a reader's advic...
106K 6.2K 50
Shimmering in gold. Dripping in blood. The throne is empty. Screaming for another monarchy. Gather your faith. Sharpen your blades. This is your call...
234K 10.9K 78
Secrets. Fights. Lies. Betrayal. Pain. Hindi kasama sa plano ni Charl ang pagpasok niya sa Class 3-A nang mapilitan siyang manirahan kasama ang dalaw...