I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 35

2.2M 48.9K 126K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 35]

Sobrang sikip ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga, naramdaman ko na lang ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko habang pinagmamasdan si Juanito na patuloy naglalakad papalabas ng simabahan.

Hanggang dito na lang ba talaga kami?

"Ang kasal ay isang sagrado at banal na pag-iisang dibdib ng dalawang pusong nagmamahalan----" hindi na natapos nung pari yung sinasabi niya kasi biglang may putok ng baril ang umalingawngaw sa labas ng simabahan at nagkagulo ang lahat.

"UMAATAKE ANG MGA REBELDE!" sigaw ng isang guardia civil na biglang pumasok sa simbahan at bigla siyang humandusay sa sahig nang tamaan siya ng bala sa likod. Dali-dali namang sinarado ng dalawang guardia civil dito sa loob ng simabahan ang pintuan ng simabahan upang hindi makapasok ang mga rebelde.

Gusto ko sanang pigilan sila dahil nasa labas ngayon si Leandro at sinara nila ang pinto. Pero pinigilan ako ni ina at Maria.

At dahil dun nagsitakbuhan at nagsigawan ang lahat ng tao dito sa loob ng simbahan. Bigla namang napahawak si Leandro sa kamay ko at agad niya akong dinala malapit kina Don Alejandro, Maria at ina na ngayon ay gulat na gulat din at magkakahawak na.

"Dito ka muna Carmelita... huwag kang lalayo sa iyong pamilya" nagmamadali niyang tugon, hindi naman na ako nakasagot pa kasi bigla na niyang kinuha ang armas niya at may ibinulong siya kay Kolonel Santos saka dire-diretsong tumakbo papalabas ng simbahan. Sumunod naman sa kaniya si Heneral Seleno at ang ilan pang mga guardia civil dito sa loob.

Kahit nakasara ang malaking pintuan ng simabahan rinig na rinig pa rin namin mula sa labas ang sigawan at ang malalakas na palitan at putukan ng mga baril.

"Huminahon kayong lahat... hindi hahayaan ng ating mga sundalo na makapasok dito sa loob ng simbahan ang mga rebelde, at bukod doon naniniwala ako na hindi magagawang dungisan ng mga rebelde ang loob ng banal na simbahan" sigaw nung pari at dahil dun napatahimik ang lahat ng tao dito sa loob ng simabahan at sama-sama kaming nanalangin.

Hawak ni Maria at ina ang mga kamay ko ngayon, pare-pareho kaming nanginginig sa takot at hindi alam ang gagawin. Maging sa itsura ni Gobernador Flores, Natasha, hukom Fernandez at hukom Valenaciano ay mababakas din ang matinding pagkatakot.

Kahit ipikit ko ang aking mga mata, kahit hindi ko man nakikita ang nangyayari ngayon sa labas... nararamdaman ko pa din kung gaano katindi at kadami ang mga dugong dumadanak sa mga oras na ito. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kalagayan ni Juanito...

TEKA!

Kaya ba siya nandito kanina ay para pangunahan ang pag-atake at maudlot ang kasal namin ni Leandro?

"Ama namin, sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo, Mapasaamin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo------"

Napatigil ang lahat nang biglang maghari ang nakakabinging katahimikan mula sa labas, sa bawat Segundo na lumilipas ang aming pangamba at kaba ay mas lalong lumalakas. Halos lahat kami ngayon ay nakatingin sa pintuan ng simabahan.

Biglang napaatras at nanlaki ang mga mata ng lahat nang biglang umalog ang pintuan ng simabahan. Parang may pwersa sa labas ang pilit na tumutulak dito upang bumukas anng pinto.

Ang mga rebelde!

"Sumunod kayo sa akin!" sigaw nung pari sabay lakad papunta sa gilid ng altar at may pinto sa gilid nito, nagunahan ang mga tao at dali-daling sumunod sa pari. "Huminahon kayo! Huwag kayong mag-unahan... mas mahihirapan tayo makalabas dito" patuloy pa nung pari pero hindi pa rin nakinig ang mga tao. sa mga pagkakataong ito sa oras ng panganib, kapag takot na ang naghari sa puso't-isipan ng isang tao hindi na nito makokontrol pa ang sarili at tanging ang iisipin lamang nito ay ang makaligtas sa paparating na panganib.

Wala ng nagawa pa yung pari kundi tumakbo na din papunta sa pinto sa gilid kung saan nag-uunahan na yung mga tao, agad namang hinawakan ni Don Alejandro ang kamay ni ina, hinawakan naman ni ina ang kamay ni Maria at hinila naman ako ni Maria.

"NANDYAN NA SILA!" sigaw nung isang lalaking nakabarong, napalingon kami sa likod at nakita naming unti-unti nang bumubukas ang pinto ng simbahan. At dahil dun mas lalong nagtulakan ang mga tao at napabitaw ako sa kapit ni Maria.

"Carmelita!" sigaw niya pero huli na ang lahat dahil tuluyan nang bumukas ang pinto at dali-daling sumugod at nagtakbuhan ang mga rebelde papasok ng simbahan sa pangunguna ni Ignacio.

Punong-puno ng mga bakas ng dugo ang kanilang mga damit, ang ilan sa kanila ay may dalang malalaking sundan o itak at ang ilan naman ay may hawak na mahahabang baril na nakuha nila sa mga napatay na guardia civil sa labas.

Agad inilibot ni Ignacio ang mga mata niya at bigla siyang napatigil nang makita si hukom Valenciano, dali-dali siyang tumakbo papalapit sa walang kalaban-laban na si hukom Vaelciano at sinapak ito sa mukha, nagsitakbuhan din ang iba pa niyang kasamahan na mga rebelde at pinaghihila nila ang mga mayayaman at makapangyarihang kastila na dumalo dito sa simbahan.

"Huwaaaag!" sigaw ni ina, nang biglang hilahin ng tatlong rebelde si Don Alejandro papalabas din ng simbahan. Napasigaw din si Natasha nang hilahin din ang kaniyang ama na si Gobernador Flores. Maging ang matandang si hukom Fernandez at Manuel ay hinila at pinagsasapak din.

Napatakbo kami ni ina, Maria, Natasha at madam Olivia papalabas ng simabahan upang sundan sila. At dahil dun agad kaming sinigawan at pinaluhod din ng mga rebelde. Parang biglang nabuhusan ng napakalamig na tubig ang buong katawan ko nang makita ko ang kalagayan sa labas ng simabahn. Nagkalat ang mga dugo at walang buhay na mga guardia civil at iilang mga rebelde sa kalsada.

Sa pagkakataong iyon, ang mga rebelde ang naggwagi. Nakatayo ang ilan sa mga sugatang rebelde at nakatingin silang lahat ng masama sa amin. Sa mga tingin pa lang nila ramdam ko na kung paano nila kami papatayin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakahandusay na katawan ni Leandro at Heneral Seleno sa gitna, parehong naliligo sa dugo. Gusto ko sanang tumakbo papalapit kay Leandro pero agad akong tinulak ng isang rebelde at pinabalik sa pagluhod.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon kayong mga nasa itaas ang magwawagi... dahil ang kasamaan niyo ay hindi habambuhay maghahari!" galit na galit na sigaw ni Ignacio at agad siyang naglakad papalapit kay hukom Valenciano at itinapat ang itak sa leeg nito. "Hinatulan mo ng kamatayan ang aking ama ng walang basehan!... at iyon ang magiging basehan ko sa pagpataw ng kamatayan sayo!" nanginginig sa galit na sigaw ni Ignacio, napayuko naman paulit-ulit si hukom Valenciano pero huli na ang lahat dahil agad itinabak ni Ignacio ng malakas ang itak sa leeg ni hukom Valeciano dahilan para dumanak ang napakaraming dugo at halos humiwalay ang ulo ni hukom Valenciano sa kaniyang katawan.

Napatulala kaming lahat at hindi namin magawang tingnan ang kahabag-habag na kamatayang dinanas ni hukom Valenciano. Ilang sandali pa, nagulat kami ng biglang hinila ng dalawang guardia civil ang katawan ni Leandro at Heneral Seleno. Buhay pa sila!

Nanghihina at napaubo ng dugo si Leandro nang bigla siyang itulak at pinaluhod sa harapan ni Ignacio. Hinang-hina at halos basag din ang mukha ni Heneral Seleno, agad na lumapit si Ignacio kay Heneral Seleno at kinuwelyuhan niya ito. "Walang hiya ka! Pinatay mo ang asawa ko at anak ko!" sigaw ni Ignacio at sinuntok niya sa mukha si Heneral Seleno dahilan para mapabagsak ito sa sahig. "Wala kayong ginawa kundi patayin ang mga inosente! At ngayon pagbabayaran niyo ang lahat ng iyon!" sigaw pa ni Ignacio at hinampas niya rin ng itak si Heneral Seleno sa likod, tumagos ito sa dibdib niya at namatay si Heneral Seleno nang dilat ang kaniyang mga mata.

Nagulat ako nang biglang magtama ang mga mata namin ni Ignacio, sa totoo lang hindi ko siya masisisi kung nagawa niyang gumamit ng dahas at pumatay upang makapaghiganti sa mga taong sumira rin sa pamilya niya.

Iniwas na ni Ignacio ang mga mata niya sa'kin at ibinaling ito kay Don Alejandro na ngayon ay nakahalik na sa lupa at sobrang nanginginig sa takot. Hinde!

Kahit pa galit ako kay Don Alejandro sa mga kasamaang ginawa niya... kadugo at ninuno ko pa rin siya, hindi ako makakapayag na mamatay siya.

Dahan-dahang naglakad si Ignacio papalapit kay Don Alejandro na biglang nanigas sa takot nang mapagtanto niya na siya na ang sunod na papatayin ni Ignacio. Nakatayo lang si Ignacio sa tapat niya at napahawak ito ng mahigpit sa itak niya.

"Hindi ko akalaing magagawa mong pagtaksilan ang aking ama at si Don Mariano, noong una ay inakala kong ayaw mo lang makisali sa gulo at hindi pa ako makapaniwala na magagawa mong linlangin si ama at Don Mariano na magpalagay ng markang ekis sa likod upang gamitin itong ebidensiya laban sa kanila... sabi nga nila, kadalasan mas dapat tayong mag-ingat at umiwas sa mga taong nananahimik lamang, dahil sila kung minsan sila ang mga taong hindi man magsalita ang mga kilos at utak nila ang may kakayahang gumawa ng mga kataksilang pambihira" seryoso at nanginginig sa galit na tugon ni Ignacio, patuloy na pumapatak ang dugo sa itak niya na mula kay hukom Valenciano at heneral Seleno.

"B-bakit Don Alejandro? bakit mo nagawang hatulan ng kamatayan si Sonya? A-alam kong kahit papaano ay itinuring mo din siyang anak d-dahil halos nasubaybayan mo din ang kaniyang paglaki kasama ni Carmelita... n-nasa iyo ang desisyon noong araw na i-iyon... m-maari mong iligtas ang buhay niya at ng anak namin, p-pero bakit sa kabila niyon ay pinili mo pa ding hatulan siya ng k-kamatayan? BAKIT?!" nanginginig sag alit na sigaw ni Ignacio habang patuloy na bumubuhos ang mga luha sa kaniyang mga mata. Paulit-ulit lang na lumuhod si Don Alejandro at nagmamakaawa na huwag siyang patayin. Tulala naman at nanginginig sa takot si Gobernador Flores na nasa tabi niya dahil alam niyang siya na ang susunod.

Napatigil ang lahat nang patakbong dumating si Juanito, wala siyang itak o armas na hawak at malinis din ang kaniyang damit. Walang bakas ng dugo, parang hindi siya nakipaglaban.

"Ignacio! Sandali!" sigaw niya, at dahil dun napatigil at napalingon sa kaniya si Ignacio. Gulat na gulat si Juanito sa mga nakikita niyang mga duguang bangkay na nakakalat sa sahig at ang iilang mga rebeldeng sugatan at tinutulungan pa ng iba nilang kasamahang rebelde.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Juanito nang magtama ang mga mata namin. Ilang Segundo kaming nagtitigan, parehong hindi alam ang mga gagawin. Biglang humarap sa kaniya si Ignacio at nakahawak pa din ito ng mahigpit sa kaniyang itak, gulat na napatingin si Juanito sa itak na hawak ni Ignacio na naliligo na sa dugo.

Magsasalita na sana si Juanito pero biglang tumunog ang kampana ng simbahan at ilang saglit pa, umalingangaw sa kapaligiran ang paparating na grupo ng mga sundalo at guardia civil mula sa Cavite sa pamumuno ni kolonel Santos.

Napalingon ako kay Leandro na ngayon ay hinang-hina na pero umaliwalas ang mukha niya ng makita ang hukbo na dala-dala ni kolonel Santos. Bigla kong naalala kanina, may binulong si Leandro kay Kolonel Santos... ibig sabihin inutusan niyang tumawag ng karagdagang hukbo si kolonel Santos, at kahit alam niyang kakaunti lang ang bilang nila laban sa mga rebelde, lumaban pa rin si Leandro.

Napasigaw ang lahat at nasimulang magtakbuhan nang biglang barilin ni kolonel Santos si Ignacio habang nakasakay ito sa kumakaripas na takbo ng kabayo. Tatlong bala ang pinaulan ni kolonel Santos at lahat ng ito ay diretsong tumama sa tiyan at dibdib ni Ignacio dahilan para mabitawan niya ang itak na hawak niya at mapabagsak sa sahig.

Bigla naman akong hinila ni Maria, at namalayan ko na lang na hila-hila na rin siya ni Don Alejandro at ina kasama sila Gobernador Flores, Natasha, hukom Fernandez at akay-akay nila si Leandro papasok muli sa loob ng simbahan dahil patuloy nang pinapaulanan ng mga sundalo at guardia civil na kasama ni kolonel Santos ang mga rebelde.

Hindi na naisara ang pinto ng simbahan dahil nasira na ito ng mga rebelde. Kung kaya't kitang-kita ko kung paano isa-isang namamatay at nauubos ang mgga rebelde. Agad kong nakita si Juanito na dahan-dahang gumagapang sa gilid ng isang bakod na gawa sa bato habang akay-akay si Ignacio na duguan at naghihingalo na ngayon.

Nakababa na ng kabayo si Kolonel Santos at papalapit na siya ngayon kina Juanito at Ignacio. HINDE!

At dahil dun bigla akong bumitaw sa pagkakakapit kay Maria at dali-daling tumakbo papalabas ng simabahan, pero bigla akong napatigil at nanigas sa kinatatayuan ko ng biglang may balang dumamplis sa pinakadulo ng tenga ko dahilan para biglang nag-mute ang paligid at wala akong marinig.

Napahawak ako sa tenga ko at halos bumigay ang puso ko ng makita ang napakaraming dugo sa kamay ko. napatingin ako sa paligid at parang bumagal ang lahat kasabay niyon ang ingay at sigawang hindi ko naririnig. Pinag-babaril ng mga sundalo ang mga rebelde at pinagsisipa pa ito, napalingon naman ako sa kinaroroonan nila Juanito at Ignacio na ngayon ay nadakip na ni kolonel Santos.

Biglang nanghina ang tuhod ko at parang biglang umikot ang buong paligid dahil sa pagtama ng bala sa tenga ko, ramdam ko ang hapdi at umuugong na sakit mula sa tenga ko na ngayon ay hindi maaawat sa pagdudugo. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig habang nakamulat ang mga mata at natutunghayan ang kaguluhang nangyayari ngayon sa paligid ko...

Napatingin ako kay Juanito at nakita kong bihag na siya ngayon ni kolonel Santos habang si Ignacio ay wala nang buhay na nakahandusay sa kalsada. Biglang napatingin sa'kin si Juanito at kitang-kita ko ang pag-aalala at pagkagulat sa kaniyang mga mata nang masaksihan ang pagbagsak ko sa lupa.

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ko habang unti-unting nagdidilim ang aking paningin at tinatanaw si Juanito na gulat na gulat na nakatingin din sa akin habang hinihila nila kolonel Santos pasakay ng kalesa.

Sa mga oras na iyon, masaya akong makita siya bago tuluyang magdilim ang aking paningin at mawalan ng malay.


"A-anak? C-carmelita? N-naririnig mo ba ako?" nag-aalalang tanong ni ina, pagmulat ko ng mata ay siya agad ang nakita ko, paulit-ulit niyang sinasabi ang mga salitang iyon at kahit hindi ko masyado marinig ay naiintindihan ko pa din. "S-salamat sa Diyos at buhay ka anak ko!" pagsusumamo niya pa sabay yakap sa'kin ng mahigpit.

Napatingin naman ako sa paligid at narealize ko na nasa isang kwarto ako dito sa Hospital de San Juan de Dios, kung saan na-confine din noon si Josefina. "K-kamusta na ang iyong pakiramdam? May masakit ba sa iyo? Tatawag ako ng doktor----" hindi na natapos ni ina yung sunod-sunod na tanong niya dahil bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Ayos lang po ako..." tugon ko, kaya ko naman tiisin kahit pa medyo mahapdi pa din ang sugat sa bandang kanan na tenga ko. nakabalot ngayon ng puting tela ang sugat sa tenga ko at amoy na amoy ko din ang matapang na amoy ng halamang gamot na nilagay doon.

"Esmeralda magpadala ka ng sulat sa aking asawa at sabihin mong umuwi siya ng maaga dahil gising na si Carmelita... at magtawag ka na din ng doktor" utos ni ina kay Esmeralda at dali-dali naman itong sumunod. Napalingon pa ako sa paligid at pansin kong wala dito si Maria.

"A-alam ko kung sino ang hinahanap mo anak... W-wala na si Maria, nakipagtanan siya kay Eduardo kagabi" tugon ni ina at bakas sa tono ng boses niya na galit siya at hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Maria.

Nanlaki lang ang mga mata ko at gulat na gulat na nakatitig kay ina. Ano? Bakit siya sumama kay Eduardo? Kaanib ng mga rebelde si Eduardo at si Don Alejandro ang nagpapatay kay Mang Raul na ama ni Eduardo?!

"Hindi ko lang maintindihan... nagkulang ba kami sa pagbibigay ng paalala at pagmamahal sa inyo ng inyong ama? Kung kaya't ganoon na lang sa inyo kadali iwan kami?" naghihinanakit na tugon ni ina. Hindi ko alam pero napayuko na lang ako. bakit nga ganun? Bakit pa gang puso natin ay natutong magmahal at labag dito ang ating mga magulang pero nagagawa pa din nating suwayin sila at sundin ang bugso ng ating damdamin.

Pero kahit anong mangyari hindi pa rin natin masisi ang puso natin dahil minsan lang ito tumibok at sa oras na mangyari iyon hindi na dapat natin sayangin pa, dahil minsan lang dumating sa buhay ng tao ang totoong pag-ibig, hindi ito nahahanap o napupulot lang kung saan-saan.

Napatitig ako sa isang maliit na sobre na inabot sa akin ni ina, dahan-dahan kong kinuha at sinimulang basahin iyon...

Mahal kong ina,

Patawarin niyo po ako sa aking desisyon. Huwag po kayong mag-alala dahil nakasisiguro po akong iingatan at aalagaan po ako ni Eduardo, nagkausap po kami kagabi at pinagtapat niya sa akin ang lahat, humahanap lang po siya ng tiyempo na makapagsimula kami muli, at naniniwala po ako na ito na iyon. Huwag din po kayong mag-alala dahil sa oras na maayos na po ang lahat bibisitahin ko po kayo, at madalas din po akong magpapadala ng sulat sa inyo, pakikamusta na lang din po ako kay ama at Carmelita, mahal na mahal ko po kayo... sadyang nais ko lang magsimula ng bagong pamilya kasama si Eduardo.

Nagmamahal,
Maria

Ilang Segundo akong napatulala sa sulat ni Maria. alam kong mabait at handang tumulong anumang oras si Eduardo, pero hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba dahil tulad ni Juanito, hindi imposibleng hindi rin magbago si Eduardo.

"Hindi ko lang matanggap na matapos ko kayo palakihin ng maayos at tama ay magagawa niyo pa din kaming suwayin at iwan" patuloy pa ni ina habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko rin naman masisisi ang sakit na nararamdaman ngayon ni ina, alam kong hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Josefina at ngayon naman ay nasa malayong lugar na si Maria at wala kaming ideya kung nasaan siya ngayon at kung maayos lang ang kalagayan niya.

Tinupi ko na yung papel at ibinalik iyon kay ina. Napayakap na lang ako sa kaniya, alam kong sobra ang sakit at hinanakit ang dinadamdam niya ngayon. Ilang saglit pa biglang kumatok si Esmeralda sa pinto at pagbukas niyon ay nasa likod na niya si Ginoong Hidalgo, ang doktor na minsan ko na ding nakasalamuha sa Maynila noon.

"Donya Soledad, hindi raw po maaaring istorbohin si Don Alejandro sa kanilang pagpupulong kasama si Gobernador Flores at ang Gobernador-Heneral ng Pilipinas" tugon ni Esmerlda at dahil dun nanlaki ang mga mata ko. Whuut? Kausap na nila ang Gobernador-Heneral?

Pero sabagay hindi imposible iyon dahil sa ginawang pag-atake ng mga rebelde sa kasal namin ni Leandro mukhang naalarma ang pamahalaan.

Napansin kong parang mas lalong nastress si ina dahil sa narinig niya, agad akong napahawak sa kamay niya "N-nangangamba ako ngayon sa kalagayan ng pamilya natin... dahil may mga usap-usapan na si Maria ang nagbigay ng impormasyon sa mga rebelde nang atakihin nila ang araw sana ng kasal niyo ni Heneral Leandro" tugon ni ina, napatulala lang ako sa kaniya at hindi ako nakapagsalita.

Ano? Imposible iyon... pero...

Bigla kong naalala na si Maria ang in charge sa lahat ng plano at detalye ng kasal namin ni Leandro, at ngayon bigla na lang siya nawala at sumama kay Eduardo matapos ang matagumpay na pag-atake ng mga rebelde at pagpatay sa iilang opisyal kasama na si hukom Valenciano at Heneral Seleno at lubhang ding nasugatan si Leandro.

Teka! Ang huli kong naalala ay naitakas nila Natasha si Leandro, samantalang nadakip naman nila kolonel Santos si Juanito... at napatay si Ignacio.

Parang biglang kumirot ang puso ko nang marealize na wala na din si Ignacio. Pero kahit papaano nakasisiguro ako na namatay siya ng mapayapa dahil naipaghiganti niya ang brutal na pagkamatay ng kaniyang ama na si Kapitan Corpuz, si Sonya, at ang anak nila na hindi man lang naisilang sa mundong ito. Kahit papaano ay nakapaghiganti siya kay hukom Valenciano at Heneral Seleno.

"Magandang umaga Donya Soledad at Binibining Carmelita" bati ni doktor Hidalgo, at ibinaba na niya ang ilan sa mga dala niyang kagamitan sa panggagamot. "Ipagpaumanhin niyo kung ako lang ang bakanteng doktor sa mga oras na ito, ang espesyalistang doktor sa tenga ay abala ngayon sa isang operasyon" tugon ni doktor Hidalgo, napatitig naman ako sa kaniya, siguro kung maayos pa ang lahat, baka doktor na rin ngayon si Juanito at tulad ni doktor Hidalgo ay makapagsisilbi na rin siya sa mga may sakit at nangangailangan ng tulong.

Tiningnan ni doktor Hidalgo ang sugat sa kanang tenga ko at may nilagay siyang panibagong gamot dito. "Mabuti na lamang at agad nalapatan ng lunas ang natamo mong sugat Binibining Carmelita... dahil kung hindi ay maaaring tuluyan ka nang hindi nakakarinig ngayon" tugon ni doktor Hidalgo. Maging si ina ay nagulat din sa sinabi ni doktor Hidalgo. Bigla naman akong napa-aray dahil madiin ang pagtapal nung nurse ng puting tela sa sugat ko.

"D-doktor Hiidalgo, kamusta na po ang kalagayan ngayon ng anak ko? wala naman pong matinding komplikasyon, hindi ba?" nag-aalalang tanong ni ina. Hindi naman nakapagsalita agad si Doktor Hidalgo at naghugas na siya ng kamay niya.

"Sa totoo lang, hindi ako nakasisiguro kung magiging normal pa din tulad ng dati ang panrinig mo Binibining Carmelita... maaaring makaramdam ka ng pagkahilo o pagugong ng tenga mo kung minsan at sa tuwing mangyayari iyon ay mas mabuting magpahinga ka at pakalmahin ang iyong sarili" paliwanag ni Doktor Hidalgo.

Sa pagkakataong iyon, napahawak na lang ako sa tenga ko at napatulala na lang ako sa kawalan habang iniisip ang mga posibleng mangyari sa'kin. kahit anong mangyari, kahit napunta man ako sa panahong ito, katawan ko pa rin ito, kung gayon magtagumpay man ako sa misyon ko habambuhay ko na dadalhin ang sugat na ito sa tenga ko.

Nalaman ko na dalawang araw pala akong nawalan ng malay matapos ang pag-atake ng mga rebelde sa kasal namin ni Leandro. At nalaman ko rin mula kay ina na abala ngayon si Don Alejandro upang ipahanap si Maria at gusto nilang palabasin na kinid-nap lang nila Eduardo si Maria upang hindi akusahan si Maria at ang pamilya namin na tumutulong sa mga rebelde.

Nalaman ko din na nakakulong na ngayon si Juanito sa Fort Santiago at pilit siyang pinapaamin kung nasaan nagtatago ang mga rebelde ngayon. Bigla kong naalala ang lecture noon ni Prof. Hermios sa history class namin kung paano pinapahirapan at tinotorture ang mga nahuhuling kasapi ng mga rebelde.

Agad akong napabangon, at naabutan kong nasa tapat ng bintana si ina at nagtatahi siya. napatigil siya sa pagtatahi nang makita ang pagbangon ko. "Carmelita? Bakit? May kailangan ka?" sunod-sunod na tanong ni ina at agad siyang lumapit sa akin. Medyo naramdaman ko ang pagkirot ng tenga ko pero hindi ko pinahalata kay ina dahil alam kong mag-aalala lang siya lalo at baka hindi niya na ako palabasin dito sa hospital.

"Ina... maaari ko po bang makita at makausap si Juanito?" tanong ko sa kaniya, napatulala naman sa akin si ina at hindi siya nakapagsalita agad. "A-alam ko pong imposible ang h-hinihingi ko pero... h-hindi po kasi ako mapapanatag hangga't----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang hinawakan ni ina ang kamay ko at hinimas ang buhok ko.

"Medyo Malabo ang hinihiling mo anak... p-pero huwag kang mag-alala... gagawa ako ng paraan" tugon niya, hindi ko naman mapigilang mapangiti kahit pa patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. "Gagawin ko ang lahat para sa iyo anak..." tugon niya pa sabay yakap ng mahigpit sa akin. Alam kong alam ni ina na hindi mapapalagay ang loob ko hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ni Juanito. Alam kong alam niya na ang pinagdadaanan ko ngayon.

Makalipas pa ang dalawang araw, nakalabas na ako ng hospital, maayos naman na ang pakiramdam ko at narito kami ngayon sa bahay nila Leandro sa Cavite dahil kasalukuyan siyang nagpapagaling ngayon.

"Binibining Carmelita, hinihintay na po kayo ni Ginoong Leandro sa kaniyang silid" tugon nung isang kasamabhay nila, naiwan naman sa salas si ina habang kausap si Natasha. Hindi naman kami nag-iimikan ni Natasha dahil alam kong galit pa din siya sa'kin dahil sa away namin ni Helena.

Pagdating ko sa kwarto ni Leandro, naabutan kong nakasandal siya sa kama niya at may hawak siyang maliit na baul. Agad siyang napangiti nang makita ako, namamaga at puro galos at sugat din ang mukha niya dahil sa natamong pambubugbog at mga saksak mula sa mga rebelde.

Malinis at maayos ang kwarto ni Leandro, madami ring mga medalya na naka-display sa bawat sulok ng kwarto niya na natanggap niya bilang karangalan sa kaniyang propesyon. Ang mga nagkikislapang gintong medalyang iyon na sumisimbolo sa pagiging matagumpay niya at sa pagkamit niya sa kaniyang mga pangarap ay may kakambal ding kabiguan, dahil ang kapalit ng pagtupad niya sa kaniyang pangarap ay ang tuluyang paglayo ng loob ni Carmelita sa kaniya.

Hindi ko rin maintindihan dahil maging ako ay hindi ko pa ding magawang pasunurin ang puso ko na ibigin siya.

Naramdaman ko ang bigat ng puso ko habang pinagmamasdan siya, Nang dahil sa akin muntik nang malagay sa panganib ang buhay niya, dahil sa akin nabago ang tadhana at nangangamba din ako sa kaligtasan niya.

Agad niya akong sinenyasan na umupo sa tabi niya at dahil dun dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. "Nagagalak ako dahil maayos na ang kalagayan mo mahal ko" tugon niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko. napatingin naman ako sa mga kamay namin na magkahawak ngayon. Sinusubukan ko namang pakinggan ang tibok ng puso ko para sa kaniya... pero kahit anong gawin ko hindi ko pa rin ito marinig at maramdaman.

"Hindi ko alam kong anong gagawin ko nang makita kong tinamaan ka ng bala, mabuti na lamang dahil agad kang nakita ni Esmeralda at isinugod sa hospital" tugon ni Leandro, so ibig sabihin si Esmerlada ang unang tumulong at nag-first aid sakin? Pero bakit niya ginawa yun? akala ko galit siya sa'kin.

"Nabalitaan ko din ang nangyari sa iyong kapatid na si Maria, at huwag kayong mag-alala hindi ako makapapayag na mapahamak ang kapatid mo, ang pamilya niyo at lalong-lalo ka na... mahal ko" patuloy niya pa. napatango naman ako. buti na lang kahit anong mangyari, narito pa rin si Leandro upang tulungan at intindihin ako.

Ilang saglit pa binuksan na niya yung maliit na baul na hawak-hawak niya kanina. At napatulala ako sa laman niyon, madaming mga lumang sulat na mula kay Carmelita at ang iilan ay may nakadikit pang mga bulaklak na ngayon ay tuyo na.

"Naalala mo ba ang lahat ng ito? Nagtatago pa ako sa palikuran upang basahin lamang ang mga liham mo noong nagsisimula pa lang ang relasyon natin" nakangiting tugon ni Leandro at may kinuha siyang isang liham at inabot iyon sa akin.

Abril 21, 1881

Napatulala lang ako sa sulat na iyon, kahit hindi ko na basahin anng liham na iyon ay alam ko na ang nilalaman nito dahil biglang may alaala ni Carmelita ang pumasok sa isipan ko...

"P-para sa akin?" nahihiya at gulat na tanong ni Leandro, kahit bata pa ang itsura ni Leandro at Carmelita ay mababakas pa rin ang pag-ibig sa mga tinginan nila na tanging nakikita lang sa mga nakatatanda.

Napatango naman si Carmelita at agad binuksan ang kaniyang pamaypay at itinakip niya ito sa mukha niya upang hindi makita ni Leandro na nag-bublush siya. napangiti naman ng todo si Leandro at binasa na niya ang sulat ni Carmelita sa harapan nito,

Mahal kong Leandro,

Ipagpatawad mo kung sa pamamagitan ng liham na ito ko masasabi ang mga salitang nais kong sabihin sa iyo, sa totoo lang hindi ako sanay makipag-usap ng ganito sa ibang tao lalo na sa harapan ng isang lalaki na tulad mo. Ngunit lalakasan ko na ang loob ko para sa iyo, nais ko sanang magpasalamat dahil iniligtas mo ako laban sa mga pato na nais umatake sa akin, hindi man ako pormal na nakapagpasalamat sa iyo noong araw na iyon dahil sa takot ay alam kong alam mo na lubos kong tatanawin na malaking utang na loob iyon sa iyo. Sa tingin ko ay magiging isang dakilang sundalo ka na magtatanggol sa mga naapi balang araw, at ikinagagalak kong matunghayan ang araw na iyon.

Nagpapasalamat,
Carmelita

Napatulala na lang ako kay Leandro na ngayon ay nagtataka kung bakit nakatitig lang ako kanina pa sa liham na inaabot niya sa akin. "Nais mo bang basahin muli?" tanong niya, at dahil dun natauhan na ako at napailing.

"Hanggang ngayon ay sariwa pa rin pala sa iyo ang unang sulat na ibinigay mo sa akin, tandang-tanda ko pa kung paano namula ang iyong mga pisngi nang araw na iyon" nakangiting tugon ni Leandro. Parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, lalo na sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya. mas lao tuloy akong na-guiguilty dahil parang niloloko ko siya.

"Simula nang araw na iyon, nang dahil sa iyo nagkaroon ako ng pangarap at ituloy ang nasimulan ng aking ama sa larangan ng pagiging sundalo, at bukod doon ay pangarap ko ding magkatuluyan tayo" tugon ni Leandro.

Napatingin ulit ako sa sulat na iyon, hindi mawala sa isip ko ang huling salitang sinabi ni Carmelita...

Sa tingin ko ay magiging isang dakilang sundalo ka na magtatanggol sa mga naapi balang araw, at ikinagagalak kong matunghayan ang araw na iyon.

So ibig sabihin, ang mga salita talaga ni Carmelita ang nag-udyok sa kaniya na tahakin at tuparin ang pangarap niyang maging sundalo. Pero si Carmelita rin mismo ang unang nasaktan nang umalis si Leandro upang abutin ang pangarap niya at iyon ang naging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila.

"Ang nangyaring ito sa atin ay magsisilbing tanda at aral na dapat ay laging maging handa laban sa mga hindi inaasahang pag-atake mula sa tulisan... Nais ko ring pangunahan ang pagbibigay parangal sa kabayanihang ginawa ni Heneral Seleno na maging hanggang sa huling hininga niya ay naging tapat pa din sa tungkulin sa bansang Pilipinas at sa imperyong Espanya" tugon ni Gobernador Flores. Narito kami ngayon sa sementeryo sa Paco, Manila dahil ngayong araw na din ang libing ni Heneral Seleno at hukom Valenciano.

"Ang sinapit naman ni hukom Valenciano sa kamay ng mga rebelde ay hindi natin palalagpasin, asahan niyong ang hustisya sa kaniyang pagkamatay ay ating makakamit!" sigaw pa ni Gobernador Flores at umayon sa kaniya lahat ng mga may dugong banyaga at mayayaman na narito rin ngayon.

Sandali namang napatahimik ang lahat habang pinagmamasdan ang kabaong ni Heneral Seleno at hukom Valenciano na tinatabunan na ngayon ng lupa. nagpaputok din ng 21 gun shot ang mga nakapwestong sundalo bilang pagbibigay karanagalan sa propesyon ni Heneral Seleno bilang isang sundalo at Heneral.

Bigla ko tuloy naisip si Ignacio at ang iba pang kasamahan nilang rebelde na namatay rin. Bakit ganun? Ang mga tunay na bayani ay hindi man lang nabigyan ng karangalan at maayos na libing. Mas lalo akong nalungkot nang nabalitaan ko na tinapon lang sa patay na lawa ang mga bangkay ng mga rebelde at kabilang doon ang bangkay ni Ignacio.

Napatingala na lang ako sa kalangitan. Maaliwalas ang langit at maganda rin ang sikat ng araw.

Sonya... Ignacio... Alam kong masaya na kayong magkapiling ngayon, Maraming salamat sa lahat ng tulong at pagmamahal na pinaramdam niyo sa akin. Hanggang sa muli nating pagkikita. Hangad ko ang kaligayahan at kapayapaan niyong dalawa.

"Ayon na rin sa kautusan ng ating pinakamamahal na Gobernador-Heneral, Gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito upang ipakilala sa inyo ang magiging bagong punong heneral ng hukbo ng San Alfonso... si Heneral Leandro Flores" anunsyo ni Gobernadoor Flores, nakangiti namang lumapit si Leandro sa tabi ng kaniyang ama at tinanggap ang parangal mula dito. Kahit pa naka-saklay siya dahil hindi niya pa kayang lumakad ng walang suporta ay sinikap niya pa ding tumayo at tanggapin ang parangal sa gitna.

Nagulat ako nang mapatingin sa akin si Leandro sabay ngiti ng todo. Matapang, magiting at tapat sa tungkulin si Leandro, alam kong karapat-dapat siya sa pusisyon na iyon, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilang mag-alala. Dahil kaakibat ng mataas na pusisyong iyon... mas malaki at mabigat na responsibilidad ang kaniyang kakaharapin. At natatakot ako na baka dumating ang araw na maging balakid ako sa pagtupad niya sa kaniyang tungkulin.

"Nais ring bigyang parangal ng Gobernador-Heneral at itaas ang ranggo ni Kolonel Santos na sa utos ni Heneral Leandro ay nagligtas sa amin sa pagkakabihag mula sa mga rebelde" tugon pa ni Gobernador Flores, ngayon naman ay si Kolonel Santos ang pinarangalan niya na magiging isang Heneral na rin ngayon. "At ang huli nais ko ring ipakilala sa inyo ang magiging bagong punong hukom ng San Alfonso na mangunguna sa pagpapatupad ng hustisya... si Hukom Manuel Velario" tugon pa ni Gobernador Flores. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ng asawa ni Nenita at dahil dun napatingin ako sa kaniya. Nakangiti at sobrang saya naman ngayon ni Nenita na todo suporta sa kaniyang asawa na nakikipag-kamay at pinapalakpakan na ng mga tao ngayon. Wala siyang kamalay-malay na sa oras na tumaas ang iyong pusisyon kasabay rin nito ang pagdating ng mga panganib sa buhay nila.



Kinabukasan, nagulat ako dahil maaga pa lang ay sinabihan ako ni Don Alejandro na magbihis dahil may pupuntahan daw kami. "Saan daw po kami pupunta?" bulong ko kay ina pero narinig ni Don Alejandro ang sinabi ko kaya lumingon siya sa akin. "Malalaman mo rin Carmelita" seryosong tugon ni Don Alejandro, alam kong hindi na siya galit sa'kin lalo na dahil pumayag na akong magpakasal kay Leandro pero umiiwas at natatakot pa din ako sa kaniya lalo na ngayong beast mode ulit siya dahil sa pagtatanan ni Maria at Eduardo at pinagdududahan din si Maria at ang pamilya namin na sumusuporta sa mga rebelde. 

Bago ako sumakay sa kalesa ay niyakap pa ako ni ina "Anak... intindihin mo na lang ang iyong ama... marami lang siyang problema ngayon, lalo na't hindi pa rin kami sigurado kung talagang nakipag-tanan si Maria o binihag siya ng mga rebelde" paliwanag ni ina. Maging siya ay kitang-kita ko na lubos na nag-aalala din. Malaki na rin ang eyebags niya at mukhang hindi na siya nakakatulog ng maayos.

Tumango na lang ako. at sumakay na sa kalesa, pinasama din sa akin ngayon si Esmeralda upang magbantay sa akin. Habang nasa kabilang kalesa naman nakasakay si Don Alejandro kasama ang bagong punong hukom ng San Alfonso na si Manuel Velario.

Napadaan kami ngayon sa Coastal sa Manila bay, sobrang ganda at ang linis pa ng Manila bay. Kung sana napalagaan lang ito ng mabuti sa mga susunod na generation, sigurado akong ma-eenjoy ng lahat ang angking ganda at linis nito.

Napatingin ako kay Esmeralda na ngayon ay poker face lang na nakatanaw sa bintana. "Uhmm.. S-salamat ng apala dahil tinulungan mo ako nung tinamaan ako ng bala sa tenga" tugon ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa'kin at tumango.

"at patawad din dahil pininaniwala namin noon ni Josefina na ikaw ang nagpatakas kay Mang Raul" tugon ko pa, napatingin naman siya ng diretso sa mga mata ko. sa totoo lang, naguguilty talaga ako dahil friname up namin siya noon.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko "Ako nga dapat ang humingi ng tawad sa iyo Binibini... nang dahil sa akin muntik nang mamatay si Ginoong Juanito at nahuli rin sila Ginoong Ignacio at Eduardo" tugon niya. Oo nga pala, minanmanan niya kami at sinumbong kina Don Alejandro noong itatakas sana kami nila Juanito.

"Ayos lang yun... at least quits na tayo" sagot ko pero biglang nagtaka yung istura niya. Ayy! Shocks! Ano bang pinagsasabi ko!

"Ahh-eehh... ang ibig ko sabihin bati na tayo" sagot ko na lang. napangiti naman siya ng bahagya. Alam kong kahit medyo mataray at authoritarian si Esmeralda ay may malambot pa rin siyang puso.

Halos kalahating minuto din ang lumipas nang marating namin ang Intramuros. Nagulat ako nang tumigil kami sa tapat ng Fort Santiago. Teka!

Kaya ba ako isinama ni Don Alejandro ngayon dito sa Fort Santiago ay dahil nandito si Juanito!

"Buenos Dias, Mi nombre es Don Alejandro Montecarlos un funscionario de San Alfonso y este es mi amigo Manuel Velario el juez de la corte de San Alfonso" (Goodmorning, I am Don Alejandro Montecarlos an official of San Alfonso and this is my friend Manuel Velario a judge of the court in San Alfonso) pakilala ni Don Alejandro sa mga kastila at opisyal na nakabantay sa tapat ng Fort Santiago.

Tiningan naman ng mabuti nung punong guardia civil si Don Alejandro at hukom Manuel Velario mula ulo hanggang paa. May inabot na papel si Don Alejandro at agad itong binasa nung punong guardia civil. ilang sandali lang, tumango siya at ibinalik ang papel kay Don Alejandro pero napatigil siya nang makita kami ni Esmeralda na nakasilip sa bintana ng kalesa.

"Que hay de ellos? Que son esas dos damas?" (how about them? Who are those two ladies?) nagtatakang tanong nung punong guardia civil, napalingon din sa amin si Don Alejandro at hukom Manuel Velario.

"Oh! Esa es mi hija y su doncella" (Oh! That is my daughter and her maid) nakangiting tugon ni Don Alejandro. tiningan naman kami ng mabuti nung punong guardia civil.

"Que hacen aqui?" (what are they doing here?) seryoso niyang tanong. Hindi naman agad nakapagsalita si Don Alejandro, buti na lang dahil sumabat na si hukom Manuel Velario sa usapan nila.

"Senor, son parte del caso que vamos a investigar" (Sir, they are part of the case that we are going to investigate) tugon ni hukom Manuel Velario, tiningnan ulit kami nung punong guardia civil at ilang sandali lang napatango na rin siya.

"Bien" (Alright) tugon niya at inutos niya sa mga tauhan niya na pagbuksan kami ng gate.

"Gracias amigo" tugon ni Don Alejandro sabay sakay sa kalesa. Napayuko naman kami ni Esmeralda nang mapadaan ang kalesang sinasakyan namin sa tapat ng punong guardia civil na iyon. Hindi ko alam pero parang nagdududa siya kung bakit kami ni ina nandito.

Mula kasi nang maipasok kami ni Ginoong Valdez dito sa Fort Santiago noong ililigtas sana namin si Don Mariano pero nabigo kami at nahuli si Juanito ay naghigpit na ng todo ang mga guardia civil at opisyal na nagbabantay dito sa Fort Santiago.

Pagpasok namin sa loob ay agad kaming inalalayan ng iba pang guardia civil at naglakad kami kasunod nila Don Alejandro at hukom Manuel Velario na ngayon ay sinalubong na ni hukom Fernandez. "Kanina ko pa kayo hinihintay..." tugon ni hukom Fernandez at nag-shake hands silang tatlo.

"Hindi mo na sana kami hinintay pa... amigo" biro naman ni hukom Manuel Velario. At nagsindi sila ng tobacco.

"Ngunit kailangan niyo marinig ang pag-amin at salaysay ng rebeldeng iyon bago ito bawian ng buhay" tugon ni hukom Fernandez at dahil dun gulat akong napatingin sa kaniya. Napatingin din siya sa'kin at mukhang sinasadya niya na sabihin at iparinig sa'kin na mamamatay na si Juanito.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Esmeralda ang balikat at kamay ko upang pakalmahin ako. "Tayo na... hindi na ako makapaghintay malaman ang mga nalalaman niya" tugon pa ni hukom Manuel Velario na mukhang excited at pursigido talaga sa trabaho niya.

Naglakad na kami papunta sa dungeon, ang lugar kung saan nakakulong ang daan-daaang mga bihag. Napakapit na lang ako ng mahigpit kay Esmeralda habang sinusundan namin sila hukom Fernandez, hukom Manuel Velario at Don Alejandro na patuloy pa ding nag-uusap ngayon tungkol sa mga gawain ng mga rebelde.

Ilang saglit pa parang nanlamig ang buong katawan ko at nanghihina ang mga tuhod ko nang marinig ang sigaw at hinagpis ng isang pamilyar na boses... ang boses ni Juanito.

Umaalingawngaw sa buong paligid ang mga sigaw at panaghoy niya na nakapagpapadurog lalo sa puso ko.

"Noong isang gabi pa namin sinimulan ang pagpapahirap sa kaniya ngunit hindi pa rin siya natitinag... ayaw niya pa din sabihin ang mga nalalaman niya tungkol sa rebeldeng grupo ni Ca-tapang" tugon ni hukom Fernandez. napatigil kami sa tapat ng isang napakadilim na selda at tanging isang malaking gasera lang ang nagbibigay liwanag sa loob.

"binuksan nung isang guardia civil na nasa loob yung selda at pinapasok sila hukom Fernandez, hukom Velario at Don Alejandro. pero nung papasok na kami ni Esmeralda pinatigil niya kami "Hanggang diyan na lang kayo" seryosong tugon nung guardia civil sabay sara nung selda at dahil dun napahawak na lang ako sa pagitan ng mga rehas.

"Ahhhhhhh! Mga hayop kayo!" sigaw pa ni Juanito. parang biglang sumabog ang puso ko nang makita ko ang kalagayan niya ngayon. Nakatali sa likod ang magkabilang kamay niya at habang nakakabit doon ang isang malaking lubid na hinihila siya pataas sa ere. Kung hindi ako nagkakamali, ang paraan ng pag-totorture na iyon ay tinatawag na Strappado... na kung saan nakatali ang mga kamay ng biktima sa likuran kasabay niyon ang paglambitin sa ere dahilan para mabali ang mga buto sa balikat.

"MAGSASALITA KA? O MAMAMATAY KA?" sigaw nung isang guardia civil na may hawak na latigo at pilit na pinaghahamapas sa likod at sa buong katawan si Juanito dahilan para mapuno ng mga sugat at dugo ang katawan ni Juanito.

Bigla namang hinila nung isa pang guardia civil yung tali dahilan para umangat si Juanito at mapasigaw siya ulit dahil hindi na kaya ng kaniyang dalawang balikat ang bigat ng kaniyang katawan. "MAMATAY NA KAYO!" galit na sigaw ni Juanito at dahil dun bigla siyang hinampas ng malakas nung guardia civil at binitiwan ang lubid dahilan para bumagsak siya sa sahig at naunang tumama ang mukha niya sa matigas na semento.

"Tamaaa na!" awat ko sa kanila. hindi ko na kaya pa ang mga nakikita ko, maaari niyang ikamatay ang pagpapahirap sa kaniya ngayon.

Napalingon naman silang lahat sa'kin at maging si Esmeralda ay nagulat din at hinawakan ako. "Ngayon alam ko na kung bakit mo sinama dito ang anak mo Don Alejandro" tugon ni hukom Fernandez. Hindi naman nag-react si Don Alejandro.

Hindi ko na mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang kaawa-awang kalagayan ni Juanito. ilang sandali pa, dahan-dahang napalingon at napatingin sa akin si Juanito. natatakpan na ng mga namumuong dugo ang mata ni Juanito, pero kahit alam kong hindi niya ako masyado makita ngayon... alam kong alam niya na narito ako ngayon sa piling niya.

"Gagamitin mo ba ang anak mo upang mapaamin ang rebeldeng ito?" pang-asar na tanong ni hukom Fernandez kay Don Alejandro, napapikit lang sa inis si Don Alejandro.

"Nagkakamali ka hukom Fernandez... nais lamang ipakita at ipaintindi ni Don Alejandro kay Binibining Carmelita ang lahat at kung bakit nagawang sirain ng mga rebelde ang kasal nila ni Heneral Leandro Flores" paliwanag ni hukom Velario pero mukhang hindi naman kumbinsido si hukom Fernandez.

"Uuwi na kami" tugon ni Don Alejandro sabay talikod kina hukom Fernandez at hukom Velario, lalabas na sana siya sa selda pero bigla siyang pinigilan ni hukom Fernandez.

"Don Alejandro... alam ko ang lahat ng tumatakbo sa isipan mo... alam kong nagbabakasakali ka na mapaamin ang binatang ito kung gagamitin natin ang anak mo na lubos na minamahal niya" tugon ni Don Alejandro. at dahil dun napatingin ako sa kaniya.

Ano?

Gusto nila akong gawing pa-in o (bait) upang mapaamin nila si Juanito?!

Napatulala lang ako kay Don Alejandro. nakayuko siya ngayon at hindi makatingin ng diretso sa akin. "Papasukin dito si Binibining Carmelita" utos ni hukom Fernandez sa mga guardia civil pero napatigil sila nang sumigaw si Don Alejandro.

"HUWAG NIYONG SUBUKANG HAWAKAN ANG ANAK KO! KUNG AYAW NIYONG PAGSISIHAN ITO!" galit na sigaw niya at umalingangaw ito sa buong selda.

"Bakit Don Alejandro? nagbago na ba ang isip mo? Alam kong ikaw at si hukom Velario ang itinalaga ngayon ni Gobernador Flores upang alamin ang kinaroroonan ng mga rebelde, alam ko ring ayaw mong madungisan ang iyong trabaho at ayaw mong masira ang tiwala sa iyo ni Gobernador Flores, at higit sa lahat alam kong ayaw mo rin madungisan ang pangalan ng inyong pamilya na ngayon ay mukhang nalalagay sa panganib" pang-asar na tugon ni hukom Fernandez.

Hindi naman nakakibo si Don Alejandro at dahil dun agad lumapit sa kaniya si hukom Velario "Ang pagpapahirap sa rebeldeng ito ay sapat na upang umamin siya kung talagang may nalalaman siya... ang pagbisita namin dito ay alinsunod sa kautusang imbestigahan ang pag-atakeng ginawa nila, walang kinalaman dito ang anumang personal na ugnayan ni Juanito at Binibining Carmelita kung kaya't matuto kang lumugar sa iyong mga pananalita" paalala ni hukom Velario kay hukom Fernandez na ngayon ay nagulat dahil sa sinabi sa kaniya ni hukom Velario.

Palabas na sana ng selda si Don Alejandro at hukom Velario nang biglang magsalita pa muli si hukom Fernandez "Baka nakakalimutan mo Don Alejandro... alam kong pinagtakpan mo ang naudlot na pakikipagtanan noon ni Binibining Carmelita sa rebeldeng ito, Ano na lang kaya ang gagawin ni Gobernador Flores sa iyo at sa pamilya mo sa oras na malaman niyang binayaran mo ang lahat ng taong nakakaalam ng kataksilan ng anak mong si Binibining Carmelita sa anak niyang si Leandro" nakangising tugon ni hukom Fernandez at dahil dun napatingin ako kay Don Alejandro na ngayon ay gulat na gulat din.

Kaya pala walang balitang kumalat sa buong San Alfonso noong nahuli kami nila Don Alejandro, Heneral Seleno at Maximo na tatakas kasama sila Juanito ay dahil ginawan na iyon ng paraan ni Don Alejandro na hindi makarating kay Gobernador Flores.

"Gusto ko lang ipaalala sa iyo Don Alejandro na kami ang kakampi mo... huwag ka sanag maligaw dahil hindi ka makasisiguro kung may babalikan ka pa sa oras na lumihis ka ng landas" banta pa ni hukom Fernandez, tiningnan lang siya ni Don Alejandro ng masama saka tumalikod na at lumabas ng selda. Napatingin pa ako kay Juanito sa huling pagkakataon na ngayon ay nakatingin din ng diretso sa akin at hinang-hina na.

"Nagsasayang lang tayo ng oras dito" galit na tugon ni Don Alejandro at agad niyang hinawakan ang kamay ko at naglakad ng mabilis papaalis sa lugar na iyon. Sa pagkakataong iyon, ayokong umalis sa lugar na iyon dahil hindi ko alam kung makalalabas din doon si Juanito ng buhay tulad ko.


Nakatulala lang ako ngayon sa tapat ng bintana dito sa bahay na tinutuluyan namin sa Silang, Cavite. Gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Don Alejandro, mukhang problemado at abala siya ngayon sa pag-iisip at paggawa ng paraan upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ngayon ng pamilya namin.

Ilang sandali pa nagulat ako nang biglang bumukas yung bintana sa likod ng kwarto ko at may isang lalaking nakaputi at pulang pantalon ang pumasok sa loob ng kwarto ko. "S-sino ka?" hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ramdam na ramdam ko ang takot mula sa puso ko at hindi rin ako makahinga ng maayos dahilan para mapaatras ako at kinuha ko din yung vase na malapit sa akin upang ibato sana dun sa lalaking nanloob sa akin.

"L-lumayo ka sa'kin!" reklamo ko pa, sisigaw na sana ako kaso biglang tinanggal nung lalaki yung pulang tela na nakatakip sa mukha niya at nagulat ako nang marealize kung sino siya...

Si Ginoong Valdez.

Medyo payat at umitim si Ginoong Valdez, hindi ako makapaniwala na ang dating maginoo at tanyag na propesor at librarian ay isa na ring ganap na rebelde ngayon. Naalala ko na dati pa pala siya kasapi ng mga rebelde mula nang mapatay ang kaniyang kapatid na si Don Diosdado. Huli kong nakita si Ginoong Valdez noong patayin sa bagumbayan si Don Mariano at mula noon ay nagtago na siya dahil nalaman na din ng mga opsiyal sa gobyerno na kaanib siya sa mga rebelde.

"B-binibini... ipagpaumanhin mo kung natakot kita... ngunit kailangan mong malaman ang lahat ng ito" panimula ni Ginoong Valdez, napatigil naman kami nang biglang kumatok si Esmeralda sa pinto ko.

"Binibini... narito na po ang gatas na pinatimpla niyo sa akin" narinig naming tugon ni Esmeralda, at dahil dun dali-daling nagtago si Ginoong Valdez sa ilalim ng kama ko, at agad naman akong nagtungo sa pinto at kinuha kay Esmeralda yung gatas. "Maraming salamat, matutulog na ko" dire-diretso kong sabi, magsasalita pa sana siya kaya lang sinarado ko na yung pinto. Nakita naman naming nawala na yung shadow niya sa ilalim nung pinto dahil umalis na siya.

Ni-lock ko agad yung pinto, Inilapag ko na rin yung gatas sa gilid ng mesa at sinarado rin yung mga bintana saka lumapit kay Ginoong Valdez na ngayon ay kakalabas lang sa ilalim ng kama. "Ginoong Valdez, ano pong ginagawa niyo dito? Delikado po ang ginawa niyo" nag-aalala kong tugon. Napahinga naman ng malalim si Ginoong Valdez at hinawakan ang magkabilang balikat ko upang tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at makinig ng mabuti sa mga sasabihin niya.

"Binibining Carmelita... matagal na dapat akong nagpakita sa iyo upang sabihin ito ngunit hindi ako makahanap ng pagkakataon dahil mahigpit ang pagbabantay sa iyo mula nang magpatupad ng paghihigpit si Gobernador Flores sa San Alfonso... ang totoo niyan, gusto ko ring humingi ng tawad sa inyong pamilya dahil sa pagkamatay ni Binibining Josefina" panimula niya, napatulala lang ako sa kaniya. Oo nga pala, kasama siya sa mga rebelde.

"Totoong pinagplanuhan namin ang pag-atake sa plaza ng San Alfonso noong araw ng mga patay, totoong si Juanito ang utak ng lahat ng iyon upang makapaghiganti sa mga opisyal na pumatay kay Sonya sa tapat ng Munisipyo, pero naniniwala ako na walang kinalaman si Juanito sa pagkamatay ni Josefina... hinding-hindi magagawa ni Juanito saktan ang mga inosente lalo na si Josefina na naging malapit din sa kaniya" paliwanag ni Ginoong Valdez. Napaatras naman ako at napayuko. Tandang-tanda ko pa yung araw na inamin sa'kin ni Juanito na siya ang may pakana sa pagkamatay ni Josefina.

"S-si Juanito na po mismo ang umamin sa akin na plinano niyang ipapatay si Josefina sa tulong ni Mang Raul" tugon ko kay Ginoong Valdez. Napailing naman si Ginoong Valdez.

"si Mang Raul ay sumapi sa grupo namin nang ipakulong ni Don Alejandro si Eduardo at plinano din siyang ipapatay ni Don Alejandro ngunit sa tulong mo ay nakatakas siya" tugon ni Ginoong Valdez. Mas lalo tuloy naguluhan ang utak ko. bakit ako lang ang kinikilala ni Mang Raul na nagpatakas sa kaniya? Malaki rin ang nagawa ni Josefina upang makatakas siya.

Bigla kong naalala yung gabi nung tinulungan namin siya ni Josefina makatakas. Naalala ko na nagpaiwan sa labas si Josefina upang bantayan kung may dadating na mga guardia civil at ako lang ang pumasok sa loob ng selda ni Mang Raul, ako lang ang nakita at nalaman niyang nagpatakas sa kaniya. Hindi niya alam na tinulungan din siya ni Josefina... kaya siguro nagawa niyang saktan si Josefina.

"Wala sa plano ang pagpatay kay Josefina... nagulat na lang kami lalo na si Ca-tapang nang mabalitaan na sinaksak ni Mang Raul si Josefina, ang pangunahing pakay namin sa pag-atake ay makalikha ng gulo at mapatay sana sila Gobernador Flores na naroon din sa plaza nang gabing iyon, naniniwala kami na tanging personal na galit lamang si Mang Raul kay Don Alejandro kung kaya't nagawa niyang saktan si Josefina" patuloy pa ni Ginoong Valdez.

Napaupo na lang ako sa higaan ko at napatulala sa kawalan habang pilit pinapasok sa isipan ko ang lahat ng sinasabi ngayon ni Ginoong Valdez sa harapan ko.

"P-pero bakit sinabi ni Juanito na siya ang nag-utos kay Mang Raul na saktan si Josefina?" tulala kong tanong, napahinga naman ng malalim si Ginoong Valdez.

"Hindi ko rin alam... ilang beses na tinanong ni Ca-tapang si Juanito tungkol diyan ngunit sinasabi lang ni Juanito na plinano niya talaga iyon upang makapaghiganti kay Don Alejandro... pero hindi ako naniniwala... at alam kong hindi ka rin naniniwala na magagawa iyon ni Juanito" tugon pa ni Ginoong Valdez at napahimas siya sa noo niya.

"P-pero bakit inaamin ni Juanito na siya ang nagpapatay kay Josefina?" tanong ko, napailing-iling at napaisip din ng mabuti si Ginoong Valdez.

"Iyon ang malaking katanungan sa akin... ilang beses ko na rin tinanong si Juanito ukol diyan ngunit pilit niya pa ding sinasabi na plinano niyang ipapatay si Josefina, kilala ko ang batang iyon, mabait at busilak ang kaniyang kalooban, ngunit nagagawa niyang magsinunggaling kapag may kailangan siyang protektahan... at hanggang ngayon hindi ko alam kung ano at sino ba ang kaniyang pinoprotektahan" tugon ni Ginoong Valdez. Bigla tuloy ako napaisip din ng malalaim. Hindi kaya tama si Ginoong Valdez? Baka may pinoprotektahan talaga si Juanito? at sino iyon?

Imposibleng pumatay si Juanito ng mga inosente at naniniwala din ako na hinding-hindi magagawa ni Juanito saktan ang mga taong napalapit sa kaniya lalo na si Josefina. Bigla kong naaalala yung araw na nakasakay kami ng barko papuntang Maynila at bigla niya akong hinila at dinala sa imbakan ng mga alak. Natakot ako noong nilabas niya yung kutsilyo na hawak niya at alam ko na noong mga oras na iyon ay papatayin niya dapat ako... pero hindi niya ginawa.

Nagsinunggaling din siya na hindi niya ako nakita noong tinanong siya ng iba pa niyang kasamahang rebelde.

"At dahil sa nangyari... napagtanto ni Ca-tapang na mabisang paraan upang makapaghiganti kina Don Alejandro at Gobernador Flores ang pagbihag sa kanilang mga anak kung kaya't nanganganib ang buhay niyo ni Maria, maging ang buhay nila Natasha at Leandro ay nanganganib din ngayon" sabi pa ni Ginoong Valdez at dahil dun gulat akong napatingin ng diretso sa kaniya. Nakita ko ang maliit na kutsilyo na nakasuksok din sa ilalim ng damit niya.

"N-nagkakamali ka Binbining Carmelita... hindi ako naparito upang saktan ka, nais ko lamang makausap ka at ipaalam sa iyo ang mga totoong nangyayari" paliwanag niya. unti-unti namang nawala ang kaba ko dahil kahit papaano ay naniniwala at malaki ang tiwala ko kay Ginoong Valdez.

Bigla akong napatingin muli ng diretso kay Ginoong Valdez nang may maalala ako isang importanet bagay "A-alam niyo po ba kung nasaan ngayon si Eduardo at ate Maria?" tanong ko, napayuko naman si Ginoong Valdez.

"Kumalas na sa kapatiran si Eduardo dahil nais niyang mabuhay ng payapa kasama ang anak ng pangunahing kalaban ng aming grupo, tulad niyo ni Juanito ay hindi rin dapat pa ipagpatuloy ni Maria at Eduardo ang pag-iibigan nila, ilang beses ko na sinabihan si Eduardo na huwag niyang ituloy ang balak niya ngunit hindi siya nakinig, nalaman na lang namin na umalis na siya noong isang araw at isinama niya si Maria... at dahil dun galit na galit si Ca-tapang at pinapahanap sila ngayon" sagot ni Ginoong Valdez.

Parang biglang kumirot ang puso ko. bukod sa pinapahanap din ngayon ni Don Alejandro sila Maria ay ganoon din ang ginagawa nila Ca-tapang. Ang ginawa nila ang mas lalong nagpahirap sa sitwasyon ng dalawang magkalabang panig.

Ilang sandali pa biglang umupo din si Ginoong Valdez sa tabi ko. "Binibining Carmelita... nais ko ring malaman mo na ang ginawang pag-atake ng grupo namin sa kasal niyo ni Leandro ay hindi alam ni Juanito, wala siyang kinalaman sa pag-atakeng iyon" tugon niya, kaya pala malinis ang damit noon ni Juanito nang patakbo siyang dumating at pinigilan si Ignacio ay dahil hindi talaga siya kasali sa pag-atakeng iyon dahil hindi niya alam.

"Kung kaya't natatakot ako na baka hindi nila tantanan ang pagpapahirap kay Juanito upang mapaamin siya, wala siyang masasabi sa kanila dahil hindi talaga niya alam kung nasaan na ang grupo namin ngayon at kung ano pa ang mga susunod na plano ni Ca-tapang" tugon ni Ginoong Valdez. Biglang sumikip ang dibdib ko nang maaalala ang hindi makatarungang kalagayan ngayon ni Juanito.

"A-ano na pong gagawin natin ngayon Ginoong Valdez?" tanong ko sa kaniya, sa mga oras na ito, tanging ang buhay ni Juanito ang mahalaga sa akin.

"Mahalaga si Juanito para kay Ca-tapang dahil isa siyang Alfonso, nang malaman ng mga mamamayan na sumapi na si Juanito sa grupo namin ay mas lalong dumami ang ibig sumanib sa adhikain naming tapusin na ang ilang siglong pagpapahirap ng mga kastila sa atin, kung kaya't bumuo ngayon ng plano si Ca-tapang upang maitakas namin si Juanito, hindi niya alam na lumapit ako sa iyo, alam mo namang matindi ang galit ng aming pinuno sa pamilya niyo kung kaya't kahit anong mangyari ay hinding-hindi siya hihingi ng tulong sa iyo kahit pa alam niyang magagawa mo kaming tulungan" tugon ni Ginoong Valdez.

"A-ako? paano ko kayo matutulungan?" gulat kong tanong. Biglang lumapit sa akin si Ginoong Valdez at ibinulong niya sa akin ang plano...

Kinabukasan, maaga akong bumangon dahil hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nalaman ko mula kay Ginoong Valdez kagabi, lalo na ang planong naisip niya na sa tingin ko ay magagawa ko naman at gagawin ko din para kay Juanito.

Nagtungo muna ako sa bahay nila Leandro upang bisitahin siya. pero tulog pa siya kaya tumambay muna ako sa salas upang hintayin siyang magising.

"Mukhang napapadalas ang pagdalaw mo dito ah" nagulat ako nang marinig ang boses ni Natasha na nakatayo ngayon sa pinto ng kusina nila at nakatingin ng diretso sa'kin. napatayo naman ako at nag-bow sa kaniya.

"Magandang umaga" bati ko, wala akong time magpaka-bitchesa ngayon pero mukhang si Natasha ay game na game pa din.

"Anong maganda sa umaga? Alam ko namang narito ka lang upang utuin ang kapatid ko na mahal mo siya..." tugon niya at dahil dun gulat akong napatingin sa kaniya. Teka! Pano niya nalaman?

"Babae din ako Carmelita... alam ko at nababasa ko sa iyong mga mata na hindi si Leandro ang nilalaman ng puso mo, alam kong ginagawa mo lang ito para sa pamilya mo" patuloy niya pa at naglakad siya papalapit sa akin habang nakataas pa din ang kilay niya.

"pero kahit ganoon, gusto ko ring maging miserable ang buhay mo, pasalamat ka na lang dahil mabait si Leandro... pero ako Hindi" tugon niya. sa totoo lang, kitang-kita ko sa mga mata niya na gustong-gusto na niya ako balatan ng buhay ngayon dahil sa inis.

"Wala na rin naman akong magagawa dahil masyadong nabulag sa iyo si Leandro... pero tandaan mo hindi lahat ng bulag sa pag-ibig ay habambuhay magbubulag-bulagan... maaring ang iba ay magising na sa katotohanan, at hinihiniling ko na magising na rin sana si Leandro sa katotohanang pinapaikot mo lamang siya" tugon niya pa. magsasalita na sana ako kaya lang bigla naming narinig na nagsalita si Leandro na ngayon ay nakatayo na sa itaas ng hagdan nila habang gamit pa din ang saklay na pang-suporta niya sa paglalakad.

"Sinong magigising?" tanong ni Leandro, nanlaki naman ang mga mata ko nang mapatingin sa kaniya. Narinig kaya niya yung sinabi ni Natasha kanina?

Bigla namang ngumiti si Natasha "Kanina ka pa kasi hinihintay ni Carmelita... sinabi ko lang na tulog ka pa kaya hintayin ka na lang niya magising" tugon ni Natasha. Napangiti naman si Leandro at bumaba na sa hagdan, agad naman akong lumapit sa kaniya at inalalayan siya sa pagbaba.

"Talaga? Sana kanina niyo pa ako ginising upang hindi na nasayang pa ang oras ng aking sinta" tugon ni Leandro, napa-whatever look naman si Natasha. "Aalis na muna ako, maiwan ko na kayo... sana sa susunod na pagbisita ni Carmelita dito ay magising na ng kusa kapatid ko" dagdag niya pa. alam kong may gusto siyang iparating kay Leandro sa mga sinabi niyang iyon. Tama nga si Natasha, mukhang magiging miserable ang buhay ko dahil sa kaniya.

Nang makaalis na si Natasha ay agad sumandal si Leandro sa balikat ko at dahil dun nagulat ako, nakaupo na kami ngayon sa salas at kaming dalawa lang dito. "Nais ko lang humimbing sandali mahal ko" sabi niya. hindi naman na ako nakagalaw pa, bigla ko tuloy naalala nung sumandal din si Juanito sa balikat ko noong nasa ilalim kami ng puno ng mangga. Halos hindi ako makahinga noong oras na iyon at natatakot ako na baka marinig ni Juanito ang tibok ng puso ko.

"Carmelita... bakit mo ako minahal?" nagulat ako sa tanong niya. hindi ko inaasahang itatanong niya iyon. Sa totoo lang hindi ko naman talaga siya mahal, kaya hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong niya. pero ayoko din naman sabihin iyon sa kaniya dahil alam kong masasaktan siya lalo na ngayong nagpapagaling pa siya, makakasama iyon sa kalusugan niya.

"D-diba ikaw na rin ang nagsabi na walang tamang sagot kung bakit mo mahal ang isang tao, dahil ang pag-ibig ay nararamdaman, hindi ito iniisip" sagot ko, bigla namang napangiti si Leandro at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Sabi ko na nga ba... palagi mong tinatandaan at sinasapuso ang mga sinasabi ko, ngayon sigurado na talaga ako na mahal mo ako" nakangiti niyang tugon at nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang mukha ko at dahan-dahan niyang nilalapit ang mga labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko gustong halikan si Leandro pero ayoko din namang masaktan ang loob niya.

Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata at ilang Segundo na lang ay mahahalikan na niya ako... at dahil sa panic bigla akong napaiwas at napatayo. "Uhh--- ano kase... baka may makakita sa'tin" palusot ko, gulat naman at halos hindi makapaniwala si Leandro dahil sa ginawa ko.

"A-alam mo na... baka kung anong sabihin nila kapag nakita nila tayong-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Leandro.

"Naiintindihan ko... pasensiya na kung naging padalos-dalos ako, hindi ko akalain na tatanggihan mo ang halik ko na dati ay nagpapangiti sa iyo" tugon niya, bakas sa mukha niya ang matinding pagka-dismaya, parang bigla tuloy akong na-guilty dahil sa ginawa kong pagtanggi sa halik niya.

Gosh! Carmela! Binigay mo na sana! Hindi naman big deal iyon, kung tutuusin madami namang naitulong sa iyo si Leandro, isipin mo na lang na ang halik na iyon ay ang pagtanaw mo ng utang na loob sa kaniya.

Parang gusto kong itulak palabas yung konsensya na bumabagabag ngayon sa utak ko. haays. Kahit kelan hindi maiintindihan ng utak ang nararamdaman at pinagdadaanan ng puso, dahil kahit anong mangyari alam kong hindi ko magagawang pasunurin ang puso ko na mahalin si Leandro.

Pagdating ko dito sa tinutuluyan naming bahay sa Cavite ay agad akong nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig dahil pakiramdam ko ay natutuyo na ang lalamunan ko. hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Leandro kanin, matapos ang pagtanggi ko sa halik niya bumalik na si Leandro sa kwarto niya at sinabi niyang gusto na niyang magpahinga. Gusto ko sanang mag-sorry sa kaniya kaya lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan... at sa tingin ko kailangan niya munang mapag-isa kaya umuwi na lang ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako kasi sobrang linis na nito, as in parang nasa hotel ako na laging bagong linis at maayos ang mga kwarto. "Nagustuhan niyo po ba Binibini?" nagulat ako nang marinig kong magsalita si Esmeralda na nasa likod ko na pala.

"S-salamat sa pag-linis at pag-aayos ng kwarto ko" tugon ko.

"Si Donya Soledad po ang naglinis ng kwarto niyo... sabi po niya kailangan daw po ninyo ng maayos at maaliwalas na lugar para gumanda at gumaan po ang pakiramdam niyo" sabi ni Esmeralda. Whoa! Seryoso? Ang sipag naman ni ina.

"Nasaan si ina?" tanong ko sa kaniya, gusto ko sanang magpasalamat dahil sa ginawa niya.

"Ahh... natutulog po siya ngayon, mukhang napagod sa paglilinis ng buong bahay kanina" tugon ni Esmeralda. At dahil dun naisipan kong ipagluto na lang ng hapunan si ina bilang pasasalamat sa ginawa niya.

Sa tulong ni Esmeralda nakapagluto ako ng kaldereta ala Montecarlos style na kanais-nais naman ang lasa. Inihain ko na iyon sa mesa at saktong kababa lang ni ina mula sa kwarto niya. "Ina! Tara po kain na tayo! Pinagluto ko kayo" pagmamalaki ko sa kaniya, napangiti naman siya at agad lumapit sa akin. Parang namamaga ang mga mata niya at pagod na pagod na siya. nakita kong hawak niya ngayon ang puting balabal na tinatahi niya nitong mga nakaraang araw. umiiyak na naman siguro siya dahil sa pagkawala ni Josefina, madalas niya kasing tahina ng puting balabal si Josefina na nagagamit nito dahil isa siyang madre.

"Ako'y nagpapasalamat at lubos na nagagalak dahil narito ka ngayon sa piling ko anak" tugon ni ina sabay himas sa buhok ko, niyakap ko na lang siya. alam kong hindi biro ang pinagdadaaanan ngayon ni ina at ako na lang ang tanging anak niya na nasa tabi niya ngayon. Hindi ko na rin sinabi pa sa kaniya na balak akong gawing pa-in ni Don Alejandro noong isang araw upang mapaamin si Juanito dahil alam kong mag-aaway lang sila ni Don Alejandro at makakadagdag pa iyon sa alalahanin niya.

"Basta lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, habambuhay akong magpapasalamat sa Diyos dahil ibinigay ka niya sa akin Carmelita" tugon niya. parang mas lalong gumagaan at pakiramdam ko habang yakap-yakap ako ni ina.

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pangalang Carmelita?" nakangiting tanong ni ina. Napangiti naman ako at napailing.

"Ang iyong pangalan ay sumasagisag sa iyong kakayahan na makamit ang mga bagay na imposible... at naniniwala ako na anumang pagsubok ang dumaan, magtatagumpay ka anak ko" paliwanag ni ina. Napangiti naman ako, kahit hindi naman talaga Carmelita ang totoong pangalan ko, alam kong ang Carmela ay hango pa din sa pangalang iyon.

Magkaiba man kami ng pangalan, personalidad at ugali ni Carmelita. Ang mga taong minahal at pinapahalagahan niya ay minamahal at pinapahalagahan ko din. At isa na rito si Donya Soledad na tinuturing ko ng ina.

Habang kumakain kami, nagulat kami nang biglang dumating si madam Olivia. Wala ngayon dito si Don Alejandro kaya madali siyang nakapasok sa bahay.

"Bakit madam Olivia? Anong problema?" nagtatakang tanong ni ina. Hingal na hingal at mukhang may importanteng sasabihin si madam Olivia kaya nagmadali siyang makapunta dito.

Agad kaming napatayo ni ina at inalalayan siyang umupo, kumuha naman ng tubig si Esmeralda at ininom iyon ni madam Olivia. "Madam Olivia... m-may nangyari ba? Bakit ka nagmamada----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang hinawakan ni madam Olivia ng mahigpit ang kamay ko.

"N-napag-alaman kong papatayin na si Juanito sa ika-pito ng D-disyembre" tugon ni madam Olivia at dahil dun parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at namanhid ang buong katawan ko dahil sa nalaman ko.

"A-ano? Bakit papatayin nila agad si Juanito nang hindi man lang dinidinig ang kaso sa korte" reklamo ni ina. Napahinga naman ng malalim si madam Olivia.

"Sa kaso ni Juanito, hindi na kailangan pa ng pagdinig sa korte dahil malinaw na kaanib talaga siya sa mga rebelde... kaya lang tumagal ang paghatol ng kamatayan sa kaniya ay dahil umaasa sila hukom Fernandez na ituturo niya ang kinaroroonan ng mga rebelde pero hindi nagsalita si Juanito... kung kaya't tatapusin na ang buhay niya" paliwanag ni madam Olivia na tulala rin habang nakwekwento.

Hindi maaari!

December 5 na ngayon... so ibig sabihin dalawang araw na lang papatayin na nila si Juanito. "N-napag-alaman ko din na bibitayin si Juanito sa harap ng madaming tao upang matakot ang mga ito na kumalaban at magrebelde rin sa pamahalaang Espanya" dagdag pa ni madam Olivia.

Kailangan ko ng gumawa ng paraan!

"Binisita ko rin kanina si Juanito at nalaman kong alam niya kung nasaan si Eduardo at Maria" tugon pa ni madam Olivia at dahil dun biglang nabuhayan ng pag-asa si ina. "S-sigurado ka madam Olivia? N-nasaan daw sila?" tanong ni ina. Napayuko naman si madam Olivia.

"Hindi niya sa akin nasabi dahil biglang ng dumating ang mga guardia civil at pinahinto na ang pag-uusap namin" tugon ni madam Olivia. Pero kahit ganun, kitang-kita ko pa din na nabuhayan ng pag-asa si ina dahil kahit papaano ay may nakakaalam kung nasaan ngayon sila Maria at Eduardo.

Kinagabihan, nagulat ako nang biglang kumatok si ina sa kwarto ko at nakitang kasama niya si Ginoong Valdez. "Pinagtapat na din sa akin ni Ginoong Valdez ang lahat... at naniniwala din akong hindi magagawang saktan ni Juanito si Josefina" panimula ni ina. Napa-bow naman sa'kin si Ginoong Valdez.

"Nahuli ako ni Donya Soledad na paakyat sa bintana ng kwarto mo, inakala niyang ako si Eduardo kung kaya't nagpakilala na ako" tugon naman ni Ginoong Valdez. Whoa, hindi ko akalaing okay lang kay ina malaman na nakikipag-usap ako ngayon sa mga kalaban ng asawa niya.

Bigla namang hinawakan ni ina ang kamay ko "si Juanito na lang ang tanging pag-asa natin anak upang malaman kung nasaan si Maria at nais kong tumulong sa inyo" tugon ni ina at dahil dun bigla akong napayakap sa kaniya. Kahit kelan ay hindi matatawaran ang pag-unawa at pagmamahal na binibigay niya sa 'kin ngayon.

"Natatandaan mo pa ang plano Binibining Carmelita?" tanong ni Ginoong Valdez at napa-thumbs up naman ako sa kaniya...

Medyo alanganin ang plano namin pero malaki ang pag-asa ko na magtatagumpay kami dito.

Kinabukasan, hapon na ng magtungo si madam Olivia dito sa Cavite, pinagpaalam ni ina kay Don Alejandro na pupunta lang kaming tatlo sa simbahan ng Santo Domingo sa Maynila upang magsimba. Pumayag naman si Don Alejandro dahil kasama namin si ina.

Agad kaming nagtungo sa bahay ni hukom Fernandez at nakumbinse ko siyang gamitin ako upang mapaamin si Juanito. gabi na nang makarating kami sa Fort Santiago at hindi naman kami nahirapang makapasok doon dahil kasama namin si hukom Fernandez na ngayon ay hindi na makapaghintay na malaman mula kay Juanito kung nasaan ang mga rebelde.

Nasa labas naman ng Fort Santiago nag-aabang sila Ginoong Valdez at ang ilan pang mga rebeldeng naaatasan magtakas kay Juanito. ang apat na guardia personal na kasama namin ay mga rebelde na nakasuot lang na pang-guardia personal upang makapasok din sila sa loob ng Fort Santiago.

Hindi ko alam pero habang naglalakad kami papalapit sa selda ni Juanito ay mas lalo akong kinakabahan. "Tama ang desisyon mo Binibining Carmelita, ang iyong gagawin ay magsasalba sa iyong pamilya at ganoon din sa imperyong Espanya" nakangiting tugon ni hukom Fernandez.

"Hindi naman kita sasaktan... kaunti lamang... konting sugat at dugo mula sa iyo upang maalarma si Juanito" tugon pa ni hukom Fernandez. At dahil dun mas lalo akong kinabahan at napahawak sa leeg ko. sigurado akong hindi magdadalawang isip si hukom Fernandez na gilitan ang leeg ko hangga't hindi nagsasalita si Juanito.

Tumingin naman si hukom Fernandez kay ina na ngayon ay tahimik lang at tulala habang nakasunod din sa amin at nasa tabi niya si madam Olivia. "Huwag po kayong mag-aalala Donya Soledad... kaunting sugat lang po ang gagawin ko kay Binibining Carmelita" sabi pa ni hukom Fernandez, tumango lang si ina at nagpatuloy pa din sa paglalakad. Siguro kinakabahan din si ina ngayon tulad ko.

Ilang sandali pa ay napatigil na kami sa tapat ng selda ni Juanito. nakabibinging katahimikan ang bumabagabag sa akin ngayon. Binuksan na nung isang guardia civil yung selda at agad nilang ginsing si Juanito na ngayon ay hinang-hina at duguan na nakahandusay sa malamig na sahig.

Biglang inilagay ni hukom Fernandez ang kamay niya sa palibot ng leeg ko at itinapat ang kutsilyo dito. "Umpisahan na natin ang palabas" nakangiting bulong sa'kin ni hukom Fernandez. Bigla naman akong napapikit dahil hindi ko inaasahang ang simpleng pagdikit lamang ng kutsilyong nakatapat sa leeg ko ay makakasugat na agad sa akin.

Nanlaki ang mga mata ni Juanito nang makita ako na bihag ngayon ni hukom Fernandez. "Juanito Alfonso... ayoko na sanang umabot pa tayo dito ngunit sadyang matigas ang ulo mo... hindi ka nadala sa mga parusang ipinataw ko sayo, sana naman ay magsalita ka na sa pagkakataong ito... dahil kung hindi mauunahan ka ng sinsinta mo sa kabilang buhay" pang-asar na tugon ni hukom Fernandez kay Juanito. nakatingin lang ng masama si Juanito kay hukom Fernandez, gustuhin man niyang pumiglas sa pagkakahawak nung mga guardia civil ay hindi niya magawa dahil hinang-hina na siya.

"Huwag mo na sayangin pa ang natitira mong lakas... bibig mo lang ang kailangan mong gamitin upang iligtas ang mahal mo" tugon pa ni hukom Fernandez. At nagulat ako kasi bigla niyang binaon yung kutsilyong iyon sa leeg ko dahilan para maramdaman ko ang matinding hapdi sa lalamunan ko at dumanak ang dugo ko.

"HINDE!" sigaw ni ina dahilan para mapalingon sa kaniya ang lahat at dahil dun nagkaroon ako ng pagkakataon na makawala sa pagkakahawak ni hukom Fernandez at agad kong inagaw sa kaniya ang kutsilyo.

Bigla namang sumugood yung apat na rebelde na kasama namin na nakadamit pang-guardia personal at sinaksak sa leeg yung mga guardia civil dahilan para mapatay ang mga ito agad at tanging si hukom Fernandez lang ang natirang sa panig ng kalaban.

"A-anong ibig sabihin nito?" gulat na tanong ni hukom Fernandez at napataas siya ng kamay bilang tanda ng pagsuko. "N-nilinalang niyo ako!" sigaw niya pa. halata sa mga mata niya ang matinding pagkagulat at pagkatakot.

Bigla namang lumapit sa akin si ina at ibinalot niya sa leeg ko yung puting balabal na suot niya upang pigilan ang pagtulo ng dugo mula sa leeg ko. "Pareho lang tayo... niloko mo rin kami" sagot ni ina. Kung hindi pa sumigaw si ina kanina siguradong tinuluyan na ni hukom Fernandez gilitan ang leeg ko. buti na lang dahil medyo mababaw lang ang sugat na natamo ko.

"Ngayon tapusin na natin ang palabas" seryoso kong tugon habang nakatingin ng diretso kay hukom Fernandez. "T-teka! S-sandali! H-huwaaag!" sisigaw pa sana siya upang humingi ng tulong pero agad siyang sinaksak nung dalawang rebelde sa leeg dahilan na upang madali siyang bawian ng buhay.

"Tara na! umalis na tayo dito" nagpapanic na tugon ni madam Olivia, agad namang inalalayan at binuhat nung dalawang rebelde na nakadamit guardia personal si Juanito at agad kaming lumabas ng selda. Minsan nang itnuro ni Ginoong Valdez sa amin ang mga sikretong daan dito sa Fort Santiago kung kaya't natatandaan ko pa kung saan ako dumaan noon kaya hindi ako nahuli ng mga tauhan noon ni Heneral Seleno.

Hawak-hawak ko ngayon ang kamay ni ina habang nauuna naman kami ni madam Olivia tumakbo, nasa likuran naman yung apat na rebelde at buhat-buhat nila si Juanito na ngayon ay hinang-hina na at hindi na makapagsalita pa.

Natanaw ko na yung dulo ng sikretong lagusan at sa di-kalayuan ay natanaw ko na din sila Ginoong Valdez at ang iba pa nilang kasamahan na nakadapa ngayon sa damuhan upang hindi mapansin ng mga guardia civil. pero napatigil kami nang makita ang isang mataas na bakod na nakaharang na sa gitna ng lagusan.

"Mauna na kayo, hilahin niyo si Juanito sa kabila" tugon nung isang rebelde na nakilala kong kasamahan niya noon sa pangingisda sa Bohol.

Agad namang sumampa si Madam Olivia sa bakod, sasampa na sana si ina kaso napatigil kaming lahat nang bigla naming marinig ang sigawan ng mga guardia civil at umalingawngaw sa buong paligid ang putok ng mga baril.

"MGA REBELDE!" sigaw nila. At nakita namin ang mga anino nila na nagtatakbuhan papalapit sa amin. Nagsimula namang magpaputok sila Ginoong Valdez mula sa kabilang hanay upang pigilan ang pagdating ng mga guardia civil.

"Ina! Sumampa na po kayo" sigaw ko kay ina na ngayon ay natulala na at mukhang gulat na gulat sa mga pangyayari, nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at napaluha siya.

"Bilisan niyo!" sigaw nung apat na rebeldeng kasama namin. Pero huli na ang lahat dahil naabutan na kami ng mga guardia civil sa pangunguna nung kastila na punong guardia civil na nagbabantay sa tapat ng Fort Santiago.

"Espere!" (Hold on) tugon niya sabay paputok ng baril dahilan para tamaan sa tuhod at sa katawan yung mga rebeldeng kasama namin at nabitawan nila si Juanito.

"Para sa iyo ito anak" tugon ni ina at nagulat ako dahil bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at dali-daling tumakbo papunta kay Juanito at iniharang niya ang sarili niya upang hindi tamaan ng bala si Juanito dahilan para matamo niya ang limang sunod-sunod na tama ng bala sa kaniyang dibdib at tiyan.

"HINDEEEEEE!"

Parang biglang gumuho ang mundo ko nang makitang bumagsak sa harapan ko ang duguan at wala ng buhay na katawan ni ina.

Hindi ko matanggap at hindi ako makapaniwalang... wala na siya.

~Sa buhay kong ito
Tanging pangarap lang
Ang iyong pag mamahal
Ay makamtam~

~Kahit na sandali
Ikaw ay mamasdan
Ligaya'y tila ba
Walang hanggan~

~Sana'y di na magising
Kung nangangarap man din
Kung ang buhay na makulay
Ang tatahakin
Minsan ay nadarapa
Minsan din ay luluha
Di ka na maninimdim
Pagkat sa buhay mo
Ay may nag mamahal parin~

~Iingatan ka
Aalagaan ka
Sa puso ko ikaw ang pag-asa
Sa 'ting mundo'y
May gagabay sa iyo
Ang alay ko'y itong pagmamahal ko
May nag mamahal aakay sa iyo
Aking inay ikaw ang nagbigay
Ng Buhay ko
Buhay na kay ganda
Pangarap ko na makamtan ko na~

Bigla akong niyakap ni madam Olivia "S-sa pagkakataong ito Carmela... isinakripisyo ni Donya Soledad ang buhay niya para kay Juanito... dahil alam na niya kung sino ka at ang misyon mo sa panahong ito" bulong sa akin ni madam Olivia.

Biglang bumagal ang pag-ikot ng paligid. At napapikit na lang ako habang inaalala ang mga huling sinabi ni ina...

Para sa iyo ito anak

Dear Diary,

Bakit?

Bakit hanggang sa panahong ito?
Wala akong karapatang makapiling ang aking ina...

Nasasaktan,
Carmela

******************
Featured Song:
'Iingatan ka' by Carol Banawa


"Iingatan ka" by Carol Banawa

Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
8.6K 162 7
Lucid Dreaming. Sleep Paralysis. Astral Projection. Tatlong bagay na akala natin iisa lang. What is Lucid Dreaming and how is it differs to...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
216K 8.1K 52
"A loser will always be a loser." Akala ni Eleven ay basketball ang tutulong sa kanya para makamit niya ang mga pangarap kaya naman pumayag siya nang...