It's Never Too Late (Regine A...

By kailenshin

2.2K 45 49

He's her back up dancer. She wants to be of his gender. Will feelings of love blossom between the two of them... More

It's Never Too Late (Regine Apan Agra & Cho Hernandez Fanfic)
Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

277 8 3
By kailenshin

Nagising si Cho sa tulog ng alarm ng kanyang cellphone. Kinapa nya ang ilalim ng unan nya at pilit binuksan ang isang mata para makita ang nakasulat sa screen ng cellphone niya. 

"Feb 6: Happy Birthday to you!"

Napangiti ang binata sa kanyang nabasa. Nilagay niya itong reason for waking up sa alarm niya. Bumangon si Cho at naupo sa kanyang kama. Maliwanag na ang araw sa labas ng bintana. Kinalikot ulit ni Cho ang kanyang cellphone. Maraming text messages ang kanyang natanggap. Ang iba ay galing sa kanyang mga kabarkadang nanghihingi ng libre at bumati, ang iba naman ay mula sa mga kamag-anak niya, at ang ibang natira ay galing sa mga social networking sites na notification sa kanya.

Naisipan ni Cho na buksan kahit sandali ang kanyang facebook account. Nakita niyang sabog na sabog ang notifications niya at bumabaha ang post sa timeline niya. Inexit niya ito at lumipat sa twitter. Marami ring nagtweet sa kanya ng Happy Birthday. Napangiti na naman si Cho ng makita ang mukha ni Apan sa ibang display picture ng mga nagtweet sa kanya. 

Ginanahan si Cho kaya nag fave sya at nag RT ng ilang tweets. Pinasalamatan niya ang mga ito at patuloy na nagbasa.

Marami ang nagmemention kay Apan at sa kanya sa iisang tweet, kaya lalong napangiti si Cho. Halos lahat ay nireplyan na niya. 

"Elpidio! Gising ka na ba?" sigaw ng kanyang ate mula sa ibaba. Nagulat si Cho ng marinig ang sigaw ng kanyang ate. Hindi dahil malakas ito, ngunit dahil tinawag itong Elpidio ng kanyang nakatatandang kapatid.

"Opo ate! Pwede Cho nalang!?" sigaw pabalik ni Cho at nagexit sa twitter. Tumayo ito at nagsimula ng magligpit ng higaan.

"Naku bilisan mo na diyan malelate ka na!" sigaw ulit nito.

"Opo!" sigaw niya ulit. "Di man lang bumati. Haha" sabay tawa ni Cho. Hinablot niya ang tuwalya na nasa lagayan at dumerecho na sa banyo para maligo.

---

Good vibes lang si Cho habang papuntang school. Nakikinig siya ng tugtog habang naglalakad at hindi niya maiwasang icheck ang cellphone niya kung nagtext na ba ang taong hinihintay niyang bumati.

"Busy siguro..." bulong nito sa sarili at nanatiling positive vibes buong umaga.

"Uy Cho! Happy Birthday!!! Ilang taon ka na?" sabay akbay ng isang kabarkada nitong si Kervin.

"Debut mo na ba tol?" dagdag ng isa pang si Joshua.

"Bente palang ako, loko! Haha" sabay tawa ng magkakaibigan. 

"Sikat mo na talaga Cho bumabaha twitter ko dahil sa mga tweets at retweets mo!" pagmamaktol naman ni Mark sa isang tabi.

"Naks. Nabati ka na ba ni Agra?" tanong ni Joshua.

"Di pa eh. Busy siguro," sagot ni Cho. May isang guhit na parang dumaan sa kanyang dibdib. 

"Naks, pinagtatanggol?" singit ni Mark.

"Bakit pinaguusapan nyo ang babae?" singit din ni Kervin.

"Eh di naman babae yun eh!" sabi ni Mark.

"Oy! Kahit t-boom na yun, babae pa rin yun, kaya tumigil na kayo! Mga loko!!" singit naman ni Cho. Medyo irita na ang boses nito. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nagsisimula na siyang mabadtrip. 

Hindi pwedeng mabadtrip! Birthday mo ngayon Cho!

"Oo nga naman. Kahit pusong lalaki na yun, katawang babae pa rin!" pagsang ayon ni Kervin.

Binatukan siya ni Cho. "Loko, wag mong simulan yan ah! Tropa ko yun!" 

"Naks. Tropa daw pare, haha tropa nga lang ba?" pangiinis ni Kervin kay Cho. Tumayo na si Cho at umiwas nalang kay Kervin. Nagmura ito pero di na pinarinig sa mga kaibigan.

"Tama na tol, wag mo nang simulan. Birthday ng tao eh," mahinang sabi ni Mark kay Kervin.

"Napakapikon niya naman, loko lang naman yun eh," napalaglag ang balikat ni Kervin sa sinabi ni Mark. 

 Naupo na sya sa kanyang silya malapit sa bintana at tumingin siya sa labas. May mga babaeng nagbabasketbol sa labas at hinahanap ulit ng kanyang dalawang mata ang isang babaeng matagal na niyang hinahangaan.

Kaba at kabog ng dibdib ang nararamdaman ni Cho. Pati ata lagatak ng pawis niya naramdaman niya. 

Nasaan ka Apan? Alam mo kaya na birthday ko ngayon? tanong nito sa kanyang isipan. Hindi niya maiwasang hindi maisip si Apan. Napabuntung-hininga nalang ito. Maya-maya ay naramdaman niya ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Dali-dali niyang kinuha ito sa pag-aakalang mula ito sa taong kanyang inaasahan.

Ngunit hindi.

From: Ate Chx.

Elpidio umuwi ka nang maaga ngayon ha. Wesha tayo mamaya. 

To: Ate Chx.

Yes Wesha!!! Labyu ate!! :*

From: Ate Chx.

Heh! Kung di lang kita baby brother ehh. Tama na ang corny na natin. Ingat mamaya.

To: Ate Chx. 

Opo. :)

Nawala ang inis na naramdaman niya kanina sa pang-aasar sa kanya ng mga kabarkada niya. 

"Buti nalang, makakapagrelax na ako sa wakas. ^____^ " sabi ni Cho sa sarili niya habang nakapikit at nilagay  ang magkabilang braso sa likod ng kanyang ulo. 

"Uhm, excuse me," wika ng isang babae mula sa gilid. Napamulat si Cho at tinignan ang babae.

"Oh, Kaye andyan ka pala. Ano yun?" Maganda si Kaye. Medyo chubby at katamtaman ang height. Kadalasan ay hindi ito nakikipagusap sa mga kaklase nila dahil ito ay may pagkaintrovert pero sa hindi malamang kadahilanan ay kinakausap niya si Cho. Iniisip nalang ni Cho na nagpapatulong ito sa kanya dahil nasa President's list si Cho at masipag mag-aral kahit ito ay kakambal ni Dora the Explorer.

Tinitigan siya ni Kaye ng matagal na parang hindi alam kung ano ang sasabihin. 

"Kaye? Ano yun? Magpapaturo ka ba?" pagtataka ni Cho.

Inabot ni Kaye ang isang blue na paperbag na kanina niya pa hinahawakan mula sa kanyang likuran. Tumingin sa ibang direksyon si Kaye at inaantay na kunin ito ni Cho sa kanya.

"H-Happy birthday..." mahinang sabi nito. Nakita ni Cho ang pamumula nito at ngumisi nalang ito habang kinukuha ang paperbag.

"Wow! Alam mo? Grabe, nagabala ka pa!" pangiti-ngiti si Cho habang sinisilip ang laman ng paperbag.

"Hindi naman. Pasasalamat ko na rin yan sayo dahil lagi mo akong tinuturuan sa subjects natin." sabi ni Kaye habang nilalaro ang mga kamay. "Sige, yun lang Cho. Happy birthday ulit," bago siya umalis ay bahagya itong ngumiti.

"Salamat Kaye!" sigaw ni Cho na kumuha sa atensyon ng mga nasa paligid. Tinukso si Kaye at mabilis itong naglakad palabas ng room ng namumula. 

Binuksan ni Cho ang laman ng paperbag. "Wow. Blue na Havs!" 

---

Mag-aalas-singko na ng hapon ng napagpasyahan ni Cho na umuwi. Magiisang oras na rin kasi siyang naghihintay sa campus, palaboy-laboy, paikot-ikot. Nagbabakasakaling makasalubong niya ang taong gusto niya. 

Malungkot nitong dinukot ang cellphone mula sa kanyang bulsa at mas lalong nalungkot ng walang makitang text mula sa kanya. 

Nagsimulang dumilim ang langit. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Napatitig nalang si Cho sa kawalan. Nagpasya na siyang umuwi pero nakatanim naman ata ang mga paa niya sa lupa. Mistulang sinasabi ng kanyang utak na 'tama na, umuwi ka na, di na siya darating!', pero yung puso niya nagbabakasakali pa rin: 'baka dumating pa siya, wag muna, konti pa!'

Biglang nag vibrate ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Tumatawag ang ate chx niya.

"H-Hello?"

"HOY ELPIDIO!!!! ASAN KA NA BA?! DIBA SINABI KONG UMUWI KA NG MAAGA?! ASAN KA NA BA?! ALAM MO BANG TRAFFIC NGAYONG ORAS?! KAHIT MALAPIT LANG ANG PUPUNTAHAN NATIN KAILANGAN ANDITO KANA DAHIL BAKA MAGLAKAD LANG TAYO PAG DI PA TAYO MAKAALIS! ASAN KA NA BA!?" Malakas ang sigaw ng ate Chx nya na kahit ilayo niya ang cellphone niya ng isang metro at kahit hindi ito naka loud speaker ay rinig na rinig pa rin niya ang boses nito.

"Sorry ate. Sige na. Pauwi na ako. Sorry talaga." matamlay na sagot ni Cho.

"Oh?? Anyare bakit ang tamlay mo ata? May nang-away ba sayo diyan Cho?" malambing na at malumanay ang boses nito.

Napangiti ng kaunti si Cho. "Wala ate. Okay lang ako. Pauwi na ako wag kang magalala. Sorry talaga. Sige diyan na lang tayo magusap. Bye na." 

"Sige. Bye, Ingat ha." 

Nag end call na ito. Napabuntong hininga nalang ulit si Cho. Kinuha niya ang bag niya at inayos ang pagkakahawak dito at nagsimulang maglakad papalabas. Nang makarating na siya sa gate ay nakita niya ang isang nakap.e. ng pambabae na mag-isang naglalaro ng basketball sa maliit na court sa gilid ng elementary department. 

Biglang napalunok si Cho. Kilala niya ang may-ari ng maikling buhok na kulay brown na iyon. Kilalang kilala niya ang may-ari ng sapatos na iyon. 

Si Apan.

Nagshoot ito at tumalbog ang bola. Napatakbo si Apan sa bola at muling ni-shoot ito, pero di parin pumasok. Naghahabol ito ng hininga at pinahiran ang pawis sa noo gamit ang braso nya. Gumulo ang buhok nito at mistulang isang sine o music video na aksidenteng napatingin ito sa direksyon ni Cho na nakatitig sa kanya.

Napalunok si Cho. 

Namilog ang mga mata ni Apan. Napalunok rin ito. 

Ngumiti si Cho at kumaway kay Apan. Pero hindi ito pinansin ni Apan at nakatitig pa rin ito sa kanya.

Maya-maya ay kinuha ni Apan ang mga gamit niya at ang bola at tumakbo sa kabilang direksyon, papunta sa college department.

Sa isang iglap ay nalaglag ata ang puso ni Cho. Nagulat ito sa inasal ni Apan. Buong araw niya itong inabangan at nung sa wakas ay nakita niya ito ay iniwasan pa siya.

"A-ano!? Bakit ngayon pa?!"

--

Sorry late update apanatics and panchonatics. busy po TT.TT bawi bawi next time!

enjoy and salamat sa pagbabasa!

kailenshin 1:53AM

Continue Reading