MARRYING A HEARTLESS (HEARTLE...

By sweetaica060791

1.5M 31.1K 1.9K

Kasal. Ang kasal ay isang napakasagradong okasyon na minsan lamang mararanasan ng isang babae. Ito ang espesy... More

PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
READ THIS ^<^
20
21
22
23
24
25
26(BOOK2)
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
TO ALL READERS
39
40
41(BOOK 3)
42
PATALASTAS
44
45
46
47
48
49
50
PLEASE READ!
51
52
53
54
55
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
SPECIAL CHAPTER 1
IVAN TROY & SAMANTHA STORY
MARRYING A HEARTLESS

43

21.5K 470 54
By sweetaica060791

[A/N : HAPPY 59.8K READS! └(^o^)┘.. RANK #5 NA ANG MARRYING A HEARTLESS SA GENERAL FICTION..]

ENJOY READING!

____
❤Chapter 43❤

IVAN POV

"Are you serious!?" gulat sa na sabi nya sabay halakhak. Napasimangot nalang ako dahil sa naging reaksyon nya. Nakahawak pa sya sa tiyan nya at halos mamamatay matay na sa kakatawa. Nagsisisi tuloy ako kung bakit sya pa ang naisipan kong hingian ng tulong.


Baka nga isabotahe pa nya ang plano ko. Dahil baka hindi padin sya nakaka move on sa asawa ko.



"Seryoso ako! At pwede ba tigilan mo na yang pagtawa tawa mo. Baka hindi kita matansya ay sipain pa kita palabas ng office ko." naiinis na sabi ko.



"Sorry. Nakakatawa lang kasi talaga eh." bakas padin sa mukha nya na gusto nyang tumawa. Pero pinili nya nalang tumikhim para pigilan ito. "Anyway. Seryoso kaba talagang liligawan mo si Steph? Paano kung bastedin ka?"



"Wala akong paki. Tsaka kahit ilang ulit pa nya akong bastedin asawa ko padin sya. Manliligaw ako hindi para maging girlfriend sya. Kundi para makuha ko ang kapatawaran nya. Ano? Tutulungan mo ba ako?" nakataas ang kilay na sabi ko.



"Oo naman! Okey. Here's the plan." nakangiting sabi nya.


Tahimik lang ako habang pinapakinggan kung paano namin sisimulan ang panliligaw ko kay Stephanie. Napapangiti ako at the same time ay kinakabahan sa maaaring kalabasan ng panliligaw na to.


After kong marinig ang mga sinabi ni Vhan. Napangisi ako. So easy!




_____
STEPH POV

Naglalakad kami ni Theo habang papasok sa loob ng building na pag aari ng Daddy ko ng biglang hinarang kami ni Manong guard. May hawak syang isang long steam red roses.


"Mam. Good morning po. May nagpapabigay po." nakangiting sabi ni Manong guard. Kinuha ko naman ito at nginitian sya.


"Uy. Kanino galing yan?" sabi ni Theo. Napakibit balikat nalang ako. Akala ko ay yun lang ang nag iisang rosas na matatanggap ko. Ngunit nagkamali ako. Dahil pagpasok ko palang nakita ko ang mga empleyado na nangakapila habang may hawak na ibat ibang kulay ng bulaklak at isa isa silang lumalapit sakin at inaabot ito.


"Hey. What's happening here? Kanino galing to?" magkasunod na tanong ko dahil naguguluhan na ako sa ginagawa nila.


"Sweet. Sino kaya nagpapabigay nyan? Let me guess? Hmm. A. Ivan. B. Ivan C. Ivan or D. All of the above?" maamit amit kong batukan si Theo ng sabihin nya yun. Angbl galing. Ang daming choices.



"Will you please shut up Theo!" nakairap na sabi ko. Pagdating ko sa may tapat ng office ko ay may iniabot sa akin ang secretary ko. This time. Basket naman na punong puno ng white at red roses. "Thank you Camille." nakangiting sabi ko.


Pagpasok ko sa loob ay inihagis ko sa upuan na naroon ang bulaklak. Anu bang plano ng nagbigay nun? Gusto ba nyang gawing flowershop tong office ko.


Napatingin ako kay Theo ng bigla syang magsalita. Tsk. Binasa nya pala yung note na nakalagay sa basket.


Infinity Restaurant. 7pm.


"Tsk. Pa mysterious pa tong nagpadala nito. Eh halatado naman kung sino." sabi ni Theo at ibinalik na ang note sa basket. "Anung plano mo? Pupunta kaba?" tanong nya.


Nagkibit balikat nalang ako.



____
IVAN POV

DAMN! Its already 9pm at kahit anino ni Stephanie hindi ko padin nakikita. Ni rebt ko pa naman itong buong restaurant na to para lang sa date namin dalawa.


Kanina pa ako tinitingnan ng waiter na andito padin nadin ang magpipiano na binayaran ko para tumugtog samin ni Steph.


I cant believe this! Nasayang lang ang effort ko! Ni hindi man lang sya nag abalang pumunta kahit man lang sana sumilip lang!


"You may go now." sabi ko sa mga kasama kong naroon. "Bingi ba kayo? Umalis na kayo!" nag aalangan pa silang iwan ako ngunit sa huli ay sumunod din naman.


Nang maiwan ako sa loob dali dali kong tinapon ang mga pagkain na nasa lamesa. Pinagsisipa ko din ang upuan at lamesang naroon. Wala akong paki kung magkano ang halaga ng pinsala na magagawa ko. Basta ang gusto ko lang ay mailabas ang sama ng loob ko.


All my life. Hindi ko naranasan na ireject ni Stephanie. Dahil noon pa man pinaramdam na nya na ako ang pinakaimportanteng lalaki sa buhay nya. Pero ngayon. Nagawa nya. Bakit? Dahil ba sa Theo na yun?!


Nanghihina akong napaupo sa sahig at lumuluhang pinagmasdan ang mga hinanda ko para sa asawa kong nasayang lang dahil hindi na ako importante sa buhay nya. Wala na ang pagmamahal na nararamdaman nya para sa akin noon. At masakit man para sa aking tanggapin na iba na ang mahal nya. Gagawin ko padin ang lahat mabawi ko lang sya.



____
STEPH POV

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kwarto ko. Iniisip ko kung pupunta ba ako o hindi. Bumaba ako at naabutan ko si Theo na nagluluto sa may kusina.


"Oh? Bakit hindi kapa nakabihis?" tanong nya.


"Wala lang."


"Hindi mo sya sisiputin?" tanong nya.



"Para saan pa? Wala naman kaming dapat na pag usapan pa." lumapit ako sa may ref at kumuha ng tubig.


"Tsk. Pinapairal mo nanaman ang galit mo eh. Bakit kaya di mo sundin ang sinasabi ng puso mo?" sabi nya at lumakad palapit sakin. "Alam ko galit ka sakanya. Pero di mo ba nakikita? Nag eeffort sya para sayo? Bakit di mo subukan na pagbigyan sya?" tinabig ko ang kamay nyang nakahawak sa balikat ko.


"Hindi mo ako naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Nasaktan ako dahil sa panloloko nya sakin at dahil nadin sakanya kaya..." bigla nalang naputol ang nais kong sabihin ng biglang magring ang cellphone ko.


Unknown Number Calling..

Napakunot ang noo ko dahil wala pa naman akong pinagbibigyan ng number.


"Who's this?" tanong ko.


"Stephanie? Is that you?" balik tanong ng nasa kabilang linya.


"Yes. Who's this?"


"Pwede kabang pumunta ngayon dito sa Infinity Restaurant?" tanong ng nasa kabilang linya. Infinity Restaurant? Dun yung lugar na nakalagay sa card ah?


Bago pa ako makasagot ay nawala na ang caller. Grabe! Bastusan lang? Magsasalita palang ako binabaan na ako.


Pumanhik ako sa kwarto ko at dali daling nagpalit ng medyo maayos na damit. Nakapambahay pa kasi ako. Tiningnan ko ang cellphone ko. 8:45 pm na pala. Andun pa kaya si Ivan? Sabi kasi dun sa sulat 7pm.

Pagdating ko ay pinark ko ang sasakyan sa may tapat ng restaurant. Bigla nalang may lalaki na lumapit sakin.


"Stephanie." napalingon ako at ganun nalang ang galit na sumakop sa puso ko ng makita ko sya. Si Vhan.


"Ikaw ba yung tumawag?"


"Oo."


"Bakit?"


"Alam ko galit ka sakin. Pero sana naman bigyan mo ng chance ang kapatid ko. Nag effort sya para sayo. Kaya sana naman maappreciate mo yun kahit konti. Hindi na ako humihingi ng chance para mapatawad mo. Pero sana naman mapatawad mo ang kapatid ko." tumalikod si Vhan at naglakad palayo sakin. Habang ako nakatingin lamang sa restaurant kung saan naroon si Ivan.


Hindi nagtagal ay nakita kong nag alisan ang mga kasama nya. Nabigla ako sa sumunod na nangyari. Nagwala si Ivan at halatang galit na galit sya. Napatutop nalang ako sa bibig ko dahil sa nakikita kong ginagawa nya.


Dali dali akong pumasok sa loob ng restaurant at naabutan ko syang nakaupo sa sahig at lumuluha. Halos madurog na ang puso ko dahil sa itsura nya.

Dumudugo din ang kamay nya dahil mukhang natamaan ng mga basag na bagay na naroon.


Mukhang hindi nya napansin ang pagdating ko kung kaya ganun nalang ang gulat nya ng tawagin ko sya.


"IVAN!" napatayo sya at patakbong lumapit sakin. Nabigla ako kung kaya di ko napaghandaan ng yakapin nya ako.


"Akala ko hindi kana darating. Im sorry kung nasira ko ang date natin." umiiyak na sabi nya.


Wala talaga akong balak pumunta. Tinawagan lang ako ng kapatid mo kaya ako narito.

"Anu bang ginagawa mo hah? At bakit kailangan mo pang magwala." inis na sabi ko. Kahit ang totoo nag aalala ako para sakanya.


"Im sorry. I am mad at hindi ko alam kung paano ilalabas ang galit ko kaya di ko napigilan magwala." nakayukong sabi nya. Napatingin ako kamay nyang dumudugo.


Hinawakan ko sya sa kabilang kamay nya na walang sugat at hinila sya. Nakita ko naman ang gulat na rumehistro sa mata nya.


"Halika at gagamutin ko yang sugat mo." hindi naman sya kumibo at nagpatianod nalang.



_____
IVAN POV

Huminto kami sa mansyon ng mag Ferez. Sa bahay ng mga magulang ni Stepanie. Masaya ako kahit hindi natuloy ang date namin ay dumating padin sya. Pakiramdam ko ay meron padin akong halaga sakanya maski na paano.


Pagpasok namin ay halos magdilim ang paningin ko. Anung ibig sabihin nito?


"Steph. Kanina pa kita hinihintay— Oh? May kasama ka pala?" sabi nung bwisit na Theo na yun sabay ngisi sakin. Lalapit sana sya kay Stephanie para halikan ito ngunit humarang ako at niyakap ko si Steph.


"Respeto naman. Asawa ako ng babaeng hahalikan mo." mariin na sabi ko. Napatingala si Steph kung kaya nagkasalubong ang mga titig namin. Napalunok ako dahil napatingin ako sa labi nya na bahagyang nakaawang.


Can i kiss you my wife? tanong ko ngunit sa isip lamang.


"Oh? Sorry. Pero boyfriend nya ako kaya may karapatan akong halikan sya." tila may pang iinis sa tono ng pananalita nya.


Humarap ako at itinago si Steph sa likuran ko.


"Fuck! Are you deaf?! Asawa ko sya at sa atin dalawa ako ang higit na may karapatan sakanya." nagpupuyos na sa galit ang dibdib ko at konti nalang. Mapipigtas na ang pagtitimpi na baon ko.



"Asawa mo nga. Mahal kapaba nya? Hindi naman sya makikipag relasyon sakin kung mahal kapa nya diba?" Im sorry Steph. Hindi ko na kaya.

Umigkas ang kamay ko at dumapo ito sa pisngi nya. Akmang gaganti sya ng biglang humarang si Steph.


"Ivan! Theo! Tama na yan. Daig nyo pa ang mga bata!" inis na sabi ni Steph at hinila ako paakyat sa taas.

Binigyan ko si Theo ng Oh-Ano-Ka-Ngayon look.


"Maupo ka dyan at gagamutin ko yang mga sugat mo." sabi ni Steph at kumuha na ng first aid kit.


Nakatitig lang ako sakanya habang ginagamot nya ang sugat ko sa kamay at braso.


"Oh ayan. Tapos na." sabi nya pagkatapos lagyan ng gasa.


"May sugat pa akong hindi mo nagagamot Steph." nakatitig na sabi ko sakanya. Tiningnan naman nya ako at chineck ang magkabilang braso ko. Napakunot noo sya ng walang makitang sugat.


"Wala naman ah?!" sagot nya. Kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko.









"Pwede mo rin bang gamutin yung sugat ko dito?"








Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 39.6K 18
Note: Prepare your mind and heart. The person who can only read this story are ready to be hurt. Cali is a fine and charming lady. She has a good hea...
3M 18.4K 9
NOTE: The complete version is available on Dreame! Sa loob ng maraming taon, napuno ng pagsisisi ang buhay ni Sassy. Marami siyang desisyong pinagsis...
235K 5.3K 32
KASAL, ang araw na pinakamasaya sa buhay ng isang babae pero kabaligtaran ang nangyare. Kinidnap siya ng di niya kilalang lalaki sa mismong araw ng k...
779K 9.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
Wattpad App - Unlock exclusive features