ONE SHOT: DP ako ni Crush!

By pingaynism

323 20 8

(NCT ONE SHOT) WINWIN | "Alam niyo ba 'yung feeling na ginawa kang Display Picture / Primary Photo sa a... More

DP AKO NI CRUSH!

323 20 8
By pingaynism

"Lord, kung totoo man itong nakikita ko, fles lang po!

Sana hindi ito panaginip..."

Una sa lahat, isa lang akong hamak na estudyante ng Kuyaneo University. Bukod sa pag-aaral, iisa lang ang ginagawa ko, ang iview ang account ni crush sa isang social website na nagngangalang senfai.com.paasa.

Hindi lang naman siguro ako ang gumagawa niyan no? Halos lahat naman siguro ng may crush, di lang pala may crush, yung iba vineview pa rin ang profile ng mga ex nila, baka sakaling may bago na.

Ouch :3

Buti nalang WBSF ako, Walang Boyfriend Since Fetus.

Masaklap? Oo sobra.

Pero di ko na 'yun pinansin, ang mahalaga may crush ako at syempre loyal ako!

"Sige, wacky!" Nagwacky naman ako, katabi ko ang bespren ko na ngumiti sa naka tripod na camera, isa itong class picture kasi graduating kami, buti nalang talaga kaklase ko si mesmrend at si crush!

1 week later...

"Kilala niyo ba si Win?" Tanong ko sa babaeng namimintura sa stage, busy-busyhan lahat ng mga 'Pintado Org.' ngayon dahil may upcoming event dito sa school namin, eh hindi ko nga alam kung ano 'yun? Basta may mga Lawn Tennis players na pupunta tapos maglalaro lang sila ng tumbang preso---pero syempre, joke 'yun, syempre maglalaro sila ng Lawn Tennis.

"Si Win Gachalian?"

"Gagu, hindi ito pangangampanya! Hinahanap ko crush ko! Nakita niyo ba siya? Si Dong Sicheng, yung exchange student dito?"

"Ah si Winwin? Hindi Win!" Giit niya. Nakangiti siya sa akin tapos binaling na niya ulit ang pagpipintura ng vector style na border sa ilalim ng stage, 'di ko alam kung anong trip nito.

"Ganun na nga, nakita mo ba siya?"

"Hanapan ba ako ng nawawala? Sabagay, pinapansin mo lang naman ako kapag may hinahanap ka, sana ako naman ang hanapin mo." Pagmamaktol nito at padabog na binabad ang malaking brush sa kulay yellow na pinturang Girlsen.

"WOW!" Napapaypay ako sa sarili ako at biglang nag dub!

"Loka ka Suzette! Ikaw pa ang humugot ah, imbes na ako dapat kasi hanggang crush lang ako!"

"Anong hanggang crush? Ikaw 'yung may crush, hindi siya!" Pagtatama niya. Ahe, sabagay tama siya. Bestfriend slash fangirl ko pala itong namimintura, akalain mo nga naman, swerte niya ako pa ang lumapit sa kanya dito.

"Hoy babae, ano pang ginagawa mo dito? Hindi Pintado Org. ang ching chang chong mong crush no! Nasa 'Mamamayang Manggagawa School Paper' siya. Diba nga, pinilit mo pa ang sarili mo sa Journalism eh alam mo namang lutang ka sa paggawa ng articles? O kahit maging cartooning eh hindi ka marunong? O kahit photo journ nalang nga, di pa magawan ng caption. Tao ka ba? O sadyang pinilit mong makapasok para makasama mo si chinito boy?"

Loka to, ako na sana ang mag iintro sa pinaggagawa ko sa buhay pero ito na, ayun na, nasabi na, salamat kaibigan.

"Oh edi meow!" Ang nasabi ko nalang saka nagwalkout. Papasok na nga lang ako sa org. namin, baka makita ko siya 'dun? Hihi.

"Tambak na naman ang mga articles! Wala na bang bago? Ikaw, Goyang? Umasa ako sa'yo na ang gagawin mong Intramurals na article eh yung last month, pero ano 'to? Nakaw ng google to ah at lalong hindi natin ito school, sa iba 'to."

Ito ang bungad sa akin pagkapasok ko ng office namin, tagos sa bones ang mga pinagsasabi ni Taeyong, meron yata itong babalung 'to?

"Jaehyun? 'Yung mga pictures? Asan na?" Tanong ni Taeyong sa kay Jaehyun na busy sa pagtetext, sino naman kaya ang tinetext nito?

Nasa harapan si Taeyong na nakatayo at nakalean sa table, nakaupo naman ang mga kasamahan ko sa mga arm chair na nakakalat, nakaharap pa ang ilan sa mga laptop nila, ayaw sigurong makinig sa mga pinuputak ni Taeyong, siya kasi ang Editor in Chief namin dito at issue na ng school paper next two months, pero wala pa ring matinong article.

Nasa may pintuan lang ako at nakiusisa lang kasi ayokong mapagalitan ni Taeyong. Mamaya nalang ako papasok kapag nandito na si Winwin at kapag okay na kausap si Taeyong.



"Nasa laptop ko pa." Sagot nito at muling nagtext.



"Ano?! Sino nga ulit ka partner mo?!" Ayun, uminit na naman bigla ang ulo niya at napasapo nalang sa noo. Bakit ka pa nag editor in chief eh wala namang pumilit sayo?

Hindi na sumagot si Jaehyun at inatupag nalang ang pagtetext, aba bastusing bata 'to, nagtetext lang talaga ganern? Sabagay, ayos lang naman sa kanya na mapagalitan, barkada naman sila ni Taeyong eh, kumbaga nagkukulitan o nagjojoke time lang ang scenario na ito para sa kanila.

May biglang nagvibrate sa bulsa ko, mabilis ko itong kinuha at napatingin sa 5 new messages.

From: Jaehyun

HOY BABAE, HINAYUFAK KA! ASAN KA NA BA! YUNG MGA PINAPASABI KONG CAPTION ASAN NA? YUNG MGA PICTURES PAG FESTIVAL, ASAN NA?!

pALUSOT KO PA NA NASA LAPTOP EH WALA NAMAN AKONG LAPTOP KASI SIRA CHARGER KO!

pUNYETA ASAN KA NA BA?!

nANDITO ANG CRUSH MO!

Pfft, niloloko mo pa ako Jaehyun ha? Wala kaya diyan si Winwin!

o SIGE, JOKE WALA PALA SIYA DITO! PERO PLS NAMAN, PAKNER KITANG PUGITA KA! MAAWA KA SA AKIN, IBA PAG MAGALIT SI TAEYONG PARANG ASONG ULOL!11!!!111!!!1111!

Ako pala ang partner ni Jaehyun, photo journalist kami pero siya naman 'yung may mas nacocontribute kasi nga diba, sumali lang ako para makasabay ko si Winwin dito, pinapasok ako ni Jaehyun dito kasi naawa raw siya sa akin dahil crush na crush ko si Winwin kaya tinulungan niya ako, ang kaso may dinagdag pa siya na wala pa rin daw akong pag-asa sa kanya!



Mabilis akong umalis sa pintuan at dahan-dahang pumasok.

"Oh ikaw, Frances! BAKIT NGAYON KA LANG!?"

"D-Dumating sa b-buhay ko?" Pautal-utal kong sabi at napatakbo ako palabas nang batuhin niya ako ng eraser sa blackboard! Buti nalang hindi ako natamaan dahil mabilis akong nakalabas pero feeling ko may natamaan sa mukha.

Sinilip ko muli ang nasa loob at nakanganga lang si Taeyong habang napapikit naman si Jaehyun, nagkachalk na ang mukha nito at hindi lang umimik.

"LEE TAEYONG!" Rinig kong sigaw ni Jaehyun, tumakbo na nga ako. Kung galit si Taeyong? Mas bruhilda talaga kapag ginalit si Jaehyun. Kung asong ulol si Taeyong kung magalit? Dambuhalang grizzly bear naman si Jaehyun--este polar bear kasi maputi siya!



Tumambay nalang ako sa rooftop ng building, nakahiga ako sa mga plywood doon at nakaharap sa kulay asul na langit habang umiinom ng Yakult, everyday, everyday okay! Okay ka ba tiyan?



Graduating pala kami pero marami pa talagang gagawin, bukod sa school paper, binaha naman ako sa mga projects, di ko nga alam kung makakagraduate ba ako, kasi naman ihohold ang mga may sinalihang org. kapag di tinapos ang task. Bukod sa school paper, sumali na rin ako ng Chinese Organization kung saan sumali ang isang Do Sicheng na crush ko, kahit wala akong intsik na dugo, kahit dilat mata ang dugo ko ayos lang pinasali pa rin ako nina Qian Kun---ang 5th cousin ko.



Napabuntong hininga nalang ako nang maubos ko ang yakult, grabe, sampung piso talaga ang hinayupak na ito tapos ang liit masyado?

Pina basketball ang pagtapon ko sa mismong container ng inumin at saktong na shoot naman sa trash bin na nasa harapan ko lang.

Gagraduate ba ako? Napahiga nalang ulit ako at sumipol, yung pina whistle na tono ng blackpink? oo 'yun!

"Hala, may tao pala." Napabangon ako, may narinig kasi akong boses, napalingon ako kung saan nanggaling ang boses at napawatda-eff face nalang ako nang makita ko siya! Ang kaklase ko! Na crush ko! Petengene?

"D-Dong Sicheng aka Winwin." Sambit ko at napaturo sa kanya.

Eh guys? Halata ba ako masyado na nastarstruck?

"Sorry po." Napangiti siya sa akin at umalis na.

Siya ba 'yun?!

Di kami masyadong close at bihira lang kami magkagroupmates kasi madalas alphabetical! Lagi kong kasama si Suzette dahil Sy ang apelyido niya tapos ako naman Tumbreso. Frances Tumbreso, parang tumbang preso talaga.

"Winwin, sandali!" Tawag ko sa kanya, tambayan niya kasi dito at dapat na akong umalis kasi pwesto niya 'dun! Tanga mo Frances, dapat kasi sa cr ka nalang tumambay, may makakalap ka pang tsismis 'dun na bakla si Ten!



Binuksan ko ang pinto patungong pababa at nagulat nalang ako na nasa labas lang pala siya na nagulat rin pala. Nakaharap siya sa akin at halata sa mukha niya na gulat na gulat talaga!

Bumilis ang tibok ng puso ko at napanganga lang.

"C-Classmates tayo." Shet, wala akong maisip! Nagtaka naman ang mukha niya kasi bakit ko pa siya tinawag eh classmates tayo lang pala ang sasabihin ko?



"I mean, ano. Kasi ano Win." Napayuko, ay shet baka makita ni crush ang dandruff ko sa ulo kaya hinarap ko siya ulit, ang tangkad niya tapos ang lapit niya pa!



"Alam ko." Ngumiti siya sa akin.

Alam niya ang ano?

Na crush ko siya?!

"Alam mo pala eh!" Nakangisi ako pero medyo hilaw, shet, alam niya talaga na crush ko siya? Sino nagsabi? Si Suzette ba? Jaehyun?!



"Oo naman." Nakangiti pa rin siya. Matutunaw yata ako! Parang kaharap ko ang isang idol sa isang fanmeeting! /feels/.

Alam niya talaga?!

"Alam kong magkaklase tayo, Tumbreso diba?"

Nahinga naman ako nang maluwag, akala ko ano na!

"Ah ano, oo. Classmates nga tayo, D-Dong Sicheng d-diba?"

Tumango lang siya, nakasmile pa siyang tumango. Grabe ito! Grabe talaga!

"Ah, Win, kasi aalis na ako, tsaka tambayan mo naman 'to kaya oo aalis na ako, may klase pa kasi."

Kumunot naman ang noo niya.

"Classmates tayo kaya sabay tayong papasok, pero vacant pa naman natin diba?"

ay oo, huli ka balbon!

"Ah ganun na nga! HAHA!"

"Samahan mo nalang muna ako dito, di ako pumasok sa office kanina, galit kasi si Taeyong." Oo, sobrang galit, parang gorilla na nawalan ng malaking saging.

Ngumiti siya ulit at dumiretso sa plywood na nakalatag sa labas.

Everyone loves him. Bakit? Kasi mabait siyang bata, he's so fragile. Lahat siguro kami sa klase eh binebaby siya kasi ang bait niya, sobra :3

"Friend na ba kita sa senfai?" Tanong niya. Lumapit ako sa kanya, nakaupo lang siya sa plywood na hinigaan ko kanina at nakatingin lang siya sa kawalan.



"Ah hindi pa." Tipid kong sagot, pero hihi follower mo ako 'dun!

Umusog siya para siguro bigyan ako ng pwesto, nagaalangan pa akong umupo sa tabi niya, mukha kasi akong supot kapag katabi ko siya!

Tinap niya ang bakante sa tabi niya at ngumiti sa akin.

Mabilis pa sa ala-una at umupo na ako sa tabi niya, chance ko na ito!


"Ganun ba? Ah tama, iaadd nalang kita tutal classmates tayo this sem tapos graduating pa." Sabi niya at inabot niya sa akin ang phone niya.

Ganda naman ng phone ni crush.

Tinype ko na nga ang pangalan ko sa mismong site at nakita ko naman kaagad.

Bilis ng mobile data ni crush.

Matagal na rin pala akong hindi nakapag online sa site na ito dahil di nabayaran ni kuya ang internet namin, kaya mag-iisang buwan na yatang on hold ang connection, papalitan ko na yung langyang network na 'yun!

Di naman nakatingin si Winwin sa akin kaya mabilis kong clinick ang profile na, nagloading pa ito.

Ano na kaya ang mga laman ng posts niya, sana hindi nan aka intsik kasi naman hindi ko siya maintindihan!

"HALA TEKA!" Biglang sigaw niya at di na ako makagalaw.

Nang huminto sa pagload sa profile niya, pamilyar na pamilyar sa akin ang picture na nandun.

Display picture niya ako.

Lord, kung totoo man itong nakikita ko, fles lang po! Sana hindi ito panaginip...

Nakuha niya kaagad ang phone niya sa kamay ko nastatwa lang naman ako sa kinauupan ko.

Ako 'yun?

"S-Sorry, di ko pa n-napalitan." Mautal-utal niyang sambit.

Napatingin naman ako sa kanya at napahawak lang siya sa batok niya saka pumula ang pisngi niya.

Napaiwas naman ako ng tingin at pinaypayan ko nalang ang sarili ko.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko at napayuko lang ako, ito na nga, totoo nga! Nagulat ako nang inabot niya muli ang phone niya at nawindang nalang ako dahil nabuksan niya ang private albums niya.

Oh, banal na tae.

Pictures ko pala ang laman 'nun.

Mas nagulat nalang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at binigyan niya ako ng light kiss sa pisngi saka siya tumakbo pababa ng rooftop.

W-Wala akong m-masabi...



THE END

pingaynism 2017







Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 506K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.5M 153K 144
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.