Mine Series: Theo Betchel (Co...

By Airishfleur

894K 15.9K 488

Eve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone... More

DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty Six
Chapter twenty Seven
Chapter Twenty eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Special Chapter
Special Chapter
Short Story (Eat Now Or Never)
Trevor

Chapter Twenty

20.2K 301 20
By Airishfleur

Chapter Twenty

Mabagal akong naglakad palayo kay Theo. I wished na nabingi lang ako sa pagkakadinig ko sa sinabi nya sa akin.
Why is he full of hatred? Bakit s'ya pa ang galit sa akin s'ya nga itong nangiwan sa ere ng walang paalam.

Huminto ako at tumingon muli sa kanya. Hindi pa s'ya nakakaalis sa puwesto n'ya at hindi pa naman ako ganoon kalayo. Dahan dahan ako lumapit sa kanya.

Kailangan ko ito gawin.

Walang sabi sabi na sinampal ko s'ya ng malakas. Hindi s'ya natinag pero halata ang pagkagulat sa mga mata n'ya. I heard gasped few meters away from us at doon ako natauhan. Mr. and Mrs. Hermoso looked at me as if I killed someone. And the reality hits me, Theo is one of their business partner.

Tahimik lang s'ya habang hawak ang pisngi n'ya. Hannah run towards us and I did the same.

I run away from them, away from him.

I humiliated myself in front of my boss at hindi ko alam kung may mukha pa ako ipapakita. Okay na ang lahat natanggap ko na na hindi nya ako babalikan dahil hindi naman sya bumalik tapos ngayon andito sya at nakikita na naman at ang traydor ko na puso sya na naman ang isinisigaw.

"Eve!" narinig ko na tinatawag ako ni Denver pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo.

"Eve." hinatak ni Denver ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Iwan mo muna ako Den."

"No, I will not leave you. Saan ka naman pupunta?" hindi ko tuloy mapigilan umiyak, gusto ko talaga na mapagisa.

"Eve, calm down."

"I can't... nakita mo ba yung ginawa nya sa akin? Yung ginawa ko sa kanya."

"Baka tangalin ako ni Mr. Hermoso,"

"Hindi nya gagawin 'yun"

"Hindi natin masasabi business partner nila si Theo."

"Stop, gusto mo magpahinga muna." hinatak ni Denver ang kamay ko at naglakad kami palayo.

"Huwag dito na lang,"

"Sige try natin yung buko shake dito." nakangiti nyang tanong. Alam ko naman na pinapagaan lang ni Denver yung loob ko kaya sumang ayon lang ako.

~•~

"My gahd! ano yung narinig ko na commotion in between sa inyo ni Theo?" tanong ni Delly.

There's no reason to tell a lie kaya mas mabuti pa na malaman nila mula sa akin iyon.

"Sinampal ko si Theo."

"What? Nagawa mo 'yun? totoo yung chismis ni Divina?" tanong ni Suzy.

"Ang bilis naman kumalat ng chismis.". walang gana ko na sabi.

"Don't worry Eve deserve 'yun ni pogi este ni Theo!"

"Lokaret ka buntis! Hindi na sya ang dating Theo, he can asked Mr. Hermoso to terminate Eve if he wants!"

Natahimik ako bigla dahil naalala ko ang ginawa ko kanina hindi naman ako kinausap ni Mr. Hermoso.

"Don't worry Eve, assets ka sa company hindi ka tatangalin ni Sir Hermoso suspension pwede pa." pagbibiro ni Delly.

Naiinis tuloy ako sa pagiging padalosdalos ko. Pero hindi naman ako nagsisisi sa ginawa ko, sana pala sinampal ko na lang sya hindi sa harap nila Mr. and Mrs. Hermoso.

"Ang lalim ng iniisip ah!" puna ni Suzy.

"I think I should apologize to Mr. Hermoso and his wife."

"Kay sir lang? How about Theo?"

Napaismid naman ako sa sinabi nya. "Hindi ako mag-aapologize sa kanya. He deserved it."

"Alam mo tama si Delly sa sinabi nya, let's drink to that!"

"Aww... ang daya hindi ako makakainom. Pwede sumama?"

"Sure! Magbitbit ka nga lang ng Anmum. Tara! Eve!"

"Celebration ba ito?" tanong ko naman.

"Oo, naman! dahil at last! nasampal mo si Theo! Aba! hindi tama na iniwan ka nya sa ere."

At tulad nga ng napagkasunduan ng inuman kaming dalawa ni Suzy habang kumakain naman si Delly.

"Si Mr. Hermoso Eve." bulong ni Suzy kaya agad naman ako napalingon. Agad ako tumayo ng walang paalam kay Suzy at Delly. Lumapit ako sa gawi ni Mr. Hermoso na kasama ang kanyang asawa.

"Sir," agad na tumingin si Mr. Hermoso sa akin at iminuwestra ang upuan sa harapan nila mag asawa.

"About po kanina, I apologize for what I did. Nadala po ako ng damdamin ko." nahihiya akong yumuko sa harapan nila.

"Apology accepted Ms. Galvez, but I think hindi mo dapat sa akin sabihin yan."

"I understand sir." tama naman si Mr. Hermoso dapat kay Theo ako mag apologize pero hindi ko alam kung paano. Nagpaalam na ako at bumalik na sa pwesto ni Delly at Suzy.

"Anong sabi girl?"

"Asual... kay Theo ako magsorry."

"Patay tayo dyan."

"Speaking of the devil." bulong ni Delly agad ako lumingon sa sinasabi nya. Nakaakbay si Hannah kay Theo parehas sila ngumingiti sa nadadaanan nila. Nakaramadam siguro si Theo na parang tinitignan sya kaya napatingin sya sa direksyon namin. Blanko lang sya nakatingin sa akin at agad din sya nagiwas ng tingin, habang inaalalayan sa beywang si Hannah.

"Ay! ang taray sa personal, nakita mo yun? napatingin sya sa gawi natin. Ikaw ang tinitignan Eve, mukhang katapusan na ng career mo."

"Salamat sa motivational speech mo buntis, kaya lang yan napatingin sa akin kasi hindi nya maresist kagandahan ko." pagbibiro ko kaya nagtawanan kami tatlo ng malakas halos lahat tuloy doon sa grill house ay napatingin sa amin.

"Lasing ka na girl."

"Hindi ako lasing Suzy, Tanduay ice lang ito."

"Good Evening ladies and gentlemen," pag bati ng isang lalaki sa gitna kung saan may tumutugtog na banda. Agad kami umayos ng upo tumingin sa kanya.

"Tonight we would like to invite a volunteer any one who would like to sing here in front?" pagaaya ng emcee habang lumilinga sya sa paligid.

Ininom ang baso na nasa harapan ko at lakas loob ng nagtaas ng kamay. Nagulat si Suzy at Delly sa ginawa ko.

Kumaway ang emcee sa akin at inaya ako sa gitna. Naghiyawan ang mga ka trabaho ko umiling naman si Suzy at pumalakpak si Delly.

"Your name?" tanong ng emcee.

"Eve Galvez but just call Eve."

"Okay,Eve. Thank you at nagvolunter ka na kumanta ngayon gabi. Anyway our band can play any genre. Ano ang gusto mong kantahin?"

Napaisip naman ako at napadako ang tingin ko sa pwesto ni Theo at Hannah nakatingin lang ng diretso si Theo.

"Sa Isip ko."

"Wow! That's a great choice! OPM," humarap s'ya sa banda at may sinabi.

"Okay! ladies and gentemen let's give a round of applause to Miss Eve!" nagpalakpakan ang lahat at nagsimula na tumutoh ang banda.

"Alam kong meron ng iba
Sa kilos mo'y nadarama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na
Wala ng masasabi, di ba?
Kapit mo kay lamig na
Pati halik mo'y wala ng gana
Maagaw ka man ng iba sa akin
Pag-ibig ko'y patuloy parin..."

Nakatingin lang ako kay Theo at ganoon din s'ya nagpatuloy ako sa pagkanta na hindi bumibitaw ng tingin sa kanya.

"Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko lang lamang..."

"Alam kong meron ng iba
Ang init ay nang lamig na
Ba't di aminin ang di malilihim
Ikaw at ako'y tapos na
Bawat hakbang palayo ka
Walang linaw na babalik pa
Maagaw ka man ng iba sakin
Pag-ibig ko'y patuloy pa rin..."

Hindi ko halos namalayan na umiiyak na ako kung hindi ko pa naramdaman na medyo lumamig ang pisngi ko at nagsisigawan at nagpapalakpakan ang mga katrabaho ko. Bumitaw ng tingin si Theo. Tapos na rin ako kumanta.

"Wow! Mukang may pinagdadaanan si Miss Eve." komento pa ng emcee ng kunin nya ang mike sa akin.

"Para ba yan sa ex mo?" tanong ng emcee
naghiyawan naman ang mga katrabaho ko.

Tumango naman ako.

"Naku! bulag ata ang ex mo at iniwan ang isang tulad mo! Huwag ka mag alala at makakahanap ka rin ng mas higit pa sa kanya."

"She will." napalingon ako sa nagsalita at si Denver iyon na nasa likuran ko na.

"Denver."

"You're not going to cry again Eve." mabilis ang pangyayari hinawakan ni Denver ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako!

Nagsipalakpakan naman ang lahat. Napadako ang tingin ko sa pwesto ni Theo na bigla na lang tumayo at umalis.













Hi! Invite ko lang po kayo na to read my other stories! Salamat!

Travel of Two
(Available in Buqo)

Reverie in Vietnam

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
236K 5.8K 62
Rafael Sebastian was diagnosed with a condition called Dissociative Identity Disorder or D.I.D, people who suffer from DID often have 2-3 different i...
2.4K 131 21
Simula ng magkaisip si Hilda Alegre bukod sa pagmamahal at maka-survive wala na siyang ibang hinihiling pa. Inasam niya ang pagmamahal na iyon at pr...
8.6K 342 28
Love can forgive, but what about the person who has been hurt? Is she ready to forgive too? Started: January 17, 2021 Ended: March 11, 2021