That Gangster Trake Corpuz

By hwannyssik

196K 1.1K 28

Bilang President ng student body tungkulin ni Pristine Madrigal na panatilihing mapayapa ang buong paaralan... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

7.7K 196 6
By hwannyssik


Chapter 1: This gangster


Pristine Madrigal


Alasyete na ng umaga. Ito ang unang araw ng pasukan matapos ang semestral break. Nilagay ko sa paradahan ng bike ang bisekleta ko. Wala talaga ako sa mood para pumasok sa eskwela lalo na't kulang nanaman ako sa tulog ang sakit tuloy ng ulo ko.


Papikit-pikit pa ako habang naglalakad sa pathway ng school kaya lang napansin kong parang wala atang masyadong estudyante ang nagkalat. Mali ba ako ng tingin sa kalendaryo? Di kaya wala pa palang pasok? At masyado lang akong naexcite? Naexcite? Ako? Sakin talaga nanggalin eh. Nah!


Nagkibit balikat na lang ako baka napaaga lang talaga ako ng pasok kaya ganun.


Pero mukhang alam ko na kung bakit. Mula sa kinatatayuan ko sa di kalayuan ay may tumpukan ng mga estudyante. May kutob ako kung anung nangyayari.


At hindi nga ako nagkamali, pagkalapit na pagkalapit ko pa lang doon sa tumpukan ay dalawang grupo ng mga lalaki kaagad ang bumungad saakin.


Binubuo ng pitong miyembro ang isang grupo samantalang yung isa naman ay sampu.


Hindi pa sila nag-aaway pero may kutob akong doon na rin yun papunta. Ang sasama ng tingin nila sa isa't-isa na parang mangangain ng tao. Nagsusukatan ng tingin yung dalawa na sa tingin ko ay mga lider ng grupo.


"Layuan mo siya" sabi nung isang lalaki na may maangas na itsura.


"Wala akong lalayuan dahil wala naman akong nilalapitan"


"Huwag ka ng magmalinis Corpuz, gawin mo ang sinasabi ko alam mo naman siguro ang mga kaya kong gawin"


Yung lalaking isa ay ngumisi lang dun sa narinig niya. He looks so calm parang hindi niya sineseryoso yung mga sinasabi nung lalaki na medyo bad boy ang dating. Tingin yung lalaking siga na maraming koleksyon ng eyeliner sa bahay ang nag-umpisa ng away eh.



Mukhang nageenjoy ang madla sa panonood pero kailangan ko munang putulin ang palabas. Ayaw ko mang makealam pero syempre isa ito sa mga tungkulin ko. Gustuhin ko mang huwag mainvolve sa mga buhay nila pero wala akong choice. Perks of being a president in your school.



Hindi kaya masayang maging presidente, kung hindi lang dahil sa isang malalim na dahilan ay hindi ako tatakbo sa posisyong ito.


"Then make me" hinigit bigla nung lalaking bad boy yung kwelyo ni Mr. Goody goody. Masyado namang mainitin ang ulo nitong badboy na to. Short tempered devil tss.



"Subukan niyong gumawa ng gulo" nakuha ko ang atensyon ng lahat pati yung dalawang lalaki na malapit ng magsuntukan kung hindi lang ako nagsalita. Pakiramdam ko tuloy ako ang kontrabida dito eh saakin na kasi napunta yung masasamang mga tingin nila. 



"Hindi niyo magugustuhan ang kaya kong gawin" sabi ko ng taas noo. Mukhang hindi nila ako kilala base on their expressions. Pero yung ibang mga estudyante na nakakakilala saakin ay umiiwas na. 




Binitawan nung lalaki yung pagkakahawak niya sa kwelyo ni Mr. Goody goody at lumapit saakin ng may maangas na itsura. 



Maangas niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa na hindi ko nagustuhan. Minamaliit ba ako ng isang to? Ang yabang niya hah samantalang hindi niya pa ako nakikilala. Tsk tsk tsk ang kayabangan niya ang magpapatalo sa kanya someday.


"Wow kumuha ka pa talaga ng tagaprotekta hah Corpuz? Ganyan ka na ba kaduwag? Do you really think that I can't beat a girl?" 



Hindi ko gusto ang ugali ng taong to masyado siyang mayabang.


Tiningnan ko yung Corpuz na walang pakialam kung may madamay man sa away nila. Heartless. Akala mo ang bait bait masama rin pala ang ugali. Hindi sa gusto ko siyang tulungan ako it's just that akala ko first impression last kaya ko yun nasabi.



"Ikaw babae, what do you think ypur doing? Sa tingin mo ba porket nagtapang-tapangan ka ay susunod ako sa sinasabi---" 



Hindi ko siya pinatapos pa sa pagsasalita dahil sinikmuraan ko siya. I bet nasaktan siya sa ginawa kong yun who knows.



Lahat ng mga estudyante ay nagulat sa ginawa ko. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi dinadaanan ang lahat sa mabuting usapan. My motto in life is that less talk more move. I will not waste my precious time listening in his nonsense drama. 



Isa sa mga ayaw ko ay ang maraming satsat. If you want to say something then say it, stop beating around the bush.


Tinitigan ko ang reaksyon niya ang mga kagaya niya ay hindi kailangan ng nga pakiusapan. Sila kasi yung mga tipo ng taong hindi marunong makinig kaya ko to ginawa. He leave me no choice.

 



"Hindi ako mahilig makisali sa mga gulo. Pero... baka ako mismo ang magumpisa kung hindi kayo titigil" seryoso kong sabi sa kanilang lahat.



Mukhang nakarecover na siya sa ginawa ko at ang sama ng tingin niya saakin. Sabagay sinu ba namang hindi eh napahiya siya sa ginawa ko.




"Ikaw!" Sasampalin niya sana ako ng may pumigil sa kamay niya. 



"Hindi mo naman siguro gugustuhing mabalita na nananakit ng babae" 



Tinampal niya yung kamay ni Corpuz "Were not done yet" sinenyasan niya yung mga kasamahan niya para umalis na agad namang sinunod ng mga iyon.



Nagsialisan na rin ang mga estudyanteng nakikiusyoso at kami na lang walo ang natitira. Hawak pa rin niya ang kamay ko.



"Hoy miss anu bang plano mo sa buhay? Hindi mo kilala ang binabangga mo. Knowing Gino he will never leave you hanggang hindi siya nakakaganti" biglang nagsalita yung isa sa mga kasamahan ni Corpuz na medyo bad boy din ang dating. Naramdaman ko na binitawan na ni Corpuz ang kamay kong hawak niya.




"Tsk tsk paano na yan Trake, mukhang hindi to palalagpasin ni Gino anung gagawin natin?" 



So Trake pala ang pangalan niya. Hmm not bad bagay naman sa kanya. 




Tiningnan ako saglit ni Trake bakit pakiramdam ko inirapan muna niya ako? 



"Edi bahala siya matanda na siya she can take care of herself atsaka sana naisip na niya yun bago siya nakisawsaw, sino bang nagsabing makisali siya sa gulo? Ang besides it has nothing to do with me with us. Siya ang naghukay ng libingan niya kaya siya ang may kasalanan"



He said na parang natural lang sa kanya ang mga nangyayari. Hindi talaga nila ako nakikilala anu?

Anu bang tingin nila saakin tanga? Malamang alam ko kung anung pinapasok ko ng dahil sa mga walanghiyang gangster na to.


Nakakainsulto na ang lalaking to ah daig pa ang taklesang babae kung magsalita.


"Hinihiling ko ba tulong niyo? Atsaka kasalanan niyo rin naman kung bakit ako nadamay" this guy is getting in my nerves, hindi ko alam kung anu bang gusto niyang palabasin. Ang daldal daldal pa niya.


"Tara na nag-aaksaya lang tayo ng oras dito"

Hindi ako makapaniwala sa ugali ng taong to. He's so impossible bwisit siya napakafeelingero. Akala ba niya tumulong ako sa kanila para magpakitàng gilas? Grabe...




Continue Reading

You'll Also Like

278K 1.1K 6
[Rank #1 in Genderbender (03/01/20)] Paano kung babae ka pero pinalaki kang lalaki, lalaki ang dapat na kilos, ang pananalita, ang boses, ang panana...
1.2M 18K 63
[Highest Ranking Achieved:#13 in Teen Fiction] Paano kung ang isang babaeng nagmahal ng tapat ay ginamit lang. Paano kung ang tanga ay matuto. Paano...
5.6M 101K 64
Panget, mahina, walang dulot sa school kundi isang taong kinokopyahan lang. Little did you know kaya ka nito sipain hanggang China HA! What if ang se...
1.5M 44.7K 68
(REVISING) Isang araw, nerd pa ako. Hanggang sa naging Gangster ako ng hindi ko namamalayan. Si Angela, na ang buhay ay malas, bawat kasiyahan, may...