DEATH SCHOOL (Under Construct...

Por elyengzai

1.2M 18.5K 1.8K

HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL I... Más

CHARACTERS
DISCLAIMER!
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7 (Edited)
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (pt.1)
CHAPTER 21 (pt.2)
CHAPTER 22 (pt.3)
CHAPTER 23 (pt.4)
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40 (pt.1)
CHAPTER 41 (pt.2)
CHAPTER 42 (pt.3)
CHAPTER 43 (pt.4)
CHAPTER 45 : Last Chapter
Mensahe ni Author
PLUG !
BOOK 2

CHAPTER 44 (pt.5)

16.7K 340 13
Por elyengzai

Ito na yung UD :)

Enjoy ~

-**
Third Person's Pov.

"Bakit ko ba sinusunod mga utos niya?" bulong ni Kirsten sa kaniyang sarili habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang classroom.

Alam niyang magiging magka-klase sila ng kapatid,tulad narin kasi ng sabi ni Miranda ay ginawan na niya ito ng paraan.

Sa paglalakad niya ay isang pamilyar na mukha ang kaniyang nakita,tulad ng dati kasing amo parin ng anghel ang mukha nito.

Pero tulad nga ng kaniyang inaasahan,dumaan lang ito sa kaniyang harapan ng parang walang nakita.

Walang segundong hindi natitigan ni Kirsten ang kapatid.

Ng matapos ang buong araw na klase ay hinintay niya muna itong maka-uwi,naabutan tuloy siya ng ulan.

Wala siyang dalang payong kaya wala na siyang pagpipilian kundi ang mag-paulan na lamang.

At nung araw na yun nakilala niya si Ianna.

Siya yung mabait na dalaga na gusto sanang pasilongin si Kirsten sa kaniyang pang kinder na payong.

Nung una talaga ay ayaw niya na magkaroon ng kaibigan pero naalala niyang isa si Ianna sa kadaldalan ng kapatid sa unang araw ng klase.

Kaya wala na siyang choice kundi kaibiganin nalang ito para ng sa ganun maging mag kaibigan narin sila ng kaniyang kapatid.

Nung araw ring yung nakilala niya si Bianca na takot lumusong sa ulan,pero dahil nga't parehong basa na si Kirsten at Ianna ay pinahiram nalang ni Ianna ang payong niya sa dalaga.

At dahil sa insidenting yung naging magkaibigan silang tatlo.

At gaya nga ng kaniyang plano naging malapit sila ni Yzel.

Parati silang magkasama na ikinatuwa naman niya.

Pero isang insidente ang nangyari na kailangan na niyang pumatay.

**

"Sasabihin ko na sa kanila ang totoo,kailangan na nilang malaman ang katotohan"

Nasa rooftop si Cess,may hawak na isang malaking karatulang sinasaad ang mga tagong sikreto ng ekskwelahan.

Maraming mga estudyante at mga guro ang nasa baba ng building,nag-aalala sa maaring mangyari sa binata.

"Kailangan ng matigil ang lahat ng to.."

"Cess,anong ginagawa mo dito?"

"Kirsten!Sasabihin ko lahat ng nalalaman ko,tulungan mo 'ko"

"Anong sasabihin mo sa kanila"

"Sikreto ng HVHU,isang demonyo ang namamahala ng eskwelahan na 'to,papatayin niya lahat tayo,wala siyang ititira" itinaas ni cess ang hawak niyang karatula "Ito,nakasulat lahat dito"

"Patingin.."

Inabot ni Cess ang karatulang yun kay Kirsten,binasa naman agad ng dalaga ang lahat ng nakasulat run.

"Medyo maliit to,baka hindi nila mabasa" ani Kirsten na biglang sinira ang karatula

"Anong ginawa mo?"

"Hindi nila magagawang mabasa ang mga nakasulat dito,masyadong maliit ang pagkakasulat mo" pagdadahilan ni Kirsten

"Paano na?"

"Ang dapat na tanong eh pano mo sasabihin sa kanila kung nasa taas ka,kung nandito ka sa rooftop"

"Kaya nga,sinira mo kasi eh"

Unti-unting lumapit si Kirsten kay Cess at isang nakakapangkilabot na ngiti ang rumehestro sa kaniyang labi

"Alam ko kung pa'no" wika ni Kirsten

"Paano?"

Walang pag-aalinlangang itinulak ni Kirsten ang binata,nahulog ito sa baba na nagresulta ng agarang pagkamatay nito.Agad na nagkalat ang dugo sa paligid..

"Mas maganda kapag sa malapit mo sabihin" bulong niya

Akala ng lahat ay nag suicide si Cess dahil sa walang bakas na may tumulak sa kaniya,malinis ang pagkakagawa ng krimen.

**

"Kirsten,anak" tawag ni Miranda

"Ano po yun?"

"Nakita ko yung ginawa mo kanina"

"Anong ginawa?"

"Yung ginawa mo sa kaklase mo"

"Yun ba,madali lang pala ang pumatay"

"Sabi ko sayo eh"

Lumapit si Miranda sa dalaga at sinuklay ang buhok nito.

"Simula palang yan"

"Wag kang mag-alala,tatapusin ko kung ano man ang nasimulan ko"

"Susuportahan kita anak"

***

Matapos ang insidenting yun eh nasundan pa ulit ito,hindi lang isa kundi apat ang namatay sa kamay ni Kirsten.



"May bali-balitang may nabubuong samahan sa inyong classroom"

"Oo,tama ka.Gusto nilang malaman ang sikreto ng school,ng sikreto mo"

"Buhay ~ pero alam ko namang may plano ka"

"Oo,may plano na ako"

"Pero paano kung hindi yan umubra?"

Sandaling napatahimik si Kirsten sa naging tanong ni Miranda

"Wag kang mag-alala Kirsten,bago ka pa lang sa gawaing ito kaya kung hindi man umubra yang plano mo,ako ang bahala sayo."

"Ok po.Goodnight na,maaga pa ako bukas"



Kinabukasan..

Plano ni Kirsten na sumama sa samahan nina Trisha ng sa ganun mailigpit niya ang apat ng mas madali.

Pero pinigilan siya ni CrisMar.
Nung mga panahon na yun ay malaki ang pagtingin ni Kirsten sa binata,dahil sa ginawa ni CrisMar. Ay bigo siya sa plano.

Naalala niya naman ang sabi ni Miranda sa kanya..

"Wag kang mag-alala Kirsten,bago ka pa lang sa gawaing ito kaya kung hindi man umubra yang plano mo,ako ang bahala sayo."

Hindi binigo ni Miranda si Kirsten at may ginawa nga ito.

Sa mini forest ng school,hating gabi.Inutusan ni Miranda si Kirsten na pumunta sa lugar na yun.Nadatnan niya ang apat niyang kaklase na isa-isang nakatali sa mga puno.

Naalala niya ang bilin ni Miranda bago siya umalis ng bahay.

"Maraming pwedeng gamitin para tapusin sila.Mamili ka lang sa mga gamit na inihanda ko run.Pwede mong ilabas lahat ng galit mo sa pamamagitan ng pagtapos sa buhay ng mga lapastangan na 'yon"


Napatingin siya sa kaniyang paligid,merong isang maliit na bilog na mesa kung san nakalagay ang iba't ibang bagay na pwede niyang gamitin.Kutsilyo,baril,matigas na kahoy,tubo atbp.


Umagaw ng atensyon niya ang isang tubo.

Napatingin siya kay Trisha na ngayon ay nakadilat na ang mga mata at nakatitig sa kanya

"Kirsten,tulungan mo kami" nagmamakaawang usal ni Trisha

"Tulong.."

Bumalik sa alaala ni Kirsten ang mga nangyari sa kanya nung siya'y bata pa lamang.Paulit-ulit na bumabalik ang salitang tulong sa kaniyang isipan.

"Pinatay ang mga magulang at kapatid ko.Ilang beses akong humingi ng tulong pero walang tao dun para tulungan kami." wika ni Kirsten sabay ang pagtulo ng kanyang mga luha

"Kirsten,ano bang pinagsasabi mo?tulongan mo nalang kami dito,maawa ka" pakiusap ni Jetrex na nagising narin.

"Maawa?wala ako nun.Hustisya yun ang nais ko ngayon."



Isang napakalakas na hampas ang binitawan ni Kirsten sa ulo ni Jetrex gamit ang tubong hawak niya.Dahil sa lakas ay nabiak ang ulo nito,at kita na ang utak ng binata.

Pagkatapos niyang hampasin si Jetrex sa ulo ay pinagpapalo niya pa ito sa ibat ibat parte ng katawan.

Tulad ng ginawa niya sa binata ay ganun rin ang ginawa niya sa tatlo pang natitira.

Pagkatapos niyang bugbugin ang apat ay ibinigti niya ito sa mga puno

Lingid sa kanyang kaalaman ay merong nakasaksi sa kanyang ginawa.

Hindi ito nagsalita tungkol sa kaniyang nakita,nanatiling tikom ang bibig niya sa mga taong nagdaan.Hahanap siya ng tyempo,baka sakaling magamit niya ito laban kay Kirsten at ang tyempo na yun ay dumating na nga..


"Kirstem,pwede ba tayong mag-usap yung tayo lang"


Naghanap ng isang tahimik at tagong lugar ang kaklase niya para walang makarinig at makalita sa kanila.

"Alam ko ang sekrito mo Kirsten Bautista" seryosong sabi niya

"Ano bang pinagsasabi mo Aki?"

"Kung gusto mong malaman ang gusto kong sabihin,wag mo muna balaking isaksak sakin yang pocket knife na hawak mo" natatawang usal ni Aki

"Ok sige,sabihin mo kung ano man ang gusto mong sabihin sakin" paghahamon niya kay Aki sabay tapon nung kutsilyo malayo sa kanila.

"Alam kong ikaw yung killer"

"HAHAHA!Tama ka nga,matalino ka talaga Aki"

"Hindi pa ako ako tapos,baliw!Alam ko ring ikaw yung dahilan kung bakit biglang naging weird si Nicole" naiiritang tugon ni Aki

"Ok sabihin na nating may alam ka,pero pano kung patayin kita ngayon dito?" nakakalibot na wika ni Kirsten

Nakaramdam ng kaba si Aki sa sinabi ni Kirsten pero dahil nasimulan na niya ito kailangan niya rin dapat itong tapusin.

"Sige patayin mo 'ko at mamatay siya" madiin na saad ni Aki na nagresulta sa biglang pag seryoso ng mukha ni Kirsten

"Sino ang tinutukoy mong SIYA?"
"Si Yzel,ang kapatid mo"

Nagulat si Kirsten sa sinabi ni Aki,walang nakaka-alam nun kundi si Miranda,Elaine at siya lamang.

"Paano mo na---"

"Mayaman ang pamilya ko,ganun lang kasimple"

"Ngayon,kung papatayin kita,ano ang mangyayari sa kanya??" nangangambang tanong ni Kirsten

"Tulad ng sabi ko,mamatay siya"

Biglang hinila ni Kirsten ang kwelyo ng uniporme ni Aki at idinikit ito sa pader.

"Anong ginawa mo?!" nanglilisik ang mga mata ni Kirsten habang mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng dalaga

"May bomba akong ginawa at sinadya para tapusin ang buhay ni Yzel.Nakadikit yun sa likod niya,maliit yun pero kaya siyang patayin nito sa isang iglap lang.Sasabog yun matapos ang 24 hours" mahabang paliwanag ni Aki

Binitawan ni Kirsten ang kwelyo nito ang agad na pinulot ang kutsilyo at itinutok ito kay Aki

"Mamatay ka!!"

"Tayka!walang ibang makakapigil nun kundi ako lamang"

Ibinababa ni Kirsten ang hawak niyang kutsilyo at napatingin ng seryoso kay Aki.

"Magkasundo tayo.Patayin mo 'ko at gawing killer katulad mo at mabubuhay si Yzel,ganun lang"

"Pati yung kailangan mamatay bago maging killer,alam mo rin?!"

"Wag ng madaming satsat,tumatakbo ang oras!" sigaw ni Aki

"Sige!"

"Bukas,bago mag-agahan,sa dorm namin,patayin mo 'ko" tumalikod na si Aki pero tumigil ito at tiningan si Kirsten "Dahil kung hindi sasabog yung bomba" pagbabanta nito

"Bakit ka pa ba kasi naging matalino Ms.Briones?!" Sigaw ni Kirsten sa sarili niya


Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sundin ang sinabi ni aki.











Ng magawa na ang ritual sa pagbuhay ulit kay Aki ay nagkasundo sila na pagtulungan nila ang pagpatay sa kanilang mga kaklase

Hindi alam ni Kirsten ang dahilan ni Aki kung bat niya yun ipinagawa.

Isa,gusto niya mabuhay ng walang katapusan.
Pangawala,gusto niyang maangkin ulit ang lalaking mahal niya na si Rhane pero siya lang din naman ang pumatay nito.
At pangatlo,
Ang tapusin ang buhay ni Yzel.Bakit?dahil sa inggit.






**

-FLASHBACK ENDS-

Mahaba ang naging pagkwento ni Kirsten sa mga nangyari.

Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.

Hindi naman napigilan ni Bianca at Ianna ang maiyak sa kwento ni Kirsten.



"Ginawa ko lahat 'to para sayo Yzel.." malungkot na wika ni Kirsten,habang nakaupo sa sahig at nakayuko

"Singit lang ako ah?Alam mo Kir?ginamit lang ng demonyo yang kahinaan mo para sundin mo ang mga pinag uutos niya sayo" - Bianca

"Pumapatay ka para kay Yzel,pero alam mo bang pwede kayong magsama sa ibang paraan,mabuting paraan." dagdag ni Ianna sa sinabi ni Bianca

"Kirsten,sinabi mo na tatapusin mo ang bagay na nasimulan mo na?" - Yzel

Ini-angat ni Kirsten ang ulo niya at tumingin kay Yzel saka seryosong tinitigan ito sa mga mata

"Ngayon pa ba ako susuko na dadalawa nalang sila" deritsong sagot ni Kirsten


"Ibig mong sabihin papatayin mo rin si Ianna at Bianca?"

"Kailangan ko tong tapusin" tumayo si Kirsten at tiningan ang dalawang dalaga na umiiyak na dahil sa takot.

Ilang hakbang nalang para makalapit na siya sa dalawa ay bigla na lamang nag-apoy ang paligid


"NASUSUNOG ANG SCHOOL!!" sigaw ng isang estudyante sa labas ng kanilang classroom.








To be continued...

---**

Sad to say pero ang susunod na magiging update ko ay yun na yung huling chapter :'< totoo yun mga bess,huehue ~ pero ngayon pa lang ay gusto ko ng mag thank you sa inyo dahil sa pagbabasa niyo ng story na to :) Thank you!Thank you! ♥

Vote | Comment | Follow

-elyengzai

Seguir leyendo

También te gustarán

High School Terror Por Shhh

Misterio / Suspenso

26.7K 769 24
A summer camp gone wrong. Are they ready to experience what we call, hell?
Sa Taong 1890 Por xxienc

Ficción histórica

79.9K 3.5K 70
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
6.8M 345K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...