Why Samson Loved Delilah

By westbounds

5.8K 367 130

I have galaxies in my heart and I will love you until the stars burn out. Samson Mikael Del Rosario broke u... More

Why Samson Loved Delilah
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 42

58 3 0
By westbounds

Chapter Forty-Two
Fight

Mabilis akong umalis sa bahay nila Samson. I quickly drove my way to the hospital, hindi ako pwedeng mag-sayang ng oras. Anak ko ang nasa malubhang kalagayan! Pinaharurot ko ang sasakyan hanggang sa tuluyan na akong makarating sa ospital. Ipinark ko ang kotse bago ako  mabilis na bumaba at tumakbo papasok sa loob. Buti na lamang ay nai-text sa'kin ni Mama ang room number ni Lance. 

"Lance Jave Regalla, please. Room 203." Agad namang sinabi sa'kin ng nurse kung saan ang direksyon. Napansin niya na siguro na hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Sumakay ako sa elevator at pumindot hanggang sa makarating na ako sa floor kung nasaan ang kwartong tinutuluyan ng anak ko.

Mabilis ang lakad ko kanina hanggang sa bumagal na ito nang tuluyan na akong makalapit sa kwarto kung nasaan si Lance. Nanginginig ako sa takot at pag-aalala, pakiramdam ko'y kahit mag-salita ako ay walang boses na lalabas. I closed my eyes and breath, kailangan kong makita ang anak ko. Agad-agad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa'kin ang walang malay na si Lance na nakahiga sa kama habang si Alston ay nagba-bantay sa kanya, nakatulog sa kanyang tabi.

Tumulo ang luha ko. Para silang nag-uunahan sa kung sino ang unang babagsak, kung saang mata ang muling magbabagsak ng luha. Pinigilan ko ang sarili ko mula sa pag-iyak dahil baka mamaya ay biglang magising si Lance, ayokong makita niya ako ng mahina pero hindi ko nagawa. Lumakas ang pag-iyak ko lalo na nung mayakap ko ang anak ko. Umaasa akong magiging siya dahil sa ingay ko, dahil sa pag-iyak ko, dahil sa pagmamaka-awa ko na sana dumilat na ang anak ko. Marahan kong inalog-alog ang natutulog kong anak, umaasang baka isang galaw ko pa sa kanya ay dumilat na siya.

"Anak... Anak, wake up. Mommy's here already. Hindi ka na iiwan ni mommy... Please Lance, gising na, anak..." iyak ko habang mahigpit kong yakap-yakap ang anak pero wala, hindi pa rin siya dumidilat.

Maya-maya ay naramdaman kong may gumalaw mula sa kama. I thought it was Lance kaya naman agad akong umasa pero hindi pala. It was Alston, nagising na siya dahil sa pag-iyak at pagyugyog ko kay Lance. Namumungay pa ang mga mata ni Alston at maga pa ito nang tumitig siya sa'kin, mukhang umiyak din ang lalakeng 'to.

"D-Delilah..." ani Alston bago unti-unting nanlaki ang kanyang mata. Parang gulat pa na nakita niya ako ngayon sa harap niya. "W-What are you doing here?" tanong ni Alston sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa'kin.

"What am I doing here? I'm his mother! Of course I should be here!" sigaw ko sa kanya bago pinunasan ang luha ko. Parang bumalik sa katinuan si Alston dahil sa pag-sigaw ko sa kanya. He shook his head slowly and bit his lower lip.

"I-I'm sorry. A-Akala ko lang hindi ka makakarating d-dito..." he was nervous. Ramdam ko dahil nangangatog yung boses ni Alston at para bang maiiyak kahit na ang pagsasalita niya pa sa tagalog ay nabubulol-bulol at hindi deretso. Hinilot ko ang sentido ko bago huminga ng malalim. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin?

"I'm his mother. He needs me." walang emosyon kong sagot sa kanya bago itinuon ang atensyon sa anak ko. Napatingin ako sa isang couch na nasa loob ng kwarto at nadatnan ko doon ang mga gamit ni mama. Siguro ay naandito sila kanina, hindi man lang ako nahintay kahit saglit.

"What happened to Lance?" tanong ko habang inaayos ang bangs ng anak ko. Mahaba na pala ang buhok ng anak ko. Umabot na sa mga mata niya, buti na lang ay hindi ito natutusok. Ni minsan ay hindi naman nag-sumbong sa'kin si Lance na nangangati ang mata niya dahil sa kanyang buhok.

Tumingin sa akin si Alston, "I don't really know. When I went to your house, n-nahimatay na ang anak natin. We immediately brought him here, we were worried. The doctor said that he'll do some laboratory tests and we should wait for the results. H-hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Lance..."

Tumungo ako at lalong napa-iyak.

Hindi ko napansin kung gaano na pala kahaba ang buhok ni Lance. Dapat ay napapagupitan ko ang anak ko. Hindi ko napansin ang pilat sa paa at binti ni Lance dahil sa paglalaro niya dahil masyado akong busy sa trabaho. Hindi ko napansin lahat ng gasgas sa braso ni Lance dahil madalas ko siyang hindi na makausap at makasama sa bahay dahil busy ako. Hindi ko napansin... hindi ko napansin na kinakailangan pala ako ng anak dahil masyado kong natuon ang atensyon ko sa sariling kasiyahan ko.

Nangangatog ako dahil sa galit ko sa sarili ko. Masama ba akong ina? Pakiramdam ko ay masama akong ina dahil hindi ko nagawang ituon ang atensyon ko sa nag-iisang anak ko. Pakirmadam ko ay magagalit sa'kin ang anak ko dahil hindi ko naman siya naalagaan ng mabuti at laging... lagi ko na lang siyang iniiwan sa mga lolo't lola niya. I already cried my heart out pero hindi pa rin sapat. Pakiramdam ko ay hindi ako magiging okay hanggang sa hindi gumigising ang anak ko at hindi siya makausap. 

Patuloy ako sa pangangatog hanggang sa nakaramdam na lang ako ng mga brasong unti-unting pumulupot sa'kin at dahan-dahan akong hinila patayo. Muntikan pa nga akong matumba dahil hanggang ngayon ay nanghihina at pagod na pagod ang mga tuhod ko. Isinandal ako ni Alston sa dibdib niya bago hinaplos ang aking buhok. Nang ma-realize kong nababasa ko na pala ang harapan ng suut-suot na polo ni Alston ay hihiwalay na sana ako sa pagkakayakap niya sa'kin. I already took a step back away from him pero muli niya akong hinila at niyakap pa ng mas mahigpit na parang isang galaw niya lang ay mababasag ako. Na para bang sobrang importante kong tao. Lalo akong naiyak dahil sa nararamdaman ko, ihalo mo pa ang sobrang pag-aalala ko sa anak ko.

Napapikit na lamang ako nang narinig ko ang malamig na boses ni Alston na nagha-hum ng tono hanggang sa tuluyan na siyang kumanta.

  "I will stand by you
I will help you through
When you've done all you can do."

Hinaplos ni Alston ang likod ko bago hinalikan ang gilid ng ulo ko, kasama ang buhok. Naiyak ako pero maya-maya ay kumalma ako pero naiyak na naman ako nang pumasok sa isipan ko ang lagay ng anak ko. Paano kung matagalan pa bago siya magising? Ayokong mangyari 'yon. Kailangan kong mag-leave sa trabaho kung ganoon at kung 'yon lang ang solusyon para mapagtuunan ko ng pansin ang anak ko ay talagang gagawin ko.

  "If you can't cope
I will dry your eyes
I will fight your fight."

Humigpit ang yakap sa'kin ni Alston at wala naman akong naging pagtutol doon.

  "I will hold you tight
And I won't let go.
 "

*

"May leukemia po ang anak ninyo..."

Napapikit ako nang marinig 'yon mula sa doctor. I even asked him to do the laboratory tests again and again para lamang makasigurado kung tama ba ang sinabi ng doctor. I cried my heart out once again, hindi ko alam kung kailan ako mapapatigil. Dinamayan ako nila mama, ni papa ni Alston at lahat ng kasama ko sa bahay. Naiwan lang ay ang mga pinsan ni Lance na siyang nag-aalala rin daw habang nasa bahay.

"Doctor, can't you do something about it? P-Para po mabilis na mawala yung sakit ng anak ko, please. I'm begging you. P-Pagaliningin niyo po yung anak ko..." 

Umiling ang doctor pagkatapos ng lahat ng mga sinabi ko, "I'm sorry ma'am pero wala na po akong magagawa. All we could do is give your son treatments para kahit papaano ay hindi na lumala ang karamdaman niya. Let's just pray for a miracle, ma'am. Ni hindi niyo man lang po ba nakita ang mga bruise at tiny red spots sa katawan ng anak ninyo? If you're busy with work, yung mga kasama niya po sa bahay? Wala man lang po bang nakapansin?"

Lalo akong nakaramdam ng guilt. Napatungo ako at unti-unting umiling. Kahit sila mama at papa ay sumagot ng "hindi." Wala raw. Wala raw silang napapansin dahil sa tuwing si mama ang magsasabing mag-papaligo sa anak ko ay tumatanggi raw ito. Lalo akong napaiyak dahil sa narinig, na baka... baka yung oras ng anak ko para makasama kami ay mapaikli na lamang.

Nang umalis ang doctor ay hindi na ako nag-salita pa. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko. Ni hindi ko na magawang tignan pa ang anak ko. 

"I'm sorry Lance..."

*

"Delilah..."

Napa-angat ang tingin ko nang marinig ko ang boses niya. Nagulat ako, oo, pero pilit kong hindi na lang 'yon ipakita pa sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa upuan at direktang tumingin sa kanya. Nang tumingin ako sa paligid ng kwarto ay si Mama na lamang ang  natira sa loob. Tumango sa akin si mama, ako naman ay napakunot ang noo.

"I-I wanna talk to you..." 

Tahimik na lamang akong tumango bago kami tuluyang lumabas sa kwarto. Naglakad kami sa lobby hanggang sa makalabas na kami sa ospital. Tahimik lamang ako habang katabi siya, talagang nawala na sa isip ko ang pag-aaway namin kanina. Ni hindi ko na nga siya naalala.

"I-I heard about Lance's situation... I-I'm sorry, Lilah..." 

Marahas akong umiling bago siya tinitigan sa mata, "Why are you saying sorry? Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit nagka- leukemia ang anak ko hindi ba? Bakit? May kasalanan ka ba?" tanong ko sa kanya, pinipigilang umiyak.

Humakbang papalapit sa akin si Samson at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad ko na 'yong inilayo sa kanya, kahit ako ay lumayo sa kanya. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. I know I was rude dahil sa sinabi ko sa kanya pero hindi ko alam... hindi ko alam kung bakit parang ngayon ay galit na galit ako kay Samson.

"Delilah, I'm sorry k-kung nag-selos ako. I-I just wanna fix things between us. A-ayos na naman tayo hindi ba? I-I'm really sorry..." ani Samson bago tumungo.

Kumuyom ang mga palad ko, "In situations like this, talagang isisingit mo pa ang kung anong gulo ang meron sa relasyon nating dalawa? Really, Samson?" mapait akong napatawa bago umiling at galit na tumitig sa kanya, "W-Why are you so immature, Sam?" Nabasag ang boses ko.

Naningkit ang mga mata ni Sam, namumula. "I-I'm not immature, Lilah. I-I really got jealous that's why. P-Please... ayusin naman natin 'to." Inabot niya ang kamay ko at hinawakan 'yon bago hinaplos ng dahan-dahan.

Umiling ako, "No..."

"Delilah, I'm sorry! H-Hayaan mo na naman bang mawala ako ngayon?"

Para akong natauhan sa tinanong niya sa'kin. I glared at him, hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya bago ako di sinasadyang napasigaw.

"You're telling me to hold on to you? Samson naman! You can tell all of this to me some other time! Bakit ganyan ka? Bakit kung kailan kailangan ko yung lalakeng nasa tabi ko para palakasin ang loob ko ay wala siya? Bakit ikaw... bakit ikaw na siyang aasahan kong nasa tabi ko lang at handang makinig ay siyang mas lalong nagpapahirap sa sitwasyon ko? Samson, you... you can set this aside... Understand me, first! Can't you do that?"

Kumunot ang noo ni Samson, "Delilah, I just want to fix things between us! Dadamayan kita pagkatapos! Dadamayan kita pagkatapos nating ayusin yung meron tayo. Kaya please... kausapin mo naman ako ng maayos!" 

Pagak akong napatawa bago napahilot sa aking sentido, "What the hell are you saying? Sinasabi mong unahin kita kaysa sa anak ko? Anong klaseng lalake ka? Are you even a man? Grow up, Samson! You should grow up! Hindi maganda yang sinasabi mo. No, Samson. Hindi. Hindi ko uunahin ang lagay ng anak ko para ayusin lang ang meron tayo because... because..." napatigil ako sa pagsasalita. Hindi magawang ituloy ang dapat na sasabihin ko.

Tumingin sa'kin si Samson, "You're pushing me away now..."

Umiling ako, "Please understand. Ayokong mawala yung meron tayo pero ngayon mas mahalaga na sa'kin ang anak ko. Mas mahalaga ang anak ko, intindihin mo naman. I-If you can't accept the fact that I already have a son, that I already have Lance then... then end this. Tapusin mo na kung anong meron tayo!" Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ito lahat sa kanya.

Importante sa'kin ang anak ko.

Pero ayoko rin na mawala sa'kin ang lalakeng pinakamamahal ko, si Samson.

"Are you sure you wanna end this?" nangangatog ang boses na tanong niya pero nang tumingin ako sa mga mata niya, wala ng kahit anong emosyon ang naandoon.

Hindi ako nakasagot at narinig ko ang mapait na pagtawa ni Samson. "I guess you wanna end this. Tinatapos mo na yung tayo kahit... kahit na nagsisimula pa lang ulit yung nasira nating relasyon noon..." tumungo si Samson bago malungkot na ngumiti sa'kin, "I'm sorry. I think what he told me is better than all of my plans. T-Tinatapos ko na, Delilah..."

Kumunot ang noo ko, "S-Sam..."

"I won't chase you anymore. I won't try to talk to you anymore. Hindi ko na rin susubukan na makipag-ayos pang ulit sa'yo. I guess its true. History repeats itself? Eto na naman ako ngayon, binibitawan ka na. Kahit panandalian lang tayo ngayon... I just wanna say I love you. I love you so much it hurts, Delilah. It hurts that the love I have for you is ruining me..."

Napaiwas na lamang ako ng tingin. Hindi ko na magawa ang tumingin ng deretso sa mga mata ni Samson.

"One of the things I love about you is that you choose someone's happiness over yours and that is one of the reasons why... why I fell in love with you."

Malungkot na ngumiti sa akin si Sam. Hindi ko maintindihan yung nangyayari. Kung sino yung may sinabi sa kanya, kung saan niya kinukuha lahat ng sinasabi niya ngayon at kung bakit ganoon na naman. Kung bakit bibitawan niya na naman ako. 

Wala na akong nagawa. Naiwan akong nakatulala at umiiyak hanggang sa tuluyan nang tumalikod si Samson at naglakad palayo.

My love is walking away from me...

and I don't know if he's going to be back for me.


Continue Reading

You'll Also Like

88.6K 3.8K 24
Book #1 of DESTINY'S ALIGNMENT SERIES *ο½₯゚゚ο½₯*:.q..q.:*゚:*:βœΌβœΏγ€€γ€€πŸͺ„ "Shut up" "Your lips please ma'am" "What do you want? " "You, your love " "What...
1.6M 139K 65
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
Ice Cold By m

General Fiction

2.3M 85.7K 50
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
478K 30.1K 40
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...