Why Samson Loved Delilah

By westbounds

5.8K 367 130

I have galaxies in my heart and I will love you until the stars burn out. Samson Mikael Del Rosario broke u... More

Why Samson Loved Delilah
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Chapter 18

94 8 1
By westbounds

Chapter Eighteen
Pag-amin

Lahat halos ng mata ay nakatutok sa'kin. Hindi ko sinasadyang mabitawan ang kubyertos ko pero huli na ang lahat nang subukan kong saluhin 'yon. Napapikit ako ng mariin, lamumin na lang sana ako ng lupa!

Umiwas ako ng tingin sa kanila. Para akong nabibingi sa ingay sa aking paligid. Hindi ako makatingin ng deretsyo sa mga matang nakatutok sa'kin. Hindi ako titingin. Ayokong tumingin.

"Delilah, I'm asking you. Would you give my little brother a chance?"

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. As I grasped the hem of my shirt tightly, I felt my knees weakened and trembled kahit pa nakaupo lamang ako. Nang dumilat ako ay hindi pa rin naaalis ang mga titig nila sa'kin.

Doon ko lamang napansin na wala na pala si Sunshine at si Migs. Ewan ko kung anong nangyari sa dalawang 'yon pero sinenyasan ako ni William na umalis si Sunshine at sinundan daw ito ni Migs.

"Hey Delilah or should I call you Lilah na lang for short? That's easier, huh? Can't you answer my question?"

My hands balled into fists. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatakas dito.

"Kuya Simon! Stop!" Hindi na napigilan ni Steve ang pag-sigaw. He held my hand at agad kong hinigit 'yon mula sa pagkakahawak niya.

Dahil 'yon na lamang ang naisip ko. Mabilis akong tumayo at umalis sa pwesto ko. Naramdaman kong umiinit ang gilid ng mga mata ko dahil sa ginawa niya. Bakit pakiramdam ko ay para akong napahiya? I creased my forehead and wiped my eyes kahit na wala pang tumutulong luha, gusto ko ng tuyuin agad!

Dumeretsyo ako sa labas at huminga nang malalim. Lalo lamang akong nakaramdam ng tensyon nang maalala ko ang pagkakatitig sa'kin ni Samson kanina. Iba 'yung mga titig niya, parang galit na hindi ko maintindihan. He has this expression in his eyes na para bang gusto akong hilahin papalapit sa kanya at dalhin palabas. Hindi ko naman alam kung ako lang talaga 'yon, kung naga-assume lamang ako o ganon talaga ang itsura niya.

It was like he wanted to grab my hand and hold it as tight as he can. Gusto ko sanang maramdaman ulit ang kamay niya na hawak-hawak ang mga kamay ko na para bang ayaw niya akong pakawalan katulad noon.

"Delilah!" Nabato ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. I tried to move pero hindi ko magawa, mistulang napako na lamang ako sa kinatatayuan ko.

Naramdaman ko na lamang na may biglang humigit sa aking braso, hinihila ako papalapit sa kanya. "Delilah! Hey-"

Marahas ang ginawa kong pagharap sa kanya. Pilit kong hinihigit ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa.

"Lilah, talk to me please..." anas ni Steve bago ako matagumpay na naiharap sa kanya. I was teary eyed pero pinilit ko na lang na hindi tumitig sa kanyang mga mata.

"Lilah, please... B-Bakit ka umalis don? I-I'm sorry about how my brother acted..." halos pabulong na sabi ni Steve habang nakatungo. Marahil ay nahihiya.

"S-Steve..." tawag ko sa kanyang pangalan. Naramdaman ko ang dahan-dahang pangangatog ng mga kamay ni Steve. I creased my forehead as he slowly looked at me and stared at me - directly at my eyes.

"Y-Yes?" It was like he's about to cry. From the looks of it, alam kong kinabahan din siya sa nangyari at sa ginawa ko.

"Sorry about what happened inside, Lilah. W-Wag kang makinig sa kuya ko. He's just joking!"

Kumunot ang aking noo, "Is he joking? O ikaw ang nagsisinungaling?" Matapang kong tanong sa kanya at tumitig nang deretso.

Steve froze. Unti-unting namilog ang kanyang mga mata hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin sa'kin. I took a step back and with a sigh, I asked him. "Is it true? That you l-like me?"

Nag-angat ng tingin si Steve bago hinawakan ang aking mga kamay. He sighed a lot of times at hindi makagawang tumitig ng deretso sa mga mata ko. Titingin siya pero iiwas muli, bahagya rin na nakabukas ang kanyang mga labi.

"Delilah..."

"Tell me."

"Yes. Lahat ng sinabi niya, its real. Its all real, Delilah. I like you... so much."

Hinigit ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. I took a step back shook my head. "U-Uuwi na muna ako..."

"Lilah!"

Sakto naman na may dumaang jeep kaya naman doon na agad ako sumakay. My hands are trembling nang humawak ako sa hawakan ng jeep para makakuha ng suporta, I'm nervous! Napaupo ako sa bukana bago huminga nang malalim, hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang boses ni Steve hanggang sa naging malayo na ito at mahina.

Nakaalis na ako.

Pumasok na naman sa isip ko ang mukha ni Sunshine habang naririnig niya ang sinasabi ng Kuya ni Steve. Pain was written all over her face pati na ang pagka-gulat sa mga nalaman niya. Kahit ako ay nagulat, ni minsan ay hindi ko naisip na posible pa lang mangyari ang mga 'yon.

Now it's true, huh? A boy and a girl can never be just friends.

Kumunot ang aking noo bago ako napahilot sa sentido ko. This is too much for today! Bakit andoon si Samson at Ingrid? Bakit nandoon sila at kasama si Simon? Simon know them? Kailan pa? At bakit kailangan niyang dalhin ang dalawang 'yon?

"Shit..." bulong ko nang maramdamang mag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis ko 'yong kinuha at nakita ang pangalan ni Steve na lumitaw sa screen. He's calling me!

Ni-reject ko ang call at pinatay ang cellphone ko. Ayokong kausapin ang kahit sino sa kanila ngayon. Kahit si Steve at lalong-lalo na ang Kuya niya.

Noong una, akala ko ay nagbi-biro lamang ang lalakeng 'yon. Its in his looks! Na para bang happy go lucky at walang problema sa buhay, unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko ng maloko at mapag-biro siyang kasama and I was right! Ako ang napagdiskitahan!

And he was the one who made the move for his brother. Mukhang napaamin tuloy sa akin si Steve ng wala sa oras.

Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong agad ako ni Papa na nakaupo lang sa harapan ng bahay at parang may malalim na iniisip. Tinawag pa nga niya ako pero ang tanging ginawa ko lang ay ang batiin at halikan siya sa pisngi.

"Mommy!"

Nakuha ni Lance ang atensyon ko. Tumigil ako sa aking paglalakad at mabilis siyang binuhat kahit na siya'y mabigat na. My son is really growing up, growing fast!

"Yes, baby?" I tried to sound okay at sana naman ay ganoon ang kinalabasan ng boses ko.

Lance stared at me carefully. Para bang ino-obserbahan niya ang aking mukha. I smiled a bit and kissed him on his forehead bago niya ipinulupot ang kanyang maliliit na braso sa aking leeg.

"Mommy, are you alright?" tanong niya pa sa'kin bago hinaplos ang aking buhok.

I quietly nodded and kissed him on his hair. Mas lalong humigpit ang yakap sa'kin ni Lance saka siya nag-hum ng isang kanta. Kumunot ang aking noo pero kasabay non ay ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. My son is singing for me.

"Mommy, para ka pong hindi okay e..." ani Lance bago tinanggal ang ilang hibla ng buhok na tinatakpan ang kalahati ng aking mukha.

"I'm okay, Lance. H'wag kang mag-alala kay mommy..." Halos pabulong ko nang sabi at tumitig sa kanyang mga mata para lamang tuluyan siyang maniwala.

Pinaglapat ni Lance ang kanyang mga labi, his lips formed a thin line bago siya nagpababa sa'kin. Nag-paalam ako na mag-papahinga muna dahil nga pagod din sa trabaho, hindi na nag-tanong pa ang anak ko.

Dumeretso ako sa kwarto naming dalawa. I didn't lock the door, baka kasi sumunod si Lance at umakyat din papunta rito. Umupo ako sa dulo ng kama bago pinaglaruan ang sarili kong mga daliri.

Hirap na hirap akong paniwalaan ang mga nalaman ko mula kay Simon lalo na sa ginawang pag-amin ni Steve sa akin. Parang ayokong maniwala sa kanila pero noong mga oras na tumingin ako sa mata ni Steve - alam kong totoo ang lahat. Sigurado akong sinasabi niya ang totoo sa'kin kahit na mahirap.

I turned on my cellphone. Nang tuluyan itong mag-bukas ay doon lumitaw ang fifty-eight missed calls mula kay Steve at twenty-four messages na nanggaling din sa kanya. Wala akong gana basahin lahat, papatayin ko na sana ulit pero narinig ko na naman itong tumunog.

Tumatawag si Steve.

"Hello?" Mahina kong sabi.

[ "Delilah? Delilah! Nasaan ka? Nasa bahay ka na ba?" ] Natataranta niyang tanong sa'kin mula sa kabilang linya.

"I'm already home..." Humiga ako sa kama bago hinayaan siyang makipag-usap sa'kin kahit saglit lang.

[ "P-Pwede ba kitang puntahan? I was damn worried about you! Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko. Are you sure you're alright?" ] Sunud-sunod na salita ni Steve. Nangangatog ang kanyang boses at hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa'king puso dahil doon.

"No. I'm alright. Hindi mo na naman ako kailangang puntahan, Steve. You enjoy your party..."

Narinig ako ang pag-buntong hininga ni Steve bago sumagot,

[ "Pinauwi ko na sila. Wala ka na doon, hindi na masaya. And I was fucking worried about you, bigla ka na lang umalis nung kinakausap kita! Natakot ako!" ]

"Steve..."

[ "Delilah, I want to see you..." ]

"No. Let me rest... please."

[ "Pero yung-" ]

"Let's talk about it next time. Please, Steve? Ibaba mo na ang tawag..."

Agad din naman 'yong ginawa ni Steve. With a sigh, I turned off my phone and cussed under my breath. Ano na ang dapat kong gawin ngayon? Dapat alam ko, I'm a woman! Hindi na ako teenager na padalos-dalos na lang! God, Delilah.

*
Kagaya ng inaasahan ko ay tinanong agad ako nila Ynez tungkol sa nangyari noong isang araw. All I did was answer them with a shrug o kung ano pa, paminsan nga ay hindi ko na lang pinapansin ang mga tanong nila.

Sinasabi pa nila sa'kin na they already asked Steve about what his brother said at sinabi nito na totoo naman daw lahat ng 'yon. They kept on asking me how I feel about that, mga media ba sila? At ano ako, artista?

I rolled my eyes and put my things above the table. Alam kong nakatitig sa'kin si Steve pero hindi ko na siya tinapunan o pinasadahan man lang ng tingin. Naiilang din ako. Sa lahat kasi ng iniiwasan kong magkaroon habang nagta-trabaho ako sa eskwelahang ito - 'yun ay ang magkaroon ako ng mga issue.

But I guess, hindi mo nga naman maiiwasan 'yon. May pakpak nga naman ang balita, dahil kahit mga admins at ang mga taga-linis dito sa school ay alam na. What the hell!

Nang pumunta ako sa cafeteria ay nakita ko doon si Steve na kasama sila Jomarie at William. Pilit akong umiwas pero ang mga ungas, talagang ipinagtulakan si Steve sa'kin!

Marahas ang ginawa kong paglingon sa kanila habang hawak-hawak ang tray ng pagkain ko. Kumunot ang noo ko nang makitang malapad na nakangiti sila Jomarie habang si Steve naman ay itsurang natatae. Kinakabahan ba siya?

"Ano bang kailangan niyo?" masungit kong tanong bago tuluy-tuloy na nag-lakad, nauuna sa kanila.

"Si Steve kasi gusto kang kausapin pero hindi niya magawa. Kinakabahan si totoy." Pang-aalaska pa rito ni William.

"Fuck you." Mahinang sabi ni Steve dahil baka naman marinig pa siya ng mga estudyante. Kahit naman ito na ang huling araw niya sa eskwelahan ay dapat maging matino pa rin siyang ehemplo sa mga kabataan kahit papaano.

I rolled my eyes at tuluyan nang bumalik sa faculty pero nakasunod pa rin sila sa'kin! Ang mga admins tuloy na nakikita ko ay makahulugang ngiti ang binibigay sa'kin, shit.

Kanin lang naman ang binili ko sa canteen kaya meron na akong ulam na baon. Nag-hila ng upuan si Jomarie at pilit na pinaupo doon si Steve kahit na ayaw naman ng tao. Ang sabi pa ni Steve ay kakain daw ako, ayaw niya akong ma-istorbo.

"It's okay. Kausapin mo na ako para matapos na."

Narinig ko ang pag-bukas ng pinto, wala na sila Jomarie at William -- umalis na. Kami lang din ni Steve ang tao sa faculty, gusto ko ngang sabihin na bilisan na lang niya at baka may pumasok pang iba, kung ano pa ang sabihin sa aming dalawa.

Nangalahati na ako sa pagkain pero hindi pa rin nagsasalita si Steve. Nanatili lamang siyang nakatingin sa'kin habang nakain ako.

"Hindi ka ba magsasalita?"

Napakurap siya ng ilang beses bago napakamot sa kanyang batok at naiilang na ngumiwi. "Nakain ka pa kasi e. Baka maistorbo ka..."

I shrugged my shoulders and avoided his gaze. Ilang na ilang na ako dahil ang pinaka-ayoko kapag nakain ako ay ang tinititigan ako pero matapos na lamang ay hinayaan ko na lang. Ni hindi man lang din ba niya naisip na naiilang ako?

"Tapos na ako. Now, pag-usapan na natin 'yung tungkol don."

Tunog masungit man ako para sa kanya o mukhang hindi ako apektado pero ang totoo ay naiilang ako. Apektadong apektado.

"Lilah, I'm sorry about what my brother did that day. I swear na sinabi ko naman sa kanya na hindi 'yon ang tamang oras para malaman mo at dapat ay ako ang magsa-sabi non pero inunahan niya lang ako! So I'm really sorry, Lilah. K-Kung pakiramdam mo ay napahiya ka sa mga kasama natin..."

Tumungo si Steve at narinig kong bumigat ang kanyang pag-hinga. Alam kong guilty siya pero wala na namang magagawa, alam ko na ang nararamdaman niya para sa'kin. Alam ko na lahat.

"Hindi naman ako napahiya. Nagulat lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin noong mga oras na 'yon. I thought he was kidding me kagaya ng mga ka-trabaho natin. Lagi nila tayong nite-team up hindi ba? Ganon lang naman ang akala ko..." pagpa-paliwanag ko na rin sa kanya.

Ngumiwi si Steve at ginulo ang kanyang buhok bago naiilang na tumingin sa akin. "I'm sorry about what happened pero totoo naman lahat. I-I like you Lilah, so much."

Napangiti ako at direkta siyang tinitigan sa mga mata. "Thank you, Steve. I mean, thank you sa effort para umamin sa'kin. And thanks for admiring me..."

Umiling si Steve at tipid na ngumiti sa'kin. "But I'm old enough to know if this is admiration or not, Delilah. And I know that this is not just a simple admiration, iba ang gusto sa pag-hanga. At gusto kita. Sobra."

Doon nawala ang ngiti ko. Oo nga naman, we're old enough to simply like someone at sasabihing admiration lang. That's too dense, mature na kami. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya.

"I'm sorry..."

Napatungo na naman si Steve at narinig ko ang mahina at mapait niyang pag-tawa. "You're still in love with him, aren't you?"

Hindi ako sumagot. Nanatili lamang akong tahimik at sa pananahimik ko ay alam kong alam na niya ang sagot tungkol sa tinanong niya sa'kin.

Imabot ni Steve ang kamay ko.

"Steve."

"Please. Hindi kita iiwasan dahil lang sa ni-reject mo ako pero I want to pursue you, Lilah. H-Hindi ako ganon kadaling susuko..."

"Steve, I'm so-"

"Please? Please just listen to me. This isn't just a simple admiration. Hindi lang 'yon ang nararamdaman ko para sa'yo. I like you, matagal na and I'm falling for you every day kahit wala ka namang gawin so please..."

Nanatili lang akong tahimik at nakatitig sa kanya. Nawalan ako ng sasabihin.

"I will court you, Delilah. Liligawan kita hanggang sa maubusan ka na ng dahilan para hindi bigyang pansin ang nararamdaman ko para sa'yo. Liligawan kita. I will show you how I feel hanggang sa ako naman ang mahalin mo. I know it's not easy for you but I will take a risk. For the possibility of you and me. I will play, I will use all the cards I have."

***
a/n: sorry, is it lame? kakalipat lang namin ng bahay at walang wifi so data lang. sorry for the typos!
Twitter: @jeweeelwrites

Continue Reading

You'll Also Like

Sarkaar By eira

General Fiction

73.3K 5.3K 32
The book contain painful and horrifying visual in book read at your risk This my first time story based on india in 1970s. This story deal with the...
34.6K 948 20
Isabella Rose Ivy Valencia-Moretti, the only girl born in Italian Mafia family after so many generations. Not only she is the princess of Italian Maf...
88.6K 3.8K 24
Book #1 of DESTINY'S ALIGNMENT SERIES *ο½₯゚゚ο½₯*:.q..q.:*゚:*:βœΌβœΏγ€€γ€€πŸͺ„ "Shut up" "Your lips please ma'am" "What do you want? " "You, your love " "What...
936K 27K 43
Athena is trying to adjust in her newfound freedom but she is forcefully ripped away from it. But sometimes bad things happen for better!