TAKING MR.BLUE OUT OF HIS BLU...

Bởi unperfectly_fine

9.4K 217 52

Xem Thêm

TAKING MR.BLUE OUT OF HIS BLUE WORLD...
CHAPTER 2
CHAPTER 3
chapter four
CHAPTER FIVE
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
CHAPTER 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33

CHAPTER SIX

249 4 0
Bởi unperfectly_fine

...mary lou  (LEFT) 

...nadia (RIGHT)

CHAPTER SIX

XXXXXXXXXX MYCO’S POV XXXXXXXXXX

Siguro naman ay natatandaan nyo pa ako?

Ako lang naman si MYCO STEPHEN REGINIO, ang school president sa eskwelahang ito. At karamihan sa mga rules and regulation na ipinapatupad sa eskwelahang ito ay ideas ko, at so on ay wala pa namang naiirita at nadedehado na estudyante sa mga pinahayag kong patakaran.

Mayaman ang pamilyang pinagmulan ko at kailanman ay hindi ko ikinatuwa ang bagay na iyon dahil sagad sa pagka diktador ang father ko at kimi lang sa lahat ng bagay ang mother ko. May isa pa akong kapatid na babae at sa ibang school naman siya nag aaaral.

Maganda ang eskwelahang ito dahil payapa kong nagagawa ang lahat ng gusto ko without thinking any restrictions from my parents. Dahil ang lahat ng nag aaral sa school na to ay required na mag dorm din dito sa loob ng eskwela.

“Kamusta yang labi mo pare? Mukang medyo nasaktan sa suntok ni Matabungkil ah”

Sabay-sabay na nagtawanan ang grupo sa sinabi ni Vien na mas lalong ikinainis ko. Bwisit na payatot na lalaking iyon? Akalain ko ba na susuntukin niya ako kanina? At malay ko din bang malakas pala siyang sumuntok?!

Aaaaaarghf!!!!!!!!!

“Pare, may future atang maging boxer yung isang yun eh” tawanan ulit sila sa sinabi naman ni Jeck.

“At sakto namang si Myco ang napag tripang gawing punching bag!” – KIRK.

“Shut up! Ayoko ng may babanggit pa tungkol sa encounter namin kanina dahil pag may narinig pa ako ay ilalahad ko ang rule number 1089, which is yun nga ay ang pagpapagupit ng buhok monthly”

Tila naman isa-isang namutla ang apat dahil sabay-sabay silang natahimik at nag kanya-kanya ng tayo mula sa pagkakaupo sa upuan nila dito sa loob ng oval kung saan naman gaganapin ang soccer game. Hmmm, takot palang ma gupitan ang mga ito eh.

“Myco!!”

Napalingon ako sa gawing kanan ko ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Parang familiar yung timbre ng boses eh. Pero kahit di ko pa nakukumpirma kung siya nga iyon ay tila pinag papawisan na ako ng malagkit.

Patay kang bata ka!!

Siya nga!!!

Hayun at tila siyang-siya na kinakawayan ako ni Mary Lou o A.K.A “MS. DISASTER”.

Pagkalapit nya sa akin ay agad niyang inilingkis sa braso ko yung mga kamay niya at saka humilig sa balikat ko. Bakit ba tila ang sarap-sarap pitikin nito?!!

“Na miss mo ba ako Myco my love? Akalain mo at nakayanan nating hindi magkita sa loob ng apat na lingo?” then she smiled widely.

“Four weeks? Talaga lang huh?! If I know ay palagi ka lang namang nandito sa school namin at nagtatago sa kung saan-saan para lang i-stalk ako”

Tila naman isang batang nahuli sa ginagawang kababalaghan na napangiwi ito sa sinabi ko. At saka lumingon-lingon na tila may hinahanap.

“Sinong hinahanap mo Ms. Disaster?”

“Pwede ba Myco wag mo akong tawaging Ms. Disaster, nakakairita ka na eh!”

“Eh, sino ba kasing hinahanap mo diyan sa tabi-tabi?”

“Ahhh… yung boyfriend ko”

Ò _____ Ó????

Bigla naman akong napahalakhak ng malakas sa sinabi nito. Ano yun joke? Muka bang may papatol sa kaartehan ng babaeng ito? Sino namang tanga ang magkakalakas ng loob na manligaw dito eh, masyadong intimidating yung mga body guard nya na laging nakabuntot sa kanya. Pero ngayon tila ata wala yung mga aso nya dahil mag-isa lang ito ngayon.

Malakas na hampas ang ginawa sa akin ni Mary Lou dahil sa pagtawa ko. Nakakunot noo ito at naka pout pa habang tinitingnan ako ng masama.

“Anong nakain mo Myco at tila tuwang-tuwa ka?”

“Sorry, sorry… kaw naman kasi. Wag ka ng umimbento ng isang kuwento para lang pagselosin ako” inakbayan ko siya at iginiya sa bench.

“I’m not kidding Myco!”

“Ows? Then nasaan nga yung sinasabi mong boyfie?”

“N-nasa  tabi-tabi”

“Liar”

“Mamatay ka sa inggit Myco Stephen. Dahil from now on ay kalilimutan ko na ang feelings ko sa iyo”

I knotted my forehead then stare at her face. Hinahanap ko ang kasiguraduhan sa muka nito pero tila wala namang kahit na anong mababakas duon bukod sa ngiti nito. Tssskk! In love nga ata si NENE.

“What made you decide to find another man, hmm?”

“It’s love at first sight Myco” pinagsalikop pa niya yung mga kamay niya at saka naging dreamy ang mukha, habang ang singkit na mga mata nito ay lalong sumingkit pa.

“Yan din ang sinabi mo sa akin two years ago ng mag confess ka ng feelings mo sa akin Mary Lou”

“Shut up Myco!”

“Ouch! Nagka boyfriend ka lang kinalimutan mo na kaagad yung past natin”

“Shut up… nakakainis nga lang kasi kahit anong gawin ko ay malamang na sa iyo pa rin ang bagsak ko” sabi nito sa malungkot na tono at saka huminga ng malalim.

Oo nga pala, ipinagkasundo na kami ng mga parents namin last year pa. At ayon nga sa usapan ay sa pagtungtong ni Mary Lou sa edad na labing walo ay saka pa lang kami maikakasal. In volve sa agreement na iyon ang malaking shares at stocks ng mga father namin kaya ganun sila ka eager na ipagkasund kami.

“no comment” sagot ko na lang dito.

XXXXXXXXXX LARXIE’S POV XXXXXXXXXX

Marahan kong sinusundan ang daan kung saan ko nakitang lumiko si Blue. Wala naman talaga akong balak na sundan siya , eh kaso nung nakita ko siyang tila nag aalinlangan na tumuloy sa paglalakad papunnta sa gawing likod ng eskwelahan ay kinutuban ako ng kung ano lalo pa at may mga babae ng estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan ang nandidito sa school.

Dub! Dub!..

Maingat at tahimik kong isinandal ang sarili ko sa pader habang sinisilip si Blue. Nakahanda na ang camera ng phone ko kung totoo nga na may babae siya dito na kayakapan o kaharutan at ng may report na din akong maipadala kay Lola.

Pero higit pa pala sa ganun ang masasaksihan ko na ikinadurog ng todo ng puso ko.

Ang sakit..

Ang sakit sakit..

Nakita kong may babaeng hinahalikan sa leeg si Blue at tila siyang-siya naman yung babaeng iyon sa ginagawa nito dito. Nakasandal sa pader ang babaeng iyon habang nasa magkabilang gilid nito ang mga kama ng binata.

Pasimple ko na lang sila kinuhanan ng litrato.

Click!

Click!

Pagkatapos ko makakuha ng ilang shots ay saka na ako marahang naglakad paalis. Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Lola sa akin dati bago niya ako ipadala dito. Sabi nga pala niya na kailangan kong i-sabotage ang mga pambababaeng ginagawa ng apo niya dito.

“Pero paano ko  naman gagawin iyon? Ang sakit-sakit kaya na makitang may iba na siya. Pati wala naman akong alam sa mga ganung bagay”

Tila mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko at napakagat-labi na lang ako habang titig na titig sa mga pictures nila Blue. Sa kakatitig ko dito ay hindi ko napansin na tumutulo na  pala yung luha ko sa pisngi.

Bakit ba kasi ako naiiyak ng ganito?! 

“M-masakit kasi, haaay”

Bata pa lang ako ay in love na ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit pero tila mas lalo pa iyong lumala sa paglipas ng panahon. Kahit dalawang beses ko lang siyang nakita na pumunta sa hacienda ay hindi pa rin nagbago ang damdamin ko kay Blue. Ganun ako ka obsess sa kanya.

Dali-dali kong pinahid yung luha ko at saka patakbong umalis  na sa lugar na iyon. Pero kakatakbo ko ay hindi ko napansin ang babaeng naglalakad pasalubong sa akin at tila maging ito ay nagmamadali din sa paglalakad  kaya pareho namin hindi napansin ang isa’t-isa.

“Araaay!” sabi nung girl na nabangga ko.

Napaupo kasi siya nung magkabangga kami habang ako naman ay mabilisang na control yung balance ko kaya napaurong lang ako kanina.

“Okay ka lang? sorry huh?” inabot ko yung kamay niya para tulungang makatayo at saka ko pinulot isa-isa yung mga books na dala-dala niya na nagkalat kanina.

“Thank you” sabi niya at saka marahang yumukod.

“Pasensiya na, nasaktan ka ba?” napakamot na lang ako sa batok ng makitang nag blush ang babae at saka marahang umiling.

Ang cute naman niya, para siyang manika sa sobrang puti at saka yung eyes niya parang sa manika din na natatakipan ng mahahaba niyang pilik mata. Pero may kahawig siya eh, sino nga ba iyon?

“A-ako nga pala si N-Nadia. Ikaw a-anong pangalan mo?”

Teka parang may mali, bakit siya nag ii-stammer? Bakit siya nag ba-blush, at bakit nakayuko lang siya at hindi ako tinitingnan??

“I’m Rexie, nice to meet you Nadia” inabot ko yung kamay niya na iniangat niya para sa shake hands at saka dali-dali na akong nag paalam na mauuna na dahil may gagawin pa ako. Tumango naman ito at saka ngumiti ng matamis.

Ang gulo talaga ng mga babae.

XXXXXXXXXX VIEN’S POV XXXXXXXXXX

Naiins na nasipa ko na lang yung lata ng fruit drinks na nadaanan ko sa hallway at saka ko naisuklay yung mga daliri ko sa buhok ko. Naaasar talaga ako, hindi lang sa sarili ko kundi sa lalaking iyon. Anong karapatan niyang kausapin si Neddy ko?

Huh?!

NEDDY KO?!

At kailan pa nga pala naging akin ang babaeng iyon na napaka sungit? Kabaligtaran talaga siya ng kakambal niya na si Mary na masyadong sweet sa lahat ng tao.

Haizt!

Masyado pa naman akong natuwa kanina nung malaman ko na kasama pala ang ST. MATHILDE PRIVATE HIGH SCHOOL  sa soccer game na gaganapin ngayon dito dahil alam kong duon nag-aaral sila Nadia at Mary Lou. Pero na frustrate lang ako ng makitang tila nagmamadaling lumayo sa grupo ng mga classmates niya si Nadia para siguro hanapin ang kakambal nito na si Mary Lou na obsess kay Myco, at duon nga ay nabangga naman niya si Rexie MatabungkIL. Kilala ko ang babaeng iyon dahil kapag may nagugustuhan siyang lalaki ay nag ba-blush siya kaagad at hindi makatingin ng diretso dito.

At SH*T lang dahil daig ko pa ang tila sinilaban sa inis ng makitang iyon ang naging reaksiyon niya ng makita si Rexie Matabungkil na iyon. Matagal ko ng gusto si Nadia kaya lang nahihiya akong magtapat dito dahil parang nakatatandang kapatid lang talaga ang tingin niya sa akin dahil nga mas matanda ako sa kaniya.

Mag kakaibigan at magkakasosyo sa negosyo ang mga magulang namin kaya bata pa lang ay kilala ko na sila, haayzt! Kaya siguro parang kuya lang ang tingin niya sa akin.

“Bwisit!”

“Sinong bwisit?”

Bigla akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyon ni Nadia na nasa likod ko na pala ng hindi ko namamalayan. Nakakahiya!

Ó ^ Ò

“Vien! Sumagot ka nga kinakausap kita!”

Ng hindi pa rin ako sumasagot at patuloy na tinitigan lang ito ay hinampas na lang niya ako ng mga librong hawak niya sa balikat na siyang ikinaputol ng pagmamasid ko sa mukha nito.

“Bakit ka nag ba-blush sa lalaking nakabangga mo kanina?”

Tila naman hindi nito inaasahan na iyon ang itatanong ko dito kaya biglang nag-iwas ito ng tingin palayo. I just pout my lips then stare at her intensely. Isip bata na kung isip bata! Eh, ano? Ayoko lang talagang may makaagaw sa kaniya mula sa akin.

“A-ano bang klaseng tanong iyan? Alam mo, nagugutom na ako tara at ilibre mo na lang ako sa cafeteria ninyo”

Hinawakan niya yung kamay ko at saka ako marahang hinatak. Kaya lang wala talaga ako sa mood ngayon kaya hindi pa rin ako gumagalaw mula sa kinatatayuan ko, naiinis pa rin ako! Dapat siguro kausapin ko din si Rexie na layuan si Nadia dahil nakita ko kanina kung paano din niya titigan ang babaeng ito.

“Vien! Are you deaf? I said let’s go to the cafeteria. Ano pa bang ipinag sisintir mo diyan?”

Iningusan ko lang ito at saka marahang tinap yung ulo niya na hanggang balikat ko lang. inilapit ko dito yung mukha ko at saka siya tinitigan sa mga mata ng maigi.

“Nadia”

“B-bakit?” nakita kong napalunok ito kaya napangisi na lang ako.

“Nagseselos ako”

Õ . Õ------—> reaction niya.

“Huh?”

“You heard me, right?”

XXXXXXXXXX NADIA’S POV XXXXXXXXXX

“Nadia”

“B-bakit?”  bigla na lang akong napalunok in voluntarily ng ilapit pa ni Vien yung muka niya sa akin habang yung isa niyang kamay ay nasa ulo ko at hawak naman nung isa  yung kamay ko.

“Nagseselos ako”

Ô . Õ

“Huh?” napamulagat na lang ako sa sinabi nito habang tila nahihirapan na akong makahinga sa sobrang kaba at anticipation.

Bakit ba parang ang sarap sumigaw ng TOTOO BA IYON??!!

“N-nagseselos ka?”

Tila naman na patanga din si Vien sa tanong ko dahil bigla itong natahimik at saka mabilis lumayo sa akin.. ano bang problema nun?

Akmang hahawakan ko sana ulit yung kamay niya ng mabilis niyang iiwas iyon at saka tumalikod paalis. Grabe siya! Pagkatapos ng mga sinabi niya ay iiwan na lang niya ako bigla dito mag-isa?!!!

Napaka ungentleman talaga ng lokong iyon! Arghf!!!

“LOKO KA VIEN!!!”

A/NOTE:

LIKE, VOTE, COMMENT 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...