Valentine's Daw Kasi

By YourSweetestDarnFall

542 19 9

More

Valentine's Daw Kasi

542 19 9
By YourSweetestDarnFall

Valentine’s Daw Kasi..

(One-shot)

 

“Anong meron?” bulong ni Brielle sa sarili. Nasa harap pa lamang siya sa gate ng school ay puno na ito ng mga hugis-pusong mga anek-anek. Maging ang mga estudyante ay may mga hugis-pusong pins din sa kwelyo ng kanilang school uniforms.

“Valentine’s daw kasi.” Narinig niyang sagot ng lalaking nasa kanyang tabi.

“Valentine’s? Isang linggo pa bago ang Valentines a?” Nilingon niya ang binata para makilala kung sino man ito. Nagulat na lamang siya ng si Vince pala ang lalaking nasa kanyang tabi. Isa ito sa itinuturing na “campus crush” ng kanilang school. Bukod kasi sa gwapo nitong itsura ay isa din ito sa mga pinakamatalino sa mga Engineering students. Ito din ang pambato ng kanilang school sa mga chess competitions nationwide. Gentleman. Mayaman. Ika nga nila, “Neseye ne eng lehet,” or more likely, nasa kanya na ang lahat ng mga bagay na gugustuhin ng isang babae. Siya ang lalaking pinapangarap ng karamihang babae at ang mga kinaiinggitan ng mga lalaki. Ngunit kahit sa estado nito sa buhay at sa popularity  nito sa school ay nananatiling pribado ang buhay ng binata, lalo na ang kanyang buhay pag-ibig. Ang pagiging misteryoso nito ay isa din sa mga dahilan kung bakit marami ang mga babaeng nahuhumaling sa kanya. At hindi niya ipagkakailang isa siya sa mga kababaihang medyo may gusto dito... hindi nga lang halata dahil hindi naman siya masyadong nagpapakita ng emosyon. Sabi nga ng karamihan, siya ang “Reyna ng Poker Face” sa campus.

Nagkibit-balikat na lamang ang binata bilang tugon sa kanyang tanong at tila ba walang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid at naglakad papalayo. Nagtataka naman ang dalaga dahil alam ng lahat na minsan lang makipag-usap ang lalaki sa mga taong di nito masyadong kilala. “Oh well.” Nagkibit-balikat na lamang din siya at pumasok sa kanyang klase.

***

The next day, pagpasok niya ay nandoon pa din yung mga hugis-pusong anek-anek sa gate. Ngunit hindi lang iyon ang nakikita niya, ang hallway ng school ay napuno na rin ng mga teddy bears na nakasabit sa kisame nito.

“Ano bang meron?” tanong na naman niya kahit na alam niya sa sariling isa ito sa preparation na ginagawa ng mga estudyante para sa darating na Valentine’s Day.

“Valentine’s daw kasi.” Narinig na naman niyang may nagwika ng mga katagang ‘yan sa kanyang likuran. Déjà vu! Napalingon naman siya rito ngunit sa halip na si Vince ang makita ay ang mukha ng gwapong-gwapong si Jake ang tumambad sa kanya. Si Jake ay isa sa mga itinuturing ding hearthrob ng kanilang eskwelahan. Ito ang captain ng basketball team at nagtataglay ng makalaglag-panty na killer smile at again.. MAYAMAN. Magkaibigan sila ni Vince or more likely, ang anim hearthrobs ng school ay mga magkakaibigan. You know what they say, birds of the same feather flocks together. Matalino din si Jake gaya ng iba. Isa sa mga top student ng Computer Studies Department. Ngunit isa din ito sa pinakaproblema ng kanilang departamento. May mga napapabalitang nagawa daw nitong i-hack ang isa sa mga website ng school at pinagkatuwaang lagyan ng mga “kababalaghan”. Wala namang ebidensiyang nagpapatunay na  ito ang gumawa kaya’t di man lang ito napatawan ng parusa.

“Eh? Hindi naman sila masyadong excited sa lagay na yan, ano?” bulong niya ulit na narinig din naman ng binata.

“Bakit? Ikaw ba hindi excited?” balik-tanong nito sa kanya. “God, that killer smile.” She thought. Nagkibit-balikat na lamang siya at yung mga ngiting kanina pa nakapaskil sa mga labi ni Jake turns to a shit-eating grin. Hinawakan nito ang kanyang mga balikat at tiningnan siya ng deritso sa mga mata at nagsabing, “You just wait and see,” saka nito ginulo ang kanyang buhok at umalis.

“Okay. That was weird.” Bulong niya sa kanyang sarili.

***

On the third day, wala naman siyang nakitang ipinagbago sa gate at sa hallway. Siguro’y napagod na rin ang mga ito sa kakahanda para sa paparating na Valentines Day. Ngunit ganun na lamang ang pagkagulat niya ng mabuksan niya ang kanyang locker. Doon niya na kita ang mga bagong pakulo ng mga ito. Isang hugis-pusong chocokate ang nasa loob ng kanyang locker. Napansin na rin niyang hindi lang siya ang nakatanggap ng ganung chocolate kundi pati na rin lahat ng mga estudyanteng nagbubukas ng kanilang mga locker sa oras na iyon.

“What the? Bakit naman sila maglalagay ng chocolates sa mga lockers? At saka hindi ba bawal magbukas ng locker ng may locker?” bumubulong-bulong siya habang inaayos ang mga kakailanganin niya para sa susunod na klase.

“Hayaan mo na. Valentine’s daw kasi.” Napalingon naman siya sa kanyang kanan at nakita niya doon ang kanyang locker mate. Si Amiel. Math Geek. BS Math student. Ilang beses na ba niyang naririnig ang excuse na, ‘Valentines daw kasi,’ sa mga hearthrobs ng school? Yes. Amiel is one of the hearthrobs ng eskwelahang kanyang pinapasukan. Bukod kasi sa pagiging Math Geek nito ay isa din siya sa mga pinakagwapong student ng school. Tahimik na tao, may sariling mundo at hindi nawawala sa mga kamay nito ang kanyang Math book. Nakarating na rin ito sa Singapore upang maging representative ng kanilang school sa isang International Math Challenge. Luckily, umuwi itong panalo.

“Ikaw na yung pangatlo.” Nasabi na lamang ng dalaga kay Amiel. Wala namang reaksiyon ang binata sa kanyang sinabi at nginitian lang siya bago umalis. Honestly, napaka-weird ng eskwelahang ito tuwing papalapit na ang Valentines Day.

***

Fourth Day. Nasa laboratory si Brielle para sa kanyang Chemistry class ng hapong iyon. The activity is to produce something out of mixing this certain reagents and that. And since they’re dealing with chemicals, the task needs to be performed by pairs. Nakapartner niya sa activity na ito ang captain ng soccer team nila sa school. Si Kieth. Sa lahat ng mga itinuturing na hearthrobs ay ito ang pinaka-laidback. Easy-go-lucky itong tao sa ibang bagay ngunit ibang-iba pagdating sa soccer field. Seryoso ito at napaka-striktong team captain, which is mas mabuti naman dahil lagi naman silang nananalo tuwing may laban ang school nila sa iba.

Nakikita naman niya sa gilid ng kanyang mga mata ang ginagawa ng iba niyang kaklase.. isang pink na likido ang kanilang inilalagay sa ibabaw ng bunsen burner. Ang ikinatuwa ng lahat ay ang usok mula sa likidong ito. Ang usok nito ay kulay pink din na naging hugis-puso pa.

“Harrumph!” she grunted and sighed.

“Why are you brooding?” tanong ni Kieth sa dalaga. Tiningnan niya lang ito at ibinalik ang tingin dun sa mga kaklase nila. Seriously, sabihin niyo ng bitter siya but you can’t blame her. Ilang beses na siyang umasa sa Valetine’s na yan ngunit wala namang nangyayari.

“Wala.” Sagot niya rito at itinuon na lamang ang kanyang atensiyon sa ginagawa nilang activity.

“Ngumiti ka nga.” Sabi nito habang tinutulungan na rin siyang ipagpatuloy gawin ang kanilang ginagawa.

“Bakit naman?”

“Valentine’s daw kasi.” Tila balewalang sagot nito sa kanya.

Seriously?

***

5th day. The fifth day goes on like any other  day. Of course, except  for the decorations in the front gate and the hallways. Not to mention, yung patuloy na paglalagay ng mga chocolates sa loob ng mga lockers nila. May mga balak ata ang mga gumagawa nito na bigyan ang mga estudyante ng sakit na Diabetes.

Habang naglalakad siya sa hallway papunta sa kanyang classroom nakasabay niya ang isa sa na namang hearthrob. Hindi na lamang niya pinansin ito ngunit  bigla na lamang siyang na-stranded sa dami ng tao. Out of curiousity, she made her way through the crowd and saw a guy na nagbibigay ng bulaklak sa isa sa mga classmates niya. “Kaya pala nagkakagulo dito.”

“Kung magsasabi na man lang ng kanyang undying love and admiration, bakit sa hallway pa?” she asked, and that earned her a few glares from the women na kinikilig din sa mga nangyayari.

“Ano ba ipinagpuputok ng butsi mo? Eh sa Valentine’s daw kasi eh.” Sagot ng hearthrob na nakasabay niya. Si Clark. Fine Arts major. Model ng isang kilalang brand ng denims sa bansa. Hindi mo aakalaing isa itong Fine Arts major. Mahilig itong magpinta at hindi lang basta mahilig, magaling din ito. Isa sa mga obra na nagawa nito ay naisali na din sa isang exhibit sa ibang bansa. Tiningnan niya ito ng masama. Araw-araw na lang ba niyang maririnig yung mga salitang yan? Yung totoo? Ngumiti lang naman ito na tila nagsasabing mayroon itong nalalaman na hindi niya pwedeng malaman.

“Wala. Bahala ka nga.” Badtrip, umalis na lamang siya sa lugar na yun at nagtungo sa classroom.  

***

VALENTINE’S DAY.

Naglalakad si Brielle sa hallway ng makasalubong niya si Michael. May dala-dala itong isang pink na rosas at hinarang siya sa kanyang daraanan. Nagtataka namang itinaas niya ang kilay dito.

“Valentine’s daw kasi.” Balewalang sagot nito.

“Yeah. I hear that a lot.” Sagot niya na punong-puno ng sarcasm. And then for the first time, she heard him chuckle. Siguro nga nakakagaan ng loob ang araw na ito. Pero bakit hindi man lang niya maramdaman iyon? Dahil ba bitter pa rin siya hanggang ngayon kay Bryle?

“Punta ka nga pala sa Basketball court.” Dagdag na wika pa nito.

“Bakit na naman.”

“Valentines daw kasi.”

“Ugh! Wala na ba kayong ibang alam na salita kundi yan?”

“Sorry. Napag-utusan lang.”

Napag-utusan? Isang hearthrob uutusan? Paano naman nangyari iyon kung isa sila sa mga makapangyarihan at may kakayahang mag-utos sa eskwelahang ito?

Bukod sa eksena nila ni Michael kanina ay wala na namang masyadong nangyari nung araw na iyon. Well, bukod na dun sa di sinasadyang pagkakatagpo nila nina Jake, Kieth, Clark, at Amiel na lahat ay binigyan din siya ng tig-iisang piraso ng rosas. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga inggeterang babae sa school. Sino ba naman ang mag-aakala na ang limang hearthrobs ng school mag-aaksaya ng panahon para bigyan siya ng rosas? Worse, iisa lang naman ang laging sagot ng mga ito sa kanya.. Valentine’s daw kasi.

Pero wala naman sa kanilang lima ang gusto niyang magbigay sa kanya ng mga rosas. Kaya kahit kinaiinggitan siya ng mga babaeng hampaslupa sa gigilid ay wala pa rin siyang pakialam. At wala pa ring pakialam si Bryle sa kanya.

Sa sobrang lalim ng kanyang iniisip ay di na niya namalayan ang dalawang binata na nasa kanyang likuran at nilagyan siya ng piring sa mata at kinaladkad siya papunta sa kung saan.

It take a couple of minutes bago sila tumigil sa kakalakad. Sa tingin naman niya ay nasa loob pa rin sila ng campus kaya siguro’y safe pa rin naman siya. Siguro nga’y isa din ito sa mga pakulo ng eskwelahan dahil nga ay Valentine’s Day.

Nung tinanggal na yung piring sa kanyang mga mata at nakapag-adjust na ito sa liwanag ay agad niyang pinaghahampas ang mga taong kumaladkad sa kanya. Dun niya napagtantong sina Jake at Kieth pala ang mga ito. At napansin niya ding nasa loob na siya ng isang marriage booth.

MARRIAGE BOOTH!? Hindi siya makapaniwalang hanggang sa college ba naman ay naiisip pa din ng mga estudyante ang ganitong klaseng booth? Kahit naiinis ay pinagsuot pa din siya ng mga ito ng isang simpleng puting wedding gown at biglang nagpatugtog ng isang sweet na kanta.

Tinutulak pa siya ng mga ito para maglakad papunta sa harap ng altar kung saan nakatayo ay kanyang mapapangasawa kuno. Hindi naman niya ito nakikilala sapagkat nakatalikod ito sa kanya.

Laking gulat na lamang niya ng mapagtantong si Bryle pala ang lalaking iyon. Si Bryle na matagal na niyang mahal. Si Bryle na bestfriend niya. At si Bryle na isa sa anim na hearthrob ng school. Si Bryle na isang mapagmahal na BESTFRIEND. Yun nga lang hanggang doon lang siya.. hanggang sa pagiging BESTFRIEND lang. Kaya hindi niya alam kung ano ang purpose ng marriage nilang dalawa dito.

Habang ginagawa na ng pari ang kanyang seremonyas ay hindi niya maiwasang mainis at tanungin ang binatang kasalukuyan ay ikinakasal sa kanya.

“Ano na naman ba to?”

“Marriage booth.” Pilosopong sagot nito sa kanya.

 “Bakit kailangan pa ng marriage booth? Bakit andito tayo sa marriage booth?”

“Valentine’s daw kasi.”

“Eh ano ngayon kung Valentine’s day?”

Dun sa puntong natapos na yung pari sa anek-anek na pinagsasabi niya ay iniutos na nitong isuot sa kani-kanilang mga kamay ang kanilang singsing at hiningi ang kanilang mga wedding vows.

 “Eh kasi nga ngayong sa araw ng mga puso, handa na akong ibigay sa'yo ang puso ko ng buong-buo.. yun ay kung tatanggapin mo.”

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng binata. Totoo ba ito? O sadyang nananaginip lamang siya? Kasi kung nananaginip lang siya ay ayaw niya ng magising.

“Ano na, Bee?” Tawag nito sa endearment nito sa kanya sa simula pa lamang.. “I laid it all out for you. The least you can do is answer me. Kinakabahan na ako oh.”

“Gago ka ba?”

“Is that a no?”

“Gago ka nga! Siyempre naman OO!” masayang sagot niya rito.

“Talaga?” tila di naman makapaniwala ang binata sa sinagot ng kanyang bestfriend na ngayon ay girlfriend na niya.. or liligawan pa lang niya habang buhay.

“Oo nga,” sagot ng dalaga na namumutawi ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi at sabay dinugtungan ng, “Valentine’s Daw Kasi eh.”  

****

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means is forbidden without the permission from the author. 

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely invention. Thank you :)

Vote&& Comment

Hasmintooot  ♥ ♥ ♥

© YourSweetestDarnFall

Continue Reading

You'll Also Like

61M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
20.5M 506K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.3M 46.3K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
1.1M 35.7K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...