I Love You since 1892 (Publis...

By UndeniablyGorgeous

124M 2.6M 4.4M

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfon... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Ang Wakas
I Love You since 1892 (Part 1)
I Love You since 1892 (Part 2)
I Love You since 1892 (Part 3)
I Love You Since 1892 (Part 4)
I Love You Since 1892 (Part 5)
Su Punto De Vista (His Point of View)
El Tiempo Cura Todo (Time Cures Everything)
"No Me Olvides"
ILYS1892 Box Set
Special Chapter: Ang Duelo ng Nahuhulog na Damdamin

Kabanata 34

2.3M 48.7K 114K
By UndeniablyGorgeous

[Kabanata 34]

"Oo... ako nga" diretso niyang sagot. Ang mga tingin niya ang lalong nagpapadurog sa puso ko, parang hinihintay na lang niya na magalit, sumigaw at sumpain ko siya.

"H-hindi ako naniniwala..." sagot ko sa kaniya, pero hindi pa rin nagbago ang expression ng mukha niya. "k-kung kasinungalingan lang ang lahat... hindi ko dapat naramdaman ang saya mula sa iyo... kung kasinunggalingan lang ang lahat... hindi ko dapat nakita ang tunay na ngiti sa mga labi mo"

Sabi nga nila, ang pag-ibig ay hindi madaling ipaliwanag, kulang ang mga salita upang mailarawan ang pagmamahal, pero sa oras na maramdaman mo ito, hindi mo na kailangang magsalita o magpaliwanag pa... dahil ang mga puso na natin ang kusang nagsasabi sa isa't-isa na... mahal kita.

"Mula ngayon ayoko nang makita ka pa... dahil sa tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilang makita ang lahat ng mapapait na nakaraan na ginawa ng iyong ama sa pamilya ko!" namumula at nanginginig sa galit si Juanito nang bitawan niya ang mga salitang iyon sa harap ko at tumulo ang mga luha niya habang pilit na inaalala ang pagkamatay ng mga magulang at kapatid niya.

Sinubukan kong humakbang papalapit sa kaniya pero agad siyang umatras. "At mula ngayon... hanggang dito na lang tayo... dahil buburahin na kita sa buhay ko" tugon pa ni Juanito agad akong napatingin ng diretso sa mga mata niya.

buburahin na kita sa buhay ko

buburahin na kita sa buhay ko

buburahin na kita sa buhay ko

gusto ko mang mag-bulagbulagan, gusto ko mang magbingi-bingihan sa pagkakataong ito pero alam kong kahit anong mangyari hindi pa rin ako makakatakas sa katotohanang... kinakamuhian na rin ako ni Juanito.

magsasalita pa sana ako kaso biglang bumukas ang malaking gate at sunod-sunod na pumasok ang magagarang karwahe at mga guadia civil.

Iyon ang sasakyan ni Gobernador Flores!

Agad nanlaki ang mga mata ni Juanito at ilang sandali pa may isang lalaki na naka-damit magsasaka din ang tumakbo papalapit sa kaniya, nagkatinginan kami nung lalaki at nagulat ako dahil pamilyar sa'kin ang itsura niya...

Isa siya sa mga mangingisdang kasamahan ni Juanito sa Bohol.

"Umalis na tayo dito! Parating na ang mga Flores!" nagpapanic na tugon nung lalaki kay Juanito at agad silang naglakad ng normal papalayo upang hindi sila mahalata. Nakatanaw lang ako sa kanila at umaasang lilingon pabalik si Juanito... pero hindi niya ginawa.

Natauhan lang ako nang biglang mag magsalita mula sa likod ko "Magandang umaga Binibining Carmelita... kamusta na ang iyong kapatid? Nariyan ba ang iyong ama?" tanong ni Gobernador Flores. Eleganteng-elegante at sobrang marangal ang kasuotan ni Gobernador Flores, ang bawat hibla ng tela ng kaniyang damit ay sagisag ng kaniyang kapangyarihan.

"N-nagpapahinga na po ang aking kapatid at nasa bayan po si ama" sagot ko habang nakayuko. Ayokong mapansin nila na namamaga ang mga mata ko.

"Bueno pakisabi sa iyong ama na dumaan ako dito, hindi ko na lang muna aabalahin si Binibining Josefina dahil nagpapahinga siya ngayon, pupunta na lang ako mamayang gabi sa inyong tahanan" sabi ni Gobernador Flores at parang good mood na good mood siya ngayon. Masaya siguro siya dahil hindi nasaktan ang anak niyang si Natasha nang umatake ang mga rebelde.

Pero bago sumakay muli si Gobernador Flores sa karwahe niya napalingon muna siya sa akin "Siya nga pala, Binibini balita ko binastos mo raw si Heneral Seleno noong isang araw sa harapan ng munisipyo?" tanong ni Gobernador Flores, bigla kong naalala yung araw na iyon, kung saan lubos na nagpakababa si Sonya at lumuhod sa harapan nila Don Alejandro, Heneral Seleno, hukom Valenaciano at Maixmo sa harapan ng munisipyo upang magmakaawang pakawalan si Ignacio. Aminado naman ako na sinagot-sagot ko din nung araw na iyon si Heneral Seleno.

Bakas sa expression ng mukha ni Gobernador Flores na naniniwala siya sa sumbong ni heneral Seleno, kung ganun, bakit niya pa ako kailangang tanungin? Alam naman na pala niya ang sagot.

Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniya at hindi nagsalita, at dahil dun napatango-tango na lang siya "Kung sabagay, kung matalik na kaibigan ko rin naman ang papatayin... hindi ako magdadalawang isip na ipagtanggol ang kaibigan ko... bilib ako sa ginawa mo Binibini, isa kang tunay at tapat na kaibigan" tugon pa ni Gobernador Flores at halata sa tono ng boses niya na gusto niya akong asarin.

Pasakay na siya ng karwahe niya nang mapatigil siya dahil nagsalita ako "Hanggang saan po ba ang kaya niyong isakripisyo para sa inyong kaibigan?" diretso kong tanong at dahil dun napalingon sa'kin si Gobernador Flores at biglang nawala ang mapang-asar niyang ngiti kanina lang.

"o hanggang ilang kaibigan po ang kaya niyong isakripisyo para sa kapangyarihan?" patuloy ko pa, bigla namang nanlaki ang mga mata ni Gobernador Flores, ramdam ko ang takot at galit sa mga mata niya. ilang Segundo kaming nagtitigan lang, parehong hindi nagsalita pero kahit hindi man kami gumagamit ng mga salita ang mga mata pa rin namin ay patuloy na nag-uusap.

Alam kong may kinalaman siya sa lahat ng ito, hindi namam siya ang maluluklok sa kapangyarihan kung hindi siya gumawa ng paraan para siraan at patalsikin ang pamilya Alfonso.

"Ngayon naiintindihan ko na, na sa likod ng mapang-akit at napakagandang rosas ay may tinatago itong taglay na tinik na makamandag" seryosong tugon ni Gobernador Flores. At nakatingin pa din siya ng diretso sa mga mata ko, hindi naman ako natinag. "Para maputol ang gandang tinataglay ng rosas... kailangan itong putulin sa ugat at hayaang malanta sa kawalan" dagdag pa ni Gobernador Flores. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon, alam kong may nais siyang ipahiwatig sa akin. Bigla akong kinilabutan at nakaramdam din ako ng takot. Nagsisisi tuloy ako kung bakit kinalaban ko pa siya kanina.

Biglang natigil ang tensyon sa pagitan namin nang biglang dumating ang isa pang kalesa at ang iba pang grupo ng mga guardia civil. sakay ng kalesa si Leandro.

Agad itong nagmano at sumaludo sa kaniyang ama "Tama lang ang pagdating mo anak, nasa kalagitnaan kami ng masayang pag-uusap ng iyong mapapangasawa" narinig kong tugon ni Gobernador Flores at nakangiti na siya ngayon, bigla namang napangiti si Leandro at napatingin sa akin.

"Nagpapasalamat at nagagalak ako dahil nagkakasundo kayong dalawa" sagot ni Leandro, at napansin namin ang dala niyang kumpol ng mga rosas. Bigla itong kinuha ni Gobernador Flores at pinagmasdan. At dahil dun biglang nahiya si Leandro dahil nahuli siya ng kaniyang ama na manligaw.

"Nasaan ang mga tinik ng rosas na ito?" tanong ni Gobernador Flores, napahawak naman sa batok si Leandro.

"Tinanggal ko na po ama... baka mo masugatan at masaktan si Binibining Carmelita" nahihiyang sagot ni Leandro, nagulat naman ako nang biglang tinapat sa'kin ni Gobernador Flores yung mga rosas na dala ni Leandro.

"Kahit tanggalin mo ang tinik sa mga rosas na ito, hindi mo pa rin maaalis ang bakas at katotohanang nagtataglay ito ng tinik na maaaring makasakit" tugon pa ni Gobernador Flores at ibinalik na niya kay Leandro yung mga rosas. Medyo nagtataka naman ang mukha ni Leandro dahil sa pinagsasabi ng tatay niya.

"Ang payo ko lang sa iyo anak... huwag kang papalinalang sa ganda ng rosas na iyan... dahil baka may tinatagong tinik pa iyan na maaaring makasugat sa iyo, at huli na para pagsisihan mo" sabi pa ni Gobernador Flores kay Leandro at tinapik niya ang balikat nito, at nagpaalam na siya. sumakay na siya sa karwahe niya at tuluyan nang umalis, nakasunod naman sa kaniya ang ilang mga guardia civil

Agad naglakad si Leandro papalapit sa akin at iniabot niya ang kumpol ng mga rosas na dala niya. "Pagpasensiyahan mo na ang aking ama, sadyang mapagbiro at mahilig lang siya sa matatalinghagang literatura" nakangiting tugon ni Leandro, kinuha ko naman na yung mga rosas na bigay niya at napatitig dito.

Para mawala ang tinik ng mga rosas kailangan itong putulin. Anong gagawin ko?

Nagulat ako nang bigla hawakan ni Leandro ang magkabilang balikat ko. at dahil dun natauhan at napatingin ako sa kaniya. "Oo ng apala... Carmelita... ayos ka lang? nasaktan ka din ba? Kamusta si Josefina? Kamusta kayo?" tuloy-tuloy na tanong ni Leandro at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "Pasensiya na kung natagalan ako sa pagdating, hindi ako pinayagang makaaalis agad sa kabilang bayan" paliwanag ni Leandro.

"A-ayos lang iyon... at ayos lang din kami, nagpapagaling na si Josefina" sagot ko, nakahinga naman ng maluwag si Leandro. At bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko. aalisin ko sana ang kamay sa pagkakahawak niya kaya lang naalala ko na pinagkasundo pala kami at baka ma-offend siya.

"ngayon ay mapapanatag na ang aking kalooban dahil walang masamang nangyari sa iyo at bubuti rin ang kalagayan ni Josefina" tugon pa ni Leandro at nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo... mahal ko" bulong niya pa. hindi naman ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin... pilit kong hinahanap ang sagot sa tanong na bakit hindi tumitibok ang puso ko para kay Leandro?

Napatingin ako sa gilid at nanlaki ang aking mga mata nang makita si Juanito na nakatayo sa di-kalayuan, sa ilalim ng puno sa dulo at katabi niya yung lalaking sumundo sa kaniya kanina.

Nakatitig lang siya sa amin at alam ko na sa mga oras na iyon... hindi totoong hindi niya ako nagawang mahalin dahil nababakas sa kaniyang mga mata ang selos na nararamdaman lamang ng isang taong nagmamahal.

Kumalas na si Leandro sa pagkakayakap sa akin at napatingin siya sa basket na dala ko "Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong.

"Ah... uuwi ako sa bahay kukunin ko yung mga gamit na pinapakuha ni ina at ipagluluto ko ng kaldereta si ate Josefina" sagot ko, napatingin naman si Leandro sa paligid.

"Nasaan ang kalesang maghahatid sa iyo? At nasaan din ang iyong mga bantay?" tanong pa ni Leandro, at dahil dun napatingin din ako sa paligid lalo na sa kinaroroonan kanina nila Juanito... natatakot ako na baka makita siya ni Leandro. Buti na lang dahil wala na sila, nakaalis na sila.

"W-wala, mag-aabang lang ako ng masasakyan sa labasan" sagot ko at dahil dun biglang napakunot ang noo ni Leandro. "Hindi maaari, Hindi kita papayagan... delikadong lumakad ka mag-isa, hindi tayo nakasisiguro kung nasaan na ngayon ang mga rebelde, maaaring nasa paligid lang sila at naghihintay ng tamang pagkakataon upang saktan ka" nag-aalalang tugon ni Leandro. Tama nga siya, nasa paligid lang ang mga rebelde... nasa paligid lang sila Juanito. pero hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanila dahil mas nangingibabaw pa din ang pag-asa ko na hindi pa rin sila tuluyang nagbago.

"Mula ngayon ihahatid na kita at kung hindi man kita maihtaid araw-araw sisiguraduhin kong mababantayan ka ng aking mga tauhan" tugon pa ni Leandro at agad siyang lumingon sa likod at pinalapit ang pitong guardia civil na kasama niya.

"kolonel Santos, mula ngayon ay itatalaga kita bilang punong tagapag-bantay ni Binibining Carmelita Montecarlos hanggang sa kami ay maikasal" tugon ni Leandro dun sa isang lalaki na matangkad at kayumanggi ang balat.

"Masusunod po Heneral!" diretsong sagot ni Kolonel Santos at sumaludo siya kay Leandro.

"T-teka... hindi ko naman kailangan ng bantay, kaya ko namang-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi agad nagsalita si Leandro.

"Mas mabuti nang sigurado tayo, mas mapapanatag lang ang kalooban ko kapag alam kong may mga taong poprotekta sa iyo" tugon pa ni Leandro. Hindi naman na ako nakapagsalita pa, kung sabagay tama naman siya, maraming galit ngayon sa pamilya namin at nagawa na nilang saktan si Josefina. Nagawang saktan ni Juanito ang mga taong mahahalaga sa akin.

Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin at sa nararamdaman ko?

"Tayo na, ihahatid na kita sa inyo" narinig kong tugon ni Leandro, napatango na lang ako at sumakay na sa kalesa niya, mabait at maalalahanin si Leandro, kung pwede lang maturuan ang puso... sana dati ko pa nagawa.

Pagdating namin sa hacienda Montecarlos, agad kaming sinalubong nila Esmeralda. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang kasama ko si Leandro "M-magandang umaga po Binibining Carmelita at Heneral Leandro" bati niya at napayuko siya ganun din yung iba pang mga kasambahay na nasa likod niya.

"Binibini... inayos ko na po ang mga dadalhin niyo" tugon ni Esmeralda at parang bigla ata siyang bumait, agad niyang pinag-utos sa isang kasambahay na ibaba na yung mga gamit na dadalhin ko.

"At Heneral Leandro kung si Don Alejandro po ang inyong pakay, marahil ay gabi pa po siya makakauwi dito sa mansyon" tugon ni Esmeralda, napailing naman si Leandro.

"Sinamahan ko lang si Binibining Carmelita, ihahatid ko rin siya mamaya pabalik sa paggamutan" tugon niya at dahil dun agad akong napalingon sa kaniya, whut? Akala ko aalis na siya pagkahatid niya sa'kin dito?

"Nagugutom na rin ako... maaari ko bang matikman ang luto mo?" nakangiting tanong ni Leandro, napansin ko namang napangiti at kinilig din yung mga kasambahay na kasama ni Esmeralda dahil sa charm ni Leandro pero agad silang sinuway ni Esmeralda.

Gusto ko sanang tumanggi kaya lang baka sabihin nila ang KJ ko naman, kaya wala na lang akong nagawa kundi pumayag na mag-stay muna sandali si Leandro.



Habang nagluluto ako sa kusina, hindi pa rin mawala sa isipan ko si Juanito... at ang di ko inaasahang pag-uusap namin kanina. Kahit hindi naging maganda ang muling pagkikita namin kanina, nagpapasalamat pa din ako dahil buhay siya.

Makatarungan at mabait si Juanito, alam kong hindi niya magagawang ipapatay si Josefina o ipagkanulo kami ni Maria sa mga rebelde para lang makaganti kay Don Alejandro.

"Binibini... kumukulo na po ang niluluto niyo" narinig kong sabi ni Esmeralda dahilan para matauhan ako, hindi ko namalayan na kumukulo na pala ang kalderetang niluluto ko, at dahil dun agad kong inalis yung palayok sa pugon pero nakalimutan kong gumamit ng sapin sa kamay dahilan para mapaso ako. Ouch! Huhu.

Hindi naman ako pinansin ni Esmeralda at agad na niyang sinalin yung ulam sa magandang lagayan. Napahawak na lang ako sa daliri ko na napaso at sinipsip iyon. Akala ko manhid na ako, hindi pa pala.

"Isusunod ko na lang po ang tubig at kanin" tugon pa ni Esmeralda at agad siyang kumuha ng mga baso at plato. Kinuha ko na yung ulam at dinala iyon sa hapag-kainan kung saan naghihintay si Leandro. Naabutan kong nakatanaw siya sa isang painting malapit sa bintana.

Last supper of Christ ang painting na iyon. Nakasanayan na ng mga Pilipino ang maglagay ng larawan ng Last Supper ni Jesus Christ sa mga hapag-kainan. Agad napalingon at napangiti si Leandro ng makita ako at umupo na siya sa upuan.

"Hmm... sigurado akong masarap ang luto ng sinta ko" narinig kong sabi pa niya at agad niyang tinikman ang kaldereta na niluto ko. "Kung ganito lang din ang aabutan ko sa hapag-kainan araw-araw at gabi-gabi, hindi na ako aalis pa ng bahay" dagdag pa ni Leandro, Oo nga pala isa siyang Heneral, maaaring madestino siya sa ibang lugar. Kaya lagi siyang wala.

Ilang sandali pa, dumating na si Esmeralda at dala-dala na niya ang kanin at tubig. nagpasalamat naman si Leandro at nagsimula na siyang kumain, pero napatigil siya nang mapansin niyang hindi ako kumakain.

"Carmelita... kaya nga ako nakikain sa inyo dito upang sabayan ka kumain" sabi pa niya, napailing naman ako.

"Wala akong gana" sagot ko, totoo naman eh, sa dami ng iniisip ko wala na akong oras para isipin pa ang pagkain. Nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Leandro ang kamay ko.

"Nakikita mo ba ang obrang iyon?" sabi niya sabay turo dun sa painting ng Last Supper of Christ na tinitingnan niya kanina. "Alam mo ba... dahil sa propesyon ko, kahit problemado at nagluluksa ako sa pagkamatay ng mga kasamahan kong sundalo, araw-araw sa tuwing gumigising ako lagi kong iniisip na baka ito na ang huli, ganoon rin sa tuwing kumakain ako, kahit hindi ko gusto ang ulam pinipilit ko pa ding kumain dahil patuloy ko pa ding iniisip na baka ang agahan, tanghalian o hapunan kong iyon ay ang huli kong kain" paliwanag niya. napatingin naman ako dun sa painting. Masayang kumakain si Hesus kasama ang kaniyang mga disipilo, batid ni Hesus na iyon na ang kaniyang huling hapunan kasama ang mga tao pero masaya siyang nakisalo sa kanila.

"kung kaya't huwag dapat lagi mong papahalagahan ang pagkain... dahil hindi tayo sigurado kung iyon na baa ng huli" patuloy pa ni Leandro, parang naliwanagan ako sa sinabi niya. wala namang kasalanan ang pagkain sa problema ko kaya hindi ko dapat ito ipagsawalang-bahala.

Ngumiti na lang din ako at sinimulan ko na ding kumain. Pagkatikim ko ng kalderetang niluto ko bigla akong napaubo at uminom ng tubig, Gosh! ang alat!

Agad akong napatingin kay Leandro na maganang kumakain pa rin ngayon, enjoy na enjoy niya yung niluto ko. di ba siya naaalatan?

"Uhh---Leandro... m-may iba pa kaming ulam... gusto mo bang-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Leandro. Gosh! naaawa ako sa kidney niya, for sure mapupuno ng asin ang katawan niya huhu.

"Uubusin ko ang lahat ng ito, pinaghirapan ito ng mahal ko eh" tugon niya pa, at dahil dun napatulala na lang ako sa kaniya. Tsk! Nang dahil sa pag-ibig for sure magkakasakit siya niyan dahil sa sobrang alat. Hindi ko naman mapigilang matawa kasi halos nakalahati na niya yung super alat na kaldereta ko.

"Ayan... buti naman at napangiti din kita" sabi pa niya, at sa mga oras na iyon, alam kong hindi naman pala ganun kahirap mapalapit kay Leandro.




Kinabukasan, nabigla ako nang sabihin ni Don Alejandro na pupunta kaming lahat sa Maynila upang ipagamot si Josefina. Hindi ko na rin pinakain pa kay Josefina yung kalderetang niluto ko kagabi kasi sobrang alat nito, makakasama iyon sa kalusugan niya.

Pasakay na kami ngayon sa barko papunta sa Maynila, sinabi ni Don Alejandro na mas bago at moderno ang mga kagamitang sa panggagamot sa Maynila kung kaya't mas madaling gagaling si Josefina. Kay Maximo Rosalejos muna pinaubaya ni Don Alejandro ang hacienda Montecarlos, nasa San Alfonso na rin si Gobernador Flores kung kaya't tumahimik na ang bayan at mas lalong naghigpit si Heneral Seleno sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong lalawigan ng San Alfonso.

Makalipas ang tatlong araw na byahe papuntang Maynila, agad na dinala si Josefina sa Hospital de San Juan de Dios. Ang pinakamatandang hospital sa Pilipinas. halos dalawang araw din siyang nanatili doon, at tinutukan ng mabuti ng mga doktor.

Madalas nagpapahinga at natutulog si Josefina kung kaya't hindi namin siya makausap, palagi ding nasa tabi niya si ina at halos hindi rin umaalis si Don Alejandro sa piling niya.

"Nakapaghanda ka na ba ng regalo para kay ama at ina?" tanong ni Maria, narito rin sila ngayon ni tiya Rosario, kakarating lang nila kanina mula sa Laguna. Halos tatlong linggo na ring buntis si Maria pero hindi pa masyado halata, dahil na rin siguro kasi maluwag ang pananamit sa panahong ito.

Nagtataka naman akong napatingin kay Maria "Ngayon na ang ika-dalawampu't anim na anibersaryo ng kasal nila" tugon niya at dahil dun nanlaki ang mga mata ko.

"Huwag mo sabihing nakalimutan mo? Ikaw pa man din ang palaging nagpapaalala sa lahat ng kanilang anibersaryo" dagdag pa ni Maria. Omg!

"Kung sabagay, batid ko na maraming kang problemang iniisip ngayon, kung kaya't nakalimutan mo na ang espesyal na araw na ito" patuloy pa ni Maria. napatulala na lang ako sa bintana. Narito kami ngayon sa kwarto ni Josefina dito sa hospital at mahimbing siyang natutulog. Kaya pala nagtungo muna sa Laguna si Don Alejandro at ina, upang makapaghanda. Ngayong araw na rin maaaring makalabas ng hospital si Josefina.

"Maaaring nakalimutan ko na... maaari ring hindi ko talaga alam" sagot ko, napabuntong-hininga naman si Maria at hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong galit at nagtatampo ka pa din kay ama... ngunit huwag mo sanang kakalimutan na siya pa din ang ama natin" tugon pa ni Maria. napatingin naman ako sa kaniya, nung una naramdaman ko ang pagiging ama ni Don Alejandro pero sa paglipas ng mga araw habang tumatagal ako dito patuloy rin ang paglabas ng mga baho at kasamaan ni Don Alejandro.

"Hangad lamang ng ating mga magulang ang ikabubuti natin, alam kong may karapatang magalit sa akin si ama dahil sa ginawa ko, sinuway ko ang mga utos niya, sa umpisa pa lang ay hindi dapat ako nakipagrelasyon ng lihim kay Eduardo at hindi dapat ako nagpadala sa tukso at bugso ng damdamin ko kay Eduardo at ngayon... kinalaban na niya si ama at iniwan na din niya ako" naiiyak na tugon ni Maria. at dahil dun niyakap ko siya.

Sa pagkakataong ito, naiintindihan ko ang nararamdaman at pinagdadaanan ngayon ni Maria, dahil halos magkapareho kami ng sitwasyon, ang mga lalaking pinakatiwalaan at minahal namin ay pareho kaming iniwan sa ere.

Nagsilbing isang malaking araw ang nangyaring ito sa buhay ko, kahit anong mangyari... kahit gaano mo kamahal at kakilala ang isang tao... hindi ka pa rin makakasiguro kung ang puso niya ay magiging tapat sa iyo hanggang sa huli, kaya sa mundong ito... wala tayong dapat ibang pagkatiwalaan kundi ang sarili lang natin.



Kinahapunan, bumyahe na kaming lahat papunta sa Laguna sa bahay nila Tiya Rosario, masaya kaming lahat dahil mabuti na ang kalagayan ni Josefina, medyo maputla at nanghihina pa siya ngayon at hindi rin makapagsalita ng maayos dahil nawala ang boses niya. at kahit saglit na ngiti lang ang ibinibigay niya sa amin, nagiging panatag na ang kalooban namin.

Pagdating sa Laguna, sa bahay nila Tiya Rosario. Rinig na rinig na namin ang tugtugan at kasiyahan sa loob ng mansyon. "Amigo!" bati ng isang matandang lalaki na putting-puti ang buhok at sobrang tangkad. Nagulat ako nang makitang sumunod sa kaniya ang isang pamilyar na babae... si Nenita, ang kasamahan ko sa kumbento sa Sta.Isabel sa Intarmuros.

"Maligayang anibersaryo sa inyo" nakangiting bati nung matandang lalaki at agad niyang kinamayan si Don Alejandro at hinalikan ang kamay ni ina. Bigla namang lumapit sa akin si Nenita at niyakap niya ako dahil sa tuwa.

"Carmelita! Nagagalak akong makita ka muli" tugon niya at halos mapunit na ang mukha niya sa kakangiti. Buti pa siya nagagawa niyang ngumiti ng malaya.

"Kamusta ka na? paano ka nakalabas sa kumbento?" gulat kong tanong, at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi na siya nakadamit pang-madre, sa halip, eleganteng-elegante na at sobrang marangya na ang pananamit niya ngayon.

Mas lalo siyang napangiti ng todo dahil hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko ngayon. Sa porma at sa dami ng alahas niya, kitang-kita kung gaano kataas ang antas ng pamumuhay niya. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko "Pasensiya na kung hindi ko naibalita sa iyo agad, naging mabilis kasi ang mga pangyayari sa paghahanda sa nalalapit kong kasal noon, wala na akong oras upang magpadala pa ng sulat sa inyo nila Josefina----"hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.

"Ano? Kinasal ka na? paano ang pagsisilbi mo para sa simbahan?" sunod-sunod kong tanong. Bigla namang napatingin si Nenita sa paligid at napansin naming naglalakad na papasok ng bahay sila Don Alejandro, ina, Maria, Tiya Rosario habang buhat-buhat naman ng ibang guardia personal si Josefina paakyat sa inihandang kwarto ni Tiya Rosario.

Lumapit naman sa amin yung matandang lalaki na sumalubong kanina kay Don Alejandro at hinalikan si Nenita sa pisngi. "Maiwan ko muna kayo mahal... may importante lang kaming pag-uusapan nila Don Alejandro" malambing na paalam nung matandang lalaki kay Nenita at nag-bow din siya sa akin. Napatango na lang ako at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.

Pagkaalis nung matandang lalaki agad akong napahawak ng mahigpit sa kamay ni Nenita. "Seryoso ka? Nagpakasal ka sa matan----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi inunahan na ako ni Nenita.

"Hindi na mahalaga kung matanda o biyudo na siya... ang mahalaga nabigyan niya ako ng marangyang buhay at ang pamilya ko... at alam kong mahal na mahal niya rin ako" confident na sagot ni Nenita. Napatulala na lang ako sa kaniya at hindi na nakapagsalita pa. nasisilaw ako sa dami ng ginto at diyamante na mga alahas na suot-suot niya ngayon. Sobrang nabusog nga siya sa pagmamahal sa pamamagitan ng mga mamahaling bagay na yan.

"bukod dun maaari pa naman akong magsilbi sa simbahan... hindi naman ibig sabihin na nagpakasal na ako ay hindi na ako makapagsisimba araw-araw, siguro ang misyon ko sa buhay na ito ay pagsilbihan ngayon ang asawa ko" patuloy niya pa. naaalala ko na nag-aaral pa lang pala siya maging madre noong nakasama ko siya noon sa Sta. Isabel, hindi pa siya ganap na madre kaya pwede pa siyang mag-asawa.

Bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko "Alam kong natural na iisipin ng mga tao na mukhang pera at ambisyosa ang tulad ko na magpapakasal sa isang mayamang biyudo na may edad na tulad ni Manuel, pero sa totoo lang... bukod sa pera ay malalim din akong dahilan..." patuloy niya pa at napahinga siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Kaya ako nagpakasal kay Manuel ay para makalimutan ko ang aking nobyo na iniwan ako dahil ayaw sa akin ng mga magulang niya... sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao dapat ipaglalaban mo ang pag-iibigan niyo... pero paano kung ikaw na lang ang lumalaban? Paano kung napagod at tumigil na siyang ipaglaban ka? Paano kung siya na ang kusang bumitaw sa kabila ng mahigpit na pagkakahawak mo sa mga kamay niya?... at isang araw bigla ka na lang matatauhan na baka nga hindi ka na niya mahal dahil kung mahal ka pa niya, hindi niya dapat bibitawan ang kamay mo sa gitna ng laban" patuloy niya pa. hindi ko alam pero parang biglang tinamaan ng pana ang puso ko. tamang-tama ako sa mga sinasabi niya. dapat na ba akong gumising sa realidad?

"Natuturuan ang puso Carmelita... nasa tao nakakasalalay kung bubuksan niyo ito o hindi? Matagal man nating matutunan ang isang bagay... pero sa paglipas ng panahon matutunan din natin ito, at kapag dumating ang oras na iyon mamamalayan mo na lang na naturuan mo na ang puso mong mahalin ang isang tao na akala mo noon ay hindi mo magagawa... sa mundong ito maraming posibleng mangyari, kung minsan hindi natin napapansin ang taong laging nasa tabi natin dahil nakatingin tayo sa malayo pero sa oras na lumingon ka sa tabi mo mapapagtanto mo na lang na bakit mo pa kailangan piliting tanawin ang imposible? Bakit hindi mo na lang subukang hawakan ang kamay ng taong kahit anong mangyari ay nasa tabi mo pa din nang sa gayon hindi ka na mahirapan pa" dagdag pa ni Nenita sabay ngiti, yung mga ngiting nagsasabi na naiintindihan niya ang lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.

Sa mga oras na iyon, ang mga salita niya ang tumatak sa isipan ko at pilit na bumaon sa puso ko.


Nagtatawanan at parang walang problema ang lahat ng tao ngayon dito sa mansyon ni Tiya Rosario na nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-26 na anibersaryo ng kasal ni Don Alejandro at ina. Nakaputi at sobrang ganda ni ina sa mga oras na ito habang sumasayaw sila ni Don Alejandro sa gitna kasabay ng tugtuging nakakaindak.

Nagbibiruan at walang humpay naman ang tawanan ng iba pang mga bisita na halos ka-edad at malapit sa kanila. bigla ko tuloy naalala sila daddy, jenny at Emily. Dahil sa sobrang busy ni dad sa work, never niya na-invite ang mga kaibigan niya sa bahay namin para mag-celebbrate o magkasiyahan man lang. siguro dahil na rin sa pagiging workaholic niya, medyo nalayo na siya sa mga kaibigan niya. di tulad sa panahong ito, parang sobrang lalim talaga ng pagsasamahan ng bawat isa.

"Isa... Dalawa... tatlo!" sigaw ng photographer at agad niyang kinuhaan ng litrato si Don Alejandro at ina na kanina pa naka-pose sa gitna. Napatulala ako sa camera na gamit sa panahong ito, pa-square at medyo malaki. sobrang liwanag din ng flash ng camera as in parang biglang kumidlat sa buong bahay. kung hindi ako nagkakamali, ang camerang iyon ay ang Daguerreotype. Ang sikat na camera noong 19th century.

Napatitig lang ako doon sa camera at hindi ko mapigilang mamangha. Grabe! Hindi ko akalaing makakakita ako ngayon ng ganito ng live. "Carmelita anak, Sunduin mo si Josefina at Maria sa taas, magpapakuha tayo ng litrato" narinig kong utos ni ina at hindi pa rin mawala ang mga ngiti sa kaniyang labi. Napatango naman ako at agad pinuntahan si Josefina at Maria sa kwarto nila sa itaas.

Naabutan kong inaayusan ni Maria si Josefina. Habang inaalalayan naman ni Tiya Rosario si Josefina sa likod dahil hindi nitong magawang umupo ng walang nakaalalay. Napangiti naman ng bahagya si Josefina nang makita ako.

"M-maayos na ba ang itsura ko?" mahinang tugon ni Josefina. Buti na lang dahil maganda ang pagkakayos ni Maria kay Josefina kaya nagawa niyang papulahin ang mga pisngi at labi nito. Pero nababakas pa din sa mga mata ni Josefina ang sakit ng mga sugat na tinamo niya.

"Mas gaganda ka pa kung isusuot mo ito" sabi ko pa sabay suot sa kaniya nung blue rosary. Napangiti naman si Josefina. Napatingin din sa amin si Tiya Rosario at mukhang nakilala niya yung blue rosary na iyon. Kahit nanghihina pa din si Josefina ay pinilit pa din niyang hawakan ang mga kamay ko.

"M-maraming salamat Carmelita... h-habambuhay kong aalalahanin ang rosaryong ito na naglalaman ng pag-ibig m-mo" tugon niya, hindi ko naman mapigilang mapaluha dahil sa sinabi niya at agad akong yumakap sa kaniya, yumakap din sa amin si Maria at dahil dun nag-group hug na naman kami.

"Natutuwa ako dahil lumaki kayong tatlo na nagmamalasakit sa isa't-isa... bihira lamang ang magkakapatid na nagdadamayan sa hirap at ginhawa... at iilan lamang ang kayang magsakripisyo para sa kaniyang kapatid" tugon ni Tiya Rosario. Nalulungkot ako dahil hindi kami naging ganito ka-close nila Jenny at Emily. Pero masaya ako dahil kahit papaano naranasan ko magkaroon ng mabubuti at mapagmalasakit na mga ate na tulad ni Maria at Josefina.

Binuhat ng dalawang guardia personal si Josefina pababa ng hagdan kung saan nag-aabang ang lahat para sa family picture namin. Maluwag naman ang baro't saya na suot ni Maria para hindi mahalata ang umbok sa tiyan niya.

Nakaupo sa gitna si Don Alejandro at ina. Samantalang nakaupo naman sa kabilang gilid ni Don Alejandro si Josefina dahil kailangan nito ng suporta dahil hindi niya pa kayang tumayo o umupo mag-isa. Samantalang magkatabi naman kami ni Maria at nakatayo sa likod ni Don Alejandro at ina. Mga ilang Segundo din kaming naka-pose doon at fierce look lang dapat kasi medyo matagal ang exposure kung kaya't hindi mo magagawang mag-smile o tumingin ng diretso talaga sa flash dahil siguradong mawiwindang ka sa sobrang liwanag ng flash.

"Uno... Dos... Tres!" sigaw nung photographer sabay *click*

Sa totoo lang, nakokonsyensya ako dahil parang inagaw ko ang pagkakataong ito kay Carmelita. Pero sobrang nagpapasalamat din ako dahil ang larawang ito ay magsisilbing alaala at patunay na nakasama ko sila.



Kinabukasan, tanghali na kami nagising dahil halos napuyat kami sa party kagabi. Agad akong nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig, naabutan kong naghahanda ng almusal si Maria, samantalang nagbabasa na ng dyaryo si Don Alejandro sa hapag-kainan, "Magandang umaga kapatid ko... nais mo bang tikman ang putahe na niluto ko ngayon para kay Josefina" nakangiting tugon ni Maria. kung sabagay, tanghali na pala kaya mag-bubrunch na kami. Agad akong lumapit sa kaniya at tinikman ang niluluto niyang kaldereta ala Montecarlos style. Sa totoo lang, sobrang sarap ng luto niya, kuhang-kuha talaga nila ni Josefina ang lasa ng pinagmamalaking kaldereta ng pamilya. samantalang ako... nevermind.

"Oo nga pala, ipagtimpla mo ng kape si ama" tugon pa ni Maria. nabasa ko sa mga mata niya na gusto niyang pagtimplahan ko ng kape si Don Alejandro para mawala na ang tampo nito sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya ako kinakausap lalo na ng malaman niya na pinakatakas namin si Mang Raul at si Mang Raul ang nagtangka sa buhay ni Josefina.

"Kape lang iyan Carmelita... wala naman akong sinabing humingi ka ng tawad kay ama" sabi pa ni Maria. nafeel niya din siguro na nag-aalinlangan ako gawin ang inuutos niya. magsasalita na sana ako kaya lang bigla kaming napatigil at nagulat ako nang biglang umalingangaw sa buong bahay ang sigaw ni ina mula sa itaas.

"HINDEEEE!" sigaw niya at dahil dun agad kaming napatakbo papunta sa kwarto nila, halos nabulabog din si Tiya Rosario at ang mga kasambahay niya. ganoon din si Maria at Don Alejandro ay kumaripas ng takbo papaitaas.

Nagulat kami nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto na tinulugan ni Josefina at Maria. "ANAAAAK! PAKIUSAP! GUMISING KA!" sigaw pa ni ina, at kahit hindi ako pumasok sa kwartong iyon, kahit pa ang mukha lang ni ina ang nakikita ko ngayon na humahagulgol at naglulupasay sa sahig habang pilit na inaalog ang katawan ni Josefina na kahit anong lakas ng tapik at yakap ni ina ay... hindi pa rin siya nagigising.

"J-JOSEFINA! G-GUMISING KA!... H-HINDI MAGANDANG BIRO ITO! J-JOSEFINA!" sigaw ni Maria at agad itong yumakap at tinapik-tapik din si Josefina. Nakita ko namang napaluhod na lang bigla si Don Alejandro sa kama at napahawak ng mahigpit sa kamay ni Josefina habang pilit niyang tinatago ang hinagpis niya.

"TUMAWAG KAYO NG DOKTOR!" utos ni tiya Rosario sa mga kasambahay niya at agad naman itong sumunod sa utos.

Sa totoo lang, parang biglang nanlamig ang buong katawan ko, hindi ko na maramdaman ang sarili ko. para akong nilalamon ng kalungkutan habang pinagmamasdan ang mga nangyayari sa paligid ko. ang mga iyak at pagsusumamo ni Maria at ina habang pilit niyayakap at ginigising si Josefina ang nangingibabaw sa lahat.

Naramdaman ko na lang ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang kamay ni Josefina na ngayon ay mahigpit pa ding nakakapit sa rosaryong binigay ko sa kaniya... pero ilang sandali lamang, kasabay ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko ay ang dahan-dahang pagkahulog ng rosaryong iyon sa kamay niya... tuluyan na siyang bumitaw.

Parang biglang gumuho ang mundo ko.

Ayokong tanggapin ang katotohanang... wala na si Josefina.




"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen, O Diyos, nawa'y gabayan niyo po ang kaluluwa ng aming minamahal na kapatid na si Josefina Montecarlos na ngayon ay tutungo na po sa piling niyo..."

Nakatulala at patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko habang pinagmamasdan ang pagsasaboy ng pari ng holy water sa kabaong ni Josefina. Nandito kami ngayon sa sementeryo sa San Alfonso kung saan nakalibing din ang mga ninuno ng pamilya Montecarlos. Makulimlim ang kalangitan kahit pa tanghaling tapa tang mga oras na ito.

"J-josefina! Anak ko! bakit? B-bakit mo kami iniwan?!" pagtangis pa ni ina habang pilit siyang niyayakap ng mahigpit ni Maria at Tiya Rosario dahil nanghihina na si ina sa kakaiyak. Hindi namin nagawang iburol pa si Josefina dahil kailangan naming makabalik dito sa San Alfonso upang dito siya ilibing dahil na rin sa kagustuhan ni Don Alejandro.

Nakatayo naman sa tabi ng pari si Don Alejandro habang nakaalalay sa kaniya si Maximo dahil bigla itong nahilo at muntik ng atakihin sa puso dahil sa sobrang pagdadamdam at pag-iyak sa pagkawala ni Josefina. Narito rin sa paligid sila madam Olivia, Gobernador Flores, Natasha, Leandro, Heneral Seleno, hukom Valenciano at hukom Fernandez, at ang iba pang nakikiramay.

Parang unti-unting nadudurog at kumakalas sa pagkakakapit ang puso ko habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagbaba ng kabaong ni Josefina sa ilalim ng lupa, napapikit na lang ako habang yakap-yakap ang blue rosary sa tapat ng puso ko...

Alam kong nariyan ka lang sa paligid Josefina... alam kong masaya ka na ngayon sa piling ng Panginoon, patawarin mo ako...dahil sa akin nanggyari sa iyo ito... hindi ka dapat namatay ng maaga, hindi mo dapat dinanas ang lahat ng ito kung hindi ko pinakialaman ang tadhana, marahil ay alam mo na ngayon ang katotohanan na hindi ako ang tunay mong kapatid na si Carmelita... patawarin mo rin ako kung hindi ko sinabi sa iyo ang totoo.

Sa totoo lang, dahil sa iyo mas lalong napadali ang pamumuhay ko sa panahong ito, kahit pa palagi mo akong inaasar at pinagkakatuwaan masaya pa din ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makilala ka at mapalapit sa iyo. Sa ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko... sana ay narito ka sa piling ko upang damayan at yakapin ako muli...

Hindi ko na napigilan pa ang bigat ng nararamdaman ko at ang pagbugso ng mga luha ko, naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod na lang ako sa lupa habang pinagmamasdan ang pagbaon ng alaala ni Josefina sa ilalim ng lupa na kung saan kailanman ay alam kong hindi ko na maaabot pa.

"ANAAAAAK KO! JOSEFINA! WAG MO KAMING IWAN!" sigaw pa ni ina at bigla siyang nawalan ng malay dahilan para paypayan at mag-alala ang mga tao sa kaniya. Gusto ko mang lumapit at yumakap sa kaniya pero hindi ko magawa, parang nanigas na ako sa kinaroroonan ko. hindi ko kayang lumapit sa kanila habang dala-dala ang katotohanang... ako ang dahilan ng pagkamatay ni Josefina.

Naramdaman kong biglang may humawak sa magkabilang balikat ko upang tulungan akong bumangon muli, paglingon ko ay tumambad sa harapan ko si Leandro, katulad niya alam kong alam niya ang sakit na dinadala ko ngayon. Dahan-dahan niya akong niyakap, at sa mga oras na iyon nagpapasalamat ako dahil narito siya sa tabi ko, at hindi niya ako iniwan.

Hindi ko mapigilang maibuhos ang mga luha ko sa yakap ni Leandro, at ilang saglit pa dahan-dahang pumatak ang ulan sa kalangitan, para bang nakikiramay ito sa kalungkutan nararamdaman namin ngayon.

Pagmulat ko ng mata ay hindi ko inaasahang makita ang taong responsable sa pagkamatay ni Josefina... si Juanito.

Nakatayo siya sa di kalayuan sa gilid ng isang malaking puntod at nakatingin ng diretso sa akin, habang nakalagay ang sombrero niya sa tapat ng dibdib niya.

Humiwalay na si Leandro sa pagkakayakap sa akin "Mabuti pang magpahinga ka na Carmelita... ihahatid na kita sa inyo at kung ibig mo ay dadalawin din kita mamayang gabi" sabi ni Leandro, pero hindi ko pa rin maialis ang mga mata ko kay Juanito. "Carmelita?" tugon niya pa at dahil dun napalingon siya sa likod, buti na lang at agad nakapagtago si Juanito sa likod ng malaking puntod.

"Gusto mo na bang umuwi? o baka gusto mo munang dumaan sa lupain ng mga rosas?" tanong pa ni Leandro. Ibinaling ko na agada ng tingin ko sa kaniya baka kasi magtaka siya kung ano yung tinitingnan ko sa bandang likod niya.

"G-gusto ko ng umuwi" sagot ko na lang, agad naman akong inalalayan ni Leandro at naglakad na kami pasakay sa kalesa. Inaalalayan din ng mga guardia personal si Don Alejandro at ina pabalik sa kalesa. Kahit umuulan ni isa sa amin ay walang tumakbo o sumilong. Di alintana ang buhos ng ulan, bawat patak ng ulan na tumatama sa aming katawan ay isang hampas na nagmumulat sa amin sa katotohanan.

Malungkot na katahimikan ang sumalubong sa amin pagdating namin sa hacienda Montecarlos. Halos lahat ay walang kibo at hindi nagsasalita. Mabait, mapagmahal at masiyahin si Josefina, halos lahat ng trabahador at tagapagsilbi dito sa hacienda Montecarlos ay kinakaibigan niya kung kaya't ganoon na lang ang lungkot na nararamdaman ng lahat dahil sa pagkawala niya.

"Ako na ang bahala kay ina... maya-maya ay magigising na rin siya, ang mabuti pa tingnan mo naman ang kalagayan ni ama mula kagabi ay hindi pa siya kumakain" tugon ni Maria habang kinukumutan si ina, magang-maga rin ang mga mata niya dahil sa pag-iyak, pero kahit ganoon mas inuuna niya pa rin ang kalagayan ng iba kaysa sa kapakanan niya.

Tumango na lang ako at nagtungo sa opisina ni Don Alejandro, dito siya dumiretso kanina pagdating namin sa bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas sa opisina niya. hindi ko pa siya nakakausap mula nang huling magkasagutan kami, alam kong may kasalanan din ako pero hindi ko alam kung anong gagawin ko...

Napahinga na lang ako ng malalim at kumatok na sa pinto ng opisina niya, pero nakaka-ilang katok na ako ay hindi pa rin siya tumutugon. Dahan-dahan ko ng binuksan ang pinto at nakita kong wala siya doon sa opisina niya.

"Si Don Alejandro po baa ng hinahanap niyo Binibini?" narinig kong tanong ng isang kasambahay na may dala-dalang pagkain para kay ina. Papasok na sana siya sa kwarto nila ina kaya lang napatigil siya nang makita ako sa tapat ng pinto ng opisina ni Don Alejandro.

Napatango naman ako, "Kanina pa po siya nasa kwarto ni Binibining Josefina" patuloy niya pa sabay bow at pumasok na siya sa kwarto nila ina upang ihatid ang pagkaing dala niya.

Napalingon naman ako sa kwarto ni Josefina na nasa pinakadulo. Matagal-tagal na rin mula nang huli akong nakapasok sa kwarto niya, nasa Maynila kasi siya noong mga nakaraang buwan kung kaya't hindi kami nakakapagkwentuhan sa kwarto niya, bukod dun siya din ang madalas tumambay sa kwarto ko.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon, kahit hindi ako kumatok alam kong naroon si Don Alejandro dahil rinig na rinig ko ang pagtangis niya. sabi nga nila, kadalasang pinipigil ng mga lalake ang pag-iyak lalo na sa harapan ng ibang tao pero tao lang din sila, nasasaktan at nahihirapan, sa oras na nag-iisa na sila doon nila binubuhos ang mga luhang matagal nilang inipon at pilit itinago sa kanilang mga mata.

Aalis na lang sana ako dahil ayoko ng abalahin pa siya pero napatigil ako nang marinig siyang magsalita, "S-sino iyan? J-josefina anak ko... ikaw ba iyan?" narinig kong pagtangis niya, napansin niya siguro ang shadow ko sa ilalim ng pinto kung kaya't alam niyang may tao dito sa labas ng kwarto at naghihintay na makausap siya.

Napayuko na lang ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. Bakas sa mukha ni Don Alejandro ang pagka-dismaya nang hindi ang inaasahan niyang si Josefina ang makikita niya. namumula at namamaga na ang kaniyang mga mata sa kakaiyak habang yakap-yakap ang damit pang-madre ni Josefina na lagi niyang suot. Nakahandusay din siya sa sahig at may tatlong bote ng alak ang nakakalat sa paligid niya.

Sa aming tatlo, si Josefina ang pinakamasunurin at hindi sumuway sa kaniya. At ang pagkamatay ng anak ay isa sa pinakamasakit na trahedyang sasapitin ng isang magulang.

"P-patawad po kung n-naabala ko kayo... aalis na po----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"K-kung may isang taong d-dapat sisihin sa sinapit ni Josefina... ay ako iyon" panimula niya. pasuray-suray na rin ang kaniyang mga mata at parang anumang oras ay babagsak na siya dahil sa matinding pagkalasing.

Naglakad na ako papasok sa loob at pinulot ko ang mga bote ng alak na nakakalat sa sahig. "K-kumain na po kayo ama... makakasama po sa inyo ang mga ito" sagot ko na lang, pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at dahil dun napatingin ako ng diretso sa mga mata niyang punong-puno ng pagsisisi at pagdadalamhati.

"C-carmelita... anak... Tama ka, kasalanan ko ang lahat ng ito... nakipagsabwatan ako kay Gobernador Flores upang makapag-higanti sa pagmamaliit at paglapastangan ni Don Mariano sa pamilya natin nang baliin niya ang nakatakdang kasal niyo ni Juanito..." panimula niya, at dahil dun nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag-amin niya.

"m-masyado akong nabulag sa galit at hinanakit dahil nagawa niyang ipahiya ang pamilya natin sa buong San Alfonso at nakarating din ang balitang iyon sa Maynila, Totoong siniraan at ginawan lang namin siya ng kwento na naging dahilan ng pagkaaresto at pagkamatay niya... A-alam naming makapangyarihan din si Kapitan Corpuz at Sergio Alfonso at m-magagawa nilang baliktarin ang sitwasyon... kung kaya't hindi na rin namin sila pinalagpas..." Pag-amin ni Don Alejandro, nanginginig ang mga kamay niya ngayon na nakahawak sa kamay ko at hindi rin maaawat ang pagdaloy ng mga luha niya sa kaniyang mga mata. Halos walang kurap akong nakatitig sa kaniya at hindi ko magawang makapagsalita o gumalaw man lang dahil sa pagkabigla.

Kaya pala nananahimik at hindi niya nagawang ipagtanggol noon si Don Mariano ay dahil kasabwat talaga siya.

"I-ito na siguro ang k-kabayaran ng lahat ng ginawa ko sa p-pamilya Alfonso... a-ang buhay ni Josefina ang naging kabayaran ng lahat ng kasalanan ko sa k-kanila" pagtangis niya pa at bigla siyang napahawak ng mahigpit sa ulo niya at inuntog-untog ito sa gilid ng kama. Agad naman akong lumapit sa kaniya at inawat siya.

"T-tumigil na po kayo... t-tama na po" pakiusap ko pa, hindi ko na rin mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. matagal ko ng inaasam na marinig mismo sa bibig ni Don Alejandro ang katotohanang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Don Mariano at pagkasira ng pamilya nito.

"A-ang inosente at walang kasalanan kong anak ang n-nagbayad ng lahat ng katarantaduhan ko!" sigaw pa niya at bigla siyang nagwala at pinagbabato niya ang mga bote ng alak sa gilid. agad ko naman siyang niyakap at pinigilan, sa mga oras na ito ramdam na ramdam ko ang sobrang pagsisisi at sakit na nararamadaman niya ngayon.

"H-hindi pa ako nakontento... pati ang buhay ng inosenteng si Sonya ay hindi ko din pinalagpas!" sigaw niya pa, parang biglang kumirot ang puso ko, bigla kong naalala yung araw na kung saan napilitang umayon si Don Alejandro na patayin si Sonya sa harap ng munisipyo... sa harap ng madaming tao.

Biglang nagsipasok sila Esmeralda at ang iba pang kasambahay nang marinig nila ang pagkabasag ng mga bote dito sa kwarto ni Josefina. Agad ko naman silang sinenyasan na lumabas na muna at hayaang maibuhos ni Don Alejandro ang lahat ng pagsisisi at sama ng loob niya.

Nag-bow naman sila at isinara muli ang pinto. "N-ngayon hindi ko na alam ang g-gagawin ko... C-carmelita anak! Ikaw na lang ang pag-asa ko!" nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko, naiintindihan kong lasing na lasing lang si Don Alejandro pero nababakas ang sobrang takot sa mga mata niya, parang nasisiraan na siya ng ulo.

"K-kailangan mong maikasal kay Leandro! Kailangan maging isang pamilya ang Montecarlos at Flores! D-dahil kung hindi... m-mawawalan ng saysay ang lahat ng ginawa ko at ang pag-protekta ko sa pamilya natin!" tugon niya pa. parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

Sinasabi ko na nga ba... kaya pala kahit anong mangyari ay pinagpipilitan ni Don Alejandro na maikasal ang isa sa amin sa mga Flores ay dahil natatakot siyang baka dumating ang araw na baliktarin at pagtaksilan din siya ni Gobernador Flores.

"I-ilang dekada na ang lumipas... ngayon lang nalagay sa alanganin ang pangalan ng pamilya Montecarlos... a-ayokong maging kahihiyan sa lahat... a-ayokong sirain ang tiwalang ibinigay ng ating mga ninuno" pagsumamo pa ni Don Alejandro, napatulala na lang ako sa kaniya. Sa kabila ng lahat ng nangyari, ang pangunahing may kasalanan pa rin ng lahat ng ito... ay ako.

Kung kaya't ako rin ang dapat gumawa ng paraan. Ako pa rin ang dapat magsakripisyo.


Kinabukasan, nagtungo kami ni Don Alejandro at ina sa mansyon ng mga Flores. Narito kami ngayon at nakikipag-salo sa kanila sa hapagkainan.

"Ipinaaabot ko ang taos puso kong pakikiramay sa pagkawala ng inyong anak na si Josefina" tugon ni Gobernador Flores, tumango naman si Don Alejandro at ina.

"Nakasisiguro po ako na ngayon ay masaya na si Josefina sa piling ng Diyos" tugon naman ni Natasha. Nasa pinaka-gitna ng mesa si Gobernador Flores samantalang nasa kaliwa naman niya si Don Alejandro, katabi naman ni Don Alejandro si ina, at nasa tabi naman ako ni ina.

Nakaupo naman sa tapat namin si Leandro at nasa tabi niya si Natasha. "Don Alejandro... Donya Soledad... Naiintindihan ko po kung nais niyong malipat ang nakatakdang petsa ng kasal namin ni Binibining Carmelita dahil na rin sa mga nangyari nitong nakaraang araw" tugon naman ni Leandro, napangiti naman ng kaunti si ina.

"Maraming salamat sa iyong pag-unawa Heneral Leandro ngunit ang iyong paghihintay ay sapat na, narito kami ngayon upang ipagbigay alam sa inyo na ibig naming matuloy pa rin ang kasal sa nakatakda nitong araw, sa katapusan ng Nobyembre" sagot ni ina. Napatingin naman ako kay Don Alejandro, walang kaalam-alam si Donya Soledad sa lahat ng kasamaan at pagtataksil na ginawa ng kaniyang asawa sa pamilya Alfonso. Hindi ko naman magawang sabihin kay ina ang totoo dahil ayokng masira rin ang tiwala niya kay Don Alejandro.

Napangiti naman ng kaunti si Leandro sabay tingin sa akin. "Kung gayon, ang pagiging isa ng ating pamilya ay isang malaking karangalan sa amin..." nakangiting tugon ni Gobernador Flores at itinaas niya ang wine glass niya.

"Salud" tugon ng lahat, bukod sa akin.

Sa pagkakataong iyon, unti-unti ko ng nararamdaman ang tali na pupulupot sa leeg ko pagdating ng panahon.






"Sa totoo lang... hindi ko maitago ang saya na nararamdaman ko... parang panaginip lang ang lahat, ilang linggo na lang, magiging ganap na kitang asawa" nakangiting tugon ni Leandro, nandito kami ngayon sa hardin nila at naglalakad-lakad kami. Samantalang patuloy pa ding nag-uusap sila Gobernador Flores, Don Alejandro at ina sa loob ng bahay nila.

Napatingin lang ako kay Leandro, parang hindi siya nagbago, iyon pa rin ang mga ngiti niya noong sinagot siya ni Carmelita.

"May tanong lang ako... bakit nagawa mo pa din akong mahalin at hintayin?" tanong ko sa kaniya, alam kong si Carmelita naman talaga ang mahal niya, si Carmelita ang nakikita niya sa akin ngayon.

"Tanging ang puso lang natin ang makakasagot niyan... walang tamang sagot sa tanong kung bakit mo mahal ang isang tao, dahil ang pag-ibig ay hindi iniisip... ito ay nararamdaman at nagmumula sa ating puso... sa oras na maramdaman mo ang pagtibok nito alam mong kahit anong gawin mo ay hindi mo na ito mapipigilan at hindi ka na makakawala pa" paliwanag ni Leandro. Kung sabagay tama nga siya. kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din mapigilan ang pagtibok ng puso ko para kay Juanito.

"Oo nga pala... madalas kong mapansin na suot mo ang kuwintas na iyan, ano ang ibig sabihin niyan?" tanong ni Leandro at dahil dun napatingin at napahawak ako ngayon sa kuwintas na gawa sa kahoy na bigay sa akin ni Juanito.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang ibig sabihin ng kuwintas na iyon. "Ito lang ang tanging bagay na nakakapag-paalala sa akin kung sino talaga ako... ang totoong ako sa likod ng mapaglarong tadhanang ito" sagot ko sa kaniya. Napatango naman si Leandro, alam kong hindi niya naiintindihan at kailanman ay hindi niya maiintindihan na ang babaeng kaharap niya ngayon ay isang impostora lamang.

Magsasalita pa sana si Leandro kaya lang bigla kaming nakarinig ng ingay at sigawan mula sa labas, sa tapat ng gate ng mansyon nila. Agad hinawakan ni Leandro ang kamay ko at dali-dali kaming tumakbo papasok ng bahay.

Naabutan namin si kolonel Santos na nakatayo sa labas ng pintuan ng bahay. "Gobernador! Sinalakay po ng mga rebelde ang tahanan ni Ginoong Maximo Rosalejos kanina lang! at may binato pong sako ang mga rebelde sa labas ng inyong tahanan ngayon!" tugon ni Kolonel Santos. At dahil dun agad kaming napasilip ng bintana at tumambad sa harapan namin ang dose-dosenang guardia personal ng mga Flores at mga guardia civil na naka-pwesto na ngayon sa tapat ng gate ng mga Flores bilang depensa.

Agad kinuha ni Leandro ang kaniyang armas at dire-diretso siyang lumabas. Hindi ko na siya nagawang pigilan pa dahil sa matinding pagkabigla at takot.

Nagtatakbuhan na ngayon ang ilang rebelde papalayo, pinaulanan sila ng bala ng mga guardia civil at guardia personal pero wala ni isa sa kanila ang tinamaan. Agad sumaludo ang mga guardia civil at guardia personal ng dumating si Leandro sa tabi nila.

"sa tingin ko ay hindi pag-atake ang pakay ng mga rebelde ngayon sa aming tahanan... kundi ang paghatid ng mensahe sa pamamagitan niyon" panimula ni Leandro sabay turo dun sa sako, agad na pumwesto at tumayo ang mga tauhan niya at nagbigay daan sa kaniya, naglakad si Leandro papalapit sa tapat ng gate nila kung saan naroroon ang iniwang sako ng mga rebelde.

Gusto ko sanang lumabas at sumunod kay leandro para tingnan kung anong laman niyon pero agad akong pinigilan ni ina at Don Alejandro. kung kaya't wala na akong nagawa pa kundi magmasid na lang sa mga nangyayari mula dito sa loob ng bahay nila.

Agad na dinampot ni Leandro ang sakong iyon at binuksan, biglang dumanak ang dugo sa sahig at parang biglang bumaliktad ang sikmura ko nang makita namin kung ano ang laman ng sakong iyon kahit malayo kami sa kanila.

Ang ulo ni Maximo Rosalejos.

Halos napatigil ang lahat at bakas sa lahat ang takot at pangamba dahil sa mga kayang gawin ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang.

Nakita kong napapikit na lang sa galit at lungkot si Don Alejandro, malapit siya kay Maximo. At ang sinapit nito ngayon sa kamay ng mga rebelde ay hindi katanggap-tanggap.

"MULA SA ARAW NA ITO, IPINAG-UUTOS KO ANG MAHIGPIT NA PAGBABANTAY NG MGA GUARDIA CIVIL SA BUONG LALAWIGAN NG SAN ALFONSO! ANG SINUMANG MAHULING MAY TINATAGONG ARMAS SA KANILANG MGA TAHANAN AT MAY KAHINA-HINALANG KILOS AY PAPATAYIN!" utos ni Gobernador Flores. At dahil dun agad naglibot ang mga guardia civil sa buong lalawigan... sa pagkakataong iyon kinakabahan na ako sa mga posibleng mangyari.


Kinabukasan, nagulat ako nang mabalitaan na lilisanin na muna namin ang San Alfonso at magtutungo kami sa Maynila dahil sa mga death threat na natanggap ni Don Alejandro kagabi. Wala na rin akong nagawa pa, sa totoo lang natatakot at nangangamba din ako, nagawa na nilang saktan at mapatay si Josefina at Maximo. Hindi imposibleng gawin rin nila iyon sa amin at sa pamilya Flores.

Nasa kalesa kami ngayon papunta na sa daungan, mag-tatanghaling tapat na pero halos walang katao-tao sa kalsada. Maraming mga guardia civil ang nagkalat sa buong paligid at patuloy na nag-roronda. Napadaan kami sa isang sakahan at naabutan naming sinusunog nila ang bahay kubo ng isang mahirap na pamilya kasabay niyon ay pilit na binubugbog at pinapaamin ang padre de pamilya ng tahanan, samantalang nagsusumamo at pilit na nagmamakaawa naman ang asawang babae at ang mga maliliit nilang anak.

Gusto ko sanang bumaba para awatin sila pero tumutol si Don Alejandro at ina. "Anak... ang utos na ito ay hindi maaaring baliin ng isang tulad mo" paliwanag ni ina. Wala naman na akong nagawa pa kundi pagmasdan na lang ang walang awang pambubugbog ng mga guardia civil at pagpapahirap sa mga mahihirap na pamilya. alam kong wala na akong magagawa pa, kung pakikialaman ko sila siguradong magagalit ng tuluyan sa akin si Gobernador Flores at iyon ang pinaka-kinatatakutan ni Don Alejandro. ang masira ang koneskyon niya sa makapangyarihang gobernadora ng San Alfonso.

Nagkalat ang mga dugo at gamit sa buong paligid, tanging ang pagtangis ng iilang maliliit na bata na maagaang naulila dahil pinaslang ang kanilang mga magulang ang maririnig sa buong kapaligiran. Hindi ko mapigilan ang matinding pagkakirot ng puso ko dahil sa mga natutunghayan ko. narito ako sa panahon kung saan ang mga nasa katungkulan at kapangyarihan ang may hawak ng buhay ng mga mahihirap at walang kalaban-laban na mga mamamayan.

Pagdating namin sa daungan, agad na pumalibot sa amin ang mga guardia civil na nakasunod sa kalesa namin kanina pa. kanina pa naghihintay sila madam Olivia, Leandro, Natasha, hukom Valenaciano at hukom Fernandez sa pagdating namin sa barko. Naiwan naman sa San Alfonso si Gobernador Flores at Heneral Seleno upang pulbusin ang mga pinaghihinalaan nilang kaanib sa rebeldeng grupo ni Catapang.

Sa itaas ng barko ay matatanaw ang labis na kalungkutan at trahedya na nangyayari ngayon sa San Alfonso. Ang dating maganda at ubod na sigla na bayan ng San Alfonso ay napalitan na ngayon ng isang tanawin kung saan naghahari ang kamatayan.

Hindi dapat nangyari ang lahat ng ito... kasalanan ko ang lahat ng ito.

Ako ang nagdala ng kamatayan sa bayan ng San Alfonso.

Napatigil ako nang biglang may lalaking bumangga sa akin pag-akyat ko ng barko, agad niyang hinawakan ang kamay ko at tinakpan ang bibig ko sabay hila sa akin papasok sa isang napakadilim na kwarto. hindi ako napansin nila Don Alejandro at ina dahil nauna silang umakyat sa akin, at sumabay rin sap ag-akyat ang iba pang mayayamang pamilya na ibig din magtungo ng Maynila upang lumayo sa San Alfonso kung kaya't napahalo ako sa madaming tao.

Nasa isang madilim na imbakan ng alak kami ngayon, at tanging ang maliit na bitana lamang sa itaas ang nagbibigay liwanag dito sa loob ng silid na ito dito sa barko.

Pilit akong pumiglas sa pagkakahawak nung lalaki, nakatakip ng pulang tela ang kaniyang mukha, pero ilang sandali lang tinanggal niya iyon... bigla akong napatigil at napatulala sa lalaking humila sa akin...

hindi ako makapaniwala na narito ngayon si Juanito.

nakatingin lang kami ng diretso sa mga mata ng isa't-isa. Hawak niya ngayon ang kamay ko at nakapulupot naman ang isa niyang kamay sa tagiliran ko... gusto ko siyang yakapin. Pero ilang sandali lang bigla siyang natauhan at umiwas ng tingin sabay bitaw sa akin.

"N-nagkakamali ka ng iniisip... hindi ako naparito ngayon upang makita ka" tugon niya pero hindi na niya magawa ngayong tumingin ng diretso sa mga mata ko. napayuko na lang ako at napahawak sa kamay ko na kanina lang ay hawak-hawak niya.

"Oo nga pala... bago kami umalis, gusto ko sanang sabihin sa iyo ang huling habilin ni Sonya bago siya..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi parang isang malaking kurot sa dibdib ang alaala ng pagkamatay niya.

"nais niyang humingi ng tawad sa iyo dahil nagtungo siya dito sa San Alfonso upang makiusap kay ama na palayain si Ignacio nang hindi nagpapaalam sa iyo, ibig rin niyang ipaabot sa iyo na ang ginawa niyang iyon ay hindi niya pinagsisisihan" sabi ko, dahan-dahang napatingin sa akin si Juanito at nakita ko ang pagdaloy ng mga luha niya sa kaniyang mga mata.

"S-sa tingin mo... bakit maglalakas ng loob si Sonya makiusap sa harapan ni Don Alejandro?" seryosong tanong ni Juanito. napatulala lang ako sa kaniya at hindi na ako nakapagsalita pa.

"Bagama't alam niya na ang pagbalik niya sa San Alfonso ay delikado... umasa pa rin siya na baka sakaling pagbigyan siya ng iyong ama na akala niyang nagmamalasakit sa kaniya" patuloy pa ni Juanito. kitang-kita ko ngayon ang nag-aapoy na galit at hinanakit sa kaniyang mga mata.

"A-ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya, pero ilang Segundo siyang hindi umimik. napatingin ako sa balisong o maliit na kutsilyo na nakasuksok sa ilalim ng damit niya. at dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko at biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Hindi maaari!

Imposible!

Hindi totoo ang lahat ng ito!

Nakita kong dahan-dahang kinuha ni Juanito ang kutsilyong iyon at hinawakan ito ng mahigpit. Napahakbang ako paatras at napatigil ako nang tumama na ang likod ko sa dingding. Ilalabas na sana niya ang kutsilyong iyon pero bigla siyang napatigil, at tumingin ng diretso sa akin. "Hanggang sa huli... hindi ko inaasahang sasabihin ko pa rin ang mga salitang ito sa iyo... hanggang sa huli, hangad ko ang kaligayahan mo sa piling ni Leandro" tugon niya at bigla niyang binitiwan ang kutsilyo na hawak niya kanina. Parang biglang umagos ang lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko kanina nang bumagsak ang kutsilyong iyon sa sahig.

Naglakad na siya papalabas at sa bawat hakbang niya ay ramdam ko ang bigat na pinapasan niya sa mga oras na ito. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at dahil dun agad akong napayuko at nagtago sa likod ng mga bariles ng alak.

"Ano? Nakita mo na ang bunsong anak ni Don Alejandro?!" tanong ng isang lalaki na nakadamit kutsero, at may kasama pa siyang isa pang lalaki na nakadamit tulad ni Juanito.

"Hindi" diretsong sagot ni Juanito. napakamot naman sa ulo at mukhang dismayado ang dalawang lalaking kausap niya.

"Malalagot tayo kay Ca-tapang nito, kailangan nating makuha ang Montecarlos na iyon!" reklamo nung lalaking nakadamit kutsero. Tulala naman at hindi umiimik si Juanito.

"Sigurado ka ba Juanito?... kanina lang dito ko huling nakitang napadaan ang Montecarlos na iyon" dismayadong tanong nung isa pa.

Papasok na sana yung dalawang lalaki dito sa loob kung saan ako nagtatago pero biglang may isa pang lalaki na naka-barong ang dumating... Si Eduardo.

"Mga kasama... nakita kong nakasunod ang bunsong Montecarlos kina Don Alejandro at Donya Soledad sa silid nila" tugon ni Eduardo, at nagulat ako nang bigla siyang mapatingin sa pinagtataguan ko.

Alam na niya na nandito ako? alam niya na nagkausap kami ni Juanito?

"Tara na! paalis na ang barko... baka maghinala ang mga guardia civil sa mga kinikilos natin" tugon pa ni Eduardo at dali-dali na silang umalis. Nakita kong napalingon pa sa akin si Juanito sa huling pagkakataon bago siya sumunod sa kanila.

Anong ibig sabihin nito? Bakit pinagtakpan ako ni Juanito at Eduardo?


Kinabukasan, maaga akong lumabas sa aking silid at nagtungo sa dulo ng barko upang pagmasdan ang pagsikat ng araw. dahil sa madalas na pagsakay ko sa barko sa panahong ito, hindi na ako nahihilo pa. maaliwalas ang kalangitan at madaming ibon ang nagliliparan sa himpapawid.

~Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
Bawat sandali mahalaga sa atin~

~Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin.~

Mabuti pa ang mga ibon na malayang nakalilipad ngayon... malaya silang nakakalipad at parang walang problema na iniinda.

"Kung gayon... mas gugustuhin mo na lang ba maging ibon?" narining kong tanong ni madam Olivia na nasa tabi ko na pala. At dahil dun nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko man lang namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko.

"Huwag mo nga ako tingnan ng ganyan... sadyang malalim lang ang iyong iniisip kung kaya'y hindi mo namalayan ang paghakbang ko papalapit sayo" tugon ni madam Olivia. Oo nga pala, nakakabasa siya ng isip.

Napahinga na lang ako ng malalim at pinagmasdan ko na ulit ang mga ibon at karagatan. "Sa pagkakataong ito... sa tingin ko ay si Leandro na ang nakatadhana sa iyo" tugon pa ni madam Olivia at dahil dun napalingon ulit ako sa kaniya, diretso naman siyang nakatingin sa karagatan.

"Pero ang kapalaran pong ito ay para kay Carmelita... hindi po ako si Carmelita" sagot ko sa kaniya, napailing naman si madam Olivia. "Ang kapalaran ni Carmelita ay kapalaran mo din... alam kong nagdadalawang isip ka pakasalan si Leandro dahil sa oras na magtagumpay ka sa iyong misyon ay magigising na lang si Carmelita na kasal na pala siya kay Leandro..." patuloy pa ni madam Olivia, bigla tuloy akong napaisip ng malalim. Napaka-unfair naman nito sa part ni Carmelita, wala siyang kamalay-malay na magiging asawa niya si Leandro.

"Pero huwag kang mag-alala, ang alaala ni Carmelita pagkagising niya ay ang mga panahon kung saan hindi pa dumadating si Juanito sa buhay niya, ang panahon kung saan naghihintay siya sa pagbalik ni Leandro" tugon pa ni madam Olivia. At bigla siyang napapikit.

"Ngunit ang lahat ng iyon ay mangyayari lamang kung magtatagumpay ka sa misyon mo... sa oras na mabigo ka sa iyong misyon na pigilan ang pagkamatay ni Juanito... mananatili ka na sa panahong ito bilang Carmelita... at si Leandro ay nakatadhana na sa iyo" dagdag pa ni madam Olivia at dahil napatulala na lang ako sa kaniya.

Kahit saan pala ako magpunta... wala akong takas. Magtagumpay o mabigo man ako sa misyon ko, hindi pa rin ako makakatakas kay Leandro.

Nobyembre 25, 1891.

Halos dalawang linggo na kami ngayon dito sa Silang, Cavite. Dahil sa kahilingan ni Leandro na tumira kami malapit sa kanila. siya ang punong heneral dito sa Cavite kung kaya't mas mapapanatag ang kalooban niya na maprotektahan ang pamilya namin.

Narito kami ngayon sa isang simbahan upang mag-komipsal. Isang tradisyon sa simbahang katoliko ang pagkokompisal ng magpapakasal bago sila ikasal.

Never pa ko nakapag-kompisal sa buong buhay ko, kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen. Ang ating Diyos ay mapagpatawad, nakikinig siyang mabuti sa mga hinaing, panalangin at pag-amin natin sa ating mga kasalanan, ang pagtatapat sa ating mga kasalanan ay lubos na kinalulugdan niya..." patuloy nung pari, may nakaharang na tabla sa pagitan namin at may maliliit lang itong butas, naaaninag ko ang matandang pari na nasa loob.

"A-ako po ay isang makasalanan... at humihingi po ako ng tawad sa Panginoon, alam ko pong alam niya ang pinagdadaanan ko ngayon at humihingi po ako ng tulong dahil hindi ko na po alam ang aking gagawin" sagot ko, naaninag ko namang napatango ang pari.

"Sa mundong ito... hindi pa huli ang lahat, hindi mo man sabihin sakin ang buong detalye ng iyong kasalanan, batid naman ito ng ating Panginoon... ang awa ay magmumula sa Diyos at ang gawa naman ay nakasalalay sa iyo, kung minsan may mga pagkakataong nadadaig tayo ng ating puso... ngunit ang paggamit ng utak ay isang matalinong paraan, hindi lahat ng bagay ay dapat pinapadaan sa puso dahil mabisa pa din ang paggamit sa ating isipan" tugon nung pari. ang mga salita niya ay diretsong tumama sa puso ko. tama nga siya, siguro panahon na upang gamitin ko naman ang utak ko.

Ang pagpapakasal ko kay Leandro ay makapagliligtas sa pamilya namin. Dapat ko ng kalimutan si Juanito dahil ang pag-ibig ko sa kaniya ang maglalagay sa kapahamakan naming dalawa.

Siguro tama din si Nenita, baka natuturuan talaga ang puso... at alam kong hindi naman ako mahihirapang mahalin si Leandro.

Habang papalapit ang araw ng kasal namin ni Leandro ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko, abala si ina sa pagbuburda ng wedding gown na ginawa niya para sa akin, si Maria naman ang nag-aayos ng lahat mula sa simbahan, sa handaan, sa mga magiging bisita at sa mga dekorasyon.

Samanatalang, dumating na si Gobernador Flores at Heneral Seleno galing sa San Alfonso upang dumalo sa kasal namin ni Leandro. Halos gabi-gabi naman dumadalaw si Leandro sa bahay upang kamustahin ako, pero hindi na siya nakadalaw pa kagabi dahil isang pamahiin sa kasal na sa simbahan na dapat magkita ang babae at lalaking ikakasal.

Nobyembre 30, 1891.

Ang katapusan ng Nobyembre ang nakatakdang petsa ng kasal namin. 3 am na ng madaling araw, 5 am dapat nasa simabahn na kami dahil madaling araw ginaganap ang kasal sa panahong ito.

"Masikip ba anak?" nag-aalalang tanong ni ina habang tinutulungan niya akong isuot ang wedding gown na gawa niya. isa din kasi sa pamahaiin sa kasal ang hindi dapat pagsukat ng wedding gown, kung kaya't nag-aalala ngayon si ina dahil sa mismong araw ng kasal ko pa isusuot ng first time ngayon ang damit na ginawa niya.

"Ayos lang po" sagot ko na lang, hindi naman ganun kasikip yung wedding gown pero hindi lang ako komportable kasi abot hanggang leeg yung damit at balot na balot ako. napatingin na ako ngayon sa salamin, at nakita kong napaluha si ina habang pinagmamasdan ako.

"P-parang ang bilis ng pag-usad ng panahon... parang kailan lang ay sanggol ka pa ngunit ngayon... ikakasal ka na anak ko" tugon ni ina, bigla tuloy akong napaluha dahil sa kaniya. Bukod sa hindi pa ako handa magpakasal kahit ganoon ay sobrang natutuwa ako dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina mula sa kaniya.

"Halika na... pumili ka na ng mga alahas na isusuot mo" tugon niya pa at may kinuha siyang isang jewelry box na punong-puno ng mga alahas. "Pumili ka na anak"

"K-kayo na po ang pumili para sa akin... ina" sagot ko, bigla naman siyang napangiti kahit pa may namumuong luha sa kaniyang mga mata. "Hanggang ngayon... nilalambing mo pa rin ako" sabi niya pa. at agad niyang kinuha ang dalawang pares ng gintong hikas at isinuot iyon sa akin.

"Ang hikaw na ito ay regalo sa akin ng iyong ama noong kaarawan ko, mula pa ito sa Pransya" sabi niya, naramdaman kong tatanggalin niya dapat yung kuwintas na bigay sakin ni Juanito na suot ko ngayon. Pero agad akong napahawak sa kamay niya upang pigilan siya.

"Sigurado ka anak? Isusuot mo yan?" nagtatakang tanong ni ina. Napatango naman ako, puno ng makikintab na alahas at palamuti ngayon ang kasuotan ko, pero tanging ang kuwintas na iyon ang namumukod tangi dahil ito ang pinaka-simple sa lahat.

"Ayoko pong mahiwalay ang kuwintas na ito sa puso ko, dahil ito na lang po ang natatanging alaala ni Juanito sa akin" sagot ko, napangiti naman si ina at niyakap niya ako.

"Balang araw maiintindhan mo din anak... maiintindihan mo hangad lamang namin ng iyong ama ang kabutihan at kaligtasan mo" sagot ni ina habang tinatapik-tapik ang likod ko. napatitig naman ako ngayon sa salamin na nakatapat sa akin ngayon habang yaka-yakap ako ni ina.

Hangad ko ang kabutihan at kaligtasan ng pamilya mo... Carmelita.


Sa simbahan ng San Jose sa Las Pinas gaganapin ang kasal namin ni Leandro. Naalala ko na ang simbahang ito ay kilala bilang St. Joseph church sa Las Pinas kung saan matatagpuan ang nag-iisa at kauna-unahang Bamboo organ sa buong mundo.

Papasikat na ang liwanag nang dumating kami sa simbahan, halos nakaputi at elegante ang pananamit ng lahat ng bisita na dadalo sa aming kasal. Sinalubong ako ni Tiya Rosario at inalalayan niya ako makababa sa kalesa, maraming mga bulaklak na naka-display sa buong paligid. Madami ding mga guardia civil at nakapwesto sa bawat sulok.

Napangiti ako nang biglang may isang batang babae ang lumapit sa akin at iniabot niya ang kumpol ng white roses sa akin. Nagpasalamat naman ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Maraming salamat anak... lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong ina" bati sa'kin ni Don Alejandro at niyakap niya ako. nasa labas pa kami ngayong ng simbahan at ihahatid nila ako ni ina sa altar.

Yumakap din sa akin si ina at itinaklob na niya ang puting belo sa mukha ko. ilang sandali pa, biglang bumukas ang napakalaking pintuan ng simabahan na gawa sa kahoy at ang lahat ng tao sa loob ay nakatingin na ngayon sa akin.

Natanaw ko si madam Olivia at Maria na maluha-luha ngayon at nakangiti sa akin, naroon din si Nenita, ngumiti siya at tumango sa akin nasa tabi naman niya ang asawa niyang si Manuel. Naroon din ang ilan sa mga madre na estudyante ni madam Olivia, natanaw ko din si madam Ofelia at Esmeralda. Paglingon ko naman sa kaliwa ay naroon naman sina Natasha, Gobernador Flores, hukom Valenciano at hukom Fernandez. Inimbitahan din ni Gobernador Flores ang gobernadora-heneral ng Pilipinas pero hindi ito nakapunta dahil may importante itong pupuntahan.

Naroon din sila kolonel Santos at ang ilang tauhan na sundalo ni Leandro. At sa dulo ay natanaw ko si Leandro na nakadamit pang-heneral ngayon, nakangiti siya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko habang dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kaniya kasabay nito ay ang pagtugtog ng napakagandang tunog ng Bamboo organ.

Punong-puno ng mga bulaklak at magagarbong dekorasyon ang simbahan, natanaw ko din ang napakalaking altar sa gitna at nasa ibaba nito nakatayo ang paring magkakasal sa amin ni Leandro.

Alam kong ilang Segundo na lang ay malapit ng magbago ang buhay at kapalaran ko. hindi ko akalaing aabot ako sa ganito. Ang pagbago ng tadhana ay hindi natin inaasahan, kung minsan bigla-bigla na lang tayo magigising sa katotohanan na unti-unti na palang nagbabago ang lahat nang hindi natin namamalayan.

Halos nakangiti ang lahat ng tao ngayon at bakas sa mga mukha nila ang saya habang pinagmamasdan ang pag-iisang dibdib namin ni Leandro. "Ikaw na ang bahala sa aking anak Leandro" tugon ni Don Alejandro at tinapik niya sa balikat si Leandro. Napatango naman si Leandro at napatingin sa akin sabay ngiti, inilahad niya ang palad niya sa akin.

Napatingin ako sa mga kamay niya, siguro nga ito na ang simula ng bago kong buhay... ito na ang simula ng kwento namin ni Leandro.

Iaabot ko na ang kamay ko sa kaniya pero nagulat at napatigil ako nang makita ang isang taong hindi ko inaasahan na makakrating ngayon dito... si Juanito.

Naka-damit kutsero siya habang nakatayo sa pinakadulo ng simbahan, halos walang kurap siyang nakatingin ng diretso sa akin at pinagmamasdan ang paghawak ko sa kamay ni Leandro.

"Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen. Narito tayo ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib ni Heneral Leandro Flores at Binibining Carmelita Montecarlos... ang sinumang tutol sa kasal na ito ay inaanyayahan naming magsalita bago mag-umpisa ang ganap na pag-iisang dibdib ng dalawang magkasintahang ito" panimula nung pari. napalingon naman ako kay Juanito, pero nakatingin lang siya sa akin.

Ilang saglit pa parang biglang gumuho ang mundo ko at nabagsakan ako ng langit at lupa nang makitang tumalikod si Juanito at tuluyan na siyang naglakad papalayo...

~Kahit di mo sabihin
Aking napapansin
Di na kita pipilitin
Dahil di mo naman aaminin~

~Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo'y nagbago
Di ko alam bakit nagkaganito~

~Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa~

~Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na?
Di ko kayang mag-isa~

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat... kahit hindi niya sabihin, alam kong wala na siyang nararamdaman at wala na siyang pakialam sa akin.

Dear Diary,

Tuluyan na ngang bumitaw si Juanito sa pagkakakapit ko.
Tuluyan na niya akong binura sa puso't isipan niya.
Tuluyan na siyang lumayo at hinayaan akong mapunta sa iba.

Siguro nga ang kwento namin ay hanggang dito na lang.
Dahil hindi ko na magagawang ipaglaban pa ang pag-ibig ko sa kaniya ngayong malinaw na sa akin na wala na akong halaga sa buhay niya.

Nasasaktan,
Carmela

********************
Featured Song:
'Himig ng Pag-ibig' by Asin
'Kahit di mo sabihin' by Juris


"Kahit di mo sabihin" by Juris

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 236 54
Tunay nga bang may tamis sa pag-ibig o pait lang ang maaring dulot nito? Si Pauline Romero ay naniniwala sa konsepto ng Cup of Love. Ang pagmamahal a...
78.6K 5.2K 45
Inuutusan kitang mahalin mo ako! Sino ba ang kayang sumigaw ng gan'yan sa harap ng maraming tao? Tanging si Prinsipe Eli lang ang makakagawa niyan. D...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.6K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...