ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 4: THE DUEL

724 39 5
By angelodc035

Sunod-sunod na naglitawan ang mga taong-lobo at pumalibot kina SP01 Caren Tejo, Father Mexo at ang dalawang seminaristang sina Raul at Kiel. Halos hindi makakilos sina kapitan Ben at ang mga tanod dahil na rin sa sobrang takot pagkakita sa mga pumalibot na mga taong lobo.

"Pinatay mo ang asawa ko! Pinatay mo ang babaeng alpha sa aming pulutong. Ang sino mang pumatay sa asawa ng lalakeng alpha ay kailangan niyang harapin sa isang duwelo ng kamatayan ang lalakeng alpha." Ang malakas na sabi ng pinaka pinuno ng mga taong-lobo habang nakatingin ito kay Caren.

Nagkatinginan ang mga tanod pati na si Kapitan Ben sa naturang iyon ng lalaking alpha. Alam nila na nasa panganib ang kanilang buhay at ano mang oras ay magiging hapunan sila ng mga halimaw.

Napalunok naman si Caren sa narinig niya sa lider ng mga taong-lobo. Hindi niya sinasadya na paputukan ang taong-lobo na biglang umatake kay Kiel kanina. At hindi rin niya alam na ito ang asawa ng lalakeng alpha.

Sa pagkakaalam ni Caren sa mga pamilya ng mga aso, katulad ng mga lobo, ang Alpha ang siyang itinuturing na pinakamalakas na miyembro sa isang pulutong. Itinuturing siyang pinuno dahil sa pagiging dominante nito at lakas sa pakikipaglaban. Lahat ng bahagi ng pulutong ay sumusunod sa kanya upang maging bahagi ng grupo at ang proteksiyong nakukuha nila mula sa Alpha. Ang sino man ang gustong umagaw sa isang liderato ay kailangan niyang amunin sa isang duelo ang lalakeng alpha. Duwelo na ang kinahahantungan ay kamatayan.

Mabilis na nagpalit ng anyo ang taong-lobo sa kanilang harapan. Ipinakita niya sa mga naroroon ang kaanyuan bilang isang tao.

May taas itong mahigit sa anim na talampakan mahaba at kulot ang buhok at kayumanggi ang balat. Balbas-sarado at may mahabang peklat mula sa kanyang kanang noo pababa sa kanyang pisngi. Makapal ang kanyang kilay na bagay na bagay sa kanyang biluging mga mata at matangos na ilong. Namumukod tangi sa kanya ang kanyang panga na tulad sa mga modelo sa mga nakikita sa mga clothing brands. Mas mukha siyang Arabo kaysa sa pagiging taga Europa.

"Ngayon kapag tumanggi ka!" Sabay turo kay Caren. "...lahat ng nilalang na may buhay sa lugar na ito ay kakatayin namin ng buhay!"

"Sandali!"

Napatingin ang lider ng mga taong-lobo kay Father Mexo.

"Hindi yata patas yang hinihingi mo kaibigan? Tingnan ang laki ng katawan mo kumpara sa kanya? Yang lakas mo at ang lakas niya? Bakit kaya hindi ka humanap ng kasing lakas at laki ng katawan mo?" Ang dagdag ni Father Mexo.

Kumunot ang noo ng lalakeng Alpha sa tinuran ni Father Mexo.

"Sino ka para sumabad sa usapan ng may usapan?" Ang malakas na tanong ng lider ng mga taong-lobo. Nanginginig ito sa sobrang pangigigil at galit sa pangingialam ni Father Mexo.

"Sa batas ng mga taong-lobo, ang sino man ang pumatay sa kabiyak ng isang Alpha ay kailangang pagbayaran ito ng dugo sampu ng mga kasamahan nito. At para maligtasan ang kamatayan ay dapat na talunin sa duwelo ang asawa ng Alpha!" Ang matapang na wika ng taong-lobo.

Sa sobrang takot ay bigla na lamang tumakbo ang isa sa mga tanod papunta sa Santuaryo. Pero halos nakakailang hakbang pa lamang ito ng bigla siyang sagpangin ng isa sa mga taong-lobo na nakapalibot sa kanila.

Akmang kikilos na rin sina Father Mexo dahil sa ginawang pagsagpang ng isa sa mga taong-lobo sa isang tanod ng biglang humakbang papalapit sa lalakeng Alpha si Caren.

"Sandali!" Ang umalingawngaw na sigaw ni Caren.

Lahat ay natigilan at biglang nawala ang tensiyong namuo sa pagitan ng mga tao at mga taong-lobo. Ang kanilang mga mata ay napako kay Caren.

Bakas ang takot sa mukha ni Caren pero kailangan niyang gawin ang nararapat. "Ku...kung papayag ako sa pakikipagduwelo sa'yo at natalo kita, ano ang mapapala ko o namin bilang sa pagkakapanalo ko sa'yo?" Ang tanong niya sa lalakeng Alpha.

Napatawa ng malakas ang lider ng mga taong-lobo. "Ang lakas ng loob mo na itanong sa akin ang bagay na iyan babae. Sa tingin mo ba matatalo mo ako sa duelo ng kamatayan?"

Napaisip si Caren sa sinabi ng lalakeng Alpha. Alam niyang suntok sa buwan ang kanyang gagawin dahil sa laki, bilis at lakas ng kalaban.

"Walang imposible sa mundong ito kaibigan. Lalo na sa hawak kong baril laban sa lakas mo at bilis."

"Kung gayon hinahamon kita sa duelo ng kamatayan! Kapag natalo mo ako ang lahat ng miyembro sa aking pulutong ay luluhod at paglilingkuran ka. Pero... Kapag natalo kita lahat sila pati na ang mga taong nasa loob ng gusali na 'yan ay magiging pagkain din namin!"

Napalunok si karen sa kanyang narinig. Napatingin lahat sa kanya ang mga naroroon. Makakaya ba niyang maipanalo ang duelo gayong isa lamang siyang ordinaryong tao? Para na rin niyang isusugal ang buhay ng lahat ng taong naroroon sa isang labanang walang kasiguraduhan.

"O ano babae? Mukhang kinain kana ng takot? Ang bawat salita ng mga alpha ay isang batas na dapat susundin kaya kapag natalo mo ako lahat sila ay susunod sa iyong kagustuhan. Mayroon mahigit sa dalawang daang miyembro ang aking angkan, lahat sila ay magiging alipin mo at susunod sa'yo, kaya talunin mo ako!" Ang muling sabi ng lalakeng Alpha at sabay sa pagtawa ng malakas habang nagpapalit ng anyo bilang taong-lobo.

Hindi makapag desisyon si Caren. Alam niyang maaaring ito na ang kanyang katapusan at isang malaking kapahamakan ito para sa kaniyang mga kasama.

"Bakit hindi na lang ako ang kalabanin mo?! Hindi ang walang kalaban-laban at mahinang babaeng ito?!" Ang muling sabad ni Father Mexo. Tumitig ito kay Caren at saka niya ito kinindatan.

Napatingin si Caren sa pari.
Aba't masyado yatang minamaliit ng pari na'to ang kakayahan ko ha? Correction Father, hindi ako mahina! Wa effect ang pagpapacute mong yan sa akin! Ang sabi ni Caren sa sarili niya.

"Hindi ikaw ang kausap ko lalakeng mukhang binatog!" Ang matigas na sabi ng lalakeng Alpha kay Father Mexo.

"Anong sabi mo?!" Ang tila napikon na si Father Mexo.

Isang malakas na halakhak ang naging tugon ng lalakeng Alpha na lalong nagpagigil sa galit ng Pari. Akmang aatake na si Father Mexo ng pumigil sa kanya ang kamay ni Caren.

"Ooops! Laban ko ito Father! Ako ang hinamon kaya relax ka lang diyan, Among!" Nakangisi itong nakatingin kay Father Mexo.

"Pe...pero?"

"Father huwag pong matigas ang ulo. Laban ko ito kaya nararapat lamang na ako ang haharap sa kanya." Nilakasan ni Caren ang kanyang loob at humarap sa lalakeng Alpha. "Tinatanggap ko ang iyong hamon! Isang duelo hanggang kamatayan!"

"Kung gayon, isang karangalan ang makalaban ang isang mahina pero matapang na babaeng mortal! Dito mo na mararanasan ang iyong kawakasan babae! At pagkatapos non ay magpapakasasa kami sa dugo at laman ng lahat ng nariritong mortal, bata man at matanda!" Ang tuwan-tuwan sabi ng lider ng mga taong lobo.

"Caren...ipinapahamak mo ang mga tao rito." Ang sabi ni Father Mexo. Lumingon siya kina Raul at Kiel pati na rin kina Kapitan Ben. "Basta, ano man ang kahihinatnan nito lalaban at lalaban pa rin tayo para sa lahat ng mga tao sa Santuaryo." Ang mahinang sabi ni Father Mexo sa mga kasama.

Tumango naman sina Raul at Kiel. Pero takot ang namayani kina Kapitan Ben at iba pang mga tanod.

"Kakayanin mo 'to Caren, kakayanin mo 'to. Kailangan mo itong panindigan. Diyos ko po huwag po ninyong hayaang matalo ako ng halimaw na 'to. Kaawaan po ninyo kaming mga tao. Ang taimtim na dasal ni Caren habang inihahanda ang sarili sa duwelo.

Lumapit sa kanya si Father Mexo na seryoso ang mukha. Lumuhod sa harap niya si Caren upang humingi ng basbas.

Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo Caren! Ang sabi ng isip ni Mexo habang itinatapat nito ang kamay para basbasan ang babaeng pulis.

Hindi nagdalawang isip pa na basbasan at ipagdasal ni Father Mexo ang babaeng pulis. Pagkatapos ay marahan niyang hinugot ang kanyang espada sa kanyang lalagyan sa likuran nito at marahang iniabot kay Caren gamit ang dalawang kamay.

Napatitig si Caren sa sandatang iniaabot sa kanya ng pari. Pakiramdam niya ay lumakas ang kanyang loob na kalabanin ang lider ng mga taong-lobo dahil sa suportang binibigay ngayon sa kanya ng guwapong pari.

Buong pusong tinanggap naman iyon ni Caren at halos mangiyak siya sa magkahalong takot at saya habang iniaabot ang kamay niya para kuhanin ang espada. May kaalaman sa Arnis si Caren kaya walang problema sa kanya na gamitin sa unang pagkakataon ang espada. Bahagi ng training nila sa pagpupulis ang pagpapakadalubhasa sa Arnis. Sa kaliwang kamay naman niya ang kalibre 45 baril namay balang gawa sa pilak na alam niyang kahinaan ng mga taong-lobo.

"Salamat Father. Hindi ko po kayo bibiguin." Ang ngayo'y matapang na tugon ni Caren sa Pari.

Sa unang pagkakataon ay nakatingin si Caren sa mga mata ni Father Mexo. Bumuntong hininga siya at pilit na iwinawaksi ang takot sa kanyang dibdib.

"Patnubayan ka ng Diyos Caren. Huwag mong bibiguin ang mga tao sa loob ng Santuaryo." Ang paalala ng pari at dahan-dahan na nitong iniwan ang babaeng Pulis.

Nanginginig na inihanda na ni Caren ang Espada. Isa itong double blade Japanese Katana na namana pa ni Father Mexo sa kanyang lolo na Hapon. Anim na raang taon na ang nakakalipas ng simulan ng kaniyang mga ninuno na gawin ang espada gamit ang bato na iniluwa ng bulkang Fuji sa Japan..

Kabado ang lahat habang pareho ng naghahanda ang dalawang madirigma para sa duwelo ng kamatayan. Lahat ay nag-aabang at umaasa na mananalo ang kanilang mga manok. Takot ang nasa dibdib ng mga kasama ni Caren, samantalang naglalaway na sa gutom ang mga taong-lobo habang matiyagang naghihintay sa labanan.

Itinaas ni Caren ang hawak na espada at inihanda na rin niya ang kanyang mga paa para sa kanyang mga defensive at offensive footworks. Pinaikutan naman siya ng lalakeng Alpha habang nakangisi ito at tumutulo ang malagkit na laway sa kanyang malaking nguso na punong-puno ng mga mapuputi't matatalim na mga ngipin.

Naging alerto naman ang paningin at pandinig ni Caren habang sinusundan nito ang kumukuhang buwelo na kalaban. Hindi siya dapat maunahan ng takot at pasisindak sa lalakeng Alpha. Oo't alam niya ang adbentahe ng kanyang kalaban sa lahat ng anggulo, ang laki, bilis at lakas nito, pero hindi niya hahayaang siya ang magiging dahilan ng kamatayan ng lahat ng mga taong nasa loob ng santuaryo.

Biglang tumalon sa kanyang harapan ang lalakeng Alpha na hindi niya inaasahan kaya nawalan siya ng balanse. Iwinasiwas sa kanya ng halimaw ang matatalim nitong kuko kay Caren na kaagad naman nitong naiwasan bago siya bumagsak sa lupa.

Halos hindi humihinga ang mga kasamahan ni Caren habang pinapanood nila ang simula ng labanan. Tuwang-tuwa naman ang mga taong-lobo at sabik na sabik na sa pagkapanalo ng kanilang pinuno.

Mabilis namang nakatayo si Caren at muli ay ipinuwesto ang espada sa kanyang mga kamay. Halos sumabog na ang dibdib ni Caren sa sobrang kaba at takot kaya pilit pa rin niyang nilalakasan ang kanyang loob.

Muli ay nilundagan siya ng lalakeng Alpha pero sa pagkakataong ito ay nakahanda na si Caren. Kumuha siya ng tamang tiyempo para makalapit na sa kanya ang taong-lobo at sabay wasiwas sa espada at tabak. Naramdaman ni Caren na tumama ang espada sa tagiliran ng halimaw at narinig niya ang mahinang pagdaing nito.

Kitang-kita ni Caren ang mantsa ng dugo sa dulo ng espada. Habang nakatitig sa kanyang tagiliran ang lalakeng Alpha sa tumutulong dugo rito. Mababaw lang ang sugat kaya balewala ito para sa taong-lobo.

Lalong nagngitngit sa galit ang lalakeng alpha kaya mabilis na ipinuwesto nito ang sarili para sa paglusob. Sa pagkakataong ito ay si Caren ang gumawa ng hakbang para makalapit sa taong-lobo. Binunot niya ang baril sa kanyang tagiliran at sabay na ipinusisyon nito ang baril sa ulo ng halimaw. Hinila niya ang gatilyo ng baril at,

Bang! Bang! Bang!

Pero hindi tinamaan ang lalakeng Alpha dahil sa bilis nitong nakailag sa mga bala na yari sa pilak. Nilundagan si Caren kaagad ng halimaw at natamaan ng kamay nito ang kamay ni Caren dahilan para mabitawan nito ang baril sa buhangin.

"Caren!" Ang sigaw ni Father Mexo ng isang pag-atake mula sa lalakeng Alpha ang tumama sa kaliwang balikat ng dalaga.

Tumilapon si Caren at ramdam niya ang sobrang sakit na tila pumunit sa kanyang mga laman sa kanyang balikat. Napangiwi siya sa sobrang sakit at halos maiyak ng makita ang pulang dugo na dumaloy sa kanyang sugat sa balikat.

Tutulong sana si Mexo pero isang taong-lobo ang lumapit sa kanya para pigilan siya.

"Alam mo ba na ang sugat mula sa kalmot ng isang taong-lobo ay makamandag? Sa loob lamang ng tatlong araw ay magiging katulad ka na namin, isang taong-lobo na rin. Pero hindi ko hahayaang mangyayari pa 'yon dahil sa lalim ng iyong sugat ay mauubusan ka ng dugo at doon ay malaya na kitang kakainin." Ang sabi sa kanya ng lalakeng Alpha habang naglalakad itong paikot kay Caren.

Lalong natakot si Caren sa sinabi ng taong-lobo. Pero hindi siya susuko kahit kamatayan pa niya ang magiging kapalit mailigtas lamang ang mga tao sa Santuaryo.

"Hindi ko hahayaang mangyari yan hanggat nabubuhay pa ako! Papatayin muna kita!" Ang matapang pa ring tugon ni Caren sa kalaban.

"Kung gayon ito na ang katapusan mo!"

Biglang tumalon sa kanya ang lalakeng Alpha. Pero naiwasan iyon ni Caren. Ngunit nakaramdam na siya ng pagkahilo kaya nawalan na siya ng balanse, dahilan para siya ay bumagsak sa buhangin.

Nakita ni Caren ang patuloy pa rin na pag-atake sa kanya ng lalakeng Alpha para samantalahin ang pagbagsak nito sa lupa. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na si Caren na mamamatay na siya, lalo na't mabilis siyang sinunggaban ng lalakeng halimaw. Naramdaman na lamang niya na hindi na siya makahinga at nagdilim na ang kanyang paningin.

"Carennn!!!" Ang sigaw ni Father Mexo pagkakita sa nangyari sa babaeng pulis.

Kasabay non ay ang sabay sabay na pag-alulong lahat ng mga taong-lobong nakapalibot sa kanila na tila nagbubunyi sa nangyari.

Tumakbo papunta kay Caren si Father Mexo at kaagad na naiyak sa kanyang nakita.

"Diyos ko...Caren!" Ang naging sigaw ni Father Mexo pagkakita sa dalaga.


Continue Reading

You'll Also Like

Adrasteia By CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
241K 6.1K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...