ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Oleh angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Lebih Banyak

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT

936 36 9
Oleh angelodc035

Madilim sa loob ng gusali na kung saan nagpapahinga na ang mga taong sumisilong sa Santuaryo. Tanging mga ilaw na nanggagaling lamang sa mga kandila ang nagbibigay ng mumunting liwanag sa paligid. Mainit ang loob ng gusali dahil na rin sa init ng mga katawang nagsisiksikan doon. May iilan na ring mga bata at matatanda na maya't-maya ay inuubo na at sinisipon.

Kabilugan ng buwan ng gabing iyon. Ilang linggo na rin ang lumipas mula ng bumisita sa kanila ang grupo nina Odessa. Pagbisita na kahit sa maikling oras na ibinigay nila, ay nagdulot ng maliit na pag-asa sa kanilang mga puso.

Nagbabantay sa labas ng Santuaryo sina P01 Caren Tejo, ang Paring si Mexo at ang mga seminaristang sina Kiel at Raul. Naroroon din sina Kapitan Ben at mga tanod na sama-samang nakakubli sa isang sirang gusali. Lahat ay naka alerto sa posibleng paglusob ng mga taong-lobo, mga aswang at iba pang mga anak ng buwan.

Naka-upo sa may sirang konkretong bintana si Caren. Iniisip pa rin niya si Alex at ang pagkakahanap niya sa kanyang asawa na si Isabel. Mula ng makarating siya sa lugar na iyon ay hindi pa niya nakakausap ang lalake.
Madalas ay nasa tabi si Alex ng kanyang asawa na wala sa tamang pag-iisip dahil na rin sa nangyaring trahedya sa kanilang anak.

Gusto man niyang kausapin si Alex ay madalas ay nawawalan siya ng lakas ng loob para gawin ito. Nakukunsensiya siya na sa kabila ng nararamdaman niya para kay Alex ay mas pinili pa rin niyang huwag ng guluhin pa ang lalake sa piling ng kanyang asawa.

Marahil ay ligtas na sila sa Santuaryo. Kailangan na rin niyang umalis para mahanap na rin niya ang kinikilala niyang pamilya na dati'y kumupkop at nagpalaki sa kanya.

Pero paano ang mga bata? Ano na lang ang mararamdaman nina Margaux at Adrian kapag nalaman nila na lilisanin na niya ang Santuaryo? Napamahal na siya sa mga ito at matagal-tagal na rin niyang nakasama. Hindi naman niya puwedeng isama ang mga bata dahil na rin sa napakadelikado ng lugar.

"Ang lalim yata ng iniisip mo Caren?"

Napatingin si Caren sa papalapit sa kanya na si Father Mexo. Napatayo ito sa kanyang kinauupuan.

"Kayo po pala among. Magandang gabi po." Ang halos nabiglang tugon ni Caren sa Pari.

Kaagad na kinuha ni Caren ang kamay ng pari at nagmano siya rito.

"Ang lambot naman ng kamay ni father..." Ang sabi ng isip niya at saka niya inamoy ang kamay na pinanghawak niya sa kamay ng pari. "...juice mee oh, ang bango pa..." Ang halos pagpipigil niya na huwag sana siyang kiligin.

"Bakit nag-iisa ka rito? Bakit hindi mo kami samahan doon?" Ang tanong ni Mexo sabay turo sa kinaroroonan ng mga kasama niya gamit ang kanyang nguso.

"Ha, eh. Iniisip ko lang po ang pamilyang nagpalaki sa akin sa Laguna. Hindi ko po kasi alam kung ano na ang nangyari sa kanila, kung nakaligtas ba sila sa paglusob ng mga alagad ng dilim." Ang malungkot na tugon ni Caren kay Mexo.

Tumango-tango ang pari at sabay titig kay Caren. "Naiintindihan ko, kahit sino naman sa atin ay nag-aalala sa pamilya at mga mahal natin sa buhay lalo na sa mga nangyari sa nakalipas na dalawang buwan..." Ang sabi ni Mexo at naupo ito sa tabi ni Caren.

OMG!!! Umupo sa tabi ko sa Father! Iiiihhhh!!! Ang sabi sa sarili niya at pigil na pigil na huwag siyang kiligin. Caren behave, pari yan at isa ka namang butihing pulis. Ang guwapo naman kasi ng paring ito eh.

"Father,  huwag po..." Ang sabi ni Caren sa pari.

"Huh?Anong?" Ang naging reaksiyon ni Mexo sa kanyang tinuran.

"Huwag po among masakit po?" Ang muling wika nito na hindi maipinta ang kanyang mukha.

"Anong masakit? Anong bang sinasabi mo Caren?" Ang muling tanong ng pari sa kanya.

"Ang kamay ko po inupuan ninyo among,  masakit po..."Ang tugon ni Caren na halos maiyak na sa sobrang sakit.

Mabilis namang napatayo si Father Mexo pagkasabi ni Caren sa kanya. Hindi niya napansin na kamay nga pala ni Caren ang kanyang naupuan.
Hindi niya malaman kung paano niya maiibsan ang sakit sa pagkakaupo niya sa kamay ng dalaga.

"Pasensya na hindi ko sinasadya." Ang paghingi niya ng paumanhin at sabay hawak sa kamay ng babaeng pulis.  Sinisipat-sipat niya ito at hinihipan para mawala ang sakit na nararamdaman ni Caren.

Nakapako naman ang tingin ni Caren sa pari na abala sa pag-ihip sa kanyang kamay. Nakanganga si Caren habang nakaguhit ang ngiti sa mga labi nito.

"Masakit pa ba?" Ang tanong ni Father Mexo at saka tumitig sa dalaga.

Napansin ng pari na nakatulala si  Caren habang nakatitig siya sa kanya. "Huy, masakit pa ba Caren?" Sabay tapik sa pisngi ng babaeng pulis at doon siya ay nahimasmasan.

"Huh?" Napatingin si Caren sa mukha ng guwapong pari na ilang sentimetro lang ang layo nito sa kanya.

Juice me lourd,  pagkaguwapong pari nire... Kaagad na hinila ni Caren ang kanyang kamay at tila nahiya siya sa naging reaksiyon niya sa harapan ng pari.

"O...okay na po ako among.  Hindi na po masakit. " Ang mabilis niyang tugon at pagkatapos ay ipinako niya ang kanyang mga mata sa kanyang mga paa.

"Sigurado ka ba na okay ka na?" Ang paniniguro ng pari na pinipigilan rin na huwag matawa sa naging reaksiyon ng babaeng pulis.

Iniangat ni Caren ang kanyang ulo at tumingin sa mukha ni Father Mexo.  Nang akmang titingin sa kanya ang pari ay muling ibinaba niya ang kanyang tingin. Hindi niya talagang kayang tumingin sa mata ng guwapong pari.

"Caren ano ba?!!! Mali yang ginagawa mo!!!  Iiiihhh!!! Bakit ka pa kasi nagpari eh!"  Ang pabulong na wika ni Caren na napansin naman ito ni Mexo.

"May sinasabi ka ba?" Ang tanong ni Father Mexo na tila narinig niya ang ibinubulong ni Caren sa sarili.

"Ha? Ako? Wa...wala po akong sinasabi among." Ang kinakabahang tugon ni Caren sa pari.

"Okay, Sabi mo...maiba pala ako, medyo nahihiwagaan sa'yo ang mga kasama natin dito. Ilang linggo ka na rin naming nakakasama ay wala pa kaming alam tungkol sa'yo maliban sa isa kang pulis Maynila at ang pagkakaroon mo ng ugnayan kina Alex at mga bata." Ang tanong Mexo habang pinagmamasdan niya ang mukha ng di makatitig na si Caren.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa akin Father?" Ang napapangiting si Caren.  Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito na lamang siya kumilos kapag nakikita niya at nakakausap si Father Mexo.  Bakit kay Alex kahit may nararamdaman siya sa kanya ay hindi siya magkandugaga kapag nakikita niya ito at nakakasama? Ano bang mayroon kay Father Mexo para magkaganito siya at kinikilig siya ng husto?

"Caren?"

"Fa... Father? "

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Nakatulala ka na naman. "

"Oops... Pasensya na po Father. Naiisip ko lang po ang aking pamilya sa Laguna. Ano po ba ang tanong ninyo?" Ang nahihiyang tugon ni Caren.

"Ang sabi ko bakit ka pumasok sa pagpupulis?" Ang tanong ng pari.

"Ha." Tumango-tango si Caren. "Bata pa lang po kasi ako gusto ko ng maging pulis. Kagaya ng nag-alaga sa akin, mga itinuring kong mga magulang. Si Papa Julian,  ang tumayong ama sa akin. Isa din siyang pulis. Nakita ko kung paano niya ginampanan ng buong tapat ang kanyang pagiging pulis kaya inidolo ko siya. Kaya sa aking paglaki ang pagpupulis ang una kong binigyan ng pansin para tuparin ang aking pangarap." Ang seryosong paglalahad ni Caren kay Father Mexo.

"Napakasuwerte ng ama mo at alam kong proud na proud siya sa narating mo." Ang tugon ni Father Mexo.

Ngumiti si Caren. "Ako po ang masuwerte sa kanila Father. Kahit hindi nila ako tunay na anak, minahal nila ako ng sobra-sobra na higit pa sa tunay na anak."

Tumango-tango lamang ang pari at ngumiti ito kay Caren. "Masuwerte ka nga sa kanila.  Nasaan ba mga tunay mong magulang?"

Ipinikit ni Caren ang kanyang mga mata at ipiniling ang kanyang ulo. "Hindi ko alam. Natagpuan lamang ako ng mga kinikilala kong mga magulang sa harapan ng pintuan ng aming buhay. Sabi ni mama ay bagong silang pa lamang ako noon dahil basa pa ang aking pusod at may bahid pa ng dugo ang aking ulo." Napatingin si Caren sa maamong mukha ni Father Mexo. "Ikaw Father? Bakit ka nagpari?"

"Ako? Wala lang, kagustuhan ng magulang ko.  Naging tradisyon na kasi sa pamilya ng magulang kong lalake na lahat ng mga panganay na lalake sa bawat angkan ay kailangan ialay sa Diyos. Katulad ko panganay ako sa aming mga magkakapatid kaya kahit ayaw ko ng una ay wala akong nagawa kundi sundin ang kagustuhan nila. Pero I have no regrets na pumasok ako sa pagpapari dahil hindi lang naman ang Diyos ang pinaglilingkuran ko lalo na ang mga tao."

Pakiramdam ni Caren ay mas lalo siyang humanga sa lalakeng nasa harapan niya ngayon. Napakasuwerte niya na nakilala niya si Father Mexo. Napakasuwerte niya na nagkakalapit na ang kanilang loob.

Awooooooohhhhh!!!

Isang nakakakilabot na alulong ng mga taong-lobo ang nagpatindig sa kanilang mga balahibo at nagpasimula sa paggapang ng takot sa kanilang katawan.  Napatayo ang lahat at inihanda ang kanilang mga sarili.  Inihanda ang kanilang mga armas at naging alisto sa lahat ng mga paggalaw sa paligid.

Naamoy ba sila ng mga taong-lobo? Mula ng lumusob ang mga kampon ng kadiliman sa kanilang lugar ni minsan ay hindi pa sila natagpuan sa lugar na iyon.

Bumalot ang takot sa mga tagapagbantay sa paligid ng Santuaryo. Sa unang pagkakataon posibleng matunton na sila ng mga taong-lobo.

Lumapit sina Caren at Mexo sa mga kasamahan nila. Maingat ang kanilang mga galaw at tila walang humihinga sa kanila dahil na rin sa namamayaning takot sa kanilang mga puso.

Wala silang kasanayan sa pakikidigma at sa pagpatay sa mga taong-lobo maliban lamang kina Father Mexo at Caren. Hindi nila kakayanin ang pakikipaglaban sa mga anak ng dilim kung sila-sila lamang.

"Mga kasama..." Sumenyas si Kapitan Ben gamit ang kanyang kamay. Lahat ay sumunod sa pagkukubli sa mga nagkakapalang talahib sa paligid at nagmamasid at nakikiramdam sa buong paligid. "...narito na sila, iwasan natin na mapansin nila tayo." Ang pabulong na sabi ni Kapitan Ben.

Nagkatinginan sina Odessa af Mexo.  Tumango si Caren na animo'y naintindihan niya ang ibig sabihin ng pari sa kanya.

Magkasunod na sumenyas si Mexo sa dalawa pa niyang kasama na sina Kiel at Raul.

Inihanda ni Father Mexo ang espadang yari sa purong pilak at ang isang supot na punong-puno ng pulbos na pilak.

"Kapitan..." Ang pabulong na tawag ni Mexo sa lider ng baranggay. Lumingon naman si Kapitan Ben sa pari.  "...kailangan po naming ilayo rito ang mga taong-lobo. Kapag nailayo na namin sila rito ay pumasok na po kayo sa loob ng gusali."

"Pero, among..." Ang gusto sanang tumutol na si Kapitan Ben.  Pero hindi niya puwedeng isakripisyo ang mga walang kalaban-laban na mga mamamayan na tumutuloy sa loob ng sikretong gusali. Sa pagkakataong iyon ay tumango na lamang ang kapitan at sinenyasan na ang kanyang mga tanod na humanda sa pagpasok sa loob ng gusali.

Ikinasa ni Caren ang kanyang dalang 38 kalibreng baril. Ipinasok niya sa Bariles nito ang mga balang yari sa pilak at saka ipinaikot iyon bago ibinalik ito sa kaha.

Awooooohhhh!!!!
Awooooohhhh!!!
Awooooohhhh!!!

Sunod-sunod na mga alulong ang pumuno sa katahimikan ng gabi. Tumingin si Mexo kay Kiel at sinenyasan niya ito para lumipat ng lugar papunta sa mas makapal pang mga talahib. Ngunit hindi pa man ito nakakarating sa dapat niyang puntahan ay isang napakalaki at napakaitim na taong-lobo ang biglang lumundag sa kanyang harapan. Nakangisi ito at pulang-pula ang mga mata na nakatitig kay Kiel.

Itinutok ni Caren ang kanyang baril sa halimaw na gustong umatake kay Kiel. Ipinuwesto naman ni Father Mexo ang kanyang espadang pilak bilang paghahanda sa pag-atake ng mga halimaw.

Imbes na umatake ay biglang umalulong ng napakahaba ang taong-lobo. Nagsunud-sunuran ang mga pag-alulong ng mga kasamahan nito kaya bago pa man ito magawang tawagin ang mga kasama ay isang putok ng baril ang biglang umalingawngaw sa paligid.

Biglang bumagsak sa lupa ang halimaw at mula sa noo ay tumulo ang itim na dugo nito.

Napatingin ang lahat kay Caren na umuusok pa ang hawak na baril. Patakbong bumalik sa mga kasama si Kiel na takot na takot.

Mula sa pinanggalingan ng naunang taong-lobo ay isa pang mas malaking lalakeng Alpha ang lumapit sa napatay na taong-lobo. Kitang-kita sa reaksiyon nito ang sobrang galit. Muli ay iniangat nito ang kanyang nguso at pinakawalan ang mas nakakakilabot na pag-alulong.

Hindi pa man naipuputok ni Caren ang kanyang baril nang mula sa kung saan ay isa-isang nagsilitawan ang mahigit sa tatlumpung mga taong-lobo na pumalibot sa kanila. Gutom na gutom lahat ay naglalaway sa mga nakikitang sariwang pagkain sa kanilang harapan.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

Adrasteia Oleh CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
54.9K 2.4K 52
Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa...
405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...