Selfless

By nananaginip

3.7K 137 28

NOTE Only Prologue and Chapter 1 is updated. I'm really sorry the story was cut short and wasn't able to cont... More

Selfless
Prologue
Selfless (1)
Selfless -- 2: Heartbreaks.
Selfless -- 3: You're so Close yet so Far.
Selfless -- 4: You're Just a Friend. </3
Selfless -- 5.1: I Wish.
Selfless -- 5.2: Take A Chance.
Selfless -- 6: You are Invited.
Selfless -- 7: Slave.
Selfless -- 8: Slapped.
Selfless -- 9: Omegesh. *O*
Selfless -- 10: Eavesdropper. (>o<)
Selfless -- 11: Friends?
Selfless -- 12: Truth or Dare?
Selfless -- 13: The Casanova's Confession + Panget
Selfless -- 14: Who is SHE?
Selfless -- 15: Ang Cousin/Bestfriend. ♥
Selfless -- 16: Inquisitivity Strikes.
Selfless -- 17: For His Birthday.
Selfless IMPORTANT NOTICE.

Selfless -- 18: Valentine Turpentine.

66 4 0
By nananaginip

(A/N: Yieeee, after months, mag-uupdate na ako. Hihi. :"> Belated Happy Valentines. ;) ♥ Wala kasi kagabing Wi-fi, eh you know naman na tablet lang yung ginagamit ko ngayong mag-UD kasi sira yung laptop ko tapos di magamit yung desktop namin. So yun, medyo nadelay. HAHA.)

Selfless -- 18: Valentine Turpentine.

~isabelleXD

[Ysabelle's POV]

"Ang sweet nila. Gaaah~ Kinikilig ako!"

"Bagay na bagay silaaaa!"

"Bakit lagi silang magkasama? Sila na kaya?"

"Nakakapang-selos naman, taken na siya."

"Baka close lang talaga sila? Bestfriends naman sila e."

"Bestfriends to lovers."

Haaaaaaaay. Kanina pang umaga yang mga comments na yan. Paulit-ulit na lang e.

Sinu-sino ang nag-cause ng comments na yan? Malamang..si...Ren at si Belle lang naman.

Masyado na kasi silang close. Kahit magkaiba sila ng section, feeling ko hindi na sila mapaghiwalay. Bago magstart ang klase, magkasama. Sa uwian, magkasama din sila. Naiinis na nga si Kyla e. Magbebestfriends kasi din silang tatlo kaso parang na-out of place siya dun sa dalawa.

So yun. Naku-curious na nga ako e. I mean, sila na ba talaga? O bestfriends lang? Soon-to-be? Waley na talaga akong pag-asa. Andyan na e. Haha, pinamukaha na talaga sa'kin ni Tadhana.

Hay. Amboring ng buhay. Shete. Ba't tuloy pa din ang story na 'to? Wala na namang nangyayari sa 'kin e.

At dahil nga sa wala na akong magawa sa pagtambay ko dito dahil dismissal na naman, uuwi na lang ako.

Pagkarating ko sa bahay, inalis ko na yung ribbon at I.D. ko sa uniform, pati na rin yung medyas ko. At kumain lang ako. Natural, pagkain lang naman lagi ang karamay ko eh. Hindi ko naman kasi ka-close ang Mommy at Daddy ko. Hindi ako makapag-open sa kanila. Maging kay Leander na baliw kong kapatid ay hindi rin ako makapag-open. Umalis na naman si Menmen nakasama namin sa bahay dahil susubukan nyang maghanap ng trabaho sa Maynila o kaya sa Laguna. So...tanging pagkain lang talaga ang karamay ko sa mga oras na 'to. Wala naman akong pantawag para kausapin sina Hazel, LJ, o Angelica. Unli texts lang talaga ako. Si Titan...bigla-biglang nawawala pero bigla-bigla rin namang sumusulpot at nagpapakita.

At dahil baka tumaba na ako sa kakalamon at walang magawa sa buhay, naisipan kong mag-online. Wala lang trip ko e.

Tiningnan ko yung chatbox. At ang mga online ay sina:

Belle Alberto

● Kenji de los Reyes

● Lance Mariano

● Stephen Cruz

● Naomi Mikael Perez-Cruz

● Chanel Courtney Chua

● Kent Fuentabella

● Reah Rodriguez

● Momoxhien Clarkson-Mnemosyne

● Ren Zico Chan

● Miyuki Sharlot Parco

● Aila Santiez

● Jiro Festin

Nye~ Kabaliw naman ang mga online. Artistahin. HAHA, si Ren at Belle lang masasabi kong ka-close ko dyan sa mga yan. Si Ren at Belle. Sila kaya talaga?

Tsk. Hahaha, icha-chat ko na lang si Ren.

Olivia Ysabelle Cruz: Balita ko kayo na daw ni Belle.

Ren Zico Chan: Hindi naman... May balak pa lang.

Olivia Ysabelle Cruz: Nuksss. Lapit na Valentines ohh.

Ren Zico Chan: Oo nga e.

Olivia Ysabelle Cruz: So anong plano mo?

After what seemed like forever (A/N: naks, gumaganon kana.. "After what seemed like forever..."), natapos din ang conversation namin. Ang plano nya isu-surprise niya si Belle, yung para bang sa mga movies, yung may "Will you be my girl?" / "Will you be mine?" Yung ganon. Alam niyo na yun. Pero ang asdfghjkl lang... Sa 'kin humingi ng tulong. Oh well, ito naman yung makakapagpasaya sa kanya, why not help him 'di ba? Pero hindi naman ako maka-hindi kasi ang sabi niya: Isama mo din ang Devilz_Eye ha? :)

Para bang ang gusto niyang ipahiwatig e, kaya ako nakipag-chat sa kanya ay dahil tutulong ako. Alangan namang sabihin kong "Nagtanong ka na ba kung gusto kong tumulong?" Siyempre naman hindi, and as a friend, okay fine, tulungan na natin siya.

So yun. Basta intindihin nyo na lang. Pero siyempre, gusto niya ding maging legal sila both families, so magsasabi siya sa Mommy ni Belle kung pwede muna siyang ligawan. Wala kasi yung Dad niya, nagtatrabaho. So yun.

Wala na akong nagawa. Sige, i-push 'to.

So sinabi ko 'to sa friends ko... At isa lang yung nag-react na galit. Yung sa iba okay lang naman, pero sure ba daw ako sa gagawin ko, kasi masasaktan daw ako kung ganun, 'di ba.

So yun, may isang nagalit. Si Jeanne. Friend ko sa section namin. Nagpapaloko daw ako dun kasi ginagamit lang daw ako tapos pag wala ng kelangan, saka lalayo. Pati ang TANGA ko raw. Siyempre medyo masakit. Pero sinuportahan ko lang naman si Ren e. Yun naman ang makakapagpasaya sa kanya. Kung sa'n siya masaya, masaya na din ako.

So yun. Pinag-usapan talaga kung alin yung mga dapat gawin. Background music. Props. Flowers. Balloons. Confetti. At kung ano pang cheche burecheng kelangan sa surprise e. So yun...

~

2 days laterrrr.

February 9.

From: Ren :)

Ala, wala akong red na damit.

To: Ren :)

HAHA... Baket? Ikaw? Mawawalan ng red na damit!? :))

From: Ren :)

Eh kasi. Puro black damit ko! xD

Haha, katext ko si Ren. Pinoproblema naman ang damit niya ngayon. Hahaha! E-effort effort ng ganon, tapos walang damit? Yung totoo!? So yun.

To: Ren :)

Hahaha, sakto. Nakakita ako ng red polo shirt. Naalala kita. xP

From: Ren :)

Ako talaga naalala? xD Kumusta props naten jan?

Ako kasi yung gumagawa nung props. Sa unang cartolina, may lettering na Will. Yung 2nd, nakalagay ay Ü. Then, may drawing na bubuyog which represents "be." Tapos My. Tapos yung last cartolina, may drawing na girl. All in all, Will you be my girl? Yung question mark na sa 1/8 illustration board. So ayun na nga.

Though deep inside... ang sakit. Ganito pala yung feeling ng mga taong may nagpapatulong sa kanila, lalo na yung mahal pa nila.

Anyways...

To: Ren :)

Okay na. Nukssss, excited na siyaaa. <3 *hart hart* Mahal mo talaga 'nu? *ouch*

Pero syempre hindi kasama yung Ouch thingy.

From: Ren :)

Oo naman siyempre. Hindi ko to mararating kung di ko yun mahal.

Tama nga naman...

To: Ren :)

Hahaha, buti pa kayo.. May mahal mahal na kayong nalalaman. Wala nga saking nagmamahal. Kaya ako nabibitter e. xD Jokee! :3

From: Ren :)

Ano ka ba. Mahal naman kita bilang kaibigan. Kaya wag ka na ma-bitter. ;)

Luhh, wag daw ako ma-bitter...dahil mahal niya 'ko...

Bilang kaibigan. XDD Ha, kayo ha!? :3

Hahaha.

To: Ren :)

Hehe, salamat po. Opo di na po ko mabibitter.

So yun... Kahit masyadong kumplikado yung sitwasyon ko dahil kaibigan ko si Ren tapos kaibigan ko din si Belle and the other thing is...mahal ko si...alam niyo na. Haha.

After nun, kung anu-ano na ang mga pinag-usapan namin, HAHA.

5 days later.

February 14, Valentines Day; Regular classes.

*bell rings for 7:00*

Shaks, mamayang 12:00 na yung proposal/surprise nya. Kyaaaaaaa. Nikakabahan akooooo.

Hayyyy.

Buti wala masyadong klase. Konting KJ na teachers lang... Nyaaaa.

12:00 nn.

"Nasan si Belle!?"

"Nakababa na kanina!"

"Ala habulin niyo dali."

Ayan. Nagcra-cramming na kaming involved sa surprise na 'to. Nasa first floor na daw pala si Belle, eh 4th floor pa 'tong pag-gaganapan ng surprise. Haha, isa ako sa bumaba para habulin si Belle, bale 4 kamig bumaba. Hingal na hingal na kami kakatakbo pababa kasi isipin niyo 1st to 4th floor tatakbuhin namin, tapos wala namang elevator o escalator, pure hagdan lang talaga.

"Belle... Akyat tayo daliiii~" Sigaw nung isa kong kasama nung naabutan namin si Belle.

"Huh? Anong meron?" Takang-taka na tanong nito.

"Basta..." Tapos hinila na siya pataas ng hagdan.

Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.

Parang hakbang paakyat... Parang may unti-unting bumabaon sa 'kin.

Pasakit ng pasakit.

"ARAY!" Sigaw ko.

Nasa 2nd floor pa lang kami, ang sakit nung paa ko.

May tumutusok na thumbtacks! Ang nipis kasi nung sapatos ko! Tch, panira ng pag-eemote ko e!

Pero seryoso na...

Bawat hakbang paakyat, may unti-unting bumabaon sa puso ko.

Ayan. Andito na kami sa 3rd floor, nilagyan na namin si Belle ng piring. Tapos ginabayan na namin siya sa last steps left.

Last steps left leading to him.

Pagkarating namin ng 4th floor... Pinatigil na namin siya. Nakahilera na yung mga taong may kapit ng mga cartolina. Habang si Ren, katabi nung question mark, may hawak na bouquet of white roses. Nung nakita niya akong napatingin sa kanya, nginitian niya ako. Tapos he mouthed, Thank you.

Tinanggal na yung piring ni Belle tapos...

"Will you be my girl?" Tanong ni Ren.

"Yes." Tugon ni Belle, tapos ngumiti. Lumapit si Ren...at binigay yung bouquet. Nagkwentuhan muna sila.

Nilapitan ko si Ren tapos tinap siya sa balikat, "Congratulations. :)"

Nginitian niya lang ako. Tapos pinahawakan muna sa 'kin ni Belle yung bouquet at cake na hawak niya.

Habang tinitingnan ko silang dalawa, nati-teary-eyed ako.

"Oh." Binalik ko na ulit yung bouquet at cake kay Belle.

Nagsimula na akong tumakbo pababa.

Feeling ko kasi, tutulo na yung luha ko.

"Via!" Tawag sa'kin ng mga kaibigan ko habang hinahabol nila 'ko.

Di ko na sila nilingon.

Bakit ganun? Ang sakit na makita silang masaya, ang sakit na makita siyang masaya. Bakit?

Di ba dapat masaya ako kasi masaya siya?

Baket?

This is the end of my world.

~

A/N: Nyaaa. Nadradramahan ako sa update. Hahahahahahaha. Magvote kayo! Belated Happy V. ♥

Baka kayo magtanong kung anong ibig sabihin ng turpentine... Hindi ko rin alam! Feelingko something related to pain or hurt ata e tapos ka-rhyme pa ng Valentine! Ang adik kong author no!? xD

Love love. Hart hart. Votes and comments please.

Thank you din sa 1000+ reads. ♥

Hihi. :">

Continue Reading