Lexus POV
Yow! Miss me? Hahahah namiss ko din kayo baka nagtataka kayo kung saan ako nagpunta within this week andito lang ako nagmamahal sa inyo Lol! Kidding busy kasi ako ngayong week na to di lang dahil sa pag-aaral kundi dahil na rin sa competition sa basketball . Speaking of basketball ngayon na pala ang laban namin sa Damian University . Oo ngayon na as in now na! Kung nagtataka kayo kung bakit nakasali ako sa Black Thunders simple lang ang masasabi ko.
"GWAPO KASI AKO"
HAHAHAHAHAHA walang aangal ang umangal magiging kamukha ni Frank. LOL! Kasalukuyan kaming nandito sa locker room ng team chill chill muna mamaya pa namang 2:00 pm ang laro namin.
"Oh Lex buhay ka papala akalain mo yun." sabi ni Frank sakin.
"Oo eh mahal ako ni Papa God eh."
"Oh ikaw Frank bakit buhay ka pa?" sabi naman ni Kevin.
"Mahal ko kasi si Lindsay." ngisi-ngising sabi ni Frank.
"Bigwasan kaya kita!"
"Hahahaha!! Joke lang to naman! alam mo namang mas mahal kita dun love you pre pakiss naman dyan oh!"
"Gago ka subukan mong lumapit ngayon di ka na makakapaglaro mamaya!"
Mga abnormal talaga tong kaibigan ko, hayy namimiss ko na si A.C wala kasi akong makulit kamusta na kaya yun?
"Assemble tayo lahat mga brad, kakausapin daw tayo ni Coach." sabi ni Francis.
Nakakalat kasi kami dito sa locker may mga nakahiga, nakaupo at iba pang posisyon na maaari nyong makita . Umayos muna kami saglit kasi nga kakausapin kami ni Coach Orly.
"Good morning guys!" bati sa amin ni Coach.
"Good morning coach!" bati namin sa kanya.
"Lalong gumagwapo coach ah!" sabi naman ni Jay.
"Ikaw lang naman panget Jay eh." sabi ni Coach
"Hahahahahah!! tamo si Coach na mismo nagsabi na panget ka." bulyaw naman ni Andrei team mate namin.
Siraulo din ito si Coach tropa tropa langa ang turingan namin pero pag oras ng practice focus talaga kami sa bawat techniques na tinuturo nya. Dating MVP to si Coach halata naman sa kanya dahil ang dami nyang techniques na alam.
"Hahaha sige na mamaya na ang gaguhan." sabi ni Coach.
Bigla naman kaming nanahimik agad.
"So guys aware naman kayo na ang players ng DU ay isa sa pinakamagaling na school when it comes to basketball."
"Yes Coach."
"I just want to clarify to you na yung Captain nila which pertains to Kharl will be your team mate pagtapos ng larong ito."
"Coach pwede ba yun?" tanong ko.
"Desisyon nya yun Lexus, pero ngayong araw na to wag nyo syang ituturing na team mate kalaban natin sila ngayon at alam nyo na ang ibig kong sabihin."
"Yes Coach!"
"Wag kalimutan yung mga techniques na tinuro ko sa inyo wag magpakapagod sa 1st quarter kung sino ang malapit sa court ipasa nyo sa kanya wag sarilihin ang bola okay?"
"Yes Coach!"
"Jay, Lexus, Frank, Kevin and Francis kayo ang first five na maglalaro kapag napagod ang isa sa inyo uso masubstitute."
"Hahahahaha! Coach isa lang naman ayaw pasubstitute dito kahit pagod na eh diba Francis.?"
"Pakyu" sabi ni Francis.
"HAHAHAHAHHAHAHA."
"Okay team lapit dito on the count of 3 alam na."
"1,2,3 GO Black Thunders!"
"Lexus and Francis I'm counting on both of you."
"Makakaasa ka coach." sabi ni Francis.
"Oo naman na yes Coach ako pa!" sabi ko naman.
"Sa atin tong Inter Collegiate na to! sige balikan ko nalang kayo you have 1 hour to relax wag kayo magharutan ah para pa naman kayong mga bakla hahaha."
"Mana sayo Coach."
"Urur!" pang-aasar ni Coach.
Hahahaha at ayun na nga umalis na si Coach whooooo to be honest kinakabahan ako hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko, kinakabahan lang ako.
Matawagan nga si A.C
*Ring Ring ring ring*
"CL!!!"
Makasigaw naman to haha namiss din siguro ako nito.
"Hi AC! Musta na?"
"Buti naman naalala mo pa ako drama eno okay naman ako nakakaraos naman sa buhay Chos! hahaha uy goodluck pala mamaya sa game ah!"
"Kinakabahan nga ako eh."
"Oh bakit naman?"
"Hahaha wala lang syempre aminado naman kami na magaling team ang DU, lalo na si Kharl."
"Kaya mo yan CL ikaw pa don't worry ichecheer kita mamaya."
"Aasahan ko yan ah basta pag napansin mo ng kinakabahan ako palakasin mo loob ko ah."
"Sure naman! hahaha hug pa kita gusto mo?"
"Kiss nalang"
"Raulo mo hahaha!!"
"Manood ka mamaya ah I'm counting on you."
"Opo manonood ako matitiis ko ba namang hindi panoorin ang close friend ko."
"Yun oh! hahaha gawa kang banner ah lagay mo dun "Icqhuaw lh4n6 shz4p4t nhU4h (ikaw lang sapat na)"
"Baka bhoxzs yan!"
"Hahahaha sige na I'll hung up na magiistretching pa kami see you later.!"
"Napagaan ko naman ba ang pakiramdam mo?"
"Oo naman ang sarap nga sa pandinig ng boses mo eh."
"Basketball player ka nga BOLERO!"
"HAHAHHAA sige bye AC! mwah."
With that I ended our conversation. Wew! kahit papaano nawala ang kaba ko sarap kasi kausap ni AC sarap pakinggan ng boses nya nakakarelax, nakakainlove.
What did I say?!!
"Hoy Lex!! tulala ka nanaman dyan! tawag na tayo ni captain oh ."
"Sorry hahha masaya lang tara stretching na ilang minutes nalang ba bago tayo?"
" 5 minutes na lang."
Andito kami sa may left bench ng Gym on court ngayon ang New East College at Willford University lamang ang NEC ng 6 points . Last 2 minutes na.
" Wooahhhhh!! last 2 minutes na! kaya natin to guys! tiwala lang."
"Oo naman basta Frank, Jay, Lex pag free yung 3-point line ni Francis alam nyo na gagawin."
"Yes Coach!"
"Team pray muna tayo."
Bago maglaro nagdasal muna kami syempre hindi namin masasabi kung may maiinjured man ganyan talaga sa basketball uso pisikalan. Kailangan pa din namin ng bless ni God para sa larong ito nga pala nakalimutan kong sabihin Pastor si Coach . Oo Born-Again Christian sya astig diba?
"1,2,3 Black Thunders!!"
Althea's POV
Whooooooooo I'm not expecting na ganitong kadaming tao ang manonood ng game ngayon! Halos mapipi na nga kami ni Say makapunta lang sa bandang unahan may nakaaway pa nga kami eh paano ba naman ayaw magpadaan feeling nya sa kanya yung Gym imbierna. Tapos na yung game ng New East College at Wiilford University nanalo daw NEC. Agad kong hinanap si CL nangako kasi ako sakanya na ichicheer ko sya. Patuloy ako sa paglingon dahil nga sa hinahanap ko si CL pero paglingon ko hindi naman si CL ang nahagip ng mata ko.Paano ba naman imbis na si CL ang makita ko si Francis pa ang nakita ko Oh no di lang nakita nakipagtitigan pa sa akin. Ano problema nito bakit nakabusangot mukha nito?
"Nice Chien titigan mo pa."
"Woy! di ko sya tinititigan noh! He's the first one to stare"
"Hindi mo sya mahuhuling nakatitig sayo kung di mo sya tinitignan."
"Ewan sayo! hanapin mo nalang si Kevin I'm sure andito yung pinopormhan nun hahaha ano ka ngayon?"
"Your so mean Chien! sige patayin mo pa puso ko salbahe ka humanda ka sakin mamaya ipapakiss kita kay Kharl."
"Never pa ako nahalikan nun."
"Weh?! Lelang mo!"
"Oo nga!!"
"KYAAAAAAAAAAAHHH!!!! GO JERSEY NO. 6 SHINNNNNNNNNNNNN!!!"
Nakakabinging sigawan naman! Nakita lang si Francis ganyan na ang reaksyon ano ba ikinaiingay nitong.........
Whoooooahhhhh damn it! ang hot nga nya sa jersey nya!! Taas taas pa ang buhok nya at medyo wet look shitbrix no doubt nagdedelihiryo tong girls sa lalaking to.
"Oh panyo oh, laway mo natulo na."
"Epal!"
"GO BIEN UNIVERSITY!! BLACK THUNDERS BLACK THUNDERS!!"
"SY!!! MARRY ME!!"
"Wala ka pala eh hahahaha weak weak." pang-aasar ko sakanya.
"Shut-up Chien di lang ako desperada."
"Hahahahahha weak!"
*Prrrrrrrrrrrrrrrrttttttttttttttttttttt!!!!*
Hala start na pala!
Kasama pala sa first five ng Damian University si Kharl nakatingin sya dito sa place namin ni Say alam naman natin kung sino ang tinitignan nyan . Baka si Say nagkunwari akong di ko sya nakikita kahit alam ko na nakikita ko sya with the use of my peripheral vision.
Sa Bien University naman ang first five ay sina CL, Jay,Kevin,Frank at Francis Gosh ang gagwapo nila bihira nalang yung ganito ang gwapo na magagaling pa magbasketball. Sa kabilang team kasi si Kharl lang ang gwapo. Oh don't get me wrong walang malisya yun.
Jump Ball
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!"
Dumadagundong ang sigawan dito sa Gym pati kami ni Say nakikisigaw na din kasama naman namin ang blockmates namin remember yung exemption sa prelim hahaha. Nakuha ng Damian University ang bola bali ang nagbabantay kay Kharl ay si Francis mas matangakad ng kaonti si Kharl. Nasa team mate ni Kharl yung bola nag bibilis nila gumalaw nahihilo ako hahaha.
"Lopez for three!!!!"
Whoaahhhh naka 3 points si Kharl bakit di ko napansin yun .
"Shin for three!!"
Yun! naka 3 points din si Francis ang galing nya magbasketball actually halos lahat naman sila
Hindi ko ineexpect na ganito sya kagaling maglaro, nakakatuwa lang . Na kay Kevin naman ang bola ngayon ang tatangkad ng players ng DU mas matangkad yung nagbabantay kay Kevin patay natrap na sya OMG what to do?
"Sy for threeee!!!"
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!! WE LOVE YOU SY!!"
OMG hindi ko napansin na nasa 3-point line si CL mas lalo syang gumagwapo pag seryoso sya, napangiti ako dun napansin ko namang tumingin sya sa pwesto namin nginitian nya ako kaya naman nginitian ko din sya.
"OMG Faith !! nginitian ako ni Lexus!! I'm gonna die!!"
Kahit ako yung nginitian nya ate? Feeler lang po hano?
*Pffffffffffffffffffffffffftttttttttttt!*
"Foul jersey no. 2!"
Eh? si Francis yun ah! bakit nafoul to? Dahil nga nafouled si Francis nagfree throw si Kharl. Magaling din magbasketball si Kharl first love nya to eh.
First attempt of free throw
Shoot!
Second attempt
Shoot!!
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh ang galing galing mo Lopez!! akin ka nalang!!"
Lamang ng 4 points ang Damian University 16-20 first quarter pa lang naman. Parang halos lahat ng score galing kay Kharl ano to pabibo? tsss nagpatawag muna ng time-out si Coach Orly.
Mama calling
Eh?! bakit tumatawag si Mommy?
"Say wait lang labas muna ako tumatawag si Mommy eh baka emergency."
"Sige bumalik ka ah."
I just nodded while I was walking feeling ko may nakatingin sa akin, napatingin tuloy ako and I was surprised because hindi lang isa ang nakatingin sa akin 3! Francis, CL and Kharl are looking at me what the heck?!I just ignored them ganda ko eno? Malay mo hindi naman ako yung tinitigan nila napahiya pa ako.Andito na ako sa labas ng gym ang ingay kasi doon
"Hello Myt.."
"Althea.."
"Mommy anong nangyari?"
"HAHAHAHA wala naman namimiss ka lang ni Mama"
"Hindi nakakatuwa My ah! akala ko kung ano ng nangyari sa inyo dyan!!"
"Sorry hahha! asan ka ba bakit parang ang ingay"
"Nasa gym kasi po ako nanood ng basketball eh tumawag ka eh di lumabas ako ."
"Sino kalaban?"
"Damian University"
"Yieee andyan si Kharl ano?"
"Shut-up Mom!"
"Hahahaha umuwi ka ng maaga andito sina Granny ."
"Kyaaaaaaaaaaah!! Talaga?!! bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Nagtatanong ka ba?"
"Hahaha sige na My, baka matapos na yung game pasabi kanila Granny I miss them na byeeeeeee."
Kyaaaaaaaaaaahhhhhhhh!! Granny's back! Granny is my grandfather , Daddy siya ni Mommy close na close ko kasi yun kaya ganito reaksyon ko masyado ako overwhelmed I can't wait to see them.
Inside the Gym
Andito na ako sa loob ng gym tsssssss siksikan nanaman ayoko na nga pumunta dun sa harap text ko nalang si Say na dito ako sa taas banda.
"Kanina pa naggigitgitan sina Francis at Kharl ah ano kayang meron?"
Eh? nawala lang ako may ganoong portion na?
"Last two minutes!!"
Last two minutes na pala sino ba lamang?
87-87
Naknang pating naman tabla? OMG! Nasteel ng kateam mate ni Kharl yung bola kay Frank
Pinasa yung bola kay Kharl
Bakit ganyan itsura ni Francis parang...
parang...
NANGIGIGIL?
56.7 seconds nalang
Natataranta na ang mga tao dito lalo na ang fans ng Bien University pati na din ako. Pawis na pawis na sila at parang pagod na pagod na din ang players ng bawat team.
Shoshoot na sana si Kharl ng..
Tinapal sya ni Francis
"Go Francis!!" sigaw ko.
Eh? Bakit ba ako sumigaw? Yaan mo na nga di naman nya maririnig yun eh sa dinami dami ba naman ng nagchecheer sa kanya. Patuloy sa pagtakbo si Francis na ngayon naman ay naka
25.5 seconds nalang nakay Francis yung bola eh sobra ang bantay sa kanya ni Kharl ganoon din ang kateam mate nila ano kaya ang gagawin ni Francis?
Shocks! bakit pati ako kinakabahan?
15.8 Seconds nalang.
"ISHOOT MO NA YAN!!" dahil sa taranta ko napasigaw tuloy ako.
What have I done..
Napatingin si Francis sa pwesto at...
Ngumiti sya..
10
9
8
7
6
5
Parang nagslow motion ang buong paligid sa Gym natahimik ang tanging naririnig ko na lang ay yung tunog ng bola na hinagis ni Francis.
4
3
2
PASOK!!
*ENGKKKKKKKKKKKKKKKKKK*
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"
Wow! panalo kami! akalain mo yun! nag fade away shot pa si Francis luckily pumasok pa to ang saya! panalo team namin . Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa napanood ko.
Major turn of ko kasi yung lalaking magaling magbasketball.
"Good job guys!!!!" sabi ni Coach Orly.
Andito pa din ako sa taas ayoko muna bumaba dinudumog pa sila eh. Aalis na sana ako ng..
"Althea.."
Huh? sino yung tumawag sa akin?
Paglingon ko..
"Francis?"
He just smiled to me and said
"Thank you."
Eh? ano ba ginawa ko?? Don't tell me narinig nya shocks!
Nakakahiya!!!
----
A/N
Ano po masasabi nyo? Hahahaha salamat uli sa mga nagbabasa nito Please don't forget to vote at kung may comments man kayo I'm open to it.
chicsniHRM©2014