FLORANTE AT LAURA SCRIPT

By JVNH0E

310K 1.1K 222

"This is a script for our play "Florante at Laura"" Soft copy : https://docs.google.com/document/d/1bSw3bbpF... More

Scene 1
Scene 2
Scene 3
Scene 4
Scene 5
Scene 6
Scene 7
Scene 8
WANT A SOFT COPY?

Scene 9

27.9K 105 25
By JVNH0E

Scene 9: Muli, sa Isang Madilim na Gubat

Narrator: Inilabas na ng piitan si Florante at idinala na siya sa madilim na gubat at iginapos sa puno ng higera. At si Florante ay iniwan sa gubat.

Florante: Diyos ko, anong uri ng kalupitan ang parusang ito!

Narrator: Parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong libingan na ang tanging maririnig ay huni ng ibon at mumunting hayop. Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang kanyang ama ay wala na, si Menandro ay walang kaalam alam na naiwan sa Etolya at si Laura ay nasa kapangyarihan ng malupit na Konde.

Florante: Laura, o aking Laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na ito'y wala akong makitang pag-asa.

Narrator: Lumipas ang magdamag na di halos namalayan ni Florante. Isang pikit man ay di makatulog. Sa kabila ng nanghihinang katawan ay pinipilit paring makatakas subalit wala siyang magawa. Samantala sa kabilang panig isang girero ang ....

Aladin: Napakadilim ng gubat na ito. Dito muna ako magpapalipas ng pagod.

*lions are attacking Florante*

Florante: Saklolo!

Aladin: Sino kaya iyon? Humuhingi ng tulong. Sandali lang.... nasapanganib siya.

*Aladin kills the lions*

Florante: Si-sino ka? Ang kasuotan mo'y nagpapahiwatig ng Moro!

Aladin: Huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong Moro na kaaway ng iyong lahi, subalit ngunit sa pagkakataong ito'y tao rin ako na may puso at damdamin.

Florante: Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin.

Aladin: Walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo na ligtas na pook. Kaibigan may natira pa akong pagkain. Heto kumain ka na. Alam kung gutom na gutom kana.

Florante: Salamat sa pagkain.

Narrator: Naging palagay ang loob ni Florante sa Girerong Moro. Naubos niya ang tinapay at nakatulog.

Aladin: Huwag kang mag alala kaibigan, babantayan kita magdamag!

Narrator: Sa pangambang baka masila ng mabangis na hayop binantayan ng Moro si Florante hanggang ito'y magising.

Florante: Hindi ka natulog? Kay buti mo, hindi ko malaman kung paano kita pasalamatan.

Aladin: Kaibigan, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nagkaganito ka?

Florante: Kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula sa kamusmusan.

Narrator: Isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata hanggang lumaki, ang mga nangyari sa kanya, at kung paano siya nakapunta sa gubat.

Florante: At sa tuwing maaalala ko si Laura ay halos mawalan ako ng diwa.

Aladin: Masalimuot pala ang pinagdaanan ng iyong buhay, Florante.

Florante: At sa maraming digmaan sinuungan ko'y isa na si Heneral Osmalik sa aking nagapi, na ayon sa balita ay siyang pangalawa sa tapang ni Aladin!

Aladin: Huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dagdag.

Florante: At ayon pa nga sa balita ay walang kasing bangis si Aladin.

Aladin: Yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggan mo naman ang aking kapalaran.

Florante: Ikaliligaya kong mabatid kaibigan.

Aladin: Florante, ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay.... ako.

Florante: I-ikaw?

Aladin: Ako nga, Florante, si Aladin, na katulad mo isa ring sawi.

Florante: Diyata't ang kaharap ko'y ang kilabot na mandirigma ng Persiya.

Aladin: Ang akin namang kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang umagaw sa mahal kong si Flerida.

Narrator: Isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. Pati narin ang dahilan ng alitan nilang mag ama.

Aladin: Papakasalan ko dapat ang aking irog, si Flerida. Ngunit, ang hindi ko alam, nais rin pala ng aking ama ang minamahal kong Flerida. Pagbalik ko galing sa isang giyera, ako'y kinulong ng aking ama! Pinalaya niya ako subalit hindi na ako maaaring bumalik sa Persia kundi ako ay papatayin.

Narrator: Samantala sa kabilang banda sa etolya....

Menandro: Mukhang nagkakasiyahan kayo.

Kawal: May liham galing kay binibining Laura!

Menandro: Kay Laura? Tama nga ang aking hinala. Mga kawal, maghanda kayo ngayun din at lulusob tayo sa Albanya.

Narrator: At ng sila'y makarating sa kaharian ng Albanya...

Menandro: Sugod, mga kawal! Patayin ang mga taksil

Narrator: Habang nagkakagulo ang mga tao sa Albanya, tumakas si Adolfo kamasa si Laura.

Adolfo: Magiging akin ka ngayon!

Laura: Bitiwan mo ako! Halimaw!

Flerida: Bitiwan mo siya. Nilalang, isa kang halimaw! Ito ang nababagay sa iyo.

*Flerida shot Adolfo in the heart with a bow and arrow*

Laura: Maraming salamat. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?

Flerida: Ako ay si Flerida.

Laura: Maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni Adolfo ang kanyang masamang balak. Siya nga pala, ako pala si Laura.

Narrator: Nagpalagayang loob ang dalawang dalaga at sanhi narin ng pangyayari isinalaysay nilang pareho ang kani kanilang karanasan bago ang pagkakataong iyon.

Aladin: At ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi...

Florante: Hintay. Wala ka bang naririninig?

Aladin: Oo nga! Tena at ating pakinggan!

Flerida: Subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng sultan. Ninais ko pang magpakamatay ngunit paano si Aladin? Hanggang sa maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang kaparangan at kabundukan hanggang marating ko ang kagubatan at...

Laura: Isa ka rin palang sawing nalayo sa iyong tunay na minamahal.

Florante: Diyata't si Laura ang narinig ko!.

Aladin: At kasama niya ang muyta kong si Flerida.

Florante: Laura! O aking Laura!

Laura: Florante!

Aladin: Flerida!

Flerida: Aladin!

Narrator: Walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang madawag na gubat na iyon ay naging paraiso.

Laura: O Florante, mula ng lumisan ka ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.

Florante: Gulo? Anong gulo ang naganap, mahal kong Laura?

Narrator: Sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. ikinuwento ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang siya ay nakikipag digma sa Etolya. Ang hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aladin ang...

Aladin: Teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.

Florante: Oo nga! Dali! Magsipag kubli tayo!

Narrator: At mula sa kanilang pinagkukublihan, ay ito ang kanilang nakita.....

Florante: Teka, tila namumukaan ko ang nangunguna. Oo nga, si Menandro!

Menandro: Florante! Oh kaibigang Florante, ang akala ko'y hindi na tayo magkikita!

Florante: Menandro, salamat, salamat sa pagdatin niyo.

Menandro: Pagkaalis mo'y isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura, doon ko nabatid ang inilaang patibong ni Adolfo para sayo. Hindi ako nag aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo at noon din ay sinalakay namin ang Albanya. At hindi kami na bigo, naibagsak namin ang mga kabig ni Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit hindi ko kayop matagpuan.

Laura: Kasalukuyan akong itinatakas a palasyo ng itakas ako't dalhin ni Adolfo sa gubat at dito ako nakita ni Flerida. Na siyang nagligtas sa akin.

Menandro: Kay ganda ng pagkakataon ngayon, wala ng liligalig sa bayan ng Albanya!

Kawal: Mabuhay si Florante! Mabuhay si prinsesa Laura!

Narrator: At nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik sa Albanya. Gayon na lamang kanilang kagalakan ng matanaw na nila ang Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay sinalubong sila ng di magkamayaw ng mga mamamayan.

Mamamayan sa Albanya: Mabuhay ang bagong hari, mabuhay sina Florante at Laura.

Narrator: At di naglipat araw ang dalawang puso ay pinag tali, sina Florante at Laura, Aladin at Flerida. Pagkatapos ng malaking pigging sa palasyo ay nagpaalam na sina Aladin at Flerida.

Aladin: Paalam na Florante, Laura, hanggang sa muli nating pagkikita

Florante: Pagpalain kayo ni Bathala, Aladin, Flerida.

Narrator: At si Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng kaharian, malaki ang isinulong ng Albanya. Magbuhat noon ay di na humiwalay sa kanila ang kaligayahan.  

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 370 33
Someone said that it was magic when two people fall in love. Toni fell in love with Lorenz in the right place but would it be a wrong time? What wou...
1.3M 58.9K 105
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
107K 2.6K 76
and those unspoken words I'll turn them into poetry [Disclaimer: I published this around 6th and 7th grade so expect some cringe content] All Rights...