JASMINE'S POV
*knock* * knock*
Nagising ako nang may kumatok sa pinto kaya bumangon muna ako
Tapos binuksan ang pinto
May nakita akong bulaklak
" teka ito yung paborito kong bulaklak ah" sabi ko tapos kinuha yun
May nahulog na papel kaya pinulot ko ito
Nakasulat dun
You are the one who broke my heart
You are the reason why my world fell apart
You are the one who made me cry
Yet I'm still inlove with you and I dont know why😍
Sino kaya toh
Tinignan ko muna kung may tao ba pero wala naman
" salamat" bulong ko
Tapos pumasok ako balik and nilagay ko sa vase ang bulaklak
Tapos naligo muna ako
After 12 years ay natapos na ako sa morning routine ko kaya lumabas muna ako nang kwarto ko
" good morning " may narining ako na boses kaya napa lingon ako kung sino yun
" good morning din, kookie" bati ko kay jungkook
" saan natulog si yoongi hyung, hindi ko siya katabi kagabi eh" sabi niya
Tapos napaisip naman ako
Saan nga ba natulog si yoongi
" samahan mo ako, pero wag kang maingay ha" sabi ko tapos nag nod naman siya
nagtungo kami sa kwarto ni sofia
Tapos dahan dahan naming binuksan ito
Pumasok kami sa loob at laking gulat namin na mag katabi ang dalawa
" naku nilalanggam ako" bulong ko
" oo nga" sagot naman ni jungkook
Lumabas muna si jungkook para tawagin ang iba
Tapos ilang sandali lang ay nagsipasukan na sila
" ahh ang sayang tignan" bulong ni juliana
" uyy wag kang magseselos ha" siniko ko si myungsoo na titig na titig sa dalawa
" ha tanggap ko naman eh, alam ko na kung saan ang patutunguan nito storya na ito" sabi niya tapos nag pout
Hinila ko siya palabas tapos pinaupo ko muna siya sa couch and tumabi ako sakanya
" ayos ka lang " tanong ko sakanya
Tapos nag nod siya at ngumiti
Napabuntong hininga naman ako
" the worst kind of pain is when your smiling just to stop the tears from falling" sabi ko sakanya at hinug siya
" darating din ang tamang babae para sayo" sabi ko ulit sakanya
Para ko nang kapatid si myungsoo
Dahil nga sa magkakabata kami nila sofia
At alam ko din na may gusto siya kay sofia dati pa
Bigla namang nag ring ang phone ko
Joohyuk calling....
" teka sasagutin ko lang toh" pag papaalam ko sakanya
Tapos lumabas nang bahay
TAEHYUNG'S POV
matapos naming tignan kung nasaan si yoongi hyung
Ay lumabas ako nang kwarto ni sofia at nagtungo sa labas nang bahay
Nakita ko si jasmine
May kausap siya sa kabilang linya
At mukhang si joohyuk atah kausap niya
Nakangiti siya
Masakit isipin na masaya na siya sa iba
Habang ako ganito parin dahil sa kanya
KAsalanan ko naman din toh eh
Dapat may ginawa ako noon
Dapat inalam ko ang problema namin kung bakit niya ako iniiwasan
Simpleng problema lang yun eh
Kung nagawan ko yun nang paraan edi sana kami na
Edi sana masaya na kami ngayon sa isat isa
Aayusin ko tong problemang toh
Babawiin ko ang akin
Akin lang siya
SOFIA'S POV
nagising ako nang naramdaman kong may nakatingin saakin
" tapos mo na bang pagnasaan ang mukha ko" sabi ko tapos iminulat ko ang aking mga mata
" uyy Line ko yan ah , dapat ako ang magsabi sayo niyan" sabi niya saakin tapos nagkatitigan kami
" ang sabi ko pwede mo akong pagnasaan kahit kelan mo gusto , pero hindi ko sinabing hawakan mo ang katawan ko" dun ko na narealize na yung kamay ko pala ay nandun sa chest niya tapos yung isa naka akap sakanya
Tinaasan niya ako nang kilay
Kaya bumitaw ako agad tapos bumangon
" maliligo na ako" sabi ko
Bigla niya akong hinila pabalik
At napahiga ako
" 5 more minutes please" sabi niya
" hoy alam mo ba kung anong oras na, atsaka pupunta pa ako sa company ni dad , dahil dun na ako magtratrabaho" sabi ko sakanya
" okay , sabay nalang tayo" sabi niya saakin tapos napakunot naman ang noo ko
" why?" Tanong ko
" basta , go maligo kana" sabi niya tapos itinulak ako
" teka nga" tumayo ako tapos inilapat ang aking kamay sa kanyang noo
" o sige maligo kana , wala ka nang lagnat" sabi ko tapos akma ko nang tatanggalin ang kamay ko nang bigla niya itong hinawakan tapos hinalakan
Nag init naman ang pisnge ko
" oh bat ka namumula, kinikilig ka noh" pang asar niya saakin
" psh tumahimik ka nga, asa kapa " sabi ko at inirapan siya
YOONGI'S POV
aba nang iirap na pala tong babaeng toh ah
Pero ang cute niyang asarin
Pumasok na siya nang cr
At ako naman lumabas na nang kwarto niya at nagtungo sa kwarto ni jungkook
Mabuti nalang wala si jungkook doon
Kundi ma ho-hot seat na naman ako neto sa sobrang daming tanong
Iniisip ko na sana maalala na ni sofia
Sana maaalala na niya ako
Hindi ako mawawalan nang pag-asa na makakalala pa siya
Maghihintay ako
Waiting is the best thing you can do to get what you deserve
Always think this thought
" everything has a perfect timing"
Maghihintay ako sakanya
Isasakripisyo ko ang oras ko para sakanya
Makaligo nga muna
JASMINE'S POV
pagkatapos naming mag usap ni joohyuk ay nagtungo ako sa kusina
At nakitang naka upo doon si andrea
Tumabi ako sakanya
" kumusta tulog" sabi niya saakin
" okay lang naman, nga pala kayo na ba ni jimin" tanong ko
" something like that" ha ano daw
asus kung sabihin nalang na oo
" ikaw , okay na ba kayo ni taehyung" nabigla naman ako sa tanong niya
" ah oo okay naman na kami, naka move on na kaya ako" sabi ko tapos umiwas nang tingin sakanya
" hindi mo masasabing naka move-on kana
Kung sa simpleng bigkas ko palang sa pangalan niya
Ay apektado't nasasaktan kapa" sabi niya tapos inirapan ako
" kailangan ko nang tanggapin ang lahat na hindi na maibabalik ang dati
Kasi nung nawala ako siguro di yun naging kawalan sakanya
Di rin yun nakaapekto sakanya
Pero gusto ko lang malaman niya na malungkot ako
Bakit? Kasi wala man lang siyang ginawa , hinayaan niya lang akong mawala" sabi ko
" wow bes hugot yun ah " pang asar ni andrea
" pero bes alam mo mahirap talagang kalimutan ang taong naging bahagi nang iyong nakaraan
Pinipilit mo pero di mo talaga siya makalimutan
Sabi nang isip mo " kaya mo yan"
Pero ang palaging bulong nang puso mo
Di ba talaga pwedeng ibalik nalang?" Sagot niya saakin
Tapos yinakap ako
" wag ka ngang oA isa ka parin eh humugot pa" sabi ko tapos binatukan siya
" hoy kanina pa kayo hugot nang hugot dyan ah" may nagsalita sa likod kaya napalingon kami
Ah si sofia pala
Humanda ka saamin ngayon
" buti nga kami humuhugot lang , eh yung iba nga dyan sinamahan pa niyang makatulog" pang asar namin ni andrea kay sofia
" magsitigil nga kayo, inalagaan ko lang siya , yun lang yun" sabi niya tapos umupo sa tabi ko
" so magdamag mo siyang inalagaan hanggang sa tumabi ka na talaga sakanya" tanong ko tapos tinaasan siya nang kilay
" gusto mong mabatukan" pagbabanta niya
" oh tatahimik na nga pero kung babatukan mo ako, humanda ka na lang" sabi ko tapos nagtawanan naman kaming tatlo
" oh sofia tara na" si yoongi yun
" saan kayo pupunta" tanong ni andrea
" pupunta ako sa company ni dad, tapos sabi niya sasamahan niya daw ako eh"sabi niya tapos nag kibit balikat
Napatawa naman kami ni andrea
Normal sasamahan ka niya
Eh company niyong dalawa yun eh
" sige alis na kami" paalam niya tapos nag wave
SOFIA'S POV
kinain kami nang katahimikan sa loob nang kotse ni yoongi
" ahm sofia pwede bang manghingi nang advice" biglang nagsalita si yoongi
" para saan" tanong ko naman
" para sa pag-ibig" sagot niya
" anong tingin mo saakin nag aadvice nang mga bigo sa pag ibig" sabi ko
" sige na " pinilit niya naman ako kaya pumayag na ako
" ano ba kasi yun" - ako
" may mahal kasi akong babae tapos hindi na niya ako maalala , at pinipilit ko na mahalin niya ako , tama ba yung desisyon ko?" Tanong niya
Bigla namang kumirot yung puso ko nang marinig ko yung problema niya
So hindi niya pala talaga ako mahal
Dahil may mahal siyang iba
" dont force someone to love you
Instead let her perfectly fall for you
cause its nicer to let the gravity do the motion
Than to grab affection without attraction" simple kong sagot sakanya
" ang sabi ko advice , hindi about science" sagot niya at nagtawanan naman kaming dalawa
After 2 years ay nakarating na kami sa company ni dad
At lumabas na ako nang kotse
Teka
LEE & MIN'S COMPANY
Nagulat naman ako sa pangalan nang company
Eh dati lee lang toh
Bat may min na
Tumingin naman ako sa deriksyon ni yoongi at nginitian niya ako
And he mouthed
" surprise"
Pumasok na kami sa loob at lahat nang nakakasalubong namin ay nag bibigay galang
Weird
Nagtungo kami sa office ni dad
At pagpasoko ay binati ko agad siya
" dad" sigaw ko at tumakbo ako papalapit sakanya then yinakap siya
" oh hey princess, how are you" tanong niya
" im okay dad" sabi ko
Tapos kumawala na ako sa pag kakaakap sakanya
Nagulat naman ako na yinakap din ni dad si yoongi tapos tinap yung ulo niya
" son , pwede mo bang ipasyal muna dito si sofia, may gagawin lang ako saglit " sabi ni dad
At ano daw son?
" okay po dad" sagot ni yoongi
At hinawakan niya yung kamay ko
Naglakad lakad naman kami ni yoongi
" so dahil dito kaya tayo kinasal" tanong ko sakanya
At tumango naman siya
" sunshine" may sumigaw na lalaki at tumakbo papalapit saakinthen yinakap ako
Sino toh
" hep hep , wag ka ngang lalapit sa kanya" itinulak ni yoongi yung lalaki at hinawakan niya yung kamay ko
May biglang akong naalala
" sky?" Tanong ko then tinignan yung lalaki
" naalala mo siya" tanong ni yoongi
" I dont know, basta naalala ko lang yung pangalan niya" sabi ko
" ako nga toh si sky, yung bestfriend mo , yung dahilan kung bakit ka nasugatan sa may park" sabi niya
Ahh so siya pala yun yung napanaginipan ko
Na lalaki na kasama ko sa may park
Habang ginagamkt yung sugat ko
" ahh sorry ha , nakalimutan ko kasi" sabi ko tapos nagkamot nang ulo
" okay lang yun alam ko naman na may amnesia ka, sinabi na nila andrea" sabi niya tapos nginitian niya ako
" ang cute mo naman " sabi ko then I pinched his cheek
Bigla namang hinigit ni yoongi yung kamay ko
" so nagkita na pala kayo nang secretary ko" biglang sumulpot si dad
" secretary mo siya dad?" Tanong ni yoongi
" yeah , ni recomend nang friends niyo si bambam, tapos sabi nila na kaibigan daw ni sofia toh , kaya kinuha ko siya bilang secretary ko" sabi ni dad
" ahh mabuti naman" sabi ko
" so halika na anak, ipapakita ko sayo ang office mo" sabi niya
Tapos sumunod naman ako sakanya
Pumasok kami sa isang opisina na kulay black and white
" wow dad , I like the color" saad ko
" hindi ako ang pumili niyan" sabi ni dad
" eh sino " tanong ko
" si yoongi" sagot naman niya
Tapos tinig nan ko si yoongi then nag smile naman siya
" teka maiwan ko muna kayo, son ikaw na bahala sa kanya ha" sabi ni dad at lumabas nang office sumunod naman si bambam sakanya
" how did you know my favorite color?" Tanong ko kay yoongi
" coz its my favorite color too" saad niya
" so eto yung desk mo tapos , nandun yung desk ko" saad niya at tinuro yung desk sa may bandang kanan ko
What pareho kami nang office
No way
Maiilang ako
Baka di ako makapag concentrate sa pagtratrabaho
" so are you ready babe" saad niya at kinindatan ako
Yan na nga ba ang sinasabi ko
Kaya ayaw kong pareho kami nang office dahil
Na didistract ako sa mga gummy smile na yan eh
yoongi naman eh
Please tigilan mo na ang pagpapacute natatamaan ako
kakayanin ko toh
kailangan kong balewalain siya kapag nagtratrabaho na kami
Kaya ko to
FIGHTING
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
End of chapter 33
Hope you like this chapter
2000 words kaya toh
Nangangalay na yung kamay ko sa kakatype