Ikaw (One-shot story)

By SeeMyEyes

4.5K 181 47

Tiwala lang, magiging kayo rin. More

Ikaw (One-shot story)

4.5K 181 47
By SeeMyEyes

Ikaw

“Haay, ang gwapo gwapo mo talaga.”

“Hoy Kathleen! Ayan ka na naman, tigil tigilan mo nga yan. Try mong maligo na.”

“Osige!”

Panira talaga ng trip itong si Reccia, minsan ko na nga lang gawin to eh. Oo nga pala, kung tinatanong niyo kung ano ginagawa ko eh tinitignan ko lang yung picture ng crush ko na si Ramon. Makaluma pangalan no? Pero ayos lang, gwapo naman eh.

Nakilala ko siya nung matatapos na ang school year way back in high school. Fourth year ako then siya naman ay third year. At dahil medyo late ang JS Prom namin, doon ko siya nakilala dahil siya ang partner ko. Hindi niya ako tinanong, sadyang lahat dapat ay may partner kaya ang ginawa by class number. Swerte ko nga eh, ang gwapo niya.

Naalala ko pa nga yung kalokohan ng mga kasama ko nung bago pa kami grumaduate. Tuwing nakakasalubong or nakikita namin siya.

“Kathleen! Si Ramon oh!”

“Huwag kayong maingay! Baka marinig, hindi pa matuloy balak ko.”

HAHA, pag naalala ko ang balak ko na makipag close sakanya eh natatawa na lang ako. Eh kasi naman parang  imposibleng mangyari kasi parang suplado. Lalo na nung mismong JS namin mismo, hindi man lang ako kinausap.

Naalala ko rin nung nag meet kami bago yun, parang getting to know your partner. Napagtripan siya ng mga kasama namin sa table kasi nga ang tahimik niya. Kaya iyon, yung classmate kong si Jonah eh tinanong siya.

“May girlfriend ka ba?”

“Wala.”

Tae, umaasa ako nun na baka pwede kami. Kasi single siya then ako rin. Pero nabasa ko sa Facebook niya na yung status niya eh in a relationship tapos doon sa about me niya eh I’m in love with toot. Sakit lang nun. HAHA Pero ayos lang, mag bebreak din dila. >:D

“Hoy Kath, naka ayos ka na ba? Tara na, malate pa tayo. First day na first day eh.”

“Wait lang, eto naman oh. Ang atat mo.”

Ang aga pa lang kaya, sa katunayan eh 6:30 pa lang at walking distance lang ang university na papasukan namin. Pero excited na ako! Raradar na naman kami eh, for sure daming gwapo na bago.

So kanina pa akong dada ng dada dito. Hindi niyo pa naman ako kilala except for my name, I’m Kathleen Ramos a second year college student taking up Accountancy in UST. Yeah, second year na ako it’s been a year mula nung huli ko siyang nakita. Wala na nga akong balita sakanya eh. Pero yae na.

“Uy Kath! Kita mo yun? Yung nakablack na matangkad? Ang gwapo niya! Kabuilding mo pa ata.”

“Wait… Si Ramon ko yun ah!”

“Maka Ramon ko ka naman eh parang iyo siya ah.”

“Hindi naman masama ah! Hindi naman niya alam.”

“Kfine, geh una na ako. Kita na lang tayo mamaya.”

Mag-kaiba kasi kami ng course kaya babush muna siya. Pero syet! Naeexcite na ako! Nagkita na ulit kami. May bago kaya sakanya? Single na ba siya? Haaay, sana naman.*cross finger*

“Araay!”

“Ay miss, sorry! Hindi ko sinasadya. Wait Kathleen, ikaw ba yan?”

“Ramon?”

“Yes! Sorry talaga ha? Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh.”

“Osige, basta mag ingat ka na lang next time. Bye!”

“Wait! Aalis ka na agad? Hindi mo man lang ba ako itotour?”

“Wow, tour guide ba ako te? Tsaka baka malate na ako oh, mag 7 na. First class ko.”

“Osige, number mo na lang. In case na mawala ako eh may macontact ako. Ikaw lang kasi kilala ko eh.”

Binigay ko naman number ko, syempre naman! Sa wakas, may chance na maging close kami. Ang tagal ko rin itong pinangarap no! Ngayon lang nagkachance.

After na class ko eh lumabas na ako. Malamang, anong gagawin ko dun. May gala mga classmates ko, eh ako naman hindi makakasama kasi tinatamad ako. Wala namang bago eh. Chos Wait may nagvibrate, cellphone ko malamang.

From: +63915*******

Hi Kathleen! Ramon to, hintayin kita sa harap ng building ah? =)

Syet! Ano to? Liligawan na ba niya ako. A-S-A.

“Huy, kanina ka pa dyan?”

“Hindi naman, tara? Sabay na tayong kumain. Kaw lang talaga kilala ko dito eh.” Woshoo, aminin gusto mo lang ako makasama. HAHA

“Osige, doon na lang tayo sa Mcdo.”

Pumunta na kami sa Mcdo at libre daw niya ako. Kaya makapagtumblr muna sa BB ko. Then nabasa ko to, tae kinikilig ako! :””>

Psychological Fact

The person you can’t take off on your mind every now and then is the same person who secretly thinks of you always.

Eh kung totoo to eh bongga! HAHA Aba naman, baka may gusto na rin pala tong isa sa akin eh. Chos Nag aassume na naman ako. TSK

After naming kumain eh naghiwalay na kami. Buti na lang nag bye siya, muntik ko ng iuwi eh. Tapos pagpasok ko ba naman ng bahay eh biglang may sumigaw.

“HOY! Reccia! Nababaliw ka na ba?”

“Hindi! Natutuwa lang ako kasi yung crush ko eh nililigawan na ako!”

“Aba, you na!”

“Naman! Ganda ko syet!”

Umakyat na ako kasi naiinggit ako, matutulog na lang muna ko.  Tutal dahil kahit first day at maaga ang uwian naming eh napagod din ako. Sana bukas na lang ako magising. Hihihi

“Kath, gising na!”

“Ay kabayo! Ano ba?! Kailangang sumigaw talaga?”

“Hindi naman, alam ko kasing hindi ka gigising kung hindi kita sisigawan. :P”

“Ewan ko sayo!”

“HAHA! May nagtext nga pala sayo, kaw ha! Lumelevel up! :D”

Kinuha ko yung cellphone ko para malaman kung ano yung pinagsasabi ng isa na yun.  Siguraduhin niya lang na may nagtext talaga kung hindi sasapakin ko siya.

From: Ramon

Good morning! Kita na lang tayo mamaya. :D

“YAAH!”

“Sabi sayo eh, matutuwa ka!”

Naligo na ako after kong mabasa iyon, aba naman. Excited akong makita siya ulit. HAHA Parang hindi nagkita kahapon eh. Pero kinikilig talaga ako!  Lord, bigyan niyo naman ako ng sign kung magkakatuluyan ba kami or what.

“Hi!”

“Oh, aga mo naman.”

“Eh gusto na kasi kitang Makita ulit eh.”

“Ano kamo?”

“Ang sabi ko, gusto kong itour mo ako.”

“Sus, yun lang pala eh. Tara na!”

Inikot ko  siya sa buong university, buti na lang mamaya pang 9 ang class ko so nagawa ko yun. Kapagod yun ah, dami ko ngang naradaran eh. Pero sorry sila, mas type ko tong kasama ko. Hihihi

“Musta ka na nga pala? May boyfriend ka na ba?” Wala! Tagal mo kasing ligawan ako eh. Chos haha

“Ayos lang naman. Boyfriend? Wala ngang nanliligaw eh. Ikaw ba?”

“Ayos lang din naman. Wala din akong boyfriend. HAHA”

“Gagi, what I mean eh kung ikaw ba may girlfriend. Utak dre.”

“Wala. Kung hindi rin ikaw eh single na ako forever.”

“Anong binubulong mo dyan?”

“Wala. Ito naman kung anu ano iniisip.”

“Harhar. Eh bakit wala kang girlfriend? Ang gwapo mo kaya.”

“Eh ganoon talaga ang buhay, parang life.”

Iniwan ko na lang siya doon. Ang corny eh, tska mag start na rin ang first class ko. Ayokong malate no Dream ko pa naman maging cum laude.

“Kath! Balita ko close kayo ni Ramon ah?” Si Sofia nga pala, kablock and friend ko.

“Hindi, friends pa lang kami. Why?”

“Ilakad mo naman ako! Gusto kong maging kaclose eh.”

“Osure! Why not, sige mamaya sabay ka sa amin.”

“Thank you! Mwuah!”

After ng class namin and mahaba naman ang break eh sinama ko si Sofia sa akin. Tutal nasa labas na daw ng building si Ramon eh hindi na kami mahihirapan hanapin siya.

“Ramon!”

“Ui nandyan ka na pala, Who is she?”

“Si Sofia nga pala, friend ko. Sofia si Ramon.”

“Hi Ramon! Nice meeting you.”

“Same to you.” Then nagshake hands sila.

“Tara kain na tayo! Gutom na ako.” Banas naman, mukhang pag hindi ko sinabi yun eh hindi nila bibitawan yung kamay ng isa’t isa.

“Tara, treat ko kayo!”

“Thanks!” Sabay naming sabi ni Sofia.

Sa may KFC kami kumain tutal ayun yung pinaka malapit mula sa kinakatayuan namin. Thank God dahil konti ang tao, kasi kung hindi hahanap pa kami ng bagong kakain at take note, malayo ang next.

Umorder na si Ramon tutal libre naman niya. Tsaka tinatamad kaming dalawa ni Sofia. Hihihi Tamad ko talaga forever.

“Kath! Kinikilig ako promise! Thanks ha?”

“No problem. J”

“Ang gwapo niya talaga and ang soft na kamay niya.” Putek, eh kung tadyakan ko kaya to.

“Ewan.” Thank God ulit dahil tumahimik na tong babaita.

“Eto oh. Enjoy!”

“Thanks ulit Ramon ah? Pwedeng magtanong?” Sus ano naman kayang tatanungin nito.

“Ano yun?”

“May girlfriend ka na ba?” Aba, I smell something fishy. May balak pa atang agawan ko. Arrg.

“Wala eh, why?”

“Wala naman. Tara kain na tayo!”

After naming kumain eh bumalik na kami ni Sofia sa next class namin then si Ramon din. At alam niyo ba? Pagdating ba naman sa room eh pinagsisigaw na friends na daw sila ni Ramon. At yung mga kablock ko naman eh nakiusisa. BANAS.

Buti na lang at uwian na. Gusto ko na talaga silang layuan. Nababanas na kasi ako. Puro Ramon yung lumalabas sa bibig nila. TSK sikat na pala ang luko.

After a month eh lalong naging close na kami ni Ramon. Saya nga eh, pinakilala niya na ako sa parents niya. Parang girlfriend niya ako. Hihihi Sa bahay na nga nila yung tambayan naming para wala ng gastos. Hindi kasi pwede sa amin kasi magagalit for sure si Reccia.

Monday na naman at second week of July na. Eto yung panahon na nakakatamad ng mag aral. Gusto kong matulog kasi napuyat ako kakagawa ng project ko. Pero hindi ko magawa kasi maingay ang mga tao dito sa room. BANAS.

“Hi Kath! Pwedeng favor?”

“Osure, ano ba yun?”

“Pwede mo ba akong ilakad kay Ramon? Inlove na kasi ako talaga sa kanya?” WHAT?! Ang landi talaga! Siya pa ang may balak manligaw. Sarap ilublob sa kumukulong mantika. BANAS, sira na araw ko.

“A-ah, sige tignan ko kung kaya.”

“Salamat! May number ka ba niya?”

“Oo, why?”

“Pahingi nga.” Binigay ko sakanya kahit ayoko. No choice. Banas.

Tahimik lang ako buong mag hapon. Ni hindi nga ako lumabas ng room para kumain. Sabi ko kay Sofia siya na lang muna  ang sumabay kay Ramon. At pagbalik ba naman sa room eh kilig na kilig. Wala na sira na talaga araw ko.

Calling… Ramon

“Hello?”

“Ui, bat hindi ka sumabay kanina?”

“Busy kasi ako eh. Ui sorry pero pagod ako and inaantok na ako. Bye na.”

“Osige, good night. Bukas na lang.”

Pinatay ko na. Wala kasi ako sa mood makipag usap sa kanya eh. Nasasaktan ako, ewan ko ba. Pero ngayon ko lang naramdaman ito. Parang mababasag ang puso ko.

Halos araw-araw ko na ginagawa ang pag iwas sa kanya. Kahit ayoko pa man, ayun na lang ang mabibigay kong tulong kay Sofia. Balita ko nga eh nagdedate na sila which is ang sakit sakit. Nagfocus na muna ako sa studies para mawala siya sa isip ko. Alam ko naman talagang walang chance na magkagusto siya sa akin. Kasi hindi naman ako kasing ganda ni Sofia. Mas matalino lang ako sakanya.

“Hi Kath!”

“Oh Ramon, kaw pala.”

“Yep, busy ka ba? Sabay tayong umuwi mamaya. Treat kita.” Inaaya ba niya ako mag date? Eeh, wag kang ganyan kinikilig ako. Hihihi Pero hindi nga pala pwede, baka may makakita sa amin at sabihin inaagaw ko siya.

“Busy ako eh, sorry. Next time na lang. Osige bye na. Malelate na ako eh.”

“Osige, ingat.”

Iniwan ko na siya. Kasi habang iniisip ko na may gusto na siya kay Sofia eh nasasaktan lang ako. Bumalik na lang ako sa classroom kahit na wala naman akong gagawin kasi break namin. Nagbasa na lang ako para may masagot ako sa graded recitation namin mamaya.

“Thanks talaga Kath. Nang dahil sayo eh naging mas malapit ako sakanya.” Kausap ko ngayon si Sofia at todo thank you. Banas.

“Wala yun. Geh una na ako.”

Umalis na lang ako. Haay, 3 months na mula nung inumpisahan kong iwasan siya. Lagi kong palusot eh busy ako. Buti naniniwala. Nasasaktan lang talaga ako eh. Gusto kong umiyak. Kaya naglakad ako kahit alam kong umuulan at wala akong payong.

“EH? Bat nahinto?”

“Kasi pinapayungan kita.”

“Oh Ra-ramon. Ikaw pala. Geh una na ako.”

“Wait, hatid na kita.”

“Hindi na, nandun pa si Sofia. Hinihintay ka ata.”

“Iniiwasan mo ba ako?!”

“H-ha? Hindi ah. Naghahadali lang talaga ako.”

“Hindi eh, halata na kita. Bakit ba? May nagawa ba akong mali?”

“Wala, sige punta ka na dun. Naghihintay yung tao eh.”

“Eh bakit ba pinipilit mo ako sa kanya?”

“Eh di ba mahal mo naman yun?”

“Paano mo naman nasabi?”

“Kasi lagi na kayong magkasama.”

“Pag makasama na ang babae’t lalake eh inlove na sa isa’t isa? Hindi ba pwedeng friends muna? Kaya ko lang siya kasama dahil wala ka!”

“E-eh? Sakanya ka na lang. Mahal ka naman nun eh.”

“What?! Hindi naman siya ang gusto kong makasama at mahal ko eh!”

“Eh sino ba ang gusto mo?”

“IKAW!”

“A-ako?”

“OO! Mahal kita!” Pwede na bang mamatay? Ay huwag muna! Sayang love story namin. :””>

-----------------------------------

Sana nagustuhan niyo. :D Click the external link para sa iba kong gawa. :)

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
117K 3K 28
GXG
170K 9.7K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
47.2K 198 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...