My Best Friend's Confession (...

By HotNovember23

430 13 4

May mga pagkakaibigang nananatili lang sa lebel na iyon... ngunit mayroong ibang nahahantong sa mas malalim p... More

My Best Friend's Confession (one-shot)

430 13 4
By HotNovember23

AN: ayoko tlga ng mga oneshot stories ndi ako marunong wahaha

ang korni nito pero salamat sa lahat ng magbabasa

matagal na tong story sa utak ko at sabi nya ay time na daw para ipublish ko sya mwahahaha

dedicated to my sister... vinolunteer nya kasi ang name nya at name ng FRONT crush nya eh mwahaha, kaso ayaw nya sabihin sakin wattpad account nya TT_TT 

sabi nya ndi nya daw bespren yung guy... long time friend lang kasi since nursery classmates na sila...

------------------

8:27 PM. Nakasandal si Jerome sa gilid ng kotse nya habang nagpipipindot sa kanyang cellphone, naglalaro ng boring na games; nagpapalipas-oras. Nagawa na nya ata ang lahat ng pwedeng gawin sa nakalipas na apat na oras mula nang matapos ang huli nyang klase. Natapos na nya ang mga assignments nya sa library, nakapag-research ng bahagya at nag-update ng status sa mga social networking sites sa pinakamalapit na computer shop, nagsawa na syang manood ng basketball training sa gym at napagod tumambay sa cafeteria para sa wala. Kanina pa sya walang magawa sa school pero hindi pa sya makauwi. May hinihintay pa kasi sya – si Diana, ang henyong best friend nya na kailanman ay hindi na-figure out na may gusto pala sya rito.

Isa si Diana sa mga pinakamatalinong estudyante sa department nya. Lubhang napaka-studious nya rin kaya't wala sya halos social life, lalo na ang love life. Ni wala nga syang panahon para sa sarili nya. Hindi sya nakakapag-ayos masyado na lalong nagpapamukha sa kanyang pagiging super studious - simpleng ponytail na nasisira pagkatapos ng araw, simpleng kasuotan na akala mo'y allergic sya sa pagporma, ni walang make-up kahit pwede naman, ni hikaw ay wala syang suot, in other words, wala syang kaarte-arte sa katawan.

Sa totoo lang, kanina pa rin naman tapos ang klase ni Diana, mas maaga pa nga iyong natapos kaysa sa klase ni Jerome. Ang problema lang kasi, maraming estudyante ang gumagambala sa dalaga. Bilang napakatalino nya, marami ang nagpapatulong sa kanya sa kanilang aralin; kahit mga hindi nya kaklase, sa kanya tumatakbo para sa tulong. At dahil likas na mabait (at medyo utu-uto) si Diana ay hindi nya matanggihan ang mga 'to.

Labis na sakripisyo rin tuloy ang ginagawa ni Jerome. Hindi naman kasi sya pwedeng basta na lang umuwi at iwan si Diana lalo't laging gabi na ito kung umuwi. Mahirap na, babae lang si Diana at maraming masasamang loob ang nagkalat sa paligid, mahirap din minsan ang mag-commute. At higit sa lahat, okey lang kay Jerome na hintayin ang dalaga... tulad na lang ng paghihintay nya ritong mahulog rin sa kanya.

Napabuntong hininga si Jerome sabay balik ng cellphone nya sa bulsa ng pantalon. Aminin nya man o hindi, naiinip na rin sya.

"Jerome!"

Napalingon si Jerome sa direksyon ng pamilyar na tinig na tumawag sa kanya. Doon nya nakita ang papalapit na dalagang bagaman nakangiti ay halata sa mukha ang pagod.

"Asus, akala ko mag-o-overnight ka na dito sa school," biro ni Jerome saka sinalubong si Diana para tulungan ito sa mga bitbit na libro.

"Uy, OA mo lang. Pasensya ka na ha, na-late ka na naman nang dahil sa'kin."

"Oo na, gasgas na yang paawa effect mo."

Noon din ay nakapasok na sila sa kotse. Agad itong ini-start ni Jerome para makauwi na sila.

"E kung sana ba umuuwi ka ng maaga kung talagang concern ka sa DRIVER mo."

"Aist, tampu-tampuhan naman 'tong bff ko," sabay pisil ni Diana sa pisngi ng binata.

Napangiti lang si Jerome saka sumagot, "Sus, totoo naman. Ikaw kasi, nagpapaalila ka dun sa mga school mates natin. Ginagawa kang tutor. Second year ka pa lang nakakailang oras na OJT ka na. Bagay talaga sa'yo yang education, 'no?"

"Tss, alam mo, kung napapagod ka nang hintayin ako," sagot ni Diana sa tila seryoso nang tono, pagod na rin sya. "Edi sana mauna ka na lang umuwi."

Sandaling tinapunan ng tingin ni Jerome ang dalaga saka binalik ang mga mata sa daan, "At ikaw naman ang tampu-tampuhan ngayon?"

"Hindi naman. Nagsasabi lang ng totoo."

"Di(ana), ikaw lang din naman ang iniisip ko eh. Ba't ba hindi mo aminin sa sarili mong napapagod ka rin? Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Yung mga tinutulungan mo, hindi sila bobo para araw-arawin ka. Palibhasa kasi during class, ayaw nilang makinig kaya pagkatapos ng klase, ikaw ang aabalahin. Kung sana ba tinatanggihan mo. Okay lang naman yung paminsan-minsan, natututo kang humindi sa kanila."

"Aysos, makapagsalita parang ikaw yung napapagod?" sagot ni Diana, pilit na pinapagaan ang usapan. Alam nyang nauna syang nagkamali ngunit hindi na nya iyon magawang bawiin.

"Hindi ba 'ko pwedeng mapagod para sa'yo?"

Napayuko na lang si Diana. Tila pagod na rin ang kaibigan nya sa lahat kaya bigla itong nagsasalita ng ganoon.

"Sinabi ko naman na sa'yo di ba, hindi mo naman ako kailangang hintayin araw-araw. Kaya kong umuwi mag-isa."

Sandali na namang napatingin si Jerome sa dalaga, nakayuko pa rin ito.

"Sorry," sabay na sabi nila. Napatingin pa tuloy sila sa isa't-isa na may pasimpleng ngiti.

"Ah... pasensya ka na ha?" panimula ni Jerome, palipat-lipat ang tingin sa dalaga at sa daan.

"Sorry din. Ikaw na nga 'tong concern sa'kin, ako pa 'tong ewan."

Hindi na sumagot pa si Jerome. Iniliko na lang nya ang kotse papunta sa parking lot ng isang convenience store.

"O, teka, bakit?"

"Anong oras na, baka mamaya nagugutom ka na. Anong gusto mo?"

"A hindi na, umuwi na lang tayo."

Pinatay na ni Jerome ang makina ng kotse at nagtanggal ng kanyang seatbelt, "Ano ka ba, kumain na muna tayo. Malayu-layo pa tayo eh. Tara?"

"Ah... ikaw na lang. Gusto ko sanang magpahinga na lang muna."

"Sure ka? Bumaba ka na kaya?"

"Hindi na. Tinatamad ako eh. Ikaw na lang pumili para sa'kin."

"Okay. Basta dito ka lang ha. Mabilis lang ako."

Tumango lang si Diana bilang sagot at bumaba na si Jerome patungo sa convenience store para bumili ng makakain nila habang nasa daan.

Bumalik si Jerome sa kotse matapos ang ilang minuto.

"Diana, ito na yung—" napahinto sya sa sinasabi nya nang mapansing mahimbing na palang natutulog ang dalaga.

Nakangiti nyang pinagmasdan ito sandali saka nilagay sa likod ang plastic ng mga binili nya. Muli nyang tinignan si Diana. Hinawi nya ang buhok na tumakip sa mukha nito saka binalik sa likod ng tenga nito. In-adjust ni Jerome ng bahagya ang inuupuan ni Diana nang maging mas kumportable ito habang natutulog. Pagkatapos ay nagmameho na sya pauwi sa kanila.

Mahimbing pa rin ang tulog ni Diana nang i-park ni Jerome ang kotse nito sa tapat ng bahay ng kaibigan. Sa kabilang street naman sya nakatira at magkatapat lang ang mga bahay nila.

Pinagmasdan lang ulit ni Jerome ang nahihimbing na dalaga. Tila malalim ang tulog nito at di manlang nito naramdaman ang mga nangyayari sa paligid.

Napangiti si Jerome. Nakakatuwa pala ang makita mo ang payapang pagtulog ng isang taong labis mong iniingatan. Iniisip nya, darating kaya ang panahon na araw-araw nyang mamamasdan ang pagtulog ng dalaga dahil magkatabi silang gigising sa iisang kama? Posible kayang isang araw ay makasal sila sa isa't-isa? Maaari nga kayang maging sila upang mangyari ang pangarap nyang iyon? Sakali bang umamin sya sa dalaga ay tanggapin sya nito? May pagtingin rin kaya sa kanya si Diana?

Nasasaktan syang isiping baka mabigo lang sya sa huli. Paano kung kaibigan lang ang turin sa kanya nito? Paano kung layuan sya nito kapag nagtapat na sya? Makakaya nya kaya?

Napasandal si Jerome sa kanyang inuupuan sabay buntong-hininga sa isiping ito. Hindi nya gugustuhing malayo ang loob ng dalaga sa kanya. Isa pa, pagkakaibigan lang ang tanging nagbubuklod sa kanila, kapag pati ito ay nasira, mababaliwala pati ang lahat ng pinagsamahan nila.

"Di," tawag nya sa natutulog na dalaga sa mahinang tinig. Nais nyang magtapat dito ngunit hindi sya sigurado kung nais nya rin marinig at malaman ng dalaga ang tunay nyang nararamdaman.

"Di, sorry ha? Sorry kung minsan ang overprotective ko sa'yo. Sorry kung minsan iba na ang asta ko... kapag minsan parang wala na 'ko sa lugar para pagsabihan ka pero ginagawa ko pa rin. Importante ka kasi sa'kin eh, alam mo ba yun?" Pinatong nya ang parehong braso sa manibela saka yumuko rito bago magpatuloy: "Di, sorry talaga ha? Sorry pero... in love na ako sa'yo eh," he faked a chuckle. "Mahal na kita. Kaso ang hirap. Hindi ko man lang magawang aminin sa'yo sa takot na mailang ka sa'kin at layuan mo 'ko. Pero totoo, mahal kita. Kaya nga ginagawa ko lahat ng ito eh. Hindi lang halata pero halos ligawan na kita. I really love you. Please wag kang magalit sa'kin ha? Sana rin pag nalaman mo na ang totoo, wag mong isiping kinaibigan lang kita dahil dun, kasi alam mong hindi totoo yun. Malinis ang intensyon ko sa'yo mula pa nung una." Sumandal na sya sa upuan nang mahagip ng paningin nya ang dalaga sa passenger's seat – gising na si Diana. Dahil nakayuko lang ito at hindi makatingin sa kanya, kinabahan si Jerome na baka narinig nito ang lahat.

"D-Di! G-Gising ka na pala," nauutal na sabi ni Jerome na hindi na rin makatingin sa dalaga. "Ang... ang himbing ng tulog mo kanina kaya hindi na kita ginising eh. Uhm—"

"Jerome, pwede mo bang ulitin yung sinabi mo kanina?"

"H-Huh?" napatingin si Jerome kay Diana nang magpahayag ito ng ganoon. Nakayuko pa rin ito habang nilalaro ang sariling mga daliri at kagat-kagat ang ibabang labi.

Dahan-dahang humarap si Diana sa binata, "Jerome, totoo ba, na mahal mo 'ko?"

Napayuko lang si Jerome. Dismayado sya. Mukhang hindi sya gusto ng best friend nya kung pagbabasehan ang tila malungkot na ekspresyong nakapinta sa mukha nito.

Tinanggal ni Jerome ang seatbelt nya saka binuksan pinto nya para makababa, "W-wala akong sinabi, kalimutan mo na yun."

Bumaba sya at umikot para pagbuksan ng pinto ang best friend nya tulad ng lagi nyang ginagawa. Inabot naman ni Diana ang mga libro nyang nilagay nya sa likod saka bumaba.

Dahil ilang sa isa't-isa, hindi na sila nag-imikan. Agad na sinara ni Jerome ang pinto sa passenger's seat saka nagtangkang humakbang pabalik sa driver's seat. Ipapasok nya pa ang kotse sa garahe nila.

Pasakay na sanang muli si Jerome sa kotse nang makarinig sya ng ingay ng bumagsak na mga libro. The next thing he knew was Diana was hugging him from behind, saying, "Mahal din kita, Jerome. Matagal na."

-FIN-

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.7M 510K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...