Tale of Katherine (KathNiel)...

By carsandbandaids

724 21 13

Hi, this is Katherine Loise Bernadino… This is my story, and all about how I met the one who changed my life... More

Tale of Katherine (KathNiel)
TOK - 2
TOK - 3
TOK - 4

TOK - 1

113 6 2
By carsandbandaids

TOK - 1

KATHERINE/KATHRYN

Ako si Katherine Loise Bernadino. 17 years old.

And it’s the time for you to know my story.

“Pasaway kang bata ka! Tinatakwil na kita! Wala kang kwenta!” sigaw ng tatay ‘ko.

“Tama ‘yan ‘Pa! Palayasin mo na ‘yan! Wala naman ‘yang kwenta! ‘Di mo naman ‘yan anak! Di ka nabibilang dito!” sigaw ng panganay ‘kong ate.

“Oo, hayaan n’yo na ‘yang hampaslupa na ‘yan!” sigaw nung isa ko pang ate.

“A-ate…” sabi no’ng bunso.

“Ano, kakampihan mo nanaman ‘yang bwisit na ‘yan?! Ha? Katy?!” sigaw no’ng panganay.

“Uhm… ano, a-ate…” sabay tingin sa’kin, “S…sorry.” at ayun na. ‘Doon s’ya kumampi kila Ate, naiintindihan ‘ko, tunay silang magkakapatid, e.

Habang ako, iyak lang ng iyak pero tinanguan ‘ko s’ya at ngumiti ng tipid.

“Lumayas ka na dito!” sabi ni Ate at marahas akong hinawakan sa braso, habang yung isang kapatid ko naman, hinagis na sa’kin ‘yung mga damit ‘ko pati isang bag.

Habang umiiyak ay inilagay ko sa bag ang mga gamit, at hinila na ako ni Ate palabas ng bahay at tinulak tulak. Walang magawa si Katy kasi, ‘di ‘din naman s’ya papakinggan nila Ate.

“Ate, tama na…” sabi ko.

“Wala na kaming pake sa’yo! ‘Wag kang babalik ‘dito! Layas!” at pinagsarhan na nila akong gate. Habang ako, ‘di alam ang gagawin kundi maglakad sa isang madilim na lugar. Wala akong cellphone, wala na ‘yong mga libro ko. Hindi nila naisama.

Umupo muna ako sa isang tabi at kinalkal ang bag ko, malay mo may mapaglibangan.

“Hay… *sniff* Nakakalokang buhay ‘to, oo.” Sabi ko na lang.

Lagi naman nila akong sinasaktan, pero 1st time nila akong palayasin. Kaya lang ako umiiyak kanina kasi ‘yong si Katy, kailangan naming ang isa’t isa. Close kami no’n eh.

“P-tangina naman talaga. Walang pagkain, walang tubig, walang libro, walang cellphone. Haay!!!!”

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Buti walang mga loko loko ngayong gabi. Kundi patay ako neto. Naka-PJs na kasi ako. Matutulog na kasi dapat kami ni Katy, kaso napaginitan nanaman ako. Oo, totoo ‘yon. ‘Di nila ako kapatid sa ama, ako lang ang naiiba. Kaya gano’n na lang nila ako ipagtabuyan. Ang mama ko naman, ‘di ‘ko alam kung nasaan. S’ya na nga lang ‘din ang kakampi ko, eh.

Haaaay, Mama. Miss na miss na kita.

Naglalakad ako ng maayos ng maramdaman kong may pumapatak na tubig mula sa taas.

*Plok plok*

Sheeeet! Uulan pa! Waaaaah!

Naghanap agad ako ng masisilungan pero wala, hanggang sa bumagsak ng tuluyan ang malakas na ulan. Ugh…

Gutom pa ‘ko tas mauulanan ako ng ganito kalakas!

Nawawala na ko sa sarili ko. Nahihilo na ‘ko.

Feeling ko….

And everything went black.

DANIEL

“Hay nako, dis oras na ng gabi eh! Nautusan pa! Si Mama talaga, mapagtripan! Jusko!”

Nagd-drive lang ako hanggang makarating ng 7 eleven. Bili daw akong softdrinks. OO, SOFTDRINKS LANG. Ayaw daw n’ya ng galing tindahan sa tabi tabi kaya napa-7/11 ako! Arte non ni Mama, grabe lang. =____=

“Ate, itong 2 coca cola nga po, ta’s itong isang siopao”, sabi ko ‘don sa cashier.

Mukhang shocked pa ‘yong babaeng cashier.

“Uh, ate?” sabi ko.

“Ay ser! Opo, akin na ‘po.” Sabi nya at mukhang nagulat pa.

Oo na, gwapo na ‘ko.

Alam ‘ko ‘yon.

“Uhm, 100 po lahat, ser.”

Humugot ako ng 100 sa wallet ko.

“Eto ‘na po,  ate”, at binigay ‘ko na ‘yung pera.

“Salamat ho.” At nginitian ‘ko s’ya.

Halos mahimatay s’ya sa kilig. Anak ng. Iba talaga kagwapuhan ‘ko.

Sumakay na ‘ko ng sasakyan ‘ko at nag-drive pauwi.

Kaso… pauwi na ‘ko nang may Makita akong babae may dalang bag at naglalakad sa ulan.

What the f-ck!

Mamaya, white lady ‘to! Jusko!

Pero, shet! Nahimtay! Napababa agad ako sa kotse ‘ko, at tinapik tapik ang mukha n’ya.

At tangina, ang ganda!!! Jackpot, men!

“Miss? Miss?” sabi ko, pero wala talaga.

Sinakay ko s’ya sa backseat, ta’s inuwi sa bahay.

Pagdating sa bahay,

Binuhat ko s’ya palabas.

ANG BIGAT! Jusko po!

 Tas nag doorbell.

“MAAAAA! Pagbuksan mo na ‘ko ng pinto! Maawa ka! May dala akong biik!” sigaw ko, ang tagal kasi ni mama buksan.

“Anong biik----AY ANAK KA NG KALABAW! Sino ‘yan anak?!” sigaw ni Mama.

“’Wag ka namang maingay ‘Ma! Gabi na, oh! Sigaw ka pa ng sigaw.” Sinamaan n’ya ‘ko ng tingin. “Eh, nakita ko sa daan, nahimatay.”

“Ay nako, kawawa naman, oh pasok na.” sabi ni Mama.

“Ma, ‘yong pinabili mo at ‘yong gamit ne’to nasa loob ng sasakyan, pakuha na lang ‘Ma”, sabi ko ‘kay Mama.

“Aba aba, inuutusan mo ‘ko?!”

“Ma, parang awa mo ‘na. Biik ‘tong dala ‘ko, ang bigat na nilalang. Kababaeng tao, ang bigat bigat!” sabi ko.

“Joke lang anak. Jusko nag-lintanya pa, daig pa ‘ko. Sige na pumasok ka na.” Aba’t!! Si Mama talaga. Hay nako, Inay!

“Hay nako, ‘Ma, ewan ko sa’yo, sige pasok na ‘ko. Haha” sagot ko kay Mama.

Pumasok na ‘ko sa bahay at dinala sa… guest room ‘tong babaeng ‘to.

Pagahiga eh, ginising ko. Aba, kelangan n’ya magpalit ng damit. Baka magkasakit pa lalo.

“Pst, uy. Gising.” Habang pinopoke ko yung braso n’ya.

“Psssssst!”

“Gising naaa!” sabi ko.

“Hmm… Brr. Lamiiiig.” Sabi nung babae, halatang nagigising na. Sa wakas! Yes!

“Uhm, Miss?”

Nagising s’ya at nanlaki ang mata.

“Uhm, s-sino ka?” tanong n’ya na halatang natatakot.

Mukha ba ‘kong kidnapper? Sa gwapo ‘kong ‘to?

Nagpokerface ako at sinagot sya, “Ako ang nakapulot sa’yo sa kalsada, nahimatay ka kasi. Aba, tama bang maglakad sa ulan.” Sabi ko.

Umiwas sya ng tingin at ngumiti…. pero, pilit? “Ah, hehe. Salamat ha. Nakakahiya naman.” Sabi n’ya.

“’Wala ‘yon,” sagot ‘ko habang nakangiti.

Pare, ang ganda n’ya kasi. Pakshet! Wet look pa! Shet lang!

“Uhm, saan pwede magbihis?” tanong nya.

Sa banyo ng kwarto ko! Bwahahahaha! Joke ~___~

“’Dyan, may CR dito sa loob ng kwartong to.” Sagot ko.

“Sige, salamat!” sagot n’ya pero, papasok na sana s’ya ng CR…

“Uhm, ano pala pangalan mo?” tanong nya at ngumiti.

“Daniel.” Sabi ko. “Ikaw?”

“Kath. Katherine.” Sabi nya.

Ohhh, pati pangalan maganda.

“Uhm, ano, Daniel. Pwede… uhm, lumabas ka muna? Hehe.” Tanong nya.

“Uh, sorry! Okay!” sabi ko at umalis/lumabas na ang kwarto.

Oo nga naman, ba’t di pa ko nalabas! Shunga Xavier!

Hay nako.

Makapasok na nga lang sa kwarto at magpahinga.

Ako nga pala si Daniel Xavier Angelo Letran.

Isang normal na nilalang…. Pero nung nakita ‘ko siya, nagiging abnormal ako.

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 453 73
Everythings happens for a reason.... at ganyan ang kwento ng buhay ko. naniniwala sa kasabihan na yan. I'm Lezzi Montefallon and here is my story..
1.4K 113 56
First time ko po mag write ng story.Please bare with me po.And please do not copy or use without my permission. Sana masiyahan kayo!Annyeong!
46 1 9
Hi po sa lahat! Lalo na sa aking mga co-Bts Army This is my very first time to write a story kaya di ko alam kong magugustuhan nyo. pero sana magus...
787 40 27
Hello sa mga magiging Readers nitong unang Story na gagawin ko hehe sa totoo lng knakabhan ako ;) 1st time ko kse gumawa ng story i hope na magugust...
Wattpad App - Unlock exclusive features