Teenage Greek gods: The Dark...

By invadersim

15.2K 474 112

[THE FINAL BOOK OF THE SAGA] Nakabalik na si Amber, Zeus at Poseidon, pero hindi pa tapos ang lahat. Ang espi... More

Teenage Greek gods: The Dark Spirit
Chapter 1 : White Page
Chapter 2: A Gloomy Dinner
Chapter 3: The Riddle
Chapter 5 : Prophecy 2.0
Chapter 6 : Take the Reins
Chapter 7 : Puppet
Chapter 8 : Rest in Peace
A NEW BEGINNING
Chapter 9: The Funeral
Chapter 10: Letters
Chapter 11: The Lone Poseidon
Chapter 12: The Prisoner
Chapter 13: Under
Chapter 14: Mentors and Helpers

Chapter 4: Icarus

848 30 4
By invadersim


Chapter 4 - Icarus

Naalala ko noong papunta kami sa pinagtataguan ng mga Gray Sisters, noong mga panahong nawawala si Zeus. At katulad noon ay isa lang ang paulit-ulit na sinasabi ni Poseidon.

"Eek, I hate dark caves. Ang layo sa lawak ng dagat."

"Hindi naman ito kuweba no, gunggong." sagot ni Zeus.

Patuloy kami sa pagbaba sa mga batong hagdan, kahit naka-sapatos ako ay ramdam ko pa rin ang makapal na alikabok dito. Si Hades naman ang nangunguna sa amin, nakataas ang hawak niyang posporo na nagpapaliwanag sa aming daanan, himala at hindi nagprotesta si Zeus na si Hades ang nangunguna. Wala namang laman ang mga pader, akala ko ay makakakita ako ng mga weirdong guhit at simbolo pero tanging alikabok at mga sapot lang ang nakadikit dito.

"Teka, may nakikita akong liwanag.", sambit ni Hades.

Alam namin, dahil napansin din namin ito. Ilang hakbang na lang palayo sa amin ay ang isang nakabukas na pinto, may mahinang liwanag sa loob, parang ang nagpapaliwanag dito ay bumbilyang malapit nang mapundi. Sa pagkakataong iyon ay hinipan na ni Hades ang posporo para mamatay ang apoy nito at dahan-dahan niyang tinulak pabukas ang pinto. Ang pintong ito ay metal at pabilog, parang katulad nang makikita mo sa loob ng barko. Pumasok kami at nanlaki ang mga mata ko sa tumbad sa amin.

Isa itong lugar na hindi mo akalaing makikita mo sa ilalim ng isang napakalaking bato. Matataas ang kisame at may mga hagdan na magdadala sa iyo sa ibang mga pinto. Napakaraming mesa at nandito ay tumpok ng mag kung anu-anong bagay: metal scraps, gears, mga bote, pati mga DVD at kung anu-ano pang makina. Ngunit ang kukuha talaga ng iyong atensyon ay ang hile-hilerang metal beams na papunta sa kisame, may metal ding ladder na puwede mong gamiting upang akyatin ang mga naglalakihan ding makinang naksabit. Tila ang iba rito ay galing pa sa isang barko.

"Wow.", rinig kong sari ni Poseidon.

Naglakad kaming apat.

"Ito ang Workshop ni Daedalus?", tanong ko.

"Wala nang iba.", sagot ni Hades.

"Daedalus!", sigaw ni Zeus. "Daedalus!"

Tinignan ko ang paligid. Walang lumalabas na kulay berdeng espiritu. Nagpatuloy kami sa paglalakad at pagsigaw ng pangalan niya ngunit walang nagpapakita — well, sa isip ko ay sana wala nang magpakita pa.

Sa hindi ko maintindihang rason ay parang nahila kami ng mga bagay bagay na nasa mga mesa. Naghiwahiwalay kami. Napunta ako sa isang mesa, nakita ko na may isang kahon dito. Binuksan ko at may isang maliit na ballerina na dahan-dahang umikot sa saliw ng matinis na tugtog. Isang music box. Lumingon ako at nakita si Poseidon na pilit sinusukat ang isang helmet. Si Zeus naman ay may inoobserbahang mahabang espada na nakadikit sa pader.

Napatalon ako nang tumabi sa akin si Hades.

"Hades."

"Kumusta ka?", tanong niya. "Kumusta ang pagiging Hestia?"

Napakamot ako sa aking ilong. "Hindi ko maintindihan sa totoo lang. Hindi ko alam ang mararamdaman. Napakadami ko pang hindi alam at hindi mawari. Pati mga memorya ko noong si Hestia pa ako ay malabo."

"Magiging maayos din ang lahat."

"Uhm, ikaw? Kumusta ka? Kailan ka babalik ng Underworld? Siguradong umabot na ang balita kila Persephone."

"Sabi ni Zeus ay umabot na nga sa Underworld ang balitang nagbalik ako, pero sabi rin ni Persephone na 'take my time' bago ako bumalik doon. Babalik din ako doon, hinahanda ko lang ang sarili ko.", matapos noon ay ngumiti siya sa akin.

Doon ko rin napagtanto kung gaano talaga kabusilak ang puso ni Persephone. Mahal niya si Hades pero kaya niyang maghintay para rito.

Lumunok ako at ibubuka na sana ang bibig ko para magtanong pa nang marinig namin ang boses ni Poseidon. Pareho kami ni Hades na napatingin sa pinanggagalingan ng boses.

"Guys! Look at this!", sabi ni Poseidon na papasok na isang kuwarto na ang pinto ay isang pulang kurtina.

Tumingin sa amin si Zeus at ginalaw ang kanyang ulo, inaanyaya kaming sumunod. Naglakad kami ni Hades papunta doon.

***

Pagpasok namin ay mga upuan, isang lumang projector na nakatapat sa pader ang sumalubong sa amin. Si Poseidon ay nakaupo na sa isa sa mga upuan na parang batang manunuod ng IMAX. Nagkatinginan kaming tatlo nila Hades at Zeus.

"Ano ito?", tanong ko.

"Obvious ba? Ang theater room. Ano kaya ang nasa projector na ito?", lumapit si Zeus sa may projector. "At may film ito. Umupo kayo."

"Wow, may pa-sine si Daedalus.", bulong ko.

Tumabi kami ni Hades kay Poseidon na nakatitig na sa board. Ilang segundo pa ay nakarinig kami ng tunog na parang kahoy na nasusunog at may liwanag na lumabas mula sa projector at tumama ito sa may board. Nakarinig kami ng tunog ng trumpeta, marahil score ng pelikula. Lumapit na rin si Zeus sa amin at umupo.

Matagal ding blanko lang ang nasa pader hangga't sa may mga sulat na lumabas dito. FOR ICARUS, MY SON.

Nanlaki ang mata ko. "Icarus? Iyong sagot sa riddle?"

"Shh!", pagsaway ni Poseidon.

Ang sumunod na lumabas ay isang napalabong video ng dalawang tao. Para akong nanunuod ng 1920's na pelikula na nalublob sa tubig. Hindi kinalaunan ay umayon din ang paningin ko sa pinapanood namin. Kita ko dito ay isang matandang lalake, makapal ang buhok at balbas nito at gula-gulanit ang chiton. Ngunit pansin mo ang matipuno niyang katawan. Kasama niya ang isang batang mahaba din ang buhok na nakasuot ng mala-sakong damit na napakalaki para sa kanya. Tinutulungan niya ang matanda sa isang mesa, may kinakalikot sila na kung ano — may ginagawa sila sa loob ng isang madilim na kuwarto.

"Si Daedalus at Icarus.", rinig kong sabi ni Zeus.

Nanlaki ulit ang mata ko pero hindi na ako nagsalita dahil baka sawayin ulit ako ni Poseidon.

Nagpatuloy ang pinapanood namin. Ang sunod na lumabas mula sa projector ay may isang lalakeng pumasok sa loob ng kuwarto kung nasaan si Daedalus at Icarus. Ang lalake ay may edad na, mahaba ang itim na buhok at ang kanyang balbas ay nakatirintas. Ang suot niyang robe ay kulay gold na may animo'y mga mamahaling bato na iba-iba ang kulay. At may korona siya. Sa likod niya ay dalawang guardiya — nasabi kong guardiya dahil sa suot nilang armor at hawak nilang mga spears.

Naglakad ang lalakeng naka-korona papalapit kila Daedalus at Icarus na napahawak naman sa isa't isa at napaurong.

HINDI KO KAYO SASAKTAN. Lumabas ang mga salitang iyan na parang subtitles, pero walang boses.

ANO PA BA ANG GUSTO MO, MINOS!, nagsalita si Daedalus at tulad ng una ay wala itong boses ngunit mga letra lamang ang lumabas.

Napangiti si Minos, isang mapaglarong ngiti. ANG TAWAGIN MO AKONG HARI! ALAM KO DAEDALUS NA MARAMI KA NANG NAGAWA PARA SA AKIN, TUNAY NA PINASAYA MO AKO SA MGA IMBENSYON MO PERO..., naglakad lakad si Minos, pabalik balik ng direksyon na animo'y kunyaring may pinagiisipan. MAYROON PA AKONG ISANG BAGAY NA GUSTO KO GAWIN MO.

ANO NAMAN ITO?, tanong ni Daedalus, mahigpit pa rin ang pagyakap kay Icarus.

ISANG LABYRINTH!

Tama, si Daedalus nga ang gumawa ng Labyrinth at si King Minos ang nagpagawa nito sa kanya. Si Minos...siya ang hinahanap ng espiritu ni Daedalus nang mag ala dinner crasher ito noong nakaraan lang. Galit siya kay Minos, pero nasaan si Minos?

Nagpatuloy ang pelikulang pinapanood namin.

Tila maraming panahon na ang lumipas dahil ang nakikita ko nang Daedalus ay mas matanda na at mas malapit sa kung anong itsura niya bilang espiritu, mahaba pa rin ang balbas ngunit wala nang buhok at puno ng ugat ang mga kamay. Nakahiga siya at mukhang mahina, doon ko napagtanto na ang madilim na lugar na ito ay piitan nila. Nandoon din si Icarus na tumangkad na ng kaunti, may hawak siyang skin at pilit niyang pinapainom si Daedalus na umiiling lamang. Biglang bumukas ang pinto at doon pumasok na naman si King Minos at kanyang mga alagad, ngayon ay mas magara na ang kanyang kasuotan dahil tila rainbow ang pagkakakulay nito.

Napatakip naman ng mukha si Daedalus at Icarus dahil sa liwanag na galing sa labas. Tinaas ni King Minos ang kanyang mga kamay at nagsimulang pumalakpak. At lumabas ang mga katagang...

MAGALING, MAGALING, DAEDALUS! NAPAKAGANDA NG LABYRINTH!

PAKAWALAN MO NA KAMI! NAGAWA NA NAMIN LAHAT NG GUSTO MO!

DIYAN KA NAGKAKAMALI, DAEDALUS! MARAMI PA AKONG MGA BAGAY NA HINDI AKO MAKAPAGHINTAY NA IPAGAWA SA IYO! HANGGANG SA MULI! PAALAM!

Lumabas si Minos. Tumayo si Daedalus at pilit hinabol ito ngunit tanging pinto lamang ang sumalubong sa kanya. Humagulgol siya at nandoon si Icarus para aluin siya. Tumingala si Daedalus.

ORAS NA. ORAS NA PARA TAYO'Y UMALIS DITO. GAGAMITIN NA NATIN ANG GINAWA KONG PAMBUKAS SA PINTONG ITO.

PERO AMA — KAYA NGA TAYO HINDI PUMIPILIT LUMABAS KAHIT KAYA NATIN AY DAHIL MAY MGA GUWARDIYA AT PAPATAYIN NILA TAYO!

MAGING MATAPANG KA, ICARUS. ITO NA ANG PANAHON. LILIPAD NA TAYO.

Nagpalit ang eksena. Ang sunod naming nakita ay nasa tuktok ng isang kastilyo sila Daedalus at Icarus, marahil nakarating sila rito matapos takasan at iwasan ang ilang mga guwardiya. Napakataas ng kanilang kinakatayuan, kita ko ang mga bundok at ang kumikinang na dagat sa hindi kalayuan. Malakas ang hangin at nagsisigawan ang mag-Ama at kahit hindi mo rinig ang kanilang boses ay ramdam mo ang pagkakagimbal nila.

ORAS NA! ISUOT MO NA ANG IYONG PAKPAK!, sigaw ni Daedalus kay Icarus.

Tumango si Icarus at sinuot niya at may sinuot siya sa kanyang mga balikat, bakal ito na animo'y malalaking ipit at dito nakakabit ang isang pares ng pakpak — teka nga! Ito ang nasa bugtong ni Daedalus! Gumalaw ang pakpak at hindi maitago ni Icarus ang ngiti niya.

KAHIT ANONG MANGYARI, HUWAG MONG MASYADONG TATAASAN ANG LIPAD MO DAHIL BAKA MATUNAW ANG PINANDIKIT KO SA PAKPAK DAHIL SA TINDI NG SIKAT NG ARAW!

Tumango na lang si Icarus at walang anu-ano'y biglang tumalon! Nagulantang si Daedalus ngunit nakolekta din ang kanyang sarili sa segundong nakita niyang nakakalipad na si Icarus — malaya na, paalis na sa kulungang ito. Sinuot na rin ni Daedalus ang mga pakpak tulad ng kay Icarus at tulad ni Icarus ay tumalon ito at lumipad na rin.

"Anong mangyayari?", tanong ko sa kanila pero walang sumasagot. Si Zeus at Hades ay tuktok na tutok sa panunuod habang si Poseidon, guess what? Nakanganga, naglalaway, nakalabas ang tiyan at humihilik na.

Ang sumunod ay si Daedalus at Icarus na lumilipad.

ANG SAYA NITO!, lumabas ang mga katagang ito, marahil nanggagaling kay Icarus dahil pansin mo namang nageenjoy siya sa kanyang paglipad.

ICARUS! UMAYOS KA!, sigaw naman ni Daedalus.

WOOO!, hiyaw naman ni Icarus na bumulusok, lagpas sa kanyang Ama hanggang siya'y tumaas at tumaas nang tumaas.

ICARUS! ICARUS! BUMABA KA RITO!

HUWAG KANG MAGALALA, AMA. WALA NAMANG MANGYA —, hindi na natapos pa ni Icarus ang kanyang sasabihin dahil may isang CLAK! na pagtunog ang narinig namin, hanggang sa matanggal ang isa sa mga pakpak na suot ni Icarus. Siya'y napasigaw - kahit walang boses ay rinig ko pa rin ang takot niya. Nagsimula siyang malaglag.

ICARUS!, lumabas ang mga katagang ito, kasabay nang hindi maipintang mukha ni Daedalus.

Kadiliman. Nakatingin lang ako sa board, naghihintay nang susunod na mangyayari ngunit wala. Ilang segundo ang lumipas...ngunit kadiliman lamang. Tapos na. Tapos na. Si Icarus, isang trahedya ang nangyari sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang pagnanasa ni Daedalus na hanapin si Minos na kahit sa kabilang buhay ay nais niyang maghigante dito at sa pagkawasak ng kanyang puso ay nawasak din ang kaisipan niya.

"At iyan ang istorya nila. Isang trahedya.", sabi ni Hades.

"Mas naiitindihan ko na. Pero — isa lang ba itong re-enactment? Isa lamang pelikula?"

"Maaaring may kasamang mahika ang paggawa nito, mula sa totoong memorya ang mga nakita nating eksena. Isa pa, si Daedalus ang Great Inventor.", sagot sa akin ni Zeus.

May katanungan pa ako, "At iniwan niya ito para makita natin? Marahil nanggaling na ang espiritu niya rito."

"Maybe.", si Poseidon iyon na gising na at nagpupunas ng kanyang laway na akala mo gising buong palabas.

Napalunok si Zeus. "Ang kailangan lang nating gawin ay maghanda at patuloy na hanapin si Daedalus. Kailangan pa natin maghanap ng ibang clues kung paano natin siya —"

Napahinto siya dahil nakaramdam siya ng presensya. Gayon din ako, may naramdaman ako at sigurado akong si Hades at Poseidon din. Sabay sabay kaming lumingon sa aming likuran at nakita dito ang isang pigura.

Hindi ito tao, ngunit isang...isang robot? Isa itong pigura nang babae ngunit ang katawan niya ay gawa sa metal at kita mo ang tila makina niyang lamang loob, may mga wires, gears at kung anu-ano pa. Mga sampung talampakan lamang ang kanyang taas at may hawak siyang higanteng palakol.

At ang higanteng palakol na ito ay pabagsak na sa amin.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 65K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
135K 4.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
10.4M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...