My Bestfriend is soon-to-be M...

By MissAngelHeart

395K 2.9K 201

Dahil sa maling akala ng Parents ni Chloe pinilit sila nito na magpakasal ng kanyang bestfriend na si Nathan... More

MBISTBMG?!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 15.2
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 17
Chapter 18.2
Chapter 19
Chapter 19.2
Chapter 20
Epilogue + Authors Note
Special: KenLine Moments ♥ (Part 1)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 2)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 3)
Special: KenLine Moments ♥ (Part 4)
Special: KenLine Moments ♥ (Last Part)

Chapter 18

8.7K 59 0
By MissAngelHeart

A/N: dedicated to raice03 ^_____^ hi ate raice..congrats! ang ganda ng MITMEH na story mo pati na ung Jeepney Love Story at Maling Pag-ibig..sobrang kinilig kasi ako sa story mo na yan..and maganda rin naman ung iba mong stories pero pinaka-gusto ko yang JLS at MP =) more power ate raice and godbless. =)

=====================================================================

 CHAPTER 18

Chloe's POV

After 2 years.....

Dalawang taon na rin ang nakalipas..ilang araw, linggo at buwan ang nagdaan..Unti-unti ko na rin nakakalimutan ang nangyari 2 years ago..na naging dahilan kaya naglayas ako lumayo at nagpapakatatag sa hirap ng buhay..pero patuloy ko parin yun pinagdadaanan..naging working student ako..sa umaga papasok ako at sa gabi nagtatrabaho ako..hindi ung naiisip nyong trabaho sa gabi..kundi nag waitress ako sa isang fastfood restaurant at nag promo girl na rin ako minsan tuwing sabado at linggo kapag walang pasok at hindi ako busy..

Nakakapanibago lang dahil wala na ang bisyo ko..este ang pagiging shopaholic ko na noon, pagpunta sa mga mall after ng class para magpalamig, kumaen sa mga fine dining restaurants or sa mga sikat na restaurants..wala na rin ang pagbili-bili ko ng iba't-ibang mga magagandang damit..wala na..dahil simula nung umalis ako sa amin..natuto ako mamuhay, nanutong tumayo sa sariling mga paa na hindi nanghihingi ng tulong sa magulang, sa dalawang taon na yon marami akong natutunan sa buhay..

Pero bakit ngayon habang patagal ng patagal parang nagi-guilty ako sa ginawa ko..naalala ko pa noon ilang days matapos ang hindi natuloy na kasalan madaming kumalat na chismis sa lugar namin sa pag hindi tuloy sa kasal..alam ko maraming nasaktan, may nagalit, may nainis, pero anong magagawa ko..hindi ko mahal ang lalaking pakakasalan ko..so i made a choice na umalis nalang..dahil kapag nagpakasal ako baka pareho kaming di sumaya at masaktan lang..

Mahal ko ang bestfriend ko pero bilang kaibigan lang..wala eh hanggang doon lang ung feelings na naramdaman ko habang papalapit ng papalapit ang araw ng aming kasal..oo aaminin ko galit na galit ako sa kanya sa kadahilanang hindi nya pagtutol sa mga nagaganap..ewan ko ba basta galit ako sa kanya ng mga panahon na yon..pero ngayon napatawad ko na siya..

Napatawad ko na nga ba? Siguro. Oo. Kasi wala rin naman mangyayari kapag di ko sya pinatawad at sana patawarin nya rin ako sa hindi pagsulpot sa kanya sa simbahan ng araw ng aming kasal..hindi lang sya..sana napatawad na rin ako ng mga pamilya ni Nathan ang mga Arrastia pati na rin sa pamilya ko sobrang kahihiyan siguro nagawa ko kila papa at mama ng panahon na yon..kaya sana mapatawad nila ako..

Handa akong itama ang lahat pero wag naman sana nila akong pilitin na magpakasal kay Nathan dahil hindi ko naman ito mahal..magpapakasal lang ako sa taong mahal ko at sya na ang mamahalin ko na habambuhay..at bubuo kami ng masayang pamilya at hindi ko hahayaan na mangyari sa magiging anak ko ang nangyari sa akin..alam ko masakit kila papa at mama ang pag-alis ko pero wala pa akong lakas ng loob para bumalik sa kanila..ewan ko parang natatakot ako at kasabay nun nararamdaman ko rin na parang nagi-guilty ako.

**********

Tulala lang saking kwarto at nagmumuni muni..

sobra sobra ang parusa di alam kung kaya pa..

"hoy girl..tulala kana dyan? kumanta na nga ako ng porque by maldita di mo parin ako napapansin dito gusto mo sayawan pa kita ng teach me how to dougie at fresh like dougie..teka may sakit ka ba?"

"ha? ah eh..wala." tulala na pala ako dito nakaupo pa naman ako malapit sa bintana..waaahh!! di manlang ako sinampal nitong ka roommate kong si Deniesse Reyes. Oo di na ako mayaman nasa boarding house ako nakatira.

"ahh..tulala lang, may iniisip..hay nako! wag kana magpakasenti dyan ngayon dahil may racket ako ngayon." ayan! dyan yan magaling sa racket kahit may matinong trabaho na yan sa opisina..ung racket nya trabaho yun pero di pagbebenta ng body o kung anu-ano iniisip nyo syempre ung marangal naman..sya kaya nagbigay sakin ng trabaho bilang promo girl..waaahh!

tapos ako ang nag-apply sa sarili ko malamang sa fast food restaurants..kahit na masakit ang katawan ko gawa ng trabaho sa gabi nagsusumikap parin akong tapusin ang college ko..hindi ako sa sosyal na pangmayaman na college dun lang ako sa kaya kong bayaran..well yung mga nakuha kong alahas ko bago ako lumayas sinangla ko at nag hanap agad ng trabaho at boarding house na matitirahan dun sa mumurahin lang tulad nitong tinitirahan ko pero maayos naman dahil mabait ang landlady dito..at take note may anak syang lalaki si Dwayne ata? tapos may mga kaibigan pa si Dwayne na mga lalaki..ay! bakit ko ba kinukwento..author wag muna isingit ung mga yan si Deniesse muna..nagpopromote ka naman agad ng next story mo eh..

"mabuti pa nga ihanap mo ako ng bagong racket deniesse..sa tingin ko malapit na kasing maubos ang pera ko baka naman pwede na ako roon sa opisina na pinapasukan mo?"

"Walang bakante roon Chloe natatakot nga ako na baka matanggal ako sa trabaho..gusto kasing mag-cost cutting ang kompanya at halos kalahating empleyado ang tatanggalin."

Ngayon talagang napagtanto ko kung gaano kahirap ang buhay..nung nandun ako sa parents ko hindi ako mamomoroblema sa pera..may tubuhan at palaisdaan ata kami at may farm si mama sa province namin na kumikita rin naman ng malaki..kung hindi ba ako umalis buahy prinsesa parin ba ako??

"Ganito talaga dito sa lugar na ito Chloe. Talagang napakahirap ng buhay. Akala lang ng mga nasa probinsya ay napakadaling kitain ng pera rito."

Nami-miss ko na sila mama at papa..hindi ako sanaya sa ganitong buhay pero kakayanin ko..naalala ko pa ung kwarto ko may aircon at napakalaki at buhay prinsesa rin ako kung ituring ng magulang ko..samantalang dito electric fan ang ginagamit..sa sobrang init ng panahon ngayon pinagpapawisan parin ako at hindi makatulog ng maayos sa gabi at pati na rin ang hinihigaan ko di masyadong malambot di tulad dati..hay..walang magawa..ganto ang buhay ng mahihirap..

marami rin akong natutunan na aral dahil sa nararanasan ko..dapat ang mga mayayaman hindi maging masyadong mapagmata at wag gawing kawawa ang mahihirap dahil ang mahihirap ginagawa lahat para umahon sa kahirapan lahat ng kahit anong trabaho pinapasok para lang may ipangkain sa pamilya..hay..kapag naging mayaman ulit ako..tutulong na ako sa mga mahihirap..kung pwede lang din magpatayo ako ng center or mag donate ng pera sa mga bahay-ampunan at sa mga home for the aged..dami ko naiisip..pero ngayon maghahanap talaga ako ng racket (whatta word??)

**********

"Ano ka ba naman Miss? tatawid ka nalang ng kalsada ay hindi ka pa marunong tumingin sa dinaraanan mo."

"pasensya na..." ayan natapilok ako sa busina nitong loko na to! tulala nanaman ako? pano ba naman kasi..di ako nakakain ng tanghalian pa tapos kakagaling ko lang sa iba't-ibang kompanya para mag-apply....

O__________________________O

Nathaniel James Arrastia ?????

What the! gusto kong tumakbo palayo pero di ko magawa..

"Chloe Nicole?" gulat na gulat sya alam ko yun.

Lakad lang palayo Chloe..wag kang lilingon..kahit masakit ang paa ko pinipilit kong maglakad parin.

"Chloe Nicole!!"

Wag kang lilingon Chloe..Mukha akong tanga dahil sa kalituhang nangyayari sa akin dito..Nahihiya ako kay Nathan dahil nakita nya ako sa ganitong ayos ang itsura mukhang wala sa sarili at halatang pago at gutom!

**********

"bakit di ka nalang bumalik sa inyo Chloe?" naalala ko ang facial expression ni Nathan pagkakita sa akin..na parang nakakita ng kababalaghan..

"Ano ang gagawin ko? baka hindi na ako tanggapin ng parents ko."

"kung bakit naman kasi nagmatigas ka pa. Tignan mo tuloy ngayon parang nakakarma ka." Sa lahat ng ka boardmates ko sya lang ang tanging nakakaalam ng buong storya kung bakit ako naglayas sa amin. "sorry chloe di ko intention na saktan ka. nabigla lang ako. sorry ulit."

"walang kaso. makakahanap din ako ng trabaho Deniesse."

Continue Reading

You'll Also Like

914K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
104K 211 3
Si Aliah ay lumaki kapiling ang kanyang ina. Mula nang magkaroon siya ng isip ay ito na ang naging kasa-kasama niya. Nagtataka man kung bakit wala an...
29.4K 535 7
Isang babaeng nagpapakabaliw sa isang lalaking hindi naman siya gusto, at isang lalaking masyadong duwag harapin ang tunay niyang nararamdaman.
The Mistress By JAM

General Fiction

321K 1.4K 7
"Ako na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo dahil pinakasalan ko ang lalaking matagal kong pinangarap na makasama hanggang sa pagtanda. Pero...