She's the Gangster's Bitch...

By niknicx

1.9M 29K 2K

So, you're THE GANGSTER???! Well I'm THE BITCH! I DARE YOU, to fall in love with me.... Ang storyang ito ay R... More

Important Matters
Prologue
Prologue - FULL VERSION
Chapter 1 - "The Flashback Starts"
Chapter 2 - "Meet THEM"
Chapter 3 - "First Day - Part One"
Chapter 4 - "First Day - Part Two"
Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."
Chapter 6 - "Contest Jitters"
Chapter 7 - "The Contest"
Chapter 8 - "Who is he?"
Chapter 9 - "Suspicions"
Chapter 10 - "She's Broken"
Chapter 11 - "Victory Party"
Chapter 12 - "Challenge Accepted"
Chapter 13 - "Bitch's Plans"
Chapter 14 - "Hello Singapore!"
Chapter 15 - "Falling"
Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."
Chapter 17 - "Boy Next Door"
Chapter 18 - "His or His Moves?"
Chapter 19 - "Let me Court You"
Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"
Chapter 21 - "Tanoli 101"
Chapter 22 - "Twisted Mind"
Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"
Chapter 24 - "Without Him"
Chapter 25 - "Revelation"
Chapter 26 - "Everything has Changed"
Chapter 27 - "Everything About HIM"
Chapter 29 - "Torn Between Two Lovers"
Chapter 30 - "Dark Agenda"
Chapter 31 - "The Hunter's Burden"
Chapter 32 - "Is it Over?"
Chapter 33 - "The Traitor"
Chapter 34 - "The Wedding"
Chapter 35 - "Her Greatest Downfall"
Chapter 36 - "Commander's Revenge"
Chapter 37 - "Jasmine on Duty"
Chapter 38 - "Her Lost"
Chapter 39 - "The Bitch is Back"
Chapter 40 - "Parting Time"
Chapter 41 - "Mr. Adriano"
Chapter 42 - "Grand Ball - Part 1"
Chapter 43 - "Grand Ball - Part 2"
Epilogue

Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"

34.9K 484 22
By niknicx

Yuri's POV

"Look Jill, sila na ba?"

"Shocks! Hindi to pwede Dindin!"

"Grabe Lily, hindi ko inaasahan na sa ganyang klase lang ng babae mapupunta si Chester!"

"Baka napikot? Gayuma kaya?"

Tsssss. Pigilan niyo ko please! Malapet nang maactivate ang bitchy mode ko! Ilan lang naman yan sa mga naririnig kong bulungan ngayon habang kumakaen kami sa canteen.

"Here, Yuki, tikman mo to. Favorite ko to bukod sa tanoli na luto mo.", nabalik ako sa wisyo nang biglang subuan nanaman ako ni Chad na todo ngiti pa din.

Parang hindi niya naririnig ang bulungan sa paligid namin. Sinuklian ko naman siya ng ngiting saksakan ng tamis pagkatapos ay sinubo ko na yung pagkaen na nasa kutsara niya. Hindi ko na muna papansinin yung mga inggitera sa paligid ko. Mainggit sila to death! Hahaha! Basta ako, walang kapantay ang kasiyahan ko :D

Ibang Chad ang nakikita ko ngayon. Masyadong sweet, masayahin at laging nakangiti. Siguro ito yung Chad na sinasabi nila bago pa mamatay yung Kuya niya. Kaya naman tuwang tuwa ako dahil sabi nila Maki, mukhang ako nga daw ang nakapagpabalik ng dating Chad na kilala nila. Say niyo naman sa kagandahan ko diba? Muwahaha! :)

"Yuki, pagluto mo naman ulit ako pleeease!", parang batang sabi pa niya habang ngumunguya pa ko.

"Takte dude! Mas masahol ka pa ngayon sa pagiging abnormal ni Enzo ah.", pang-aasar ni Dale.

"Sinong abnormal!", biglang sigaw naman ni Enzo.

"Ikaw! Sino pa ba?", - Dale

"Ops! Ops! Dito pa mag-aaway e! Mamaya niyo na ituloy yan, nauudlot ang cheesyness nung dalawa oh!", awat naman ni Maki na natatawa pa.

"Pagluto mo na kasi ako Yukiiiii.", nakanguso nanamang sabi ni Chad na parang walang pakealam dun sa tatlong itlog na kabarkada niya.

"Alam mo namang hindi ko kayang tumanggi sayo Chad ko.", todo ngiting sagot ko nang biglang......

*SPLASH!

"WHAT ARE YOU DOING DEMI!", narinig ko nalang na sigaw ni Chad habang nakayuko ako at basang basa ng malamig na tubig. Mabilis na hinubad ni Chad ang polo shirt niya tsaka ibinalabal saken. Tanging white tshirt na panloob nalang ang suot niya ngayon.

"Tinatanong mo ngayon kung ano ginagawa ko? Hindi mo ba nakitang binuhusan ko siya ng tubig? Baka kasi sakaling luminis ang pagkatao kahit pano.", sarkastikong sagot ni Demi habang nakacross arms. Nasa likod naman niya yung mga kabarkada niyang kasing dumi ng ugali niya. Dumami na rin ang mga estudyanteng nakikiusyoso samen.

"Get lost Madeline. Leave us alone.", seryosong sabi ni Chad.

"What? Don't tell me tinamaan ka sa makating babaeng yan? Hello? Chester, are you out of your mind? She's just using you. She's a gold digger bitch."

Hindi ko alam kung bakit natatameme ako sa mga sinasabe niya ngayon. Hindi ako to e. Ako si Yuri Kiana Chua, palaban at matapang. Pero bakit hindi ko magawang sagutin siya ngayon? Pakiramdam ko muka akong kawawang basang sisiw dito.

"Get out. I don't wanna see your face again.", seryoso pa ding sabi ni Chad.

"Tss. You're insane Chester. Hindi mo kil-----" - Demi

"I said GET OUT!", pagputol ni Chad sa sinasabi ni Demi habang nakaturo pa sa exit ng canteen.

"You'll regret doing this to me, Chester. I'll make sure na makakarating to agad kay Tita." -  Demi

Tinignan pa niya ko ng masama at tsaka parang napapahiyang lumakad palabas ng pinto kasunod ang mga alalay niya. Mukang ang mama ni Chad ang tinutukoy niyang Tita.

"*clap clap* Okay! Tapos na po ang palabas. Maaari na kayong bumalik sa mga kinakain niyo.", malakas na sigaw ni Dale sa mga tsismosang nanood sa eksena ng bruhang Demi na yon.

"Epal ka talalaga e noh?", pang aasar ni Enzo kay Dale nang bumalik na ito sa upuan niya.

"E kesa naman sayo, walang pakinabang.", sagot naman ni Dale kay Enzo.

"Are you okay?", napatingin ako kay Chad nang magsalita siya sa tabi ko. Mukang alalang alala ang istura niya.

"Mmmm.", tanging nasagot ko tsaka ko siya nginitian.

O_______________O

Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin ng mahigpit!

"I'm sorry. Hindi ko siya napigilan.", narinig kong bulong ni Chad.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil nagulat ako sa ginawa niyang pagyakap saken. Pero mukang nasasagot ko na ang tanong ko sa sarili ko. Hindi ko magawang labanan si Demi ngayon...... Dahil alam kong nandito si Chad. Nandito siya at kayang kaya niya kong protektahan at ipagtanggol.

Gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa at sinabi niya pero hindi ko pa rin nagawang sumagot. Maya maya ay hinalikan niya ko sa ulo at tsaka dahan dahang humiwalay sa pagkakayakap saken.

"Grabe par, ang sama talaga ng Demi na yon!", biglang sabe ni Maki kaya napatingin kami sa kanya.

"Ikaw na magbayad nitong kinaen naten.", utos ni Chad kay Maki na hindi manlang pinansin ang sinabi nito.

"Let's go. Kailangan mo magbihis, baka magkasakit ka.", biglang baling saken ni Chad sabay kuha ng kamay ko at inalalayan ako patayo.

Ramdam kong pinag uusapan kami ng mga estudyante sa paligid namin pero hindi ko na sila pinansin. Derederetso lang ang lakad namin ni Chad habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Walang nagsasalita saming dalawa. Pinilit kong tignan ang reaction niya pero hindi ko magawa dahil mejo nauuna siya saking maglakad na para bang inaakay ako.

"Aaaah, Chad, may damit ako sa locker, saan tayo pupunta?", pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa nang mapansin kong hindi papunta sa locker room ang dinadaanan namin kindi papunta sa parking lot.

Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad tapos humarap saken tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay titig sa mga mata ko. Sheeetness! Chad, please naman, wag mo ko tignan ng ganyan kasi natutunaw ako e, alam mo ba yun ha???

"I wanna get you outta here. Let's go somewhere else, yun tayo lang dalawa. Yung masosolo kita.", titig pa nga lang tunaw na ko, dinagdagan mo pa ng ganyang mga banat mo. WAAAAHHHH! KILL ME NOW!

Hinawakan na niya ulit ako sa kamay tapos inakay na ulit ako papunta sa parking lot. Parang nakalimutan ko na tuloy na basa ang damit ko dahil sa sobrang kilig.

Parking lot...

"Get in. Dito lang muna ako. Magbihis ka sa loob at baka magkasakit ka. Suot mo muna yang polo shirt ko." - Chad

Binuksan ni Chad yung pinto ng kotse niya tapos ay isinara nang makapasok na ko. Kita ko siyang nakatayo lang sa labas na parang naghihintay na makapagbihis ako. Hindi naman ako kita dito sa loob dahil tinted ang mga bintana ng kotse niya.

Binilisan ko nalang ang pagbibihis pagkatapos ay tinitigan ko na muna siya mula dito sa loob. Ang gwapo gwapo niya kahit simpleng white tshirt lang ang suot niya ngayon.

Grabe, Chad, anong pagkatao ba ang meron ka? Ang dami ko nang nalaman tungkol sayo, pero parang kulang na kulang pa rin. Pag kausap kita, napakalambing mo at laging nakangiti, pero pag nagseryoso ka, lahat matatakot sayo dahil sa authority na pinaparamdam mo. Pero ako? Hindi ko magawang matakot sayo dahil alam kong kahit anong mangyare, hindi mo ko pababayaan.

*Knock knock

Papikit pikit pa kong bumalik sa wisyo ko nang marinig ko ang katok ni Chad sa bintana kaya naman mabilis kong binuksan yun.

O_________________O

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang yumuko kaya magkaharap na magkaharap na ang mga mukha naming dalawa ngayon. Nasa passenger seat ako at siya naman ay nasa labas pa rin ng kotse. Naimagine niyo ba yung position namin?

"Tapos ka na bang tumitig saken?", nakangisi pang tanong niya saken at amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya kaya mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko nanaman nagawang sumagot!

"Tssss. Hehehe. Tsuup!"

O______________O

CHAAAAAAD! BAKIT KA GANYAN!

Bigla niyang kong hinalikan sa ilong ko tapos ay naglakad na papunta sa driver's seat. Sheeeeetnesss! INHALE! EXHALE! Natulala nalang ako habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana kung saan nakatayo siya kanina.

"Let's go?", dahan dahan akong napatingin kay Chad na nakaupo na pala sa driver's seat. Todo ngiti nanaman siya!

"M---mmmm.", yan lang ang nasagot ko dahil hindi pa rin ako makamove on sa mga ginawa niya. Sinuklian naman niya ko ng matamis na matamis na ngiti pagkatapos ay inistart na ang kotse at nagdrive palabas ng parking lot.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagda-drive. Grabe, ang swerte swerte ko talaga kay Chad. Pero swerte din naman siya saken diba? Ang ganda ganda ko kaya! Hellooooo! Dyosa kaya ang girlfriend niya. Angal ka?! Tsssss.

O________________O

Nagulat nanaman ako nang bigla siyang tumingin saken kaya nagkatitigan kami.

"Stay here, okay?", nakangiting hinawakan niya ng bahagya yung baba ko tsaka lumabas ng kotse. Bigla naman akong natauhan na nakahinto na pala tong kotse niya sa labas ng isang botique dito sa may Katipunan.

Kanina pa ko hindi makapagsalita. Pag si Chad talaga ang kaharap ko, natatameme nalang ako. Pero dati naman hindi ako ganito ah! Lalo na nung nasa SG kami. E kasi naman e, kahit sino namang babae ang tratuhin ni Chad ng ganito, talagang matatameme eh!

Ilang sandali pa yung lumabas si Chad dun sa botique na may dalang mga paperbags. Nang makapasok siya ulit sa kotse ay inabot niya yung mga yun sa aken.

"Magbihis ka mamaya bago tayo bumaba ng kotse.", todo smile nanaman na sabi niya tsaka akmang iistart na ulit yung kotse. Tinignan ko isa isa yung mga paperbags. Itsura palang, mukang mas mahal pa sa buhay ko!

"Ahhh, Chad, h-hindi ko yata matatanggap tong mga to.", nahihiya pang sabi ko kaya hindi na niya naituloy ang pagstart na kotse. Tumingin lang siya saken na parang nagtatanong kung bakit.

"E-e kasi masyadong mahal. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito kamahal na damit.", paliwanag ko.

Totoo naman e, hindi ko kayang magsuot ng ganito kamahal na mga damit kahit nung buhay pa sila mama at papa. Kahit may kaya ang pamilya namin noon, hindi pa rin ako bumibili ng mga mamahaling damit dahil nanghihinayang akong isuot. Isa pa, kahit gano pa kamura ang isuot ko, kayang kaya kong dalin yun dahil maganda ako! Tssss.

O____________O

Tinitigan nanaman niya ko tsaka kinuha ang dalawang kamay ko pagkatapos ay hinalikan ang mga ito. CHAAAAAAAAD!

"Yuki, kahit kailan, ayokong iintindihin mo ang presyo ng mga bagay na binibigay o ibibigay ko sayo dahil hinding hindi mapapantayan ng mga ito ang saya na binibigay mo saken.", seryoso pero nakangiting sabi niya saken.

Nginitian ko nalang din siya kaya binitawan na niya ang kamay ko tsaka nagdrive na ulit. Ilang sandali pa ay nagpark siya sa isang supermarket.

"Bihis ka na muna ha. Hintayin nalang kita sa labas.", hinawakan niya ulit yung kamay ko tapos pinisil ng bahagya tsaka lumabas ng kotse. Mabilis naman akong nagbihis ulit ng isa sa mga damit na binili niya. Maya maya ay lumabas na din ako.

"Bili tayo ng ingredients tapos turuan mo ko magluto ha?", malambing na sabi niya pa nang makalapit na ako sa kinakatayuan niya.

Naglakad kami papasok ng supermarket na magkaholding hands. Grabe, sobrang sarap lang talaga sa pakiramdam ng ganito. Yung naglalakad ka lang pero kasama at kahawak kamay mo yung taong mahal na mahal mo :)

Mabilis kaming naggrocery ng mga kailangan para sa tinola. Syempre hindi mawawala ang ketchup sa mga binili namin :)

Nung magbabayad na kami sa counter, titig na titig kay Chad yung babae sa cashier. Tssss. Oo na, hindi ko na siya masisisi dahil nga sobrang gwapo ng Chad my loves ko. Kahit gusto ko nang pitikin yung eyeballs niya ay hinayaan ko nalang.

Nagulat nalang ako nang bigla akong inakbayan ni Chad na todo ngiti pang nakatingin dun sa babae. Pasaway ang Chad ko, nang inggit pa e mukang laway na laway na sa kanya yung babae. Hahaha! Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko. Para namang nanlumo yung babae sa nakita niya. Tapos nun ay bumalik na kami sa kotse.

"Dun nalang tayo sa apartment mo ha?", tanong saken ni Chad habang nagdadrive.

"Sure, no problem.", nakangiting sagot ko naman.

"Wag mo na nga pala kunin yung kotse mo sa school. Sunduin nalang kita bukas pagpasok.", sabi niya kaya naman kinilig nananaman ako!

"Okay.", todo smile na sagot ko. Waaaah! Sorry baby Jacob, see you tomorrow nalang. Si Chad to eh. Si Chad my loves ang susundo saken!

Mabilis naman naming narating yung apartment namin ni Jazz dahil malapit lang naman kami sa supermarket na pinanggalingan namin kanina. Gaya ng dati, hindi na pinasok ni Chad yung kotse niya sa loob ng garahe.

Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse tapos ay kinuha niya ang mga pinamili namin sa backseat. Ilang plastic bags din kasi ang mga yun.

Nang makuha na niya ay sabay kaming naglakad papasok sa gate. Pero natigilan kami pareho sa pagpasok nang biglang...................

"Kiana............"

SI LESTER.......

[a/n: Alam kong sawang sawa na kayo sa mga sorry ko. Pero magsoSORRY pa rin ako ngayon dahil hindi ako nakakapag-update agad. Ang hirap kasi ng walang laptop sa apartment :( kaya kahit abutin pa ko ng madaling araw ngayon, nag update ako dahil ngayon lang ako nakagamit ulit ng laptop ko. Sorry talaga, sana hindi kayo magsawa sa kakahintay ng updates ko.]

Continue Reading

You'll Also Like

571K 20.7K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3M 98.7K 93
Si girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana e...
15M 494K 68
Ang Campus Nerd na pinagdidirian at nilalait ng mag estudyante sa RDA. Pero, paano nalang sa isang iglap,ang Campus Nerd na nilalait at pinagdidirian...
3M 38.2K 75
What will happen kung ang isang promdi girl ay pumunta sa Manila para maghanap ng trabaho pambayad sa utang nila? Babalik ba siya na wala ng problema...