Teenage Love

By JeannieManalo

150 15 0

Sabi nila iba raw ang feeling when your young and in love... Yng paligid mo ay puno ng rosas. Para kang nakal... More

Chapter 1: Young and in Love
Chapter 2 : Typical Teenager
Chapter 3: My Stalker
Chapter 4: Getting to Know Each Other
Chapter 5: Love Grows
Chapter 6: Sweet Moments
Chapter 7: Complicated Love
Chapter 8: The Wedding
Chapter 9: The Adjustments
Chapter 11: Giving Up
Chapter 12: Separates lives
Chapter 13: Missing each Other
Chapter 14: Second Chance
Chapter 15: Love Goes On

Chapter 10: The Heartaches

8 1 0
By JeannieManalo

    Sa simula lang pala masaya ang kanilang buhay pamilya, habang tumatagal dumarami ang problema.

Hindi madali para kay camille ang maging housewife, araw-araw gising ng maaga, luto ng almusal, linis ng bahay, pagpapaligo, pagpapakain at pag-aaalaga sa anak nilang si tricia, kapag nakatulog, maglalaba, maghuhugas ng mga kinainan. Kapag nagising ang anak, saglit iiwanan sa mama nya para makapamalengke. pagdating magluluto ng tanghalian at buong hapon alaga ang anak, minsan sinasabayan nya baby nya sa pagtulog para kahit paano makaidlip siya.

   Si jason naman , maghapon sa opisina nagtatrabaho at sa pag-uwi ng hapon , pasok sa eskwela dahil isang taon na lang matatapos na siya sa kurso niyang accounting.

    Pagdating ni jason sa bahay, pagod at gutom dahil tinitipid nya ang budget nila dahil maliit lang ang kanyang sweldo.

" hon, anong ulam natin ? Gutom na gutom na ako hindi kasi ako nagmeryenda "

" ay hon, sorry, ang dami kong ginawa , hindi pa ako nakakaluto ng hapunan."

" ano? alam mo naman ganitong oras uwi ko, ano bang klaseng bahay ito? Pagod ka na sa kakatrabaho, pagdating mo sa bahay wala ka pang makain. "

" bibili na lang ako ng ulam sa labas, sandali lang. "

" wag na... Nawalan na ako ng gana. Mabuti pa itulog ko na lang."

" ano bang akala mo sakin, walang ginagawa sa bahay? Maghapong alaga ko anak natin, naglalaba, nagluluto, namamalengke at naglilinis ng bahay... Akala mo ba ikaw lang ang pagod?"

" sinabi ko ba? May kanya-kanya tayong tungkulin at gawain sa pamamahay na ito, sana lang ginagawa mo part mo."

" para mong sinabing wala akong kwentang asawa , alalahanin mo kung nagsasakripisyo ka, ganon.din ako, kaya wag mong sabihin wala akong ginagawa rito. " sabay punta ni camille sa kwarto at umiyak.

    Hindi muna kinausap ni jason ang asawa dahil alam niyang galit pa ito. Maaga siyang umalis kinabukasan kaya lalong nagtampo si camille.

    Abala si camille sa mga gawain bahay habang nag-aalaga ng anak. Balak niyang magluto ng pochero para sa kanyang asawa para makabawi sa atraso niya kahapon na nakalimutan niyang magluto. Mayamaya tumawag ang kaibigan niya si karen.

" hello camille, nabalitaan mo na ba na bumalik na si jasmin mula sa amerika?"

" sinong jasmin? "

" yong ex ng asawa mo ."

" ex na naman pala"

" pero nakita ko silang magkasamang kumakain at nag-uusap sa starbucks, ang sweet pa nga, panay pacute ni jasmin."

" ganon ba? Salamat sa info" binaba ni camille at nag-iiyak.

    Tiningnan ang itsura niya sa salamin. Malaki na nga ipinagbago ng itsura niya, bukod sa tumataba na siya, mukha na siyang losyang, di tulad noon na para siyang model.

" mukhang pangit na ako at kapalit-palit na ako, kaya siguro di na siya sweet sa akin, nagsasawa na siya sa akin. "

   Gabi na nang dumating si jason. tinanong siya ni camille kung kumain na siya.

" busog na ako, nayaya ako kaninang magmeryenda sa starbucks."

" talaga? Sino naman kasama mo?"

" kaibigan kong galing sa amerika. "

" kaibigan o ex ? Jasmin ba pangalan ?"

" oo, siya nga"

" kaya pala mukhang masaya ka at ayaw mo nang kumain ng luto
ko. "

" galit ka ba? Don't tell me na nagseselos ka."

" ay hindi, bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako? kahapon nagalit ka dahil di agad akong nakaluto, ngayon nagluto ako ng paborito mong pochero pero nagstarbucks ka na, di ba sobrang saya ! "

" e di kung gusto mo, kakain uli ako, sasabayan kita."

" wag na,nakakahiya naman sayo, mukha naman enjoy ka na at busog pa." Sabay talikod kay jason at pinuntahan ang natutulog nilang anak.

Continue Reading

You'll Also Like

392K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
73.6K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...