Torn

By Syelkry

74 9 2

I have loved him since high school, he reciprocated it when we both entered the same university. I was happ... More

Untitled Part 9
Chapter 1 Official Meeting
Chapter 2 Cortez clan
Chapter 3 drown
Chapter 4 So gay
Chapter 6 The FHM
Chapter 7 Go out with me
Chapter 8 First kiss
Chapter 9 Bamboo

Chapter 5 Lunch

6 1 0
By Syelkry

#lunch

“Thanks tita, tito.” I thank jha’s parents sa paghatid nila sa’kin sa bahay. We really had fun sa Palawan, no regrets kahit palagi kaming pagod whenever the day ends. “Just give me a call kung kalian tayo magpapaenroll jha, kay?” I  said as I turn my attention to Jharyd.

“Sure sure Trix. Just get some rest first, okay?” He said before giving me a peek on my cheek as a goodbye.

I nodded for response and bid my goodbye sa kambal.      “Bye ate trix! Next time ulit.”   Sabay na singhal nang kambal nung bumaba na ako nang sasakyan.

“Hi ma! I missed you!” I greeted my mom who’s now watching Netflix in the living room. I gave her a hug and a kiss as I came close to her  dahil sobrang namiss ko ang mama ko.

“How’s the vacation baby? Did you have fun?” my mom asked with a smile on her face. Namiss niya siguro ako nang sobra. We’re really close kasi since nung iniwan kami nang papa namin. Kaya kaming dalawa nalang ni kuya Miguel ang nakakasama niya sa bahay aside from our driver and maid. All in one na rin kasi tong mama ko eh, she didn’t only act as a mother but also as a big sister and a bestfriend. I really love her as well as kuya Miguel.

“Yes ma, super!”     I said eagerly after I broke the hug. I gave her the things that I bought for her, tapos ang kay kuya Miguel ay sa pagdating niya na ko pa maibibigay. I’m sure he’ll love this, wala namang pili sa gamit yun. At yan ang isa sa pinakagusto ko kay kuya, hindi siya maarte.Sa pagiging mahigpit niya lang naman siya sobrang OA but, I super love him still.

After I placed my present for kuya Miguel inside his room, I immediately went to  my own room. As I mentioned before, I love hello kitty so so much kaya wala nang duda kung bakit puro mukha nang hello kitty ang nakapalibot sa kwarto ko. My pillow case, blanket, closet, wall and even the carpet  ay di ko pinalampas.



Three days after we went back from our vacation, Jharyd decided to grab the day para makapag enroll na kami sa diliman. Sinundo niya ako using his car. Lunch time na pero di pa rin namin tapos ang lahat nang steps ni Jharyd para sa enrollment process kaya, kumain na muna kami sa malapit na cafeteria.

Before we can pick a vacant table, I saw mark at the corner of the cafeteria waving his hand to us and signaled  us to come near him. Habang papalapit kami sa kinauupuan ni mark, Jharyd drop his arms around my shoulder para akbayan ako kaya napalingon ako sa kanya. Is he doing this on purpose? Baka iba ang isipin ni mark sa  amin at maudlot pa ang kakasimula pa lang naming friendship.

“Hi trix!” Mark greeted me as we came close to him and point at the vacant chairs sa harap namin. Tinanguan niya lang si Jharyd at ganun din ang ginawa nito sa kanya.

“Hello Mark! Kumusta?” I greeted back and genuinely smiled at him. Kinakabahan ako at ramdam na ramdam ko ang nerbyus dahil sa nagpapawis kong mga kamay. Iba talaga ang epekto ni Mark sa’kin kahit ‘hi’  lang ang sinabi niya.

“Are you done with your enrollment?” He asked as we started eating the lunch we ordered.

“Not yet, 2 steps more then we’re done, right Jha?” I asked Jharyd  para makasigurado.

Jharyd nods his head for approval. Feeling ko ayaw ni Jharyd kay mark, halos hindi ito nagsasalita eh, sobrang daldal kaya nito pag kami lang. Siguro dahil alam niyang crush ko ang lalaking kasabay naming magtanghalian kaya naninibago siya. Sanay kasi itong kami lang dalawa palagi kung di namin kasama ang mga kamag-anak niya.

“Ohh, that’s good. Patapos na rin ako baka gusto niyong mamasyal after?” pagyayaya ni Mark sa’min ni Jharyd.

“Sure!” I replied quickly kaya biglang napalingon si Jharyd sa’kin na busy sa kinakain niya.

“Wala ka bang ibang gagawin trix? Akala ko sasamahan mo akong mamili nang groceries”     Nakakunot noong tanong ni Jharyd sa’kin.

“let’s do the groceries first before joining Mark on his plan, is that okay for you? Please……?”     I begged Jharyd para magkatime naman kaming magbonding ni Mark kahit saglit lang. Malapit na kasi ang pasukan kaya I am so sure na minsan nalang ako magkakaoras maglakwatsa.

Huminto nang pagsubo si  Jharyd at tiningnan ako nang mataman tapos sabing     “Cute mo!”    sabay pisil sa ilong ko.

“Thank you!” Di ko napigilang yakapin ang bestfriiend ko sa sobrang tuwa. Kahit kelan talaga di niya ako hinihindian. Nahinto ko ang pagyakap kay Jharyd nang umubo si Mark. Sabay kaming napalingon ni Jharyd. Nahiya ako bigla, nakalimutan kong andito pala sa harap namin ang crush ko.

“Saan nga pala tayo mamamasyal?” Tanong ko kay Mark para maiba ang usapan.

“Kayo? baka gusto niyo magvideoke?” Suggestion ni Mark nang humupa na ang awkwardness naming tatlo. Sanay na kasi kami ni Jharyd na ganito kahit may mga tao pero, iba lang talaga sa harap ni Mark, crush ko kasi siya at baka mamis-interpret niya ang closeness namin ni Jharyd.

“Sige-sige! Gusto ko yan. Lalong-lalo na’tong si Jha.” I clapped my hands habang excited sa planung pagvivideoke  naming tatlo. Alam ko kasing maganda ang boses ni Mark, vocalist kasi siya nang banda  noong High School pa kami.

“That sounds great!” Pagsang-ayon naman ni Jharyd habang itinatabi ang pinagkainan niya. Mahilig din kasi itong kumanta kaya walang problema sa kanya.

“Okay. So, it’s settled then. Kita nalang tayo sa parking lot. By the way, may I know your number Trix ?para matext ko kayo if ever na tapos na rin akong mag-enroll.”    Tanong ni Mark sabay abot nang phone niya sa’kin.

I willingly input my number into his phone para madali lang kaming magkita mamaya and also to increase the percentage of our closeness. Di ko napigilang magdiwang ang puso ko sa tuwa.

Binalik ko na ang phone niya at bumalik na rin kami ni jharyd sa enrollment area para matapos na namin ang lahat nang steps.


Quarter to 5 nang matapos naming lahat ang kailangan sa enrollment. We decided to take a bit of rest ni Jharyd sa may bench para hintayin ang text ni mark.

“Okay ka lang?”     I queried as I noticed the uneasiness on his face. Parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi.

“Of course, why?”    He asked back na nakakunot pa rin ang noo.

“Mukha ka kasing problemado.”     I told him and caress his forehead to straighten the lines.

“Natatakot lang ako na baka makalimutan mo na ako kung magiging close na kayo ni Mark.” He seriously said in front of my face.

“Wow! Grabi ha! Nakakainsulto kana Jha!”    Nagtatampo kong sambit. Grabi naman kasi kung makapag-isip tong tao na'to. Parang di ako kilala.

“Oh? Ano na naman ang ginawa ko?” Naguguluhan niyang tanong.

“Wala ka kasing tiwala sa’kin. Everytime na may bagong kakilala ako yan palagi ang iniisip mo. Akala ko ba bestfriend mo’ko, you knew me well of all people.”    Nakahalukipkip ko paring tugon sa kanya.

Napabuntong hininga siya bago nagsalita.   “I am just afraid you know. I already knew na long time crush mo yang Mark na yan, tapos ngayon magiging close na kayo. Pa’no na ako kung magkakamabutihan kayong dalawa in the future?” He explained calmly and intently looked into my eyes. Sobrang seryoso niya at ramdam na ramdam ko ang takot sa mga titig niya.

Sasagot pa sana ako nang magvibrate bigla ang phone ko. Unregistered number ang tumatawag at may hinala na ako kung sino yun. “Hello?”    I said as I answered the call.

“Are you done?”    tanong ni mark sa kabilang linya.

“Yes.Ikaw?”   Tanong ko rin sa kanya.Pilit kong itinatago ang excitement sa boses ko para hindi mahalata ni Mark ang epekto niya sa’kin. At isa pa baka lalong magtampo si Jharyd. Nasa harap ko pa naman siya.

“Kakatapos ko lang. I’m on my way to the parking lot. Sa’n kayo?”   

“Papunta na rin, see you there.”    I said before ended the call.

“Papunta na raw si Mark sa parking lot. Tara na?” I told Jharyd na hindi pa rin nagbabago ang expresyon nang mukha.     “C’mon  Jha, wag ka nang magtampo, hindi naman kita babaliwalaen kung  magiging magkaibigan kami ni Mark and also, pwede rin naman kayo maging friends.”     Pagpapaliwanag ko sa kanya nang maibsan ang pag-aalala sa dibdib niya.

“Don’t mind me. Let’s Go.”    He said and hold my hand. We quietly pass the hallway until we reach the parking lot.


-------
Author’s Note:  Double update for you guys!! Kapit lang. Enjoy reading

Continue Reading

You'll Also Like

603K 49.7K 24
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
1.3M 69.8K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
580K 20.2K 95
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
294K 34K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...