Frat Boys - Marcus the Dean's...

Galing kay erindizon

8.8K 377 65

Higit pa

Frat Boys - Marcus the Dean's Lister

8.8K 377 65
Galing kay erindizon

New Short Story Series! Yay! ^____^ Feel free to comment. Ay onga pala! Namiss ko kasi si Kim Kibum ng SuJu kaya siya ang cover. Promise, mahal na mahal ko siya. Sana bumalik na siya sa SuJu. *u* 


_____________________________________________________________________





ARA’s POV.

Freshman pa lang ako dito sa university namin kaya medyo naninibago pa. Ang dami ko na ring bagong nakilala, ang nakakatuwa, iba-ibang personality.

College na nga siguro ako.

Napangiti ako habang naglalakad papunta sa next class. Nakasalubong ko kasi yung crush kong fine arts student. Ang gwapo eh. Kasama niya barkada niya, ang gugwapo rin.





“Miss!”

Tuloy lang ako sa paglakad ng bigla akong pigilan ng isang lalaking naka-polo shirt na black.





“Po?” Eh syempre magalang ako, mukhang mabait naman si kuya pero mahirap na baka anong gawin sa akin.

Sa university kasi namin, uso  na mga fraternity saka sorority.

One time nga, may upper class akong nakausap tapos iniinvite ako sa orientation ng sorority nila. Eh wala naman akong balak salihan na kahit ano, kaya nginitian ko na lang si ate. Buti mabait yun.





”Nahulog mo o.” Sabi ni kuyang naka-black na polo at inabot yung panyo ko sa akin.





”Ay thank you po.” Nakangiti kong sabi.

Napansin ko namang natahimik siya saglit pero nagtanong din, “Freshie ka noh? Halata eh.” Sabi pa niya na medyo natatawa.





”Panong halata, kuya?” Tanong ko.





”Kinukuya mo ko eh. Di kasi uso yun dito. Tsaka, ang galang mo masyado. Wag kang mag-alala, mabait naman ako.”

Ang gwapo rin nitong si kuya. Ay ano kayang pangalan niya?





”Marcus nga pala. Ikaw, anong pangalan mo?” Tanong niya habang sinasabayan na rin ako sa paglakad.





”Ara. Ay kuya, una na po ako. May class pa ko. Thank you ulit!”





“Wag mo na kong tawagin kuya ah. Sige, ingat!” Nagbabye naman ako at naglakad na nakangiti.

Eto ang masaya sa college eh, daming gwapo.  *u*

 





MARCUS’ POV.

Sa wakas! Nalaman ko rin ang pangalan ni curly hair. Oo, curly hair. Kulot kulot kasi buhok eh, malamang kaya curly hair nga eh.

Ah basta.

Ara Ara Ara. Ang ganda ng pangalan mo, Ara.





”Mga tol, mukhang may nawawala sa katinuan dito oh.” Kantsyaw ni Henry.





“Oo nga dre, parang nag-iimagine. Huy, maaga pa tol! Sa bahay mo gawin yan.” Pang-asar din Yuki.





“Ano tol, nakajackpot ka noh?” Nang-aasar na tanong naman ni Kim.

Pinagbabatukan ko lang naman silang lahat. Mga walang magawa sa buhay eh. Wala siguro silang klase kaya nakatambay lang din sila dito sa designated na tambayan ng frat namin.

Oo na, frat boy na ko.

Pero wag kayo, good boy kaya ako.

Kaya lang naman ako napasama sa frat na ‘to kasi dati ring member tatay ko dito, syempre privilege. Tsaka okay lang din naman kay papa na sumali ako.

Pero wag kayong magstereotype ah.

Hindi naman lahat ng kasama sa fraternity, gulo ang nasa isip eh. Sa Pilipinas lang naman ganun.

Sa school namin, hindi. Magkakaibigan lahat ng fraternities at sororities dito.

Ilang linggo ko na rin ngang nakakangitian at pasimpleng kinakausap si Ara eh. Kaya parang lagi akong naka-high. Drugs ba si Ara? Nakakaadik eh. Lalo na yung ngiti niya.





“Umayos ka nga, Marcus. Dadaan na si curly hair mo.” Patay malisyang sabi ni Kurt. Ang pinakatahimik sa amin, pero napapansin lahat.

Ewan ko paano niya natitiis ang ingay namin eh. Pero tama siya, padaan na nga si curly hair.





”Hi Ara!” Napatingin naman sa tambayan namin si Ara at parang nagtaka. May kataka-taka ba?





”Hi din!” Sigaw niya at nilapitan ko.





”Naks, di na nagpapa-po. Ayos ah.” Nakipag-apir naman ako sa kanya buti na lang nakipag-apir din kundi pahiya ako.





”Tara pakilala kita sa mga brod ko.” Aya ko sa kanya.





”Oy kuya, wala kong balak sumama sa inyo ah.”





”Sira, wala naman kaming sorority. Tsaka harmless kami, tignan mo nga, ang gwapo ko oh. Mukha bang sasaktan ka namin?” Natawa naman siya at sumama na rin sa akin.

Ang nakakatawa, parang ang tagal na naming magkakilala.





ARA’s POV.

Dinala naman ako ni Marcus, oo wala ng kuya, sa tambayan nila kung saan may apat na gwapong lalaking naghihintay samin.

Lahat nakangiti.

Enebeyen. Bakit ang gugwapo? *u*





”Uy si curly hair. Kaya pala wagas makangiti tong si Marcus the platypus eh!” Sabi nung isang nakasalamin na cute.





“Platypus ka dyan! Dun ka nga, kausapin mo na lang si Simsimi, Kim.” Tumayo naman si Simsimi este si Kim at pinaupo ako.





”Hello po.” Sabi ko kasi lahat sila nakatingin sa akin. Mga ngiti nila, sarap tignan lahat. Hihihihihi.





”Oy una na ko.”Paalam ni kuya na nakipaghandshake kina Marcus bago umalis. Handshake yata ng fraternity nila.





“Yun si Kurt. Tahimik lang yun pero di naman nangangagat.” Sabi ni Marcus at tinuro ang paalis na si Kuya Kurt.





”Etong dalawang ’to, si Henry at Yuki. Panget mga yan kaya wag mo ng kausapin.” Dagdag naman niya at nilayo yung dalawa sa akin.

Natawa na lang ako kasi pinagtulungan naman ng dalawa si Marcus.





“Ang cute mo naman tumawa.” Nakangiting sabi ni Simsimi este ni Kim sa akin habang kumakain ng sandwich. San niya nakuha yun?





”Gusho mo?” Eh ano daw?





“Ehem. Sorry, ang sabi ko, gusto mo? Nakatingin ka kasi sa kinakain ko.” Sabi niya at tinapat yung sandwich na nakagatan na niya sa tapat ng mukha ko pero umiling lang ako. Hindi naman ako nagugutom eh.





”Oy Kim! Takte. Uunahan pa ko. Dun ka nga, magselos pa si Rika!” Bumalik naman si Marcus sa tapat ko at tinulak-tulak si Kim.





”Psh. Di yon. Kelan pa yon nagselos? Magpapaparty ako pag nagselos yon! Tsaka ikaw yata ang nagseselos eh.” Sarcastic na sabi ni Kim.

Nagtawanan lang naman sila habang pinaghahampas ni Marcus ng notebook na hawak niya. Nakakatuwa silang panuorin. Ang kukulit kasi nila eh.





“Uy Marcus, uwi na ko ah. Sunduin ko pa kapatid ko eh.” Paalam ko sa kanya at nagbabye naman sa akin yung tatlo.





”Tara, samahan na kita.” Kinuha naman niya yung mga dala kong libro at folders.





”Dami naman nito, seryosong-seryoso sa pag-aaral ah?” Sabi niya habang naglalakad kami palabas ng university.





“Syempre, di ako tulad mo eh.” Ginulo naman niya yung buhok ko.





”Hoy ano ka, dean’s lister kaya ako.” Pagmamayabang pa niya.

Nanlaki naman mata ko sabay sabing, ”WEEEEEEH? DI NGA?!” Inakbayan naman niya ako at medyo sinakal ng pabiro.





”Sige pustahan pa tayo oh.” Inayos ko naman yung buhok kong ginulo niya at naglakad na ng matino.

Pero pinigilan niya ko sa paglalakad at tinitigan ng mabuti. Maya-maya nilagay naman niya  yung ibang buhok ko sa may likod ng tenga. Eh?





”Kapag dean’s lister ako ulit ngayong sem.. magiging tayo ah?” Seryoso niyang sabi.

Tumawa lang naman ako ng malakas kaya nakatunganga lang siya sa akin.





”Teka.. seryoso ka?” Tanong ko na nanlaki pa ang mata.





MARCUS’ POV.

Ang cute cute talaga ni Ara kahit ganyang simpleng nagugulat lang siya. Ewan ko ba, tinamaan ako ng matindi eh.

Pero.. Mukha ba kong nagjojoke?





”May narinig kang sinabi akong joke, Ara?” Nakangiti kong tanong sa kanya.





”Oy Marcus the platypus, wag kang ganyan ah. Baka maniwala ako.” Sabi niya tsaka nagtuloy-tuloy na sa paglalakad. Sinundan ko lang naman siya hanggang sa makarating kami sa school ng kapatid niya na agad namang nakipag-apir sa akin pagkakakita samin ng ate niya.





”Kuya Marcus, manlilibre ka ulit?” Hindi naman kasi ito yung unang beses kong sinasamahan si Ara tuwing susunduin niya ang kapatid niyang nasa elementary pa.

Madalas tuwing libre ako, at wala naman kaming meeting sa frat or orgs, si Ara ang kasama ko.





“Mahiya ka nga, Art. Lika na, uwi na tayo. Naghihirap na si kuya Marcus mo sayo eh.” Inakbayan naman ni Ara ang kapatid niya.





”Hindi pa naman ako naghihirap, Ara. Tara kain muna tayo.” Hindi ko na siya pinagsalita at hinila ko na lang para hindi na makaangal.

Dyahe.

Para akong kinukuryente habang hawak ko kamay niya.





ARA’s POV.

Ewan ko ba kung anong meron sa akin at hinahayaan ko lang si Marcus na gawin ang gusto niya. Madalas kasi sinasamahan na niya ako sa pagsundo sa kapatid ko tapos ihahatid pa kami sa bahay. Kilala na nga siya nila mama at papa eh.

Buti na lang hindi naman gaanong strikto mga yun. Naassess na daw nila si Marcus at pasado daw.

Pasado? Pasado saan?

Ilang weeks na lang, patapos na ang sem. Ewan ko pero naalala ko na naman yung sinabi ni Marcus dati. Yung pag naging dean’s lister daw siya. Hala, seryoso kaya yun?

Hmm.

Sana oo.

Ano kasi eh.. Ahm.. Oo na, na-fall na yata ako.





”Ara, si Kuya Marcus nasa labas.” Sabi ng blockmate ko sa akin. Napatingin naman ako sa labas at nandun nga si Marcus, nakangiti habang kumakaway.

Nagkaklase kasi kami kaya di pwedeng lumabas eh. Kumaway na lang din ako. Pero medyo napatili ‘tong si Janet sa tabi ko, kumindat at nagflying kiss kasi si Marcus.

Siraulo talaga yun.

Kaya nahuhulog ako lalo eh.

Nandito naman kami sa tambayan nila Marcus. Sabi kasi niya tuturuan niya ko sa required kong subject na Math. Nakakainis nga. Akala ko matatakasan ko na sa college ang math, hindi pa pala.





”Hala, walang alam sa math yang si Platypus, Kulotski. Sakin ka na lang paturo, mas magaling ako dyan.”Pagyayabang naman ni Henry at kinuha sa akin yung math book ko. Nasanay na rin nga akong “Kulotski” ang tawag nila sa akin.





”Joke lang pala, Kulotski. Ano ba yan, nagmigraine yata ako mga brod. Tara, canteen muna tayo. Sumakit ulo ko sa mga nabasa ko.” Nabatukan tuloy siya ni Kuya Kurt kaya nagsitawanan lang kaming lahat.

Wala rin kasing math ang course ni Henry. Pagkakaalam ko, MMA ang course niya. Astig nga eh, galing niyang gumawa ng kung ano-ano gamit ang mahiwaga niyang laptop. Tapos magaling din siyang kumuha ng pictures.

Minsan binibiro nga niya si Marcus eh, “Tol, pahiram si Kulotski. Gawin ko lang subject. Sayang yung curly hair niya eh, pakinabangan natin. Picturan ko tapos benta natin.” Ayun, pabirong suntok lang naman matatanggap niya.

Ako naman, wala ring math sa course ko. Communication Arts kasi. Pero ganun naman lahat ng college, kapag first year to second year, general courses muna diba?





“Wag mo na pansinin si Henry. Tuloy mo na yung pinapasagot ko sayo para makakain ka na rin.”Nginitian pa niya ko bago tinuloy yung ginagawa niya. Eto palang si Marcus, Computer Science naman ang course. Kaya hanep, galing din sa math. Tapos pwedeng stalker. Este imbestigador.

Minsan kasi, pinakita niya sakin yung profile ng mga brod niya sa fb. ”Pano mo nabuksan yan?” tanong ko sa kanya. Ngisi lang naman ang isasagot sa akin at magyayabang na ang galing daw niya. Hay nako talaga. Hacker pala siya.

Pagkatapos kong sagutin yung activity na binigay niya, namalayan kong kaming dalawa na lang pala ang natira sa tambayan nila. Wala na rin kasi sila Kuya Kurt eh.

“Hala, ganun ba ko katagal nagsagot? Bakit wala ng tao?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

”Hindi naman.”

”Eh bakit tayong dalawa na lang? Nasan na sila?” Tanong ko pa rin habang inaayos na yung gamit ko.

”Pinaalis ko para masolo kita.” Sagot naman niya at nagpacute na kinindatan pa ko.

”Pa-cute ka na naman, kuya. Tara na, sunduin na natin si Art? Gutom na yon.” Pag-alis naman namin sa tambayan saktong nagsidatingan sila Kim.

”Bakit kelangan nakaakbay ka kay Kulotski?” Nakataas ang isang kilay ni Kim habang nagtatanong pero may inaakbayan din naman siyang babae. Si Rika.

“Eh bakit, ikaw lang pwedeng umakbay?” Tanong naman ni Marcus at nginuso yung kamay ni Kim na nakaakbay kay Rika. Akala ko nga aalisin niya eh, pero pinababa niya lang tapos nasa bewang na ni Rika yung kamay niya.

”Tangina yun oh. Dumadamoves na si bunso!” Sigaw nila Henry. Nagtawanan na lang sila at nakita ko namang namumula si Rika na binaon yung mukha niya sa dibdib ni Kim.

Kinikilig ako sa kanilang dalawa, ano ba yan.

”Wag kang mainggit sa kanila, Ara. Pwede ko ring gawin sayo yun kung papayag ka.” Bulong naman ni Marcus sa akin. This time, ako naman yata ang namula.

“Hoy, mga single tao dito ah. Umalis na nga kayo!” Taboy ng ibang brod nila Marcus at Kim sa amin.

Sabay-sabay na kaming umalis ng school pero naghiwalay naman kami ng daan. Baka magdedate pa sila Kim at Rika. Kami naman, susunduin pa kapatid ko.





MARCUS’ POV.

Tahimik lang kaming naglalakad ni Ara habang nakaakbay naman siya uli sa kapatid niyang si Art na kumakanta kanta pa. Inlove yata ang bata.





”Art, ang saya mo yata?” Tanong ko at ginulo pa yung buhok niya.





“Waaah! Wag mong guluhin buhok ko, Kuya Marcus! Baka di na ko maging crush ni Charm!” Sabi naman ni Art at tinanggal yung pagkakahawak ko sa ulo niya.





“Ano, kinausap ka na ba ni Charm, Art?” Tanong ni Ara sa kapatid niya. Bigla ba namang namula si Art. Nako, daig pa ko ng batang to.





“Ehehehe. Ate.. crush daw ako ni Charm.” Nakangiting sabi ni Art.





“Weh? Pano mo naman nalaman yan?”Tanong ng ate niya habang nanlaki ang mata. Ang cute cute.





“Secreeeet.” Sabi ni Art at biglang tumakbo na papasok sa gate nila. Malapit na pala kami, hindi ko man lang namalayan.





“Wow, buti pa si Art, alam niyang crush siya ng crush niya.” Parinig ko kay Ara.

Sana tumalab.

Sana.





”Baket, may crush ka rin?” Nakangiti niyang tanong pero parang nang-iinis naman.





”Hindi lang crush.” Seryoso kong sabi at tinitigan siya mata.





“Eh ano, gusto?” Tanong pa niya ulit habang nakangiti pa rin.





”Hindi lang gusto.”





”Ahh.. mahal?” Sabi niya sabay talikod at dideretso na sana sa paglalakad.





“Hindi lang mahal..













Mahal na mahal.” Pahabol ko at tinabihan ko siya sabay kuha ng kamay niya.





ARA’S POV.


”B-bakit ka.. nakahawak?” Nagtataka kong tanong sa kanya.





”B-bakit ka nauutal?” Pang-asar niya at nagsimula ng maglakad habang hawak pa rin kamay ko.

Bakit ganun..

Bakit parang kinakabahan ako na ewan.





”Kilala mo na yung mahal ko?” Tanong niya habang pinapa-sway yung kamay namin. Sira rin to, kala mo batang nakahawak sa nanay niya.





”Kelangan pa ba?”





”Hindi naman. Pero nararamdaman kaya niyang mahal ko siya? Sa tingin mo? Baka kasi kulang pa eh, sabihin mo lang, itotodo ko pa.” Nakangiti niyang sabi at tumigil sa tapat ko.





”Sino ba?” Painosente kong tanong.





”Psh. Ara, wag kang manhid. Alam ko namang kinikilig ka na eh.” Sabi niya at pinitik ako sa ilong.

Napasimangot naman ako at hinawakan ko yung ilong kong pinitik niya.





”Ano, ramdam mo ba?”





”Ang alin?”





”Ara naman eh! Di mo ba ramdam? Manhid ka ba? Mahal kita! Aish. Crush kita nung una kitang makita, mahilig kasi ako sa mga kulot. Tapos nakita kitang nakangiti kausap yung ex ni Kurt, di mo lang alam, napatigil ako sa ginagawa ko nun. Kaya nga naglakas loob akong makilala ka na eh.” Natawa naman ako. Gusto ko lang namang marinig ng diretso galing sa kanya. Nasa tapat na kami ng gate namin pero tawa pa rin ako ng tawa.





”Isa pang tawa, Ara, hahalikan na kita.” Banta niya pero alam ko namang di seryoso yun.





”Masama bang tumawa?” Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.





”Eh oo! Di na ko makahinga habang pinapanuod ka eh. Nagcoconfess ako tapos ikaw, tawa ng tawa dyan.”





“Awww. Mahal din naman kita ah.” Sabi ko at nagmadaling pumasok sa gate namin pero napigilan niya ko.





”Tatakbuhan mo ko pagkatapos mong sabihing mahal mo rin ako? Ayos ka ring kulot ka ha. Anong ibig sabihin niyan, girlfriend na ba kita?” Sabi niya habang hawak ako sa magkabilang braso.





”Bakit, dean’s lister ka na ba?”  Pang-asar kong tanong at tuluyan ng pumasok sa bahay.

Malapit na magsecond sem, ilang araw na lang. Sa ngayon, enrolment muna at ngayon din yata ilalabas yung results ng mga dean’s lister sa kanya-kanyang college.

Kasama ko naman si Rika papunta sa tambayan nila Marcus.





”Kayo na ba ni Marcus?” Tanong ni Rika habang naghihintay sa tambayan nila. Di naman kami pinapaalis ng iba nilang brod. Kilala naman na kasi nila kami.





”Oo nga, Kulotski, kayo na ba?”Tanong din ni Yuki habang busy sa paglalaro ng temple run.





“Di pa.” Sagot ko sa kanila.





”WEH? Ang sweet niyo kaya, tapos hindi kayo?” Di naniniwalang tanong ni Rika.





”Di pa naman talaga. Bakit, lahat ba ng sweet may relasyon? Edi ibig sabihin, may relasyon din kayo ni Kim?” Namula naman si Rika sa tanong ko at tumawa naman si Yuki. Nakipag-apir pa sa akin bago tinuloy yung paglalaro sa iPad niya.





”Oy may relasyon na tayo magmula ngayon.” Biglang sulpot ni Marcus at inakbayan ako na parang sinasakal.

Si Rika naman, ayun, namumula pa rin. Pano, inakbayan din siya ni Kim. Ehem. Yun ba ang walang relasyon?





”Anong pinagsasabi mo, Platypus?” Kunwari wala akong alam.

Nakita ko na kasi yung listahan ng dean’s listers kanina pa.





”Oh, basahin mong maigi.” Inabot niya naman yung papel. Certificate of Recognition pala. Hindi lang dean’s lister si Marcus, scholar pa.





“Alam mo na ibig sabihin niyan ah.”Sabi niya at nang-aasar na tumaas baba ang dalawa niyang kilay.





“Psh. Oo na.” Sagot ko na lang kasi wala na kong masabi.

Bigla bigla ba namang nagtatalon. Tapos nakipag-apir sa lahat ng brod niya.





“Mga broood! Di na ko single! Yuhoooo!” Sigaw niya tapos niyakap ako ng mahigpit.

Tawa lang naman ng tawa mga brod niya.










 “I love you, curly hair. Girlfriend na kita ah?”





“May magagawa ba ko, dean’s lister? I love you too.”

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

102K 148 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
814K 39.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
91.4K 4.5K 29
Porcia Era Hart x Chrisen