It All Started With You

By aicaxstyles

113K 1.8K 839

"I love you." sa isang elevator na nasira, nandito ako sa loob kasama siya. Sa lahat ng tao sa mundo siya pa... More

It All Started With You
Chapter 1: It All Starts Here
Chapter 2: A Day To Remember
Chapter 3: His Full Attention
Chapter 4: No Longer Saint
Chapter 5: She Who Fell in Love
Chapter 6: Enlighten Me
Chapter 7: Stuck in the moment
Chapter 8: Keys of Hope
Chapter 9: Haunt
Chapter 10: Oplan:Kidnapped/Ransom
Chapter 11: PleaseSaveMe
Chapter 12: Hero in Disguise
Chapter 13: Welcome
Chapter 14: Welcome II
Chapter 15: Understand Him
Chapter 16: Afternoon Tea
Chapter 17: The way he Smiled
Chapter 18: It's Him.
Chapter 19: You got me
Chapter 20: What?!
Chapter 21: Whispers of time
Chapter 22: Mama
Chapter 23: "Living is death; dying is life."
Chapter 24: A new beginning
Chapter 25: I want to be his Prince!
Chapter 26: Khate's First Heartbreak
Chapter 27: Awkward Practice
Chapter 28: Cut!
Chapter 29: No. No. No.
Chapter 30: SW&7D
Chapter 31: The girl that he loves
Chapter 32: He's on my side
Chapter 33: I'm on her side, as always
Chapter 35: Wasted Effort
Chapter 36: It's too late
Chapter 37: Daryl Louise
Chapter 38: One Sided Love
Chapter 39: Sembreak Begins!
Chapter 40: Fireworks
Chapter 41: Can't Swim
Chapter 42: First Kiss?!
Chapter 43: Confessions
Chapter 44: The Guy with a Blue Hair
Chapter 45: It's Okay even if it Hurts
Chapter 46: Because I'm Stupid
Chapter 47: I need you
Chapter 48: Orange Rose
Chapter 49: He's freakin' allergic to flowers! (I Don't Care!)
Chapter 50: Rez's Song
Chapter 51: Be my Everything
Chapter 52: Confused
Chapter 53: 'NL'
Chapter 54: Tease Me
Chapter 55: Denial
Chapter 56: The Hell, He Cares!
Chapter 57: Acting Weird
Chapter 58: He deserve it!
Chapter 59: Sorry is a big word
Chapter 60: I Do
Chapter 61: He already said it.
Chapter 62: Just Tell Me
Chapter 63: No Lies
Chapter 64: Choice
Chapter 65: Fight
Chapter 66: To Love means To be Hurt
Chapter 67: Stars and Kiss
Chapter 68: One Week Affair
Chapter 69: Still In Love
Chapter 70: Falling Apart
Chapter 71: You're Here
Chapter 72: The Game
Chapter 73: She'd Die For Your Love
Chapter 74: The Revelation
Chapter 75: Invitation
Chapter 76: Goodbye, Harold
Chapter 77: Foul Play
Chapter 78: Regrets
Chapter 79: Leaving
Chapter 80: After 7 Years
Chapter 81: What A Stupid Fool
Chapter 82: Soon
Chapter 83: Mistaken Truth
Chapter 84: Only For This Moment
Chapter 85: Final Decision
It All Ends Here

Chapter 34: Surprise Her

1.4K 18 1
By aicaxstyles

KELLY'S POV

Uwian na, pero wala pa ring pumapasok sa utak ko kungdi ang ilalaang supresa sa kanya. At higit sa lahat ang katangahan na gagawin ko. Pwede ko namang sabihin sa kanya na may gagawin ako mamaya eh, pwede naman akong magpalusot para lang umiwas, pero kahit anong iwas ang gawin ko andito si Norm, sa puso ko.

Eto na naman ako, umaasa. Wala na akong ginawa kungdi ang umasa.

“Let's go, Kelly.” pag-anyaya ni Norm sa'kin.

“Saan ba tayo pupunta?” hindi niya nasagot yung tanong ko dahil masyado siyang na-absorb ng kasiyahan niya para kay ate Daryl.

“Sige, susunod ako. Aayusin ko lang yung gamit ko tsaka tatawagan ko na rin si mama.”

“Okay, nasa labas lang ako.” nang tumalikod siya at naglakad, doon ko ulit naramdaman yung bigat at sakit.

Tinext ko kaagad si mama na baka gabihin ako ng uwi. Matapos ko siyang i-text, bigla naman akong tinapik ni Pearl.

“Anong gagawin niyo?”

"Tutulungan si Norm na i-suprise si ate Daryl. Di ka ba kasama?”

“Si Ms. Jarrel?! Wow! Hindi ako kasama diyan sa suprise na yan eh. Ang daya, tsaka kahit kasama naman ako di ako makakasama kasi may ipapagawa kasi si mama eh. Ay, oo nga! Sige mauna na ako, Kelly. Bye! Ingat sa pag-uwi!” at dali-dali nang umuwi si Pearl.

Palabas na sana ako ng pinto ng mahagip ng mga mata ko si Harold. Nagtama ang tingin namin pero agad din siyang umiwas ng tingin. Kaya't agad ko na ring pinuntahan si Norm na naghihintay sa akin.

“Tara na.” pagbungad niya ng makita ako. Hindi maalis yung mga ngiti niya. Isang tao lang pala ang may kayang gawin yun sa kanya. Ilang beses ko nga bang pinipilit na pangitiin siya ng ganyan?

**

Agad bumungad sa akin yung bahay nila Norm. Tulad nang ibang exspresyon ko, napabilib ako sa natatanging bahay nila.

Natanong ko bigla yung sarili ko, dito ba magaganap ang supresa para sa kanya?

“Tara Kelly doon tayo sa backyard.”

“Ah okay. Norm, wala ka bang kasama dito sa bahay niyo?”

“Umalis yung parents ko, nag-out of town. Mga personal maids lang ang kasama ko dito, bakit?”

“Wala lang, natanong ko lang.”

Nang marating namin yung backyard nila, nandun na sila Luk at Jake. Nagpre-prepare na sila para sa suprise nila kay ate Daryl.

“Oh, Norm andyan ka na pala.” bati sa amin ni Jake.

“Hi Kelly.” bati naman sa'kin ni Luk. Nag-nod na lang ako.

“Wala pa si Harold?” tanong ni Norm.

“Susunod na yun.” sagot naman ni Luk.

“Ah, oo nga pala. Si Khate magsusundo kay ate Da, tapos habang nililibang niya ay magpreprepare tayo ng party na inihanda mo para sa kanya. Na head over heels ka na talaga.” sabi naman ni Jake.

Oo, tama si Jake. In love nga si Norm, at nasasaktan ako ng dahil dun.

“Norm, ano bang gagawin?” tanong ko sa kanya.

“Yung mga paperbags na nakapatong dun sa table, paki-display sa palibot nitong backyard. Thank you, Kelly you're such a great friend!” at agad niya akong inakbayan. Hindi ko alam kung ito ba yung reward ko sa tuwing nasasaktan ako o eto yung reward sa pagiging kaibigan ko sa kanya. Napawi na naman lahat ng dinadala ko dito sa dibdib ko dahil lang sa yakap niya.

Agad ko naman nang ginawa yung pinapagawa niya, ang daming paperbags dito. Nang tanggalin ko yung laman ng isang paperbag, nagulat ako sa laman. Isang stufftoy. Sinilip ko na yung ibang paperbags at ganun din ang laman kungdi stufftoy, teddybears.

Bigla kong naalala yung nakita ko sila Harold at Norm sa mall, siguro isa rin yun sa mga time na bumibili si Norm ng stuff toy para kay ate Daryl. Siguro ito yung mga stufftoy na binibili niya habang wala si ate Daryl, siguro ito yung way niya para ipakita kung gaano niya kamahal si ate Daryl.

Nasasaktan na naman ako.

Ipinapalibot ko na yung mga stufftoy sa backyard nila, at kasabay nun yung pagkirot sa dibdib ko. Bigla akong napatingin sa pink bear na hawak ko, may nakaukit sa tummy niya na 'Louise'. Hinawakan ko yung tummy ng teddybear at naghahangad kung kailan kaya magiging 'Kelly' 'to, ang sarap palang maranasan yung pagmamahal ni Norm. Ang sweet niya, hindi mo aakalain na ang misteryoso at tahimik na kagaya niya ay ganito mabaliw sa pag-ibig.

“Wag kang ngumuso diyan mukha kang pato.” napatingin agad ako kung sino yung nagsalita. Si Harold pala. Tinutulungan niya na akong mag-lagay ng mga stufftoy. Naalala ko bigla yung gagawin ko sa kanya.

“Harold, salamat.” nakita kong kumunot ang kanyang noo at ang malalalim niyang tingin.

“Para saan?”

“Doon sa pagdamay sa akin, salamat talaga.” hindi na siya sumagot, di ko alam kung sincere ba ako sa pagpapasalamat sa kanya eh. Tinuloy lang niya yung ginagawa niya na para bang di niya ako narinig.

“Harold, sorry din. Sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Sana magsimula ulit tayo sa simula. Hi! Ako nga pala si Kelly, at ikaw?” nilahad ko ang mga kamay ko at nakangiti na parang baliw. Nakangiti pa rin ako at naghihintay na kamayan niya ang mga nakalahad kong kamay pero tinititigan lang niya ako. Kaya nangalay na rin ako sa kakangiti at sa kamay kong kanina pa nakalahad.

“Di ba, gusto mong mag-sorry ako? Eh bakit parang ayaw mo?! Ang gulo mo naman eh! Simula't sapul yun yung gusto mong marinig sa'kin diba? Yung sorry at apology ko? Gusto mo bang lumuhod ako?”

“Kelly,” sa pagtawag niya ng pangalan ko agad akong huminahon.

“Kung anong meron sa atin ngayon, pinanghahawakan ko yun. Huwag kang humingi sa'kin ng tawad dahil nagbago ang pananaw mo sa akin. Alam kong nadadala ka lang ng emosyon mo ngayon pero mas gusto ko yung pagiging ikaw, yung matapang at lumalaban. Sana yang karakter mong iyon, sana gamitin mo para di ka masaktan. At tsaka di ko gugustuhing maging kaibigan ka.” at dali-dali siyang naglakad at lumayo sa'kin.

Bakit?! Gusto ko rin ba siyang maging kaibigan? Kapaaaaaaaal talaga! Ayokong magkaroon ng ugly monster! Hmp. Pero gumaan kahit papaano yung nararamdaman kong sakit. Siguro kasama sa sistema ko ang pagkainis kay Harold at dahil dun gumagaan ang loob ko kapag naiinis ako sa kanya. Tama siya, kailangan kong ipakita ngayon yung tapang na itinatago ko sa sarili ko.

**

Ang simpleng backyard nila Norm ay naging mala-enchanted dala ng lights na nakapalibot sa mga halaman kasama na rin yung teddybears na nakapalibot sa backyard. Ang hinihintay na lang ay si ate Daryl.

Masisiyahan siguro siya kapag nakita niya 'to. Mas lalong mahuhulog ang loob niya kay Norm kapag nakita niya ang efforts at sweetness na ipinapakita ni Norm sa kanya. Bagay na bagay sila.

Nag-go signal si Jake na parating na si ate Daryl. Kaya agad kaming nanahimik at hinihintay siya rito sa backyard.

Narinig na namin ang tunog ng mga heels na papunta rito.

“Khate, bakit may pa piring-piring ka ng nalalaman? Pag ako nasubsob, di na kita papadalhan ng mga damit na dinesign ko. Seryoso ako.”

“Ate Da, manahimik ka nga. Malapit na tayo.” nakatayo na ngayon sila sa harap namin. Naghintay muna si Khate ng ilang minuto bago tinanggal ang piring kay ate Daryl.

Agad sumalubong sa kanya si Norm na may dalang flowers. Nakangiti ito kay ate Daryl at naguguluhan parin siya sa mga nangyayari.

Diba sabi ko magiging matapang ako? Bigla ko na lang kinain yung mga salitang binitawan ko, di ko pala kaya. Tapos na siguro yung pagtulong ko, di ko na rin dapat siguro makita pa yung mga nangyayari.

Tatalikuran ko na sana ang lahat, kaya lang may pumigil sa pagtalikod ko.

“Tatalikuran mo na naman. Maging matapang ka nga.” sinabi sa akin ni Harold yan na pabulong.

Wala naman akong nagawa kungdi tignan at unti-unting madurog at masaktan.

NORM'S POV

Ibinigay ko sa kanya yung flowers, walang nakakaalam kung gaano ako kasaya dahil nandito na siya.

“Louise,” agad na namang kumunot ang noo niya at ginulo ang buhok ko.

“Norm, kailan mo ba ako tatawaging ate?” ilang beses ba niyang ipapaalam sa akin na hindi ko siya tinatawag na 'ate', hindi ko siya tinitignan bilang kaibigan o ate na masasandalan dahil higit pa dun ang pagtingin ko sa kanya.

“Wow! May suprise na naman kayo sa akin?” agad niyang binaling yung atensyon niya sa backyard na inalay namin para sa kanya.

“Hindi kami ate Da, si Norm.” sagot ni Jake

“Oh? Bakit may suprise ulit sa'kin, Norm?”

“Kasi mahal kita Louise,” pero hindi naman niya ako narinig dahil nakuha muli ng atensyon niya yung mga stufftoy.

“Bakit ang daming stufftoy dito?”

“Para sa'yo yan.” agad kong sagot

“Ha? Ang dami naman ne'to, tsaka aanhin ko naman yan. Di na ako naglalaro niyan. Pero thank you Norm. Akin ba talaga lahat yan?”

“Oo.” sabay kaming lumaki, kaya alam ko kung ano ang hilig niya. Bata pa lamang siya agad na siyang binigyan ng malaking responsibilidad ng kanyang mga magulang. Libro ang kaharap niya at hindi mga laruan, pag-aaral at hindi paglalaro, naalala ko noon na wala siyang stufftoy dahil hindi siya binibilhan nang kanyang mga magulang dahil alam nila na sagabal lamang iyon sa kanya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na balang araw bibilhan ko siya ng maraming stufftoy para kahit minsan maalala niya na nagdaan siya sa pagiging bata.

“Salamat sa stufftoy, Norm ha? Di ko naman kasi malalaro yan kaya idodonate ko na lang. Naku, Norm hindi lang ako ang pinasaya mo, kungdi yung iba pang mga bata na pagbibigyan ko nito.” kahit ipamimigay lang niya yung mga binili ko para sa kanya, ayos lang. Dahil mabait si Louise at sa kabaitan niyang iyon, doon ko siya mas lalong minahal. May kinuha siyang isang stufftoy.

“Syempre, di ko ibibigay lahat ng ito. Kukunin ko 'tong isa. Kulay pink kasi tsaka may pangalan ko oh?” napangiti ako, yun yung pink bear na nagustuhan ko sa lahat ng binili ko dahil may pangalan niya. Naka-display rin yan sa kuwarto ko.

Pinagsaluhan namin yung biniling strawberry cake na dala ni Harold. Hindi naman ako kumain eh, kasi pinagmamasdan ko lang si Louise sa bawat kain niya ng slice ng cake.

Wala na akong hinangad kungdi ang makita siya, ang maramdaman ko ang presensya niya, kahit wala siyang gawin basta makita ko lang ang babaeng gusto kong makasama at mahalin habangbuhay.

Nauna na ang iba sa pag-uwi, kaming dalawa na lang ni Louise ang nandito at hinihintay niya ang magsusundo sa kanya.

“Di mo alam kung gaano ako kasaya, Norm. Naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo, ganitong-ganito rin. Nagtatawanan, nagkukulitan, haaaay ang sarap balik-balikan yung mga yun.” agad ko siyang nilapitan at pinunasan ang icing ng cake sa gilid ng kanyang labi.

Namula siya sa ginawa ko at pinalo pa ako ng mahina. “Sana, sinabi mo na lang na may icing pa ako sa bibig hindi yung bigla-bigla ka na lang lalapit. Para ka ring si Harold eh.” hindi ko inintindi yung mga sinabi niya dahil nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.

“May dumi ba uli ako sa mukha?” nginitian ko lang siya at pinagmasdan ko ulit siya. Hanggang kailan ko kaya makikita siya ng ganito? Dahil ilang araw o linggo lang alam ko babalik na ulit siya sa France at mas lalong i-pu-pursue ang pangarap niya doon. Tuwing naiisip ko ang mga yun, agad akong nalulungkot. Dahil ayoko na siyang umalis pa.

“Ang weird mo Norm,” papaluin sana ulit niya ako pero agad kong nahuli ang mga kamay niya na hahampas sa akin at hinila ko siya ng buong pwersa hanggang sa mayakap ko siya ng mahigpit.

“Norm?” nabigla pa rin siya sa ginawa ko.

“Louise,” at mas lalo ko siyang niyakap. “Mahal na mahal kita.” hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Ilang segundo rin siguro kaming nagyayakapan dito bago siya sumagot.

“Mahal din kita, Norm.” masaya ako dahil narinig kong sinabi niya ang mga iyon, pero tulad lagi nang nararamdaman ko tuwing sinasabi niya sa akin yan laging may kulang, iba pa rin ang tingin niya sa akin. Kababata lang ang tingin niya sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
606K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...