OPERATION: Make Ligaw to him

By yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... More

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Second Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Twenty-fourth Move

604 20 0
By yashnii

#C24: Taking the veil

CARMEEN's POV

"What do you want to talk about?" simula niya.

Napahinga ako ng malalim. I don't know what's going on. Why did he suddenly change? Parang hindi niya na talaga ako kakilala... I don't even know how to respond to his gestures.

"Kamusta ka na?" Tipid akong ngumiti sa kanya samatalang siya'y nanatiling wala kaemo-emosyon ang mukha. Nasa labas sila Honey at Jerico ng cafe. Gusto ko kasing makausap siya nang masinsinan.

"Gusto mong makipag-usap para lang kamustahin ako?" he asked with a cold expression.

Nasasaktan ako... Dale, bakit ka ba ganyan? Ano ba talagang nangyari sayo? Bakit ngayon kasa-kasama mo ang babaeng sinaktan ka lang nang hindi ka binigyan ng magandang rason. Ano bang meron sa kanya na hindi mo ako mabigyan ng atensyon?

"Hindi kita matyempuhan sa school niyo. Dale, anong nangyari? Maayos naman tayo nung last na pag-uusap natin." Sinubukan kong hanapin ang mata pero iniiwas niya lang sakin. Habang tumatagal, mas lalong lumalala ang sakit sa dibdib ko.

Pagak siyang tumawa. He even shook his head as I saw his eyes glinting with anger. I shivered all of a sudden.

"Don't act so innocent, Carmeen. You know why I'm like this," he said still glaring at me.

Nagtaka ako. What does he mean? Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit siya naging malamig tapos magagalit siya bigla. I haven't done anything wrong. In fact, I'm worrried about him.

"Anong pinagsasabi mo?"

He leaned closer to me. "Alam ko na ang pinaggagawa mo. Isn't it enough na pinaglaruan mo ako, kailangan mo pa talagang idamay si Honey sa mga kalokohan niyo ni Vince?"

I was stunned for a moment. "W-What?" I don't know what he's talking about.

He let out a devilish smirk. "Alam ko na ang lahat, Carmeen-- you're a psychopath. You disgust me so much with your obsession. Talagang kumuntsaba ka pa ng kauri mo para lang paghiwalayin kami ni Honey."

"Dale..."

"I knew there's something fishy about you when we met. Bigla ka na lang sumulpot at kung ano-ano ang pinaggagawa mo... but I can't believe you'd be that desperate and creepy. People like you are the worst."

Nanigas ako sa aking kinauupuan habang at nanlalaki ang mata. My heart is completely shattered.

DALE'S POV

Kumukulo ang dugo sa kanya.

She's a menace. I can't believe that I was tricked by her. I even let myself fall in love with her. I loathed her for what she did... sinadya ko talagang hindi kami maglandas. Isang linggo ko ring binantayan si Honey kung sakaling bumalik yung gago.

Nung una ayaw ko pa talagang maniwala sa mga pinagsasabi ni Honey but she had a proof.

FLASHBACK

"What happened?" tanong ko nang makita siyang yakap-yakap ang binti at umiiyak.

Niyakap ko siya at pinatahan. Damn that Vince! Una pa lang, alam kong may mali na sa tarantadong iyon. I don't trust him from the start to take care of Honey. My instincts were right all along.

"Ssh, tahan na. I'm here. No one's gonna hurt you."

Unti-unti ay nawawala na ang hikbi niya. Pinunasan ko ang mga natirang luha sa kanyang mata. Mas lalo akong nagalit nang makita ko ang ekspresyon niyang takot na takot. That douchebag! I'm gonna hunt him. He is so dead!

Kumapit siya sa dulo ng aking polo habang nakatingin sa mata ko. "D-Dale, you have to stay away from Carmeen."

Nangunot ang noo ko sa asal niya. "Why?"

"She's dangerous. She p-planned this."

Nabigla ako sa sinabi niya. No, she would never do that. Hindi ganoong tao si Carmeen. That guy did a number on her. Ayaw ko ang lumalabas sa bibig niya. Speaking of, she's waiting!

"Stop saying things, Honey."

"I-I'm saying the truth. They planned this, both of them. Dahil gusto kang maangkin ni Carmeen."

Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Naiinis na ako sa pinagsasabi niya. Alam kong sinaktan siya ni Vince pero huwag naman sana niyang idamay si Carmeen.

"Honey, stop it-"

"I-I saw them yesterday. Nag-uusap silang dalawa... pinagsasabihan ni Carmeen si Vince na gawin niya ang lahat para lang makuha ni Vince ang loob ko. It worked. Ipinaalam niya rin kay Vince na huwag ipaalam na nag-usap sila. D-Dale, niloko nila tayo."

Hindi ako makasagot. I don't even know what to say. Hindi. Hindi yan totoo. Carmeen would never do that.

"I'm not lying. I even took a picture of them." Ipinakita niya ang cellphone sa nanginginig na kamay... And there I saw Carmeen and Vince face-to-face.

No. It can't be. Hindi nila kilala ang isa't-isa... ni hindi pa sila nagkikita sa personal kaya bakit may litrato silang magkasama? Hindi pwede...

"It was all planned. Simula ng magkakilala kayo ni Carmeen at nang makilala ko si Vince noon. D-Dale, I admit na may nararamdaman pa rin ako sayo dahilan para mag-away kami ni Vince last time. Maybe they were threatened that's why nagawa ni Vince 'to. Pero nakatakas ako sa kanya. Dale, I'm sorry."

Niyakap ko siya nang nagsimula ulit siyang humagulgol... at bigla-biglang bumalik ang lahat sakin simula nung una kaming magkakilala ni Carmeen. Kung paano niya nalaman na binasted ako ni Honey.

Unti-unti akong binalot ng galit para sa kanya. Pero mas nangibabaw ang sakit dahil kaya niyang sumagasa ng tao para lang sa pag-ibig. She could've done it the right way. Instead she played dirty.

End of FLASHBACK

I can never forgive her... after what she had done to Honey. Mahal ko pa rin siya but I'll eradicate this feeling. She is not worth it.

Nakakapanghinayang.

"Ngayon binibigyan kita ng pagkakataon para sabihin sakin kung bakit mo iyon nagawa. Tell me why," nanggigigil kong sambit. Pagbibigyan kitang ipaliwanag ang sarili mo sakin Carmeen. Pero mukhang wala na akong magagawa dahil siya na ang umiiwas sakin. Hindi na siya makatingin sakin. I shook my head with disappointment.

"You disgust me so much," saad ko. Pero parang biniyak ang puso ko nang namataan na nasaktan siya. Tsk, talagang nabihag niya ako.

Tumayo na ako at tumalikod. I think that's enough to talk about. Pero napatigil ako nang magsalita siya.

"Naniniwala ka talaga na niloko lang kita? Akala mo ba kaya kong gawin ang mga bagay na iyon?" She said. I can sense from her voice that she's in pain. Pero hindi lang siya ang nasasaktan.

"Ikaw na rin ang nagpatunay sakin na totoo nga ang sinabi sakin ni Honey. It was foolish of me to have liked you in the first place. Simula ngayon, huwag ka ng magpapakita sakin."

"Kulang pa ba yung ipinakita ko sayo para maisip mo yan?" Her voice broke down at pinigilan ko ang sarili kong tingnan man lang siya. Stop it, Dale. She tricked you.

I just firmly close my eyes and start walking away.

And with that I left her.

"Tara na, Honey." Umangklas siya sa braso ko at nagsimula kaming maglakad papuntang parking lot. We just came out for a walk anyway until she showed up.

"Okay ka lang ba, Dale?" Honey asked. I glance at her for a moment with my hands on the steering wheel. Hindi na lang ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot. Tumahimik kami ng ilang sandali. "You know I heard from my friend na may bagong movie na ipapalabas. We should watch it sometime."

"Sure," was all I could say.

Blangko lang akong nakatingin sa daanan. What could she be doing right now? Probably, sulking. She's a crybaby. Mukhang poproblemahin niya ang bagay na ito magdamag.

"She said maganda daw talaga. Sobra daw nakakarelate at ang ganda ng plot twist. She said it's nerve-wracking and stuff."

Tsk, probably nagi-guilty na siya ngayon sa pinaggagawa niya. Damn! I hate myself. Bakit ba ako nag-aalala sa babaeng iyon samantalang nalaman ko na ang lahat-lahat? Behind that innocent look was completely a different side of her. Aish!

Why was she even in pain? She didn't look guilty. Ang tanging nakita ko ay kung paanong nasaktan siya sa mga binitiwan kong salita. How can she do that to me? And to Honey?

"Dale?"

I shouldn't have let myself fall too deeply inlove with her. How can I even get her out of my system? Sa isang linggong hindi ko siya nakita ay punong-puno ako ng galit pero ngayon parang bigla na lang nawala lahat ng iyon dahil lang sa nakita ko siya.

Aaaah!

"Dale!" Nagulat ako nang sumigaw si Honey. Tiningnan ko siya, mukhang galit.

"What?"

"Hindi ka naman nakikinig sakin, kanina pa ako daldal ng daldal. What are you thinking about?" naiirita niyang sambit.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at nagconcentrate na sa pagda-drive. I can't even think straight because of that. Dahil meron sa parte kong sana hindi totoo ang lahat ng iyon... na sana mali ang lahat at inosente siya. Hindi ko matanggap.

Tumahimik ng ilang sandali. "Are you thinking about her?"

Natigilan ako. It was the question that made a bomb effect inside my mind. Bakit ko nga ba siya iniisip? Hindi ba dapat galit ako sa kanya. Na saan na yung galit na iyon? Bakit biglang nawala?

"D-Do you still love her?"

Hindi ako nakasagot. Because it's true. I still love her. And I don't know how to stop it. She completely messed me up.

"Hindi ba pwedeng ibalik mo na lang yung pagmamahal mo sakin katulad ng dati?" Nagmamakaawa ang tono ng pagkasabi niya. How I hate to see her like this. But I can't. Hindi ko na siya kayang mahalin dahil may mahal na ako. Parang kapatid na lang ang turing ko kay Honey. Wala na.

"I'm sorry..." Alam kong gusto niyang ibalik ang dati pero yun ang problema. Simula ng sumuko ka na, wala ka ng babalikan. Sinuko mo siya kaya sinukuan ka rin niya. And unexpectedly, he was captivated by another.

Carmeen has captivated me. Even though I have known that her love for me was dangerous.

* * * * *

Hindi ako nakipagmeet kay Honey ngayon. Kasama ko ang tatlong ugok sa bahay nila Erik. Nakikitambay lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin sa buhay.

"Lugmok na lugmok si Dale," komento ni Geo.

"Tsk tsk kaya ayaw ko munang magseryoso sa pag-ibig. Nakakapanget lang," sabi naman ni Brent.

"Ulol, talaga namang hindi mo sineseryoso." Sabay bato ni Erik ng pillow sa direksyon ni Brent. Umingos naman ang huli. "Dahil yan kay Carmeen, ano?"

"Ayokong pag-usapan..."

Pumalatak silang tatlo. Bakit nga ba kasi dito ko pa naisipang tumambay? Imbes na kalimutan muna ang problema ko, pinapaalala naman ng mga ugok. Gusto kong maging blangko ang isip ko.

"Para kang babae kung umasta Dale." Sinamaan ko na lang ng tingin si Geo bago tumutok sa tv. More like tumulala. Wala rin naman akong maintindihan sa pinapanood.

"Pero akalain mo yun, parang hindi ko maimagine na kayang gawin ni Carmeen yun para lang kay Dale. Mukhang obsess na obsess talaga siya," ani Brent.

"Hindi pa dun nagtatapos lahat. Sumingit si ex-nililigawan. Sino kaya ang pipiliin ni Dale, yung past o yung present?" And as if on cue, tumingin sa akin yung dalawa na may mukhang aso na tingin.

"Shut up," I said as i glared at them.

"Nga pala, malapit na ang acquaintance party, two days from now. Anong plano niyo?" tanong ni Geo.

"I already bought a tux," sagot ni Brent. Lumingon naman siya sakin. "Ikaw Dale, may aayain ka ba na maging date mo?"

"Kaya nga. Pwedeng pumasok ang mga outsiders sa school natin," saad naman ni Geo. "Siguro aayain mo si Honey noh?"

"Hindi siya makakapunta sa prom dahil may aasikasuhin siya sa araw na iyon with her family."

"So, si Carmeen ang yayayain mo?" Bago pa ako makasagot sa tanong ni Brent ay may lumanding na naman na unan sa mukha niya.

"Mukha bang mayayaya niya? LQ nga ang peg nila ngayon."

"Oo nga noh. Solo ka na lang pre o kung gusto mo may pwede akong irecommend na chicks sayo." Nag-gesture pa siya sa kamay pakurbang katawan ng babae. "Coca-cola, pre. Witwew!"

"Huwag mo ngang igaya si Dale sayo Brent na babaero. Palibhasa iyan lang ang alam mong gawin," sabat ni Erik sa usapan. Mukhang may iniisip ang ugok. Kanina pa nakatulala at seryoso. Tinalo pa ang problema ko.

"Tara na nga lang bumili ng pagkain. Samahan mo ako." Hindi na nagreklamo si Brent at sumama na lang kay Geo.

Sa wakas, tumahimik ang sala. Silang dalawa lang naman ang kanina pag daldal ng daldal. Para tuloy nakahinga ng maluwang ang utak ko dahil wala ng sumisigaw... ano na nga bang gagawin ko?

"Dale," tawag ni Erik. Mukha ngang may pinoproblema talaga siya. Ang seryoso ng tono, ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nakakakilabot tuloy. "Naniniwala ka ba sa sinabi ni Honey tungkol kay Carmeen?"

Nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi ko mabasa kung anong umiikot sa ulo ng lalakeng ito. Bakit bigla niyang inopen yung tungkol doon? Mukhang may alam siya na hindi ko alam.

"Do you really think that Carmeen would do that to Honey just to get you?" dagdag niya.

Huminga ako ng malalim. "May ebidensya si Honey na kaya nga talagang gawin ni Carmeen ang bagay na iyon-"

"And you believed her after seeing that so-called evidence?" Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Bakit ba bigla siyang naging interesado sa topic na ito samantalang nakaget over na yung dalawa? "Hinusgahan mo rin ba siya?"

"Nakausap ko na rin si Carmeen. Ni hindi niya sinubukang depensahan ang sarili niya. That showed enough proof na talaga ngang kasalanan niya."

Nagtagisan kami ng tingin. Walang umiiwas. Mukhang may gustong iparating sakin si Erik pero hindi ko lang maintindihan kung ano iyon.

"Sana hindi ka magsisi sa desisyong pinili mo at taong kinampihan mo," makahulugang saad niya at biglang tumayo. "Simula't sapul ay hindi ako nagkamali sa mga hinala ko and I already proved it. My instincts never failed me once."

Hanggang ngayon binabagabag ako sa sinabi ni Erik. What does he mean by that? Na maling si Honey ang kinampihan ko? She was the victim here... at wala akong pinapanigan sa kanilang dalawa. Tsaka binabantayan ko si Honey. I'm just basing it from the situation I'm into.

Kailan pa naging komplikado ang buhay ko? Dati naman balanse lang. Nakakainis naman ang ganito. Kasalanan ito ni Carmeen. Bakit ba hindi ko magawang magalit sakanya pagkatapos ng nalaman ko?

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit ba siya na naman ang iniisip ko?

At para ngang tinutukso ako ng tadhana dahil siya ang una kong nakita pagkaangat ko ng tingin. Nakaupo siya sa bench habang nakatulala lang.

Lumabas ako ngayon nag mag-isa dahil nababagot ako sa bahay. Ayoko rin namang yayain sila Erik dahil gusto ko talaga munang mapag-isa at nadidistract lamang ako pag mayroong kasama.

Back to the main point... anong ginagawa niyang mag-isa na nanlulugmok? Wala ba siyang planong kumilos? Ni hindi man lang ba niya ako hahanapin nang makapagpaliwanag siya? Siguro nga sobra siyang naguilty sa ginawa niya. Ibig lang sabihin no'n ay totoo nga.

Masakit sa loob dahil pinagkatiwalaan ko siya. To think na naging close rin kami at nagkadevelopan... well, mostly me dahil matagal na niya akong gusto.

Naalarma ako nang bigla siyang lumuha. Pasimple naman niya itong pinunasan na yumuko. Nasasaktan ako pero parang siya ang mas nasaktan. Ako ang tinraydor pero parang siya ang nasa posisyong iyon. Naguguluhan na talaga ako.

Maglalakad na sana ako paalis pero parang may humihila sa akin pabalik. Tiningnan ko siya, nakatulala na naman. Hindi ko na talaga nakayanan na mapasabunot sa sarili ko. May iilang tao ring napatingin sakin.

I bit my lip. Hay! Ano bang ginawa mo sakin Carmeen at ganito na lang ang epekto ng katawan ko pagdating sayo?

May nakita ako sa isang tabi na nagtitinda ng mga bulaklak. Sumulyap muna ako sa kanya bago pumunta roon.

"May gusto ka bang bilhin hijo?" tanong nung tindera.

Kinuha ko na lang yung isang stem ng rose at binayaran.

"Ibibigay mo ba sa nobya mo? Pwede mo rin siyang sulatan at ikabat sa rosas." Meron ngang maliit na card na nakasabit sa stem. Nanghiram ako ng pen at sumulat doon. "Ang swerte naman ng nobya mo."

Napangiti na lang ako ng pilit sa sinabi nung tindera at umalis na. May inutusan din akong batang kalye na ibigay sa kanya iyon. Syempre binigyan ko ng pera pabalik. Kawawa naman mukhang hindi pa kumakain.

Tiningnan ko lang siya nang ibigay sa kanya nung bata yung rose. Gulat pa yung expression niya tapos biglang kumunot yung noo. Mukhang tinatanong niya dun sa bata kung sinong nagpapabigay. Syempre sinabi ko rin sa bata huwag sabihin na ako kahit na hindi naman niya ako kilala.

Umalis na yung bata na nakakunot pa rin ang noo niya. Nang mabasa niya yung naka-attached na note ay luminga siya sa paligid. Nagtago ako nang mapatingin siya sa gawi ko. Nagbilang ako ng sampung segundo bago ulit tumingin sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag. Inaamoy-amoy niya na lang yung rose habang may sumisilip na ngiti sa kanyang labi. Kusa na rin akong napangiti dahil doon.

Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. At ako naman 'tong si tanga na sinundan siya. Baka may mangyari pang masama sa kanya.

Binagalan ko yung paglalakad para hindi niya mahalatang may sumusunod sa kanya. Aba mahirap na, wala pa naman akong rason na maibibigay kapag nalaman niyang sinusundan ko siya.

Nakarating kami sa simbahan. Hinayaan ko muna siyang maunang pumasok at nagbilang ng ilang segundo bago sumunod.

Hinagilap ko siya ng tingin sa loob at nakita kong nasa may bandang likuran siya at nakaluhod. Wala namang misa. Umupo ako sa bandang kanan since nasa kaliwa siya. Nagdasal na rin ako kahit na hindi naman ako catholic.

Nang matapos ay tumingin ako sa gawi niya. Nakaluhod pa rin siya at nagdadasal. Looks like she's not minding her surroundings while in deep thoughts. I can sense that she's troubled. But why?

Why would you be hurt after what you have done?

Buong araw ko siyang sinundan. Inaliw lang naman niya ang sarili niya. Una niyang pinuntahan ay bookstore. Naghahanap lang siya ng libro tapos babasahhin ang summary sa likod.

Nakakatuwa nga siyang tingnan. Kapag natapos niyang basahin yung summary na may ngiti sa labi biglang napapalitan ng simangot dahil sa presyo ng libro. Gusto ko ngang matawa dahil ayaw niya pang bitiwan ito... parang hirap na hirap siyang ibalik ulit sa bookshelf.

Umalis siya sa bookstore na nanghihinayang. Kaya ang ginawa ko lumapit dun sa bookshelf at kinuha yung tinititigan niya. Kaya naman pala nanghihinayang. Series yung gusto niya. Spefically tatlong libro yung tinititigan niya pero lahat yun ay series. Percy Jackson, Mortal Instruments, and Diary of a Wimpy Kid.

Not bad. Bookworm din pala siya-- another discovery from her. But I prefer watching though instead of reading books. Actually, hindi ako mahilig magbasa. Minsan naglalaro lang ako ng dota kapag nabobored but nevertheless I'm not letting my studies be ruined by gaming.

Umalis na ako ng bookstore na may ngiti sa labi. Ano kayang reaksyon ng babaeng iyon kapag nalaman niyang-

Napatigil ako paglakad at mabagal na tinitingnan ang kaliwa kong kamay. Para akong nakakita ng multo pagkatapos. May bitbit akong paperbag na naglalaman ng mga libro. Ilang segundo bago nag-process sa isip ko ang ginawa.

"Aaaah! Bakit ba ang hirap mong alisin sa sistema? Dapat nga galit ako sayo. Hindi rin dapat kita sinusundan pero ano itong ginagawa ko? Sinusundan ka na parang tanga! Aish, anlakas ng epekto mo sakin. Paano mo 'to nagagawa?"

Sinabunutan ko ang sarili ko kasabay ng pagbitaw ko sa paper bag. Wala na rin akong pakielam kung pinagtitinginan ako ng mga tao na parang nakakita sila ng baliw. Napaupo ako habang hawak-hawak ang anit ko. Napapikit ako ng mariin.

"Okay ka lang ba, hijo?" May kumalabit sa akin dahilan para iangat ko ang tingin. Ale yung kumalabit. Nawe-weirduhan pa yung pagkatingin niya sakin. "Nagsisigaw ka ng mag-isa. May problema ka ba?"

Opo, lola. Meron. Sobrang laki.

"Okay lang po ako..." Tumayo na ako at pinulot ang paper bag. Ano namang gagawin ko dito? Ibibigay ko sa kanya ng personal? Huwag na. Baka hindi niya pa tanggapin. Tsaka as if naman kaya ko siyang lapitan ngayon.

"Kung ano man yang problema mo, malalampasan mo iyan. Babae ba iyan hijo? Nobya mo na ba o nililigawan mo pa lang?" I let out a chuckle with that. Haiist!

Tipid akong ngumiti na lang sa kanya. Tuluyan na rin siyang umalis.

"Hay! Ano namang gagawin ko sayo?" pagkausap ko sa mga librong binili ko. Bahala na nga. "Saan na ba pumunta ang babaeng yon?" Kailangan ko pa siyang bantayan. Baka mapaano.

Wala eh, mahal ko pa rin. Sobra.

Continue Reading

You'll Also Like

143K 5.1K 68
A romantic-comedy with-a-touch-of-drama. Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kwento nina Kevin Lee at Steffanie Yoo. This story is based on the...
20.2K 2.4K 61
from pa bebe, to maturity, Basahin niyo na po habang libre pa.dahil eh u'unpublish kuna yung ibang chapter nito dahil naka paid story na po ito sa is...
333K 17.9K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.3M 15.2K 55
About a young married couple who did nothing but to tease each other! (Tagalog) (Under Revision) Contains Childish contents xD