Reforming the Villainess (Rei...

By loeyline

579K 30.2K 10.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to... More

Disclaimer
Characters Board
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Epilogue: North
Author's Note
Special Chapter: Austin
The Second Lead's Retribution
A little disclaimer
Group Page
ANNOUNCEMENT!!!
RTV Physical Book is here!
RTV Book is now on Shopee!
Playing With Trouble: Austin's Sequel

Chapter 11

15.5K 993 240
By loeyline

#RTVillainess11


WHAT AUSTIN SAID to me earlier, bothered me big time.

Iyon na nga ba ang iniiwasan ko. I don't want neither of them to like me. I only wanted to be friends with them.

Hindi lang din kasi ang mga nakatakdang tadhana nila ang masisira kundi ang tadhana na rin ng ibang mga karakter dito sa kwento.

If Austin doesn't end up with Jamila, then how will the story have a 'happily ever after'? That's the main purpose of the story. Give the characters a happy ending, not ruin their lives.

Austin is right. I could already feel North's special treatment to me. But I chose to ignore it. I chose to believe that his actions meant nothing.

Napasabunot ako sa buhok ko sa inis at pabagsak na ibinaba ang highlighter na hawak ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sad ulo ng study table ko at sumandal sa upuan. Binuksan ko 'yon at nag-scroll na lang sa Facebook at Instagram.

Mahina akong natatawa sa mga meme na nakikita ko nang makakita ako ng shared post ni Jamila. She shared something about being extra happy today then I saw a highlighted comment of one of her friends, I think.

'Parang alam ko kung bakit hahahaha! Ikaw na talaga, Jamila! Sa'yo lang pala lalambot 'yon!'

I unconsciously rolled my eyes. But then I mentally slapped myself. What was that, Niana? You're not here to fall in love! Remember that!

But of course, my curiosity didn't stop there. I checked Jamila's reply.

'Uy, issue ka hahahaha!'

Binasa ko ulit 'yung reply ng kaibigan niya.

'Weh? Pero nasa my day mo na agad.'

Nanlaki ang mga mata ko doon at agad na chineck ang mga stories ng friends ko sa Facebook. Hinanap ko talaga 'yung kay Jamila.

It's a picture of North's back. Nakatingin pa-likod si North na tila my tinatanaw. Ito 'yung sa building na nagkita kaming tatlo kanina. Smiley face na emoji lang ang nakalagay sa picture tapos 'yun na 'yon.

It seems like they're getting along pretty well. Pinatay ko na ang cellphone ko at hinagis sa kama. Bigla akong nag-crave sa chuckie. Pagbukas ko ng pinto ko ay napatalon ako sa gulat dahil nakatayo lang doon si Jamila habang tutok na tutok ang mga mata niya sa cellphone niya at malawak ang ngiti.

"What are you doing here?" tanong ko. Masungit yata ang pagkakatanong ko sa kanya dahil mukhang natakot siya at bahagyang nanginig.

"A-Ah, Brielle!" namimilog ang mga matang sambit niya.

"May kailangan ka?" tanong ko ulit.

Nagpalinga-linga siya sa paligid at nahihiyang tumingin sa akin pabalik. "Sorry. Akala ko kwarto namin 'tong daan," mahinang usal niya.

Kumunot ang noo ko. Nasa first floor ang kwarto nila, paano siya mapupunta rito sa fourth floor? Kwarto lang namin ng Don ang nandito.

"Hindi ko lang napansin. Masyado kasi akong natutuwa sa kausap ko." May bahid ng pang-aasar ang pagkakasabi niya no'n at may pilyang ngiti na nakapaskil sa labi niya.

"Okay," tugon ko. Naglakad na siya papaalis at hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang, "A-Anong ginawa niyo ni North ngayong araw?"

Nilingon niya ako habang malawak ang ngiti. "Marami! Masaya!" humagikgik siya.

"That's good," napapalunok kong ani.

"Gusto mong malaman kung ano-ano? Pumunta kami sa . . ." she trailed off. ". . . joke! Secret! 'Di ko sasabihin," aniya. Tumalikod na rin siya at umalis.

Hindi ko siya sinagot o pinansin. Tinignan ko lang siya at tinignan ang masayang ngiti niya habang bumababa. Simula nang pumayag ako sa pabor niya, kinukumbinsi ko na ang sarili ko na tama lang din naman ang ginawa ko at tama nga ako. Nakikita ko na ngayon ang resulta no'n.

No regrets, Niana. No regrets.


—«–»—


"Guys. Please take this seriously. Matatalo lang tayo if ako 'yung ilalaban niyo sa pageant, eh," kagat-labing sabi ko sa mga ka-block ko.

"Pero, Brielle! Legit! You are perfect to represent our college department! Hindi lang din naman kami ang agree. Girl, the whole college voted for you!" sigaw ng isang ka-block ko.

"Because you initiated it," pahina nang pahina ang boses ko.

"Brielle. Believe in yourself! At saka, nasa likod mo kaming lahat naka-suporta sa'yo! Kaya, sige na! Please!" tugon niya pabalik.

Sunod-sunod na silang pumilit sa akin at kahit ano o sino ang i-suggest ko sa kanila pamalit sa akin desidido talaga sila na alisin ako sa nomination.

When I posted about the pageant, my block quickly nominated me. Tatlo lang kaming na-nominate pero landslide ang boto ng lahat at ako ang napili. I don't want them to make the wrong decisions kaya kinausap ko muna sila kung sure na ba sila doon. Only the person who nominated a candidate can pull out their nomination.

Ayoko sanang ipasa 'tong list of representatives sa college namin kaso inextend na nila Menta para sa amin, at nakakahiya na ma-delay ang mga ginagawa namin dahil lang sa panghihina ng loob ko.

"Okay, okay. I'll do it," wika ko. Naghiyawan sila doon at humalakhak ako nang isigaw nila ang pangalan ko ng sunod-sunod. Mabilis naman silang sinaway ng beadle namin dahil baka maka-istorbo kami ng ibang block sa ingay namin.

I took a picture of the results and sent it sa group chat naming sa student council. Mabilis kong sinara ang messaging app dahil sunod-sunod na heart at pang-aasar nila dahil ako nga ang ginawang representative sa college namin.

Umupo ako sa isang table sa quad at napagpasyahan na doon na lang muna matulog. Buti na lang hindi na nagbigay pa ang mga professor naming this week ng mga gawain dahil next week na ang Foundation Week namin. Whole week kaming walang pasok no'n.

Natapos na rin kami makapag-send ng invites sa mga napili namin na mga guest para sa linggong 'yon. Approved na rin ang lahat ng proposed booths and events ng university president. Menta is great at her job. Naayos na rin niya lahat-lahat para sa decorations ng school. I helped Jio put up all the posters, announcements, and the things to remember next week.

Bahagya akong umurong dahil inaabot ng sinag ng araw ang pwesto ko. Dumukdok ako ulit at sinubukang matulog. Hindi pa nakalilipas ang ilang minuto nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Napadilat ako dahil doon at nahigit ko ang hininga ko nang makita si North.

Nakaharang ang makapal niyang libro sa uluhan ko at nakabuka 'yon. Hindi niya 'yon hawak-hawak at may iba siyang binabasa. May hawak rin siyang highlighter.

I tried not to move and to make a sound. I just watched him as he was seriously studying. I've also noticed that he is wearing an eyeglass and it suited him so much.

Mabilis akong pumikit dahil gumewang ang libro. Akala ko babagsak 'yon sa akin. Ibinuka ko ng marahan ang isang mata ko at nakitang inayos niya 'yon. Binalik niya sa dati ang libro bago nagpatuloy ulit sa ginagawa niya.

Is he trying to shade me from the sun?

My heart cooed. I shouldn't be feeling this way but his actions make me want to throw my restrictions away and just be with him. I've never felt this for anyone but him.

Then, I remembered Geno. He's my inspiration for Austin. I used to have a crush on him when we first met at my father's birthday. We became close after that. We both enrolled in the same school for junior high and he became my one and only friend.

Kaya lang, pagkatapos pumutok sa buong school 'yung nangyari sa pamilya ko, iniwasan niya na ako. I was so heartbroken that time. The first guy I liked and my only friend left me when I needed him the most. Siya lang ang pwede kong makapitan noon dahil nawala na ang atensyon sa akin ni mommy pag-alis naming sa bahay. She cried and cried everyday without even taking care of herself.

Gusto kong may mapagsabihan ng nararamdaman ko noong panahon na 'yon. Kahit wala na silang sabihin. Basta may makikinig lang. Ayos na ako doon.

Kaya 'yung mga sana ko para sa kanya, inilagay ko na lang kay Austin. Oo, immature pa ako noon at talagang si Austin ang sinigurado kong makakatuluyan ng main character.

But when I changed my school, I lost contact with him. Ayaw na rin ni tita na may makausap pa kami noon mula sa mundo ni Daddy. She felt like my mom would continue hoping to bring back together our family.

Nakatulong din naman 'yon dahil nakalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Geno. Napagtanto ko rin na crush lang din talaga ang nararamdaman ko noon at hanggang doon lang. Akala ko lang gusto ko siya dahil nga nandiyan lag isa tabi ko.

And when I met him again in college, I felt nothing for him. Just an old acquaintance. But the tables have turned, he confessed and he wanted to court me.

I politely rejected him. Kasi wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. Kung mayroon man, edi sana matagal na, hindi nawala, at nararamdaman ko pa rin 'yong pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nandiyan siya.

However, this emotion that I am feeling whenever I'm with North, it's . . . different.

He makes me happy without any effort. His simple gestures make my heart flutter. Everybody says that he's dangerous but I feel safe and secured whenever I am with him. He never made me feel small. Palagi niyang pinararamdam sa akin na wala akong hindi kayang gawin. At sa lahat ng taong dumating sa buhay ko, siya lang ang sumuporta sa akin sa lahat ng ginagawa ko.

He appreciates and supports me in everything that I do.

I opened my eyes and I met his, too, staring at me.

His face doesn't have any expressions, then he said, "I know you're tired. Just sleep. I'll stay here with you until you wake up."

A tear fell from my eye as I smiled.

Damn you, North. When did I start liking you?





Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
9.3K 417 33
My Husband Is A Gangster King: QueenOfEndless [Season Three] Started: February 19, 2023 Ended: January 22, 2024 ©2023 Enjoy Reading 💓 Your_QueenAnon...
302K 13.3K 30
[Reincarnation Series 3: COMPLETED] When an unfinished mysterious book lands in front of Serene Elodia Flores, she envied the main lead of that story...