Reforming the Villainess (Rei...

loeyline

583K 30.2K 10.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to... Еще

Disclaimer
Characters Board
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Epilogue: North
Author's Note
Special Chapter: Austin
The Second Lead's Retribution
A little disclaimer
Group Page
ANNOUNCEMENT!!!
RTV Physical Book is here!
RTV Book is now on Shopee!
Playing With Trouble: Austin's Sequel

Chapter 10

16.4K 1K 465
loeyline

#RTVillainess10

". . . PWEDE BANG LUMAYO ka sa kanya simula ngayon?"

Tinignan ko maigi si Jamila kung nagbibiro ba siya pero hindi. Walang bahid ng kalokohan ang mukha niya ngayon.

"Bakit ko naman kailangan lumayo?" ani ko sabay pilit na ngumiti. "Magkaibigan kami ni North, Jamila. Sinabi ko rin naman na sa'yo na hindi ko siya gusto 'di ba at walang namamagitan sa amin."

Something feels off here. The way she glances at me whenever we bump into each other, the tone of her voice tuwing magkausap kami at ang paminsang-minsang banat niya na may halong pang-aasar.

"Hindi pa rin ako kampante doon!" bahagyang napataas ang boses niya na ikinabigla ko. Mukha rin nabigla siya sa tono niya.

What the hell?

Palaging composed si Jamila. Kahit maliit na bagay na naiinis siya, never siyang sisigaw o magpapakita ng inis niya. She also sees the good in everyone.

Kaya ano ang nangyayari sa kanya ngayon?

"Jamila . . . are you okay?"

"Okay lang ako," tipid niyang tugon. "Pero please, Brielle? Kahit hanggang makaamin lang ako kay North. Kahit hanggang doon lang iwasan mo siya."

"Bakit ba kasi? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko naman siya gusto—"

"Pero paano kung siya mismo ang may gusto sa'yo?"

Natameme ako doon at hindi ko mahagilap ang sasabihin ko. Unti-unting napaawang ang labi ko sa reyalisasyon.

Jamila felt threatened with me around.

"Nakita ko kung paano siya kumilos kapag ikaw ang kasama niya, Brielle. Madaldal siya kapag ikaw ang kasama niya na hindi usual kay North. Palagi rin siyang nakasunod sa'yo. Maalaga rin siya sa'yo at nakikita ng lahat kung paano ka niya tignan. Everybody's talking about the two of you. Kahit ang mga ka-block ko, laging kayo ang laman ng usapan."

Natigilan ako dahil sa mga sinabi niya. Ngayong sinabi niya ang mga ito, doon ko napagtanto na totoo nga ang mga 'yon. North's actions for me should've been for Jamila from the start.

'Yon ang nilagay ko sa kwento.

The snob man's soft spot is for Jamila.

Siya dapat ang sinasamahan ni North, dinadaldal, inaalagaan, at sa kanya lang dapat hindi masungit si North.

Because that's how he expresses his love . . .

"Do you get my point, Brielle?"

Tinignan ko si Jamila. Naiiyak na siya habang nakatingin sa akin. I couldn't say anything. Pakiramdam ko . . . kung ano man ang sabihin ko ngayon ay magmumukhang excuse lang para sa kanya. Sarado na ang isip niya at desidido na siya sa pabor na hinihingi niya sa akin.

"Jamila—"

"Alam ko naman na hindi natuturuan ang puso. Pero paano kung akala lang niya na gusto ka niya dahil ikaw ang lagi niyang kasama. What if 'yung pagiging dependent niya sa'yo napagkamalan niyang pagmamahal?"

She's right.

"Kahit ito lang, Brielle. Ako . . . Ako naman," mahinang usal niya.

My heart ache for her. She's really determined to pursue North. She's fidgeting with her fingers.

A tear dropped from one of her eyes. I panicked and I immediately looked around. Baka naman akalain nila inaaway at pinaiiyak ko si Jamila.

"Oh my gosh. Don't cry," wika ko. "Fine. I'll stay away for the mean time."

Natigil siya sa paghikbi dahil doon at agad na lumabas ang ngiti sa mukha niya.

"Totoo ba 'yan?" nanginginig ang boses niya.

"Yes," I breathe out.

"Thank you! Thank you! Thank you!" paulit-ulit na aniya.

She hugged me afterwards and cried on my shoulder. I patted her back—comforting her.

And as I make her feel better, I don't know why my heart felt heavy.

Pakiramdam ko, hindi ako magiging masaya sa naging desisyon ko.

Pero ito ang tama.

I shouldn't meddle with the main characters' feelings. Dapat manatili ang totoong takbo ng storya.

At iikot lang dapat 'yon sa kanilang tatlo.

Hindi ako kasama doon. I am a part of their pain and suffering. I'm just an antagonist who wants to change her fate by eliminating the evil deeds I was supposed to do.

Ipinatong ko na lang kung saan ang package na hawak ko at niligpit ang mga kalat sa study table ko. Nawalan ako ng gana mag-aral.

Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa kama ko at ipinikit ko ang mga mata ko. Bumuga ako ng hangin habang iniisip ulit ang pag-uusap namin ni Jamila kanina.

Surely, North wouldn't care kung hindi ko siya papansinin simula bukas. He only cares about his studies and sports. Hindi rin naman niya 'yon mapapansin panigurado. May friendly match kasi sila with their seniors for the Foundation Day. He'll spend more time in practicing na sa buong dalawang linggo.

Kung mapansin man niya—which I really, really doubt—idadahilan ko na lang na maraming ginagawa sa student council since we are in-charge of everything for the events, booths, invitations, and the letters to be approved by the school officials.

Tama. Mabilis lang namang lilipas ang dalawang linggong 'yon.

Pinahid ko ang luha na tumulo mula sa mata ko. Natawa ako habang tinititigan ang basang kamay ko.

Ang tanga ko.

Natawa na lang ako ng mahina nang kumirot ang puso ko. Shit.

Akmang tatayo na ako para mag-hilamos bago matulog nang maramdaman ang matinding sakit sa ulo ko. Parang binibiyak at pinapako ang sakit. Bumagsak ako ulit pahiga habang hawak ko ang ulo ko. Napaawang ang labi ko sa tindi no'n. Sisigaw na sana ako nang mawala bigla ang sakit.

What is happening?


—«–»—


"Which do you prefer? Two booths per college department or kung sino na lang gustong maglagay ng booth?" tanong ni Menta matapos namin malista lahat ng events na na-plano namin.

"I think it's much better if two booths per college. Kapag kasi sa kanila natin ibibigay 'yung decision, I'm sure we'll only have a few booths," suhestyon ko.

"True. As if college students are up for these kinds of shit," Jio chuckled, the secretary. "Eh, lahat tayo tinatamad sa ganito. We prefer to rest than to participate in our one-week break."

"But for sure, everyone is already looking forward sa annual Mr. and Ms. St. Ignatius," singit ni Fiona, the treasurer.

"Oh yeah. Now that you've mentioned it. The deadline is today na sa mga participants. College of Social Science and Arts pati College of Business pa lang ang nagpapasa," napabuga ng hangin si Kimmy, ang vice president.

"Paki-remind naman sa college niyo, Brielle," wika ni Menta. I smiled then nodded my head.

"Bakit hindi na lang ikaw sa inyo, Brielle? Pasok na pasok ka naman sa criteria," singit ni Jio. Nilagay niya pa ang daliri niya sa baba niya at sinipat ako. "You even exceeded the criteria."

"Hindi ako bagay sa ganyan," nahihiyang sambit ko. "I don't even know how to walk like models," I chuckled.

"Sayang. I hope that you'll represent your college," kibit-balikat na sabi Kimmy.

"I want to see you in an evening gown," nakapangalumbabang dagdag ni Menta.

Tinawanan ko lang sila at hindi na nagsalita pa hanggang matapos ang meeting. Paglabas ko pa lang ng student council room ay nag-chat na ako at gumawa ng poll sa group page ng buong College of Medicine to cast their votes for their chosen candidates sa Mr. and Ms. St. Ignatius.

Paliko na ako sa elevator pababa nang makasalubong ko si Jamila at North na sabay na naglalakad. Papunta sila sa direksyon ko. Pinanlakihan ako ng mata ni Jamila at sumenyas na umalis ako. Akmang magtatago ako sa isang bakanteng classroom pero huli na ang lahat dahil nakita na ako ni North.

"Chantal."

I composed myself before facing him. "North!" I exclaimed—faking my shock upon seeing him.

"Why aren't you replying to any of my messages?" he asked. Nakakunot din ang noo niya. "I've been asking you what time we'll go to the chicken wing place you wanted to visit today."

"A-Ah," I stammered. I could feel Jamila's intense stare at the side of my face. "I-I got busy! Ang daming presentation this week, eh. May sunod-sunod din kaming meeting sa student council," I reasoned out.

"Pero sabi mo, free ka this week?"

"Akala ko lang pala," I nervously replied.

Gusto kong magpasalamat sa lahat ng santo dahil saktong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at nag-kunwaring nagulat sa binasa ko. "Oh gosh, I got to go. May meeting kami ng mga kagrupo ko. Una na ako sa inyo!" dire-diretsong turan ko at mabilis na umalis sa harap nila.

Napasandal ako sa pader malapit sa hagdan habang naghahabol ng hininga. Hindi ako makahinga kanina habang kausap si North dahil pakiramdam ko, alam niyang nagsisinungaling lang ako at isang salita pang lumabas sa bibig ko ay mabubuko na ako.

Dahan-dahan kong sinilip silang dalawa. Hindi ko alam bakit bigla akong nainggit sa malawak na ngiti ni Jamila habang kausap si North at hindi ko rin alam kung bakit kumikirot ang dibdib ko habang nakatingin kay North na kinakausap din siya.

I sound so evil pointing this out, but I thought he doesn't like talking to Jamila?

Wala ako sa sariling naglakad pababa sa building na 'yon at naglakad papunta sa college building ko para mag-aral sa library. Tinap ko ang ID ko sa entrance ng library at pumili ng mesa sa pinakasulok para doon mag-review.

Nilalapag ko pa lang ang bag ko nang matanaw ko si Austin na naka-kunot ang noo sa binabasa niya. Marahan kong kinatok ang mesa niya. Lalong lumalim ang gitla sa noo niya dahil sa ginawa ko pero nawala rin 'yon nang dumapo ang tingin niya sa akin.

"Brielle," he smiled. "What are you doing here?"

"What are YOU doing here?" I snickered. "This is my college building, you know," I added.

"Yeah, right!" He laughed but immediately stopped because a few heads turned to our table. "Sorry," he apologized.

Umupo na lang ako sa mesa niya at nilabas ang iPad ko. Nakita kong napanganga si Austin nang makita ang makakapal na handouts na nilalabas ko.

"You study all of these?" He looked amazed.

"Yeah," I smiled. "Actually, konti pa nga 'to."

"Wow is all I could say. I wish I have your patience and focus," biro niya. "I couldn't even finish ten pages sa readings naming in a day, eh."

"Well, if you'll take med din. I'm sure masasanay ka in no time," pagsakay ko sa sinabi niya.

"I bet," he scoffed then he looked around. "Hindi mo kasama si North?"

"Required ba na lagi ko siyang kasama?" pang-aasar ko.

"No, pero hindi hahayaan ni North na hindi ka niya pupuntahan lalo na free time niya ngayon."

Tinignan ko maigi si Austin para hanapin ang pagbibiro sa mukha niya pero wala. Seryoso ang mukha niya habang sinasabi 'yon. Napalunok ako at tila hindi makangiti sa naiisip ko.

"Bakit naman gagawin ni North 'yon? Ano ako? Girlfriend niya?" asar ko kay Austin at tumawa. Inaasahan kong tatawa rin siya pero hindi niya ginawa. Bagkus ay sinara niya ang libro niya at nilapit ang mukha niya ng bahagya sa akin.

"Hindi mo ba talaga nahahalata?" tanong ni Austin. "Nararamdaman sa mga actions ni North sa'yo?"

Umiling ako sa sinasabi niya at binuksan ang iPad ko. "Alam mo, Austin. Wala akong panahon makipagbiruan pa sa'yo. Kailangan ko nang mag-aral," I said dismissively.

"Brielle, I know you can feel it. Ngayong sinabi ko sa'yo 'to, alam ko may naisip at naramdaman ka," Austin stated.

"Ano bang sinasabi mo?" kinakabahang sambit ko at tumawa na lang para pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.

"You're aware that North treats you specially."

"A-Ano?" nauutal kong tugon.

"North just always do whatever the fuck he wants kahit na alam niyang may matatapakan siyang tao. Wala siyang pakialam kung masaktan man niya ang isang tao sa mga sinasabi niya as long as he proved his point. He only has me as his friend and some of his teammates but he never treated us specially like he did with you. Ang gagong 'yon," ngumiti si Austin at umiling, ". . . kahit anong pilit ko na turuan ako sa kahit anong subject, hindi niya ginawa. Masasayang lang daw ang oras niya pero nung ikaw na ang nagpaturo? He patiently taught you everything kahit na 'di ba halos tatlong beses mo ngang pinaulit sa kanya 'yung ibig sabihin ng verdict sa isang medical case na gusong-gusto mong maintindihan."

"What are you trying to say—"

"North likes you, Brielle. Romantically."








Продолжить чтение

Вам также понравится

Until Again, Picasso (COMPLETED) ate pink

Исторические романы

1.1K 51 10
(HISTORICAL SERIES #2) Matapos ang masalimuot na pangyayari, hindi na ulit kailanman magagawang gawin ni Celine ang bagay na minahal ng pagkatao niya...
714K 26.2K 55
Alexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his l...
The Destiny Of Her Beloved K

Любовные романы

507K 25.5K 55
A sweet light hearted story. ROMANCE/FANTASY This is a taglish story. JULY 2023
17.3K 512 38
Know Me Well Series #1 (Tertiary) Canary Violin likes Strummer more than anything else pero kumbaga sa istorya ni Strummer palamuti lang siya.. pampa...