Arabella's POV
"Anak gising naaaa" sabi ni mama habang niyuyugyog ako
"Hmmmmm"
"Anak gumising ka na nga dyan! May nagiintay na adonis sayo sa labas" sabi niya tapos kinakalabit ako
"Mama 5 mins" sabi ko tapos pumikit ulit
"Kanina pa yun sa labas"sabi niya ng mahina
Tsk SINO BA YUN
Baka mamaya si kuya nanaman tsk di naman adonis yun -_-
"Jerome ata pangalan? Oo jerome nga!" Sabi ni mama ulit
O_O SI JEROME?!
SHET OO NGA PALA MAY BOYFRIEND NA NGA PALA AKO NGAYON
I mean fake boyfriend..
"Oh buti naman at bumangon ka na. Sino yun haaaa? May hindi ka sakin sinasabi ahh" sabi ni mama tapos sinusundot tagiliran ko
"Ah hehe mama mamaya ko po ikwkwento yung nangyari mahaba habang kwento po eh si papa po atsaka si kuya?" Tanong ko kay mama
"Ay naku ang dalawang iyon ay natutulog pa gusto mo bang gisingin ko?" Tanong niya tapos aalis na sana pero pinigilan ko
"Mama wag na po! Mamay na po please baka magalit si papa ikwekwento ko po talaga mamaya promise" sabi ko tapos nakataas right hand ko
"Asus kang bata ka sige na eto ang baon mo oh" sabi niya tapos nilagay niya sa may upuan
Bababa na ako para maligo
Pagbaba ko..
NADATNAN KONG NAKANGITI SI JEROME SAKIN
FEEL NA FEEL PA NIYANG UMUPO AT UMINOM NG KAPE
KININDATAN NIYA AKO
pero naalala ko..
SHEEEEET WALA PALA AKONG BRA
tinatanggal ko kasi bra ko lagi bago matulog
Ofc ganun din naman kayo diba?
Nahiya ako kaya tumakbo ako agad sa cr
Haysstttt naligo ako agad at nagpalit ng damit pang school
Jusmeee anong katopakan yan Ara
Palabas na ako pero tumingin muna ako sa salamin
Panget as always
Pumunta na ako kay Jerome
"Mama mauna na po kami" sabi ko sabay halik kay mama
Lumabas na kami ng bahay
"Hoy je- baby dapat naman nagsabi ka ng maaga na pupunta ka" sabi ko sakanya habang nasa sasakyan
"Bakit? Ano meron kung di ako nagsabi?" Tanong niya
"Hayst tanong tanong ka pa diyan edi sana kung sinabi mo ng maaga na pupunta ka sa bahay edi sana hindi ako bumaba ng walang-" pinutol ko bigla yung sinabi ko
ARA BAKIT KA BA GANYAN NAKAKAHIYAAAAAAAA
"walang ano?" Sabi niya tapos ngumisi sakin
JUSME LUPA ANO PANG HINIHINTAY MO? LAMUNIN MO NA AKO
"wa-walang paalam dun ka na nga ayusin mo magdrive!" Utos ko sakanya
"Pano kung ayaw ko?" Sabi niya tapos pinagewanggewang yung pagdrive
"ANO BA GUSTO MO BANG MAMATAY?!" sigaw ko dahil sa kaba
"NAMAN OH?! AYAN NALANG YUNG SCHOOL IPAPAHAMAK MO PA AKO" pahabol ko
Tumigil naman siya nang makarating kami sa school. Inayos na niya yung pagddrive pero di niya ako pinapansin
Bumaba siya agad tapos naglakad na
"Tsk lalaking to hindi manlang marunong ipagbukas ng pinto ang girlf- ...fake girlfriend niya"
"KYAAAAAH SI JEROME OH"
Hay pagod na ako sa nga nagtitilian na yan
Tae andito nanaman ako sa siksikan ng mga tao jusme
"Aray! TUMINGIN KA NGA SA INAAPAKAN MO" sigaw sakin nung babae naapakan ko kasi
" sorry sorry " sabi ko nang malaglag ako dahil nga sa siksikan ang mga tao
Haistttttt! May sugat ako sa tuhod
"Miss ok ka lang?" May nagtanong na lalaki tapos iniabot niya yung kamay niya sakin
"Oo ayos lang ako salamat" sabi ko tapps hinayaan ko siyang tulungan ako tumayo
"halika dadalhin kita sa clinic" sabi niya
"Ha wag na ano ka ba gasgas lang naman to salamat" sabi ko tapos naglalakad ako palayo ng paika ika
"Miss hindi pwede babae ka kaya dapat hindi mo hinahayaang magkasugat ka" sabi niya
Naramdaman ko ang pananakit sa may paa ko siguro dahil sa pagkabagsak ko well ano pa bang magagawa ko
"Sige na sige na tara" sabi ko tapos ngumiti ako sakanya
Nang makapunta kami sa clinic ay walang nurse doon
"Sandali lang ha tatawag ako ng nurse" sabi niya at tumango naman ako
Mga 10 mins din akong naghihintay
Narinig kong may biglang pumasok
"Salama-" naputol ang sinasabi ko nang makita ko si Jerome
Tinignan niya yung tuhod ko at itinago ko naman ito
Bigla nalang niya akong hinila na parang aso na ako
"Aray ano ba nasasaktan ako!" Sigaw ko at hindi padin siya tumitigil sa paghila sakin
"Ano ba!" Sigaw ko ulit tapos hinatak ko pabalik saakin ang kamay ko
"ANG LAKI LAKI MO NA NADADAPA KA PA ARE YOU STUPID?!" galit niyang sabi sakin at kitang kita ko sa mata niya ang pagaalala niya
"Sorry galit kaa??" sabi ko ng mangiyakngiyak
"Ikaw naman kasi baby eh ang mga babae dapat walang sugat para di bumaba yung appeal nila eh ikaw nga mababa na eh papababain mo pa" sabi niya
Aray naman tumahimik nalang ako at huminga ng malalim
"Tara baby magmall nalang tayo" sabi niya sabay hila saakin
"Hep hep hep!" Narinig ko ang sigaw ng babae sa likod
"BEEEEEESSSSS I MISS YOUUUU" sigaw ko tapos niyakap ko siya
"AKO DIN BESSY TARA PUNTA KA DAW SA BAHAY SABI NI MOMMY" sabi niya
Tumingin naman ako kay Jerome tapos sumesenyas siya ng wag
Miss ko na tong babaeng to
"Baby punta lang ak-" naputol yung sinasabi ko kasi biglang sumigaw si Eve
"BABY?!!" taka niyang tanong
"Ahh hehe oo explain ko sayo mamaya tara tara" sabi ko tapos hinihila ko si Eve
"Baby baby baby BABY?!" sigaw niya ulit
"Oo bes mamaya kwento ko sayo nakatingin pa siya oh" sabi ko tapos hinihila ko padin si Eve
Third person's POV
"Basta ha sinasabi ko sayo saktan mo yang lintek na babaeng yan ok?" Sabi ng isang magandang babae sa isang lalaki
"Ayoko wag mo siyang sasaktan" Sabi nito tapos tinignan ng masama ang babae
"Kung hindi mo magagawa ang pinapagawa ko ako mismo ang mananakit sakanya" kampante nitong sabi
"SINABI NANG WAG MONG PAPAKIALAMAN SI ARA!"
A/N: sorry guys kung ngayon lang pero promise itutuloy tuloy ko na to since summer na yayyyyyy 💕 sana maenjoy niyo to alam kong medyo bitin pero siningit ko lang kasi to sa ibang drafts sa next na chapter for sure kikiligin kayo yun lang 😊 thank you for reading!
VOTE
COMMENT
AND BE A FAN!♡