Shannen’s Point.Of.View
Waaah. I feel so nervous. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. As in, kanina pa talaga ako kinakabahan. Ay hindi pala, kagabi pa talaga ako kinakabahan. Ajujuju. “Huy chi, anong nangyayari sa’yo? Bakit pabalik balik ka dyan?” I also don’t know what I’m gonna wear. Kapag yung mga damit na madalas kong isuot ang gagamitin ko, baka ma turn off yung mommy ni Nathan. Never mind, hindi naman ako nililigawan ni Nathan kaya bakit ko iisipin kung anong isusuot ko. Fvck! Ano ba tong naiisip ko. Stop it, Shan! Urgh! “Will you stop walking?! It’s so annoying! Urgh!” natauhan lang ako nang biglang sumigaw si Mika.
“What’s your problem ba at naninigaw ka dyan?” hinawakan nya ako sa braso at hinila paupo sa sofa.
“Duh! Kanina ka pa lang naman pabalik balik ng paglalakad at sobrang nakakairita na! Alam mo ‘yun? Sarap mo ngang ihampas sa pader eh!”
“Sungit!” I pouted my lips and crossed my arms.
“Ano ba kasing problema?” hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ‘yung tungkol kay Nathan. Pero mas nanaig sa akin ang ‘wag na lang sabihin.
“Nothing.” Tumingin ako sa wrist watch ko. Late na ako sa klase ko. Kaya nagpaalam na ako kay Mika. Tinatawag pa nya ako pero hindi ko na sya pinansin.
“Sa wakas, makakauwi na rin tayo. I missed my bed.” Sabi ni Angel. Napuyat kasi ‘to kakareview kagabi palibhasa three subjects namin ang may long quiz sa araw na ‘to. Buti sisiw lang ‘yung mga questions. Hahaha.
“Oo nga eh.” Maikli kong sagot.
“Teka, wala bang plano ang barkada? Vacant day natin tomorrow ah?”
“I don’t know. Wala naman nabanggit kanina eh.”
“Ganon? Pero okay na rin ‘yun baka hindi rin ako makasama eh kasi sobrang hinihila na talaga ako ng kama ko.” Humihikab nyang sabi. Hahaha. Bigla kong naisip si Nathan, pupunta na ba ako sa parking lot? Baka naman kasi isipin nya na excited ako. Kung bakit kasi hindi nya kinuha ang number ko kahapon para i-text na lang ako kung pupunta na ba ako sa parking lot. Bigla namang tumunog ang phone ko, mayroong nagtext. Sana sya pero imposible.
1 new message received
From: 092********
Shan, I’m already here in parking lot.
-Nathan :)
May number ako sa kanya? Pero paano? May text pa ulit akong na receive.
From: 092********
I got your number from Jeje. ;)
Ah… kay Jeje pala. Ano? Potek! Baka kung anong isipin nun. Teka nga, number lang naman ‘yung kinuha hindi naman siguro ‘yun mag-iisip ng kung ano besides si Nathan naman ang kumuha ng number ko. Tinapik ko ‘yung noo ko na napansin naman ni Angel.
“Anyare friend? Problema?”
“H-ha? W-wala. Ano, mauna na ako ha? May dadaanan pa kasi ako eh. Sige. Bye!” hindi ko na sya hinintay na makasagot. Tumakbo na ako papuntang parking lot.
Nang makarating ako sa parking lot ay hinanap ko sya. Ano nga bang kulay ng sasakyan nya? Urgh! Nalimutan ko, maitext na nga lang. Magtetext na sana ako pero mayroong lalaki na isinigaw ang pangalan ko. Boses ni Nathan ‘yun, hindi ako pwedeng magkamali. Kaya lumingon ako. “SHAN! HERE!” Tama nga ako. Si Nathan nga ang lalaking ‘yun. Lumapit ako sa kanya.
“Kanina ka pa ba?” umiling sya.
“Hindi naman. Nung nagtext ako kakarating ko lang nun.” Tumango lang ako. “Sakay ka na.” pinagbuksan nya ako ng pintuan. Sa harap nya ako pinasakay tulad nung hinatid nya ako last Saturday. Sya ang nagda drive ng kotse. “Uhm... Shan, daan muna tayo sa Mall. May pinapabili lang si mommy.” Tumango lang uli ako.
Nathaniel’s Point.Of.View
Ang totoo, kanina pa ako naghihintay sa kanya sa parking lot. Nagsinungaling ako kasi baka isipin nya na excited akong makasama sya. haay… ewan ko ba, simula nung Friday night na ‘yun parang na-e-excite na akong makita sya. Hindi ko maintindihan ‘yung sarili ko.
Hindi sya masyadong nagsasalita, nahihiya siguro. Kahit naman ako eh. Hindi ko kasi alam kung paano mag-a-approach. Nilakasan ko nga lang ‘yung loob ko kahapon na kausapin sya. Nahihiya pa rin kasi ako, syempre hindi naman maganda ang simula naming dalawa. Nakapagsalita pa ako ng masama tungkol sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa Mall ay wala pa ring nagsasalita. Pero hindi na rin ako nakatiis. “Shan?” tumingin sya sa akin. “Sorry ulit doon sa mga nasabi ko ha?”
“Ha? Eh, diba okay na? You say sorry naman na at wala na rin sa akin ‘yun.” ngumiti sya pero parang may pag-aalangan pa.
“Alam mo maniniwala lang ako kung totoong ngiti ‘yang makikita ko. Naiilang ka ba sa akin?” nanlaki ‘yung mata nya.
“P-paano mo nalaman?” napatawa ako. Tinatanong ko lang naman sya eh. Hahaha.
“Hindi ko alam ah. I’m just asking nga eh but I guess tama ang hula ko, naiilang ka nga sa akin.”
“Of course not!” tanggi nya. Pero nakikita ko sa mata nya na nagsisinungaling sya.
“Yes, you are! ‘Wag mo na kasing itanggi, tingnan mo lumalaki ‘yang ilong mo. Para ka ng si Honesto lumalaki ang ilong kapag nagsisinungaling.” Napahawak sya sa ilong nya. Napatawa na naman ako kasi ang kulit nya, naniwala talaga sya sa sinabi ko. Bigla naman nya akong hinampas.
“Siraulo ka! Pinagtitripan mo ako ha!” tumakbo ako palayo sa kanya kaya naghabulan kaming dalawa sa loob ng Mall. Pinagtitinginan nga kami eh. Hahaha. Nung sinaway kami ng guard saka lang kami huminto sa paghahabulan. Kaya tawa kami ng tawa.
“Oh ayan, napatawa na kita. Eh di friends na tayo?”
“Sinong may sabi?”
“Ako! At bawal ka ng tumanggi. Tara na nga sa supermarket!” hinila ko sya. Nasa supermarket na kami ng kulbitin ako ni Shan.
“Yung kamay ko.” Itinuturo nya ‘yung kamay nya na hawak-hawak ko. Nagulat naman ako dahil magka holding hands pala kami.
“So-sorry. Hindi ko napansin.” Ngumiti sya. Urgh! Ano ba naman ‘yan Nathan, nakakahiya ka! Baka isipin nya nangchachansing ka. Tsk!
“Ano ba ‘yung pinapabili ng mommy mo?”
“Baking powder.” Maikli kong sagot. Nahihiya pa rin kasi ako.
“Ayun oh. Kunin mo na at bayaran para makaalis na tayo.” Tinulak nya ako para kunin na ‘yung baking powder. Parang hindi sya mapakali at hindi ko alam kung bakit. Pagkakuha ko nung baking powder ay sya naman ang humila sa akin papuntang cashier. Nagmamadali sya.
“O-okay ka lang ba Shan?” tumango sya. “Eh ba’t parang nagmamadali ka?”
“Ha? Ano… Excited na kasi akong makipag bonding sa mommy mo. Oo, ‘yun nga. Excited ako.” Alanganin syang ngumiti. “Tara na! Bilisan mo.” Hinila na naman nya ako hanggang makarating kami sa kotse. Huminga pa sya ng malalim.
“Are you sure na okay ka lang?”
“H-ha? O-oo naman. Ano, tara na?” tumango ako. Hindi na lang ako nagtanong baka kasi makulitan sa akin.
“Potek! Sabi na nga ba eh.” napatingin ako sa kanya nung magsalita sya. Nakatingin sya sa kanyang phone na parang alalang-alala.
“May problema ba?” tumingin sya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo.
“Look at your phone.” Hindi ko man naintindihan ay sinunod ko na lang sya. Itinabi ko muna ‘yung kotse saka tiningnan ang phone ko. May mga notifications from twitter. In-open ko.
@AllysaLejano: look! I saw @iiitsmeShannen and @NathanSeronPadilla at Rob Magnolia. Sooo sweet! [IG Link]
985 Retweets. 1158 Favorites
@kobiserongarcia: woah! What’s that insan? @NathanSeronPadilla
@JejeMorales: shoot! That’s the reason why you get her number dude! @NathanSeronPadilla @iiitsmeShannen
@andreidapogiii: nice one dude! @NathanSeronPadilla
@I_Hate_Shannen: fvck! New prospect @iiitsmeShannen? Tsk, tsk, tsk! Habang maaga pa lumayo ka na @NathanSeronPadilla
@moralesssmika: OMG! Why you didn’t tell me @iiitsmeShannen?!
@ahronojales: ganyanan na tayo @iiitsmeShannen? :/
@aaliyahsantos: I hate you @iiitsmeShannen! We’re not friends anymore! Hmp! :/
@angelchua: kaya pala nagmamadali kanina ha! Now I know, @iiitsmeShannen
@iiitsmeShannen: I’ll tell you later. @angelchua @aaliyahsantos @ahronojales @moralesssmika
Nung mabasa ko ‘yun napatingin ako kay Shan. “Sorry.”
“Don’t say sorry. Wala kang kasalanan.”
“Paano ‘yun, galit ang mga kaibigan mo sa’yo? Hindi pala nila alam.” Sabagay hindi rin naman alam nila Kobi na medyo okay naman na kami ni Shan.
“Ano ka ba, hindi galit ‘yung mga ‘yun. Mga baliw lang talaga sila kaya ganon ang mga replies nila but they are not mad.” Ngumiti sya. “Sige na, paandarin mo na ‘yang kotse at baka naghihintay na ang mommy mo.” Tumango ako kahit na medyo nag-aalala sa kanya.
“Finally, dumating na kayo. Hi, Shan? It’s nice to see you again.” Bumeso ako kay Mommy. Ganon din ang ginawa ni Shan.
Excited talaga si Mommy na maka bonding si Shan. Ayun, hinila na nya si Shan papasok sa loob ng bahay. Hahaha. Close na close talaga agad silang dalawa samantalang ‘yung dati kong girlfriend never nyang in-entertain ng ganyan. Naisip ko tuloy ‘yung sinabi ni mommy, ano kaya kung ligawan ko nga si Shan? Napailing ako. Ano ba ‘tong naiisip ko. Haay naku.
Sa kwarto na lang muna ako tumambay. Hinayan ko na muna si mommy at Shan doon sa kusina. Mukha namang nag-eenjoy silang dalawa eh. Nakalimutan na nga ata ni mommy na ako ang anak nya. Makapag twitter na nga lang muna. While scrolling down, nakita ko ‘yung post ni mommy.
@DemetriaSPadilla: having a great time with these beautiful girl @iiitsmeShannen [IG Link]
5, 988 Retweets. 3, 852 Favorites
@MissDemetriaLovers: who is she, ma’am @DemetriaSPadilla?
@GarciaDorinaS: is that the girl you told me yesterday? @DemetriaSPadilla
@kobiserongarcia: tita, you know her already? @DemetriaSPadilla ang bilis insan ah, @NathanSeronPadilla hahaha.
@DemetriaForever: girlfriend of @NathanSeronPadilla? She’s pretty.
@JejeMorales: ayun na talaga. Totohanan na ba dude? @NathanSeronPadilla
@DemetriaSPadilla: yes ate, that’s her @GarciaDorinaS.
@DemetriaSPadilla: she’s not YET the girlfriend of my son but I’m hoping. ;) @NathanSeronPadilla
@NathanSeronPadilla: mga loko-loko! @kobiserongarcia @JejeMorales
Hindi ko na binasa ‘yung iba pang replies. Ang dami eh. I scroll down again. Nakita ko ‘yung tweet ni Alex.
@NavatoAlex: thank you for this my love @AlvinDavids [IG Link]
Nung makita ko ‘yun bigla akong nawalan ng ganang mag twitter. Tsk! Matagal na rin naman kaming wala pero kung minsan hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Syempre minahal ko rin naman sya pero ‘yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi na tulad ng dati. Maybe sa mga susunod nyang post hindi na ako ganon ka-affected. SANA!