ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 1: FAILURE

1.4K 41 8
By angelodc035

Tatlong araw na rin siyang naroroon sa harap ng dalampasigan. Tatlong araw na naghihintay ng tulong para makaalis na sa maliit na isla na 'yon. Isla na walang nilalang na nabubuhay kundi ang mga maninipis na damuhan sa gitna nito at ang nag-iisang puno lamang ng pandanus ang nakatayo malapit sa dalampasigan.

Pagkatapos ng labanan sa Mansion ni Claudius sa Villa Hermanuevo ay napagtanto niya na sa kabila ng pagnanais niyang magapi ang mga anak ng buwan, maituturing pa rin na bigo siya sa pagtakas sana sa kanyang kapatid na si Laurea na ngayon ay nasa kamay na ni Anilaokan. Pero saan nga ba siya nagkamali? Naging mapusok ba siya sa paglusob sa kalaban at hindi na niya ginamit ang kanyang isip?

Ngayon nag-iisa siya at talunan. Wala sa tabi niya si Randy ang kanyang kasintahan. Ang mga kaibigan niyang sina Demetria na isang Sangre, si Sagaway na isang matapat na kapre at si Alimog na isang Malakat na nagligtas sa kanya dati sa kapahamakan. Pero ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigang si Calisha ang labis niyang dinamdam. Si Calisha na nagbuwis ng kanyang buhay para mailigtas lamang sila sa kamay ni Claudius at Impong Sendang.

Tila parang nabale-wala lamang ang pag-alay ng buhay ni Calisha dahil nauwi sa wala ang lahat. Isang malaking sampal sa kanya kung bakit naroron siya sa isla ngayon. Isang talunan at nararapat lamang na siya ay parusahan.

Nakapa niya sa kanyang bulsa ang dalawang maliit na bote. Ang isa ay naglalaman ng pulang likido na nagmula sa halamang Myrho at ang isa naman ay ang mga hibla ng kanyang alaala na hindi pa niya nailalagay sa kanyang isipan para malaman na ang kanyang nakaraan.

Hindi niya maintindihan bakit tila may pumipigil sa kanya na isauli na ang kanyang mga alaala sa kanyang isipan. Maaring hindi pa siguro siya handa para alamin ang kanyang nakaraan.

Kalahati ng dugo niya ay diwata pero ang mga katangian at kapangyarihan ng isang diwata ay hindi pa niya natututunan maliban lang sa kakayahan niyang kontrolin ang Eskrihala.

Pero ang kalahating bahagi ng Eskrihala ay wala na sa kanya. Natangay ito ni Claudius Rickman ang Sangre na dahilan ng lahat kung bakit hindi pa lumilitaw ang kapangyarihan niya bilang isang diwata.

Kung natutunan lang sana niya ang kapangyarihan ng pagiging diwata marahil ay matagal na siyang nakagawa ng Pilunlualan o lagusan pabalik sa kanyang mga kaibigan.

Malapit na ang paglubog ng araw at isang araw na naman ang lilipas na walang magawa para makaalis sa isla. Ni hindi nga niya alam kung saang sulok siya ng daigdig naroroon. Maaaring hindi rin alam ng kanyang mga kasamahan kung nasaan din siya ngayon.

Makakaalis pa ba siya rito? O ito na ang magsisilbi niyang bilangguan habang siya ay nabubuhay? Tatlong araw na wala siyang nakikita kundi bughaw na dagat na tila walang katapusan sa kanyang paningin saan dako man siya tumingin.

Nahiga siya sa malamig na buhangin at saka bumuntung hininga. Oo't hindi nga naman siya mamamatay sa gutom at naroroon ang pulang likido para hindi siya mauhaw sa dugo ng tao. Hindi mauubos ang pulang likido sa kanyang lalagyan basta huwag lamang itong kusang itatapon. Pero ang katahimikan ng lugar at pagkabagot ang siyang kikitil sa kanyang katinuan. Parusang daig pa ang kamatayan para kay Odessa.

Kung natutunan sana niya ang pagpapalit ng anyo katulad ng ginagawa ni Demetria. May dugong Sangre ang nananalaytay sa kanya kaya magagawa niya iyon kung natutunan lamang niya.

Biglang napabangon si Odessa sa buhangin na kanyang kinahihigan. Nararamdaman niya na biglang gumalaw ang buong paligid. Ang mga alon sa dagat ay naging balisa rin.

"Lumilindol..." Ang pabulong na wika ni Odessa habang minamasdan ang pagyanig ng buong paligid.

Mula sa kanyang harapan ay may kung anong nilalang ang lumipad mula sa tubig at lumapag sa dalampasigan ng maliit na isla. Napaurong sa pagkabigla si Odessa ng makita ang isang matangkad na lalake na walang suot na kahit na ano man sa kanyang katawan kundi ang tubig na tila isang malambot na telang nakasuot sa kanya.

"Si...sino kha?.." Ang biglang napalunok na si Odessa habang nakamasid sa lalake na papalapit sa kanya.

"Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo niyan? Sino ka at ano ang ginagawa mo sa pag-aari ko?" Ang tugon ng lalake sa kanya gamit ang isip nito.

"Ako si Odessa. Hindi ko rin alam bakit ako napunta rito sa isla na 'to. Ang huling pagkakaalam ko ay inililigtas ko ang aking kapatid na si Laurea kay Anilaokan. Sinundan ko sila sa lagusang ginamit ni Anilaokan sa pagtakas. Pagpasok ko sa lagusan ay nakita ko na lamang ang sarili ko dito sa isla." Ang paliwanag ni Odessa sa kakaibang nilalang sa kanyang harapan.

Napansin ni Odessa na kahit tinatamaan ng papalubog na sikat ng araw ang lalake ay lumulusot sa katawan nito ang tila kulay gintong mga sinag.

"Ikaw si Odessa? Totoo nga ang sinasabi ng mga engkanto tungkol sa'yo. Si Laurea, ang dakilang si Mariang Sinukuan na ngayon ay nasa kamay ni Anilaokan. Pero imposible." Ang malakas na wika ng Lalake.

"Huh? Alin ang imposible? Bakit imposible?" Ang naguluhang tanong ni Odessa sa lalake.

"Imposibleng si Anilaokan ang bumihag kay Mariang Sinukuan, Odessa. Matagal ng pumanaw sa mundo ang itim na diwata. Ang sino mang nilalang ang napatay gamit ng Eskrihala ay hindi na kailan man mabubuhay pa." Ang paliwanag ng lalake sa kanya.

"Pero nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano itinakas ni Anilaokan ang aking kapatid. Kasama niya si Impong Sendang."

"Impong Sendang? Ang matandang Bruha, ang kinatatakutan kahit na ng mga diyos at diyosa? Kung gayon..." Ang biglang natigilan at napaisip na wika ng lalake.

Napansin ni Odessa na nag-iba ang hitsura ng mukha ng lalake. Kanina pa tumutulo at hindi natutuyo ang tubig sa katawan nito. "Kung gayon ano? " Ang biglang tanong ni Odessa.

"kailangang malaman ng sandaigdig ang tungkol dito Odessa. Hindi ko inaasahan na muling mangyayari ito. Nagtagumpay ang mga anak ng buwan sa pagkabuhay ni Anilaokan, ang ibig sabihin nito ay nahuli nila ang aking kapatid."

"Ang inyong kapatid? Sino ang iyong kapatid at ano ang pangalan mo? " Ang matigas na boses ni Odessa na napa-isip sa binanggit ng lalake.

Mukha ng pagkainsulto ang naging hitsura ng lalake kay Odessa. Payapa ang panahon ng mga sandaling iyon kaya payapa rin ang takbo ng kanyang isipan. Pero pinili pa rin ng lalake na kalmahin ang sarili at sagutin ang tanong ni Odessa.

"Ang aking kapatid ay si Bathala. Ako si Danum ang diyos ng tubig at ng karagatan." Ang pagpapakilala ng lalake sa kanya.

Pagkarinig ay kaagad na nagbigay pugay sa kanya si Odessa.

"Mahal na panginoong Danum, ipagpaumanhin po ninyo. Hindi ko po alam." Ang pagpugay ni Odessa sa kapatid ni Bathala.

"Odessa, hindi mo kailangang magbigay pugay sa akin. Tulad mo ay nilikha lamang din kami ng Diyos. Hindi rin kami nalalayo sa mga mortal na tao. Nilikha kami ng Diyos na may kapangyarihan para tagapangalaga sa mga bagay na naatas sa amin hindi para sambahin. Pero marami sa amin ang nabulag dahil sa tinatamasang karangalan at kapangyarihan kaya itinuring nila ang kanilang mga sarili bilang mga diyos na dapat sambahin at paglingkuran. Isa lamang akong katulad mo Odessa hindi nararapat sa akin ang pagbibigay pugay na ginagawa ninyo sa amin ng mga tao. Obligasyon namin ang gumabay at pangalagaan ang mga mahihina hindi para sambahin." Ang paliwanag ni Danum sa pamamagitan ng pakikipag-usap niya sa isip kay Odessa.

Namangha si Odessa sa ipinakitang kababaan ng loob mula sa kapatid ni Bathala. Tumayo si Odessa sa pagkakaluhod at pakiramdam niya na lalong lumaki ang respeto nito sa lalake. Maari ngang tama si Danum marami nga sa mga nilikha ng Diyos ang may taglay na kapangyarihan pero sinasamantala iyon para makapanglamang at abusuhin ito sa tulad din nilang nilikha ng Diyos.

"Pero simula pa lang ay iyan na ang ginagawa ng mga tao dito sa sanlibutan. Mula sa mga sinaunang sibilisasyong itinatag ng mga tao sa Sumeria, sa Tigris at Euhrates, mga sinaunang kabihasnan sa Ehipto at Tsina. Lahat ay may kani-kaniyang diyos na sinasamba lalo na sa sibilisasyon sa Gresya at sa Roma. Masisisi mo ba ang mga karaniwang mortal na sa tulad mo sila tumatakbo para hingan ng tulong lalo na't wala na talaga silang matatakbuhan kundi ang kumapit sa inyong awa kahit imposible?"

"Walang imposible dito sa mundo Odessa. Ang imposible ay kapag nagsimula ng mawalan ng pag-asa ang isang nilalang dahil katumbas na rin iyan ng kawalan ng pangarap. Kapag ang isang nilalang ay nawalan ng pangarap sa kanyang araw-araw na pamumuhay, para na rin niyang isinuko ang kanyang buhay." Tumingin sa kanya si Danum at ngumiti. "Ikaw Odessa bakit ka pa naririto? Hindi ba dapat ay kasama mo ngayon ang iyong mga kaibigan lalo na ang iyong katipan na si Randy?" Ang dagdag pa ng lalake pero sa pagkakataong iyon ay gamit na nito ang tunay na boses.

"Huh? Hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito. Tatlong araw na akong naghihintay para makahingi ng tulong at makabalik na sa aking mga kasama. Kailangan ko ng ipagpatuloy ang pagliligtas sa aking kapatid na si ate Laurea." Ang tugon ni Odessa.

"Hindi alam o umiwas ka lang sa nakaatang na responsibilidad sa iyong balikat dahil sa katotohanang duwag ka?" Ang matagas na wika ni Danum kay Odessa na ngayon ay nanlilisik ang mga mata.

"Ha? A...anong ibig mong sabihin?" Ang nagtatakang tanong ni Odessa.

"Nananalaytay sa 'yong dugo ang lahi ng isa sa pinakamakapangyarihang diwata sa sanlibutan pero hindi mo magamit ang iyong kapangyarihan. Nasa dugo mo ang pagiging Sangre pero hindi mo rin kayang magpalit ng anyo kaya umasa ka sa kapangyarihan ng Eskrihala! Dahil ang totoo ay duwag ka at ang kapangyarihan ng Eskrihala ang ginamit mong lakas ng loob para lumaban sa mga anak ng buwan!"

"Hindi totoo yan!" Ang napasigaw na si Odessa kay Danum.

"Hindi totoo? Kailan ka ba lumaban ng patas sa mga walang laban na mga anak ng buwan? Kailan ka ba lumaban na hindi mo gamit ang Eskrihala?" Ang pasigaw na ring tanong ni Danum sa kanya.

Pakiramdam ni Odessa ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang mga tanong ng diyos ng tubig na si Danum. Kung tutuusin ay may katotohanan din naman ang sinasabi sa kanya ni Danum.

"Ngayong wala na sa'yo ang Eskrihala, may tapang ka pa rin ba na labanin ako?!"Ang malakas na tanong ni Danum sa kanya.

Biglang nakaramdam ng matinding takot si Odessa na hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya. Kitang-kita niya na unti-unting nagbago ang hitsura ni Danum habang hawak-hawak nito ang kalahating bahagi ng Eskrihala. Nanlaki ang mga mata nito ng ang lalaki sa harapan niya ngayon ay ang lalakeng nagpasimula ng lahat ng kaguluhan sa buhay niya.

"Cla... Claudius?" Ang tanging nasambit niya at sa di inaasahan ni Odessa ay ang mabilis na paghampas sa kanya ng latigong Eskrihala.

Continue Reading

You'll Also Like

13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
38.9K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...