He's the Brother of My Kuya's...

By Iamjaelopez

773K 27.6K 6.5K

Book 2 of My Kuya's Bestfriend [COMPLETED] Buong akala ni Trey, crush lang ang nararamdaman niya para sa mata... More

He's the Brother of my Kuya's Bestfriend
Chapter 1: Sensitive
Chapter 2: Secret
Chapter 3: Essence
Chapter 4: Right
Chapter 5: Comfortable
Chapter 6: Jealous
Chapter 7: It's a no!
Chapter 8: Fate
Chapter 9: Selfless
Chapter 10: Tired
Chapter 11: He's back
Chapter 12: Unknown feeling
Chapter 13: Goodbye
Chapter 14: Destroy
Chapter 15: One thing
Chapter 16: Just this one
Chapter 17: It turns out
Chapter 18: What if
Chapter 19: Feel this moment
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Something different...
Chapter 22: At last
Chapter 23: Worth it
Chapter 24: Right to be
Chapter 26: Unexpected
Chapter 27: Doesn't mean
Chapter 28: The past
Chapter 29: Nothing has changed
Chapter 30: Knowing them
Chapter 31: Contributions and efforts
Chapter 32: Ups and downs
Chapter 33: Involvement
Chapter 34: Second time
Chapter 35: Letting go
Chapter 36: Time can heal
Chapter 37: Until now
Chapter 38: Familiar
Chapter 39: Even before
Chapter 40: Forget and Forgive
Final Chapter: Part I
Final Chapter Part II: Begin Again
Special Chapter: The Vacation Part 1
Special Chapter: The Vacation Part 2
Smoke Ash Montecillo's Story

Chapter 25: Bring it on

16.6K 625 110
By Iamjaelopez

    
Trey's POV
   
       
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang hinihintay si Summer dito sa kanyang office. Habang siya'y  tumatagal sa labas, mas lalo naman akong kinakabahan. Wala akong ideya kung ano na ang nangyayari. Baka nakipag-away na siya sa labas.

Okay, that was so exaggerated. Pero kitang-kita ko kasi kanina ang galit sa kanyang mukha.

Agad akong napatayo nang bumukas ang pinto at iniluwa siya nito.

"Bakit ka nakikipagkilala sa lalaking 'yon?" Ito agad ang bungad niya sa akin. Napaatras naman ako at napahawak sa dibdib ko nang lumapit siya.

Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ng kanyang mukha. "Patawarin mo ko Misis ko, hindi ko sinasadyang takutin ka." Natatarantang paliwanag niya sabay hawak sa magkabilang balikat ko.

"O-Okay lang." Tanging naisagot ko. Napasinghap ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"Patawarin mo ako sa ginawa ko Misis ko. Magiging mahinahon na ako."  Nawala ang kaba ko dahil dito.

"Bitaw na."

Lumuwag ang kanyang pagkakayakap at umatras ng kunti. Ngumiti ako nang tingnan ko siya sa mata.

"Misis ko, nagseselos ako." Kakahupa lang ng dibdib ko ay bigla na naman itong dumagundong. 'Yan lang ang sinabi niya pero parang mahihimatay na ako sa kilig.

"Hindi ko kayang makipag-usap ka sa ibang lalaki. Kanina gusto kong suntukin 'yong lalaking nakabangga at nagpakilala sayo kaso maraming tao at isa pa siyang customer."

"H-Hindi naman niya iyon sinasadya. Atsaka humingi siya sa akin ng despensa. Ako nga dapat ang humingi nun dahil nakaharang ako sa daan. Tapos hindi pa ako customer dito." Napatungo ako.

"Wala kang kasalanan Misis ko. Oo, hindi ka customer pero asawa kita kaya huwag mong isipin 'yon, okay?"

Mas lalo akong pinamulahan ng pisngi. Lunod na lunod na ako sa pagpapakilig niya sa 'kin. Araw-araw na lang. Sana hindi na matapos ito kahit torture ito sa puso ko.

"Tumingin ka nga sa 'kin Misis ko. Kinikilig ka naman diyan eh." Hindi ko siya sinunod kaya kinuha niya ang baba ko at iniharap sa kanya. Tutunawin ba niya ako ng titig niya? My Ghad!

"Uulitin ko 'to, Misis ko. Pamamay-ari na kita. Walang pwedeng lalaki na lalapit, hahawak, magpapakilala at makikipag-usap sayo kundi ako lang. Ako lang. Huwag mo rin akong pinagseselos dahil baka itali kita sa 'kin para sa 'kin lang ang atensyon mo. Atsaka Misis ko, kailan mo ba ako sasagutin? Dapat hindi mo na 'to pinapatagal. Pinahihirapan mo yata ako Misis ko eh."

"S-Summer, lumayo ka nga sa 'kin." Bahagya ko siyang tinulak. Umalis din ako sa pwesto ko at lumayo sa kanya. "Atsaka hindi kita pinahihirapan nu."

Gusto ko ng bumigay pero kailangan ko munang patunayan kung gaano niya talaga ako kamahal. Marami na siyang nagawa pero pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras.

Hindi sa nag-iinarte ako, gusto ko lang makasigurado. Alam kong may kalakip talaga na sakit kapag nagmamahal pero ayaw kong maranasan muli ang naranasan ko kay Ash  o kahit na sa kanya. Hindi ako manghuhula para malaman ang hinaharap. Lahat posibleng mangyari kahit gaano pa tayo kahanda sa kasalukuyan.

Hindi sa pagiging negatibo o pessimist. I'm still a human, I have doubts kahit gaano pa ako kasigurado.

Pero sa buhay, kailangan magtake ng risk pero bago iyon kailangan muna maging handa. Para lang 'yang giyera. Kapag wala kang dalang baril at bala, siguradong tigok ka.

"Tatlong linggo na akong nanliligaw. Hindi mo pa ba ako sasagutin?"

Lumingon ako sa kanya at nginisihan siya. "Bakit, sumusuko ka na?" Nakakaloko kong tanong.

"Hindi! Hindi ako sumusuko! Diba sabi ko, kahit gaano katagal, maghihintay ako. Atsaka sinisigurado ko na kapag sinagot mo na ako, baliw na baliw ka na sa 'kin." Ngumisi rin siya ng nakakaloko. Kung alam niya lang na baliw na baliw na talaga ako sa kanya.

But Geez! Lahat na lang ata ng sasabihin ko, may ibabara siya. Parang sa volleyball, naba-block lahat ng spikes ko. Kailan kaya ako lulusot sa mga sinasabi niya?

Kailangan ko ng ilihis ang pag-uusap na ito. Baka mas lalo akong manghina. Mabuti pa, mag-uumpisa na lang akong magtrabaho.

"Ahm, pwede ng lumabas. Sayang 'yong oras. Marami pa namang customers sa labas..." alam kong hindi 'yan papayag na ganito matapos ang pag-uusap naming dalawa. Kailangan gamitin ang alas, "... Mister ko."

Napangiti ako sa isipan ko. Napaisip din ako. Why not kung siya ang mas baliwin ko sa 'kin. Para pareho na kaming baliw sa isa't-isa. Hahaha.

"Oo na. Grabe ka talaga. Ganyan ka na makatawag sa 'kin pero hindi mo pa rin ako sinasagot. Sige na, mamaya na tayo ulit mag-usap. Humanda ka!"

Pananakot niya. Well, bring it on. It's time to have my revenge. Sweet revenge.

Di joke lang. Huhuhu.

***

"Hindi pa kita sinasagot ah!" Singhal ko sa lalaki ng iabot niya sa akin ang puting cap na may burdang Mrs. sa harap nito. May sinuot din siyang cap na itim na may burdang Mr.

Couple cap.

"Ano naman ngayon? Misis kita eh at mahal kita. Huwag ka ng magreklamo diyan, pinaburda ko pa 'yan oh. Ang arte-arte mo talaga kahit kailan." Masungit na paliwanag niya.

Actually, hindi ako nagrereklamo. Kinikilig ako ng sobra kaya dinadaan ko lang sa pagsinghal. Ugh! So much effort.

Hindi na ako nagsalita at tiningnan na lamang ang cap na binigay niya. Sunday ngayon. Nandito kami sa gym ng lugar nila Summer dahil ia-assist namin ang mga players and dancers for intramurals. Tsaka may practice din kami. Ako sa contempo at siya naman sa volleyball. Bawal kasi kaming sumali sa mga sarili naming sports para fair sa lahat ng department.

"Manunood ako mamaya. Galingan mo ah." Wika niya sabay lagay ng cap sa ulo ko. Pulang-pula na siguro ngayon ang pisngi ko. "I love you." Dagdag pa niya bago ako tinalikuran at umalis.

Bago siya makarating sa kinaroroonan ng magiging kateammate niya, nilingon niya muna ako at kinindatan.

Napatalikod na lang ako at pumunta sa mga kasama ko. Naabutan ko ang mga ito na nagwawarm-up. Binati ko ang mga ito. Pero hindi lahat ay pinansin ako. 'Yong isa sa kanila ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa na may halong pandidiri. Patay malisya na lang ako katulad nang ginagawa ko sa iba. Hindi ako pinalaki ng parents ko na basag-ulo and besides walang gamot sa inggit kaya hindi ko na papatulan. Kasalanan ko ba na naging maganda ako?

Ang mean ko yata. Pero higit naman dito ang ginagawa sa akin ng ibang tao eh.

Napaka-unfair talaga ng mundo. Pero narealized ko na fair din pala lahat. Know why? Kasi unfair sa kanya, unfair sa akin, unfair sa kanila so fair tayong lahat. Sarcasm at its finest.

Pero bakit naman ako napunta riyan?

"Ano bang meron sayo? Bakla ka naman, wala kang boobs pero bakit lapitin ka ng lalaki?" I don't know if its a joke or not. Pero dahil si Hanna ang nagtanong, I will consider it as a joke. Si Hanna ay rookie sa cheerleading team.

Nginitian ko lang siya. Palabiro itong si Hanna kaya medyo nalagyan ng buhay ang team. Pampatanggal din siya ng pagod dahil sa sobrang palabiro niya. She's so adorable.

"Grabe nu? 'Yang si fafa Summer pa talaga ang nabingwit mo. Ano bang pinain mo para makahuli ng ganyan kalaking isda. My goodness! Nalalaglag ang panty ko kapag nakikita ko siya. Pwede ko ba siyang agawin sayo?"

Napatawa ako sa kanyang sinabi. "Pwede rin, pero ewan lang kung magpapaagaw ang isang 'yan."

"Naks! Haba ng hairlalu ah. May gunting ako rito bes, putulin natin. Oh Rapunzel, rapunzel, can I cut your hair?" Biro niya sabay action pa. Mas lalo akong natawa. Mabuti na lang at hindi siya tumitingin sa kasarian ng tao. Meron din kasi siyang kapatid na katulad ko.

"Ang kyut mo talaga." Tanging naiwika ko na lang.

"Kyut lang? Hindi ba pwedeng ang ganda mo talaga Hanna? Ganern."

"Ewan ko sayo." Napailing na lang ako. Magsasalita na sana siya nang napatigil. Nakatingin siya sa likuran ko. Nakaramdam naman ako ng presensya mula rito.

Si Summer.

"Hi Summer." Bati ni Hanna kay Summer.

Ngumiti lang si Summer at nagtaas baba ng kilay. Rinig ko naman ang impit na tili ni Hanna.

Umupo si Summer sa tabi ko rito sa bleachers na kinauupuan namin. Break na rin siguro nila.

"Pinagpapwisan ako Mrs ko, pwedeng punasan mo ako?" Pakyut niyang sabi. My ghad siya! Hindi ba siya nahihiya na may ibang tao.

"Nabibitter ako bes. Makaalis na nga, allergy pa naman ako sa langgam. Wait, gusto ba ninyo ng asukal?"

Ngitian ko na lang si Hanna. Kahit kailan talaga palabiro siya.

"Hmp! Kung ayaw niyo edi 'wag. Hahaha." Tumawa siya ng malakas pagkuway umalis. Baliw talaga.

"Saan 'yong bimpo mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong dala. Share na lang tayo."

"Baliw ka ba, amoy pawis na 'to. Kakagamit ko lang nito."

"Eh ano naman ngayon. Mas gusto ko ngang maghalo 'yong pawis nating dalawa eh."

Hindi ko napigilan na sapukin siya. "Papatayin mo ba ako Misis ko?" Reklamo niya.

"Oo, kasi baliw ka!" Pabebe?

"Masakit 'yon ah. Pasalamat ka mahal kita. Sige na, punasan mo na ako."

Tinapon ko sa kanya ang bimpo. "Che! Punasan mo mukha mo!" Umisog ako palayo sa kanya at inirapan siya. Napangiti naman ako habang nakaiwas sa kanya ng tingin.

"Sige ka, kung hindi mo ako pupunasan, yayakapin kita."

Galit na nilingon ko siya. "Sige, subukan mong gawi---aaaah!" Napatili ako nang yakapin niya. Waaaah! And nabasa ako ng pawis niya. Tinulak ko siya at hinampas sa balikat.

"How dare you---"

"I love you too," Pagputol niya sa 'kin sabay tawa. Tinignan ko siya ng masama. Kahit kailan, napakamaloko niya.

"Argh! Nakakainis ka talag---"

"Mahal mo naman." Pagputol niya ulit at ngumisi ng nakakaloko. Pinunasan na niya ang mukha niya.

"I hate you!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw. Nakita ko naman ang paglingon sa amin ng ibang kadept. namin. Obviously, ganoon na naman ang mga tingin nila.

"Ang kyut-kyut mo talaga kapag nagagalit. Hahaha. Sorry na Misis ko, binibiro lang kita. Gusto ko lang din magpalambing sayo."

"Well para sa akin hindi! Magpalambing? Dun, doon ka magpalambing sa iba!" Mahina pero may diin kong sabi.

"Okay sige. Kay Hanna na lang ako magpapapunas tutal may crush sa 'kin 'yon."

Tatayo na sana siya nang mabilis na nahawakan ko ang kamay niya.

"O bakit mo ako pinipigilan?" Kumunot pa ang noo niya eh nakangisi naman.

"Okay fine! Ako na magpupunas. Lumapit ka na rito." Naiinis kong wika.

"Sarap talaga sa pakiramdam kapag nagseselos ka. Kinikilig ako Misis ko."

Oo na, nagseselos na. Masama na bang magselos ngayon?

Akin lang ang asawa ko. Hmp!

***

"Your order sir?" Tanong ko sa kararating na customer.

"Kung pwede ka sanang orderin, ikaw na lang." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng customer kaya tiningnan ko ito. He looks familiar. Sandali.

Right!

Siya 'yong nakabangga sa akin nung isang araw. Ano nga name niya?

Aki--Akiro. Ay oo, Akiro.

"Hi! Nice to see you again. Ngayon lang kita nakita ulit dito. Nagkasakit ka ba kaya absent ka ng ilang araw?"

"Ahm actually sir, hindi po ako empleyado rito. I'm just helping my bestfriend. Siya kasi 'yong may-ari nitong restaurant."

"Wow! Ang supportive mo pala. Amazing."

"Mag-oorder na po kayo sir?" Muli kong tanong. Kailangan ko ng makaalis bago pa ako makita ng lalaking yun. Ayaw pa naman nun na ako ang  kukuha ng order kapag lalaking customer. Ngayon lang ako nag-entertain dahil busy 'yong iba.

"Ahm. Yes, yes. Here's my order..." Nilista ko ang lahat ng inorder niya. Nagtaka naman ako dahil pangdalawahan ang inorder niya eh nag-iisa lang siya. Marahil may hinihintay pa siyang kasama. Pagkatapos ko itong ilista ay inulit ko itong sabihin para masigurado.

"Wait for your order Sir."

"Thank you."

Aalis na sana ako nang tawagin niya ako.

"May idadagdag pa ba kayo sir?"

"I want you to return here. Join me for lunch. Besides, you're not an employee here. Hindi naman siguro magagalit 'yong bestfriend mo. Sana pumayag ka."

"Hindi ako pw---"

"Please. I'm a customer here. Please consider that."

Napabuntong-hininga na lang ako. Kailangan ko siyang pagbigyan dahil customer nga siya. Ayaw ko na baka marinig ko isang araw na ang panget ng service nitong restaurant ni Summer dahil lang sa hindi ko pagpayag na makipaglunch dito. Tutal dito lang naman kaya safe.

But whats with this guy? Bakit kaya niya ako gustong makipaglunch sa kanya?

"Okay sir, if thats what you want."

"Thanks." Wika nito bago ako umalis at binigay 'yong list ng order ni Akiro. Bago ako bumalik ay hinanap ko muna si Summer. Hindi pa ba bumabalik ang lalaking 'yon? Sabi kasi niya may kukunin siya sa labas.

Nga pala, galit-galitan ako sa kanya.

Well, this is a great idea. Kanina, nakipag-usap at sinamahan pa ni Summer 'yong mga babae kanina. Nagkasagutan kami. Buong akala ng lalaking yun, ayos na siya sa 'kin. Neknek niya.

Kung siya ang makikipag-usap sa mga babae, parang wala lang sa kanya na nagseselos ako. Pero kung ako, eye contact nga lang halos manapak na siya ng tao.

Hindi ako kinikilig! My ghad! Naiinis ako. Promise!

"You're back. Salamat at pinaunlakan mo ang hiling ko."

Ngumiti lang ako.

"Ahm hindi ko pa alam ang pangalan mo? You are?"

"Trey. Trey Anderson."

"Trey... Cute name. It suits you."

"Ikaw din, bagay din sayo ang pangalan mo. Sir Akiro."

Napangiti siya at namangha sa sinabi ko. "Naalala mo pa ang pangalan ko. Magpapakilala sana ulit ako. Nakakatuwa naman. But forget about the sir. Akiro na lang."

Kung hindi lang si Summer ang mahal ko at gwapo sa paningin ko, malamang namezmerize na ako sa kagwapuhan nitong si Akiro. I appreciate his looks kahit may pagka-awra ng badboy. Pero mukha talaga siyang Japanese.

"By the way, Akiro Miura is my complete name. Half Japanese."

Tama nga ako. Isa siyang Japanese.

"Ahm... Sorry pala dun sa nangyari noong isang araw. Nakaharang ako sa daan."

"No no no! You don't have to say sorry. Ako nga dapat ang nagso-sorry. Hindi kita nakita. Nagmamadali ako that time. But let's forget about that."

"Okay." Tumango-tango pa ako.

"So, tinutulungan mo talaga ang bestfriend mo? Ang swerte-swerte niya siguro? Kailan kaya ako makakahanap ng isang katulad mo?"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa titig niya. Wagas naman makatitig ang isang 'to, nakakaintimidate.

"Hahaha. Just kidding." Muli siyang nagsalita. Peke akong tumawa. This is awkward.

"Saan ka pala nag-aaral?" He asked again. I didn't expect na ganito siya kadaldal. Hindi bagay sa looks niya. Well, its not what it seems naman. Looks can be deceiving.

"Diyan sa *** University."

"Really? Magkalapit lang 'yong school natin."

Napatango lang ako. Nakakahiya na parang pinuputol ko ang conversation naming dalawa.

"Your year and course?"

"Ahm second year na ako. Business Ad. Ikaw?"

"Graduating na ako. I.T. Sa tingin ko 17 ka na? Am I right? I'm 20."

What!? 20 na siya. Kala ko kaedad ko lang siya. "Oo." Tanging naisagot ko na lang.

"Don't be shy. Di naman ako nangangain ng tao," at muli siyang tumawa.

"You know what, kilala ko 'yong bestfriend na sinasabi mo. Actually kalaban namin 'yong school ninyo. I'm also a varsity of our school."

Hindi na nakakapagtaka na member  siya ng team ng school nila. Ang tangkad niya eh.

Dapat hindi ko 'to pinapansin dahil kalaban siya ng school namin. Joke.

"Hindi ka ba nakakaintindi? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo si Trey!"

Natigil ako at naestatwa nang marinig ko ang boses ni Summer. Oh my! He's here.

"What if I don't. Hindi ka pa naman niya sinasagot so tuloy pa ang laban." Nakangising wika naman ni Akiro. Nakita ko ang pagyukom ng kamay ni Summer.

"Binabalaan kita Miura. Layuan mo siya kung ayaw mo ng gulo!"

"Try me Hernandez. May the best man win."

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 19.5K 28
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
30.1K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...