Montello High: School of Gang...

By sielalstreim

86.9M 1.9M 825K

What's a reckless transferee with a feisty attitude got to do when her new school puts the lives of its stude... More

Chapter 1: School of Monsters
Chapter 2: The Bloody Welcome Party
Chapter 3: The Evil Prince
Chapter 4: Nightwoods
Chapter 6: Dance with the Gangsters (Part 2)
Chapter 7: The Punishment (Part 1)
Chapter 8: The Punishment (Part 2)
Chapter 9: Mind Maze
Chapter 10: Death For Cutting Class
Chapter 11: Dark Fairytale
Chapter 12: Cats and Curiousity
Chapter 13: Damsel in Distress
Chapter 14: Blood as Red as Fire
Chapter 15: Taming a Monster
Chapter 16: Colder Farewells
Chapter 17: Shattered Glasses
Chapter 18: School of Sick Heroes
Chapter 19: Waging Conflict with the Gods
Chapter 20: The Masquerade
Chapter 21: The Lion in its Cage
Chapter 22: The Elixir of Life
Chapter 23: Unmasked
Chapter 24: Storm's Eye
Chapter 25: Calm and Quiet
Chapter 26: The Mafia Reaper
Chapter 27: Insurgency
Chapter 28: Mercy Falls
Chapter 29: Safe and Danger Zone
Chapter 30: Moving Target
Chapter 31: When Blood Turns to Poison
Chapter 32: Autumn and Arturia
Chapter 33: No Escaping The Deadly Rose
Chapter 34: For the Most Invited
Chapter 35: Maximus Brown
Chapter 36: Blank Stares
Chapter 37: For Those Who Were Left Behind
Chapter 38: Through the Most Legal Means
Chapter 39: To Use and To be Used
Chapter 40: Driver's Seat
Chapter 41: Poisoned
Chapter 42: Treachery
Chapter 43: Ground Zero
Chapter 44: Under the Moonlight
Chapter 45: Taking Shots
Chapter 46: Behind the Mask
Chapter 47: Shakespearean Tragedy
Chapter 48: Farewell, My Romeo
Chapter 49: Achilles' Heel
Chapter 50: A Game of Chess
Epilogue
Montello High: School of Gangsters Official Soundtracks
Special Chapter I: The Woman and the Devil
Special Chapter II: Dreaming Alone
Special Chapter III: Shadows and Silhouettes
Special Chapter IV: The Menace from the Past
Special Chapter V: Invitation to the Devil
Special Chapter VI: The Woman of a Freniere

Chapter 5: Dance with the Gangsters (Part 1)

2.2M 48.6K 23.3K
By sielalstreim

Chapter 5: Dance with the Gangsters (Part 1)


Isang linggo na akong pumapasok sa Montello High and the past days were really eventful. I messed up with the two gangster groups in the school, got into fights, and witnessed two armed strangers in the Nightwoods. Considering my luck, I wondered if things could still get worse.

It was Saturday morning so I decided to spend more time on my bed. Screw the homework, food, and all the other stuff! Magunaw man ang mundo sa mismong sandaling ito ay hindi ako paiistorbo sa aking pagtulog. Kahit bigyan nila ako ng isang guwapong prince charming ay hindi ako magigising. I'd stab myself with poisoned needles like a damn acupuncture and sleep again.

"Summer!"

Or not. Crap! Give me that prince charming now so I could needle him to death and end this world.

"Summer, wake up!"

I groaned and covered my face with a pillow. Now I knew why these weak-looking roommates of mine were shipped to Montello High. They were rude, inconsiderate bitches who didn't respect people who were sleeping. I bet other schools wouldn't accept them because of their lack of manners!

"Do you guys have a death wish?" galit kong banta nang hilahin nila ang unan na tumatabing sa aking mukha. Hindi ko kaagad maimulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa nakabukas na bintana.

"Sorry, Summer! Tanghali na kasi. We have to wake you up to make sure that you're still alive," nahihimigan ko ang pagtawa ni Mirden sa kaniyang tinig.

"Also, do you want to come with us sa sixth floor mamayang gabi? Black Government will be hosting a party. It will be fun!" puno ng eksaytment na tanong ni Jamie.

The week had been hell to me and I was supposed to rest today. But they were waking me up to make sure that I would still wake up and invite me to an event that would not happen until nighttime. That should be illegal!

"I'm not interested!" I snapped. "Leave me alone." At saka muling kinuha ang unan at niyakap. If Montello High's idea of party was just like the bloody welcome party the Dark Monarch gave me, then I had enough of it. I would rather sleep!

But of course, kailangan kong bawiin ang aking mga sinabi dahil kinagabihan ay natagpuan ko ang sariling nasa sixth floor at umiinom ng beer kasama sina Mirden at Jamie. I concluded that this particular space was made for the entertainment of the Montello High junior and senior students. And although they didn't serve hard drinks, sapat na ang mga fruit juices, beers, at cocktail drinks upang makapag-aliw ang mga estudyante. Idagdag pa na maganda ang taste sa music ng bandang tumutugtog sa platform na nagsisilbing stage ng lugar. It was like a mini club for students. Walang teachers subalit sabi ni Mirden ay may ilang student council members ang narito upang magbantay.

Bagaman at walang unipormeng ipinasusuot sa mga estudyante ng Montello High, nagawa pa rin ng mga narito ang mag-dress up. Ang ilan sa mga babaeng nagsasayaw ay halos wala nang itago sa suot nilang seductive dresses. Ang mga lalaki naman ay halatang nag-effort para sa kanilang porma. May mangilan-ngilang estudyante naman na narito lang upang uminom at makinig sa musika at siguro ay kabilang na kami roon maliban na lang kay Jamie na may party man o wala ay nananatiling fashionable pagdating sa kasuotan.

"Will that blue lemonade make you tipsy, Mirden?" tukso ni Jamie kay Mirden. Hindi kasi nito ginagalaw ang beer na binili ni Jamie.

"Are you going to take care of me if I throw up?" ganting tanong naman ni Mirden. Isang tawa lang ang isinagot ni Jamie. Ako naman ay kaswal na kinuha ang beer sa tapat ni Mirden at inilagay sa tabi ng akin. They didn't allow hard liquors here, so I shouldn't let any alcohol content go to waste.

"Hi."

Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking nakatayo sa harap ng mesa namin. Matangkad ito at bagama't nakasuot ng salamin ay hindi pa rin nito naitago ang guwapong hitsura. Gumanti ng bati sina Jamie samantalang ako ay nababagot lang itong pinagmasdan at saka uminom ng beer. He looked younger than us. He shouldn't be here.

"Would you mind if I join you?" tanong nito na sa nag-aalangang tono.

Ngumiti sina Mirden at Jamie sa kaniya. "Sure," mabilis na pagpayag ng dalawa. Nawala ang pag-aalangan sa mukha ng lalaki at naupo sa bakanteng silya sa aking tabi. And to my disappointment, Jamie gave him Mirden's beer.

"You're a freshman, right?" tanong ni Mirden. "You are Tyler Del Valle! Paano ka nakapasok rito?"

Nahihiyang ngumiti si Tyler. Marahil ay hindi inaasahan na alam nina Mirden ang pangalan niya. "Black Government ang host ng party ngayong gabi. Sinabi ko kay Kuya Van na gusto kong pumunta rito at pumayag naman siya."

Kuya? Is he the devil's brother? Pero Freniere ang taong iyon and this guy was a Del Valle. Kumpara kay Van Freniere ay mukhang inosente ang isang ito. Iyong tipo niya ang estudyanteng palaging nasa library at hindi nadadamay sa gulo. But if he was that good of a student, then bakit narito siya sa Montello High?

"Kung ganoon ay wala kang kasama kaya ka narito?" paniniguro ni Jamie.

Gusto kong matawa sa nakitang pamumula ng pisngi ni Tyler. Why, the kid looked cute and adorable! "Well, no one wants to be with me. At nang makita ko kayo ay naisip kong siguro ay naiiba kayo sa mga narito."

Lumuwang ang pagkakangiti nina Jamie at Mirden. It was obvious that they were charmed. Habang ako ay hindi napigilan ang pag-roll ng aking mga mata. Kung sa game ay nasa mataas na level na ang mga narito, at ang mga katulad niya ay nababagay sa mga may mababang level—at kami iyon.

"I'm Jamie!"

"Mirden here."

Tatlong pares ng mga mata ang bumaling sa akin, mga naghihintay na sabihin ko ang aking pangalan. I rolled my eyes again at them and drank my beer. I just wanted to drink; making friends was not on my list. Lalo pa at mukhang hindi naman talaga dapat na narito ang freshman na ito.

"You're Summer, right?" Tumaas ang isa kong kilay at tumingin kay Tyler. I wasn't even surprised that he already knew my name. "You're the badass new girl. I've heard a lot about you," nakangiti nitong wika.

"Do you want my autograph?" sarkastiko kong tanong.

Pinigilan kong matawa sa muling pamumula ng kaniyang mga pisngi. No, the kid shouldn't be in Montello High. He was too innocent—too soft. A few harsh words from me and I knew I would break him.

"I—I just want to tell you that Brent deserved the humiliation. He and Cattleya had always been bullies towards freshmen. Wala mang nagsasabi pero nasisiguro akong para kang hero figure sa akin."

"Right!" agad na sang-ayon ni Jamie. "She's like Nikita—it's my favorite series."

Dahil doon ay agad na napalitan ang topic ng aming konbersasyon ng mga usapin tungkol sa mga pinapanood nilang series. Mukhang hindi nagkakalayo ang mga nais nilang panoorin. Maya-maya pa ay napalitan ng masiglang party music ang alternative rock na tinutugtog ng banda. Nagsimulang magsigawan at magtilian ang mga estudyanteng naroon.

"They're here!" nakangiting saad ni Tyler.

Sabay-sabay kaming lumingon sa entrance at nakita ang pagpasok ng Black Government. They were in their usual gangster attire. Nagkikislapan sa pagtama ng ilaw ang mga piercings sa kanilang katawan. Hindi rin tinago ng kanilang kasuotan ang ilang tattoo ng mga dumating.

"And now that they're here, the forbidden drinks will be served."

"Forbidden drinks?" nagtatanong ang mga matang baling ko kay Jamie.

"Oh, the hard liquors that are not served for minors. Pero siyempre, sa kanila lang iyon ise-serve—at sa mga estudyanteng malakas sa kanila."

At tulad ng sinabi ni Jamie ay agad na nagsilapitan sa kanila ang mga estudyanteng naroon na tila ba mga celebrities sila ng lugar. Ilang mga magagandang babae ang agad na lumapit kay Van at ipinulupot ang mga braso sa katawan nito. We watched ay they started flirting with each other. Mukhang gagawin nila ang lahat para sa forbidden drinks na iyon.

I was curious—I had to admit it. Saglit kong tiningnan si Tyler na agad lumingon sa akin nang maramdaman ang mga mata ko sa kaniya. Nakapasok siya rito kahit freshman lang siya. Nangangahulugan na totoong may koneksyon siya kay Van. Should I use him as bait to get some of that forbidden drink? Umiling ako at nagbawi ng tingin. The kid was like a cute, furry puppy. And I couldn't just offer an innocent puppy to the devil.

Nang makapuwesto ang mga dumating na miyembro ng Black Government sa booth na may half-round couch ay muling bumalik ang musika sa alternative rock. Nabakante ang dance floor at nag-umpisang pumailanlang ang As Lovers Go ng Dashboard Confessional. I smiled to myself as it was one of my favorites.

"May I dance with you, Summer?" nakangiting tanong ni Tyler nang mapansing nakikinig ako sa kanta.

"Go dance," malamig kong sagot at iminuwestra ang kamay palayo.

Muli ay namula ang kaniyang mga pisngi. Why is he always blushing? "I mean—I want to dance with you," he said with those puppy dog eyes.

Sinundan iyon ng mga udyok mula kay Jamie at Mirden. Pakiramdam ko ay magiging isa akong masamang tao kung ipapahiya at tatanggihan ko si Tyler sa harap nila. And no, I didn't care about it. Ngunit habang tinititigan ko nang matagal si Tyler ay naiisip kong wala naman sigurong masamang mangyayari kung pagbibigyan ko si Tyler.

"Alright. You're lucky I like this song."

Agad na nagliwanag ang kaniyang mukha sa ngiting namitawi sa kaniyang labi. Iginiya niya ako patungo sa dance floor. Mangilan-ngilang estudyante lang ang sumasayaw roon dahil mukhang mas nais nilang umindak sa magagaslaw na tugtog.

Ipinatong ko ang aking mga kamay sa kaniyang balikat. Naramdaman ko naman ang mainit niyang mga palad sa aking baiwang. He was tall for a freshman. At habang tinititigan ko ang kaniyang mukha sa likod ng kaniyang salamin ay hindi maiwasang ikumpara siya kay Van Freniere. They were different—and somehow felt connected with each other. Na para bang kahit isang nerd at mukhang mahina ang lalaking ito ay possible pa rin na may koneksyon siya kay Van. Ipinagkibit-balikat ko na lang ang isiping iyon at mabagal na sumayaw sa tugtog.



I'll be true, I'll be useful,
I'll be cavalier. I'll be yours my dear,
And I'll belong to you—
If you'll just let me through...

Napalingon ako sa pakiramdam na tila may nakatingin sa amin. Kusang huminto ang aking mga mata sa kinaroroonan ni Van. He was glaring at us; he didn't even flicker an eyelid when the girl beside him started kissing his neck sensually. Agad akong nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa aking kasayaw.

This is easy as lovers go,
So don't complicate it by hesitating,
And this is wonderful as loving goes,
This is tailor-made. What's the sense in waiting?

"This is my first dance," kapagkuwa'y wika ni Tyler na ikinakunot ng aking noo. "And I'm grateful and happy that you are my first dance," dagdag nito.

"What?" hindi makapaniwala kong tanong. "You should have told me! Mirden and Jamie are better than me in filling such role. I mean, I don't hate you—but I don't like you as well. Dadalhin mo hanggang sa pagtanda mo ang pagsisising ibinigay mo sa taong hindi ka gusto ang iyong first dance."

Well, a first dance should be with someone you care about, right? And it should be special and memorable—and definitely not in a place that served booze to minors. Bahagyang nanamlay ang mukha ni Tyler sa aking sinabi. Nagsimula rin akong makaramdam ng guilt. Damn, I should stop caring!

"But I like you, Summer. I like you as a person. At masaya ako na sumasayaw ngayon, gusto man ako ng kasayaw ko o hindi," sagot nito na muling bumalik ang ngiti sa labi.

Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Wala na rin naman akong magagawa at desisyon niya ito. I guessed we were all bound to make mistakes while young. Wala nang nagsalita sa amin at nagpatuloy na lang sa pagsayaw. Subalit base sa kislap ng mga mata ni Tyler ay mukhang nag-e-enjoy nga siyang kasayaw ako. He wasn't just an innocent-looking nerd; he was also weird. Nahinto lang kami nang maramdaman namin ang nabuong tensyon sa paligid. Nagsimulang mag-alisan ang ilang sumasayaw sa dance floor subalit patuloy pa rin sa pagtugtog ang banda. At dahil first dance ito ni Tyler ay pareho kaming nag-aatubili kung aalis rin ba o mananatili.

"What's happening?" naguguluhang anas nito nang makitang tumayo sina Van, Makki, and even Ethan mula sa kanilang upuan. Ganoon din ang ginawa ng mga ilang estudyante sa paligid na mukhang mga miyembro rin ng Black Government.

Sinundan ko ang hinahayon ng kanilang paningin at napataas ang aking kilay nang makita ang lalaking nasa entrance. Kaswal itong naglakad papasok habang pinapanood ng mga naroroon, alerto sa kung ano man na maaaring gawin nito.

"Oh, crap," I groaned when I realized that he was walking towards us. I could feel Tyler's arms stiffen on my waist. Ang freshman ba na ito ang kanilang target ngayon?

"Hi, Summer!" nakangiting bati ni Jin nang sa wakas ay nasa harap na namin. Bago pa ako makasagot ay nagawa na niyang kunin ang aking braso at inilagay sa kaniyang balikat habang ang isang kamay pumulupot sa aking baiwang. Sa mabilis na paraan ay nagawa niya akong mailayo mula kay Tyler. Nagulat na tiningnan kami ng freshman.

"Sorry, kid. You need to drink more milk to get lucky," he teased and danced us away from Tyler. Ni hindi man lang nito hinayaang matapos ang kanta.

"It was his first dance, you know," nagtatagis ang mga bagang kong wika nang magpatuloy kami sa pagsayaw sa huling parte ng kanta. "And you ruined it."

Kibit-balikat niyang tinapunan ng tingin ang nakatayo pa ring si Tyler. Tahimik lang itong nanonood sa amin. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis kay Jin dahil sa lungkot na bumakas sa mukha ng freshman.

"Really? Well, the deed is done. At isa pa, ngayong nasa mga bisig na kita ay hindi na kita kayang isauli."

I rolled my eyes at him and let him sway me until the music ended. Hindi rin niya ako pinakawalan nang magsimula ang isang panibagong kanta. I immediately recognized All Time Low's Coffee Shop Soundtrack. Maya-maya pa ay tila natigilan si Jin sa pagsasayaw kasabay ng mahinang pagmumura.

"Damn it. I told them not to follow me," may galit sa tinig nitong sabi.

Sinundan ko ang kaniyang tingin sa at sa pangalawang pagkakataon ay mukhang mayroon pang mga hindi imbitado ang dumating. Zach, Brent, and a few members of Dark Monarch confidently appeared by the entrance and were now striding forward like they owned the whole sixth floor club. Base sa kanilang ekspresyon ay narito sila upang makipag-away. Ibinaling ko ang aking tingin sa nakatayong si Tyler. Kahit ito ay nababahala sa maaaring mangyari.

"Puntahan mo sina Jamie and Mirden and get out of here," may diin kong utos sa kaniya.

"Pero Summer, paano ka?" bantulot nitong tanong.

Hindi ako sumagot at sa halip ay binigyan siya ng masamang tingin. Naintindihan naman niya iyon at atubiling nagtungo sa kinaroroonan nina Jamie at Mirden.

"You brought trouble for a dance, huh?" sarkastikong baling kong muli kay Jin.

Muling bumalik ang mapanudyong ngiti sa mga labi nito habang nakayuko sa akin. Mukhang wala siyang balak na bitiwan ako. "A dance with you is worth all the trouble," aniya.

I was almost charmed. His devil-may-care smile and bad boy vibes were enough to make a girl swoon. Subalit bago ako makasagot ay isang kamay ang humawak sa aking braso at hinila ako palayo kay Jin. The latter tried to grab me back but someone yanked him from behind and it turned out to be Ethan.

And that was how the chaos erupted: throwing fists, flying kicks, and burning curses. And instead of stopping and escaping the scene, the band seemed to get inspired by it and turned the acoustic song into its original rock version—making it louder and edgier.

"I think I'll steal this dance," said the man who was now holding me.

And I'd recognize that voice anywhere and in any circumstances. At hindi ko maintindihan kung bakit ang presensiya niya ang nagbigay sa akin ng matinding kaba sa halip na ang kaguluhan ng paligid. Nagsimula siyang igalaw ang aming katawan sa musika habang ang kaniyang mga mata ay nakatuon lang sa aking mukha. Ni hindi niya alintana ang mga sigawan at daing sa palibot namin.

"I don't want to dance with you, Van Freniere," may diin kong wika. Tumatanggi ang isip ko na mapalapit man lang sa kaniya.

His mouth curved into a devilish smirk. "Your body moves fluidly with mine. And the way your cheeks are blushing says differently from these pretty lips of yours."

I grunted in both disapproval and pleasure when he suddenly pulled me against his sinewed chest. Its steely hardness and warmth immediately stirred something inside of me. I was about to try to push him when a bottle flew past behind me.

"Be still. You're too weak to protect yourself," he murmured in my ears. And I gasped inwardly, wondering if he knew how he was affecting me. Be still, I thought. Stop being weak in front of him.

When it all comes down
To a sunrise on the east side,
Will you be there to carry home
The remains of my wasted youth?
This wasted time on you
Has left me shaking in waiting,
Shaking in waiting for something more...

We continued dancing as if we were the only people on the dance floor; as if there was no chaos in the sixth floor. Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa na para bang may kung anong pilit na binabasa sa aming mga mata. At hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa but with him, I felt safe—like this gangster war could never touch me at all.

This dance was far from every girl's dream. It was not a fairytale. He could be a dark prince but I would never be his princess. We hated each other's guts. And I wanted to hate myself more for letting myself get drown in this jerk's arms.

"I would kill to know what's running inside your head," aniya nang hindi pinuputol ang pagkahinang ng aming mga mata.

"I hate you," sagot ko sa mabuway na tinig.

Hindi ko masiguro kung disappointment ang nakita kong bumadya sa kaniyang mukha sapagkat mabilis rin iyong nawala at napalitan ng isang mapang-insultong ngiti. "Your hatred doesn't matter to me—even your mere existence."

Sukat doon ay muling nanumbalik ang galit ko sa kaniya. Sinubukan kong itulak siya upang makalayo ako sa kaniya at sa lugar na ito. Subalit sa halip ay mas humigpit pa ang kapit niya sa akin—no, mas madaling sabihin na nakakulong ako sa kaniyang bisig. At kung hindi lang dahil sa pagkasuklam na namamagitan sa amin ay puwedeng maisip ng kung sino man na magkayakap kami.

"Why don't you just let me go and fight with them? I'm seconds to thinking that you really want to dance with me." Isang mapanudyong ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. "Why? Is the great Van Freniere attracted to me?"

I was playing a dangerous game. I shouldn't taunt a devil like him—especially the one who had the capability to crush me dead in his arms. But I thought that teasing him would somehow make him embarrassed to be with me, and at some point, he would let me go. Subalit hindi ang reaksyong inaasahan ko ang nakita ko sa kaniya. His smirk became wider; more dangerous. Saglit niyang sinulyapan ang paligid na tila nasisiyahan sa mga nangyayari.

"Interesting photos. I wonder if I die if continue reading the Don't or You're Dead folder."

"Ano bang –" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin at nanlalaki ang mga matang napatanga sa kaniya. "Give it back!" kapagkuwa'y asik ko. "Give my phone back!"

Hindi ko napansin na bumabaon na rin pala ang aking mga daliri sa madiin nitong pagkakahawak sa kaniyang balikat. Kung nasasaktan man siya hindi niya iyon ipinahalata. Nanatili lang siyang nakamasid sa akin habang naglalaro ang amusement sa mga mata.

"And now I'm curious about your perfect sister. Maybe I'll like her more," he taunted.

Tila mas nagliyab pa ang nararamdaman kong galit sa kaniya. He shouldn't have read it. He shouldn't have taken my phone in the first place. It was where I hid all my thoughts. It was where I wrote my mind. Umangat ang isa kong kamay at akmang susuntukin ang kaniyang dibdib subalit mabilis niya iyong nahawakan. Mas lalo niyang idinikit ang aking katawan sa kaniya at ipinulupot ang bakal niyang bisig dahilan upang malimitihan ang aking pagkilos.

"Let me go, you fucking jerk!" I screeched.

Subalit hindi niya natinag at sa halip ay isang pagak na tawa ang pinakawalan. "You're really deadly, aren't you? Should I be more careful around you?"

Muli sana akong sasagot subalit napukaw ang aking atensyon sa pagdating ng mga miyembro ng student council at ng ilang mga guro. Mabilis na natigil ang gulo at huminto na rin ang musika. Unti-unti na rin na lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Van hanggang sa tuluyan akong makawala sa kaniya. And boy, did I forget how to breathe? Pakiramdam ko ay pati ang hangin sa paligid ko ay kinontrol niya.

Marahas ko siyang nilingon. Naroon pa rin ang mapanghamon at mapang-insultong ngiti sa kaniyang mukha. Huli na upang mapigilan ko ang muling pagtaas ng aking kamay. Hindi siya kumilos. Nanatili siyang naghihintay hanggang sa tuluyang lumapat ang aking palad sa kaniyang pisngi. Ang tunog na nagawa niyon ay sapat upang mapunta sa amin ang atensyon ng mga naroroon.

I let out a deep breath and glared at him. Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaunting pag-aalala. I slapped Van Freniere. In a club hosted by his gang. With his gang members still craving for a fight. And with teachers and student council members around. If I wasn't screwed yet, then that would probably change now.

And as if to mock my thoughts, someone pushed me away from Van. I scowled at the girl who stood beside him protectively. And I was a little bit surprised to see that it was the girl with an angelic face from the backstairs. The president of the student council. The girl whom he shared a kiss with. And I couldn't understand why such thought annoyed me even more.

"Those who are included in this fight will receive their punishment," awtorisado niyang anunsyo sa mga naroon at saka muling bumaling sa akin. "And that includes you!"

Tumaas ang aking kilay sa atensyong ibinigay niya sa akin. I was about to step towards her when I felt a gentle hand wrap around my arm. "She's still new here, Trinity. Let's give her some consideration for now," wika ni Ethan na nasa tabi ko na.

Subalit base sa ekspresyon ni Trinity ay mukhang hindi ito makukumbinsi na baguhin ang pasya. "She hurt a student!" mataas ang boses niyang sabi. "We can't start being lenient. You know what kind of students we have here in Montello High."

Nang wala nang nagpahayag ng pagsalungat sa kaniya ay agad itong humarap kay Van. Nag-aalalang sinipat ang mukha nito sa maaaring pinsala. And I wanted to laugh at her—because what kind of damage could I do to the devil? Akmang hahawakan na ng babae ang mukha nito nang walang sabi-sabing tumalikod si Van at umalis ng club. Naiwan si Trinity na namumula ang mukha sa hiya dahil sa tinamong rejection. At upang maalis sa kaniya ang atensyon ng lahat ay muli itong bumaling sa mga naroon.

"The boys will help clean the school yards tomorrow. And as for Ms. Leondale, go to the maintenance room and help with the locker room and comfort room sa gymnasium. You will all spend your Sunday serving the school," matigas nitong anunsyo na umani ng ilang himig ng reklamo mula sa mga estudyante.

"And what if I refuse to do that?" hamon ko. I knew that she was being unfair because of what I did to Van. She was using her authority in this school to punish me. And I couldn't just let her do that to me.

Isang ngiti ang namutawi sa kaniyang labi na mas lalong nakadagdag sa kagandahan ng kaniyang mukha. Subalit ngayon ay alam ko na ang kulay niya upang huwag magpadala sa panlabas niyang anyo. "Then we will call your guardians and let them perform the consequences for you."

Napamaang ako sa sinabi niya. I couldn't imagine my righteous father cleaning the locker room in the school gymnasium. He was a professor in a university. Isang kahihiyan kung gagawin niya ito. Subalit hindi nga ba at ginawa nito ang lahat upang makahanap ng school na tatanggap sa akin? Paano kung kahit ito ay papatulan niya manatili lang akong pumapasok sa eskwelahan?

"You're sick," sambit ko sa mahina subalit may diin na tinig. Alam kong wala akong pagpipilian sa pagkakataong ito.

Nanatili ang kaniyang ngiti sa mga labi but this time, there was danger in it. "Aren't we all sick? Isn't that the reason why we're here in this school?"

Muli niyang ibinaling ang atensyon sa mga estduyante at inutusan ang mga itong bumalik sa kani-kanilang dorm. Hindi na rin nito ako muling tinapunan ng tingin habang pinangungunahan ang mga miyembro ng student council sa pag-alis. Ethan tapped my shoulder gently, as if assuring me that it would be okay, before joining the student council members.

Nang kaunti na lang ang mga estudyante ay saka ako tumakbo palabas. I should have stayed in my bed. I shouldn't have let my curiosity lead me to this stupid club. I should have known that when there was a party, there would be a mess to clean.

Continue Reading

You'll Also Like

39.5M 929K 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.
522K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
580K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
20.3K 1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...