The Devils Hell University (P...

By QueenABCDE

13.4M 304K 91.2K

The hidden daughter of the Parkers, Devi, longs for acceptance and happiness from her family. When her father... More

TO ALPHABETIANS
Prologue: The Devils Hell University
TDHU 1: The Devils Hell University
TDHU 2: Hells Devils
TDHU 4: The Home for the Devils
TDHU 5: Hell's Tower
TDHU 6: Seven in the Evening
TDHU 7: King of the Jungle
TDHU 8: Game
TDHU 9: Sacrifices
TDHU 10: Mr. Lewisham
TDHU 11: Warning
TDHU 12: Chasing the Truth
TDHU 13: Ank Ferre
TDHU 14: His Property
TDHU 15: Mystery Girl Parker
TDHU 16: Rafflesia Arnoldii
TDHU 17: Annabelle and Chuckie
TDHU 18: Leaders
TDHU 19: Survival Examination
TDHU 20: Room 21
TDHU 21: Neutral
TDHU 22: You're nothing
TDHU 23: Magic Word
TDHU 24: Hatred
TDHU 25: Stubborn
TDHU 26: First Kiss
TDHU 27: Star
TDHU 28: Freedom
TDHU 29: War
TDHU 30: Chaos
TDHU 31: Queen
TDHU 32: Tattoo
TDHU 33: Hidden Treasure
TDHU 34: Answers
TDHU 35: Annihilation
TDHU 36: His Happiness
TDHU 37: Hallucinogens
TDHU 38: Stay Forever
TDHU 39: Armageddon
TDHU 40: Magnificence
TDHU 41: Too Kind
TDHU 42: As a friend
TDHU 43: Her
TDHU 44: Nightmare
TDHU 45: Two Wishes
TDHU 46: Let Her Go
TDHU 47: Traitor?
TDHU 48: Gown
TDHU 49: Broken
TDHU 50: Reality
TDHU 51: Intense
TDHU 52: First Love or True Love?
TDHU 53: You Are My Sunshine
TDHU 54: Surprised
TDHU 55: Trapped
TDHU 56: Revelation
TDHU 57: Unfair
TDHU 58: I'll Save You
TDHU 59: I Love You, Goodbye
Epilogue: The Devils Hell University

TDHU 3: Confused

284K 8.4K 1.1K
By QueenABCDE

TDHU 3: Confused

DEVI PARKER

"New face. New student?" tanong nito. Tumango-tango lang ako.

Kinuha niya ang sabon at ikinuskos sa kamay. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ko at kumuha rin ako ng sabon at ginaya siya. Sadyang naprapraning lang talaga ako at binabantayan ang bawat kilos niya dahil baka bigla siyang humugot ng kutsilyo at saksakin ako.

"Hindi ko alam na tumatanggap pa pala ang university ng mga bagong estudyante sa kalagitnaan ng semester. As far as I know, after the school year, saka lang ulit nagkakaroon ng mga bagong mukha." Tiningnan niya ako na parang nagtataka. "So, tell me, pa'no ka nakapasok?" Kunot-noong tanong nito.

Napakunot din ako ng noo. Anong klaseng tanong 'yan? Don't tell me hindi niya alam kung paano siya nakapasok dito? Nag-Google Maps lang naman ako at nag-search about sa university kaya alam ko kung paano magpunta rito. Nagka-problema nga lang nang mawalan ako ng signal.

"Hindi ko alam kung paano, basta ang natatandaan ko, may maliit na pintong bumukas at doon ako dumaan," sagot ko at hindi na sinabi pa kung paano ko nahanap ang university. Lahat naman kasi ng mga tanong mahahanap at masasagot sa Google kaso kung hindi mo naisip 'yon, hindi mo talaga malalaman kung paano makararating dito.

"Really? Then, alam mo kung pa'no makalalabas sa impiyernong 'to," saad niya matapos maghugas at ipinunas lang ang kamay sa shorts.

"Hindi. Matapos kong makapasok sa loob ay nawala na ang butas na pinasukan ko. Ang sabi nung babaeng nakausap ko, umiikot ang university every 12 hours kaya't walang makaaalam kung nasaan ang daan palabas," sagot ko at tinapos na rin ang paghuhugas ng kamay. Ilang minuto ko na rin palang hinuhugasan ang kamay ko.

"Kayo ba? Pa'no kayo nakapasok?" balik na tanong ko sa kanya. Imposible kasing hindi man lang sila nag research bago makapasok dito.

Biglang may nahulog na panyo mula sa bulsa niya. Bago pa ito mahulog ay may kung ano siyang kinukuhamula rito. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang ihulog ito dahil nahawakan pa niya ang panyo, o 'di kaya ay hindi niya namalayan. Agad ko na lang itong pinulot dahil basa ang sahig. Napatingin ako sa puting sapatos niya nang mapansing may bahid din ito ng dugo.

"Thanks," sambit niya nang maiabot ko sa kanya ang panyo. Binalewala ko na lamang iyon. Baka siguro nasugatan lang siya at natuluan ng dugo ang sapatos niya. Pare-pareho lang kami ng sapatos, parehong puti, pareho ang disenyo.

"There's this secret website called TDHU Web that targets stupid students to visit the site. And I'm one of those students who visited the website. It's like an advertisement na basta-basta na lang lumalabas while you're using any kind of social media. At first, I was not interested but most of my friends visited the website and got excited. Kaya't tulad nila, nag-dive na rin ako roon," mahabang litanya nito. Sumandal siya sa lababo habang nagpapaliwanag at habang pinupunasan ang natitirang basa sa kamay gamit ang panyo.

"It shows a picture of another world where we can live our lives without any limitations. We can transcend. We got so excited. There's a part of me na gustong mag-aral dito kaso may part din na hindi dahil sobrang nakaka-excite at pakiramdam ko, mamamatay ako rito dahil sa sobrang kasiyahan. At totoo nga. Bago ka mamatay, mababaliw ka muna hanggang sa ikaw na mismo ang pumatay sa sarili mo. You'll lose control over everything. Sinisira ng university na 'to ang utak ng mga estudyante," dagdag pa niya na para bang galit na galit sa mga namumuno sa university. Kitang-kita ko 'yon dahil sa pinupunasan niyang kamay ibinubunton ang galit niya. Maputi siya kaya't napansin ko na agad ang pamumula nito.

"Then the day after I visited the website, may isang puting van ang nakaparada sa labas ng bahay namin. Pagkababa ko, nagpipirmahan na ang parents ko at ang mga taong sakay ng van. I got confused kung paano nila nalaman kung saan ako nakatira then suddenly, nalaman ko na once you visit the TDHU website, they can already track and get information about you. Once na nalaman nilang qualified ka sa katangian ng isang mag-aaral ng Devil's Hell University, they will contact your parents and persuade them to enroll you in their university. They were looking for students na walang alam gawin sa buhay kundi ang magpakasaya."

Hinahayaan ko lang siyang magsalita dahil napaka-interesting ng kuwento niya kaya't tulad niya, sumandal na rin ako at patuloy na nakinig.

"My parents know the rules and regulations. They know that I might die in this university but they still agreed to enroll me here because these people assure them one thing—that I will survive and I will graduate. Kaso napakabobo ng mga magulang ko dahil hindi nila alam na lahat ng 'yon ay kasinungalingan. Mas pinapalala lamang ng Hell's Devils ang sitwasyon. Ginagawa nila kaming mga taong mas masahol pa sa hayop." Nakakuyom na ang mga kamao nito at pinipigilan lang ang sariling ilabas ang galit.

"Pagkasakay ng van kasama ang bag ng mga pera na ibinayad sa kanila, tinusukan ako ng pampatulog hanggang sa magising na lang ako sa isang kuwarto. Ayaw ng mga taong 'to ipaalam kung paano kami nakapasok para hindi kami magtangkang tumakas. Wala pang nakalalabas dito. Makalalabas ka lang if patay ka na o nakapagtapos ka na ng pag-aaral. That's why me, I'm trying my best to study hard para maka-graduate na ako at makalabas na sa impiyernong 'to. Kaso sa bawat araw na nagtatagal kami, nasisira ang mga utak namin at hindi namin napipigilang gumawa ng bagay na hindi ikinatutuwa ng Hells Devils. I don't know why our parents trusted these four devils, but they're not trustworthy. They're all evil." Huling salaysay nito habang nagngingitngit sa galit.

Mas lalong lumala ang tingin ko sa kanila. Akala ko pa naman medyo mabait pa ang dalawa sa kanila kaso hindi. Sa kuwento pa lang ng babaeng 'to, masasabi ko ngang napaka-demonyo nilang apat.

"TDHU website? Hindi ba alam ng gobyerno ang tungkol sa university na 'to? Baka sakaling makatulong sila," saad ko. Hindi naman maitatayo ang university na 'to nang walang pahintulot ng gobyerno. Maliban na lamang kung patago itong itinayo ang university na 'to.

"They know and they're trying to track it down but there are thousands of hackers who manipulate the government or any institution that tries to dive in TDHU web or those who try to look for information. At kahit naman malaman nila kung saang lupalop ng mundo nakatayo ang university, wala silang kahit na anong magagawa it's because the agreement between these students' parents and the Hell's Devils are legal at ipakita lang ng Hell's Devils ang mga dokumento, walang sinuman sa gobyerno ang may karapatan na hulihin at ipakulong sila. They're very powerful and smart, especially Demon Lewisham, kaya't hindi nakapagtatakang may mga taong gustong pabagsakin siya," sagot niya sa tanong ko.

Isa na siguro roon ang mga Parker.

Nakaramdam ako ng pagkailang nang titigan niya ako sa mukha habang may ngisi na nakaukit sa kanyang labi.

"Kaso nagtataka ako kung pa'no mo nalaman ang lugar na 'to kung hindi ka naman sinundo ng kahit na sino sa apat na 'yon. Maybe those hackers who try to hack you were also hacked by some people who badly wanted you to be here. And that maybe, you were sent here for a reason." Napakunot ako ng noo nang maguluhan ako sa sinabi niya. What is she trying to say?

"Are you a predator and is Demon Lewisham your prey?" she leans closer to me. "Or are you the predator's bait?"

Hindi ako makapagsalita at hindi magawang sagutin ang tanong niya. Ni hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Bago pa ako makasagot ay inunahan na niya akong magsalita.

"Thanks for saving me this day," saka siya lumabas at iniwan ako ritong tulala habang pinoproseso ang lahat ng sinabi niya.

Masyadong magulo pero biglang nag-flashback lahat sa 'kin kung paano nga ba ako napunta rito at kung anong relasyon ng mga Parker kay Demon.

It was all planned.

As of now, everything still seems normal. The Devil's Hell University. At first, I thought na pagkaapak na pagkaapak ko pa lamang dito ay patayan na agad ang makikita ko kaso parang wala namang nangyayari. Normal university. Normal students.

"And you are?" Tanong ng isang babaeng magkasalubong ang kilay, payat, morena, bagsak ang itim na buhok, at may suot na salamin. Hawak ang libro at chalk sa magkabilang kamay, tumambad siya sa harapan ko kahit 'di pa man ako tuluyang nakauupo sa aking silya. Mrs. Maneclang.

"Devi, ma'am," nakangiting saad ko at bahagyang yumuko bilang pagpapakita ng respeto saka pinuntahan ang bakanteng silya sa dulo. "You want to tell us your surname? Miss?" She asked as she raised her eyebrow at 'di naiwasan ng mga estudyanteng tumawa. "We don't care about your first name, Miss. We call everyone by their surname." Inilapag niya ang hawak niya then placed her palm on the table looking at me straight in the eye as if she's ready to kill the hell out of me. "So, if you don't mind, get a yellow sheet of paper, divide it into three columns then fill in the paper with your surname back-to-back," utos niya. "Now!"

Sinunod ko na lang kung anong sinabi niya. Pagkatapos ko ay ipinasa ko na sa kanya ang papel.

"Rivera," she nodded. "Unpopular surname," she added saka itinuon ang atensyon sa 'kin. "Not that evil, not that scary," dagdag pa niya saka ngumiti dahilan para mapalunok ako. "You may take your seat."

Hindi pa man ako nakababalik sa upuan ko ay napansin ko ang isang lalaki sa dulo ng fourth row sa left side ko at isang lalaki sa dulo ng second row sa right side ko na kanina pa nagtititigan nang masama sa isa't isa. Nang malapit na ako ay sabay silang tumayo at tumakbo palapit sa isa't isa na may dala-dalang ballpen. Sabay nilang sinasaksak sa kahit anong parte ng katawan ang isa't isa at hindi ko alam ang gagawin lalo pa't nasa harapan ko silang dalawa.

Nag-umpisang manginig ang mga tuhod ko dahil pareho na silang duguan at wala man lang sa kahit na sinong estudyante o guro ang umaawat.

"Enough!" sigaw ko kaso mali yata ang ginawa ko dahil lahat sila ay tiningnan ako na para bang ipinamumukha sa 'king mali ako.

"Ano ba! Sinabi nang umawat lang ako! Hindi ako kasali sa nangyari!" Sigaw ko kay Spade na nasa harapan ko at abala sa hawak na notebook. "Quinto, Soriano, Rivera," saad niya habang nagsusulat.

"Bastard," bulong ko dahil hindi man lang niya ako pinakikinggan. Pinipilit kong pumiglas sa pagkakakapit sa 'kin ng mga lalaking 'to na pare-pareho ang kulay abo na uniporme, ang higpit ng hawak nila sa 'kin. Tiningnan ko ang dalawang duguan at wala man lang kahit anong emosyon ang makikita sa kanilang mga mukha.

"Ipasok na ang tatlong 'yan."

Napatingala ako at may nakasulat na malaking 'DETENTION' sa tuktok ng pinto at pagkapasok sa loob ay hindi ito basta-bastang kuwarto, para itong kulungan. There were bars. Halos masuka ako sa amoy ng kinakalawang na bakal at ang masangsang na amoy na para bang dugo. Rinig ko rin ang kaluskos ng mga daga at ipis pati na ang pagdaan nito sa nilalakaran namin. Madilim pero ramdam ko ang pandidiri at takot nang makapasok kami.

"You know the only rule inside Detention," saad ni Spade matapos ipagtaklob ang itim na notebook na hawak sabay inipit ang ballpen sa tainga at tiningnan kami. "Survive an hour or die in a second."

"What do you mean?" Kunot-noong tanong ko bago pa siya makaalis.

"If one of them dies, the one who is left must also kill you and himself. If he doesn't kill himself, we will kill him. However, if they survive one hour without doing anything, you're out of Detention," paliwanag niya. "I suggest you read the rules and regulations, precious," dagdag pa nito at hinagod ang mukha ko saka umalis.

"Please, don't do anything. Don't hurt each other for an hour." I begged nang makapasok kami sa isa sa mga kulungan.

"No one has survived an hour here, Miss," matigas na sagot ng isa. "Madilim. Tahimik. Mas nakae-engganyong pumatay."

Napapikit ako't mahigpit na napakapit sa bars. This is insane. They can kill, but they will also get killed. Right. Killing is illegal. The death penalty will be the punishment. It's either you will kill yourself or they will kill you.

"Good job," nakangising-saad ni Spade nang buhay akong nakalabas ng detention saka ako nilampasan at umupo kasama ang grupo ng mga babae at nakipagharutan. Flirt. Palihim akong napairap at pumila na sa cafeteria. Kulang ang bente minuto para kumuha lang ng makakain.

Napakuyom ako ng kamao nang may sumiksik sa pila. Nilapitan ko sila. "By any chance, do you have any idea kung ilang minuto na kaming nakapila rito tapos makikipagsiksikan pa kayo? Do you know kung ga'no na kami kagutom habang kayo, tuwang-tuwa dahil wala man lang umaangal sa ginagawa niyong tatlo?" kalmadong tanong ko. Naramdaman kong bumigat ang tensyon nang mapunta ang atensyon ng lahat sa 'min.

"By any chance, do you even know me?" Tanong ng isang babaeng hapit na hapit ang bewang, nakataas ang noo, at nakaabante ang dibdib na parang isang modelo.

"No. And will never be interested to know you." Walang pag aalinlangang sagot ko. "So, stay out of the line at pumila kayo ruon sa dulo. Thanks." Umalis na ako at bumalik sa pila. Ilang minuto lang ay dumaan sila sa gilid ko at pumila sa likuran ko.

Bitches and bastards everywhere. As usual, hindi naman iyon mawawala sa mga university. It's normal. Pero hindi rin mawawala 'yong mga taong tulad ko na hindi hahayaang magpaapi. Just because you're popular, doesn't mean you can do anything you want.

Pare-pareho lang kaming tao na naririto, unless mas masahol pa sa mga hayop ang nakapalibot sa 'kin.

"One apple pie and iced tea," saad ko sa counter nang ako na ang oorder. Hahawakan ko na sana ang juice na kalalapag lang, kaso may humawak dito at ibinuhos sa ulo ko.

"Students Auxiliary Council President, Kissy, at your service, madame." Hindi pa siya nakuntento at isinampal sa mukha ko ang apple pie na in-order ko saka umalis kasama ang tatlong alalay. Hindi ko napigilan ang pagkuyom ng kamao ko.

I can hear murmurs and chuckles everywhere hanggang sa unti-unti iyong nawala dahil umalis na sila para pumasok sa klase nila habang ako, nakatayo pa rin, nahihiya, naiinis, at nabubuwiset. Those bitches. "Go attend your class before King Demon sees you."

Natigilan ako sa pagpupunas ng towel sa basa kong mukha. Nakatayo si Art sa harapan ko na may hawak ding itim na notebook tulad ng kay Spade habang nagsusulat. Ang pinagkaiba nga lang, sa harap nito ay ang kani-kanilang simbolo.

"So?"

"He will surely cut your neck," saad nito matapos ipagtaklob ang notebook. "Seeing me at this hour is your first warning, Ms. Rivera," dagdag pa niya bago ako iwan mag-isa.

Art. Totally kind and handsome. He has this genuine smile that everyone would fall for.

While Spade is a total jerk.

***


"Deb?" 'Di makapaniwalang tanong ko dahil sa nakikita ko. Napatigil siya at gulat akong tiningnan. Hila-hila niya ang katawan ng isang walang malay na lalaki palabas ng isang silid. Duguan ang damit ni Deb pati na rin ang mga kamay niya. "You killed him?"

He sighed. "Follow me after ten minutes. Go to the college building at duon ka lang sa first floor then I'll call your attention. Got it?" sambit niya. Umalis siya at nilampasan lang ako. Nanghina ang mga tuhod ko at napasandal na lamang sa pader. He killed someone, again.

"Psst!"

Napatingin ako sa gawing kanan ko sa madilim na sulok ng first floor. May mga pinto ruon at bakante ang mga iyon. Naaninag ko ang isang lalaki na sinesenyasan akong lumapit at si Deb na siguro 'yon. Hindi na ako nagdalawang-isip pang sundan siya nang maglakad siya papasok sa isang nakabukas na pinto.

Sobrang dilim dito. May kaunting liwanag lamang na nanggagaling sa mga maliliit na butas ng bintanang gawa sa kahoy—bintana tulad sa mga eskwelahan. Bigla na lamang nagsara ang pinto kaya napatingin ako sa likuran ko at isang lalaki ang nag-lock dito. Iniharang niya ang sarili sa pinto para walang makalabas o makapasok. May hawak-hawak siyang pana habang nakatutok sa 'kin at pamilyar sa 'kin ang posisyong iyon. Ang rebulto ni King of Hearts.

It's Art.

"Nasaan ang tatlong Hari?" bulong ko sa sarili ko.

Inilibot ko ang paningin sa madilim na kuwarto at naaninag ang apat pang lalaki na nagkalat sa buong sulok ng kuwarto.

Sa East ay isang lalaking may hawak na latigo sa kanang kamay at baril sa kaliwang kamay. It's Spade.

Sa West ay isang lalaking hawak sa magkabilang kamay ang arnis. It's Clover.

At sa North ay isang lalaking may hawak na espada at nakatutok sa leeg ng lalaking nakaupo sa isang silya. Napakuyom ang kamao ko nang mapansin ang kuwintas ng lalaki na natatamaan ng sinag ng araw. Parehong-pareho 'to sa kuwintas na ibinigay sa 'kin ni Deb.

"Fuck you, Demon!" sigaw ko nang ma-realize kung ano nga bang ginagawa ko rito at kung sino 'yong lalaking nakaupo na walang malay.

"Wrong move, Binibini," umatras siya para bumuwelo saka sinugatan si Deb sa braso dahilan para mapadaing ito at magkaroon ng malay.

"Ahhh!" sigaw ni Deb na umalingawngaw sa buong kuwarto. Hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya pero naramdaman ko kung gaano kasakit ang ginawa ng Demon na 'to sa kanya. Sana lang balat lang ang nasugat sa kanya at hindi umabot sa puntong mapuputol na ang braso niya.

"Isang tanong, isang sagot. Anong relasyon niyo ni Deb Parker?"

"Ano bang pakialam mo?! Ngayon pa lang, tumigil ka na bago ka pa magsisi, Demon Lewisham," mariin na sagot ko.

"Bigyan mo 'ko ng tatlong rason para tumigil, Devi Rivera, at kapag hindi mo nagawa, itutusok ko ang espadang 'to sa dibdib niya hanggang sa mawasak ang puso niya't mamatay." Ipinosisyon niya ang espadang hawak at itinutok sa dibdib ni Deb. Sinunod ko na lang kung anong sinabi niya para tumigil na siya.

"First, it's illegal. Second, it's a sin. And you'll go to hell." Walang ka gana-gana at hindi pinag-isipang sagot ko sa kanya "Masaya ka na? Now, let him go." utos ko.

"Nonsense." Napahakbang ako paabante nang tuluyan niyang tinusok si Deb sa balikat kaya't mas lalong napadaing ito. "Now, tell me, who are you?" tanong niya.

Tinitingnan ko si Deb at hindi na niya kaya pa ang sakit kaya't susubukan kong sakyan na lang ang katarantaduhan ng lalaking 'to. "Devi Rivera. Baka gusto mo pang isampal ko sa mukha mo ang bawat letra ng pangalan ko?! Isama na rin natin 'yong birth certificate ko at baka hindi ka pa makuntento," mariin na sambit ko habang nagpipigil sa galit.

"She's my girlfriend, so leave her alone!" sigaw ni Deb at nanggugulo na siya sa kinauupuan niya. Pinisil ni Demon ang balikat niya kaya't napaupo siya sa sakit.

"Totoo ba ang sinasabi niya?" tanong sa 'kin ni Demon.

Ano bang purpose ng ginagawa niyang 'to? Dahil ba sa gusto niya at nasisiyahan siya sa ginagawa niya?

"Totoo man o hindi, wala kang pakialam. Why don't you mind your own business?! I don't know why you're doing this. Maybe you want attention at gusto mong pinupuri ka ng mga tao pero alam mo ba sa totoo lang, walang kapuri-puri sa ginagawa mo. Nakasusuka. Nakadidiri. Nakaka-disappoint ang isang lalaking tulad mo!"

"From now on, call me King." Tinanggal na niya ang espada saka nilapitan ako.

"I am your King and you are my slave," bulong niya sa tainga ko. "The game will start in twenty-four hours. Be ready, dahil sisiguraduhin kong iiyak ka ng dugo." Saka niya ako nilampasan. Napakuyom mas lalo ang kamay ko.

"Sige. Tingnan natin kung sinong iiyak ng dugo pagdating sa dulo," bulong ko. "Dahil titiyakin kong ako ang magpapa-iyak sa 'yo." Alam kong narinig niya 'yon nang mapatigil siya sa paghakbang bago pa sila tuluyang makalabas ng pinto.

Napaluhod na lamang ako sa sahig dahil nanghihina ako. Wala kaming nagawa kundi ang magtitigan. Ganito siguro ang nadarama nila kuya sa t'wing wala silang magawa para tulungan ako. Ang hirap pala.

"Hey!" Isang lalaki ang biglang humarang sa daraanan ko patungong section C at mukhang napaka-jolly niya. Nakaguhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi kaya't napangiti na rin ako.

"Hel—" hindi pa man ako tuluyang nakasasagot ay humugot siya ng kutsilyo saka sinugatan ang leeg ko sabay takbo nito palayo. Rinig na rinig ko ang hagikhik niya na umaalingawngaw.

"Fuck!" sambit ko nang makita ang dugo sa kamay ko matapos hawakan ang leeg ko. Lumingon ako sa likuran kaso wala na ang taong 'yon. Tangina! Anong problema niya?! Ngayon ay nararamdaman ko na ang hapdi sa sugat na namuo pati ang pag-agos ng dugo sa uniporme ko.

Napaluhod ako at unti-unting nandidilim ang paningin ko. Sinubukan kong tumayo kaso hindi ko magawa hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ko sa gilid ng kalsada.

Naaninag ko ang paglapit ng isang lalaki na bumuhat sa akin. Hindi ko mawari ang kanyang mukha.

It's my first day and I've already fucked up.

Continue Reading

You'll Also Like

51.6K 1.3K 61
Mga magkakaklase na gumamit ng ouija board upang magspirit of the glass, at di nila alam na ito pala ang magiging dahilan ng kanilang kapahamakan. P...
1.2M 6.1K 8
AVAILABLE IN ALL BRANCHES OF NATIONAL BOOKSTORE, EXPRESSION AND BOOKSALE Si Psyche Faith Dimagiba ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin n...
13.1K 1.1K 70
Maikling tula para sa sarili ko. Kung paano nasaktan at nawasak ang puso dahil sa mapaglarong tadhana, malupit na mundo, mapanghusgang mga tao at map...
150K 6.4K 34
ZERO SEVEN Wicked nineteen-year-old Dominika Parker-Lewisham returns to Poblacion Hueste to seek revenge and ruin other people's lives. With the inte...