He's the Brother of My Kuya's...

By Iamjaelopez

773K 27.6K 6.5K

Book 2 of My Kuya's Bestfriend [COMPLETED] Buong akala ni Trey, crush lang ang nararamdaman niya para sa mata... More

He's the Brother of my Kuya's Bestfriend
Chapter 1: Sensitive
Chapter 2: Secret
Chapter 3: Essence
Chapter 4: Right
Chapter 5: Comfortable
Chapter 6: Jealous
Chapter 7: It's a no!
Chapter 8: Fate
Chapter 9: Selfless
Chapter 10: Tired
Chapter 11: He's back
Chapter 12: Unknown feeling
Chapter 13: Goodbye
Chapter 14: Destroy
Chapter 15: One thing
Chapter 16: Just this one
Chapter 17: It turns out
Chapter 18: What if
Chapter 19: Feel this moment
Chapter 20: Beginning
Chapter 21: Something different...
Chapter 22: At last
Chapter 23: Worth it
Chapter 25: Bring it on
Chapter 26: Unexpected
Chapter 27: Doesn't mean
Chapter 28: The past
Chapter 29: Nothing has changed
Chapter 30: Knowing them
Chapter 31: Contributions and efforts
Chapter 32: Ups and downs
Chapter 33: Involvement
Chapter 34: Second time
Chapter 35: Letting go
Chapter 36: Time can heal
Chapter 37: Until now
Chapter 38: Familiar
Chapter 39: Even before
Chapter 40: Forget and Forgive
Final Chapter: Part I
Final Chapter Part II: Begin Again
Special Chapter: The Vacation Part 1
Special Chapter: The Vacation Part 2
Smoke Ash Montecillo's Story

Chapter 24: Right to be

18.6K 642 88
By Iamjaelopez

     
Hi kina tatay CovertSolace  at YusTimmy na gumawa ng latest cover ng kwentong ito. Salamat din Tim sa ibang bc na ginawa mo. Ang gaganda. Kamsahamnida.

Malapit na rin akong magpublish ng book ko under Dangerous Man Series. Check niyo po ang works ng dalawang namention ko sa taas. Published na nila ang book entry nila sa series.

Btw, enjoy reading.

***
    
   
Trey's POV
    
   
"Anong sabi ko Misis ko?"

"Na hindi dapat ako tutulong?" Mahinang sagot ko sa kanya.

Humalukipkip siya at umiling ng ilang beses. "Bakit ang tigas ng ulo mo? Di ba malinaw 'yong sinabi ko sayo nung isang araw?"

"Hindi naman ako bingi. Pero kas---"

"Hindi ka bingi pero bakit ayaw mo akong sundin?"

My Gosh, bakit ba big deal sa kanya na tumulong ako sa mga gawain dito sa restaurant niya?

"Eh kasi wala akong gagawin. Gusto mo akong nandito palagi pero bakit ayaw mo akong patulungin? Hindi ko na nga pinilit na mag-apply dito eh. Nakakabagot na tutunganga lang ako. I feel like I'm useless at all."

Mabuti na lang at dito ako kinausap ni Summer sa office niya. Inapply niya ang turo sa amin sa school. It's not a good thing if ang isang empleyado ay papagalitan mo sa harap ng ibang tao o katrabaho nito.

"Ayaw kong mapagod ka. Atsaka ano na lang sasabihin ng kuya at mga magulang mo, na hinahayaan kitang magtrabaho? 'Di mo kasi alam kung ano sinabi sa akin ng kuya mo. Nanliligaw ako at higit sa lahat ayaw kitang mapagod."

Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang hindi ko maipaglalaban ang gusto ko. Kung sa patigasan ay nasa top list si Summer. I admit na kinikilig ako dahil sa pagiging overprotective niya pero 'yon lang nakakainis na minsan. Hindi ko nagagawa ang gusto ko.

Katulad na lang noong nagdate kami rito sa restaurant niya. Pero grabe 'yong mga emosyon na naramdaman ko sa mga oras na iyon. It's a first time for me na makadate si Summer. Hindi tumigil sa paglipad ang mga paru-paro sa tiyan ko lalo na kapag pinapakilig niya ako. Gusto ko manghampas at magtitili dahil dito. Nagagawa ko lang ang mga ito kapag nakauwi nako sa bahay.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang magsimula siyang manligaw. Hindi ko kinaya ang mga ginagawa niya. Araw-araw niya akong pinapatay sa kilig. Sumasakit na minsan 'yong puso ko dahil dito. Hindi na ako magugulat kung gigising ako isang araw nasa hospital na ako.

Grabe lang ang soon to be future husband ko (assuming), napakasweet at napakasincere sa lahat ng kanyang sinasabi. Its also first time that doubts didn't enter my mind when we had that date. Wala akong inisip kundi ang tungkol sa aming dalawa lang. Happiness lang din ang tanging naramdaman ko. That was a memorable moment even if the setting is not romantic. 'Yong katotohanang si Summer ang nasa harap ko at nagdi-date talaga kaming dalawa ay higit pa sa salitang iyon.

Ang mahalaga ay nag-effort si Summer. Even if I'm gay, I have the right to be treated that I'm worthy. Na dapat kahit bakla lang ang isang katulad ko ay pinaghihirapan pa rin. It's not all about the preference of a person. Pagmamahal ang involve dito at ang halaga ng isang tao sa nanliligaw sa kanya. Sana makuha ng ibang tao ang ibig kong sabihin.

Balik tayo dun sa pagiging over protective ni Summer. Halos wala na akong nagagawa kapag naging seryoso na siya. Sa ibang bagay ay may nagagawa pa ako para pumayag siya pero sa ganitong bagay ay siya talaga 'yong masusunod.

"I talked to my parents last night at ganoon na rin kay Kuya. Okay lang naman daw sa kanila na tumulong ako. Mom said it will be a perfect training for me dahil later on magmamanage din ako ng sarili naming company. Atsaka hindi naman ako magpapagod okay, madali lang naman 'yong ginagawa ko. I'm just taking orders of the customers." Mahabang litanya ko.

"Pumayag sila?" Nagtatakang tanong niya.

"Yes, they agreed. Besides after ng training sa cheerleading, wala na akong masyadong ginagawa. Nakakabagot tumambay sa bahay kaya pumayag ka na." Ewan na lang kung makukumbinse ko siya. Pero alam kong hindi 'yan.

"Ayaw ko pa rin." See. Sabi na eh. I'm not a bestfriend if I don't know a single thing about Summer. It's been a year though.

"Please consider that Sum. Okay lang naman eh, please?"

"Ayoko pa rin. Hindi mo ako mapipilit. Ayoko. Ayoko. Ayoko."

Btmagsak ang balikat ko.

Kung hindi na talaga siya madadala sa santong paliwanagan, sa santong pagpapaawa at pagpapakyut ang labanan.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Sa totoo lang ay hindi pa rin ako sanay na mahawakan siya nito o madikit ang balat ko sa kanya. It always makes me feel nervous. Pero isa itong pagpapatunay na mahal ko siya.

Inangat ko ang mga ito hanggang sa level ng dibdib niya. Dahil matangkad siya ay nasa mukha ko ito.

"Please, pumayag ka na. Hindi naman ako magpapagod. Pumayag na nga akong samahan ka rito palagi kaya payagan mo rin akong magtrabaho. Sige na, payag ka na po."

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Summer. Napatingala rin siya na parang pinipigil ang sarili.

"Sige na please. Payag ka na. Uy, papayag na raw siya. Pagtatrabahuin niya na ako. Payag ka na. Payag ka na. Payag, payag, payag." Giit ko pa rin. Sinabayan ko ito ng pagpapakyut. Pouty lips and puppy eyes lang naman.

"Ugh! Tigilan mo ako Misis ko!" Napangiti ako dahil parang hindi na maipinta ang mukha niya. Binabawi niya ang kamay niya pero mahigpit ko itong hinawakan. Besides, gusto niya rin na nahahawakan ko siya ng ganito base na rin sa kilos niya. If he wants to get off me, edi sana ginamitan na niya ako ng lakas. Galawan talaga ni Summer. Hmp!

"Ayaw. Hindi ako titigil hanggat di ka pumapayag. Payag ka na please. Payag na."

"Ayaw nga sabi eh. Tigilan mo ako Misis ko ah! Kapag ayaw kong magtrabaho ka, ayaw ko!"

Not all the time Summer. Not all the time. This time, gusto ko sa lahat ng bagay ako ang masusunod dahil ako 'yong nililigawan mo.

Naku, huwag lang talaga humantong sa punto na tatakutin ko siya. Pero ayoko na umabot pa hanggang doon, hindi ko ata kakayanin na makitang masasaktan si Summer o maiinsulto.

"Summer naman eh. Payag ka na please. Sige na oh."

Ginamitan na ako ni Summer ng lakas kaya nabawi niya na ang kamay niya. Tumalikod siya sabay lagay ng kamay sa bewang niya.

Oh my! Hindi siya nadala. Ibig sabihin pala, hindi effective ang pagpapakyut ko?

I heave a deep sigh as a defeat. Hindi ko talaga siya mapapayag. Pero hindi pa rin ako susuko, kung kailangan kong gawin ang lahat ay gagawin ko.

Pero, My goodness lang. Ang oa naming dalawa ah. Sa ganitong bagay lang ay ganito na agad ang kinalalabasan. Kung pumayag na lang kasi siya tutal ako naman 'yong nililigawan niya. Dapat pinagbibigyan niya ako.

Kahit ayaw kong bigkasin ang salitang ito ay pipilitin ko pa rin. Later on, magiging ganito rin ang isa sa mga sasabihin ko kapag kakausapin ko siya.

Lumunok ako ng laway. It's not a first time though but still it is considered dahil aware ako ngayon.

"Mister ko."

Nakita ko na natigilan si Summer at kunot-noo akong hinarap.

"Tama ba ang narinig ko? Ultin mo nga 'yong sinabi mo Misis ko."

Lumunok akong muli ng laway. Hindi talaga ako kumportable kapag bibigkasin ko ang salitang ito.

"Mister ko." Pinilit ko ang ngumiti kahit sobra na akong kinakabahan. "Pumayag ka na Mister ko."

Hindi na ako nagpakyut. Parang plain na lang ako na nag-aask ng permission.

"Tangna! Tangna talaga! Tinawag mo akong Mister ko. Hindi ba ako nagkakamali Misis ko? Tinawag mo ba ako ng ganoon?"

Halos mapasigaw na siya. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at 'yong bibig mukhang pinipigilan niya. Parang pinipigilan niya ang mapasigaw.

"O-Oo Mister ko. Tinawag kita ng gano'n."

"Inulit mo pa talaga. Ugh! Ang sarap sa tenga Misis ko. Tangna talaga! P-Pwedeng isa pa please?"

Siya na ang humihiling ngayon. Grabe lang ha.

"Mister ko pumayag ka na please. Papayagan mo na ang Misis mo ah. Diba dapat pinagbibigyan mo ang asawa mo?" I'm aware of my words. I just don't know what will be the consequences after this. Patay ako nito sa kanya.

"Langya! Tangna! Kinikilig ako! Ako dapat 'tong nagpapakilig eh. Ang daya mo Misis ko. Ganyan lang ginagawa mo pero sobrang bilis na ng tibok ng puso ko."

Kung alam niya lang na kinikilig din ako sa sinabi niya lang. My goodness! Kalandian mo Trey.

"So, pumapayag ka na po?" Muli kong tanong. Sa nakikita ko, alam kong papayag na siya. Bibigwasan ko talaga siya kapag hindi pa rin. Subukan niya lang.

Mas kinabahan naman ako nang biglang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nahila ko ang kamay ko.

Grinning and Smirking are harmful gestures. Mas delikado pa kumpara sa tinitingnan ka ng masama. Napaatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin suot ang isang malademonyong ngiti.

Hind ako naka-atras nang mabangga ko ang mesa. Nakorner na niya ako. Ipinatong niya sa mesa ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Napaliyad pa ako nang inilapit niya rin ang katawan niya.

Naghuhuramentado ang puso ko sa kaba. Nakakatakot siya. Ito na nga ba talaga ang sinasabi ko eh.

"Magaling ka talaga eh nu kahit wala kang masyadong ginagawa." Sa kabila ng nararamdaman, nangunot ang noo ko.

"W-What are you talking about. H-Hindi ko naiintindihan."

"Wala ka ng ginawa kundi ang baliwin ako. Wala ka ng ginawa kundi mas baliwin pa ako. Ano bang meron sayo kung bakit ako naging ganito ha?"

Kung hindi sa pagtukod ko ng kamay sa mesa ay malamang naglumpasay na ako.

"At sa pagkagat mo lang ng labi at pagnguso ay inaakit mo na ako. Hindi mo ba alam kung anong mga pagpipigil ko para hindi ko maangkin 'yang labi mo ha?"

"S-Summer..." Again, I'm speechless. Self thought again.

Kung alam niya lang din kung anong pagpipigil ang ginawa ko para lang mahalikan din siya at higit sa lahat ang mahalin siya. Kung anong nararamdaman niya ngayon ay naramdaman ko rin iyan sa kanya.

"Nagawa mo naman akong mapapayag dahil lang sa pagtawag mo sa akin ng salitang inaasam ko mula sayo. Okay, pumapayag na ako na magtrabaho ka Misis ko pero sa isang kondisyon at kapag sinabi ko na'to, susundin mo na agad."

Natatakot na hindi ako sa sinasabi niya. 'Yong ganoong feeling.

"At 'yon ay ang tawagin mo na ako sa kung anong tamang salita na base sa tinatawag ko sayo simula sa oras na ito. Hindi ako basta na manliligaw lang dahil ngayon pa lang ay inaangkin na kita kahit hindi ka pa pumapayag na maging akin ka. Tandaan mo 'to Misis ko. Ako lang. Ako lang ang pwede sayo. Ako lang ang pwede at wala ng iba pa. Territorial ako at kapag may nang-agaw, makikipagbuno ako. At ikaw hindi ka na pwedeng kumawala. Dahil kahit sa'n ka magpunta at magtago ay hahanapin kita." Wika niya sabay halik sa pisngi ko.

"Sa labi sana kaso hindi pa pwede. Sige na Misis ko, lumabas ka na at magtrabaho bago pa magbago ang isip ko." Dagdag pa niya.

Umalis na siya sa harap ko at binigyan ako ng daan. Wala sa sariling lumabas ako ng opisina niya. Napasandig ako sa pader at pagkuway napaupo sa sahig.

Araw-araw na lang na ganito ang nararamdaman ko. Kakayanin ko pa kaya?

***

"Kamusta ang panliligaw sayo ni Summer, Trey?" Tanong sa 'kin ni Mikael. Nasa paboritong tambayan kami ngayon. Wala si Summer dahil may meeting sila about sa upcoming game nila next week. Mukhang mabi-busy na naman sa pagpapractice ang isang 'yon.

"Okay lang naman." Tanging sagot ko. Tinaasan ako ng kilay ni Mikael. Ang isang 'to ay gusto talaga ng complete detail. Nung umamin ako sa kanya sa panliligaw ni Summer ay halos di niya ako tinigilan sa pagtatanong.

"Tell me about your date together with his family." Isinama kasi ako kahapon ni Summer kasama ang buong pamilya na nanood ng sine.

Naalala ko pa kung pa'no pinaaalam ni Summer sa mga ito ang panliligaw niya sa akin. Of course kinabahan ako at natakot na baka hindi pumayag ang mga ito pero hindi ko inakalang ni isa sa kanila ay walang kumontra.

"Tama ako na inlove 'yang si Kuya sayo Kuya Trey. Matagal ko ng napapansin 'yon sa kanya."

Wala sa sariling napangiti ako nang maalala ko ang sinabi ni Spring. That is the first time also that I saw Summer blushed.

Hays. Inlove sa akin ang bestfriend ko. Sobrang saya ko.

"You're smiling again. I know you're in love but please tell me what happen. Excited na akong marinig ang umuusad na love story ng bestfriend ko sa isa ko pang bestfriend." Pareho kaming napatawa ni Mikael sa sinabi niya. Kung may isang tao na willing makinig sa kalandian ko ay si Mikael na 'yon. Of course ganon din si Ate Ganda but it is more comfortable kapag pareho kayo ng kasarian.

Ikinuwento ko ang nangyari kahapon. Masaya raw para sa akin si Mikael dahil aware ang pamilya naming pareho unlike sa kanila ni Izzy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng parents ni Izzy at papa ni Mikael ang relasyon nila. Ito ang malaking pagsubok na kinakaharap nila.

Nakita ko ang kalungkutan sa mukha ni Mikael nang sabihin niya masaya siya para sa amin. 'Yong ngiti niya ay hindi umabot hanggang mata. So siya naman ang tinanong ko kung may progress na ba. But sad to say wala pa rin.

Hindi na kami nakapag-open ng ibang topic dahil may mga klase pa kami. Sa loob ng classroom ay napakalikot ni Summer. Most of our classmates ay alam na ang kalandiang ginagawa sa akin ni Summer. Syempre halos lahat sa kanila ay may sinabing hindi maganda. Sa isip man o sa pagsasalita. 'Yong mga babae, ang sama ng tingin sa 'kin. Ano na lang 'yong grupo ng mga bakla at babae na umaaway sa akin. My G! Sakit nila sa bangs.

Hinayaan ko na lang kahit na nakakasakit din 'yong mga sinasabi nila. Ayoko ng kontrahin pa dahil wala naman din akong makukuha. Atsaka ayaw ko ng gulo.

Ipinagtatanggol din ako ni Summer sa kanila kaya nawawala 'yong takot ko na baka bulihin ako ng harap-harapan. May nagbabash din sa akin sa social media but I always ignore them. Mainam na paraan iyon para ipagtanggol ang sarili. Hindi ko rin kailangan mag-explain at alam ko na magsasayang lang ako ng panahon para dito dahil sa huli kahit na nasabi mo na ang totoo ay hindi pa rin sila maniniwala.

"Stop it! Nagkaklase si Prof." Mahinang saway ko kay Summer. Sumasakit talaga ang ulo ko sa kanya dahil sa palagi na lang niya akong kinukulit kapag may klase. Kung hindi, pasimpleng hahawakan ang kamay ko o di kaya susundutin ang gilid ko. Mabuti na lang at nasa bandang likod kami nakaupo.

"Anong sabi ko po?"

Hindi siya nagsalita. Nang tinaasan ko siya ng kilay ay nagkamot lang siya ng ulo at napaiwas ng tingin. Sumisipol pa siya.

"Answer me. Isa!" Humalukipkip ako.

Hindi pa rin siya sumasagot na lalong ikinainis ko.

"Dalawa."

"Oo na po. Sasagot na po. Hindi na ako mangungulit, pangako."

"Hindi ako kumbinsido Summer! Mukhang uulitin mo pa eh." Hindi ko pa rin siya tinatawag na Mister ko. Palagi nga siyan umaangal.

Okay lang sa akin na kulitin ako ni Summer tulad ng ginagawa niya kapag may klase pero 'yong hahalikan ako sa pisngi, hindi na iyon pwede.

Oo, na wala siyang pakialam. Na wala kaming pakialam. Pero gusto ko lang umiwas sa gulo. Tao pa rin kami, nasasaktan, naiinsulto, nangangamba. Kahit ipairal namin ang kamanhidan, sa huli mararamdaman pa rin namin ang mga ito.

Napabuntong-hininga siya sabay hawak sa kamay ko. Hindi ko 'to iniwas dahil nasa c.r kami. Sakto naman na walang tao.

"Kung iyon ang gusto ng Misis ko, susundin ko. Huwag ng magagalit po ah."

Napangiti ako.

"Salamat. Halika na labas na tayo. May klase pa tayo oh."

Pumunta na agad kami ni Summer sa susunod naming klase. Tulad ng pinangako niya, hindi na niya ako kinukulit. Araw-araw ko siyang pinagsasabihan pero ngayon niya lang ako sinunod.

***

"I heard he's courting you." Napalingon ako nang may magsalita sa likod ko.

"Yes. Mahigit isang linggo na." Proud na sagot ko sa kanya. Tiniklop ko ang paang nakasplit atsaka humarap sa kanya.

"Are you happy?" Tanong niya.

"Of course I am. You knew how much I love him."

"So wala na talaga akong pag-asa?" Muling tanong niya sabay tawa.

"Whatever Andrei. Wala kang kwentang kausap."

Ngayon ko lang ulit nakausap ng ganito si Andrei. Medyo busy ang mga buhay namin this past few weeks. Atsaka meron din siyang lovelife kaya hindi muna kami magkaibigan. Hahaha.

Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pagtawa.

"Want to share it with me?"

Napangiti ako at ikinuwento ang lahat kay Andrei. Pinagkakatiwalaan ko siya kaya ayos lang na sabihin ko sa kanya. Habang nag-uusap ay nagwawarm-up kami dahil baka sitahin kami ni Alyana.

Matapos akong magkwento ay ito lang sinabi niya, "good for you," kaya ang sarap niyang bangasan.

Ako naman ngayon ang magtatanong.

"How about you? Kamusta ang paglalandian niyo ni JB?" Napatigil siya at parehong nanlaki ang mga mata sa naging tanong ko.

"We're not... Uhm... Wala kaming relsyon ni JB. He's... He's my sister's fiance." Nginitian ko siya ng malapad.

"I know and besides I didn't say that you are in a relationship with him." Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa warm-up. Tinawanan ko na lang ang namumulang pisngi ni Andrei. Ganyan ang nagiging reaksyon niya kapag imemention ko sa kanya si Jansen Brent.

"Hey!" Tinawag ako ni Alyana nang magbreak kami.

"Yes team captain?" Nakangiti akong lumapit sa kanya. 'Yong may halong kaplastikan.

"Ano 'tong mga naririnig ko? Is it true? Totoo bang nanliligaw sayo si Summer?" Sabi na nga ba na kakausapin niya lang ako kapag involve ang pangalan ni Summer eh.

Hays, kalat na kalat na talaga rito sa school. Minsan ayaw ko ng dumaan sa maraming tao dahil sa mga tingin at mga sinasabi nila.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa pagngiti. Nakita ko ang pagkuyom niya ng kamay at pagtalim ng tingin niya sa 'kin. Galit na agad siya eh hindi pa ako nakakapagsalita ng tungkol doon.

"So totoo nga? My God! That is so impossible. You're just a gay! Hindi pwedeng manligaw sayo si Summer. Hindi ka babae. Dapat ako 'yong nililigawan hindi ikaw!"

Nagulat ako sa mga sinabi ni Alyana.  Malakas din ang naging boses niya. I know naririnig ng ibang kateammate ko ang mga sinasabi niya at alam kong nakatingin na ang mga ito sa aming dalawa.

Akmang magsasalita na ako nang may gumawa nito para sa akin.

"Bakit hindi siya? Sino ka ba para pigilan ang ginagawa ko kay Trey? Siya ang mahal ko kaya siya ang liligawan ko." Biglang nanigas ang buong katawan ko at naestatwa sa kinatatayuan nang marinig ko ang boses ni Summer. "Misis ko, dinalhan pala kita ng tubig atsaka bimpo. Punasan natin 'yang likod mo. Ayaw kong matuyuan ka ng pawis dahil baka magkasakit ka."

Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Alyana.

"S-Summer."

"Tigilan mo na si Trey kung ayaw mong mawala ang respeto ko sayo bilang babae."

***

"Bakit pumasok ka dun sa gym?" Tanong ko sa kanya nang matapos ang practice namin. Naabutan ko siyang naghihintay sa labas ng gym.

"Bakit bawal ba?" Aba! Ang taray. Nataasan ko tuloy siya ng kilay. "Gusto ko lang ibigay 'yong tubig atsaka bimpo."

"Okay fine pero 'yong kanina, ipinahiya mo si Alyana."

"Wala akong pakialam sa kanya. Ayokong may nang-aaway sayo. 'Di kita inaalagaan para lang may manakit sayo, tandaan mo 'yan."

Napabuntong-hininga na lang ako. Ayaw kong kiligin. My goodness!

"Pero diba sabi ko naman sayo na umuwi ka na. Huwag mo na kasi akong ihatid."

"Babalik na naman ba tayo diyan? Hindi mo ako mapipigilan na ihatid ka. Hindi mo rin ako masisisi kung nag-aalala ako sayo."

"Eh ka---"

"Hep hep hep! Huwag ka ng magsalita. Tigas-tigas talaga ng ulo. Halika na nga, alis na tayo."

Gusto ko lang naman sabihin na instead ang paghihintay niya sa akin ay ilalaan niya na lang para sa restaurant niya.

"Pwede ba akong humiling Mister ko?" Hindi 'yan tatanggi. Tinawag ko kasi siya sa gusto niyang marinig mula sa 'kin.

"Oo na Misis ko. No choice ako eh."

"Okay lang naman sa 'kin na ihatid mo ako pero dahil tatlong oras ang practice namin, ilalaan mo na lang ito para tingnan ang restaurant mo. Saka mo na lang ako puntahan kapag malapit ng matapos or pwede ring itext na lang kita. Okay ba 'yon?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. Parang tinatansya niya ang mga sinabi ko.

"Sige na nga. Kung 'yon ang hiling ng Misis ko. Pero, pahingi naman kahit isang kiss lang sa pisngi. Kapalit lang ng hinihiling mo."

"Kiss?"

"Oo Misis ko. Isa la---"

"Kiss mukha mo!" Asik ko sabay tampal sa pisngi niya. Natatawa akong iniwan siya sa kinaroroonan niya.

"Ang daya mo talaga!" Narinig ko pang reklamo niya.

Kinabukasan, Sabado, after ng training sa cheerleading at makapagpahinga ay pumunta agad ako sa restaurant niya. Naabutan ko siya roon na nag-eentertain ng customers. Nakakabilib dahil marami talagang customer.

"Good morning Mr. Henry." Bati ko sa nagtuturo kay Summer. Executive Assistant ito ng Papa niya.

"Good morning din sayo sir Trey."

"Huwag niyo po akong tawaging sir Mr. Henry. Trey na lang po."

"Boyfriend kayo ni Sir Summer kaya marapat lang na iyon din ang itatawag ko sayo."

Pinamulahan naman ako ng pisngi sa kanyang sinabi. "Naku po, hindi niya ako boy---aray!"

Napadaing ako sa sakit nang matumba ako sa sahig. Someone bumped into me.

"S-Sorry. Hindi ko sinasadya." Wika nang nakabangga sa 'kin. Tinulungan ako nitong makatayo.

"Thank you." Saad ko sa lalaki. Nang tingnan ko ito, hindi ko akalain na ganito ang itsura nito.

Bad boy.

Medyo mataas ang buhok at may earings sa magkabilang tenga. At Japanese ba siya?

"Sorry ulit. Hindi kita napansin." Sabi nito at ngumiti. "Akiro pala." Pakilala nito sa 'kin sabay lahad ng kamay. Bagay sa kanya ang pangalan niya.

Kukunin ko sana ang kamay ni Akiro nang may pumigil dito.

"Hindi siya magpapakilala sa inyo Sir. Kung gusto niyo pong kumain ay pumunta na kayo sa mga bakanteng mesa rito." Mahinahon pero may diing wika ni Summer. Ramdam ko ang galit niya dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko.

Tama nga ako nang humarap siya sa 'kin. "Ikaw! Pumunta ka sa office, hintayin mo ako dun. Mag-uusap tayo."

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 19.5K 28
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.4M 53.9K 71
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
8.2K 108 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...