If we fall in-luv

Od SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis Více

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 57

474 0 0
Od SirIncredible



Sa Kuta ng mga Sindikato.







"Janice... Janice... ", sabi ng isang binatang sa pagmulat ng dahan-dahan ni Janice ay makikilala, "Nandito na ako!"

Nakatali ang parehong kamay at nakayapak na paa ni Janice habang nakaupo sa upuan hanggang tanggalin ng lalaking naaninag ang panyong nakatali sa bibig ng dalaga.

"Ju... Julius!!! Mabuti at natunton mo ako rito! Salamat sa pagliligtas...", wika ni Janice

"He... Sa totoo lang na-miss talaga kita! I'm sorry...", paiyak na sabi ni Julius at yayakap ng mahigpit sa babaeng nakatali pa rin. Iiyak si Janice na parang bata.

"Hu hu! Walang isang araw... isang oras... o isang minutong inisip kita!", wika ng dalaga na haharapin ng kausap at ilalapit ang mukha hanggang magdikit ang mga ilong nila, "Mahal... na mahal... Hu hu! kita"

"Yun pa rin pala ang nararamdaman mo para sa akin...", naaawang sabi ng binata at hahalikan si Janice kasama ng pagtikim sa tumutulong luha

"Pa... paano ka pala nakarating dito?", tanong ng journalist

Ngingiti ang binata at ituturo ang isang babaeng papunta sa kanila, "Dahil sa kanya!"

"Hi Miss Behosano!", sambit ni Mya na suot ang red prada niya na may nakasabit na signpen sa bulsang blouse at may hawak na isang glass shoe

"I... ikaw???", nagtatakang wika ni Janice

"Oo mahal ko! Si Mya Lopez-Yap...", sabi ni Julius na pagkakuha ng shoe kay Mya ay isusuot sa paa ni Janice, "Kasya! Magka-size pala kayo ng aking WIFE-TO-BE!"

"W... Wife-to-be???", wika ni Janice na iiwanan nina Julius at Mya at didistansiya sa harapan ng nakaupo

"Yes Miss Behosano! I'll present you my HUSBAND-TO-BE!", masayang sambit ni Mya na aakbay kay Julius at makikipaghalikan dito. Hawak-hawak ang likurang baywang ni Mya ay babasain ni Julius ng laway ang leeg ng babae kasabay ng pag-ungol nito... OOOOH! YEEEZ!

"Mga manloloko!!! Mga demonyo!!!", galit na wika ni Janice sa dalawa na magpapatawa sa mga ito at magpapa-palakpak sa kanina pang nanunuod na lider

"Bwar Har har har har! Welcome to Hell, Janice!", banggit ni Leader na sa umpisa'y matatakpan pa ang mukha ng anino

"Ang boses mo... ikaw ang tumawag sa akin kanina!", wika ni Janice sa nakatayong lalaki

"Tama iyo isip! Talino talaga iyo utak... sayang at wala ikaw mapapamanahan niyan kasi ngayon lang... tapos na iyo buhay! Ha ha ha!"

"Bakit mo ito ginagawa sa akin? Bakit mo ako kailangan! Bakit hindi mo na lang ako sinaksak agad! Sinagasaan! Binaril! Tinapon sa bangin! Chinap-chop! Pinakain sa pating! O nilason ng POISONOUS MILK mo... kriminal!"

"Journalist ka nga... Iyo alam lahat krimen! Pero hindi mo alam kung ano pa kaya ko gawin! Una, Akin utos Julius ipamahal iyo para kuha amin loob mo... kuha amin oras mo at di na gawa imbestiga at sa huli pasamahin sana China para layo imbestiga pero umayaw ka kaya amin pasya baka depresyon epekto iyo trabaho!"

"Tsk! Tsk! Let me thank for memories though the feelings were still true, sorry... I should have forget you! Uhhh...", nagda-dramang sabi ni Julius kay Janice

"Ikalawa, Dapat nakaw naman ni Mya lahat article tungkol sa gatas para delete agad! Lahat, pati soft copy, confidential documents, interviews at USB Flash drive"

"Ahuh! Kaso the other USB is infected with viruses kaya nasira pa tuloy computer ni Leader! Dahil sa galit, pati tuloy library mo sa bahay niyo dinamay na namin!!!", sabi ni Mya

"Ha? Anong ginawa ninyo sa bahay?!", sigaw ni Janice

"Well... Janice, gaas at lighter na lang bahala dun! Para ebidensiya...Kalas!",ani Leader

"Mga walang hiya talaga kayong lahat! Walang kaluluwa! Pagsisisihan niyo ang mga kabaliwang ito sa oras na lamunin na kayo ng impiyerno!", dagdag ng nakataling si Janice

"Ha ha! Kawawang journalist ka naman... Kung hindi punta iyo poison milk edi hindi ikaw puntirya amin grupo!", banggit ng lider mula sa madilim,"Isang buwan pa lang, amin alam na gawa kasama mong bakla at dami din siya research na naipasa sa beauty queen iyon kaya tuloy tigok staff iyon! Amin iwas file na labas sa diyaryo at bigay babala rin sa'yo!"

"Pinatay niyo si Pamela???", tanong ni Janice

"Ako patay Pamela!At print din papel para iyo bigay...", sabi ni Mya at kukunin ang signpen sa bulsa , "Gusto mong malaman kung paano?", at itutusok sana ni Mya sa puso ni Janice ang signpen pero pipigilan siya ng lider

"Wag!!! Hindi pa oras... hayaan muna atin comatose ang bruhang yan para unti-unti siyang mahirapan!!!", banggit ng lider na may kukuning medical kit sa attache case









"Eih-Bee Sy!",galit na banggit ni Janice na ikagugulat ng lider, "Former medical technologist from China and now one of the top twenty most wanted criminal in Asia because of hundreds of patients died!!! malpractices of treatment during comatose operations!"

"Ah... nong...sabi mo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!", malakas na tinig ng lider na magpapabulahaw sa dalawang alalay sa labas na nagbabantay ng sasakyan. Sa sobrang galit ay lalantad sa liwanag ng araw ang nakakadiring pagmumukha. Bukod sa mga kulubot na balat, tadtad din ng puting foundation ang mukhang bangkay na pinuno ng sindikato. Matatakot si Janice at makokompirma ang itsura sa kanyang mga saliksik.

"Ikaw nga! Ang dami mo na palang pinatay na pasiyente mo! Mga walang malay sa higaan... mga natutulog lang pero ginawa mo silang laruan para sa mga eksperimento mong kawalang hiyaan! Binibigyan ng antidote na lason upang i-testing sa tao at gawing negosyo kalaunan na ihahalo sa produktong pang-tingi! Mga kemikal na pinagsama-sama para ibenta sa iba pang sindikato sa ibang panig ng mundo! Dinamay mo pa ang mga magulang ko"

Mabilis na lalapit si Dr. Eih-Bee Sy aka Leader kay Janice at malakas itong sasampalin. Mula sa kabilang tabi ay maririnig ng nanghihinang lola ni Janice ang kanilang pag-uusap, "Ha ha ha! Magulang? Sino at kanino mo naman ito nalaman?", diretsong tagalog ni lider

"Isa kang halimaw! Kung hindi pa sinabi sa akin lahat ni Dra. Estefania Torecillo...habang buhay kong malalamang namatay nga sa hemorrhage ang mama at papa ko kahit pwede pa naman sana ang bagong kasal na Behosanong mabuhay kung hindi mo sila nilagyan ng lason at pinag-eksperimentuhan!!! Hu hu hu!", galit na sambit ni Janice

"Wow... buhay pa pala ang assistant nurse ko na iyon! At ngayon ay doctor na... He hehe! Oo Janice... tama siya!", diretsong tagalog ng lider, "Mil Nuwebe Siyentos Otsenta'y Siyete... kasikatan ko sa mga chemical tests ko! Dahil sa pinagkaitan ako ng yaman ng pamilya ko...naghiganti ako! At kumuntsaba ng mga terorista at ilang sindikato sa Tsina tungkol sa mga lason... at ito! Naging mayaman naman ako, pero malungkot pa rin pala kung puro yaman lang at walang kalayaan sa labas dahilan sa pinaghahanap-hanap ako ng Kapulisan! sa mga reports na pumapatay daw ako ng mga pasyente ko... well, isa lang ang masasabi ko sa kanilang lahat..."

"Anooooh???",tanong nina Julius at Mya sa lider

"LOOOOSERS!!!! Haha ha ha ha ha!", sagot ng lider at tatawagin ang dalawang alalay

"Siyanga pala...Gusto ka raw makilala nilang dalawa ng up-close and personal!", ani lider at lalapit ang dalawang alalay kay Janice. Makikilala ni Janice ang payat.

"Hi... Janice!",nakangiting banggit ng payat na alalay at pipisilin ang panga ng dalaga, "Remember Congressman Berzege?"

"Ahhh... ikaw nga!", sabi ni Janice pagkatanggal ng pisil sa kanya

"Oo... Bodyguard nun ng pinanalunang Investigative Story mo na ipinakulong mo at ng mga NBI, pasensiya na at tumakas ako sa Munti at nakilala si Leader...", banggit ng payat

"Si Christopher Adriatico yan! Sargent At Arms natin kay Ma'am Ballada!", wika ni Mya na ikaiisip ni Janice, "Amalia De Quiros your honor! Alias Mya Lopez... nagpapalit ako ng pangalan sa NSO para kalimutan ang pamilya kong ipinapagamit ako sa mga foreigners dati para parausan! Sila lang ang yumayaman hanggang sa makilala ako ni Leader sa kalyeng umiiyak... nagdurusa... nandidiri sa sarili ko! Tinulungan niya akong makatapos ng pag-aaral sa broadcasting para tumulong naman sa negosyo niya ngayon. Ite-take ko na rin ang opportunity na ito upang maghiganti sa iyo Janice dahil sa sobrang kahihiyang ibinigay mo sa kapatid kong matabang lalaki na ubod ng takaw sa pag-aalmusal na tumabi sa iyo sa bus. Naroroon ako sa likuran nang mangyari ang siksikan na dala pa niya ang double burger sa kanang kamay at go-large na sprite sa kaliwa. Nang umutot siya ng mahinang tunog ay naurat ka at halos ikagambala ng kapatid ko. Pagkababa mo noon ay kinuyog ang kapatid ko sa kabastusan daw niya at sa sobrang kahihiyan ay namatay sa bahay dahil sa high blood!"

"Tama na Baby...",pag-amo ni Julius sa umiiyak na mapapangasawa at titingin naman kay Janice, "Remember yung gift kong palaka sa'yo nung birthday mo?"

"I... Ikaw? Yung ikina-stroke ni Ma'am Ballada? Au... Augustus?!", sabi ni Janice

"Present!!! Ha ha,Hindi pa naman ako nagpapalit ng pangalan... I'm still the Augustus Yap na may crush sa iyo noon pero nung magsimulang ipa-Guidance mo ako at pinatawag nanay ko... lalong nagalit yung tatay kong business tycoon at iniwanan kami upang sumama sa isa pa niyang asawa! Ayaw niya raw ng kahihiyan dahil sa akin... mula noon, kinalimutan na niya kami at hanggang magkaroon ng leukemia ang nanay at ako na solong anak niya ay kaniyang inulila at ipinaubaya kay Leader na noo'y kasosyo ni tatay sa negosyong beauty products...", malungkot na sambit ni Julius

"Kaya mo iyan...Milky Man!", wika ng lider sa anak-anakan

"Milky Man???",pagtataka ni Janice, "Ikaw si Milky Man???"

"Ops ops ops! Tama na ang drama... Simulan na ang main event!", dagdag ng lider

"Hep hep hep...ako pa Leader!", banggit ng panot na alalay

"Oh siya, sige na at mag-oovertime na tayo oh!", ani Lider na titingin sa relos na suot

"Ehem... Macario Damaso nga pala Madam...", banggit ng panot na hahalik sa tuhod ni Janice at makikita ang makinis na tadyang nito, "Wow... kutis Silka!"

"Macario? Bakit napanot ka na?! Eh noong Grade 3 tayo ang kapal kapal ng buhok mo...lagi ka pa ngang kumukopya sa akin sa spelling kaya pati pangalan ko eh nakokopya mo rin sa papel mo eh!", sabi ni Janice

"Ah... stressed lang siguro ako! Mula noong nagkargador kasi ako sa dati kong pinagtatrabahuhan eh lagi na lang problema sa utang inabot ko! Mabuti at nariyan si Leader upang umalalay pagkatapos akong makitang tatalon na sana sa tulay pabagsak ng Ilog Pasig"

"In fairness...may pagka-matulungin din pala si Dr. Sy!", sabi pa ni Janice

"Ha ha! Naaalala mo ba yung batang kumalabit nakalipstick na orange tas nagsabi ng:

"Ate...Ang ganda ganda mo...", banggit ng malambot na batang lalaki na medyo gusgusin?"

"Hoy Macario! Binigyan ko naman yun ng sampung piso kasi pangkain lang daw niya!"

"Oo nga! Binanggit ko lang teh! Nabasa ko kasi sa Chapter 47 ng story na ito!",sambit ng panot na may hawak na papel na kopya ng Chapter 47 ng 'If We Fall In-Luv'

"Ano daw?!?",wika ni Janice

"Tingnan mo nga naman oh! Kung hindi dahil sa ka-kontrabidahan ko, hindi pa kayo magkakaroon ng Elementary Reunion dito... That thing called Tadhana!", sambit ng lider at ihahanda ang isang syringe,"Nasaan ang matanda?!"

"Mga walang kuwenta talaga kayo! Hindi ko alam kung bakit pa kayo nabuhay sa mundong ito! Kung galit kayo sa akin, sana ako na lang...", wikani Janice habang kinukuha ng dalawang alalay ang lola ni Janice na naka gapos at nakatakip ang bibig mula sa madilim na sulok, "Wag niyong damay lola akin! Dapat bago ako pumasok kanina kinuha niyo na ako!"

"Relaks... It's Just Experiment! Sawa na kami sa powdered milk, ngayon... testing naman for our new product; the POISONOUS COFFEE but this time hindi na puso ang liliit kundi utak naman! Paniguradong burado lahat ng nalalaman mo kapag natikman mo na ito... Ha ha ha ha! At least I have two trials for today... for lola... and for apo!"

Kukunin ni Julius ang baril at tatapat sa nakasaradong pinto upang tutukan ang lola sakaling magpumiglas. Si Mya ay aalalayan sa pagkuha ng kemikal ang lider at si Janice naman ay bantay ng dalawang alalay.

"Huwaaaaaag! Parang awa niyo na... Itigil niyo na ito! Hu hu! Wag ang lola!"

Sa pagsirit ng syringe ay kanya namang lapit ng lider sa matanda ngunit bigla namang may sisipa ng kanilang pintuang kawayan na ikakabigla ng lahat at tatamaan ng kahoy ang katawan ni Julius hanggang mabitawan ang hawak na baril at makatulog.

"Lawrence???",pagtatakang wika ni Janice sa lumantad mula sa pintuan

"Sino yan?!",tanong ng lider na tatabi sa gilid upang hindi masaktan. To the rescue ang dalawang alalay upang makipagsagupaan sa maskuladong delivery boy. After ng two minutes na fight scenes nila ay taob ang dalawang gunggong na alalay at makikipagkarate naman si Mya kay Lawrence. Pino ang kilos ni Mya at napakangahas. Kinuha ni Mya ang dalawang prada na heels upang ipangsanggalang sa mga suntok ni Lawrence. Delikado ito kasi ang heels ay may matatalas na blade na nakakasugat ng buong katawan. Nang makita ni Lawrence ang ilang powdered milk sa gilid ay mabilis niya itong kinuha at sinaboy sa mga mata ni Mya na nagpabulag dito at pinilayan pa ng binata. Galit na susugod ang lider sa kanya ngunit makikita nito ang blade sa heels ni Mya... kinuha at isinaksak sa leeg ng lider na ikababagsak nito malapit sa kinauupuan ni Janice. Tatanggalin ni Lawrence ang mga tali.

"Sa... salamat ha!", wika ni Janice na kinakalas ang sarili sa upuan at tutunguhin naman ni Lawrence ang matanda, "I... ikaw lang ba ang mag-isang nagpunta rito?"

Matapos makalas sa pagkakatali ang lola ay mag-uusap saglit sina Lawrence at Janice,"Mabuti at may street na nailagay si Julius Yap sa form ng shoepackage niya kaya nalaman ko at mag-isang pumunta rito! Ipinagtanong ko sa mga residente ang sasakyan nila"

"May Package??? Yung sinasabi niyang..."

"Note!",sambit ni Lawrence, "Note na kikidnapin ka raw niya!"

"Ga... ganun ba?",ani Janice na hindi mapapansin ang pagbangon ng isang nakahiga

"Tara na at tumakas na tayo!", sambit ng binata na isasaksak sana ni Leader ang injection ng potion sa likod ni Janice nang biglang masipa ni Lawrence ang kamay ng lider at tinuluyan ang bungo nito. Pagkatapos alalayan ang lola ay biglang bangon naman ni Julius hawak-hawak ang baril sa hindi kalayuan at nagwikang: "Tatakas pa kayo ah!"
















Walang kaabog-abog nang kalabitin ni Julius ang baril na nakatapat sa puso ni Lawrence ngunit isasangga ni Janice ang sarili sa harap at sisigaw..."Huwaaaaaag!" BANG!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...