Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 29: Meeting Maxene
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 32: The Answer
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 49: My turn
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 57: Birthday Wish
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 64: [ Time Out ]
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 75: Outburst
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 63: Semestral Break

17.3K 154 47
By blueballoon19

Hello Loves!

Nakapagupdate din at nasingit to. Pero matatagalan yung sunod. Finals week na namin. May mga kailangan pa akong habulin na grades. HUHUHU. Please pray for me.

Nga pala i just posted the promotional picture sa FB ko for part 2 of my short story na Too Late for Love, its the story of Llyod.Click the open external link at the right side :">

Thanks,

Much Love,

Raiiinn<3

_____________________________________________________________________________

Sino ba naman ang hindi magiging masaya sa sembreak? 

Nung nakausap ko si Sasha eh makakabalik sila sa araw ng mga patay. Si Papa naman eh sa pasko na lang daw. Yun lang ang nakakalungkot na parte ng sembreak. Ayoko na lang isipin kasi nalalapit narin naman ang Christmas break pagkatapos nun.

Dahil gusto naming maging productive ang bakasyon eh naisip namin na magengage sa mga sport activities. Gusto ko na bumalik sa pagvovolleyball kaya niyaya ko din ang barkada.

"Eh pano yan di ako marunong?" tanong ni Lyka.

"Tayo na lang ang magkampi" alok ko sa kanya.

"Talaga Ray? Salamat"

"Di rin naman ganun kagaling yan si Elise" biglang singit ni Patrick.

"Anong sabi mo?"

"Hindi ka MA-GA-LING!" ewan ko ba at kung bakit paminsan minsan eh lumilitaw parin ang pagkasungit at suplado nitong lalaki na to.

"Kung hindi ako magaling ano ka pa?"

"The best" tipid niyang sagot.

"Oh mukhang may LQ dito ah" kantiyaw ni Jayson na may dala na ng bola.

"Anong nangyari?" tanong ni Joysee

"Gusto ko kalaban ko si Patrick ha? Yung gustong kumampi sa akin sa kabilang court" sabi ko.

"Kayong dalawa kumampi sa kanya." Turo ni Patrick kay Joysee at Jayson. "Lyka diba hindi ka marunong? Sa akin ka na kumampi"

"Aba ang hambog mo ah?"

"Bakit pandak? Hindi mo naman ako kaya"

Dahil clueless ang lahat eh pumwesto nga sila sa sinabi ni Patrick.

"Game na"

Nagpapalit palit kami ng tapon sa bola. Hindi ko naman maiaalis sa sarili ko na magaling talaga si Patrick. Nung time pa lang na pinakitaan niya ako dun sa training sa tagaytay alam ko na magaling siya pero hindi naman ako papayag na sabihan niya ako ng di magaling. Aba naman. Naging captain pa ako nung high school kung wala akong ibubuga.

Nanalo nung unang set si Patrick humabol naman ako kaya nanalo ako sa second set kaso dahil sa errors na ginawa nila Joysee at Jayson eh nanalo si Patrick sa third set.

"Umalis na nga tayo. Panggulo lang tayo. Hayaan na natin sila kung sino mananalo" yaya ni Jayson na pawis na pawis na rin sa paglalaro.

"Tama. Lyka tara na. Ang banas na" paypay ni Joysee

"Pat, ikaw na bahala ha? Pagod na ako kakahabol sa bola na matitira mo naman pala" sabay alis din ni Lyka.

"Pwede ka na ring sumuko" sabi ni patrick sa akin habang hawak hawak niya yung bola habang magkaharap kami sa net.

"Suko? Hindi ko alam yug word na yun" ganti ko sa kanya.

"Ay oo nga pala ang tigas ng ulo mo."

"Alam mo naman pala"

"Ganito na lang, magpustahan tayo para mas ganahan akong maglaro"

"Pustahan? Ano namang gimik yan?"

"Pag nanalo ka, pwede kang humiling ng isang bagay na gagawin ko. Kahit gaano pa kahirap yan. Kahit gaano pa kaimpossible"

"Talaga? Eh pag nanalo ka?"

Lumapit siya lalo sa akin at bumulong.

"Gusto ko niyan" sabay turo sa labi ko "dito" sabay turo niya sa labi niya.

Hindi pa man ako nakakasagot kung pumapayag ako eh tumakbo na siya sa serving line at sumigaw ng "Game"

Parang wala namang narinig yung tatlo eh todo cheer parin sila.

Jump serve pa talaga ang ginawa ni Patrick. Buti na lang nasambot ko. Ang pinagtataka ko lang ay mukhang mas bumilis siyang kumilos ngayon. Nakuha niya ang first set. Mukhang rumurupok na ang paglalaro ko.

"Pandak!" sigaw niya sa akin pagkatapos niyang uminom dun sa bench nila.

Nung tumingin ako sa kanya eh nag 'firing a gun' gesture siya habang nakapikit ang isang mata tapos lumapad ang ngiti niya.

Ang laking yabang lang talaga ng lalaking to. Isangdamakmak na yabang!!! 

Huminga ako ng malalim. Kailangan ko maipakita sa kanya na kaya ko siyang pabagsakin. Naging captain pa ako dati kung sa isang basketball player lang ako matatalo.

"Monster!" sigaw ko sa kanya bago ko iserve yung bola kaya napa-focus yung mata niya sa akin. 

Nag "firing a gun" jesture din ako sabay talon para iserve yung bola. Nasalo agad ni Patrick pero mukhang nadistract siya kaya ako ang nakaunang kumuha ng puntos sa 2nd set. Di nagtagal eh nanalo ako ng 3 lamang na puntos.

Sa totoo lang dahil ayoko talaga matalo eh nung umabot na ang 3rd set eh hindi ko na pinansin ang pagod at pinagpatuloy ang paglalaro. Nakuha ko din ang 3rd set.

"Bakit parang seryosong seryoso kayo?" Sigaw ni Jason. 

Parehas lang namin siyang tinignan at tumingin kami sa isat isa.

"Bakit ayaw mong magpatalo? Eh naranasan mo na naman yung gusto ko"

Walang preno prenong sabi ni Patrick.

"Ang yabang mo kasi tyaka mas masaya atang manalo ako"

"Bakit yun din ba hihilingin mo sa akin? O siya wag na natin tong ituloy"

Nginusuan ko siya. "Mukha mo" at pumunta na ako sa serving line.

"Gwapo!" pahabol niya pa.

Siya na ang unang nagserve nun. Ewan ko kung nawalan na siya ng gana maglaro pano ba naman kasi ang hina na ng mga tira niya tas wala na siyang gana tumakbo pa para sundan yung bola. Nanalo ako by the end of the set na may 11 lamang.

Pupuntahan ko sana siya para humingi ng paliwanag nung bigla na lang siyang lumiko at may pinuntahang babae. Nakangiti yung middle aged na babaeng yun kay Patrick. Nakahinto lang ako para tignan sila tas bigla siyang tumakbo papalapit sa akin then hinila ang kamay ko.

"Coach, Baustista, Rachel. BS Nutrition."

Ngumiti yung babae sa harap ko. "Magaling kang maglaro iha"

"Po?"

"Napanood ko yung laban niyo. Akala ko hidni ka mananalo kay Patrick eh pero napabilib mo ako nung second set."

"Salamat po-" takang taka parin akong napapatingin kay Patrick tapos dun sa babaeng nasa harap ko.

"So coach pasok na ba siya?"

"Definitely yes!"

"Ayos!" sabi ni Patrick pagkatapos niyang mapaakbay sa akin.

"Next sem pwede na siyang magstart ng training."

"Training? Patrick ano to?"

"Iha, inayos na ni Patrick ang try out mo sa volleyball team at pasok ka na."

"Po?? Pero-?"

"Maraming maraming salamat coach ha? mauuna na po kami masyadong sumakit ang braso ko dun sa game."

"O sige iho, salamat din sa tulong mo sa volleyball team" tumingin yung babae sa akin "Congrats iha" then umalis na siya.

Siniko ko yung tagiliran ni Patrick.

"At sinong may sabi sayong gusto kong sumali ng volleyball team?"

"Ako"

"Pat?!"

"O sige na. Sige na. Nilihim ko sayo. Gusto ko kasing makita kang maglaro ulit"

"Eh hindi naman ako huminto ah? Nagpahinga lang ako."

"Yun nga gusto ko bumalik ka na sa paglalaro"

"Baka di ko kayanin ang load ko next sem"

"Kaya yan. Magtutulungan naman tayo eh"

Napataas ang kilay ko.

"Patrick?! Ano talaga ang dahilan? Wag mo na ilihim!"

"Aw. Aw. ang sakit ng braso ko dun kanina. Grabi ka maka spike naman." papaliko na sana siya ng ibang daan.

"Pat! Ano sabi eh?" Harang ko sa kanya.

"Gusto mo talaga malaman?"

"Aba oo naman"

Nag unat siya sa harap ko "Talaga lang ha?"

"Ano ba kasi yun?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo nga sabi eh"

Tumingin siya sa paligid niya tas ngumiti siya ng nakakaloko. Hinakwan niya yung magkadalawang pisngi ko at mabilisang nilapit yung labi niya sa labi ko.

"An-"

Akala ko hahalikan niya ako nung nagsalita siya.

"Wag mo hayaang ibuka yang bibig mo. Hahalikan ko talaga yan. Parang gusto mo ah. Hindi mo man lang sinara"

Then with that sinara ko bibig ko at pinaloob ko yung mga labi ko.

"Gusto ko nakikita ka habang nagprapractice kami next sem kaya sinali kita dun. Ang pangit maglaro ng basketball ng walang inspriasyon"

Taas pinisil niya yung magkabilang pisngi ko tas umalis sa harap ko.

Pinasali niya ako sa volleyball team para dun?

Yun ba talaga ang gusto niya? Pwede ko naman siyang hintayin na lang diba?

Papalapit na si Patrick kela Joysee nung nagsalita si Jason ng "Ano bro masarap?"

Akala nila siguro naghalikan kami. Pano ba naman naka-thumbs up na sila Lyka at Joysee sa akin habang nakangiti.

Speaking of that kiss.

Bakit di ko man lang sinarado yung bibig ko?

Gusto ko nga ba talaga na halikan niya ako?

_____________________________________________________________________________

Hindi pa naman nagsisimula ang mga training ko dun sa volleyball team sa totoo lang kinakabahan ako. Pano kung di ko na kaya makipagsabayan sa mga ibang players ng university pero di ko akalaing gagawin sa akin ni Patrick yun. Nung araw na nga yun eh parang tanga daw ako na nakaharap sa skype habang kausap si Sasha kasi grabe daw ako mapapangiti na lang ng di oras. Nakwento ko kay Sasha kung ano na ang estado ng relasyon namin ni Patrick. Syempre tinanong niya parin sa akin yung kay Warren. Una naman daw siyang naging fan ni Warren bago ni Patrick pero mas gusto niya na maging masaya ako.

Mas lalong mahirap magmove on pag wala kang ginagawa tulad ngayon nakahiga lang ako nung kumatok sa pinto ko si Lola.

"Rachel, apo"

Napabangon ako.

"Po lola?"

"Wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo? Ang ganda ganda ng panahon nagkukulong ka dito a kwarto mo."

"Nako lola, kakakita lang po namin kahapon diba?"

"Ganun ba? Eh si Patrick mukhang di pa nadalaw?"

"Mamaya pa po siya pupunta Lola, may training po kasi siya ngayon."

"Eh anong ginagawa mo?"

"Wala naman po nagpapahinga"

"Hindi ba sumasakit yang likod mo? Nabalitaan ko na may charity donation drive na ginaganap sa may eskwelahan niyo ah?"

"Talaga po lola? Para saan?"

"Para sa mga orphan ng simbahan. Kung ako sayo apo eh ipunin mo na yung mag di mo ginagamit diyan na pwede nating ibigay sa mga bata. Ipapadala ko sayo yung mga iba pang gamit na ibibigay ko sa kanila. Okay ba apo?"

"Opo lola, mabuti nga yun para may masabi naman akong nagawang tama ngayong bakasyon." ngumiti ako sa kanya.

"O sige na magsimula ka na." umalis na nun si Lola at ako naman ay dumerecho sa cabinet ko.

Nung nakita ko yung mga hindi ko naman nagamit na mga school supplies na hindi na kailangan sa college, mga laruan na hindi ko na naman nilalaro na at mga damit na maliit na sakin na pwedeng suotin ng mga bata pag lumaki laki na sila, Nilagay ko yun sa mga malalaking paper bags. Tumuntong ako sa upuan para maabot ang itaas ng cabinet ko. Marami pa akong nakitang mga gamit dun. 

Then I saw one familiar box.

Yung box na pinagtaguan ko ng mga bagay na may mahalagang connection sa bhay ko at kay Warren.

Binuksan ko yun. Isang buwan pero ang daming nangyari. Ang daming alaala.

Napangiti ako.

Kaso hindi na talaga pwede.

At kailangan ko harapin yun at maging matapang.

Wala namang bagay dito na pwedeng ibigay. Maliban siguro kay Wael. Hinawakan ko yun.

"Hindi naman siguro maganda kung itatago lang kita diba? Wael, ibibigay ka na ni mommy ha? Puro lungkot lang kasi ang naipapakita ko sayo pag may batang nakakuha sayo baka ituring ka pa niyang bestfriend niya."

Sinarado ko yung box at mas lalong tinago eto dun sa hindi ko na mapapansin, dun sa hindi ko na maabot.

Kinuha ko si Wael, yinakap at hinalikan tapos pinatong sa paper bag na dadalhin ko sa charity donation.

Dala dala lahat ng mga bagay na kailangan ko eh namasahe ako papunta sa dati kong eskwelahan nung high school.

Dahan dahan akong naglakad hindi dahil sa mabigat ang dala ko kundi inaalala ko ang mga nangyari dun. Ang high school hindi madaling ipagpalit sa anuman. Dun ka natututo sa mga bagay bagay. Dahil baka maiyak pa ako ay binilisan ko na ang lakad ko at pumasok sa loob. May nakita akong babaeng nakatalikod na parang nasa may registration.

"Ms. Magdodonate po ako"

Pag kalingon niya eh nagulat siya pero mas nagulat ako.

Si Ate Liselle.

Dapat diba makilala ko siya?

Ang simple lang kasi ng suot niya ngayon. Plain black shirt at jeans. Naka-ipit pa yung buhok niya. Ibang iba sa magarang suot niya nung nagkita kami.

"Rachel, I do not know we will meet again" ngiti niya sa akin.

"Ate Liselle, kasali po kayo dito?"

"Tumutulong lang ako kela Maxene at Warren"

Parang natigilan ako. Ibig sabihin nandito sila? Sa school namin?

"Ah- Hindi ko akalaing may charity works na sinasalihan si Warren." tumawa ako para di niya mahalata na natataranta ako kasi baka makita ako nila Warren dun.

"Its Warren's idea. Sa totoo nga niyan matagal na tong activity na to. He did this also sa Canada"

Akala ko ba wala nang pakialam si Warren sa ibang tao?

"Ganun ba ate Liselle? That's good. So pano ba yan iiwan ko na to?" Tinuro ko yung dala ko.

"Hindi mo man lang ba gusto makausap si Warren? Tatawagin ko siya"

"No need ate Liselle. Wala naman kaming dapat pagusapan tyaka kailangan ko naring umuwi" sinabi ko yun kahit hindi totoo. Gusto ko na lang umuwi talaga.

"Okay lang, lahat ba yan dala mo?" 

"Oo, yung iba galing kay Lola"

"Just sign this recognition form then youre off to go"

"Wag na ate Liselle. Ayoko magparecognize. Anonymous na lang or kahit wala na lang. Ayaw din ni lola eh."

"Hindi parin kumukupas ang kabaitan ng lola mo"

"Siya na ata ang pinaka-mabait na tao nakilala ko"

"Same here" ngiti sa akin ni Ate Liselle.

"I think you must visit her."

"Pero-"

"Hindi na siya galit sayo. Hindi naman siya nagalit. Nagalala siya na nauwi sa tampo pero wala na yun."

"Sa tingin mo napatawad niya na ako?"

"Oo naman si lola pa"

"Ikaw ba napatawad mo na ako?"

"Sa totoo lang hindi ko parin maintindihan ang nagyari sa inyo or ayaw ko lang intindihin pero wala na yun ate Liselle. Naka-move ka na at sana maka-move na si Kuya Nico. Ay nako, tama na ang drama mauuna na ako"

"Wait-" napatingin si Ate Liselle dun sa paperbag kong dala

"Mga laruan ba yan?"

"Oo"

"Rachel pwede bang ihatid mo na lang dun sa may simbahan?"

"Hmm, dun ba ilalagay?"

"Oo eh. Mabigat ba? Gusto mo tumawag ako ng tutulong sayo?"

"Ayos lang naman kaso bakit parang may mga laruan naman dian?" turo ko sa likod ni Ate Liselle.

"Ay eto kasi ano eh pinapalipat ko na sana eh tutal maaga ka naman dito mas mabuting iwan mo na yan dun. DUn rin naman dadalhin."

"Okay pero diretso uwi na ako ha?"

"No problem"

"sige ate Liselle"

Binuhat ko yung isang paper bag na puno ng mga laruan papunta sa simbahan.

May misa ba? Eh bakit nakabukas ng bahagya?

Baka may mga nagaayos na mga sakristan. Dahan dahan akong pumasok at naglakad. Saan ba ialagay? Napahinto ako ng may marinig ako sa may bandang kaliwa ko.

"Kuya edi nagdadasal ka din po?" sabi nung batang babae na naka red na shirt at hello kitty na shorts Siguro mga 4 years old siya.

Lalapitan ko sana kaso narinig kong nagsalita yung kasama niya

"Bakit mo naitanong?" 

Its his voice.

Its Warren.

Napahinto lang ako. Nakatalikod sa akin si Warren kaya yung bata lang nakita ko.

"Eh kasi po kuya, may winiwish kang makita diba po?"

Napaka- inosente ng mukha nung bata.

Hinawakan ni Warren ung ulo nung bata.

"Nakita ko na siya Mae"

"Talaga kuya Warren? Diba sabi mo para siyang angel? Diba diba? Tapos ang ganda ganda niya. Gusto ko din makita si Ate Guardian Angel" pagpipilit na hila nung bata sa manggas ng damit ni Warren.

"Hindi na ganun kadali eh"

Biglang sumimangot yung bata.

"Bakit? Akala ko ba nakita mo na siya? Matagal mo siyang hinanap diba? Dapat winish mo sa kanya na wag na siya umalis. Dito muna siya kesa sa heaven"

"Wag ka na malungkot Mae. Masaya naman si Guardian Angel ngayon kahit iba na binabantayan niya"

"Bakit hindi ikaw? Gusto ko gusto ko makita kita kasama si Ate Guardian Angel" hinawakan nung bata yung pisngi ni Warren "Ang lungkot kasi ng mata mo eh sabi ni mama nung buhay pa siya dapat daw yinayakap ko yung mga taong sad yung eyes pero bakit ganun kuya Warren hindi ka parin happy?"

Biglang naging lively yung boses ni Warren.

"Sinong hindi masaya? Masaya ako kasi may maliit ako pero cute na alaga katulad mo"

"Talaga Kuya Warren?"

"Oo naman Mae."

Yumakap si Mae kay Warren.

"Pero mas maganda kung andito din si Ate Guardian Angel diba?"

"Oo"

Kumalas yung bata sa pagkakayakap kay Warren.

"Alam ko na Kuya. Idasal natin kay Papa Jesus na magpakita sa atin si Guardian Angel. Wala naman hindi tinutupad si Papa Jesus diba? Tyaka saglit lang para maging masaya ka na"

"Sana nga marinig niya tayo"

"Edi isisigaw po natin pero dapat di makalimutan ang po"

"Ikaw talaga Mae"

"Sige na Kuya Warren, pray na tayo. Teka teka ano bang pangalan ni Ate Guardian Angel? Baka hindi alam ni Papa Jesus kung sino papayagan niyang bumaba galing heaven"

"Kilalang kilala niya kung sino yung anghel na yun kahit di ko na sabihin o isigaw man"

"Eh sino? sige na Kuya Warren para mapray ko din siya edi mas malakas ang prayers natin"

Nakatingin lang yung bata kay Warren at naghihintay.

"Rachel, that's her name"

Sa sobrang gulat ko eh napaatras ako at napahawak sa aking bibig.Hinihiling ba ako ni Warren sa Diyos? Wala na naman siyang kilalang Rachel diba? Ako yun diba?

Pero hindi dapat ako magpaapekto. Hindi sa ganitong paraan. Dahan dahan kong binaba yung paper bag sa isa sa mga upuan dun. Mabagal din akong umalis para di makapagingay.

Ayokong makita niya ako.

Ayoko na magtanong.

Tanggap ko na eh.

Dapat talaga tanggap ko na.

Lumabas ako ng simbahan at tinapik tapik yung pisngi ko.

"Wala yun, Hindi ikaw yun"

Sumakay agad ako para makauwi. Dun muna ako nagstay sa garden. I played the music in my cellphone. Yung mga happy songs tapos nilakasan ko. Hindi ko dapat isipin yun. Pinikit ko yung mata ko kaso yung scene parin sa simbahan ang naaalala ko.

Hindi ako mapakali. Bakit kailangan niya sabihin yun?

Bakit kailangan niya akong hilingin sa Diyos?

Napa-iling ako. Wala lang yun. 

"Tama na Rachel. Ex mo siya. Ex. Ibig sabihin not anymore, previous, dati-"

Naputol ang pagsasalita ko nung may marinig akong mabilis na doorbell at malakas na kalampag sa may gate namin. Pumunta ako at binuksan yun. 

I saw Warren holding a familiar stufftoy para sa aming dalawa.

Si Wael.

"Ano to?!" taas ni Warren ng kamay niya.

"Bakit ka nandito?"

"Ano sabi ibig sabihin nito?!!" galit ang boses ni Warren.

"Narinig ni Lola na may charity donation drive sa school so dinonate-"

"Donate?! Sa lahat ng bagay bakit ito pa idodonate mo?"

"Teka nga bakit ganyan ka ba kagalit?"

Humingang malalim si Warren.

"Bakit mo ginawa? Bakit ito pa?" Nakita ko nga yung malungkot niyang mata na sinasabi nung batang si Mae kanina.

"Sa tingin ko magagamit siya ng iba. Nakatago lang siya dito"

"Magagamit ng iba? Bakit ang bilis mong sabihin yan? Bakit ganun kadali?"

"Teka nga, bakit ganyan ka ba ka-apektado? Ano ba Warren? Ikaw ang nagsabi na kalimutan na kita kasama dapat yan sa mga dapat kong gawin"

"Oo sinabi ko na kalimutan mo ako pero hindi ko sinabing ibasura mo ang mga bagay na napaka-importante sa akin."

Importante? Si Wael importante?

"Kung importante bakit mo iniwanan? Paulit ulit na lang tayo eh."

"Im so close in finding the truth" tinignan ni Warren si Wael "Kung ibabasura mo lang to sana binalik mo na lang sa akin"

Tumingin siya sa akin ng seryosong seryoso at papaalis na nung nagsalita ako.

"Bakit pa? Bakit gusto mong maibalik yan sayo?" 

"Kasi isa na lang yun sa mga bagay na nagpapaalala sa akin na naging masaya din pala ang buhay ko"

I was left there standing.

Dumbfounded as they say.

Bakit kailangan ang lakas ng impact sa puso ko nung sinabi niya?

Aint semestral breaks supposed to be fun?

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 66.6K 76
In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir because of financial problem..the guy wa...
3.1M 37.7K 106
CURRENTLY EDITING (SOME CHAPTERS AY WALA) "Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang...
284K 3.9K 48
~BOOK 2 OF HEY I'M YOUR BOSS~ tadhana na ang bahala para magkita tayo muli, basta tandaan mo MAHAL NA MAHAL KITA -BRYAN LUCIANO . . . pagbalik ko HIN...
515K 2.4K 57
Starting Over Again It's okay for me to start over again... ...with you. ------------------------ HOLD UP!!! New story out now: Future Friends by lov...