Reforming the Villainess (Rei...

By loeyline

629K 31.7K 10.3K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to... More

Disclaimer
Characters Board
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Epilogue: North
Author's Note
Special Chapter: Austin
The Second Lead's Retribution
A little disclaimer
Group Page
ANNOUNCEMENT!!!
RTV Physical Book is here!
RTV Book is now on Shopee!
Playing With Trouble: Austin's Sequel

Chapter 5

19.7K 1.2K 297
By loeyline

#RTVillainess05


I AVOIDED NORTH as much as I can for two weeks.

Bigla akong natakot sa maaaring mangyari. Hindi ako natatakot kay North pero natatakot ako na magbago ang tingin niya sa akin habang tumatagal.

It's because his hatred for me is bound to happen. It was supposed to happen when Jamila got hurt in the shed pero naudlot nga lang yata. Naudlot nga ba?

Pumapasok na lang ako nang mas maaga sa subject na kaklase ko siya para hindi ko siya makatabi. Mabuti na lang din na wala siyang pakialam sa iba at hindi niya ako tinatanong kung bakit iwas ako sa kanya.

Iwas din ako sa field kapag may soccer practice siya. Dati, doon ko hinihintay si Jamila pauwi pero ngayon dumidiretso na ako sa parking lot at sa loob ng sasakyan na lang ako naghihintay.

Minsan, iniiwan ko na lang si Jamila dahil ihahatid daw siya ni Austin pauwi kaya hinahayaan ko na lang.

I should be happy for them because my plan of pushing their happily ever after is working. But because of the thought that everything I am having and experiencing right now is temporary and I bound to lose them in the end, makes me want to just lie-low and just stand on the sidelines.

Besides, hindi naman ako gagawa ng masama e. I could be just the side character like I originally am while making their end a joyful one.

Baka mamaya, hindi rin matuloy ang pagkamatay ko sa ending.

Papunta ako ngayon sa canteen ng makasalubong ko si North kasama ang mga ka-team niya. Lahat sila pawisan pa. The sun is shining at them so brightly that they caught the attention of the people around them.

Napako ang tingin ko sa hikaw ni North sa kaliwang tainga niya na kumikinang dahil sa araw at ang pagtulo ng mga butil ng pawis mula sa buhok niya na naglalandas sa leeg niya, pababa sa jersey niya.

Ang gwapo!

Sayang nga lang, walang endgame.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko at lakad-takbo na umalis mula roon.

Bumili ako ng dalawang slice ng pizza at isang lemonade. Quick snack lang bago ang apat na oras na klase ko. Last subject ko na rin naman na 'yon, sa bahay na lang ako kakain.

"Brielle!"

"Austin," ngumiti ako sa kanya bago kumagat sa pizza.

"Punta ka sa bahay mamaya ha?" sambit niya.

"Anong meron?" tanong ko. Hinawi muna niya ang buhok niya at halos mapanganga ako dahil parang nag-slow-mo pa ang paligid sa ginawa niya. Kasabay no'n ay ang gwapo niyang ngiti.

Ay deserve maging main lead. Kaya pala hirap na hirap si Jamila pumili kung sino ang pipiliin niya kay Austin at North. Sana all.

"Mom wanted me to hangout with other people. Puro na lang daw kasi si North ang kasama ko. Kaya niyaya niya 'yung mga pinsan ko. Pinasama na rin niya 'yung mga kaibigan nila. Pool party raw later. Wala rin siya mamaya e," aniya. "Sama ka ha? Bukod kasi kay North, ikaw lang ang isa pang mapagkakatiwalaan ko."

"Uh . . ." pag-iisip ko.

Surely, North won't come. Right? Ayaw niya sa maraming tao. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"I invited Jamila, too," dagdag niya.

Pinigilan ko ang pagngiti ko sa sinabi niya. Great! Nagkukusa na siya! Hindi ko na siya kailangan pilitin pa pagdating kay Jamila. Hindi katulad noong unang beses sila magkita. Kung hindi ako gagawa ng paraan, walang mangyayari sa love story nila!

"Okay!" pagpayag ko. Lumawak lalo ang ngiti niya sa sagot ko.

"Great! See you later!" tumayo siya sa kinauupuan niya at nagsimula nang maglakad papalayo.

Inubos ko na ang isang slice ng pizza ko nang bumalik siya. "Oh! Forgot to tell you! North will also be there."

Nabilaukan ako bigla sa sinabi niya. Hindi niya na nakita 'yon dahil nakatalikod na siya sa akin. Napainom ako bigla sa lemonade ko at sunod-sunod na napaubo pagkatapos.

Malas naman!

Wala ako sa mood habang nasa klase ako. 'Yung utak ko lumilipad sa mangyayari kaagad sa party mamaya. Hindi 'yon nawala sa utak ko kahit na nakasakay na kami ni Jamila pauwi.

Gusto ko nga siyang pigilan at yayain na huwag na kami sumama kaso kailangan 'tong scene na 'to. This scene would help their love for each other build up. Importante na hindi 'to ma-skip.

Bumuntonghininga ako. Bahala na! Edi iiwas na lang ako sa vision ni North. May mga iba rin namang mga tao doon. Makikihalubilo na lang din ako sa kanila.

Carmela already informed Don Tiago about the said party. Kaya hindi ko na rin kailangan magpaalam. Ako na mismo ang pumili ng damit na dadalhin ko. Hindi ako komportable na magsuot ng two-piece, kaya one-piece na lang ang pinili ko. Si Jamila rin naman kasi talaga dapat ang magsuot no'n.

Hinatid kami agad ni Kuya Niño sa manor nila Austin. Naglalakad pa lang kami papalapit sa pool area ay nakakarinig na kami ng mga nagtatawanan. Napatingin ang mga tao sa amin pagdating naming pero hinahanap ng mga mata ko si Austin para bumati.

"Brielle. I'm glad you came," bumungad sa harap namin si Austin na walang pantaas.

Agad na namula ang mukha ko dahil unang beses akong nakakita ng katawan ng lalaki.

Grabe ha. May abs.

Umiwas ako ng tingin dahil baka sabihin manyak ako at titig na titig ako sa kanya. Kaya lang lumapag naman ang mga mata ko kay North na parang haring nakaupo sa isang sunbed habang mariin ang titig sa akin.

Tumikhim ako. "Bihis lang kami ni—"

Sasabihin ko sana na magpapalit lang kami ni Jamila pero nakita ko na siya na kasama ang mga ibang babae na nasa party rin. Umirap pa sa akin ang isa na ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Bihis muna ako," wika ko at naghanap ng banyo.

Suot ko naman na ang one-piece ko kaya hinubad ko na lang ang dress na suot ko. Itinabi ng isang katulong nila ang mga gamit ko sa kwartong ginamit ko dati.

Paglabas ko ay namangha ako kay Jamila. Naka-suot na siya ng two-piece. Black 'yon at string type ang top. Napilit na pala nila siya.

Simple lang ang suot kong one-piece. Red na backless 'yon at may naka-cross na tali sa may bandang tiyan kaya medyo exposed ang balat ko doon.

Tinitigan ko ng maigi si North at hinintay ang gagawin niya. Ilang minuto akong nanatili sa ganoong posisyon pero kumunot lang ang noo ko dahil parang wala lang sa kanya na naka-two-piece si Jamila.

Tayo, North! Ibigay mo 'yang t-shirt mo! Sigaw ko sa utak ko.

Pero napasinghap lang ako at lumikot ang mga mata ko dahil nakita niya akong nakatingin sa kanya.

Bakit ba hindi nakiki-cooperate 'tong si North?

"Jamila," tawag ko sa kanya pero hindi niya yata ako narinig dahil busy siya makipag-usap sa mga kasama niya kanina.

I shrugged and just went to the food table. Kumuha ako ng garlic chicken at naglagay sa isang plate. Nilagyan ko rin 'yon ng french fries.

Inaabot ko ang baso na may orange juice kaso ang layo no'n. Hindi naman ako makaikot kasi nakaharang ang isa sa mga bisita ni Austin.

Napatanga na lang ako dahil dumating si North at siya ang nag-abot no'n sa akin.

"T-Thanks," nauutal kong sambit at nagmamadaling umalis doon. Umupo ako sa isang bakanteng sun bed.

"Hey! Brielle, right?" bati sa akin ng isang lalaki.

"Hello," tipid kong bati pabalik.

"Mark nga pala. Classmates tayo sa elective class ko. Art App?"

"Oh! Ikaw 'yung class rep ng class na 'yon," sabi ko nang maalala siya.

"Yes. I didn't know na kakilala mo pala si Austin Alcantara?" tanong niya.

I'm guessing, he's not one of Austin's cousins. Kasi if he's one, alam niya dapat na magiging fiancé ko si Austin after we graduate.

"Ah, yes. He's my friend," tugon ko.

"My friend is his cousin," aniya at tinuro ang isang lalaki na nakaupo sa gilid ng pool.

Tumango-tango lang ako at kumain ng fries. He continued talking while my mind is somewhere else.

Everything here is already destined to happen. Everything was supposed to follow how the story goes.

Kaya hindi ko maintindihan bakit hindi nangyari ang kay North at Jamila. Is it possible na sa mga maliit na pagbabagong ginagawa ko, nagkakaroon din ng pagbabago sa takbo ng kwento?

I don't want to mess things up. But I also want Brielle to have her own happy ending.

I sighed. This is harder than I thought.

"Is there a problem?" tanong ni Mark. Napalingon ako sa kanya. Oo nga pala, kasama ko siya.

"Nothing," I shook my head. Tumayo ako at minuwestra ang hawak kong plate. "I'll just get more fries."

Naglakad ako pabalik sa food table ng harangin ako ng isa sa mga babae na nakaupo sa gilid.

"Brielle?"

"Hello?" patanong kong bati dahil hindi ko alam ang pangalan niya.

"Amanda," she smiled. "I wasn't able to properly introduce myself in the party last time."

"I'm guessing your one of Austin's cousins?" I asked.

"Yes! The truth is, I really wanted to be your friend dati pa. I love your fashion sense! I really feel like we would get along when it comes to clothes and bags," she giggled.

"Actually, I don't know anything about fashion," nahihiya kong ani. "Si Papa ang kadalasan na bumibili ng gamit ko or secretary niya tapos nilalagay lang ng mga maid sa kwarto ko."

"But still! The way you pick and match your clothes is amazing. Pakiramdam ko nga kahit anong ipasuot sa'yo, babagay e. You have a great body kaya," wika niya.

I chuckled. "Thank you, Amanda."

"Oh! No worries! By the way, I want to ask you pala if you are free this Sunday? Tita Carmela and my mom are planning to go to a newly opened fashion house in the town! We heard kasi na marami sa bags nila ang pinagkakaguluhan. Maybe, you want to come with us?"

Halata sa mukha niya na gusto niya akong kasama pero hindi naman kasi ako maalam sa ganyan. Since I wrote in the story that Brielle has a great taste in fashion, kahit anong piliin ko tuloy na damit ngayon ay bumabagay at nagmumukhang stylish.

Pakiramdam ko kapag sumama ako, magiging display lang ako dahil titingin lang din naman ako.

"Ano . . . kasi—"

"Ah!"

Mabilis kaming napalingon sa pinanggalingan ng sigaw at nakita si Jamila na tinutulungan ni Austin na umahon sa swimming pool. Hindi ako agad nakaalma sa nangyari dahil sa dilim ng mukha ni Austin at sa takot na takot na mukha ni Jamila.

Bahagya rin siyang nanginginig at basa pa siya dahil sa pagbabad niya sa pool.

"Fuck!" malakas na sigaw ni Austin at hinablot si Jamila.

It happened.

Dumaan sila sa harap ko. Nabigla ako nang hawakan ni Jamila ang palapulsuhan ko at sinama ako sa kanila.

Hindi ako makaimik dahil pakiramdam ko kapag nagsalita ako, sisigawan din ako ni Austin. Si Jamila naman tulala lang habang naglalakad kami palabas.

Dire-diretso lang kami hanggang sa mapunta kami sa talon. Hindi ko ininda ang mga naapakan kong bato at kung nagkasugat 'man 'yon dahil sa paghila ni Jamila sa akin.

Sa tuktok kami ng talon huminto. Hindi naman 'yon mataas, katamtaman lang. Malinaw ang tubig at mukhang alagang-alaga.

"Anong nangyari?" marahan kong tanong. Humarap sa akin si Austin na hindi mababakasan ng kahit anong emosyon sa mukha.

"Fuck that guy!" sigaw ni Austin. "He tried touching her!"

"Sino, Jamila?" baling ko sa kanya.

"M-Mark daw ang p-pangalan niya," nanginginig na tugon niya.

"What . . ." hindi makapaniwalang turan ko.

I didn't write this! Wala 'to sa story! Bata pa ako nang sinulat ko 'to kaya sigurado ako na hindi ako maglalagay ng sexual harassment. Hindi ko pa gaanong naiintindihan ang bagay na 'yon dati, kaya hindi ko ilalagay 'yon.

What is happening? Is the story changing and progressing all by itself?

"I'll just call, North. Tayo-tayo na lang ang umalis," sambit ni Austin.

"Oka—"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong matamaan ni Jamila. Napatili ako nang bumulusok ako pababa sa talon at naramdaman ko na lang ang pagbalot sa akin nang malamig na tubig.

Ang sakit ng likod ko. Panigurado sa maling pagbagsak ko. Good thing, I know how to swim.

I tried flapping my arms and moving my feet pero hindi 'yon gumagalaw. I started gasping for air when I realized that Brielle doesn't know how to swim!

Fuck!

Hindi pa ako dito mamamatay!

Nagsimula na akong mag-panic pero bago pa man ako tuluyang maubusan ng hangin, may mga brasong pumulupot na sa bewang ko at hinila ako pataas.

Hindi ko maidilat ang mga mata ko at pakiramdam ko may tubig sa bibig ko na hindi ko naman mailabas.

I wanted to breathe pero parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Fuck! Breathe, Chantal! Breathe!" rinig kong sigaw sa gilid ko.

I smiled. There's only one person who calls me Chantal, anyway.

"Huwag mo akong ngitian tangina!"

Then I felt it. I felt something soft touched my lips for a few seconds and after that, I threw up some water.

"What were you thinking?! Hindi ka naman pala marunong lumangoy?! Then why did you jump?!" he screamed at me.

Basang-basa rin siya at ang magulo niyang buhok ay lalo pang gumulo ngayon.

"I didn't! It was an accident—"

I wanted to defend myself pero naputol ang sinasabi ko nang sumigaw ulit siya.

"I'm so worried, damn it! Iniwasan mo ako ng dalawang linggo tapos ito pa? Akala ko may nangyari na naman sa'yo!" 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 80K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
94.1M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
45.9M 780K 50
(Seducing Drake Palma Book 2) "Hindi na ako magpapadala sa 'yo, Drake. You're just going to make me fall then smash me into pieces once again." It's...