ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

PROLOGUE

2.1K 57 12
By angelodc035

+++++++++++++++++++++++++++++++
The characters and events in this book are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the author.
Copyright © 2017 by Angelito L. Pineda
+++++++++++++++++++++++++++++++
Para kay MAKY at ELI na walang sawang sumusubaybay at nag-aabang sa kuwentong ito, isang inspirasyon ang ibinigay ninyo sa akin para i dedicate ang kabuuan ng kuwento na 'to. Maraming Salamat sana magustuhan ninyo...
+++++++++++++++++++++++++++++++
+++++++++++++++++++++++++++++++

Mabibilis sa pagtakbo ang tatlong pares ng paa sa kabundukan ng Eudhoria. Mga paang sing-gaan ng mga dahon habang nagpapalipat-lipat ang mga ito sa mga naglalakihang mga sanga at katawan ng mga puno sa masukal na kagubatan.

Tila may tinatakasan ang mga ito at maingat rin sa kanilang mga kilos sa mapanganib na kagubatan. Isa sa tatlo ay babae at may dala-dalang isang bagong silang na sanggol sa kanyang dibdib. Nakapaloob ang sanggol sa isang puting tela na nakasabit at nakatali sa magkabilang balikat ng babae.

Ilang araw na rin halos wala silang tigil sa pagtakbo mula ng tumakas sa kaharian ng Elitheria para iligtas ang sanggol sa kamay ng kanyang amang hari. Ngayon ay nais nilang lumayo sa kaharian ng malupit na hari at mailigtas ang sanggol sa kanya.

Pansamantalang tumigil ang isa sa mga lalake na nasa unahan at itinaas ang kanang kamay nito at ikinuyom ang kamao hudyat ng pagtigil nila sa pagtakbo. Inamoy-amoy ng lalake ang paligid bago ibinaba ang kamao nito. Salamin ng takot at pag-aalala ang mukha ng babae habang nakatingin sa mga kasama na kayang ibuwis ang kanilang mga buhay para sa kanya at sa anak nito.

"Kamahalan, natitiyak kong ligtas na po tayo rito." Ang wika ng lalake habang hinahabol pa ang hininga.

"Kung gayon ay dito na tayo magpapahinga at magpalipas ng gabi." Ang mahinang tugon ng babae sa dalawang tagapangalaga.

"Kamahalan, kung dito na po tayo magpapalipas ng gabi ay hayaan na po ninyo akong maghanap ng ating makakain para sa hapunan. Mahihirapan na po tayo makahanap pa ng pagkain kapag madilim na ang paligid dito sa kagubatan. " Ang paghingi ng permiso ng isa sa tagapangalaga niya.

Tumango ang babae  at nagwikang:
"Sige, pero mag-iingat ka."

"Sige po, mahal na reyna, mag-iingat din po kayo."

"Sigurado na bang hindi na nila tayo nasundan dito Awen?" Ang nag-aalalang tanong ng babae sa kanyang tagapangalaga.

"Hindi pa po nagkamali kahit minsan ang aking pang-amoy mahal na Reyna. Base sa aking pang-amoy ay aabutin pa sila ng dalawang araw bago pa nila tayo matutunton dito sa kinaroroonan natin. " Ang paniniguro ni Awen kay Reyna Baguinua, ang asawa ng nababaliw na hari ng Elitheria.

Nais patayin ni Haring Khalil ang kanyang bagong silang na anak dahil na rin sa propesiya ng mga Mangagaway at Babaylan na ito ang magpapabagsak sa kaharian at magiging dahilan ng kanyang kamatayan.

Dahil sa sobrang pagmamahal at pagkaganid sa katungkulan bilang hari ng pinakamakapangyarihang kaharian sa buong Murcia, ay ninais ni Haring Khalil na patayin ang sariling anak pagkasilang pa lamang nito.

Pero iniligtas ng kawal na si Jaed ang Sanggol at ang Reyna Baguinua. Itinakas niya ang mag-ina kay Haring Khalil para hindi niya mapatay ang bagong silang na sanggol. Napagkasunduan nila na dadalhin ni Reyna Baguinua ang kanyang anak kay Mariang Makiling na kanyang kapatid at diwata na nangangalaga sa kabundukang sakop ng Makiling sa Mundo ng mga tao.

Ang Eudhoria ay bahagi ng pitong kaharian sa Murcia na kung saan pansamantalang nananahan si Mariang Makiling. Ito ay nakapaloob sa ikatlong mundo, ang dimensiyong sumasakop sa mundo ng mga elemental at iba pang mga anak- lupang nakatira sa kagubatang sakop nito. Ang ikatlong mundo ay ang tinatawag nilang Sinukluban.

Sa mundo ng ikatlong dimensiyon ay iba't-ibang klase ng nilalang ang nakatira rito. Mga walang kasing-bangis na nilalang na gumagala sa mga lupa at tubig, maging sa himpapawid. Mga iba't-ibang uri ng mga elemental ang namumuno at sumasakop sa mga kabihasnang itinayo ng mga sinaunang mga pinuno o mga elders. Pero napalitan sila ng mga tinatawag na hari at bumuo ng kani-kanilang kaharian sa Sinukluban.

Walang lugar ang mga mahihina sa mundong ito. Lalo na ang mga mortal o ang mga tao. Bagamat isang taong mortal si Haring Khalil, tinulungan naman siya ng Diwatang si Magayon para magkaroon ng kapangyarihan at maging isang imortal sa pamamagitan ng pagsalin ng dugo ng diwata sa kanya. Nang dahil sa dugo ni Magayon ay nagkaroon ng kapangyarihan si haring Khalil na naging dahilan para lumaki ang ulo nito at maging ganid sa kapangyarihan. Upang madagdagan ang kapangyarihan ay umanib siya kay diyosang Bulan na hindi nalalaman ang noo'y prinsesa pa lamang na si Baguinua na siyang kasintahan niya.

Pero iba ang naging kapalaran ni Khalil sa mga mortal na nakarating sa Elitheria nang ikasal sila ni Prinsesa Baguinua. Nakuha niya ang loob ng mga taga-Elitheria at naging dahilan para gawin siyang kauna-unahang tao na pamumunuan ang kaharian ng mga diwata. At iyon ay sa tulong ni Prinsesa Baguinua na ngayon ay ang Reyna ng Elitheria at asawa ni Haring Khalil.

Naging palalo at sakim ang hari lalo na ng nabigyan siya uli ng kapangyarihan ng diwatang si Magayon. Si Magayon na labis ang galit sa mga mortal na tao, pero nagbago ang lahat ng iyon ng makilala at magkaroon sila ng relasyon ni Haring Khalil.

Kapalit ng pag-ibig ay ang kapangyarihang kaloob ng diwata sa hari na huli na ng malaman ni Reyna Baguinua ang relasyon ng dalawa. Si diwatang Magayon ang kumokontrol sa isipan ng kanyang asawa, kaya nagbago ito't tuluyan ng nabaliw.

Dumidilim na ang paligid sa loob ng masukal na kagubatan. Nakaupo si Reyna Baguinua sa isang napakalaking ugat ng puno ng Guian na nakausli sa masukal na lupa ng gubat. Hawak ang natutulog niyang anak ay nakapako ang kanyang mga mata sa mukha ng sanggol. Maingat niyang hinahaplos ang pisngi ng kanyang anak at nangingilid ang mga luha sa mga mata na baka iyon na ang huling pagkakataong masilayan at mahawakan ang anak.

Hinalikan niya ang noo ng sanggol at napapikit habang pinipigil ang kanyang sarili na huwag maiyak. Pero naputol ang mga tagpong iyon nang lumapit sa kanya si Jaed ang pangalawa sa mga tagapangalaga niya.

"Mahal na Reyna." Ang sabi nito sa Reyna.
Tumingin si Reyna Baguinua kay Jaed.

"Nababahala na po ako kay Awen dahil kanina pa siya umalis para kumuha ng pagkain, pero wala pa siya. Paparating na ang gabi at lubhang mapanganib ang kagubatang ito pagsapit ng dilim."

"May tiwala ako kay Awen, Jaed. Kaya niya ang sarili niya sa kahit na ano mang panganib ang dumating. Marahil ay nahirapan lang siyang maghanap ng makakain natin. " Ang tugon ni Reyna Baguinua.

"Marahil tama po kayo kamahalan. Kaya ni Awen ang sarili niya lalo na't sa ganitong lugar siya sinanay." Ang pagsang-ayon ni Jaed, pero hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang pag-aalala sa kasama.

Nakaramdam si Jaed ng tila pangangati sa kanyang batok. Hinampas niya gamit ang kanyang kamay ang nangangating batok nito at napansin sa kanyang kamay ang tila malagkit na likido. Mabilis niyang tinitigan ang kamay at nakita ang malagkit na pulang dugo sa kanyang palad. Kaagad na nakaramdam ng pagkabahala si Jaed pagkakita sa napisak na insekto sa kamay.

"Buknit..." Ang pabulong na wika ni Jaed habang hindi nito maalis-alis ang tingin sa patay na insekto sa kanyang palad.

Hindi siya puwedeng magkamali, alam niya na kapag mayroong Buknit sa paligid nangangahulugan lamang iyon ng panganib. Muling gumapang ang takot sa kanyang nararamdaman at napatingin sa kanyang Reyna na abala sa pagpapakain sa bagong silang na anak nito.

Iginala ni Jaed ang kanyang paningin para sa kanyang kasamahang si Awen. Sa di inaasahan ay biglang umalingasaw ang tila nabubulok na laman ng hayop kasabay ng mga ugong ng mga nagliliparang mga insektong Buknit.

Napatingin si Jaed sa kanyang Reyna na napatayo na rin dahil sa umaalingasaw na amoy at ang dumaraming mga insekto. Tumingin rin ang Reyna sa kanya na may takot sa kanyang mukha na tila batid nito ang nagbabadyang panganib.

"Culeriot..." Ang pabulong na wika ni Reyna Baguinua.

Ilang saglit lang ay naramdaman nila ang mga tunog ng mga naglalagutok at nagbabalihang mga sanga ng kahoy di kalayuan sa kanilang kinaroroonan.

Nilapitan ni Jaed ang kanyang Reyna Baguinua para protektahan siya at ang sanggol nito sa kanyang braso. Inihanda niya ang kanyang espada at naging alerto sa ano mang puwedeng mangyari.

Sa totoo lang ay hindi pa siya nakakita ng Culeriot kaya hindi pa niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakaharap na ang halimaw.

Napalingon pareho sina Reyna Baguinua at Jaed sa kanilang likuran ng biglang iniluwa ng mga mayayabong na mga damuhan si Awen na mabilis sa kanyang pagtakbo patungo sa kanila.

"Mahal na Reyna, takbo!!!" Ang malakas na sigaw ni Awen sa dalawa.

Hindi na nagdalawang isip pa sina Reyna Baguinua at Jaed pagkarinig kay Awen habang papatakbong papalapit sa kanila. Mula sa likuran ni Awen ay ang napakalaking lalakeng tinatawag na Culeriot na hawig sa isang Kapre.

Higit na mababangis ang mga Culeriot kung ikukumpara sila sa mga kamag-anak nilang mga Kapre. Kumakain Sila ng mga nilalang na alam nilang walang laban sa kanilang lakas. Gustong-gusto nila ang mga kababaihan na mas malambot at malasa ang laman ng mga ito.

Marahil ay natiyempuhan ni Awen na nangangaso ang Culeriot sa kanyang paghahanap ng pagkain. Malakas ang pang-amoy ng mga halimaw na Culeriot at kaya nilang sundan ang kanilang mga bibiktimahin kahit ilang milya pa ang layo ng mga ito.

Wala pang nakakaligtas sa bangis ng mga Culeriot. Kamatayan ang katumbas ng pagkakatunton ng Culeriot sa isang nilalang dahil hahanapin siya nito kahit saan man ito magtago. Ang pagpatay sa Culeriot ay itinuturing na ring isang malaking pagkakamali sapagkat nangangahulugan lamang ito ng paghamon ng pakikipaglaban sa diyosa ng lupa na si Labwad.

Ang tanging magliligtas lamang sa sino mang makaenkwentro ang isang Culeriot ay ang maitali ang hila-hila nitong tanikala sa isang matatag at matibay na pagtatalian nito. Pero wala pang nilalang ang nakakagawa sa pagtali sa tanikala ng isang Culeriot.

Pinauna ni Jaed sa pagtakbo si Reyna Baguinua habang inaalalayan siya nito na makalayo sila sa halimaw.

"Mahal na Reyna! Ililigaw ko ang halimaw tumakas na po kayo!" Ang malakas na sigaw ni Awen. "Jaed! Ikaw na ang bahala sa mahal na Reyna! Iligtas mo siya at protektahan ang kanyang sanggol!

"Hindi! Huwag mong gawin yan, Awen! Lahat tayo ay makakatakas dito at makakarating sa kagubatan ng diwatang si Mariang Makiling!" Ang biglang tugon ng nag-aalalang si Reyna Baguinua.

Kung magagamit lang sana ni Reyna Baguinua ang kanyang kapangyarihan ay madali nilang mapipigilan ang Culeriot. Hindi pa bumabalik ang kanyang lakas mula ng isilang niya ang kanyang panganay na anak.

Pero hindi nakinig si Awen sa kanyang Reyna. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan sa pagkontrol ng mga puno sa kagubatan. Pinagalaw niya ang mga sanga ng mga naglalakihang mga puno sa pamamagitan ng kanyang isip at pagkumpas sa kanyang kamay. Pero lubhang malakas ang halimaw. Lahat ng naglalakihang sanga ng puno na madaanan nito ay madali nitong nababali.

Sinubukan din niyang pagalawin ang mga naglalakihang ugat ng mga puno na sumilo sa dalawang paa ng Culeriot at sa pagkakataong iyon ay bumagsak sa masukal na lupain ng kagubatan ang halimaw.

Sa mga sandaling iyon ay nabuhayan ng loob si Awen na makakalayo na ang kanilang Reyna kasama si Jaed. Tumigil si Awen para dagdagan pa ang mga baging na kumakapit sa katawan ng Culeriot na ngayon ay umaatungal ng napakalakas.

Pansamantalang tumigil din sina Reyna Baguinua at Jaed ng makitang bumagsak ang halimaw.

"Awen, iwan mo na siya tara na kailangan na nating lumayo bago pa siya makaalis sa pagkakapulupot sa kanya ng mga ugat!" Ang tawag sa kanya ni Reyna Baguinua.

Pero alam ni Awen na hindi sila titigilan ng halimaw. Kailangan niyang maprotektahan ang sanggol at ang kanyang Reyna. Kailangan niyang isakripisyo ang sarili niya para lang masiguro niyang mailigtas ang mag-ina.

"Patawad mahal na Reyna pero sa pagkakataong ito ay hindi ko susundin ang utos po ninyo!" Ang malakas na wika ni Awen habang kinokontrol ang mga puno at halaman sa gubat. "Jaed itakas mo na ang mahal na Reyna at ang anak niya! Hindi ko na siya mapipigilan pa! Ilayo mo na siya dito dali!"

Pagkarinig ni Jaed sa kasama ay kaagad niyang inakay ang Reyna papalayo sa lugar. Pero hindi pa man sila nakakalayo ay nakawala na ang halimaw sa pagkakapulupot nito sa mga ugat ng mga naglalakihang mga puno. Hindi pa man nakakakilos si Awen sa kanyang pagkakatayo ay malakas na paghampas ang ginawa sa kanya ng Culeriot at tumilapon ito ng mahigit sampong metro ang layo sa kasukalan.

Pagkakita ng Culeriot sa papatakas na sina Reyna Baguinua at Jaed ay kaagad na hinila nito ang tanikala sa kanyang paa. Kumuha ng buwelo ang Culeriot at inihagis ang tanikala sa papatakas na sina Reyna Baguinua.

Mabilis na naabutan ng tanikala si Reyna Baguinua at pumulupot ito sa kanyang katawan. Pagkapulupot ng tanikala sa katawan ng Reyna ay mabilis na hinila ng Culeriot ito dahilan para bumagsak si Reyna Baguinua sa masukal na lupa at makaladkad papunta sa halimaw habang umiiyak ang sanggol.

Kaagad namang kinuha ni Jaed ang kanyang espada at pilit na pinuputol ang tanikala na nakapulupot kay Reyna Baguinua. Buong lakas at puwersa ang ginawa nitong pagtabak sa metal na tanikala. Pero lubhang matibay ang pagkakagawa sa tanikala na mapuwersang hinihila naman ng halimaw papunta sa kanya.

Pakiramdam ni Reyna Baguinua ay dito na magwawakas ang kanyang buhay. Kitang-kita niya na walang magawa si Jaed para makawala pa siya sa halimaw. Kailangan niyang iligtas ang kanyang anak, kailangang mabuhay ang kanyang bagong panganak na sanggol.

Kanina pa umiiyak ang kanyang sanggol na anak marahil ay nasaktan din sa kanyang pagbagsak sa lupa.

"Jaed!" Ang malakas na tawag niya sa kanyang tagapangalaga.

Hindi siya narinig ni Jaed dahil abala ito sa pagtabak sa napakatibay na tanikalang metal.

"Jaed!"Ang muling tawag nito sa kanyang tagapangalaga. Pero sa pagkakataong iyon ay napatingin si Jaed sa kanyang Reyna. "Itakas mo na ang anak ko! Iligtas mo na siya!" Ang pakiusap ni Reyna Baguinua.

"Pero mahal na Reyna..."

"Sundin mo ang utos ko! Itakas mo na ang anak ko dali!" Ang malakas na sigaw sa kanya ni Reyna Baguinua.

Kahit labag sa loob ay mabilis na kinuha ni Jaed ang sanggol sa kanyang ina. Nagdadalawang isip pa siyang iwan ang kanyang Reyna pero kailangan niyang iligtas ang sanggol at dalhin ito kay Mariang Makiling.

"Umalis ka na Jaed! Itakas mo na ang aking anak!" Ang sigaw ng umiiyak na si Reyna Baguinua. Biglang hinatak na ng malakas ng halimaw ang Reyna papunta sa kanya.

Awang-awa man si Jaed sa kanyang Reyna ay kailangan niyang iligtas ang sanggol para sa katuparan ng propesiya. Halos madurog ang puso ni Jaed ng makita niya ang kanyang Reyna na nakatitig pa rin sa kanila habang inilalayo na niya ang sanggol para dalhin kay Mariang Makiling.

Halos lumipad sa pagtakbo si Jaed masiguro lamang na ligtas na sila ng sanggol. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili dahil wala siyang nagawa para iligtas ang buhay ng kanyang mahal na Reyna.

Sumisilip na ang araw ng masilayan na ni Jaed ang mumunting dampa ni Mariang Makiling sa kabundukang kanyang nasasakupan. Halos maubusan ng hininga si Jaed sa sobrang pagkahapo para lamang masigurong hindi na siya nasundan pa ng Culeriot at ligtas na makakarating kay Mariang Makiling. Hindi na umiiyak ang anak ni Reyna Baguinua. Mahimbing ang tulog nito sa mga kamay ni Jaed na pasuray-suray sa kanyang paglalakad patungo sa bahay ni Mariang Makiling.

Tila inaasahan naman ni Mariang Makiling ang pagdating ni Jaed na kasama ang sanggol. Bumukas ang pintuan ng kubo at mula roon ay sinalubong sila ng umiiyak na si Mariang Makiling. Mabilis niyang kinuha ang sanggol kay Jaed at kaagad nitong hinalikan ang noo ng sanggol.

Continue Reading

You'll Also Like

405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
39.7K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
Adrasteia By CG

Paranormal

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...