The Coldhearted Beast πŸ’―

By Dream_Secretly

243K 4.8K 89

LAXAMANA SERIES 1 of 7 Angkan ng mayayaman. Pamilya ng katanyagan. His ARK GABRIEL LAXAMANA. Hinahangaan ng... More

The Coldhearted Beast
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30

EPILOGUE

11.7K 236 23
By Dream_Secretly

Hello po sa mga nakaabot dito! Love you guys :)

DALAWANG buwan pagkatapos nang insidenteng 'yon ay nagsimula nang maging maayos ang lahat. Nalinis ko na pangalan ni Dad, na-ibalik ko na ang magandang samahan ng mga Delos santos at mga laxamana, at ganap na rin ako Delos santos.

Maraming nangyari sa buhay ko. Mga pangyayaring nagpalakas at nagpatibay sa 'kin. Kaya ako nabubuhay bilang isang palaban na babae ngayon ay dahil sa mga napagdaanan ko. Nakilala ko rin si Gabriel dahil doon.

Francisco was dead. At ang mga anak niya ay nasa mental hospital na because of too much obsession. Lahat naman ng mga ito ay nagsimula sa obsession. Obsession na napunta sa pagiging halimaw ng isang tao.

Si Francisco laxamana ay adopted son ng mag-asawang laxamana (tito Gabriel's parents). Minahal siya at tinuring na parang isang tunay na laxamana pero sinayang niya lang lahat ng iyon. Dahil magkaibigan ang pamilya ni Daddy at ang mga laxamana ay nakilala niya si tita helen. At doon na nagsimula ang kaniyang obsession rito kahit may asawa na ito at dalawang anak na lalaki, si Lloyd at diego. Pinapatay ni francisco ang asawa niya nang hindi alam ng mga anak, ganoon siya ka-baliw. And then he met my mother sa isang bar, pina-ibig niya ito at ginamit upang sirain sila Daddy ngunit hindi siya nagtagumpay kaya siniraan niya ang mga Delos santos sa mga laxamana.

Marami na siya kaguluhang nagawa at dinamay niya pa pati ang dalawang anak. Mabuti nalang at natapos na ang mga kasamaan niya. Tinuloy ko pa rin ang pagpapasabog sa yacht niya dahil gusto ko na ring kalimutan ang lahat.

"Anung balak mo?" Di ko mapigilang tanong sa kaniya.

Nagkibit balikat siya at niyakap ng mahigpit ang lalagyan ng abo ng kaniyang mga magulang. Ito ang ginamit namin ni tito upang magsilbi nilang namatay na katawan para hindi maghinala ai francisco na nabuhay pa sila. "Siguro ay uuwi nalang muna ako sa probinsiya namin. At Doon ako magsisimula ng bagong buhay, tutal ay nandon pa naman ang bahay na na-ipundar nila mama at papa." Aniya sa mababang tinig.

"Liza..." Malungkot akong lumapit sa kaniya atsaka ko siya niyakap ng mahigpit. "Andito lang ako para sa 'yo. At kapag kailangan mo ako ay magsabi ka lang." Sabi ko.

Ngumiti naman siya atsaka tumango. "Salamat sandy ha? Dahil sa 'yo nakalaya ako."

"Magpasalamat ka rin sa sarili mo dahil kahit mahirap ay nanatili ka pa ring matatag." Sabi ko.

Sabay kaming napatingin sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Sandra na sapo sapo ang malaking tiyan. Ka-buwanan na niya ngayon. "Oh, ano pang ginagawa ninyo diyan? Nasa hapag na ang lahat kayo nalang ang wala." Nakangiting sabi nito. Tiningnan niya si Liza atsaka ngintian. "Liza, ninang ka nitong anak ko ha? Pagka-panganak ko bumalik ka kagad rito at nang maalagaan mo 'to." Sabi niya dahilan para matawa kami.

"Anu ka ba sandra...di pa nga ako nakakaalis ay pinapabalik mo na ako kagad." Natatawang ani ni Liza saka tumayo at itinabi ang abo ng mga magulang.

"Ay basta! Dapat ninang ka talaga!" Giit pa nito.

Tumawa nalang ako. "Halika na nga buntit at nang makakain kana." Natatawang sabi ko atsaka ko siya inalalayan palabas ng guestroom.

May hinanda kaming munting salo salo para sa lahat. At nang makarating kami sa hapag ay naka-pwesto na silang lahat. Kami nalang talaga ang inaantay. Hinatid ko muna si sandra sa tabi ni kuya atsaka ko pinaupo si liza sa bakanteng upuan sa tabi nito bago ako lumapit at umupo sa tabi ni Gabriel.

Kagad niya akong hinalikan sa pisngi at bumulong...."I miss you..." Namula ako doon lalo na nang nag-ayieee sila patty at mga pinsan.

Kumpleto kaming lahat ngayon, pati ang mga laxamana ay nandito rin. Si mama at ang manliligaw na si tito ron ay present rin. Pagkatapos kasi ng mga nangyari naging maayos na rin si mama kela daddy.

Napangiti ako ng tiningnan ko ang mommy ni Dark. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan habang pinagsisilbihan ni tito Gabriel. Nang makita niyang muli si Gabriel ay nagbalik na ito sa Dati. Ang anak lang pala niya ang lunas sa kaniyang pagkakatulala. Masaya akong maayos na sila.

Sa nakikita kong kasiyahan namin ngayon ay doon ko lang naisip na kahit muntik na akong mamatay ay sulit naman dahil naging maganda ang bunga nito para sa mga taong mahalaga sa 'kin. Wala na akong hihilingin pa sa pamilyang meron ako ngayon. Kuntento at masaya na ako sa naging samahan namin.

Lahat ng mga mata namin ay nabaling sa nakangiting si Daddy nang mag-ingay ito gamit ang kaniyang glass wine.

"Good afternoon everyone. My wife and I wants to thank you all for coming here and eat lunch with us. Masaya kami na pagkatapos ng lahat ng ating pinagdaanan ay nandito pa rin tayong lahat at nagkakasiyahan." Aniya atsaka napatingin sa 'kin. "And for you, my daughter...I thanks god that you got my talent in painting!" Aniya na nagpangiti sa 'kin. "Hindi ko akalain na mas magaling ka pa sa 'kin pagdating sa larangan na 'yon. Lalo mo akong pinasaya anak. And I am proud of you sandy." Dagdag niya pa.

"Thanks Dad." masayang sabi ko.
 

After all these years ay nakuha ko na rin ang pagtanggap at pagmamahal ni mama at Daddy sa 'kin. At kahit hindi sila magkasama ay masaya pa rin ako dahil napaka-bait ni tita helen sa 'kin at ramdam kong tanggap na niya ako.

WHEN WE finish dinner ay nagpaalam na muna kami ni patty sa mga matatanda para pumunta sa sementeryo. Kasama na rin namin sila mika at michael, pwera lang kay kuya at Sandra na nagpaiwan lang sa mansiyon. Bawal na kasing mapagod si Sandra.

Lumuhod kagad ako sa puntod ni buddy pagdating namin doon. Wala na siyang pamilya kaya kami na ang nagpalibing sa kaniya. Lahat ng mga ari ariang meron siya ay nakapangalan sa 'kin. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit binigay ni buddy lahat ng 'yon sa 'kin. Noong magpunta ako sa condo niya at mabasa ko ang sulat niya para sa 'kin ay doon ko lang narealize ang lahat.

He loves me. He loves me enough to give me his everything. Lahat ng pinundar at pinaghirapan niya ay ibinigay niya sa 'kin dahil mahal niya ako. Hindi bilang kaibigan O bestfriend lang pero higit pa roon. He wants me to take care of all his business at assets. He trust me enough to let me handle his business.

Alam niya sigurong mangyayari ito dahil matagal na niyang nailipat lahat ng ari arian niya sa aking pangalan. Because of him, I became a billionare in an instant. Sa sulat niya ay sinabi niya kung gaano siya kasayang makilala ako. And he said that he'll do everything just to protect, so he did and died....for me.

Ngumiti ako hinaplos ang pangalan sa lapida niya. Hindi na ako naiiyak tulad noong una kong punta dito. Sariwang sariwa pa kasi non at hindi ko pa matanggap, but later on i've realize that he don't want me to get hurt....at kung nandito pa siya paniguradong pagagalitan niya ako.

You will always be in my heart buddy....in our heart :)

"Sandy!" Napalingon ako kela patty. Kanina pa sila nagkakagulo sa likod ko, ang tanging ginagawa lang naman nila ay ang paglatag ng banig na hihigaan at uupuan namin.

Napailing nalang ako "Baka matapon na naman ang mga pagkain." Natatawang sabi ko sa kanila.

"Ang gugulo kasi ng mga ito eh!" Reklamo ni patrick sa mga pinsan.

Napatapik nalang ako ng noo nang magsimula na silang magkulitan at maghabulan. Dinamay pa ang mga inosente kong kapatid. Napangiti nalang ako habang pinapanood sila. Nakakatuwa kasi silang panoorin. Para silang mga bata kung magkilitian at maghabulan.

"Hey!" Napatingan ako kay Gabriel na umupo siya sa tabi ko.

Nginitian ko siya. "Bat hindi ka sumali sa kanila?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayaw." Parang batang aniya. Ngumuso pa siya dahilan para panggigilan ko ang ilong niya.

"At bakit naman po?" Malambing kong tanong.

"Kasi gusto ko ikaw lang ang kalaro ko." Sabi niya.

Lalo akong natawa. "Isip bata." Biro ko.

"Mahal ka naman." Parang proud niya pang sabi.

Ngumisi ako atsaka ko siya pinaulanan ng halik sa pisngi. "At mahal rin po kita." Malambing ko sabi. "Kahit suplado ka, masama ang ugali, cold, pasaway, snobber, at makitid ang utak....mahal pa rin kita." Sabi ko.

Sumama naman ang timpla ng mukha niya atsaka ako tiningnan ng masama. "Okay na sana eh. Bakit kailangan mo pang isa isahin ang mga ugali kong 'yon?" Ingos niya.

Natawa ako atsaka ko siya pinanggigilan sa ilong. "Kasi po, 'yong mga katangian mong 'yon ang minahal ko sayo." I honestly said.

"Totoo? Kahit masama akong tao, mamahalin mo pa rin ako?" Ngisi niya.

Tumango ako. "Kahit ikaw pa ang pinakamasamang tao sa buong mundo....mamahalin pa rin kita." Dahil kahit anong kasamaan ang gawin mo, ikaw pa rin ang pipiliin ng puso ko...kasi mahal kita.

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang pareho naming pinapanood ang mga kaibigan naming masayang naglalaro. Inakbayan naman niya ako at hinalikan ng paulit ulit sa noo na nagpangiti sa 'kin.

"Sandy...." Bulong niya sa pangalan ko.

Napapikit ako ng haplusin niya ang buhok ko. Marahan iyon at punong puno ng pagmamahal. "Hmm?" Tanging nasambit ko nalang.

"Can we start a new life together?" Tanong niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya atsaka ngumiti. "Hindi lang bagong buhay gabriel ang bubuoin natin ng magkasama, kundi pati magagandang alaala." Sabi ko atsaka ko siya ginawaran ng matamis na halik sa mga labi. "Bubuo tayo ng mga alaala at kakalimutan na natin lahat ng mapapait na nangyari sa atin." Sabi ko ng sandaling maghiwalay ang mga labi namin.

"Gusto ko 'yan sandy." Aniya atsaka ako siniil ng malalim na halik sa labi.

Napangiti ako. Wala na talaga akong hihilingin pang iba. Sapat na sa 'kin na kasama siya at tanggap niya kung sino at ano ako.

I love you Gabriel...my cold hearted beast. Masaya akong makasama ka sa pagbuo ng bagong buhay at mga alaala. And i know that buddy will be happy for us....because he wants you to take care of my heart. He trust you...and he believe that you can makes me happy. At hindi nga siya nagkamali doon. You always makes me happy and contented. And the most important thing is....I AM INLOVE WITH YOU :)

Yeheeey! Tapos na. Well guys! Hindi pa rin ako makapaniwalang natapos ko ito hahahaxD. Inspired ata ako eh hahahaxD.

Hulaan niyo kung sinong laxamana ang susunod hahaxD. Sana nagustuhan niyo ito. Feel free to ask me guys lahat ng questions niyo ay sasagutin ko.

I love you po! And i hope you can reads my other stories.

Note:
    Hindi masama ang mag-vote guys promise haha at hindi po ako snob....you can ask me anything wag lang tungkol sa math bwahahaha. Basta about sa kwento lang. Osya dumadaldal na ako haha ba-bye na po kayo kay sandy at sa abs--este kay Gabriel hahaxd.         
                       Dream_Secretly,

Continue Reading

You'll Also Like

42.6K 2.1K 39
(Completed) Parenting is a tough job but seeing your child smile and laugh is a worthy sight. -- "Laro tayo," biglang usal ko. I didn't know wher...
2.7K 71 18
Ang isinilang na anak ng mga aswang ang inaasahan ng lahat sa muling pagkabuhay ng lahat ng mga lahing aswang.Paano kung sa isang iglap lang mawawala...
73.9K 1.6K 45
He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the scene and posed as her new lover, he be...
387K 8.3K 71
She's really good looking in any aura That is audrey scarlet winter the spoiled brat girl who doesn't know how to love someone. Lumaking walang kinag...