The Coldhearted Beast 💯

By Dream_Secretly

243K 4.8K 89

LAXAMANA SERIES 1 of 7 Angkan ng mayayaman. Pamilya ng katanyagan. His ARK GABRIEL LAXAMANA. Hinahangaan ng... More

The Coldhearted Beast
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
EPILOGUE

CHAPTER 30

6.8K 130 1
By Dream_Secretly

PAGKAPASOK namin sa isang kwarto kung nasaan sila francisco at Diego ay napangisi nalang ako. Kita ko kasi ang gulat at pagkabahala sa mga mata nila.

"What the hell?" Rinig kong singhap ni Diego.

"Tapos na ang laro ninyo." Sapilitan kong pinaluhod ang sunod sunurang si Lloyd, nasa ulo pa rin niya nakatutok ang baril na hawak ko.

"Nakahawak ka lang ng baril ang tapang mo na! Bakit tingin mo ba mapipigilan kami niyan." Singhal ni Francisco. Hahakbang sana ito palapit sa 'kin ng pigilan siya ni Diego. "Get your brother Diego! Wag ka lang tumayo diyan. Kung kailangan mong patayin ang babaeng 'yan ay gawin mo!" Sigaw niya.

Pinanlisikan ko ito ng mata atsaka siya tinutukan ng baril at pinaputukan sa binti. Ilang mura ang nasabi niya pagkatapos niyang mapaluhod. "Hayop ka talaga francisco! Magbabayad ka sa mga ka-hayupang ginawa mo!" I gritted my teeth. "Hindi ko pa nakakalimutan ang panggagamit mo sa mama ko para masira si Daddy kay tita helen! Manang mana sa 'yo ang mga anak mo. Mga makasarili at pilit pinagsisiksikan ang sarili sa isang babaeng hindi kayo magawang mahalin!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mga niya nang sunod sunod kaming nakarinig ng putukan. Halos sabay sabay pa silang napamura doon.

"Walanghiya ka!" Sigaw niya habang masama ang tingin sa 'kin.

Umiling ako. "Hindi ako. Ikaw ang walanghiya." Sabi ko atsaka ko tinutukan ng baril si Diego ng akmang lalapitan nito ang ama. "Tumigil ka riyan! Isa ka pa diego! Hindi ka na rin nalalayo sa ama mo! Mula nang dumating ka sa buhay ko lalong nagkande-leche leche ang buhay ko! Sinira niyo ang buhay namin!" Galit kong sigaw sa kaniya.

Humalakhak si Francisco at kasabay non ay ang pagpasok ng mga pulis sa kwartong kinaroroonan namin. Isa isa namang pinosasan ng mga ito ang mag-ama.

"Tang*na! Bitawan niyo nga ako!" Rinig kong reklamo niya.

Nginisian ko siya ng huminto ito sa harap ko. "Tapos na francisco. Mabubulok kana sa kulungan." Sabi ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago siya hinila nang dalawang pulis palabas. Sumunod naman kagad sa kaniya ang mga anak na kapwa nakaposas na rin.

Nang maiwan akong mag-isa roon ay kusa nalang akong bumagsak sa sahig. Bukod sa masakit na ang sugat ko ay parang bigla nalang akong nanghina.

Napahagulgol ako. Tapos na. Mabubulok na sila sa kulungan. Mabibigyan ko na nang hustisya ang mga taong namatay nang dahil sa kanila.

"N-Natapos ko na b-buddy. Mabibigyan na k-kita ng hustisya." Hagulgol ko.

Napadaing ako nang lalong kumirot ang sugat ko. Hinawakan ko 'yon at don ko lang napansin ang pag-agos ng masaganang dugo mula doon.

"S-Sandy!" Nagulat ako nang bigla akong umangat sa ere. "Thanks god! You're okay!" Aniya habang inilalabas ako sa kwartong 'yon.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "G-Gabriel..." nanginig ang boses ko. Hindi ko akalain na susundin niya pa rin ako rito pagkatapos nang mga nalaman niya. Napatawad na ba niya ako? Hindi na ba siya galit sa 'kin? Ano bang nararamdaman mo ngayon Gabriel? Hindi kasi kita mabasa.

Pagkalabas namin ng yacht ay doon ko lang naalala ang mga bombang tinago ko sa iba't ibang sulok nun. Nasa bulsa ko ang maliit na remote at isang pindot ko lang don ay tiyak na sasabog na ang pinakamamahal na yate ni Francisco.

Napabuntong hininga nalang ako atsaka tiningala si Gabriel na seryoso lang sa paglalakad. Hinaplos ko ang mukha niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. "I-Im sorry..." halos pabulong ko nang sabi. "M-Malaki ang kasalanan ko sa 'yo at sana m-mapatawad mo a-ako. Mahal na Mahal kita Gabriel." Bumuhos na naman ang masagana kong luha sa pisngi ko.

Gusto ko nang kalimutan ang lahat, to start a new life with him.....with my family...my love ones. Tapos na ang laban ko. Mabubulok na sa kulungan sila francisco. Wala nang manggugulo sa amin. Isang malaking kalabisan na ba kung hilingin kong, sana ay maging masaya na kaming lahat? Na sana kalimutan na namin lahat ng nangyari?

Gusto ko nalang palitan ang mga mapapait kong alaala ng mga masasaya. Gusto kong alalahanin ang mga alaala nang taong nagbuwis ng buhay, lalo na ang buhay ni buddy nang masaya at walang halong sakit. Gusto kong paka-ingatan ang mga alaalang iniwan nila sa 'kin. Gusto kong mahalin ang buhay ko katulad nang pagmamahal ni buddy rito.

Si buddy....alam kong namatay siya dahil sa 'kin. At gusto kong alalahanin siya bilang isang kaibigang handang gawin ang lahat para sa 'kin.

"Pwede bang magsimula tayo ulit Gabriel?" Mahinang tanong ko.

Tiningnan ko siya sa mata. Hindi siya sumagot tanging titig lang ang nagawa niya habang buhat buhat ko. Natatakot ako na baka ayaw na niya. Na baka galit na talaga siya. Baka hindi na niya ako mahal at tanging galit nalang ang nararamdaman niya sa 'kin. Natatakot ako.

Napapikit nalang ako. At biglang napapitlag nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril. Nabalot ng takot ang buong sistema ko nang muli kong balingan si Gabriel. Nagsisimula na itong maglakad ulit habang buhat pa rin ako. "W-What was t-that?" Kabadong tanong ko.

"I-I dont know!" Aniya.

"I-Ibaba mo ako!" Natatarantang sabi ko sa kaniya. Pero hindi man lang niya iyon pinansin bagkus ay nagtuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad. "Gabriel!" Sigaw ko. "Ibaba mo sabi ako!" My god! Ano na naman bang nangyayari! Sana walang napahamak! Shit!

"No!" Sigaw niya pabalik.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang kulit! "Kapag hindi mo ako binaba, tatalon ako. And i swear wala akong pakialam kahit mas lalong dumugo itong sugat ko." Sabi ko.

"What the hell?" Iritableng aniya atsaka muling huminto sa paglalakad. "Ang tigas ng ulo mo!" Sabi niya pa atsaka ako dahan dahang ibinaba. Napairap nalang ako. Ibababa rin naman pala ako, aarte pa. "At san ka naman pupunta?!" Inis na tanong niya nang mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng barilan.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang sapo sapo ang aking sugat. Napangiwi ako at pilit binalewala ang sakit. I need to make sure that they're safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila. Hinding hindi ko mapapatawad sila francisco kapag may buhay na naman silang sinira.

Natatanaw ko na ang mga nagkalat na mga pulis at nagkakagulong mga pamilyar na tao nang higitin ni Gabriel ang braso ko dahilan para mapahinto ako. "What are you thinking?!" Singhal niya.

"Ano ba?!" Inis na iwinaksi ko ang kamay niya sa aking braso. "Hindi mo ba nakikita ang pamilya mo doon gabriel?! Kapag nagmatigas kapa diyan at hindi ako nakapunta doon! Posible silang mapahamak! Naiinitindihan mo ba 'yon?!" Sigaw ko sa kaniya. Naiinis ako, Tang*nang francisco'ng 'yon! Mukhang hindi talaga titigil sa paghahasik ng kasamaan! Lintik siya!

"Paano ka?! May sugat ka! Tingin mo may magagawa ka?! Huh?! Baka lalo mo lang mapahamak ang sarili mo!" Aniya.

"Wala akong pakialam!" Seryosong sabi ko bago ako tumakbo palapit kay francisco na pinapalibutan na nang mga pulis ngayon.

"Anung nangyayari?!" Tanong ko sa kanila pagkatapos kong tuyuin ang mga luha ko.

Kaagad lumapit si Liza sa 'kin. "Nanlaban si Francisco sandy pagkatapos ay hinila nito ang tita helen mo. Balak niya itong isama sa pagtakas upang gawin na ring hostage." Paliwanag niya.

Napamura ako. "Paano ba 'yang nakatakas?! At anung ginagawa ni tita helen dito?! Wag mong sabihing nakuha rin siya ni francisco dahil tang*na, marami akong inatasang magbantay sa kaniya!" Gigil kong sabi.

Naiinis ako. Lalo na't nakikita ko ang mga pulis na nakatayo lang at tinitingnan ang hayop na francisco na 'yon habang umaatras kasama si tita. Damn! May mga baril nga wala namang ginagawa!

"At bakit nandito ang mga laxamana?! At ang pamilya ko?!" Inis kong tanong habang naglalakad palapit sa kanila Daddy. Kumpleto silang lahat doon sa harap ng isang van at nagkukumpulan. Nandon pa sila mama at ron. I'm sure nandito rin si tito Gabriel.

"Sandy!" Agad nagliwanag ang mukha ni mama nang makita ako. Lumapit siya sa 'kin at kagad akong niyakap. "Sobra akong nag-alala sa 'yo." Hikbi niya.

Napabuntong hininga ako atsaka kumalas sa yakap niya. Hinila ko siya palapit kela daddy. Nang silipin ko ang loob ng van ay nakita ko si mika na wala na namang tigil sa kakaiyak habang pinapatahan ni michael.

"Sandy," Napatingin ako kay Dad ng yakapin niya ako. Pagkatapos non ay bigla siyang lumayo sa 'kin at tiningnan ang nagdurugo kong tagiliran. "M-May sugat k-ka?!" Namumutla nitong sabi.

Pilit lang akong ngumiti. "Malayo ito sa bituka Dad." Sabi ko. Atsaka tiningnan si kuya na nakikipag usap na ngayon sa mga laxamana. Nandon na rin si Gabriel at kausap ang ama niya. Napangiti ako, masaya akong nakikitang maayos na sila.

Sinulyapan ko saglit sila mika at michael sa loob ng van bago ako nagpaalam kay papa at lumapit kay ron.

"Ron," Tawag pansin ko sa kaniya.

Humarao ito sa 'kin. "I'm glad you're safe miss." Aniya.

Tumango lang ako at muling sinulyapan sila francisco at tita helen. "I need gun." Sabi ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako na para bang alam niya na ang iniisip ko at hindi siya sang-ayon roon. "Hindi mo na kailangang gawin ang binabalak mo, miss. Everythings are planned. May mga snipers nang nakakalat sa gilid, hinihintat nalang nila ang go signal ko." Aniya sa seryosong tinig. "Maliligtas natin ang tita helen mo. You're dad trust us for this." Dagdag niya pa.

Bumuntong hininga ako atsaka napatingin kay Dad na tulala na ngayon. At halatang problemado. I know he's cared. Asawa niya ang nasa kamay ni francisco, im sure hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama rito.

"Ron, hindi pwedeng tumayo nalang ako rito. What if...makatakas ang hayop na 'yon at mapahamak si tita?! Hindi ko kayang mangyari 'yon."

"Kung papayagan kita...paano ang plano namin? Paano ka?"

"Tuloy pa rin ang plano ninyo. Just give me a gun!" Sabi ko.
"and Make sure that no one will follow me. May sugat si francisco sa binti kaya hindi iyon makakatakas kagad. Sabihin mo sa mga snipers mo na pagkalapit ko kay francisco ay barilin nila ito sa kamay para mabitawan niya si tita." Alam kong delikado itong gagawin ko. Pero kailangan ko pa ring subukan. Wala akong pakialam kung mamatay man ako. The hell i care!

"Kailan ka ba susunod sa 'kin?" Sumusuko niyang aniya. Ngumisi lang ako at palihim na tinanggap ang baril na inaabot niya.

Abala ang lahat kaya walang nakapansin sa pag-alis ko. Kagad kong nilapitan ang lider ng mga pulis at binulungan. "Paatrasin mo lahat ng mga pulis. Puntahan niyo ang mga taong nandon." Turo ko sa kinaroroonan nila ron. "Siguraduhin niyong walang makakalapit sa kanila rito kapag nagkaputukan na." Utos ko sa kaniya.

Agad naman niya iyong sinunod. Akala niya siguro ay isa akong agent o ano kaya niya ako sinunod. Atsaka tama lang 'yon dahil wala naman silang ginagawa.

Pagkaalis ng mga pulis ang binalingan ko ang pa-ika ikang si francisco habang hawak niya si tita helen na pilit nagpupumiglas. Tinakbo ko ang pagitan namin, at nang makita niya ako ay kagad niya akong tinutukan ng baril.

"Puny*ta! Ikaw na naman!" Sigaw niya.

"Ganyan ka na ba ka-duwag francisco at nagtatago ka nalang sa likod ng isang babae!" Singhal ko sa kaniya.

Kita ko ang inis sa mukha niya kaya't hindi na ako nagulat ng paputukan niya ako at tamaan ako sa braso. "Sandy!" Kita ko ang takot at pag aalala sa mga mata ni tita.

Tumayo ako at ininda ang sakit. Maya maya lang rin ay nagpaputok na ang mga snipers na sinasabi ni ron. Tinamaan ang braso ni francisco dahilan para mabitawan nito si tita.

Tumakbo si tita palapit sa 'kin habang patuloy namang pinapaputukan si francisco, pati ako ay pinaputukan na rin siya.kaya ganun nalang panlalaki nang mga mata ko nang magkaroon pa ito ng lakas para itutok ang baril na hawak sa tumatakbong si tita helen.

Napatingin ako kay tita at parang bumagal ang oras nang mga sandaling iharang ko ang katawan ko kay tita helen. Kasabay nun ay ang panlalaki ng mga mata ko at unti unting pagbagsak ng katawan ko. Nanghihinang nabitawan ko ang baril na hawak.

Ito na ba ang katapusan ko? Kung ito na nga 'yon...siguro ay pwede na rin akong mawala. Atlis maiiwan ko silang maayos na.

Napaubo ako ng dugo ng iangat ni tita ang ulo ko. "S-Sandy..." Nanginig ang boses pati ang buong katawan niya. "M-Magpakatatag ka...." Nanginginig niyang pakiusap.

Muli akong umubo ng dugo. Nanghihina man ay pilit kong inabot ang kwelyo ng damit niya atsaka ko ito hinila palapit sa 'kin hanggang sa tumapat sa labi ko ang tainga niya.

"F-Forget everything a-and be h-happy tita h-helen......."

Awwww....sana na-satisfy ko kayo. Hmmm siguro may mga iba na hindi ito nagustuhan but im still thankful na binasa niyo pa rin ito. Maraming maraming salamat po sa mga nagustuhan ang storyang ito. Mahal ko po kayo!

Next chapter is the Epilogue.

Happy reading guys!

Continue Reading

You'll Also Like

224K 5.8K 55
Are you ready to have a stalker? A handsome stalker who will turn your life upside down. Rhine Luther Waye, a stalker and weird guy. Queeni Lhizhete...
20.5K 384 41
"I heard you're a player. Nice to meet you, I'm the Captain." (COMPLETED)
87.9K 3K 118
Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagtitiis ay naranasan na din niya. Paano k...
75.3K 1.2K 12
Linus Morgan is a billionaire business tycoon. Born with a golden spoon in his mouth, he grows up that most of the people in society respect him and...