Reforming the Villainess (Rei...

Od loeyline

583K 30.2K 10.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [Reincarnation Series 1: COMPLETED] Highest rank: #7 in Fantasy Niana just wants to... Více

Disclaimer
Characters Board
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Epilogue: North
Author's Note
Special Chapter: Austin
The Second Lead's Retribution
A little disclaimer
Group Page
ANNOUNCEMENT!!!
RTV Physical Book is here!
RTV Book is now on Shopee!
Playing With Trouble: Austin's Sequel

Chapter 4

18.8K 1K 221
Od loeyline

#RTVillainess04


FOR A STRAIGHT week, palagi kong binibigyan ng moment ang dalawa tuwing lunch. Because that's how the story goes!

Mukha rin namang wala 'yon kay Austin at Jamila dahil wala naman silang sinasabi. Nasanay na rin sila siguro? Kasi since, three days ago, nagkukusa na silang magtabi at sabay na bumili ng lunch. I even saw Austin waiting for us, one time.

Nakangiti akong naglalakad sa hallway ngayon habang papunta sa first subject ko. Nauna si Jamila papasok sa akin ngayon, kaya mag-isa lang ako.

"Hey!"

Napasinghap ako nang muntik na akong bumangga sa isang naglalakad kung hindi lang maagap si North at hinawakan ang braso ko.

"What are you thinking that you can't notice that you are about to bump to someone?" his forehead creased.

"Si Austin at Jamila," I blurted out pero agad kong natutop ang bibig ko dahil doon.

Ilang araw na rin nagtatanong si North kung bakit ba lagi akong nakatanaw kila Austin at Jamila pero hindi ko siya sinasagot at iniiba ko na lang ang usapan. I also made sure na hindi ko babanggitin ang pangalan ng dalawa . . . nabigo nga lang ako ngayon.

"Aren't you engaged to Austin? Bakit parang masaya ka pa yatang nakikita siyang may kasamang iba?" matabang na wika niya.

"W-Wala! At saka, hindi pa naman confirmed kung matutuloy ang engagement namin!" umiwas ako ng tingin. Napaawang ang labi ko nang bigla akong may naisip kung bakit siya curious na curious. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at naawa ko siyang tinignan.

"Anong tingin 'yan?" inis na tanong niya.

"Are you jealous of seeing them together?" kunwari'y gulat na tanong ko pabalik.

"Of course not!" medyo pasigaw niyang sagot.

"Do you like Jamila?" diretsong wika ko. Hindi siya sumagot at napatakip ako sa bibig nang may ma-realize na naman. "Wait . . . Don't tell me you like Austin instead?!"

Napaatras siya sa sinabi ko at tinignan ako na parang na-offend ko siya sa tanong ko.

"I'm straight as fuck, Chantal!"

Nakahinga ako nang maluwag doon at napahawak pa ako sa dibdib ko sa lakas ng dagundong ng dibdib ko. Phew. Kinabahan ako doon ah. Akala ko naligaw na 'yung kasarian ni North.

I have nothing against him changing his sexual orientation but . . . sayang kasi e.

"Then, you like Jamila?"

'Di ba? 'Yon lang 'yon? Dineny niya 'yung kay Austin pero hindi kay Jamila. Oh gosh! I feel bad for North.

Kaso bakit parang napaaga naman yata 'yung nararamdaman ni North kay Jamila? Supposed to be, North will realize his feelings for Jamila in the "hatid-pauwi" scene.

I gasped. Which is today!

Today, I will meet the famous twin models. Lily and Jeremy. Sila dapat ang kasama ni Brielle sa pagpapahirap ng buhay ni Jamila dahil lang sa gusto siya ni Austin. Sila rin ang susulsol kay Brielle na gawin ang mga 'yon, kahit na nagiguilty na si Brielle.

Yes. Dapat titigilan ni Brielle ang paggulo sa buhay ni Jamila, pero dahil siya nga ang kontrabida. Tinuloy pa rin niya.

"North, nasusundan mo 'yung slides?" bulong ko sa kanya.

Hindi ako makakopya ng notes dahil sa bilis mag-next ng professor namin. Sumuko na lang ako at sinara ang binder ko.

Sinundot ko sa braso si North na hindi ako kinikibo at seryoso lang na nakatingin sa harap.

"Pakopya ako ng notes mo ha?" bulong ko ulit.

Hindi pa rin siya kumikibo kaya napangiwi na lang ako at kay Jamila bumaling.

"Nasusundan mo si Sir?" mahinang usal ko. Umiling siya sa akin.

"Hindi na ako nagsulat. Ang bilis ni Sir e," aniya.

Napa-buntonghininga ako. Ang damot naman kasi nito ni North. Akala mo naman exam 'to tapos makikikopya ako sa sagot niya.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos ang klase na wala akong nasulat na kahit isang lecture. Humarap ako kay North para magtanong ulit kung pwede ba hiramin ang notebook niya pero nilagpasan niya lang ako dire-diretsong lumabas sa classroom.

Napanguso ako at napaisip kung may nagawa ba akong mali. Nagalit ba siya kasi kinakausap ko siya habang nagka-klase? Hindi naman siya na-distract ah? Naka-tatlong recit nga siya ngayong araw.

Baka nagmamadali lang sa susunod na klase?

Winaglit ko na lang ang nangyari sa isipan ko at pumunta na sa susunod kong klase.

Papasok na dapat ako sa classroom nang may humarang sa akin. Bright clothes, two identical faces, one woman and a gay.

Lily and Jeremy Bautista.

"Hello, Brielle!" maarteng bati ni Lily. Pumipilantik pa ang kamay ni Jeremy na kumakaway sa akin.

Binigyan ko sila ng maliit na ngiti at akmang lalagpasan sila ng hawakan ako ni Lily sa braso.

"Wait. We want to be your friends!" nakangising sambit ni Jeremy. Tinignan ko silang dalawa mula ulo hanggang paa. Mukhang natuwa sila sa ginawa ko dahil nag-pose pa sila.

"Models kami. That's why we're gorgeous," mayabang na dagdag ni Lily.

Napangiwi ako sa sinabi niya at bahagyang natawa. Kumunot naman ang noo nila dahil doon.

"I find your clothes . . . corny?"

Tumagilid ang ngiti nila dahil sa sinabi ko. Totoo naman. Puro neon ang kulay ng mga suot nila. Ang dami pang layers.

Jeremy scoffed, looking offended by what I said.

"We're models! The reason why the fashion industry loves us is because we know the right clothes to wear," aniya.

"True! Excuse me?" dagdag ni Lily.

Tumingin ako sa hallway. "Malawak naman 'yung daan ah?"

Lalo silang nainis sa sinabi ko at parang nag-usok ang ilong. Pinigil ko ang ngisi ko dahil bigla kong naalala ang masungit na si North sa party.

Natututo akong mambara dahil sa kanya e.

"Hindi mo ba alam na makakatulong kami sa popularity mo?"

"Aanhin ko 'yun?" balik kong tanong sa kanila. "Save it. I don't need that."

Nakanganga sila nang talikuran ko. Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. I flipped my hair as I went inside.

Besides, carrying my surname already gives me the attention and popularity almost everybody craves. Especially, being rumored as Austin Kent Alcantara's soon-to-be fiancé.

And I don't like to associate myself with them. They are social climbers. Gusto lang din nila ang atensyon.

Duh! Bagong buhay na rin kaya si Brielle.

Sa totoo lang, lahat ng mga masasamang ginawa ni Brielle ay ideya nilang dalawa. They are plastics. In the original plot, Austin will get mad at Brielle and will call off the planned engagement.

They don't care about Brielle at all. They even loved the attention that was given to Brielle after she bullied Jamila. Even though, most of them are negative.

"NASAAN si North?" tanong ni Jamila habang kumakain kami sa canteen.

"Sabi niya may aaralin daw siya. Hindi muna siya kakain," sagot ni Austin.

"Sayang gusto ko sanang kumain ng kwek-kwek ngayon," nanghihinayang na sambit ko.

Galante kasi si North e. Siya palagi nagbabayad ng kwek-kwek na kinakain ko. Nanlilibre pa siya ng shake pagkatapos.

"Ah. Focus talaga sa pag-aaral si North 'no?" ani ni Jamila.

"You have no idea," natatawang tugon ni Austin. "He looks like an asshole and act like an asshole but he prioritizes his studies more than anything else. Hindi ko nga alam kung paano niya nama-manage na maging captain ng soccer team, and the same time, a law student."

Now that Austin mentioned it. Oo nga pala, North is also the captain of the university's soccer team. He was a back-to-back champion even when he was still in high school.

"Law student pala siya?" gulat na tanong ni Jamila.

Yes. He also wants to be a public servant. He wants to enter politics just like his parents. Sagot ko sa isip ko.

"Yep!" Austin answered, popping the 'p'.

"Ay Jamila! May bibilhin kasi ako sa mall mamaya and isasama ko si Kuya Niño. Hindi kita maisasabay pauwi, since mauuna ang dismissal ko dahil absent ang professor ko ng last subject."

Pinalungkot ko ang mukha ko para mas magmukhang nahihirapan ako na iwan siya.

"Do you want me to drive you to the mall na lang?" suhestyon ni Austin. Nabigla ako doon. Dapat si Jamila ang offer-an niya!

"No! Gustong ma-monitor kasi ni Papa kung saan ako pumupunta kaya kay Kuya Niño na lang ako magpapasama!" pagsisinungaling ko. "Si Jamila na lang ang ihatid mo pauwi!"

"Okay," mabilis na sagot ni Austin na ikinangiti ko. Halos mapapalakpak pa ako.

Mabilis kong tinago ang ngiti ko nang sulyapan ako ni Jamila.

Buong oras na nasa klase ako ay iniisip ko lang ang mga mangyayari mamaya.

Ang dapat na mangyayari sa scene na 'to ay kokomprontahin ni Brielle si Jamila sa pagiging malapit niya masyado kay Austin. Naiinis din kasi si Brielle sa katotohanan na, kahit ang notorious na si North ay ayos lang sa presensya niya. She was envious of her.

Pagtutulungan nila si Jamila and the two best friends who happened to be driving away from school will saw what is happening and will save Jamila.

Umiwas ako sa main hall na maglakad para hindi ako makita ni Jamila na nandito pa ako sa school. Naglakad ako sa likod ng building ng huling klase ko papunta sa parking lot.

Hinihintay ko si Kuya Niño nang huminto sa harap ko si Lily at Jeremy na masama ang tingin sa akin. Parang isang maling sabihin ko lang ay sasabunutan nila ako.

"May problema ka ba sa amin?" sabay nilang tanong.

I shrugged. "I just don't like you," I replied shortly.

"At gusto mo 'yung Jamila na laging kasama ni Austin? Ano bang meron sa kanya?" singhal ni Lily.

"Mabait kasi siya," kibit-balikat kong sagot.

"Are you saying that we're not? We're rich! Famous! You should be hanging out with us! Don't you know that if you hangout with cheap people, you're also becoming one like them?" Jeremy angrily added.

"I know. That's why I don't want to be friends with you," I boredly replied. "You're wasting my time. Please leave. I have to go somewhere," I said, dismissively.

Inangat ni Lily ang kamay niya. "If you're going to slap me, make sure that it won't leave a mark. Alam niyo naman siguro kung ano ang kayang gawin ng mga Padua?" nakangisi kong tanong sa kanila na lalo nilang kinainis.

"You'll pay for this!" gigil na sambit ni Jeremy bago sila umalis sa harap ko.

Nakangiti akong naghintay kay Kuya Niño. It felt so good to say those things to them. They deserve it.

Hindi na uto-uto si Brielle. Reforming a villainess isn't as hard as I thought it would be.

Naputol ang iniisip ko nang makita ko si North na naglalakad patungo sa akin.

"North-"

Tumalikod ako para tignan siyang nilagpasan lang ako. Anong problema no'n? Mabilis siyang sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot 'yon paalis.

Anyways, ayokong problemahin muna siya dahil mas iniintindi ko ngayon ang pagkikita ni Austin at Jamila. The friendship of the Bautista twins and Brielle is stopped, so, the bullying of Jamila won't happen-

I gasped when I realized something. What if . . . What if they go to Jamila?

Nanlalaki ang mga mata akong tumakbo papaalis sa parking lot at tinungo ang waiting shed kung saan naghihintay si Jamila.

Hindi nga ako nagkamali. Dahil nasa harap ngayon ni Jamila ang kambal. Nagpuyos ang galit sa loob ko nang itulak ni Lily ang balikat ni Jamila.

Inangat niya ang kamay niya at mabilis akong humarang kaya ako ang nasampal ni Lily. Rinig ko ang pagsinghap nila sa nangyari.

Ouch ha! Ang sakit no'n!

Hindi ko naman alam na masasaktan ako ng ganito habang finufulfill ko ang happy ending ni Austin at Jamila. Pati na rin ang akin!

"Oh gosh, sorry, Brielle . . ." kinakabahang sambit ni Jeremy.

"Dahil lang ayaw kong makipagkaibigan sa inyo, si Jamila ang pupuntiryahin niyo?" sigaw ko sa inis.

"She deserves it! Social climber!" sigaw ni Lily.

"Ano?!"

Napigtas ang pasensyang kanina kong pang pinipigilan at sinugod siya. Hinablot ko ang buhok niya at hindi naman nagpatalo ang gaga! Hinablot din niya ang buhok ko. Nakalmot din niya ako sa braso. Si Jeremy naman ay nilapitan si Jamila para sabunutan din.

"Shit, Brielle!"

"Chantal!"

Naramdaman ko na lang na may humila sa akin papalayo kay Lily pero nagpupumiglas pa rin ako at pilit na inaabot si Lily.

"What the hell are you doing? Are you out of your mind, Chantal?" dumagundong ang boses ni North sa pwesto namin.

"Ano 'to?" kunot-noong wika ni Austin na nakatingin sa kambal na nanginginig ngayon sa takot.

Kumawala ako sa hawak ni North at nilapitan si Jamila na tahimik na nakatayo sa likod ko. Nakaharang sa harap ko kanina si Austin at North.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Napansin kong mas marami ang kalmot niya. Hindi 'man lang ba siya lumaban kay Jeremy?

Nasobrahan ka naman masyado sa bait, Jamila.

"You're bleeding," turo ni Austin sa braso ko. May isang mahabang sugat doon.

"Jamila's wounds need to be tended-"

"Brielle, let's get you to the clinic."

"Let's go."

Hindi ako nakaimik nang hilahin ako ni North paalis doon at diretsong isinakay sa kotse niya. His face is dark and void from any emotions.

Pakiramdam ko magsalita lang ako ay masisigawan niya ako. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Umiigting ang panga niya at mahigpit ang hawak sa steering wheel habang paalis kami doon.

Tumingin na lang ako sa harap ng sasakyan niya at doon ko lang napansin ang isang plastic na may kwek-kwek.

"Anong ginagawa niyo ni Jamila doon?"

Nilamig ako sa paraan ng pagtatanong niya. It was full of rage.

And right there and then, I remembered something I wrote after this scene.

Austin who found out who the mastermind of the attack was, called off his planned engagement. And North who has growing feelings for Jamila, avenged what happened to her and bullied Brielle. Making the villainess' life a living hell.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

209K 11.5K 48
One accident greatly changed her reality. She thought she was going to die for sure, but strangely enough, she survived. But what awaited her was so...
73.4K 4.4K 59
Empire Series No. 2 "As ancient as the moon itself, the meaning of moonstone lies within its energy." Stone Jimenez is already contented in her simpl...
388K 12.9K 44
Celestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of th...
715K 26.2K 55
Alexander Blaz, the Fire Prince, never smiled again after his best friend, the princess, died in front of him ten years ago. Until one morning, his l...