A Broken Hearted's Diary

By EijeiMeyou

8.8K 328 110

☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ What will you do when you know that your end is near? EijeiMeyou® More

ABHD1
ABHD2
ABHD3
ABHD4
ABHD5

A Broken Hearted's Diary

4K 84 26
By EijeiMeyou

Carryl's POV

September 2, 2010

Did you ever tried loving a man secretly? It's just like hanging on a thin thread hoping not to fall in to the cliff youre on to, right? And only you and God know how it hurts.

He told me not to care and I said "fine! Whatever!" Hindi ko naman inaasahang tototohanin niya iyon, eh. Akala ko lokohan lang. Kung kailan nahulog na ako ng tuluyan sa kanya, saka pa niya ako sasabihan ng ganoon. Every time na titigan ko siya, feeling ko, ang tanga tanga ko kasi pinatulan ko ang kababawan niya.

Isn't he aware that I'm falling for him every time he denies me? Malamang hindi. Kung hindi lang siguro kahiya-hiyang tignan na ang babae ang manliligaw sa lalake, marahil ay ginawa ko na. Well, that's just a thought lang naman. I like him a lot and he hates me to the highest level. Will it work? The answer is NO. With a capitalized 'N' and 'O' as in NO

Dapat nakalimutan ko na sya kasi dahil alam ko naman na kahit pangalan ko ay hindi na niya maalala. Dapat deadma na siya para sa akin kasi ganoon na rin naman niya ko ituring, eh.

Medyo nahihilo na rin ako, physically and emotionally. Miss ko na siyang kausap.

C.A.

***

September 4, 2010

I can't give up talaga. Kaninang umaga, nakita ko siya. Ang saya-saya nya habang kasama niya ang mga kaibigan niya. Ang sakit. Sana ako ang kasama niyang ganoon. 'Tapos no'ng tumingin siya sa akin, biglang nawala iyong ngiti niya at lumayo na siya. Nang-iinis ba siya? Anong kasalanan ko?

He's really a guy full of shit at ako naman si super bitch, super gaga at super tanga na patuloy na nagpaparamdam! Kainis.

Nakuha ko ang cellphone number niya. I called him pero no'ng sinagot na niya, 'di ako nagsalita. Parang nakakahiya na hindi ko maipaliwanag.

P.S. 'Di ako nakasulat nung September 3, nagpa-check up kami. Medyo nahihilo na talaga kasi ko, eh.

C.A.

***

September 9, 2010

Hay naku. Talagang may nalagpasan na akong mga araw kasi ilang araw na akong nahihilo. 'Di pa daw naman lumalabas ang result ng mga test na pinaggagagawa ng mga doctor sa akin sabi ni papa.

Kakapagod na nga, 'tapos medyo stressed pa ako dahil sa lalaking iyon. Kainis naman kasi talaga. Siguro makakalimutan ko rin siya pero siiguro, matagal pa. I can't move on pa nga, eh, lalo na't araw-araw ko pa naman siyang nakikita. Nalaman ko din na sinasabi niyang papansin daw ako sa kanya. Hello? Wala na nga akong ginagawa para mapansin niya, 'no!

Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin yung akala niyang iyon, 'di ba? Puro kahihiyan lang 'ata ang dala nitong nararamdaman ko sa kanya, eh.

C.A.

***

September 10, 2010

Bakit ko ba nasabi-sabing mawawala na siya sa akin, eh, hindi naman naging kami ni minsan?

I must say "bye bye dreams, hello reality." I'm done dreaming. I must really wake up from this nightmare kung ayaw kong mamatay na umaasa sa wala.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang mangyari iyong hindi namin pagkakaintindihan pero bakit parang ang bilis naman niyang nakarecover? Ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko sa kanya gayong alam kong ayaw niya sa akin?

Hindi titigil sa pagikot ang aking mundo kung hindi niya ako kausapin. Hindi mawawala ang liwanag ng aking buhay kung hindi pa rin niya ako papansinin. At lalung-lalo na hindi titigil sa pagtibok ang aking puso kung hindi rin niya ako mamahalin. Hindi rin naman siya ang dahilan kung bakit ako buhay ngayon. Hindi niya hawak ang hininga ko. Kaya kong mabuhay ng wala siya. Kaya kong kalimutan siya.

God, can you give me reasons if I should continue this?

C.A.

***

September 11, 2010

I'm still breathing but I'm also dying at the same time. I'm trying to forget. It seems so easy but it is indeed so hard.

Nangako pa nga ako sa friend ko na kakayanin kong kalimutan siya pero sabi niya: "huwag kang magsisinungaling, baka kunin ka ni Lord."

While writing this, hindi ko mapigilan umiyak, 'di ko nga alam kong bakit pero alam kong mukha na akong tanga. Ni minsan kasi hindi pa ako minahal ng mga taong nagustuhan ko maliban sa mga magulang ko at sa kapatid ko,  sa kanya ako labis na nasaktan kasi ngayon ko lang napagtantong hindi ko na pala siya gusto, mahal ko na siya.

Malayo talagang magustuhan niya ako. I don't know why I'm still hoping... I really must figure out how to make this feeling end... how to let go of everything... how to move on and how to forget.

Akala ko, hinahawakan din niya ako para huwag akong lumayo... iyon pala, ako na lang nakahawak sa kanya at hinihintay na lang niya akong bumitaw.

C.A.

***

September 12, 2010

Month one. Isang buwan na pala. Isang buwan na ang deadma'han namin at isang buwan na rin akong tatanga-tanga sa kanya.

Lonely monthsary, mademoiselle.

C.A.

***

September 15, 2010

'Di ako nakasulat ng ilang araw. I passed out sa school, then, medyo hilo talaga ako. Bakit kasi wala pa ang result sa ospital? Ang tagal naman.

Mga poems na binigay sa akin ang mga kaibigan ko:

Can't you not hear me?

My heart is always shouting your name

but why is it you don't do the same?

Can't you not hear its voice?

But it's getting louder to noise.

Should I show my actions?

For me to know your reactions?

Should I give up my destiny?

Or just continue my stupidity?

Isa pa:

Love is never a mistake

To love is fantastic

full of magic

It's really cool

but sometimes makes you fool.

It's a game of give and take

but sometimes force you to do some mistakes

It can make your feelings roll

but be careful, 'cause sometimes, in some ways, it can make you fall.

And last:

Still pretending

I am still pretending

at the same time I am also giving

Pretend to be right

'cause I don't want to fight

The pain is already here

so it starts to fall my tear

I want to cry to show the real

and for you to know what i truly feel

But what else can I do?

if you love her, too

I can only pretend

and make my feelings end.

Tama nga naman... time heals all wounds... but time could be forever..

Mahal... na mahal... na mahal ko siya...

C.A.

***

October 1,2010

Three days ako sa hospital kasi nawalan na naman ako ng malay. Pinagbawalan naman ako ni papa at kuya na magsulat at magbasa... tinanong ko sila kung ano ang findings ng doctor pero pareho naman silang umiiwas na sagutin ko... ang weird nila... kung nandito lang sana si mama. Kung sana hindi siya naging atat na pumunta sa heaven, eh, 'di sana may mapagsasabihan ako ng kung anu-ano. Ang hirap talagang maging prinsesa.

Pagpasok ko sa school kaninang umaga, para akong artista na tinanung-tanong nila kung bakit daw ba ako absent. Siyempre, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pumayat daw ako. 'Tapos hinintay ko siyang siya naman ang magtanong kung bakit ako nag-absent pero naghintay na naman ako sa wala.

C.A.

***

October 2, 2010

Ang sama na naman ng pakiramdam ko pero pumasok pa rin ako.

Tri-ny kong kausapin siya pero linayuan naman niya ko. 'Di rin man lang niya ko tinapunan ng tingin na labis na kinasama ng pakiramdam ko---emotionally.

Pinabayaan ko na lang siya kasi lalabas akong masama kung pipilitin ko pa siya.

C.A.

***

October 5, 2010

Nagtataka na talaga ako kung bakit madalas akong mahilo ako. Kaya hindi na ako naniwala sa mga palusot nina papa at kuya na wala pa daw ang findings.

Sobra namang tagal no'n. I sneaked out sa room ni papa habang nasa living room sila ni kuya.

Naghalughog ako sa cabinets niya... sa itaas at ilalim ng mga appliances niya... nang wala akong mahanap, umupo ako sa kama... ang lambot nga ng kama, eh... nang bigla akong may nakapang umuusli sa ilalim ng unan ni papa.

Napangiti ako nang makita kung ano iyon. Isang long brown envelope na may nakasulat na pangalan ko sa likuran at pangalan ng ospital na pinagdalhan sa akin. Kinabahan agad ako. May nilabas akong kung ano... binasa ko iyon... bigla akong napaiyak... bakit ayaw sabihin ni papa sa kin iyon? Kaya ba lagi silang umiiwas ni kuya? 'Di ba tamang malaman naman ko na kaunti na lang ang natitirang panahon ko sa mundo?

Lalabas na sana ako at ipapakita ko iyon kina papa nang biglang bumukas ang pinto at nakita ko si papa... nagulat siya sandali... napalitan iyon ng lungkot. Umiiling siyang lumapit sa akin.

"Pa, kailan niyo pa nalaman 'to?" tanong ko na medyo humihikbi.

Sinagot niya ako na noong isang buwan pa daw... now I know... now I know na ilang buwan na lang ang natitira sa akin para gawin ang gusto kong gawin.

Brain tumor. Ano ba iyon? Hindi ko nga alam 'yon. Bakit ako nagkaroon gano'n? Bakit meron ako no'n?

Yumakap sa akin si papa at sinabing may lahi daw kami ng ganoong sakit. Ang malas ko naman at ako pa ang nakamana... ang malas-malas ko sa lahat ng bagay. Sabi ni papa, stage three na raw pero puwede pang madaan sa mga gamot at chemo. Pero habang pinapakinggan ko si papa, nakita kong naglilikot ang mga mata niya, garalgal din ang tono niya. Bakit may pakiramdam akong wala na akong pa-asang gumaling pa?

C.A.

+++

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
228K 5.9K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
4.9M 76.9K 28
With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa'...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...